1 minute read

Point-blank

Next Article
ProTam

ProTam

Niel Joshua M. Lerin @AshenJulio

A gun in my mouth

Advertisement

Ready to muzzle my voice Bang! And then silence

Ranniele F. Maspat @lalalaheyitisme

“...inaabisuhan po ang lahat na maging maingat at laging maging handa.”

Matapos ang naging anunsyo mula sa radyo ay agad na kumilos si Mang Pedring at Aling Rosa. Mag-aalas tres na ng madaling araw, madilim ang paligid, malamig, tahimik ang mga kuliglig, ngunit ang lahat ng tao ay gising. Sila ay gising, naghihintay, at nakikiramdam. Sa bawat sipol ng hangin ay maririnig nagbabadyang ulan.

Pagpatak ng alas-kwatro, bumuhos na ang inaabangang ulan na dulot ng bagyo.

“Andoy! Yung palanggana! Isahod mo na,” nagmamadaling utos ni Aling Rosa habang niyuyugyog ang natutulog na anak. Pupungas-pungas na agad kumilos si Andoy upang kunin ang mga pang-sahod sa mga butas ng kanilang bubong.

“...pinag-iingat po ang lahat at pinaaalalahanan na laging maging I AM READY.”

Matapos ang naging anunsyo sa telebisyon ay agad na sumilip si Andoy sa kanilang bintana. Mag-aalas tres na ng madaling araw, madilim ang paligid, malamig, maririnig ang busina ng mga sasakyang nagmamadaling makarating sa kanilang pupuntahan, at ang lahat ng tao ay gising, ang-aabang at nagmamatyag sa updates patungkol sa parating na bagyo.

Pagpatak ng alas-kwatro,bumuhos na ang inaabangang ulan. Ang bawat patak ay tila maliliit na batong lumalagaslas sa bubong; malalaki, mabigat, at inaasahang mapaminsala.

Sa mga oras na ito ay naalala ni Andoy ang mabilis at maagap na pagkilos ng kaniyang mga magulang tuwing umuulan. Yuyugyugin siya ni Aling Rosa para gisingin at ipahanda ang mga palanggana.

Tahimik na nagkakape si Andoy habang nanonood ng telebisyon, hinihintay na lumipas ang malakas na ulan. Napako ang kaniyang mga mata sa mga palanggan na nakasabit sa isang tabi, tahimik na ngingiti sapagkat hindi na niya kailangang ihanda ang mga ito.

This article is from: