4 minute read

ProTam

Sebastian Ardie M. Tan @sbs_tan

Tahimik na nakahiga si Kulas sa sofa nang bigla siyang bulabugin at tanungin ng kanyang ina.

Advertisement

“Kulas, bertdey mo na naman bukas, ano gang gusto mo sa buhay mo?”

“Simple lang naman ho inay eh, magkaroon ng maraming kwarta, milyones ba tapos malaking bahay, maayos na trabaho. Kapag ipinagkaloob sa akin yun, ay talagang ginhawa tayong lahat” ani ni Kulas.

Binigyan ng isang malakas na sapok ng kanyang ina si Kulas.

“Inay? Bakit? Ang sakit!”

“Bwisit ka! Trenta ka na bukas, dalawampung taon ka ng pahiga-higa dito sa atin!” tula

Akala ko ba..?

Mattheaus Hrodrich G. Immaculata @matttchoiii_51

Walang sino man kayang makapagsalita

Boses ng kabataan ay sinasakal nila

Anong opresyon ang kanilang pinapakita

Kung pinagmamalaki nila na ang kabataan ang pag-asa?

Iisa ang aming sinisigaw, “Hindi na namin kaya!”

Sana umabot sa kanilang mga tenga at mata

Magpakatatag at laging maghanda

Mensahe para sa aking mga kapwa bata

Huwag mawawalan ng lakas

Dahil tayo ang magliligtas

poem

Fool’s Gold

Neil Joshua M. Lerin @AshenJulio

Silence does not mean peaceful Look at the graves, quiet but dreadful Speak up and you are a fool!

Blessed are those kneeling before the powerful

Time flowed and years passed Now the truth is outcasted!

Worshiping criminals unmasked Under their false gods they basked

But who am I to be heard of what I have told I am for the truth not for the gold I need not to be scolded and consoled For I am not the one who is manipulated and controlled

Gagamboy

Ranniele F. Maspat @lalalaheyitisme

Napakainit ng tanghali. Nararamdaman ni Jose ang nakakapasong init ng araw sa kaniyang batok, tila kumukulo at malapit na malusaw. Dahan-dahang niyang iniaapak ang mga paa sa halos lumundong hagdanan; luma at marupok na.

“Jose! Bilisan mo!” sigaw ni Aling Nora mula sa baba, palinga-linga sa paligid habang bitbit ang isang rolyo ng wire.

“Oo na, oo na inay! Sandali lang naman kasi! Kahirap kaya pumanhik dine,” sigaw pablik ni Jose sa matandang nasa ibaba.

Isa. Dalawa.

At sa huling hakbang ay narating din ni Jose ang bubong ng kanilang kapitbahay. Maingat siyang umaapak sa yero, iniiwasang gumawa ng ingay na pupukaw sa atensyon ng mga tao sa paligid ng bahay na kinatatayuan niya.

Kinakabahan si Jose sa inuutos ng nanay niya. Pangatlong beses na nila itong gagawin, ngunit ito ang unang beses na hindi niya kasama ang ama. “Jose! Bilis! Baka umuwi na yung mga yun,” pagmamadali ni Aling Nora sa anak. Dahil sa pagmamadali ni Aling Nora ay mas kinabahan si Jose; natatakot at nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang utos ng kaniyang nanay.

“Kung nandito lang si Tatay, eh di sana kampante ako sa gagawin ko,” bulong ng binata sa sarili ng marating ang poste ng kuryente. Habang kagat ang wire ay sinimulan na ni Jose ang ipinapagawa.

Matagal nang gawain ng pamilya nila Aling Nora ang ilegal na pag-tap sa kapit-bahay. Sa tuwing kakapusin sila at mapuputulan ng kuryente ay agad na inuutusan ng ilaw ng tahanan ang kaniyang asawa na si Mang Karding at panganay na anak na si Jose na umakyat at maki-tap sa kung sino mang maaari nilang pagdikitan ng wire.

Sa unang beses na nagawa nila ang ilegal na gawain ay naging matiwasay ito. Hindi sila nahuli, at matagumpay na naka-ligtas sa pagbabayad ng kuryente sa loob ng tatlong buwan. Natuwa si Aling Nora sa naging bawas sa kanilang mga bayarin; kaya naman nang maputulan muli sila ng kuryente dahil sa dalawang buwan na pagkakautang ay mabilis pa sa alas-kwatrong inihanda niya ang wire, cutter, at hagdan na gagamitin.

Mula sa maayos na karanasan noong unang beses nilang maki-tap ay naging confident ang padre de pamilya. Sa pangalawang beses nilang isagawa ito’y pinasawalang bahala ni Mang Karding ang mga pag-iingat na dapat isa-isip. Inakyat niya ang nagtataasang pader ng kapitbahay na mayaman, kampante at walang bahid ng pag-aalala para sa sarili.

Nagkamali ang matanda sa hinawakang wire; nang maisip ni Mang Karding ang nangyayari ay huli na ang lahat. Dumaloy na sa buong katawan niya ang mainit at nakakamatay na kuryente.

Nangisay ito, ng nangisay, hanggang sa tumigil ito at tuluyang mahulog mula sa kinatatayuan.

Napangiwi na lamang si Jose sa mapait na alaala ng yumaong ama. Mula noon ay ipinangako na niya sa sariling hindi siya lalapit sa kahit na anong wire lalo na kung hindi siya siguradong ligtas ito.

Yun ang sabi niya sa kaniyang sarili.

Wika nga ng mga millenials, promises are meant to be broken.

Kaya naman narito siya sa bubong ng kapitbahay, maingat na ikinokonekta ang wire na magbabalik ng daloy ng kuryente sa kanilang tahanan.

“Tapos na inay!” nagagalak na sigaw ni Jose sa kaniyang nanay sa ibaba. Mabilis na pinunasan niya ang umaagos na pawis, at nagmamadaling iniligpit ang mga gamit.

Nang marating ni Jose ang hagdanan ay nagulat siya sa nakitang naghihintay sa ibaba. Naroon ang kanilang mga kapitbahay, na tulad nila ay naputulan din ng kuryente. Nakangiti ang mga ito habang ipinapakita kay Jose ang kanikaniyang bitbit na wires.

At mula noon, ay nakilala si Jose sa kanilang maliit na komunidad. Tinawag siyang gagamboy, ang tagapagdala ng kuryente sa mga nagigipit.

Naging masaya ang kanilang komunidad, maliwanag, puno ng buhay, at walang problema.

(Hangga’t hindi dumadating ang Batelec)

Nosi ba lasi?

Sebastian Ardie M. Tan

@sbs_tan

Mas mainam nang kainisan ng karamihan dahil sa paggampan ng iyong trabaho

Kaysa gustuhin ka ng madla ngunit patuloy ang pagbabalatkayo

Hindi nangangahulugang tama ang nakararami at hindi rin mali ang iilan.

Nagmamala-panadero, ang huhusay magmasa ng kwento.

Hindi naman manggugupit ngunit gumagawa ng mga kwentongbarbero

Kakaiba ka, kaya ayaw nila sa’yo.

‘Wag nang intindihin, hayaan mo silang mag-imbento.

Hindi mo trabahong gustuhin nila, hindi ka nila kabisado

Manatili sa iyong sentro, maglakad ng tuwid at humayo.

Mahirap imulat ang nagbubulag-bulagan at mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan.

Hindi nabibili ang respeto

Hindi basta ibinibigay

Hindi rin ito hinihingi

Pinagtatrabahuhan ito.

May 9, 2022

Jomardel J. Constantino @thejomable

minsang nahati inang bayang mumunti ngayo’y pighati

haiku

This article is from: