1 minute read

GISENG

“PRE, GISENG NA!!! Late ka na!!!” Sigaw ng isang roommate ko sa dorm.

“Ha? Wala namang pasok ehh.” Sagot ko habang pupungas-pungas na bumabangon.

Advertisement

“Tanga ka, graduation natin ngayon, gumayak ka na biliis!”

Parang kailan lang

Gumising ng alas-sais, naligo at kumain diretso eskwelahan. Pumasok sa dating unibersidad, hindi na bilang mag-aaral ngunit isa ng gurong minamahal.

Aninag

Ralf L. Payonga @rlfieee

“Mga pre, tara gala tayo pahangin lang. Sunduin ko kayo ha?” Chat ko sa gc naming magtotropa.

Habang binabalot ng kulay na kahel ang dapithapon, unti-unting napuno ang sasakyan sa pagsundo ko sa mga katropa ko, at sinimulan ko ng paandarin ang sasakyang kakukuha lang sa casa.

Hinayaan ko lang ang sasakyan na dalhin kami sa kung saang kalye man ang pwedeng bagtasin habang napapaliligiran ng mga taong naging mahalaga sa buhay ko.

Nang inayos ko ang posisyon ng side mirror habang dumadaan sa Calle Hermano Pule, kaagad kong naaninag ang isang magbarkadahang nagkwekwentuhan, at bakas sa kanilang mga mukha at kilos ang galak at gaan ng buhay habang silang magkasama.

Isang kaibigan ko ang nagsabing, “Sampung taon na ang nakalilipas, nandoon tayo sa kalye na yon, kinakain ang siomai rice na palagi nating inoorder habang nakatingin sa paligid at nangangarap ng makapaggala at makapag-roadtrip gamit ang isang sasakyan.”

“Sarap balikan ng panahon, lalo’t nakamit na natin ang mga pangarap natin sa buhay nang nandito ang isat-isa,” Sagot ko sa kaibigan ko, at unti unti kong napagtantong, kaming mga batang nangangarap noon ay mga inhinyero na, biologist, at mamamahayag na.

limerick

This article is from: