1 minute read

Kung Sakali

Jorge M. Gutierrez @jhorge16mg

“Bigas ay Bente pesos na,”

Advertisement

“Bilihin na kay mura,”

“Bagsak presyo na ang krudo at gasolina,”

“Kulay rosas na ang bansa,”

Talaga namang nakakatuwa bilang mamamayang Pilipino na ang kinikita ay wala pa sa minimum fare ng isang empleyado kasi sa ganitong kalagayan ay sasapat na ang aking sahod sa gastusin sa araw araw. Ako nga pala si Jose isang lisensyadong Inhinyero pero kulang na kulang ang sinasahod ko para suportahan ang anak ko. Isa akong single dad na pilit itinataguyod ang kinabukasan ng aking anak gayundin ang panggamot ng nanay kong may alzheimer’s.

Nakatitiyak akong kasya na ang isang libo sa isang linggo naming pagkain ng mga mahal ko sa buhay. Makakatikim na kami ng nilagang baboy, pritong manok, sinigang na tilapia at ginataang pakbet kasabay pa nito ang pag unlirice. Maipapasyal ko na sila sa plaza, sa mall at sa kapitolyo. Mabibilhan kona din ng bagong damit si nanay at bagong laruan ang aking anak. Kay unlad, kay ganda na ng ating bansa sa ilalim ng pamamalakad ng isang eba. Bansang Pilipinas na hindi mo aakalain, ngayon ay mayabong at masagana.

Sa aming paglalakad patungo sa gitna ng plaza kung saan naroon ang fountain ay tila ba nahulog ako sa kawalan. Pagmulat ng aking mga mata, “Papa, si Lola lumabas!” mungkahi ng aking anak habang ako’y ginigising mula sa aking pagkakatulog. Agad-agad akong bumangon sa kama at tinungo ang salas para kunin ang susi ng motor ngunit napatigil ako ng mapakinggan ko ang balita,” 7.7% na ang Inflation Rate ngayong buwan kaya naman tila tayo ay nasa Golden Era,” ulat ng newscaster.

Panaginip lang pala, Isang magandang panaginip na hinahangad ng bawat mamamayang pilipino. Kung sakali mang ako’y papipiliin, ay itutuloy ko ang aking panaginip. Sinuot kona ang helmet para hanapin si nanay.

Rhopalocera

Once was a crawling leafworm Chewing, munching, swallowing Non stop throughout the day At varying spots of a leaf Here comes the metamorphosis season The caterpillar swiftly creeps up the stem Enclosing itself to a chrysalis Away from the chaotic noise of the world

Transforming from a mere squirming larva Into something so mesmerizing and breathtaking A butterfly, a rhopalocera

This article is from: