1 minute read

Patintero

Christopher Mikhail P. Acyatan @haihaihairu_

Takbo! Takbo!

Advertisement

Ilagan mo ang katamarang

Umaabot sa gilid mo

Lagpasan ang kalungkutan

At galit na iyong kinahaharap

Huwag kang magpapataya

Sa mga sinasabi sa iyong likuran

Napapaligiran ka na

Ng mga negatibo sa buhay

Ngunit sa patintero, Hindi ka nag-iisa…

Mayroon kang mga kakampi

Na iyong kasangga

Magagambala mo

Ang kanilang mga hinaharap

At aabalahin nila

Ang balak humablot sa’yo

Walang makakarating

Sa kabilang dako

Kung wala kang kasama

Sa larong ito

Papaligiran nila kung sino man

Ang sinubukang tumawid mag-isa

Lulunurin sa kalungkutan

Ang sumabak na walang kasama

Kaya’t ikaw, maswerte ka

Andito ako; kadatig ka

Handang ibigay ang balikat

Sa tuwing may problema

Kaya huwag kang mag-alala

Maitatawid natin ang larong ito

Na tayo ay magkasama

P A K A Y

Lumalalim na ang gabi. Katatapos lang ng klase at uuwi na lang kaso ayoko pa. Kahit alam kong pagagalitan ako pag-uwi, kasi sino ba namang matinong babae ang magpapa-abot ng animasmas at mag-papalumot sa labas e anong oras na. Wala e, ang lungkot lang talaga. Kanina ko pang pinipigilan ang mga nagbabadyang luha at nakakahiya naman sa taong nasa likuran. Pero, nakasisiguro akong, isang kulbit mo lang, isang sulyap mo lang, baka di ko mapigilan pa.

Ilang sandali, impit, nang magtagpo ating mga mata kasabay ng pagtama ng ilaw mula sa sasakyan sa di kalayuan habang tayo ay hindi pa rin makausad sa trapiko. “Ngayon lang naman”, ika ko sa aking isipan. Pasensya na. Mauubos na yung gas pero pinili ko pa ring hindi umuwi kahit malapit na sa amin. Tinanong mo ko, “bakit ayaw mo pa?” at sinagot kita ng katahimikan. Muli mo kong tinanong pero parang wala ka nang kausap. “Payakap,” bulong ko. Inulit ko pa, “yakapin mo ko.”

Guard Kase

Mahuhuli na ako sa klase, 2 minuto na lang magsisimula na. Dali-dali na akong nagscan ng QR Code sa gate, hindi umayos, ayaw gumana. Pinagpapawisan na ako at makalipas ang 3 minuto saka pa lamang ito nascan at biglang nagsalita ang guard, “Masyado kasing nakazoom kaya di mabasa”. Sa loob-loob ko “Bakit hindi mo agad sinabi edi sana hindi ako nahuli sa klase.”

Manifestation

Abegail M. Arriola @abbychichu

Ako’y nanlamig nang tuluyan ng lumabas ang resulta ng aking pagsisikap para sa semestreng ito. Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala sa nakuha kong marka. Alam kong may mali. Bakit tres lamang ang aking natanggap, e nag-high grades cutie naman ako?

This article is from: