2 minute read

⚠ Message not sent.

Kim Lawrence D. Cortez @kyem_lowrenz

Mark replied to your story

Advertisement

: hoy may balita ako sayoo

: If about na naman ‘to kay Angela, please tama na. Harap-harapan ka nang niloko ng tao.

: Ayokong manumbat pero ‘di ako naging best friend mo para panoodin ka lang paglaruan ng sinu-sino diyan ‘no.

: ala ang sweet

: wala akong barya neng next time na lang

: eeee kaseeeeeee

: wait kinikilig ako

: AH SO SI ANGELA NA NAMAN?

: hindiii

: si ano : si colleen?

: yung nireto mo sakin before

: sinagot na niya ako

: kanina lang

: HAHAHAHAHAHA salamat sa reto bes

: labyuuuu

: Oh, anong meron?

: I love you too. (⚠Message not sent)

Tuhugan

Jomardel J. Constantino

@thejomable

Merong tuhugan dine sa amin na ako lang ang may alam

Wari ko’y malapot ang sauce, tunay na malinamnam

Wala akong barya pero hindi ko na mapigilan

Ika ko nga ay “ Tukso ako’y iyong layuan”

Pero sige na nga, “Manong, patikim ng iyong kikiam” tiny tale

Community Guidelines

Ed Angelo M. Dealola @edangelostyles

Scrolling lang ako sa TikTok nang madaanan ko ang isang lalaking online seller. Walang pantaas, maskulado, chinito na may pagka mestiso.

Sa sobrang daming nag co-comment, ‘di ko na rin napigilan.

“Kasya ba sa box, kung ‘yang mga ngiti at pandesal mo ang bibilhin ko?”

… “ A comment you posted was removed for violating our community guidelines.”

Hindi ata binebenta ang pandesal sa lamesa, sayang, sold out sana.

dagli

Artistahin

Isang napakainit na araw, ako’y banas na banas at kahit i-number 3 ko na ang electric fan at itutok ay talagang tulo na ay kayat pa ang pawis.

“Ma, alis muna ako, papalamig lang ako sa SM” paalam ko sa aking ina.

“Sige, ingat ka, ibili mo rin ako ng kojic sa watson” sambit niya.

Habang naglalakad papuntang sakayan ay may nadaanan akong nagbebenta ng mga phone case at nag-aalok ng tempered glass sa halagang isang-daan.

“Pogi, case ka na diyan, tempered pogi murang-mura na.”

Hindi ko sila pinapansin pero sa aking loob-loob ay talaga namang kahit tindera ay napopogian sa akin.

Naglalakad na ako sa SM nang bigla akong napatigil sa poster ni Daniel Padilla.

“Ano ga namang gwapo talagang nitong taong ito” pabulong na sabi ko sa aking sarili.

“Miss, magkano ga itong poster ni Daniel Padilla” tanong ko sa saleslady.

“Sir, hindi po ‘yan poster ni Daniel Padilla, salamin po talaga ‘yan” tumatawang sagot sa akin ni ate.

Mahirap maging Pogi

Neil Joshua M. Lerin @AshenJulio

“Pogi, anong gusto mo?” tanong ng babaeng amoy isda.

“Pogi, dito ka na lang,” anyaya naman nung ale habang pinapakita ang kanya raw sariwang tahong.

Ganitong mga bumubungad sa’kin sa araw-araw. Pagod na ako. Ang hirap pala nito. Andaming tukso sa paligid, maraming gustong kumuha ng atensyon ko. Hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko. Araw-araw kong pinapasan ang mabigat na responsibilidad na ito. Ako lang naman kasi sa pamilya namin bukod-tanging nakakaangat sa buhay kaya heto ako ngayon, namimili sa palengke.Kahit nabibigatan sa mga pinamalengke, ayos lang kasi nagiging pogi naman ako kahit papaano.

Mahi-letroniko

Christopher Mikhail P. Acyatan @haihaihairu_

Ano nga ba ang mahika, kundi siyensyang hindi sakop ng ating kaalaman? Ang simpleng teleponong ating kinagawian, sa isang mangmang, ay isang mahika. Aba, sa isang pindot mo lang, abra kadabra! Darating ang isang karwaheng dadalhin ka sa lugar na iyong nais. Sa isang pindot mo lang, hocus pocus! Magkakaroon ka ng mahiwagang salamin na nagdurugtong sa’yo sa nasa malayong lugar. Sa isang pindot mo lang, alakazam! Makikita mo na ang impormasyong iyong hinahanap. Hindi mo man pansin, ngunit tayo ay nasa kapanahunan ng mahika - mga bagay na noo’y inakalang imposible, atin nang nagagawa.

This article is from: