1 minute read

GCH

Christopher Mikhail P. Acyatan @haihaihairu_

Walking home after classes are over Lamps not lit and the breeze makes it colder

Advertisement

The darkness of the night

Can be peaceful and quiet Until someone taps you on your shoulder!

Tao Po!

Isang tahimik na gabi, gumagawa ako ng aking mga takdang aralin. Bigla akong napahinto ng makaramdam ng pananakit ng tiyan. Agad akong pumasok sa banyo upang magbawas. Habang ako ay nakaupo sa inidoro narinig kong may tumatawag ng aking pangalan mula sa labas “King, King” sabi ng boses. Agad kong pinatay ang lumalagaslas na tubig sa banyo upang marinig ng maayos kung sino ang tumatawag. Hindi ko maulinagan ang boses sapagkat nawala ito. Muli kong binuksan ang gripo narinig ko na naman ang boses, sa pagkakataong ito boses ng aking ama ang naririnig kong tumatawag. Agad akong tumayo upang patayin muli ang tubig at tinapos ko na ang aking pagbabawas. Papalabas na ako ng banyo at pahawak na ako sa door knob ng bigla kong naisip, anong gagawin ng aking ama dito sa aking dorm, alas 10 na ng gabi at walang pasabi na siya ay darating. Naalala ko ang paalala sa akin. Kapag may tumawag, Huwag kang tutugon, Huwag kang magbubukas ng pinto kung walang kumakatok at nagsasabi “tao po” na ang ibig sabihin TAO ang nasa pinto. Ang mga nasa nakaraan ay dapat manatili sa nakaraan hindi dapat paratingin sa kasalukuyan. Sa katakutan ko nakalimutan ko hindi ko na flush ang toilet, nakakahiya sa sumunod na gumamit.

tula

Tewups

Sebastian Ardie M. Tan @sbs_tan

Sinubukan kong kalasin ang kadenang nakapulupot sa’king katawan

Upang makatakas sa higpit ng kapit mula sa masakit na katotohanan

Gabi-gabing bangungot ang dulot ng mga matong hibang

Nang sa ganon mairaos lamang ang kanilang pagkatigang

Ako’y nagkasala, nagkamali, nakapatay

Kaya naman ngayon sa loob ng selda patuloy na namumuhay

Ngunit pagsapit ng dilim ay palaging nakaratay

Sa matigas na sementong gabi-gabi akong pinapatay

Walang babae sa selda, kaya kahit parehong kasarian ay patol na

‘Di batid sa kaisipan ang sakit na maaring makuha

Basta ba’y titira dahil sabik sa madulas na butas

Urong-sulong ang galawan na may kasama pang hampas

Sigaw, wala ka ng magagawa

Palag, babanatan ka ng walang awa

Yumuko, tumuwad, pumikit, at humagulhol ka na lamang

Habang sila’y sarap na sarap habang ako’y pinaglalaruan

“Tama na, ayaw ko na” patuloy kong isinisigaw

Maawa’t mahabag sa katawan kong nangangayaw

Anong pait nitong sinasapit ko araw-araw

Ayaw ko nang magising! Ibig ko na lamang pumanaw.

Petty Betty

Hydie Mariel M. Adarlo @hydzmrl

I had a neighbor named Betty

We don’t mess with her ‘cause she’s petty

Once a lad said she had a big tummy

She flipped and almost turned him into a mummy

Now Petty Betty is not invited to the party

This article is from: