1 minute read

Raindrop

Daniel Joshua T. Taligatos @Dan_joshh

Smile as much as you can and forget all your worries. Keep fighting and breathing, accept and stop pretending, reach for a wonderful ending.

Advertisement

MEET-UP

Abegail M. Arriola @abbychichu

Nagising ako walong minuto bago mag-alas sais ng umaga. Walong minutong mas maaga sa itinakdang oras ko sa aking alarm. Halata bang excited ako? Oo, excited talaga ako.

Dali-dali akong nagpunta sa banyo upang maligo. Halos trenta minutos ang itinagal ko roon dahil sa paglalagay ng napakaraming scrub sa aking katawan at skin care sa aking mukha.

Matapos kong maligo, sampung minuto naman ang ginugol ko sa pagpili ng damit na aking susuotin. Ano kayang mas magugustuhan ni Carl? Ito kayang pulang bestida o itong dilaw na blouse? Pinili ko ang aking pulang bestida para mas kaakit-akit tingnan at upang mabilis kong mapukaw ang atensyon n’ya mamaya.

Sa paglalagay naman ng kolorete sa mukha, bente minutos ang inilaan ko. Mula sa pagpupulbos, pagkikilay, at paglalagay ng dalawang patong ng mascara sa aking mga pilik at lipstick na pula sa aking labi.

Nagsuklay na ako at pinalamutian ng laso ang aking buhok. Muling kong tinignan ang aking repleksyon sa salamin at napangiti sa gandang taglay ko ngayong umaga. Tiyak kong mabibihag siya ng posturang isang oras kong pinaghandaan kapag nagkita kami mamaya.

Nagmadali na akong lumabas sa aking kwarto dahil ayaw kong mahuli sa pakikipag-meet sa kaniya. Umupo ako sa harap ng lamesa at mukhang hindi ko na pala kailangan maghintay nang matagal. Tamang tama lang ang aking pagdating.

“Good morning class. Before we start, may I request everyone to please open your cameras.”

Sa screen ng aking laptop, nakita ko si Carl, tila bagong gising pa lamang dahil hihikab-hikab pa.

This article is from: