8 minute read

A Blue Morpho

Coleen Jill F. Sajo @HSaijou

Underneath a narra tree, there was a girl. She has been crying for quite some time, as the cold grass beneath hugs her knees. Perhaps they are soothing her, reassuring her that there is nothing to worry about.

Advertisement

However, the girl lost her way home. Earlier, she went off the trail to chase after a butterfly. It had beautiful blue wings–a color she has never seen before from all the butterflies in her garden.

“What should I do? How can I go home now?” tiny tale

As if to answer her question, a butterfly with beautiful blue wings flutters gently on her shoulder. Then, it immediately flies away.

Soon right after, with her tears now dried up, the girl quickly follows it. It is until the butterfly stops in front of a gate that the girl stops as well.

She realizes that she is now standing right in front of her house.

Mariposa

Jomardel J. Constantino @thejomable

Malayo pa lang, amoy ko na ang nakakasalangsang na pabango niya. Ang tunog ng kaniyang four-inch heels ay sumasabay sa kalampagan ng mga sasakyan sa bangketa.

Lahat ay napapalingon sa kaniyang maiksing shorts at lipstick na pula.

"Mariposa, mukhang makakarami ka na naman ngayong gabi ah," wika ng kasamahan niya.

Teka lang

Isang napaka sayang pangyayari ang naganap sa akin nang mapagplanuhan naming magtotropa na akyatin at lakbayin ang ganda ng bundok Makiling. Napagdesisyunan naming magkakaibigan na akyatin ang sikat na sikat na bundok Makiling sa Laguna at may ikukwento ako sa inyo. Ayun na ngaa so eto na nga yung kwento, teka lang pala umaakyat pa kami sa bundok.

maikling kuwento

Pahimakas

Kim Lawrence D. Cortez @kyem_lowrenz

Dinama ko ang pagdaloy ng mainit na kape sa aking lalamunan. Mapait. Sobrang pait. Pero ayos lang, sanay na ako. Sanay na ako sa paulit ulit na takbo ng aking umaga. Gigising, magmumuni-muni, maghihilamos, magtitimpla ng kape. Wala naman akong ibang pagpipilian, kundi tanging kape lang. Wala naman akong perang pambili ng asukal at creamer. Ewan ko ba kung bakit ganitong buhay ang naibigay sa akin. Tanging asukal na nga lang sana at creamer ang magpapaganda ng umaga ko, pero pati iyon, pinagkait pa.

Bata pa lamang ay sanay na ako sa hirap. Hindi rin ako kailanman nakatungtong ng high school. Buong araw akong nagbibilad sa ilalim ng mainit na araw, o minsan ay sa nakakarinding ulan, habang humihingi ng limos sa tapat ng basilica. Hindi ko alintana ang pagod, ang banas, at ang mga tingin nilang puno ng habag. Basta may mag-abot ng barya, masaya na ako. Maibibili ko ng kendi ang kapatid kong si Laura.

Nakababatang kapatid ko si Laura, mas bata ng tatlong taon sa akin. Mataba ang kaniyang mga pisngi, mahaba ang mga pilik, naguumapaw sa ganda ang mga mata, at nakakadala ang ngiti. Walang makakapagsabi na hindi biniyayaan ang pinakamamahal kong kapatid na si Laura. Bungi man ang kaniyang dalawang ngipin sa harap dahil sa pagkain ng napakaraming kendi, maganda pa rin siya at talaga namang nakakagigil.

Syempre, ako bilang kuya, ay laging pinoprotektahan siya. Bata pa lamang kami noon nang minsang may isang batang lumapit sa amin habang nanlilimos kami. Liligawan daw niya ang kapatid ko. Walang kahabag-habag kong hinataw ng dala kong bilao ang batang iyon. Tumakbo naman agad siya sa loob ng simbahan at nagsumbong sa nanay niya habang umaatungal.

“Ikaw talaga kuya! Hahahahaha!”, natatawang banggit ni Laura. Napangiti ako sa ala-alang iyon. Natatawa ako sa ginawa ko. Pero bumalik ako sa realidad nang wala na akong malagok na kape sa tasa. Naubos na pala ang iniinom ko. Kumulo ang tiyan ko sa gutom at napatitig sa mesa. Nakita ko ang isang tupperware na may takip na plato ngunit hindi ko na pinagkaabalahang buklatin pa iyon dahil alam ko namang wala iyong laman.

Tumitig ako sa labas ng aming baro-barong bahay at umupo sa sahig. Tila walang pagbabago. Ganitong ganito pa rin ang tagpo noong naghighschool si Laura. Kay aga niya laging gumising at maagang gumagayak para pumasok sa eskwelahan. Kumakanta kanta pa siya habang nakaharap sa salamin at pinagmamasdan ang sarili habang nakasuot ng unipormeng sobrang bumagay sa kaniya. Tumangkad na siya at mas pumuti, dalagang dalaga na talaga. Mahaba ang kaniyang itim na buhok, at ganoon parin ang mga mata at ngiti niya.

Naalala ko isang umaga ay may napansin akong kakaiba sa kaniya. Tila mas nasasabik siyang pumasok. Nagmamadali din siyang nagbihis at nagsalamin habang nagpapaalam sa akin.

“Kuya, baka gabihin ako ng uwi mamaya ha? Ang dami kasi naming projects, e. Kaya napag-usapan naming gumawa muna ng project sa bahay ng kaklase namin pag uwian,” sambit niya.

Nagtatalo man ang isipan, katulad ng dati, hindi na lang ako umimik. Tumango ako at binigyan siya ng trenta pesos, mas mataas ng kaunti sa baon niyang bente pesos noon. Alam kong kaunting halaga lang iyon, ngunit gusto kong makita ang kapatid kong nararanasan ang mga bagay na nararanasan ng mga kaibigan niya, kahit sa espesyal lang na araw na ito. Ano ba namang pagbigyan ko siya ng isang araw, hindi ba?

Bumalik ako sa aking ginagawa nang makita ko siyang lumabas ng pintuan. Ngiting ngiti siyang kumaway sa akin at nagpaalam. Naghanda na din ako sa aking pagpasok bilang isang construction worker. Nakaramdam ako ng gutom at binuklat ang tupperware sa lamesa. Doon ay nakita ko ang pandesal na binili kanina ni Laura, may palamang pritong itlog na niluto niya kanina. Ipinaghanda niya din ako ng baon na agad ko namang isinilid sa aking bag habang nilalaklak ang napakatamis na kapeng itinimpla ng kapatid ko.

Kinahapunan ay medyo ginabi na din ako nang uwi. Alas otso na nang dumating ako sa amin, kaya gutom na gutom ako. Inakala ko namang nandoon na si Laura, ngunit hindi ko siya nakita. Nakaramdam akong muli ng gutom at napatingin sa lamesa. Nanghinayang ako dahil kinain ko agad ang pandesal na inihanda kanina ni Laura. Dapat pala ay itinabi ko na lang iyon panghapunan. Magtitimpla na lang ako ng kape bilang pantawid gutom pero napansin kong ubos na pala ang creamer at asukal. Hindi ko na lang iyon pinansin at pilit na lang nilagok ang mapait na kape dahil sa kagutuman.

Dumaan ang gabi at nakatulog na din ako sa antok. Ni hindi ko na din naisara ang pintuan dahil sa paghihintay sa aking minamahal na kapatid. Kinabukasan ay nagising ako, ngunit wala pa rin si Laura. Nandoon pa rin ang tupperware, walang laman at hindi naiibo. Wala pa ring laman ang garapon ng asukal at creamer.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa bumabalik si Laura ngunit kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Hindi ko na inatupag pang kumain bago umalis at naglakad na lang dahil tatanghaliin na ako. Napadaan ako sa isang parang na may malaking puno. Pinagkakaguluhan ng mga tao ang punong iyon. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakaramdam ako ng kaba. Kabang hindi ko pa nararamdaman.

“Kuya Estong, si ate Laura!” salubong sa akin ni Boyet, isang batang laging kalaro ni Laura. Umiiyak siya at tila takot na takot. Hinila niya ako patungo sa puno at doon ay nakita ko ang karumaldumal na kinahinatnan ng mahal kong si Laura.

Punit punit ang unipormeng pinakapinapahalagahan niya. Hindi na niya suot ang kaniyang palda, maging ang kaniyang damit pangloob.

Ang kaniyang makinis na balat ay puno ng sugat at pasa. Ang kaniyang leeg ay pulang pula senyales ng walang awang pagkakasakal sa kaniya. Nakapikit ang kaniyang mata, nagpapakita sa kaniyang napakahahabang mga pilik. Naawa ako sa kapatid ko, at napuno ng galit ang aking puso.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong. Gusto kong bulyawan ang mga taong sa halip na tumawag ng awtoridad ay tinitigan lang ang kalunos lunos na katawan ni Laura. Gusto kong umiyak at humikbi, ngunit hindi ko kaya. Bata pa lamang ako ay hindi na ako nakapagsasalita kaya sobrang sakit sa pakiramdam na makita ang sitwasyong ito nang hindi man lang makasigaw. Walang ingay na kayang lumabas sa aking bibig na sana ay makapapagbawas ng sakit. Katulad ng dati, hindi ako umimik.

Pinagsisihan ko ang lahat. Kung may boses lang ako, edi sana napigilan ko siyang umalis. Kung may boses lang ako, edi sana nakapagpaalam ako nang maayos sa kaniya. Kung may boses lang ako, edi sana nasabi ko kung gaano kasarap ang almusal at kapeng inihahanda niya. Kung may boses lang ako, edi sana nasabi kong mahal ko ang kapatid ko. Kung may boses lang ako, edi sana nandito pa siya.

Bumalik ako sa realidad nang marinig ang malalakas na tawanan ng mga bata sa aming harapan. Bumalik sa aking ala-ala ang masasayang pagkakataon sa aming buhay ni Laura. Wala na si Laura sa mundong ito, ngunit nasa puso at isip ko pa din siya. Naririnig ko pa rin ang boses niya tuwing umaga, kumakanta. Nakikita ko pa din siya sa harap ng salamin habang tuwang tuwa sa suot niyang uniporme. Naaamoy ko pa din ang masarap na almusal na kaniyang inihahain, ngunit wala na ang tamis sa aking kape.

Tatlong taon na ang nakalilipas nang mahiwalay sa akin si Laura. Tatlong taon na ngunit ganito pa rin ang takbo ng araw ko. Patuloy na naghihintay sa almusal, patuloy na umaasang maya maya ay dadating si Laura, may dalang asukal at creamer para maitimpla ang kape ko. Ngunit kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan. Hindi na siya babalik kailanman.

Alam ko ring kung nasaan man siya ay hindi niya gugustuhing makita ako nang ganito, kaya mas maigi pang tigilan ko na ang pangungulila at sa halip ay magpatuloy na lang sa aking buhay. Kailangan kong ipakita sa kaniya na malakas ako at masaya nang sa ganoon ay sumaya na din siya.

Tumayo ako sa aking pagkakalugmok at nagsuot ng baro. Lumabas ako ng bahay dala dala ang kaunting barya at tinahak ang daan patungo sa tindahan. Pagkarating ay bumili ako ng asukal at creamer, buti na lamang at maintindihan ng tindera ang mustra ko. Naglakad na ako at napagawi muli sa parang. Nandoon pa rin ang puno na tila nanonood sa aking mga hakbang. Takipsilim na pala, isang buong maghapon na naman ang nasayang ko sa pagkakatulala.

Bumalik ako sa aming bahay at agad nagtimpla ng kape. Nilagay ko ang asukal at creamer na aking nabili at muli ay natikman ko ang tamis na hindi ko na muling natikman nang kuhanin sa akin si Laura. Ininom ko ang kape nang may pangungulila, ngunit sa pagkakataong ito ay may pag-asa. Aalisin ko ang masasamang ala-ala at ipapakita kay Laura na masaya ang Kuya niya.

Ito ang aking pahimakas. Paalam sa’yo Laura. Mahal na mahal kita.

By the Willow Tree

Paul Adrian K. Paraiso @paulygooon

walked around the park she was holding my hand telling me it was cold, or I’ll be lost if I go too far we stop by the willow tree and she says her little prayers tells God to protect the little me that she doesn’t even remember

Two percent

Jasmin Mae M. Pangniban @jaspanganiban

She’sthere again in the balcony, peacefully sitting while staring at her favorite, the moon. I tried to take my steps quietly as I can as I approach her.

“I know you’re there, Sol.” she said as she looks at me with that sweet smile of hers.

“You caught me… again.” I replied. I stand by her side and take glimpse at her. She’s still mesmerized at the moon. I didn’t notice myself suddenly staring at her for a long time. She looks at me and giggles which makes me blush and realized that I was staring at her for a long time.

I quickly shift my eyes on the moon but I can feel her still looking at me with that smile. When I looked back at her, I cannot explain it but I can see in her eyes that she is thinking something deeply.

“Is there something bothering you?” I asked as I hold her hand.

“Phobes said to me that the love we have built for each other only have at most two percent of lasting for a lifetime, that we are only confused at the moment and soon we’ll find the one that is truly destined for us.” I can see how her smile dropped as soon as she start uttering those phrases.

“We don’t know what’s going to happen in the future but, if that’s the case then, I am glad that I am taking that chance of two percent with you, Luna.” I said as I rest my forehead on hers. She holds my hand that’s on her cheeks as we both closed our eyes and smile, feeling that magical moment of holding and trusting onto that two percent.

tula

Sana

Sebastian Ardie M. Tan @sbs_tan

Kung hindi lumalim

Kung hindi bumaon

Kung hindi lumabis

Kung hindi naghinagpis

Kung umintindi

Kung nakinig

Kung nanahimik

Kung nagtiwala

Mabigat ang salitang sana pero...

Sana, hanggang, sana na lang talaga.

This article is from: