2 minute read
RESTORATION
“Bayad daw,” ani ng aking katabi at inilagay sa palad ko ang mga bariya.
“Bayad daw po,” aking iniabot ang mga barya sa drayber. Nagtama ang aming mga mata at kaagad naman akong umiwas ng tingin.
Advertisement
Lima hanggang pitong beses na ata akong nag-abot ng bayad ng mga pasahero sa drayber, at sa tuwing iaabot ko ang mga iyon sa kaniya ay makikita ko ang kanyang matagal na pagsulyap sa akin mula sa salamin ng kanyang jeep.
“Malapit ka na bumaba. Nagbayad ka na ba?” Bulong ng kaibigan ko.
“Oo nga pala,” pagkukunwari kong nakalimutan ang pagbabayad. Kung hindi pinuna ng aking kaibigan ay wala talaga sa plano ko ang pagbabayad ng pamasahe sa dyipning nasakyan namin ngayong gabi, kung kaya’t labag sa loob ang ginawa kong pagdukot sa aking bulsa ng onse pesos na bariya at muli itong iniabot sa drayber.
“Bayad po, at para na po sa tabi,” ani ko sa drayber na nakatingin sa akin nang mayroong malungkot na ekspresyon sa mukha.
Nang huminto ang jeep ay dali-dali na akong bumaba. Pagkatapos ng biyaheng iyon ay halos sampung minuto naman ang akong naglakad pauwi sa aming bahay. Buhat sa gutom mula sa biyahe at paglalakad, pagkauwi ko sa amin ay dali-dali akong nagtungo sa kusina upang kumain. Naroon ang aking ina sa hapag-kainan, kumakain ng bagong gisang sardinas.
“Pasensya ka na ‘nak, kapos tayo ngayon. Napakahirap kumita ng pera,” pagpapaumanhin ng aking ina na hindi naman niya dapat na ginagawa. Tumango lamang ako sa kanya at nagtungo na sa lamesa upang sumandok ng pagkain.
Bawat subo ng kanin at sardinas ay tila napakahirap para sa akin lunukin ngayong gabi. Hindi dahil sa ayaw ko sa ulam namin ngayon o ‘di dahil sa bahaw ang aming kanin, kundi dahil— ewan ko. Hindi ko rin mawari.
Nang halos patapos na ako sa pagkain ng aking hapunan ay may kumatok sa aming pintuan. Ako na ang tumayo sa hapag upang pagbuksan ito.
Binuksan ko ang pintuan at iniluwal nito ang aking ama na mababakas sa mukha ang pagod mula sa maghapong pagtatrabaho.
“Magandang gabi po, tay,” bati ko sa kanya habang nag-iiwas ng tingin dahil sa hiyang maaari kong maramdaman kung sakaling magtagpo ang aming mga mata.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang lagpasan lamang ako ng aking ama. Para bang hindi niya ako nakita o narinig. Tila ako’y isang estranghero para sa kaniya ngayong gabi, kagaya ng pagturing ko sa kan’ya bilang isang estranghero kanina sa loob ng aming pampasaherong jeep.
poem
Affinity
Ariel L. Magpantay Jr. @mistereyyyy
12th day of september
Everything is calm and in place I walk towards the gate, As I see the postman
He handed me a newspaper
I looked at the headline, it says “Philippines tops stock exchange”
No crimes reported, no chaotic topics; Indeed, a new era for the country
But we never forget history tulang palindrome
Hanggang sa magising ako
Mattheaus Hrodrich G. Immaculata @matttchoiii_51
Maganda ang liwanag ngayong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Ang mga tao ay nagdiriwang sa kalsada
Kinig ang lakas ng mga hiyaw at sigaw
Nandito na tayo sa perkpektong Mundo
Hanggang sa magising ako
Isang panaginip lang pala
Akala ko natuto at nakatakas na tayo sa kahapon
Ang mga pangarap ng tao ay nasira at nawasak short story