1 minute read
Starting Over Again
Ranniele F. Maspat @lalalaheyitisme
“Hay, nakasakay din,” bulong ni Jhemerlyn sa sarili habang inaayos ang pagkakatapat ng aircon sa kaniyang upuan. Matapos ang maghapon sa school, ay nasa bus na Jhemerlyn pauwi ng Lipa.
Advertisement
“two old friends, meet again,” tunog ng cellphone ng naka-upo sa likuran ng dalaga. “Now we’re starting over again,” pagpapatuloy ng tugtog na mukhang ayaw pahinaan ng pasahero sa likod.
Nagsimula nang umandar ang bus, at inilabas na ni Jhemerlyn ang kaniyang cellphone upang magpalipas ng oras. Sunod-sunod ang pagdating ng mga notification sa kaniyang kabubukas lamang na cellphone.
Agad na pumukaw ng kaniyang atensyon ang mga mensahe sa isang group chat. Ang group chat ay mayroong 99+ na mga mensahe kaya naman agad na kinabahan si Jhemerlyn kung anong na-miss niya sa pag-uusap ng kaniyang mga kagrupo.
Sandamakmak na mention ang bumungad sa kaniya, mukhang nagkakagulo ang mga ka-grupo niya.
Hindi maisip ni Jhemerlyn kung anong dahilan ng gulo, kampante naman siya na naipasa niya ng ayos kanina ang kanilang proposal para sa final project nila sa isang major subject.
Leader: @/Jhemerlyn Marie
Leader: sisss huhuhuhu, mali daw yung content nung proposal natin. Nag-email si sir sa akin.
Jhemerlyn Marie: Hah!???
“And now we’re starting over again,” biglang lumakas muli ang tugtog ng pasahero sa likuran ni Jhemerlyn; napapangiti ng mapait sa nalamang balita.