2 minute read

BUWANNGWIKA

Taga-Tagbanon, wagi sa Sabayang Pagbigkas, Modernong Sayaw

by REGINE BALADERO

Advertisement

Nag-uwi ng dalawang parangal ang Caduhaan National High School -Tagbanon Extension

(CNHS-TE) sa Pandistritong

Pagdiriwang ng

Buwan ng Wika sa

CNHS, Agosto 18.

Ginawad ang ikalawang puwesto sa grupo ng magaaral mula sa CNHS-TE sa patimpalak sa Sabayang Pagbigkas habang ikatlong puwesto naman sa Modernong Sayaw.

Dalamwampu lahat ang miyembro ng pangkat mula sa paaralan na sumali sa Sabayang Pagbigkas; ito ay binubuo ng isang drummer at 19 mamimigkas.

Samantala, ang grupo naman ng mananayaw mula sa paaralan na sumali sa Modernong Sayaw ay binubuo ng walong magaaral.

Labis ang saya ng mga mga taga-CNHS-TE, lalunglalo ni G. Stephen O. Calixton, koordineytor sa Filipino ng paaralan, dahil sa panalo ng mga TagaTagbanon.

“Ako ay sobrang masaya para sa mga bata sapagkat naisakatuparan ang kanilang hiling na manalo pagkatapos ng isang linggong paghahanda,” sabi ni G. Calixton.

“Pero mas maganda sana kung nakuha ‘yung unang puwesto kasi talagang gusto ng mga mag-aaral na makapagtanghal sa pandibisyong pagdiriwang (ng Buwan ng Wika),” dagdag pa niya.

“Sinabi ko nalang sa mga bata na mas galingan pa susunod,” pagtatapos ni

Calixton.

Samantala, nakamit ng mga magaaral mula sa Philippine Normal University-Visayas Center for Teaching and Learning (PNU-V CTL) pareho sa Sabayang Pagbigkas at Modernong Sayaw.

Maliban sa dalawang nasabing kontes, may patimpalak din sa Paggawa ng Poster, Malikhaing Pagsulat ng Photo Essay, Informance, at Isahang Pag-awit.

Hinakot ng PNU-V CTL ang unang puwesto sa lahat ng mga patimpalak maliban na lamang sa Paggawa ng

Poster kung saan panalo ang SPED High School.

Sumali ang CNHS-TE sa lahat ng mga patimpalak maliban sa Informance.

Sina Nicole Audrey Supala, John Vincent Rivera, at Regine Baladero ang kumatawan sa paaralan sa patimpalak sa Isahang Pag-awit, Paggawa ng Poster at Malikhaing Pagsulat ng Photo Essay, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taong pamapaaralan ay “Filipino: Wikang Mapagbago.”/ TC

The

Crops, lalahok sa pandibisyong kontes sa pamamahayag

by DANILO DEQUITO JR.

Makikipagsabayan ang

The Crops ng CNHSTagbanon Extension sa iba pang mga mataas na paaralan sa darating na Division Contest on Campus Journalism na gaganapin sa Tiglawigan National High School, Setyembre 27-28.

Magpapadala ang nasabing pahayagang pamapaaralan ng 15 na kalahok na kakatawan sa Tagbanon sa iba’t-ibang kontes na idaraos.

Ang mga patimpalak na lalahukan ng The Crops ay ang News Writing, Editorial Writing, Editorial Cartooning, Feature Writing, Sports Writing, Photojournalism, Copyediting and Headline Writing, Science and

Technology Writing, Broadcasting, at Electronic Layouting.

Ang unang anim na kontes ay gagawin sa unang araw ng programa habang sa pangalawang araw naman ang huling apat.

Mga guro mula sa iba’t-ibang paaralan ng Sangay ng Lungsod ng Cadiz ang tatayong hurado sa bawat patimpalak sa kategoryang Filipino at English.

Isa sa mga layunin ng pandibisyong patimpalak sa pamamahayag ay ang paunlarin ang kakayahang pampamamahayag ng mga magaaral sa pamamagitan ng isang healthy at friendly na kompetisyon.

Samantala, bago isalang ang mga mag-aaral sa nasabing tagisan at para makapili na rin ng ilalahok, nagdaos ang The Crops ng isang school-based campus journalism seminar na may temang “Ignite” noong Agosto 17. / TC

This article is from: