2 minute read

Padayon

Nakararamdam ka na ba ng labis na pagkapagod sa dami ng kailangang gawin? Marahil ay paminsanminsan ay nakararamdam ka ng labis na pressure dahil sa hirap ng subject, o kaya naman ay puro one digit lang ang score mo sa mga quizzes and exam. Naisip mo na rin ba na baka hindi itong course ang para sa akin? Lahat nang ‘yan ay naranasan ko na. Ang hirap maging engineering student, ako mismo, isang estudyante ng Civil Engineering, nahihirapan din. May mga pagkakataong nagkaroon ako ng breakdown dahil sa nag retake ako ng subject, may mga quizzes and exams na mababa ang score, at madedelay ang aking paggraduate kasi may mga naiwan na subjects. Sobrang sakit sa feeling. Pero hindi yun hadlang para matupad ko ang pangarap ko na maging engineer.

“From baby steps to giant strides.” ‘Yan ang aking pilosopiya sa buhay. Ang ganitong uri ng mindset ay nagtataguyod ng pagsisimula sa maliit at paggawa ng iyong paraan hanggang sa mas mahihirap na gawain. Dahil sumusunod ito sa isang proseso, hindi kinakailangan na maging mabilis. Ang paglutas ng mga problema sa engineering ay isang halimbawa nito. Pag-aralan ang problem na isosolve, gumawa ng solusyon, pagkatapos i-familiarize ang proseso hanggang sa maunawaan mo kung paano ito ginagawa. Paano ba ma-survive ang engineering? Ano ba ang mga kailangang gawin para malagpasan ang course na ito? Ibabahagi ko ang ilang tips na ginagawa ko para maka survive.

Advertisement

Una, syempre kailangan mong IHANDA ANG IYONG SARILI. Papasok ka sa isa sa mga mahihirap na kurso sa kolehiyo, dapat kang maging handa mentally. Makararanas ka ng mga breakdowns at disappointments, pero hindi iyon makakapigil sa iyo na ituloy ang iyong ambisyon na maging isang inhinyero. Magsimula ka sa pagiging organize, dapat tandaan mo ang mga mahahalagang petsa sa mga exams, at quizzes, magtakda rin ng iskedyul para sa pag review (hanapin mo yung oras na makaka focus ka).

Ikalawa, dapat maging COMMITTED ka, dapat buo ang atensyon mo upang lubos na maunawaan ang mga lessons, kailangan mong seryosohin ang lahat. Ang pagsusumikap, determinasyon, pagnanasa at pagtuon ay pangunahing mga pangunahing punto upang makamit ang tagumpay sa larangan ng engineering.

Ikatlo, HUWAG MAHIHIYANG MAGTANONG. Kung nahihirapan intindihin, magtanong sa iyong instructor, palaging linawin ang mga mahihirap na konsepto ng engineering, humingi rin ng mga halimbawa upang mas lalo pang maintindihan. Hindi ka naman magagalitan sa pagtatanong mo. Kaya tanong lang nang tanong.

Ikaapat, PRACTICE. Sandamakmak na oras para mag praktis. Mahihirap ang mga konsepto sa engineering, kaya nga laging sinasabi sa amin ng mga instructors, PRACTICE, PRACTICE, PRACTICE. D’yan mo malilinang ang topic na gusto mong pag-aralan. Kahit paikut-ikutin man ang problem, basta alam mo kung paano ang process, makukuha mo ang sagot diyan.

Ikalima, MAG-ARAL KASAMA ANG MGA KAIBIGAN. Syempre, hindi dapat nawawala ito. Malamang, ang ilan sa inyong grupo ay makakaunawa ng ilang partikular na topics na nahihirapan ka. Pwede kayong magtulungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga topics na madali para sa iyo ngunit mahirap para sa iba.

Ikaanim, RELAX. Normal sa engineering ang maraming gawa, mapa lecture at paggawa ng learning activities man ‘yan o mga kompetisyon patungkol sa mga kurso. Maglaan din ng oras para sa iyong sarili. Okay lang naman rin na may social life ka, ka-jam ang mga kabarkada, inuman, o mag party. Pwede ka rin sumali sa mga academic and non-academic orgs. Sulitin mo ang iyong college life sa labas ng apat na silid. Sumali ka sa school publication, o kaya naman ay maging officer ng iyong kinabibilangang kurso. Hindi mo na ‘yan magagawa kapag nakapagtapos ka na sa kolehiyo!

Pinakahuli, GET ENOUGH SLEEP. Dapat inaalagaan mo rin ang health mo. Malaki ang maitutulong nito upang i-refresh ang iyong utak at maihanda ka para sa mga gagawin mo sa susunod na araw. Hindi magandang ideya na isakripisyo ang pagtulog para sa anumang bagay. Kahit na nag-aaral ka sa gabi, siguraduhing matulog ka sa araw. Kung marami kang takdang-aralin at sanaysay, isaalang-alang ang mga serbisyo sa pagsulat ng papel. Ang hindi sapat na tulog ay maaaring masira ka. Gayundin, upang makontrol ang stress, hindi mo dapat ikompromiso ang pagtulog.

Nakaka- stress ang engineering, pero kapag nakuha mo na, tiyak magiging madali na lang ito sa iyo. Magbe-breakdown at magpahinga, pero hindi susuko. Alam kung kaya mo, PADAYON ENGINEER.

This article is from: