1 minute read
KARERA
from The DEMOCRAT
by The DEMOCRAT
Ni Christian Bañega
Isa, Dalawa, Tatlo. Magsisimula na ang karerang hinihintay niyo.
Advertisement
Teka, bakit tila nanghihina ang katawan ko. Bumabagal na ba ang aking takbo, o bumilis lang ang takbo ng mga kasabayan ko.
Takbo! Isang sigaw na umalingawngaw galing sa kabilang ibayo.
Sinenyasan ako ng mga tao na nakapaligid sa bawat kanto.
“Bilisan mo! Kaunting tiis pa! Mananalo ka na!”
Kaliwa’t kanang sigaw galing sa mga kritiko. Ngunit sa karerang sinimulan ko, iba ang itatanghal na panalo.
Saan ba ako dadalhin ng mga paang ito. Papunta ba sa pagkapanalo o sa dilim na bumabalot sa kanto.
Samahan mo naman ako, harapin natin ang karerang ito.
Dumilim ang langit, bumugso ang ulan. Mahirap man ang pinagdaraanan, mayroon pa ring araw na susulyap–
Susulyap upang makita ang iyong pagtayo, Sa karerang malayo pa ang katapusan.
Tumakbo ka kahit sa paningin mo ay mahirap. Dahil sa bawat daan na iyong tinatahak, Madilim man o bumubugso ang malakas na ulan.
Hindi matatapos ang karera na iyong sinimulan, Hangga’t hindi ka tumitigil sa paglaban.
PHOTO BY JOHN HARVEE CABAL PAGE LAYOUT BY ROSE CLAVANO