1 minute read
SIPAT AT DALUMAT
Nawawalang Panlasa ng mga Pilipino
mahal na bilihin.
Advertisement
“Ang panlasa ng mga Pilipino ay maaring nawala noong una, ngunit kung patuloy na ganitong sitwasyon ang ipatitikim sa kanila, sila na mismo ang mag-iisip ng timplang nararapat.
Unang taon pa lamang ng pamunuan ng bagong administrasyon ngunit masasalamin na ang kawalan ng panlasang pinairal ng mga Pinoy noong nakaraang eleksyon.
Sa unang pagkakataon ay higit pang tumaa ang presyo ng sibuyas kaysa karne. Dahil sa kakulangan ng sapat na hakbang at mabagal na pagaksyon at pagbibigay solusyon ng mga nangunguna, hindi nakapagtataka kung tila balang araw ay mawalan na ng lasa ang pagkain ng maraming pamilyang Pilipino dahil sa kamahalan ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan.
Sa kasagsagan ng paghahanda ng mga Pilipino para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon noong buwan ng Disyembre ay tumaas ng hanggang P720/kilo ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan, triple ng presyo noong mga nakaraang taon na umaabot lamang sa P180-P220/kilo, at higit pang mas mataas sa arawaraw na inuuwi ng mga minimum wage earner na naglalaro lamang sa halagang P320-P570. Ito ay matapos magkaroon ng malawakang kakulangan ng suplay nito sa buong bansa.
Sa kabila ng prediksyong nabuo ng Department of Agriculture noong buwan nang Agosto hinggil sa maaring maging kakulangan sa nasabing suplay, matapos tumaas sa P140/kilo ang presyo nito, mariin pa rin nilang itinanggi ang pag-aangkat ng nasabing sangkap sa paniniwala na sasapat ang natitirang suplay sa pangangailangan ng bansa. Ngunit, ang bigat ng maling desisyon ng mga nakaupo sa pwesto na nararapat ay eksperto sa nasabing larangan, ay pinagdurusahan ng mga ordinaryong Pilipino.
Ang dating iyak ng mga kusinero sa paghihiwa ng sibuyas, sa isang iglap ay napalitan ng luha dahil sa kawalan nila ng sangkap na mahihiwa. Ang mga nakaupo ay patuloy na nakakakain ng malalasang pagkain, ngunit karamihan ng mga manggagawa na halos