1 minute read

Magkaibang Mundo sa Iisang Panahon

“Magkaibang panahon, magkaibang mga suliranin

Mga katagang “kami nga noon”, dapat nang alisin”

Advertisement

Iisang mundo ngunit magkaibang panahon

Magkaibang panahon, magkaibang henerasyon

Magkaibang henerasyon, magkaibang sitwasyon Magkaibang sitwasyon ngunit pinipilit ang iisang solusyon.

Generation gap kung ito ay tawagin

Isang isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin

Tila ba walang epekto kung ating iisipin

Generational trauma naman ang nagiging dulot sa atin.

Nariyan na ang katotohanang sila ang mas may karanasan

Ngunit hindi ito nangangahulugang sila lang ang may kaalaman

Sa takbo ng buhay ay hindi lamang edad ang batayan

Intindihin nating maraming panahon at pagbabago na ang nagdaan.

Hindi na bago sa atin ang makarinig na dapat ganto, dapat ganyan Nais niyo lamang na kami ay mapabuti, iyan ay aming naiintindihan

Subalit matuto din sana muna kayong makinig, kahit saglit lamang

Naiintindihan namin ang inyong pakay, sana naman, kami din ay maunawaan.

Nagbago na po ang mundo, iba na ang panahon

Nagbago na po ang mundo, kasabay ng ating mga sitwasyon Maaaring ganoon ang inyong nararanasan noon Pero iba na itong aming kinakaharap ngayon.

Magkaibang panahon, magkaibang mga suliranin Mga katagang “kami nga noon”, dapat nang alisin

Magkaiba tayo ng mga atingsitwasyon, Iisangintindihin solusyon sa sitwasyon,magkaibang hindi dapat pilitin.

Pagbabago ng mundo ay hindi natin makakayang pigilan Kasabay nito ang pagbabago ng takbo ng buhay na ating kalalakhan Tao ang aakma sa mundong kanyang ginagalawan Kailangang iakma ang paniniwalang kinalakhan at kinasanayan.

Pagkakaiba ng henerasyon, ‘di dapat maging Kailanganghadlangtanggapin ang katotohanan at magrespetuhan

Tayo ay may mga pagkakaiba dulot ng pagbabagong naranasan

Nag-iisang solusyon sa generational trauma ay pag-uunawaan.

si

This article is from: