1 minute read

HINDI P*TA Maria Clara

“May kakayahang lumaban. Pero paano babangon kung sariling utak ang nagsasabing huwag – ang syang nagtutulak.”

Gumising na sana ang dalaga. Gumising na sana. Dala parinang bigat ng kahapon, matinding laban ang patuloy niyang haharapin. Ginahasa. Pinagsamantalahan. May kakayahanglumaban. Pero paano babangon kung sariling utak ang nagsasabing huwag – ang syang nagtutulak. Ang pilas ng laylayan ng damit ay lumalaki. Hindi parin gising ang dalaga. Higit niyasanang kalaban ang mga punyal na nakatutok sa kanya. Ngunitmali. Ang mas lalong kahindik hindik na pakikibit-balikat. Duwag parin. May ilang bahagi ng dalaga na nais lumaban, bumangon. Pero bumibigay. Ayaw subukan ang rebulosyong radikal. Ang luha nya’y ginto. Pagod. Pasal. Bitbit ang di maubos na problema. Mabigat. Pero hindi puta si Maria. Sana, gumising na ang dalaga. Wag na sanang maulit pa.

Advertisement

This article is from: