3 minute read
BUNGANGA
Diether Gozum
“Sabik na ako sa ang buhay na walang problema…
Advertisement
Nangungulila na ako sayo ina, ang bunganga mong kampana ko sa umaga”
Bukang-liwayway pa lamang maririnig mo na ang kalansing
Ng mga kubyertos, ang kaldero na paboritong saingan ni Inay
Maghahanda nga pala siya para sa pagpunta ko sa eskwelahan
Ramdam ko ang tapik niya sa aking binti nang pumunta siya sa aking higaan
Rinig ko ang malambing niyang boses
Nak maaga ka pa, bangon na
Tunay nga na kay sarap pag si nanay
Ang iyong magiging despertador
Ramdam mo ang pag-asa ng bukas
Di alintana ang pagod at puyat
Para makapaghanda siya sa mesa
Dugo’t pawis naman para may pambaon sa eskwela
Ngunit isang araw ang masayahin at magiliw kong ina
Hindi ko na marinig ang bunganga niyang kay ganda
Dalawang taon na nga pala mula noong nagpandemya
Balisa at halos di ko na siya makilala sa dati niyang awra
Lagi na siyang bugnot at di na makita ang gaan sa kanyang mata
Tulala kakaisip kung anong ilalaman sa nangangalam na sikmura
Umaasa na lang sa ayuda, napatigil na rin ako sa eskwela
Hirap na rin si tatay sa kakayod dahil sa siya ay matanda na
Sabik na ako sa ang buhay na walang problema
Naturang sakit lang pala ang babago sa aking pamilya
Nangungulila na ako sayo ina, ang bunganga mong kampana ko sa umaga
KINSENAS, KATAPUSAN
DIETHER GOZUM
“Mahirap—may mga pagkakataong gusto ko nang bumitaw, makaraos nga sa loob ng isang araw, sobrang hirap na, heto pa kayang bigat ng mga responsibilidad na nakaatang sakin.”
Malakas na tunog, maalinsangang paligid, at dagsa ng tao ang umuukit ngayon sa aking memorya. Tanda ko pa ang tindi ng emosyon naming magkakaibigan—ang sigaw, ang paglundag, at pagtulo ng aming mga luha habang nakangiti suot ang itim na toga noong araw na kami’y grumadweyt. Tuwang-tuwa ang aking ina at ama na tila walang paglagyan ang mga ngiti sa kanilang labi. Heto ako ngayon nakababad sa harap ng kompyuter at sinasariwa ang mga alaala, ang bilis nga naman ng panahon, dahil ilang araw lang mula ng araw na yun ay biglaang pumanaw ang aking ama, kaya’t bilang panganay ng pamilya kailangan kong magtrabaho at pumunta sa kabilang probinsya.
Ako si Klay, ngayo’y breadwinner ng pamilya, nagtratrabaho sa call center, at tinitiis ang puyat at pagod para makaraos sa araw-araw. Wala nga pala to sa linya ng kursong aking natapos ko na Engineering. Labandera lang kasi si nanay at umeekstra rin ng pagmamanikyur. Gayunman, hindi pa rin sapat ang kakarampot na kita niya at ang sahod na pinapadala ko tuwing kinsenas. ‘Di na nga ako kumakain sa umaga para makatipid dahil may dalawang kapatid pa‘kong pinapaaral, si Fidel na nasa kolehiyo at and bunso naman namin na nasa hayskul. Bukod sa mga byaraim sa bahay, binabayadan din namin ang mga utang na naiwan ni Tatay noong biglaan siyang mawala. Mahirap—may mga pagkakataong gusto ko nang bumitaw, makaraos nga sa loob ng isang araw, sobrang hirap na, heto pa kayang bigat ng mga responsibilidad na nakaatang sakin. Madalas kasi ay pakiramdam ko kinakausap na lang nila ako kapag may kailangan.
Mag-iisang taon na’ko sa aking trabaho, lalabas ako para kumain saglit para ipagdiwang din ang aming anibersaryo ng aking nobyo. Pagkauwi namin, ay biglang tumunog ang aking selpon, may mensahe mula sa aking ina, nagtataka ako, dahil kakapadala ko lang sa kanya noong sumahod ako, at hindi pa naman ulit magkikinsenas. Kaya’t binuksan ko ang aking selpon, humihiram ang nanay ko ng pera, pampagamot daw kay bunso dahil mataas daw ang lagnat. “Wala ba silang naitago o tira sa pinadala ko?,” tanong ko sa aking isip. Dahil dito napilitan muna akong humiram sa aking nobyo, at pumayag naman siya. Pinaalalahanan niya rin ako na magtira naman raw ako para sa sarili ko. Wala akong magawa kundi ipadala ang pera. Matapos ipadala ay nakatulog ako at nagising dahil sa sama ng aking pakiramdam, madalas akong mahilo, manghina, pansin din ng aking nobyo ang tila pagnipis ng aking katawan. Pinayuhan niya akong magpatingin sa doktor ngunit hindi ako pumayag dahil may hinuhulugan parin akong utang ni tatay. Kaya’t nagpasya ako na lumiban muna ako sa trabaho at magpahinga. Habang binabaybay ko ang aking Facebook, napansin ko ang tila engrandeng handaan sa aming bahay, nagtaka ako kung saan sila kumuha ng pera. Tinawagan ko ang aking nanay kinagabihan at hindi ko inasahan ang aking narinig, ginastos niya ang pambayad sa utang na kaunti na lamang ay mapupunan na, minsan lang daw sila magkita-kita ng kanyang mga kaibigan noong siya’y kabataan, kikitain ko parin naman daw ang nagastos nila. Binaba ko ang selpon, hindi ko mapigilang humagulgol dahil sa sama ng loob na aking nararamdaman. Kinabukasan, hindi parin nagiging maayos ang aking wisyo ng aking katawan kung kaya’t nagpakonsulta kami sa kaibigang doktor ng aking nobyo, at nagulat kami sa naging pahayag nito. Hindi ko alam ang aking gagawin, paano na aking pamilya, paano na si Fidel, si inay at ang bunso kong kapatid, ako lang ang kanilang inaasahan. Nagpasya akong huwag na munang sabihin ang aking kalagayan, matapos ang ilang buwan, pinayuhan ako ng aking nobyo na ipagbigay alam sa aking pamilya ang aking sitwasyon para makauwi na’ko at makapagpahinga, ngunit hindi ako pumayag.
Biglang tumunog ang aking selpon, kinsenas na pala, ngunit hindi na ako makakapagpadala, sa katapusan na.
FR. VICENTE D. CASTRO JR., SVD
Asour graduates marched this year to the cadence of the chosen themeCommitted to Faith, Resiliency and Excellence as SVD Co-Missionaries - I asked myself: has our institution been successful in committing the graduates to such a noble task, or further still, will they be able to sustain this commitment after graduation?