2 minute read

SI MARIA, SI DOMINICA, AT SI LAURA: Kabataang Inspirasyon sa Paglilingkod

Angaking paglilingkod ay nagsimula sa sinapupunan ng aking ina. Sa aking pagsilang, tatlong pangalan ang ibinigay, Maria, Dominica at Laura. Sa batang edad na pitong buwan, naging artista ako at ginampanan ang Hesus na nakahiga sa sabsaban. Wala pa sa aking kabatiran ngunit may malalim na tatak sa aking pagkatao na naging dahilan ng malalim kong pagpapahalaga sa paglilingkod.

Ako si Maria – pangalang hinango sa pangalan ng ina ni Hesus. Ang ating Mahal na Ina ay larawan ng pagsunod ng sinabi niyang “Mangyari sa akin ayon sa iyong sinabi” (Lucas 1:38). Bilang isang anak, ang mga pagpapahalaga na mayroon ako ngayon ay dahil sa pagsunod ko sa aking mga magulang, sa kanilang mga yapak na ang buhay ay walang kabuluhan kung hindi mo ilalaan sa iyong kapwa at sa Diyos.

Advertisement

Ako si Dominica – pangalang hango sa batang santong si St. Dominic Savio. Hindi niya inalintana ang kanyang pagiging bata, marami mang puna sa mga kabataang naglilingkod sa simbahan pero ito’y hamon upang ipagpatuloy ang aking paglilingkod dahil inspirasyon sa akin ang sinasabi sa Jeremiah 1:7 na “Huwag mong sabihing bata ka, sinusugo Kita kaya humayo ka”. Kailangan ng ating simbahan ang lakas at makabagong pananaw ng mga kabataan.

Ako si Laura – pangalang hango sa pangalan ni Blessed Laura Vicuña. Siya ay isang bata na patron ng mga naabusong kabataan, isang biktima ng pang-aabusong pisikal dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang kalinisang puri. Bilang kabataan, isa sa aking adbokasiya ang pagpapanatili ng kalinisan sa pagsasabuhay ng “True Love Waits”. Maaari tayong magkipagrelasyon pagkatapos ng ating pag-aaral ngunit ‘di mo kailangang ibigay ang iyong pagkababae o pagkalalaki ng buong-buo para patunayan na mahal mo ang isang tao.

Ang mga karakter na ito sa aking pangalan ang bumubuo kung sino si Doms na kabataang lingkod ng simbahan — tagapaghatid ng Salita ng Diyos, tagapagpadaloy ng mga programang pangkabataan, tagahubog ng mga lider kabataan, lider sa paaralan, tagapagtanggol ng kalikasan, tagataguyod ng kulturang Pilipino lalo na ng mga kapatid nating Mangyan, at tinig ng kapwa ko kabataan sa pamamagitan ng sining ng teatro.

Isang karangalan sa akin na ako ay mapili bilang Hapag ng Pamilyang Mindoreño (HPM) Youth Ambassador ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan (AVC) kung saan ay kinatawan ko ang bikaryato sa QueMarLaBaro kung saan naipahayag ko ang aking adbokasiyang maging ligtas ang kabataan sa malawak na mundo ng internet. Noong nakaraang December 4, 2022 ay ipinasa ko na ang aking korona kasabay ng pagdiriwang ng AVC Youth Fest. Ako din ang naghubog ng mga kabataan na nagsilbing animator ng pagdiriwang at tagapagpadaloy ng buong programa. Masarap magbigay buhay na laging may ngiti… ng nakakahawang ngiti dahil sabi ko nga, “Huwag kalilimutang ngumiti dahil nakakaganda yan lagi”.

Bilang mga kabataan, isibuhay nawa natin ang bilin ni St. John Bosco, ang Patron ng mga Kabataan, “Tumakbo, tumalon, maglaro, mag- ingay, huwag lang magkasala!” Gamitin natin ang ating talento at kakayahan ng

This article is from: