MAYONISTA
Mga mag-aaral ng BUCEILS-HS, nangangamba sa pag-phaseout ng mga dyip
Nagpahayag ng pangamba ang mga mag-aaral ng Bicol University College of Education Integrated Laboratory School - High School (BUCEILS-HS) dahilan ng maaaring pag-phaseout ng mga dyip kasunod ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Binigyan ng gobyerno ang mga jeepney drayber at operator ng hanggang Abril 30, 2024 upang mag-consolidate ng kani-kanilang prangkisa para makapasada ng kanilang mga dyip.
Ayon kay Ken Amano,isang student commuter, mawawalan siya ng paraan ng pang-araw-araw na transportasyon dahil hindi naman siya sumasakay sa van at bus dahil mas mahal ang pamasahe roon at hindi naman laging mayroon kumpara sa mga dyip.
“Hindi ako palaging nagva-van or bus kase mas mahal sila…Kunware stranded ako, ang tanging paraan ko nalang ay magtawag ng kamag-anak upang magpasundo, pero nakakaabala pa ako kung ganoon”, ani Amano.
Kaugnay nito, saad ni Dannah Millalos, madaragdagan ang kanyang gastusin sa pang-araw-araw na pagpunta sa paaralan dahil magiging tricycle ang kanyang paraan ng pag-commute kung mawawala ang mga dyip.
Gayundin, giit naman ni Isemman Arrojo na isang komyuter ng modernized jeepney, kahit mas pipiliin niya ang modern jeepney kaysa sa tradisyunal, hindi mawawala ang kanyang pagkadismaya dahil nakatatak na ang modelo ng lumang dyip.
“Malulungkot ako para sakanila [mga tsuper]. Icon na talaga ng jeepney ang traditional. Kasi ang model ng traditional
is multipurpose… tapos sa modern kasi mga tao lang na nakatayo,” ayon kay Arrojo.
Epekto sa Kabuhayan
Hinaing ng publiko at ng mga tsuper na malaki ang magiging epekto ng jeepney modernization sa kanilang kabuhayan kahit pa nakapag-consolidate na sila sa PUVMP.
Para sa isang tsuper na nakapag-consolidate na mula sa Daraga, Albay na si Jonathan Ortega, ang kanyang kinikita sa pamamasada sa pang-araw-araw ay sakto lamang para matustusan ang kanyang pamilya kasabay ang sahod ng kanyang misis.
“Kung magkakaroon ng phaseout, syempre magkakaroon ito ng epekto sa aming kabuhayan kasi isa ito sa mga trabahong nagdadala ng pera para sa araw-araw na pang gastos,” ayon kay Ortega.
Dagdag pa ng tsuper, nakakaawa kung iisipin ang mga kapwa niya drayber na walang alternatibong pagkakakitaan at mawawalan ng hanapbuhay dahil hindi pa nakakapag-consolidate lalo pa at may pamilya silang binubuhay.
Tawag sa Pagkilos
Kabi-kabilang mga reklamo at mungkahi ang inilahad ng mga transport group na Piston at Manibela sa pamahalaan
upang pigilan ang pagwaksi ng mga lumang dyip dahil sa maraming tsuper ang mawawalan ng hanapbuhay.
Giit nila, maaari din naman ang pagsasaayos o pagre-rehab ng mga dyip, kung saan kinakailangan lamang ng ‘magagandang’ makina at hindi ng ‘brand-new’ at ‘napakamahal’ na modernized jeepney dahil magreresulta ang pagpapalit sa mga lumang dyip ng “transport disaster.”
Bukod doon nananawagan din ang Manibela kay Pangulong Marcos Jr. upang sila ay tulungan.
“Maglabas lamang ng executive order ang ating Pangulo na sinasabing wala nang phaseout, magpapatuloy ang mga traditional jeepney, okay na po kami,” pahayag ni Mar Valbuena, Pangulo ng Manibela.
Panawagan naman ni Ortega, konkretong plano at programa para sa mga mamamayang nasa sektor ng transportasyon ang kailangang gawin ng pamahalaan upang maging upang maging magaan at madali ang paglunsad ng modernisasyon.
Ayon ulit kay Amano, ang kakulangan ng alternatibong transportasyon tulad ng van at bus ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan dahil iyon ang papalit sa mga dyip kasabay ng mga modernized jeepney.
“Kung gusto talaga nila isulong ang modernization, dapat nila ito magawan ng maayos na paraan… Huwag nila madaliin, ipakilala sa publiko nang paunti-unti”, mungkahi ni Amano.
Muling pag-arangkada ng PNR, ikinabahala ng mga residente ng Washington, Legazpi
“Maginhawa siya para sa’yo kung bumabyahe ka. Pero kung taga-riles ka, makikita mo ang tunay na kalagayan ng mga taong naninirahan doon.”
Ito ang naging pahayag ni Aldrin Ramirez, isang residente ng Barangay Washington, Legazpi City, Albay kasunod ng muling pagbubukas ng Philippine National Railways (PNR) sa Lungsod ng Legazpi.
Ani Ramirez na limang taon nang naninirahan sa may riles ng PNR, ang pagbabalik ng operasyon ng tren ay nagdulot ng samot-saring problema sa pamumuhay ng mga residenteng naninirahan sa tabi ng riles nito.
“Unang-una, maingay kapag dumadaan ang tren. Pangalawa, marami ring maliliit na negosyong nagbebenta sa gilid ng riles ang inalisan ng pagkakakitaan para mabigyang daan ang PNR,” paliwanag ni Ramirez.
Binigyang-diin din ni Ramirez ang banta ng pagtakbo ng PNR sa kaligtasan ng mga residente.
“Di gaanong napaghandaan ng PNR ang sistema. Kapag dumadaan ang tren, madalas na mga tauhan lang ng PNR ang humaharang sa mga tao, kaya di talaga siya ligtas.,” paliwanag ni Ramirez.
Gayundin, nagpahayag si Ramirez ng pagkabahala para sa mga kapwa niya residenteng maaaring mawalan ng tirahan bunsod ng patuloy na pagpapaunlad ng PNR sa lungsod.
Pamasahe sa dyip, dagdag piso mula Oktubre 8
Nagsimula na ang pansamantalang dagdag piso (P1) sa pamasahe noong
GEO ANGELO LABALAN
GEO ANGELO LABALAN
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG MATAAS NA PAARALAN NG PAMANTASAN NG BIKOL
FREAL JAVEN DEL CASTILLO MAGPATULOY SA P2 BALITA, P3 PBBM, BINATIKOS MATAPOS GUMAMIT NG HELICOPTER SA ISANG CONCERT EDITORYAL, P4 NAKAKABINGING BUSINA UNANGTOMO;UNANGLATHALA
Oktubre 8, 2024 sa pampasaherong dyip. Inaprubahan ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Oktubre 3 ang provisional fare hike. Wala namang pagbabago sa kasunod na per-kilometer rate. Umakyat sa P10.40 ang 20% discounted fare para sa mga mag-aaral, senior citizen, at Persons with disabilities (PWDs) sa Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), at P12 naman sa Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) sa buong bansa. Dagdag pa rito, tumaas din sa P13 ang minimum base fare sa TPUJ, at P15 naman sa MPUJ. Ang pagtaas ng pamasahe ay bunsod ng sunod-sunod na pagmahal ng mga produktong petrolyo. DAANGBAKAL LATHALAIN, P8 Para sa Pasada AGTEK, P11 SA LIKOD NG HARUROT NG Jeepney 2.0 Posiyento ng ruta sa Bicol na wala pang nakakapag-consolidate na mga dyip alinsunod sa Public Utility Vechicle modernization program 541ruta 52 ruta 162ruta 67.82% Rutang walang nakakapag-consolidate Kakaunting nakakapag-consolidate (<60%) Maraming nakakapag-consolidate (>60%) Datos mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board, Disyembre 31, 2023 P10.40 P12.00 May Diskwentong pamasahe sa Traditional Public Utility Vehicles May Diskwentong pamasahe sa Modern Public Utility Vehicles NILALAMAN
Ginugunita ng Mayon ang
BALI TA
Inilulunsad ng The Mayon ang kaunaunahang lathala ng MAYONISTA, ang pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Bikol
BAGONG SALTA
Muling sasabak ang BUCEILS-HS sa unang pagkakataon sa Radio Broadcasting ngayong DSPC 2024
Armadong militar sa KaPEACEtahan sa BU, pinuna ng mga mag-aaral nito
ALYSSA SOFIA LOFAMIA
Hindi nakaligtas sa mga puna ng mga mag-aaral ng Bicol University (BU) ang presensya ng mga armadong militar sa pagdiriwang ng kapayapaan sa naturang institusyon, ika-15 ng Setyembre, 2023.
Nagkalat ang mga nakaunipormeng sundalo bitbit ang kanilang armas at tangke sa BU bilang bahagi ng pagdaraos ng KaPEACEtahan Peace Fair na inilunsad ng University Student Council (USC) sa pakikipagtulungan sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Itinanggi naman ng USC ang pagkakasangkot sa pagdating ng mga kasapi ng sandatahang lakas.
Ayon sa pahayag ng chairperson nitong si Remee Estefany Baldorado sa panayam ng The Bicol Universitarian (Unibe), hindi sakop ng kanilang hurisdiksyon kundi ang administrasyon ng BU ang nagdesisyon.
“May mga pagpapalagay kasi na kami ‘yung nagpapasok ng uniformed personnel. Wala kaming autoridad doon at hindi namin alam na ganun po ‘yung mangyayari… May mga desisyon kasi sila [administrasyon] na ‘di naman namin alam,” ani Baldorado.
Kaliwa’t kanang pahayag ang iniluwas ng mga youth groups para ipabatid ang pagkadismaya sa mga organizers ng nasabing kaganapan.
Idiniin ni Angelica Callo, Vice Chairperson for Student and Community Services ng Buklod BU, ang dapat na pangungundena sa hukbong pinapasok sa pamantasan.
“Sa kabila ng lahat, ang kapayapaan ay
Ang pagtulong ay para na ring isang pasaporte patungong langit - Villanueva
“Ang pagtulong sa mga Special Education (SPED) students ay sarili kong adbokasiya nagsimula noong 2013, at plano ko pa itong ipagpatuloy”
Ito ang pahayag ni Prof. Ronel Villanueva, tagapayo ng Bicol University High School Clubs for United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), sa isang panayam ng Mayonista tungkol sa taunang pagtulong ng organisasyon sa Banquerohan Elementary School (BES) - SPED.
Ayon kay Villanueva, nag-umpisa ang proyektong nang nakilala niya si Teresita Almayda, dating SPED Coordinator ng BESSPED, na nakiusap kung maaari ding mabigyan sila ng tulong at magmula noon ay taon-taon bumabalik ang UNESCO upang maghatid ng tulong at saya sa mga mag-aaral nito.
Pahayag din ni Villanueva na ang
proyekto ay isang kolaborasyon ng mga mag-aaral na may kapansanan at ordinaryong mag-aaral kung saan ang mga estudyante ng SPED ay pinapasyal sa mga pamilihan, at kinekwentuhan ng mga pambatang salaysay.
“Malaki ‘yong benepisyo kasi may nagpapahalaga at nakakahawa ‘yon,” sabi ni Villanueva.
Nahinto nang isang taon pagtulong ng UNESCO sa BESSPED dahil sa pandemya, ngunit ito ay bumalik noong Disyembre 2021 sa pamamagitan ng gift giving, at magmula sa taong iyon, ang pagbibigay ng mga regalo ang naging hatid na saya ng organisasyon sa mga batang may kapansanan tuwing pasko.
DANNAH MILALLOS
Pumagitna sa KaPEACEtahan Peace Fair na inilunsad ng University Student Council (USC) sa pakikipagtulungan sa Office of the Presedential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang pagtatanghal ng katutubong sayaw na Carinosa ng mga mananayaw mula sa Bicol University Magayon
Dance Troupe na itinanghal sa harap ng mag-aaral ng BUCEILS-HS at Philippine National Police (PNP).
hindi matatamasa gamit ang karahasan o edukasyong militar,” giit pa ni Callo sa isang post ng Rise for Education - BU.
Isinapubliko rin ng Unibe ang kanilang pagbatikos sa USC sa kanilang kawalan ng aksyon dahil ang presensya ng mga armas at kapulisan ay taliwas sa mga sagisag ng kapayapaan.
“Nararapat lamang na mabigyang-diin na hindi lamang nakaangkla sa pagoorganisa ng mga events at concerts ang responsibilidad ng USC bilang pinakamataas na pang-estudyanteng konseho– higit na matimbang dapat ang kaligtasan at kapanatagan ng mga BUeño,” pahayag ng Unibe.
Wala namang inilabas na pahayag ang pamunuan ng BU tungkol sa insidente.
Mag-aaral ng BUCEILS-HS, nadismaya sa sagot ng mga kandidato sa HAMPANGAN 2023
PRECIOUS KARLA LOARES & ASYAH DIMACALING
Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang mag-aaral ng Bicol University College of Education Integrated Laboratory School - High School (BUCEILSHS) sa HAMPANGAN 2023: BUCEILS-HS Electoral Debate Forum na ginanap sa Bulwagan ng Office of Students Affairs and Services, Agosto 29, 2023.
Sa pamumuno ng The Mayon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kandidato na mailahad ang kanilang mga plano at plataporma para sa buong taon.
Ayon kay Alyssa Sofia Lofamia, Pangalawang Patnugot ng nasabing pahayagan, sa kabila ng kanilang ginawang paghahanda para sa Debate Forum ay hindi maikakailang naging blanko o malayo sa mga tanong ang naging kasagutan ng ilang mga kandidato sa Hampangan.
“Sa naging sagot ng mga kandidato, maaari pa sanang mas naging nakapagbubukas mata ang kanilang mga sagot, dahil iyon din ang pinaka layunin ng debate forum– ang malinawan ang mga manonood”, ani Lofamia.
Sumang-ayon din dito ang maraming mag-aaral na dumalo sa pangyayari. Isa rito ay si Rafaela Placides ng ika-9 na baitang at dati ring opisyal ng Supreme Student Government (SSG) nang nakaraang taon.
“Kahit matagumpay na naisagawa ang hampangan, hindi ako lubos na naaliw sa mga tugon ng mga kandidato dahil naghahanap ako ng mas detalyadong impormasyon sa mga plataporma at mga tugon na kanilang ibinibigay.
Sa halip, para sa akin, ang kanilang mga tugon ay medyo generalized at karaniwang kaalaman,” ayon kay Placides.
Hindi rin na kuntento sa sagot ng mga kandidato si Aldrin Ramirez matapos makulangan siya ng plano at plataporma
mula sa mga nag-aasam mahalal.
Ipinahayag ni Ramirez na ang tanong niya tungkol sa kakulangan sa tulong pinansyal ng para sa mga club ay hindi nasagot nang maayos kaya nakitaan niya na kapos sa plano ang mga kandidato.
Samantala, umaasa si Fiona Dollente, ang tanging kandidato sa pagkapangulo, na maayos niyang naipahiwatig ang kanyang mga plano at plataporma sa Hampangan upang maging maayos ang kanyang pamumuno sa taon.
“Nararamdaman ko pa rin ang pressure… at sana nakumbinsi ko sila pagkatapos dito sa Hampangan na kaya kong gampanan ang pagiging pangulo sa buong taon,” saad ni Dollente. Ang mga mahahalal na mga kandidato ay magiging mga opisyal ng SSG para sa buong taon.
02
ANGELYNN CARMI BRAGAIS
KILATIS. Nakatutok ang mga mag-aaral ng BUCEILS-HS sa Hampangan 2023 na bahagi ng halalan para sa Supreme Student Government, ika-29 ng Agosto 2023.
SERBISYO
KUHA
80 TAON NG
MULA SA | BICOL UNIVERISTY STUDENT COUNCIL
TIKAS PAHINGA.
@TheMayon issuu.com/themayonweb themayonweb@gmail.com
Naging mukha ng KaPEACEtahan: Peace Fair ang militar dala kanilang sandata sa kanilang pag bisita sa Bicol University, Septyembre ika-15, 2023.
“Noong pinakita ‘yong plano ng PNR sa barangay namin, nakita na marami-raming kabahayan sa gilid ng riles ang pwedeng matapyas. Marami rin sa amin ang 10-20 taon nang naninirahan dito at hindi lahat kayang mawalan ng tahanan,” saad ni Ramirez.
Gayunpaman, tinukoy ni Jan Junell Boncodin, isang residenteng higit sa dekada nang naninirahan sa Barangay Washington, na marami sa mga residente ng lugar ang naninirahan sa lupang ‘di naman nila pagmamay-ari. Subalit, giit niya na dapat na maging maayos din ang pakikipag-ugnayan ng PNR sa mga ito.
“Siguro, dapat ding maintindihan ng
TUTOLSAPAGBABAGO
mga informal settler na tumitira sila sa lupang ‘di naman sa kanila, kaya may karapatan ang PNR sa mga lupang ito. Pero dapat ding maging maayos at tama ang pakikipag-usap ng PNR sa mga tao,” saad ni Boncodin.
Kaugnay nito, inilahad ni Boncodin ang kahalagahan ng mabisang pagpapakalat ng abiso at impormasyon sa mga residente lalo pa’t marami sa kanila ang nataranta at nabigla sa muling pagarangkadaa ng PNR.
“Sa totoo lang, no’ng unang pagbubukas ng PNR, wala talagang kaalam-alam ang marami sa amin. Wala namang pormal na abiso. Siguro sa barangay mayro’n pero walang nakarating sa
amin,” ani Boncodin.
Inilahad pa niya ang iba pang problemang idinulot ng unang pagarangkada ng PNR gaya ng nasirang mga kable ng kuryente at Wifi at mga sasakyang nahagip ng pagtakbo ng tren.
Sa kabilang banda, patuloy namang binibigyang-diin ng pamunuaan ng PNR ang pagsisikap nitong magbigay ng maginhawa, ligtas, at maasahang pampublikong transportasyon.
Ang pagbabalik ng operasyon ng PNR Legazpi-Naga ay nagsimula noong Disyembre 27, 2023 matapos ang anim na taong pagkaantala.
Senado, tinutulan ang People’s Initiative para sa Charter Change
PRECIOUS KARLA LOARES
Isinapubliko ni Sen. Migz Zubiri noong Enero 23, 2024, ang manifesto na pirmado ng buong 24 na opisyales ng Senado upang tutulan ang pag-amy enda ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).
Ayon sa ipinalabas na manifesto, layunin ng PI na alisin ang Senado upang mas madali ang pag-amyenda ng Konstitusyon. Dagdag pa, ang mga pagbabago ay maaari umanong magdulot ng mas marami pang mga pagbabago sa hinaharap.
“Kahit na tila simpleng bagay lamang, malinaw ang layunin— gawing mas madali ang pagbabago sa Konstitusyon sa pamamagitan ng pagtanggal ng Senado sa ekuwasyon... Tinatanggihan ng Senado ang matapang na pagtatangka na lumabag sa Konstitusyon, sa bansa, at sa ating mga mamamayan,” pagsasaad ng manifesto.
Sa isang panayam, nilinaw ni Sen. Zubiri na hindi lubusang tumatanggi ang Senado sa Charter Change. Kung kaya, nagsumite ito ng panukalang naglalaman lamang ng mga amyendang pang-ekonomiya at sistema ng edukasyon na hindi kabilang ang pampolitikong paksa tulad ng pag-alis ng term limits.
“Sumang-ayon ang Pangulo sa atin na ang panukala ay labis na nakakapaghiwa-hiwalay, at hiningi sa Senado na sa halip ay magbigaydaang ito sa pagrepaso ng mga pang-ekonomiyang probisyon ng Konstitusyon. Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang pagpapalaganap ng ating bicameral na kalikasan ng legislasyon,” sabi pa ni Zubiri.
DISAGRIKULTURA
Samantala, noong Enero 22, 2024, binalaan naman ni Sen. Joel Villanueva ang publiko na maging maingat sa kabila ng mga ulat ng umano’y pagbibigay suhol ng PI kapalit ng mga pirma galing sa mga botante.
“Mahalaga na maging maalam ang mga tao at mabigyan ng tamang impormasyon. Hindi maaaring bigyan kayo ng tulong o pera lamang upang pumirma,” ani Villanueva.
Kaakibat ng mga alegasyong ito, nagpasya ang Commission on Elections (COMELEC) na isuspinde ang pagtanggap ng signature sheets para sa PI hanggang sa mabigyan nila ito ng mas malalim na pagsusuri.
Sa kabilang dako, dinipensahan naman ni House Speaker Martin Romualdez ang PI laban sa mga alegasyon tungkol sa bribery. “Mariin kong tinatanggihan ang anumang alegasyon ng bribery o di-moral na mga gawain sa pagpapapirma sa petisyon para sa People’s Initiative. Kung totoo man ang mga ito, ito ay lumalabag sa diwa ng malinis at boluntaryong pakikilahok sa inisyatiba at sisira sa ating mga pundasyon sa demokrasya,” ayon kay Romualdez.
Simula noong Enero 29, ang mga miyembro ng Senado ay makikitang nakasuot ng maroon na arm bands bilang tanda ng kanilang pagtanggi sa PI.
Nagtipon-tipon sa harap ng House of Representative ang ilang grupo sa kanilang pagprotesta laban sa ‘di umano’y paggamit ng pampublikong pera para mangolekta ng pirma para sa People’s Initiative sa Charter Change.
ZARRONE VERDEFLOR
HOME ALONG DA RILES. Magkakahilerang bahay ang makikitang nakatayo sa gilid ng riles ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas (PNR) kung saan naninirahan ang ilang residente ng Legazpi City, Albay.
Pangunguna ng Pinas sa importasyon ng bigas, ikinababahala ng mamamayan
BENEDICT D. MARAVILLA
Naglahad ng hinaing ang mga mamamayan sa ‘tila kabaliktarang’ nangyari sa sitwasyon sa importasyon ng bigas sa Pilipinas.
Base sa pinakabagong datos ng United States’ Department of Agriculture, tinatayang lalampas sa inaasahang numero ang pag-aangkat ng bigas sa bansa na nasa 3.9 metric tons na, dahilan ng pananatili ng bansa bilang top importer ng nasabing produkto sa buong mundo.
Ayon kay Carla Laurio, may-ari ng bilihan ng bigas, nakita niya ang lalong pagtaas ng presyo ng produkto.
“Masyado talagang malaki ang itinaas ng presyo ng bigas, kaya ganoon na lang din kami ka-ingat sa pagbili ng ititinda namin,” ani Laurio.
Sabi naman ni Nicah Borsal, mag-aaral ng Bicol University College of Education
Integrated Laboratory School - High School Department (BUCEILS-HS), malaki ang implikasyon na maidudulot ng pagtaas nito sa magsasaka at sa mga mamimili.
“Maraming mga magsasaka ang maaapektuhan sa importasyon ng bigas kasi malaki ang kompetensiya sa merkado. Tataas din ang bilihin kapag magpatuloy ang malaking pagpasok ng produkto sa Pilipinas,” saad ni Borsal.
Noong Enero lamang ay nilagdaan ng Pilipinas at Vietnam and Memorandum of Understanding (MOU) on Rice Trade Cooperation na nagsasabing limang taong magpapasok ng bigas sa basa dahilan upang mas tumaas ang importation rate.
PBBM, mataposbinatikosgumamit ng helicopterpresidential para sa concert ng Coldplay
GEO ANGELO LABALAN
Inulan ng batikos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos gumamit ng presidential helicopter sa kanyang pagdalo sa concert ng British rock band na Coldplay sa Philippine Arena, Bulacan noong Enero 19, 2024.
Paliwanag ng Philippine Security Group (PSG) na ang trapiko, bunsod ng paglobo ng dami ng sasakyan papuntang Bulacan, ay maaaring maging ‘banta’ sa seguridad ng pangulo kaya sila gumamit ng helicopter.
Pinuna naman sa social media ang pahayag ng PSG kaugnay sa paggamit ng presidential helicopter para sa personal na libangan na dapat ay para lamang sa opisyal na paglalakbay ng pangulo.
“Ang paggamit sa mga opisyal na kagamitan ng pangulo, tulad ng presidential chopper, para sa personal na libangan ay isang pangaabuso ng kapangyarihan o maling paggamit ng kagamitan ng pamahalaan,” ayon sa isang Facebook post ni James Patrick Aristorenas noong Enero 20.
Ayon naman sa post sa “X” ni Renato Reyes, pangulo ng militanteng grupong Bagong Alyansa Makabayan, isang insulto para sa mga komyuter ang paggamit ng helicopter upang makaiwas sa trapiko, at walang simpatya ang paggamit nito sa mga tsuper ng dyip na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa jeepney modernization.
“Ang pangulo na gumagamit ng helicopter para makanood ng concert sa gitna ng matinding traffic at malubhang problema sa transportasyon ay walang pakialam sa mga jeepney drivers at operators na mawawalan ng kabuhayan pagkatapos ng Enero 31. Ito ang kalagayan ngayon ng transportasyon sa Pilipinas,” ani Reyes.
Pasasalamat na may halong pagkadismaya naman ang ipinahayag ng bokalistang Coldplay na si Chris Martin dahil sa ‘napakabigat’ na trapiko sa daan papunta at palabas ng Bulacan.
“We’d like to say thank you so much for all of you for coming through the traffic,” saad ni Martin.
“I think, you know, we’ve seen some traffic. But I think you have the number one in the world,” dagdag pa niya.
03 BALITA
MIKAELA
MULA KAY | JIRE CARREON
SA | REUTERS
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG MATAAS NA PAARALAN NG PAMANTASAN NG BIKOL
MULA
NAGPAPATULOY
MULA SA P1
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG MATAAS NA PAARALAN NG PAMANTASAN NG BIKOL
MULA SA | MENSXP
OPINYON
JACKIE PINEDA
PWERA USOG
BIGAT SA BALIKAT
“Bente tatlo, ‘yong mga nasa ibaba”
Ito ang mga naririnig sa bawat sulok ng lungsod kung saan may mga ukay-ukay na dinadayo’t pinagsisiksikan ng mga tao, at kada isa sakanila’y kitang-kita ang pagkapokus sa pagbubulatlat ng mga sari-saring kadamitan. Hindi mapaliwanag ang tuwang nararamdaman kapag ika’y nakadampot ng maganda sa halagang sampong piso lamang.
Ang kultura ng pag uukay-ukay ay bumakas sa puso at naghuhumpay sa problema ng maraming Pilipino na ‘di makasabay sa pagmahal ng pananamit sa mga pamilihan.
Ang iyong limang daang piso ay katumbas lamang ng isang bago at branded na pantalon na mabibili sa mga mall, partida ang orihinal na presyo nito’y natapalan na ng sale sticker.
Samantala, ang limang daan na ito ay maaari nang ipangbayad para sa isang plastic bag na punong-puno ng iba’t ibang pares ng kasuotan. Ito ang nagbubuhay at rason kung bakit nananatiling kaakit-akit ang mga
munting ukay-ukay na ito. “Para sa masa,” ika nga.
Nagsilbing libangan din ito na kinagigiliwan ng marami. Nagsimula ito sa pananabik at tuwang nakukuha sa pag-uukay. Kaniya-kaniyang sama ng mga barkada sa mga ukayan upang magtulungan na maghanap ng masswerteng “finds”. Ang paghahanap ng magagandang piraso na mayroong malaking halaga pagkat ito’y branded at vintage ay nagsimulang sumikat, at mas rumami ang dumayo para makisali dito.
Bakit nga ba ang muling pagkabuhay ng ukay-ukay ay pumapatay sa totoong layunin nito?
Hindi maiikubli na ito ay isang obra ng mayamang kasaysayan na nararapat lamang pagkaingatan ”
JUSTIN ENAJE SALVATIERRA
TEK MUNA
KAMUKHA MO KAMO
Sa panahon ngayon, hindi maitatanggi na isang nang malubhang usapin ang pagrami ng mga taong nagiging biktima ng pagpapakalat ng malalaswang larawan. At sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya, nakaaalarma na mas napapalawig na nito ang pagpapalaganap ng ganitong klaseng krimen.
Sa gitna ng maimpluwensiyang paglago ng Artificial Intelligence (AI), naging kaakibat din nito ang paglipana ng banta ng bagong anyo ng sexual assault na nagiging talamak na sa kasalukuyan. Sa dami ng mga larawan ng ating mga sarili na ating pinopost sa social media gaya ng Facebook, sa kapangyarihan ng AI at ‘Deepfake’, kahit sino ay maaari nang mabiktima.
Ang Deepfake ay isang uri ng teknolohiya kung saan posible ang paglilipat ng mukha ng isang tao sa katawan ng iba gamit ang mga larawan. Ang kinaibahan nito sa pinagmulang FaceSwap, ay mas makatotohanang tingnan ang Deepfake.
Noong Pebrero noong taong 2023, hindi mapigilang mapahagulhol sa kanyang webcast si Blaire, isang tanyag na streamer na mas kilala bilang QTCinderella, matapos malamang may nagbebenta ng mga video kung saan isinalin ang kanyang mukha sa naturang malaswang video. Ibinahagi niya na hindi lamang mukha niya ang ginamit kung hindi pati na rin ang iba niyang kapwa babaeng streamer.
Bunsod ng ang Deepfake ay isang bagong usbong na teknolohiya, hindi pa ito saklaw ng mga kasalukuyang batas. Dahil dito, halos wala magawa si Blaire upang maipatanggal ang mga video sa Internet. Matapos kausapin ang isang abogado, inamin nitong hindi rin nila kayang kasuhan ang nagpakalat ng malalaswang video. Humigit-kumulang 100 libong dolyar ang kanyang ginasta upang mabura ang mga ito mula sa mga website.
Ilang taong nagsikap ang mga naturang streamer upang patunayan ang kanilang sariling halaga at upang sugpuin ang karaniwang pananaw sa mga kababaihan bilang paksa ng atraksyon at pagnanais. At ang lahat ng ito ay nadungisan lamang dahil sa ilang mapagsamantala na inabuso ang teknolohiya upang makapangbiktima.
Dulot nito, hinimok ng streamer na magreport sa awtoridad sa tuwing makakikita ng ganitong uri ng midya, mapalalaki o babae man. Nais din niyang itulak sa kongreso ang mahigpit na pagbabawal sa ganitong uri ng paggamit ng teknolohiya at ang pagpapaigting ng seguridad at pagkakakilanlan sa Internet.
Ibinahagi rin ni SweetAnita, isa sa mga katrabaho ni Blaire, ang kanyang damdamin sa isyu – na kahit sino ay kayang baguhin ang batas, ngunit hindi magbabago ang batas kung hindi magbabago ang pag-iisip ng mga tao ukol sa kababaihan.
Kahit sino ay kayang baguhin ang batas, ngunit hindi magbabago ang batas kung hindi magbabago ang pag-iisip ng mga tao ukol sa kababaihan ”
Ang pagsikat ng mga ukay-ukay ay nagbigay daan para sa mga tao upang magtayo ng sarili nilang negosyo. Nauso ang mga online thrift shops na kung saan, sila’y pipili ng mga magagandang piraso ng kasuotan sa mga lokal na ukay-ukayan at ipapamili ito sa mas mataas na halaga sa kanilang mga social media accounts.
“Thrifted. Manage your expectations.” Natagpuan ko ang mga online thrift shops na ito sa iba’t ibang plataporma ng social media at kahit papano, ramdam padin naman ang tuwa, syempre kaganda ganda ng mga nakapost na piraso at nakakaakit parin talaga. Ang thrill nga lang na dating nakukuha sa paghahanap, ay nakukuha na sa pagclick ng “more” sa caption.
Ang lakas makapanibago na makakita ng 3-4 digits na presyohan sa mga thrifted na piraso, nawalan na ata ng depinisyon ang pagiging “thrifty” sa
bagong panahon ng ukay ngayon. Ang mas nakakapait talaga sa pakiramdam ay maraming umaasa dito, at ito lamang ang kanilang mapagpipilian. Malamang ay madaming nakapansin sa masamang epekto nito at tumutol, ngunit mayroong mga salungat padin at naniniwala na dapat itigil ang pag “gatekeep” pagkat “ang ukay ay para sa lahat”.
Tama. Ang ukay ay para sa lahat kaya naman ito’y bukas at nagagamit para sa mga kapus-palad. Kung ang target market ay ang mga kayang sumabay lamang sa patuloy na pagtaas ng presyo at talagang may kaya upang bilhin ito, tunay bang ito’y para sa lahat?
Talagang napapakita nga na ang mga mayayaman ay mahilig magbihis mahirap, mapasimboliko man o literal. Aanhin ang vintage six-pocket cargo pants for 750 pesos kung wala ka namang tirang barya na maibubulsa?
FREAL JAVEN DEL CASTILLO
HISTORAYTER
INAANAY NA KASAYSAYAN
Hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa tuwing nakakarinig ako ng mga salaysay sa kung gaano na katanda ang gusali ng aming paaralan. Akalain mo’t nasaksihan pa nga pala ng mga pasilyo nito ang alingawngaw ng pagsiklab ng giyera noong pananakop ng mga Amerikano. Mula sa payak nitong pagsisimula bilang Albay High School, sa parehong mga haligi ng ngayo’y tinatawag nang Carlos R. Imperial Gabaldon Building, umusbong ang aming paaralan – ang Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Bikol.
Hindi maiikubli na naging simbolo na nga ito ng kasaysayan na dapat lamang pangalagaan. Gayunpaman, sa ilang taon kong pamamalagi sa loob ng mga sulok ng aming munting Gabaldon, hindi ko maiwasang mapatanong: “Napapangalagaan nga ba ito?”
Sa bisa ng Republic Act No. 11194 o mas kilala sa tawag na Gabaldon School Buildings Conservation Act, naging mandato ng gobyerno ang pagtataguyod ng preserbasyon ng mga Gabaldon Schoolhouses sa bansa upang bigyang pagpapahalaga ang kasaysayan at kulturang nakaukit na sa pundasyon ng mga gusaling ito.
Subalit, sa bawat paglalakad ko sa Gabaldon, masasabi kong umaapak ako sa kasaysayan – parehong literal at metaporiko. Paano nga naman, sa paglakad mo pa lamang sa pasilyo ng gusali, tatambad na sa iyo ang mga pader at kisame na malinaw ngang
SUGAPANG KAPURIHAN
pinaglipasan na ng panahon. Kung kaya’t di ko na rin mapigilang magduda kung tunay nga bang may talab ang nasabing batas.
Sa likod ng makasaysayang estruktura ng aming Gabaldon, nagtatago ang isang katotohanan. Nariyan ang mga butas na kisame, bintanang sira-sira’t basag, kahoy na sahig na umaalog, at barandilyang kinakalawang. Naalala ko pa nga na sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan, ang kalahati ng aming klase ay mistulang mga bakwit na nag-aalsa baluta makaiwas lamang sa tumutulong bubong. Nariyan din ang talamak na anay na mistulang dekorasyon na sa ilang pader ng paaralan. Kaya’t di ko rin masisi ang pagkadismaya ng ilan bunsod ng isang malakas na sampal ng “expectation vs reality.”
Sa puso ng usaping ito, lumilitaw ang dalawang pangunahing suliranin: ang kakulangan sa pondo para sa
SIKLONG PILIT NG PASLIT
Alam ko na kaagad na panahon na naman ng halalan sa mga postings sa Facebook page.
Halalan 2022 ng mga tumakbo para sa upuan sa senado; maihahalintulad mismo sa pagkaluklok ng isang artista na walang alam sa batas pampulitika–natamo pa ang unang pwesto.
Kung ang target market ay ang mga kayang sumabay lamang sa patuloy na pagtaas ng presyo at talagang may kaya upang bilhin ito, tunay bang ito’y para sa lahat? ”
preserbasyon at ang kahigpitan ng batas sa pagsasagawa ng mga pagbabago sa estruktura ng mga Gabaldon. Nauna nang ibinahagi ng mga administrasyon ng pamantasan na gaano man gustuhin na maibalik ang makasaysayang ganda ng gusali, mahigpit pa rin ang paglilimita ng kulang na badyet at mga probisyon ng batas. Kaya naman, hindi ko maiwasang mapagtanto na mistulang hilaw pa rin ang implementasyon ng RA 11194, na malinaw sa kakulangan ng suporta sa mga paaralan para sa preserbasyon ng mga Gabaldon Schoolhouses.
Samakatuwid, ang nasabing batas ay hindi lamang dapat may talas sa papel kung hindi sa mismong implementasyon din. Ang mga gusali gaya ng Gabaldon ay hindi lamang dapat basta larawan ng ating kasaysayan kung hindi pati na rin ng ating pangangalaga sa ating nakaraan at kultura. Nararapat lamang din ang sapat na suporta mula sa mga kinauukulan at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa sabay na pagpapayabong ng edukasyon at ng ating makasaysayang pamana.
Tunay na hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa tuwing nakakarinig ako ng mga salaysay sa kung gaano na katanda ang aming munting Gabaldon. Subalit, mas lubos akong magagalak kung ang aking mga anak at apo sa hinaharap ay magagawa pang makita ang makasaysayan nitong ganda.
Tila naging batingting ng Halalan 2022 ang naging resulta ng Sangguniang Kabataan Elections nitong nakaraang taong 2023, sa mga tagumpay na namukadkad na kabataan. Habang ganap na magandang balita ang estadistikang pagtaas ng Certificate of Candidacy ng aspiring 2023 SK applicants para sa mga progresibong kabataan, nakapangangambang ang paglobong ito ay mistulang nagiging indikasyon na mayroong bandwagon sa koponan. Isang puwing sa katotohanang umuunlad ang pag-asa ng bayan at pagbabalat-kayo sa matagal nang sakit ng pinakamababang yunit ng lipunan. Ito ang gampanin ng kabantugan sa lipunan–isang kasuklam-suklam na pamamaraan ng mga tumatakbong paslit upang maipakita na tunay ngang may mangyayari, kahit pa nangingibabaw ang pagpapalawak ng pansariling interes, mas lalong pagpapahirap sa mga marginalisadong kabataan, at potensyal na pagpapamulat sa mga susunod na henerasyon sa pamahalaang pilay kung tumustos sa kanilang pangangailangan.
Plataporma mismo ang planong laruan ng mga mistulang kawatan ng yagit na kinabukasan.
Halimbawa? Ang mga nakaluklok sa pwesto anim na taon nang nagdaan.
Maaalalang ang huling halalan ng SK ay noong taong 2018. Sa anim na taong napaglipasan, naging laboratoryong pamugaran ang platapormang ito ng saligang pamumulitika ng korapsyon. Hinding-hindi na rito bago ang siklong kabantugan ang pinapaboran, na ang karaniwang rason ay bribery o pampulitikang dinastiya–taliwas sa Sangguniang Kabataan Reform Act 2015.
15K reacts. 3K shares.
“Social Media Influencer ******, pumupugay bilang SK Chairman aspirant.”
Resultang mistula naging repleksyon ng
Para bang isang pulutong ng paputok sa gabi; nakapagbubulabog sa nagagawa nitong liwanag at ingay ngunit gaya ng naikawing na karumal-dumal na pamamahala, ang usok ng paputok – na dumadaloy sa hangin pagkatapos ng pagsabog – ay madaling kalimutan. Sa madaling sabi, habang dalisay ang ideyang ang kabantugan ay nakapagsasagawa ng pagpukaw ng mainiping atensyon ng kabataan, ang pangmatagalang bisa nito sa epektibong pamamahala para sa mga kabataan ay nananatiling daglian.
Ito ang umiiral na siklo sa pinakamaliit na yunit ng lipunan sa kasalukuyan: mayroong tatakbong bantog, pipiliin ng paslit, mauupo upang maglaro at tatayong nalibang. Paulitulit, hanggang sa maabot na ng tumatakbo ang limiting age para sa kwalipikasyon, at manakawan ng pundamental na pagkakakilanlan ang repormang ipinaglaban noong 2015.
Bunsod nito, ang mga angkop na tumatakbo ay isinasantabi ng paslit na botante. Ang mga polisiya at aksyong pagpapaunlad ay nalilimita na lang sa mga pa-liga at beauty pageants ng may posisyon na hindi nakaangkla sa pangmatagalang pagpapaunlad, at kung ilalagay sa lente ng langgam ay tuon lamang sa iilang aspeto ng Philippine Youth Development Plan (PYDP).
Matatandaang kinuwestiyon ng National Youth Commission ang paggamit ng SK sa kanilang pondo noong Agosto 11, 2023 sa isang Pulong-Balitaan dahil napag-alamang kalimitan sa pondo ay inilalaan lang sa mga
aksyong tulad ng mga nabanggit. Hindi nagagawang maisentralisa ang kilos sa siyam na punto ng partisipasyon ng kabataan ayon sa PYDP. Kumbaga, hilaw na hilaw ang mandato.
Dapat pakatandaan na hindi lamang ito wari’y isang simpleng pagp-post sa Facebook page tungkol sa pro at anti views ng isang nanunungkulan. Ang pagkakabuo sa SK ay tuon sa pagbibigay puwang sa kabataan upang makapagdiskurso sa pulitika at maranasan mismo ang pamamalakad at ikot dito. Kung kaya ang bigat ng kanilang responsibilidad ay katumbas ang kapakanan ng bawat aspeto ng buhay ng kabataan. Kaya marapat na ang kabataan ay hindi pasisiil sa mabibilis maghilamos na kandidato. Mangyari ding ibaling ang hilaw na panunungkulan ng mga naupong tanyag sa mga konkretong plano na hindi lang tuon sa siyam na punto, kundi pati na sa pangmatagalan nitong termino. Kasama rito ang kritikal na pag-uusisa sa pinaglilingkuran at pag-aangkop ng kanilang pangangailangan ayon sa antas ng kanilang kasalatan. Higit sa lahat, matutong tumayo sa gilid ng nasasakupan. Para sa’yo, botanteng kabataan, wala kang dapat karindihan sa bawat paalala tuwing halalan. Inireresiklo ang mga hamong ganito upang masigurong patuloy na magsasagawa ng edukadong desisyon ang mga kabataang mamboboto ayon sa kalidad, imbes na sa presensya sa medya tuwing halalan.
Para sa’yo, kabataan, hindi kamalayan ang kulang—mayroon ka na nitong sapat; kundi ang kabiguang matunton na may mga hakbang pang dapat ilaan sa pagpili ng nararapat.
Maliwanag pa ang ningas ng paslit. Huwag hayaang maging sakit ang siklong pilit.
ARMELA PERSIA
08
TAGONG KALARO
Kalakip ng ating pang-araw-araw na buhay, hindi maiiwasan na nakakaranas tayo ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari – mga bagay na tila labag sa pangkaraniwan.
Sa mga nagdaang dekada kung saan ang mga sugat ng nakaraang nagmula pa sa Ikalawang Digmaan, ang BUCEILS - HS ay naging kumbento ng mga kwentong may kinalaman sa mga misteryosong nilalang. Mula sa silong ng lumang imprastraktura, may isang gurong batid ang kanilang nakakapangilabot na presensya. Ang iba raw dito ay hindi na nanaising maka-engkwentro muli, ngunit may iba naman na tahimik lang na nagmamasid. —
Kilala si Ginoong Irwin Perea, isang guro ng paaralan, sa mga kwentong kababalaghan madalas niyang ibahagi sa klase. Ayon sa kanya, tanging ang mga taong bukas ang kanilang pangatlong mata ang kayang makakita sa mga ito. Sinasabi ring ang espesyal na kakayahan ay nakuha nang ang araw ng kanyang kapanganakan ay natapat sa mga araw din ng mga kaluluwa na siyang unang araw sa buwan ng Nobyembre.
Hindi lamang isa ang mga dumaan sa mapangahas na mata ni Sir
Perea, ngunit ang popular sa mga estudyante ay ang dalawang nilalang na itinuring niya ng “alaga”.
“Noon pa mang nagtuturo ako, may nararamdaman akong may taong nakatira dyan. Nang lumipas ang isa’t kalahating taon, may nagpakita sa akin na dalawang bata.”, pagtukoy niya sa pangatlong silid sa pasilyo.
“Alagang Kaibigan” kung kanyang tawagin ang kaluluwa ng batang lalaki at babae. Walang mukha at tila hangin ang puting katawan ng mga ito kaya’t bumabalda ang anumang ilaw na tumatama. Nakakapangilabot man isipin, ngunit tulad lang naman sila sa ordinaryong mga bata — makulit at nangangailangan ng pansin. Madalas silang makitang naglalaro at nagmamartsa sa nakahelerang mga upuan tuwing may klase o nakangiti habang nakasilip mula sa tagong butas sa kisame.
Hindi naman intensyon nilang manakot. Ikinagagalak pa nga ng guro ang kanilang pagtulong sa kaayusan ng silid na maoobserbahan na lamang kinabukasan. Ngunit may isa lamang silang kondisyon - huwag
Minsan sa may kalayaan tayo’y nagkatagpuan May mga sariling gimik At kaniya-kaniyang hangad sa buhay” - Minsan, Eraserheads
minsan sa luntian.
Minsan – isang salitang nangangahulugang panandaliang pagkakataon.
Sa mga “minsan” na ito kumakapit ang karamihan sa mga estudyante upang pansamantalang kalimutan ang gulo ng buhay. Minsang yayaan. Minsang kwentuhan. Minsang kumustahan. At ano pa ba ang pwedeng pagbalingan ng mga minsan ng isa, kundi ang isang lugar na laging naririto para maging tagamasid sa likod ng talahib.
Gaano man karami ang mga gusali sa loob ng Bicol University, hindi kailanman matatakpan ng mga anino nito ang luntiang paraiso. Sa mga sandaling katahimikan, ang “field” ay nagiging lupon para sa iba’t ibang damdamin na bumabalot sa buhay ng mag-aaral—pag-ibig, pagkasawi, pagkakaibigan, pag-asa, at mga masidhing pangarap. Nag-aalok ito ng espasyo kung saan ang bawat emosyon, tagumpay, at kabiguan ay panandaliang nakakalaya.
Ngunit, tulad ng damo na humahaba at kailangan putulin, ang tagpuan
na ito ay sumisimbolo rin ng pagbabago upang makasabay sa panahon. Kapag natapos na ang mga taon bilang mag-aaral, dadating ang puntong magpapaalam at sasabak na rin sila sa kanilang susunod na yugto. Gayunpaman, ang mga paang dating tumapak at mga ulo na paminsang humiga ay nanatiling nakatupok sa tagpuan na ito.
Para sa mga nananatili, ang field ay naglilingkod bilang isang kanlungan— isang pansamantalang takas mula sa mga hamon ng akademikong buhay. Dito, ang mga pagod na isipan ay nakakakita ng ginhawa, ang mga
nanghihinang puso ay nakakakita ng tapang, at ang mga mag-aaral na naghahangad ng kalayaan ay nakakakita ng kapanatagan. Ang oras ay humihinto, kahit pansamantala lamang.
Sa mga taon na nagdaan, nasaksihan ng berdeng lupain ang lahat. Bawat kaganapan, bawat pagbabago— lahat ito’y nakaukit sa damo, paalala kung saan tayo nanggaling at saan tayo patungo. Sa kabila ng mga inaasahang pagbabago, nananatiling itong tahimik na tagapagmasid ng agos at daloy ng buhay ng mga magaaral.
Magpatuloy man ang pagtubo, may isang bagay na tiyak: ang field ay laging magtataglay ng espesyal na puwang sa puso ng mga estudyanteng may kwento ng kanilang mga “minsan” dito
kalimutan na mag-iwan ng bulaklak, dahil nagtatampo ang mga ito. Sa ikalimang araw na sunod-sunod na nakalimutan ang pag-alay sa kanila, mapapansin na lang na magulo ang mga upuan at may mga sirang gamit tulad ng bumbilya. Halos lahat ng estudyanteng dumaan kay Sir Perea ay batid ang kwento tungkol sa mga bulaklak at kanilang presensya.
Sa kabila ng anonimong kwento ng kaluluwa ng dalawang bata, may iba pang nilalang na patuloy na nananatili sa mga sulok ng kampus. Hindi natin tiyak kung ano ang kanilang layunin o kung bakit tayo ang kanilang pinipiling bantayan. Totoo man o hindi ang mga ito, ang paaralan ay tiyak na may kwentong pasilip sa karimlan na nagpapakita na ang multo ng kasaysayan ay patuloy na nabubuhay.
Kaya sa susunod na makarinig ng mga yapak at halinghing sa likod ng silid, huwag matakot at hayaan lang sila.
SALUDO EROPLANO
Madalas nakatingala ang iilang BUeño sa himpapawid, ngunit hindi sa dahilang aakalain ng iba. Ang haginghing ng napadaang eroplano ang hudyat na pakaskas nang sasaludo ang mga mag-aaral sa takot na kapag namataan ng kaibigang kasali sa laro, ay masapok sila sa ulo.
Ito ay isang laro na hindi para sa madalas matulala o mahina ang pandinig. Wala itong pangalan at babala kung kailan magsisimula. Malalaman mo na lang sa oras na dumapo sa batok mo ang palad ng iyong katabi at inis kang magbabaling ng tingin. Tsaka niya ipapaliwanag ang patakaran:
Kapag may eroplano, sumaludo. Kapag may nakita kang hindi nakasaludo, hampasin mo sa ulo. Kung nanghampas ka ng nakasaludo, humanda sa ilang banat pabalik sayo.
Ganoon lang kadali.
Ang saludo ay gawa-gawang laro mula pa noong elementarya na
napasa-pasa hanggang makarating ito sa mga pasilyo ng Bicol University. Mukha mang marahas ang laro, hindi naman ito isinasagawa sa hindi mo kaibigan. Isa lamang ito sa mga iilang gawing tradisyon na nagpapahayag ng pagkamalapit sa mga taong kinatatangkilikan ng mga BUeño. Tunay ka ba nilang kaibigan kung hindi nila ‘to ginagawa sa’yo?
Ngayong alam mo na ang laro, ihanda mo na ang iyong hintuturo at hinlalato. May paparating na eroplano; nasa’yo na lang kung uunahin mong sumaludo o manduro. O kung nanaisin ma’y, kumaripas ka nalang ng takbo.
07
LATHALAIN
YESHA MARIE TOLOSA
YESHA MARIE TOLOSA
JUSTIN ENAJE SALVATIERRA
EOWYN KAYE MOJAL KUHA
JUSTIN ENAJE SALVATIERRA KUHA
GINUHIT NI BJPOSOGA
ALTHEA GAIL C. CONCEPCION
PALAKASAN
Cup
Hinigitan ng Brgy. Ginebra ang bagsik ng NLEX Road Warriors sa apat na puntos upang sungkitin ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals, 103-99, sa PBA 48th Season Commissioner’s Cup, Ibalong Centrum for Recreation, Legazpi City, January 13, 2024.
Tinatagan agad ang depensa at pinangunahan ng Brgy. Ginebra San Miguel ang unang kwarter sa sunod-sunod na atake laban sa NLEX Road Warriors na nauwi sa 31-23.
Tuloy-tuloy ang labanan sa pangalawang kwarter kung saan ang Road Warriors ay naghabol at nakabawi sa Ginebra sa isang puntos na agwat, 54-53.
Matagumpay naman na nangunahan ang Road Warriors sa ikatlong kwarter ng laro na nagpaliyab sa mga three-point shoot na tira, 82-77.
Sumiklab ang tensyon, mga taktika at palaban na mga puso ng mga manlalaro na naghahabulan para sa kampeon sa ikaapat na kwarter dahil sa magkalapit na mga puntos.
Sa huling limang minuto patas, 88-88 na nakamit ng dalawang teams ang puntos, ngunit hindi ito hinayaan ng Ginebra at tuluyang kinuha ang tyansa na humila sa iskor na 103-99.
Namangha ang mga manonood sa malapit na labanan ng
dalawang pangkat lalo na’t halos limang taon na ang nakalilipas noong huling nagkaroon ng opisyal na harapan ang PBA sa lungsod.
Ipinahayag ng isa sa mga mag-aaral ng Bicol University Integrated Laboratory SchoolHigh School na si Chris Josef Ravago na nakakabigla na makitang may PBA match na ginanap kahit ilang taon na ang lumipas, “Nakaka-gulat dahil ang tatangkad at ang laki ng mga players sa pro league tapos ang lalakas pa. It was a very fun experience naman and sulit ang panonood sa match”.
Saad ng isang estudyante na si Arfie Cantes na, “I’m very happy na naganap here sa legazpi yung pba since 5 years na tayo walang pba”.
Nagpasalamat si Mayor Noel Rosal sa mga sponsors at sa lahat ng PBA fans at lalo na sa PBA MGT sa pagdala ng laro sa Legazpi City. “Pba sa legazpi .. was a success , after more than 5 yrs na wala tayo pba game sa legazpi ..ganda ng laro”.
Matapos ang mahigit 60 taon na sumpa, inuwi ang matamis na gintong medalya ng Gilas Pilipinas matapos paulanin ang Jordan ng tira sa labas ng arko sa Asian Games 2023 na ginanap sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gymnasium, China noong ika-6 ng Oktubre, 2023.
Saad ni Earl Scottie Thompson na, “This is special for us, for our country. This is a very meaningful win because we made history”.
mga lokal na nanonood sa Gymnasium sa mga Jordans, nagpakita ang Gilas ng katatagan at inarangkada ang mga tira upang mapaslang ang kalaban, 58-51.
pagkapanalo, “Our guys were really disciplined tonight. I’m really proud of them”.
“The Filipino Heart, the Filipino pride.. there
Pinangunahan ng Gilas ang unang kwarter matapos samantalahin ang mahihinang tira galing sa kalaban gamit ang kanilang umuusok na mga pitad, pero sila’y pinahirapan pa ng Jordan sa kalagitnaan ng unang kwarter na humila sa puntos na 21-20.
Naging maayos ang mga tira ng Jordan simula ng pangalawang kwarter na nakasungkit ng apat na tira sa labas ng three-point line at nangunahan laban sa Gilas bago mag-halftime, ngnit hindi ito tuluyang ibinigay ng Gilas na bumawi at hinila sa 31-31, half-level.
Nagkabatuhan naman sa padodomina ang Gilas at ang Jordan sa maagang bahagi ng Ikatlong Kwarter kung saan sa kabila ng mga hiyaw at suporta ng
Ipinaglaban ng Gilas ang kanilang pangunguna sa Jordans habang ninakaw at pinatili ang mga tirang baliko ng kalaban upang higpitan ang depensa at pailyabin ang mga atake. Sa huling patak ng segundo ay tuluyang nilampaso ng Gilas ang Jordan sa 7466 na banat.
Ipinahayag ng mga manlalaro ang kanilang pagpapatunay sa sarili at sa bansa kahit may iilang hindi naniwala, “A month after the World Cup, we knew that our national team really needed that win. Everybody came together and that was a great team effort”. Saad ni Angelo Kouame, isang player.
Ibinahagi rin ng kanilang coach na si Tim Cone ang kanyang saya sa
GABAY: BUSIKLETA SA LUNGSOD-KALSADA
Matapos ang sunod-sunod na lubak na tinahak ng bansa simula ng lockdown, natuto ang mga Pilipino maghanap ng aktibo at makabuluhang gawain, at alternatibong transportasyon gamit ang dalawang gulong na pinapasada sa gilid ng kalye. Kung saan kabi-kabila ang nag sisibilisan na sasakyan, kinakailangan ng mga nagbibisikleta ang masusing paghahanda upang masigurado ang kaligtasan sa kalsada. Lalo na sa mga maaliwalas na lungsod katulad ng Legazpi— kahit may bagong mga bike lanes, hinggil sa mga estudyanteng siklista ang gabay na ito.
Sa usapang pangkaligtasan, kagamitang pang proteksyon ang dapat tandaan. Paniguraduhing mayroong helmet, knee at elbow pads, signal lights pangbisikleta, at iba pang ginagamit upang iwas sugat sa oras ng maling manibela. Hindi kinakailangang magagara ang mga nasabing kagamitan, ngunit importante na nasa magandang kalagayan at kalidad ang mga ito. Dahil sa mabilisang kalikasan ng lungsod kalsada, ang hindi inaasahan ay nasa kanto lamang. At ang tamang sagot dito, ay gamit na husto.
Sa bisikleta, ang regular na repaso ang bagong pauso. Simula sa padyakan, sa tensyon ng kadena, hanggang sa pag-ikot at paghinto ng mga gulong. Tingnan kung gumagana ang preno ng parehong gulong. Importante rin na suriin ang kadena at sikaran kung ito ba ay maayos na umiikot. Sa oras ng pagkatanggal nito habang nagpapatakbo, aksidente ang kahahantungan. Isabay na rin ang gulong mismo na kung saan kung hindi naerehan ng maayos ay makakapeligro sa pagkontrol ng direksyon.
Ayon sa isang siklista ng Bicol University Integrated Laboratory SchoolHigh School na si RJ Cimanes, “bago kasi ako mag bike… tamang search lang i-che-check mo kung maayos yung
gears mo, kung may preno ba, para maingat ka sa ano sa pag travel.”
Dagdag pa niya, hindi ibig sabihin na kapag maayos ang kagamitan, ligtas na ang dadaanan. Kaya mainam pa rin na pagtibayin ang talas ng isip sa kalsada.
At ang pinakaimportante sa lahat ng paghahanda bago ang unang pagsikad, ay ang pag-kondisyon sa katawan mismo. Sa kilo-kilometrong tatahakin sa ilalim ng papataas na araw, ang init ang umaangkin sa pagkauhaw. Kaya mainam na uminom at magbaon ng maraming tubig bago pumatak ang pawis. At sa dalawang paang sinasabayan ang ritmo ng bisikletang tumatakbo, dahan-dahang gagapang ang pagod. Upang maiwasan ang pulikat, ang tamang warm-up at stretching ang katapat.
Ibinahagi pa ng isa pang siklista ng BUCEILS-HS na si Jethro Medina, na dati nang sumali sa Mayon 360, “Dapat… nakainom ako tubig para good condition ako para hindi ako agad mapagod... para mas safe na rin ako at para sa kaligtasan ko naman”
Pero sa dulo ng destinasyon sa pagbibisikleta sa syudad, ang tama at matalinong paggamit ng bike-lanes ang magiging kasangga ng bawat siklista.
Dahil sa kalsadang balot ng busina, mainam na manatili ang mga siklista sa naturang lanes sapagkat ipinagbabawal ng batas ang mga motorista at drivers ng iba pang sasakyan dito. Mahalagang tandaan na hindi lamang sa batastrapiko ang mga bisikleta dahil lang may bike lanes, importante pa rin maging alerto sa mga intersections, ilaw-trapiko, at mga senyales sa kalsada upang masiguro ang kaligtasan.
Noong nakaraang taon lamang, tinapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 17.05 na kilometrong bike lane sa mga kalsada ng Legazpi city upang magkaroon ng ligtas na espasyo ang mga siklista. Alinsunod rin ito sa DPWH Department Order No. 263 series of 2022 Guidelines and Standard Design Drawings for Bicycle Facilities along National Roads. Umaabot ang naturang bike lanes sa mga pangunahing kalsada ng lungsod. Hindi naman kasi lahat ay may kakayahang pumunta pa sa malalayong lugar upang lakbayin ang iba’t ibang biking trail routes at tanggalin sa pagaalala ang kaliwa’t kanang kaingayan ng lungsod. Kaya kasabay ng munting gabay na ito ay ang maalagang pagiingat at talas ng isipan sa pa bagobagong daloy ng trapiko at direksyon ng kalsada. Sa pagbabalot ng berdeng linya sa mukha ng syudad, hindi lang ligtas na espasyo, ngunit alternatibong transportasyon at ehersisyo rin ang maibibigay sa bawat isa. Kaya importante na walang pinipiling bilang ng gulong ang kahit saan mang lungsod-kalsada, dapat may lugar dito ang bawat masisigasig na siklista.
14
is nothing like it. We displayed it in this tournament… The Filipino heart toughened us up a lot, especially in this gold medal game” pagpapasalamat ng Man of the Hour na si Justin Brownlee. Ramdam ang saya ng mga Pilipino at kasama na rin dito ang mga tagahanga na galing sa BUCEILS-HS. Ibinahagi ng isa sa mga mag-aaral na si Miguel— hindi nya tunay na pangalan, ang kanyang pagpapasalamat sa resulta ng nangyaring laban. “I’m actually proud and happy sa nangyari, imagine for how many years muli nilang nabawi ang korona sa basketball”. Huling nakakamit ng Gintong Medalya ang
Winakasan ang Asiad gold-drought laban sa Jordan
Pilipinas noong taong 1962 at ngayong 2023 ito ay nakuha natin muli. GilasPH
Ginebra Umeskapo sa NLEX Road Warriors, Commissioner’s
ANGELYNN CARMI B. BRAGAIS
FITZ REYNALD BACOLOD
MULA SA | SPIN.PH
MULA SA | PBA Images
MULA SA | Kagarawan ng Turismo - Bikol
AWAT SA PARTIDA
Marangal at taas noong itinataas ng mga atletang Pilipino ang ating watawat sa mga pampalakasan sa labas ng bansa. Kaya nakakapagtaka na sa likod ng trato ng bansa sa mga manlalaro, nakakayanan pa nilang ialay ang mga panalo sa Pilipinas. Ang hindi lang ay ang mga atletang umaalis sa bansa. Dahil sa katotohanan, meron silang napakaraming rason upang maghanap ng bagong tahanan, at wala tayong karapatan para magreklamo.
Matatandaan noong nakaraang taon ang pagpalit ng Nasyonalidad ng dating top-rank fencer ng bansa at four-time Southeast Asian Games medalist na si Maxine Esteban bilang Ivorian dahil sa isang injury, at bahaging may malakas siyang respeto sa sarili. Pinagbawalan siya ng Philippine National team na maging parte ng pangkat matapos itong pagbintangan ng hindi paglahok sa mga qualifying rounds kahit na ang pederasyon mismo ang pumayag sa atleta na maging parte pa rin kahit hindi siya makilahok dahil sa kanyang sugat.
Kailan ma’y walang makakasabing hindi pambabastos ang nangyari sa atleta. Libo-libong mga manlalaro, katulad ni Esteban ang nangangarap ng makipaglaban sa labas na entablado, ang makakuha ng gintong medalya sa mga prestihiyosong kompetisyon. Kung may kakayahan ang ating pederasyon na gumawa ng paraan upang ibulsa ang mga pagkakataong ito para sa isang atleta, mai-iwang walay saysay ang mga luha’t pawis na binubuhos sa bawat puntos na kanilang pinaghirapan.
Mahiya naman siguro ang Pilipinas. Lunod na lunod tayo sa Filipino pride ngunit kulang na kulang lang naman ang binibigay na suporta sa mga atleta. Kung hindi lantarang niloloko ang mga manlalaro, iniiwan naman itong magbusisi
TALAGHAYNAKO
ng kani-kanilang pinansyal na baon upang makabili ng ticket o makayanan ang gastusin sa training at iba pang kagamitan. At kung sakaling mabigyan man, aakusahan pa ng pag peke ng liquidation documents.
Mababalikan ang kaso ni Bince Rafael Operiano kung saan hindi man lang nabigyan ng sapat na tulong ang chessprodigy upang makabili ng plane ticket ang mag-ama papuntang Thailand. Isabay na rin ang kay pole vaulter na si Ej Obiena kung saan isinisisi sa atleta ang bulok na sistema ng Philippine Athletics Track and Field Association sa pagpapadala ng bayad kay coach Vitaly Petrov kung saan kinakailangang ipadaan muna sa isang separate account ang bayad upang ma convert ito sa euros. Sa kabila ng akusasyon, si Obiena mismo ang nakiusap sa PATFA na i-diretso kay Petrov ang bayad.
Kahit sabihin pa man ng iba na ang Pilipinas pa rin ang humubog sa kakayahan ng bawat atletang ipinapadala natin ngayon sa internasyonal na entablado, hindi kailan man naging masama ang maghangad ng mas higit pa sa kayang ibigay ng bansa, lalo na’t kung may ibang handang mag kupkop sa isa. Hindi dapat ang atleta ang mag lulugmok sa sistema ng Pilipinas dahil lang sa kakulangan nitong bigyan ng tamang
SANDIGANG NAPUSPOS
FRANCIS A. OMBAO
Isports ang haligi na nagsisilbing suporta sa pagtuturo ng mga mag-aaral ng mga mahahalagang aspeto ng buhay na kailangang tahakin. Sa paaralan ng BUCEILS-HS, ang kultura ng sports ay masagana’t buhay na buhay, ngunit kaakibat nito ang dagdag na pangangailangang suporta mula sa mga guro ng institusyon. Sa sitwasyong ito humahantad ang katanungang, sapat na nga ba ang nagtuturo ng Edukasyong Pisikal sa paaralan?
Noong nakaraang taon lamang, sa kabila ng buong-pungaw na pag-asikaso ng sports club, kabilang narin ang kaisaisang guro ng PE na si Prof. Monina Orobia, ay hindi sila napayagang sumipot at lumaban. At bilang parte ng isang unibersidad na kadalasang nananalo sa mga patimpalak na pampalakasan gaya ng SCUAA, tunay ngang nakagigimbal na hindi man lamang tayo nagkaroon ng oportunidad na ipamalas ang ating galing. Ngunit paano rin natin matutulungan ang ating mga atleta kung kulang ang mga tagapamahala ng nararapat na mayroon sila?
Ayon kay Elyza Gaspacho, isang badminton player sa BUCEILS-HS, walang coach ang badminton team at nagsasarili ang bawat manlalaro sa pagsasanay sa pamamagitan ng pag
iskedyul sa Legazpi City Badminton court o sa bahay lamang.
“Meron training pag Saturday morning sa court, pero medyo pricey for some, kaya I understand them naman. That’s why I always encourage them to practice at home.” ika niya.
Dagdag niya pa, “It’s difficult po talaga pag walang coach since wala po maga guide samin, give feedbacks about our play po, sabihin po kung san ngaya po kami dapat pa mag improve.”
Hindi maikakaila ang mga bagay pangakademiko ang isa sa mga pinagtutuunan ng pansin at sinusuportahan ng mga nakatataas. Agad mapapansin ang mga tarpaulin na tungkol sa mga patimpalak pang Sipnayan at Agham, ngunit walang
suporta ang mga manlalaro. Dahil walang
titulo ang bansa sa mga mahuhusay na Pilipino, lalo na’t kung ang bansa mismo ay walang ginagawa upang i ensayo ang naturang kahusayan.
Sa mga sitwasyong ito, mainam na burahin na sa ugaling Pinoy ang yumuko sa kahirapan at pagsubok. Simula pa lamang sa mga atleta ng mga paaralan, gawin ng normal ang paglipat ng paaralan kung sa tingin ng mga manlalaro ay may uunlad sa bagong lugar. At sa oras ng hindi patas at tamang pagtrato, ang bawat Pilipinong atleta ay may tamang lakas upang talikuran ang kinasanayang bubong para sa mas maayos na daan patungong tagumpay.
Kaya sa tuwing mayroong nasusungkit na gintong medalya ang mga delegadong Pinoy sa labas, sapat na suporta at pagbati dapat isalubong sa kanilang paguwi. Isang saludo, puso, at pagmamalaki ang i-alay sa kanilang sakripisyo at dedikasyon. Hindi lang sa pagsasanay, kundi sa pagharap ng buhol na sistema ng bansa. Laking pasasalamat ang dapat iwagayway, dahil hindi lahat ng manlalaro, ay kaya pang isukmura ang binibigay ng Pilipinas na partida.
Hindi kailan man naging masama ang maghangad ng mas higit pa sa kayang ibigay ng bansa ”
makikitang maski isang parangal sa mga atleta at mga kompetisyong pampalakasan. Isa mang rason para dito ay hindi natin nasusungkit ang kampeonato, ngunit tila bato sa langit ang pag-asang tayo’y mananalo kung wala tayong sapat na ensayo at pagtuturo? Kahit gaano man tayo ka interesado ang mga mag-aaral sa sports, wala itong mararating kung wala ito sa isip ng institusyon.
Hindi lamang pang-akademikong aspeto ang pinahahalagahan ng BUCEILS-HS. Marahil ay mayroong mga nagsasabi na nakakasagabal ito sa pag-aaral, ngunit kung tutuusin, edukasyon ang nagiging daanan ng mga estudyante tungo sa kanilang pagiging propesyonal na atleta. At bilang estudyante, dapat din ay alam natin ang kahalagahan ng edukasyon sa sports sapagkat ang pinagkaloloob nito ay madadala rin ng bawat mag-aaral sa pagtahak ng kanilang buhay. Ang sports ay hindi lamang umiikot sa taas ng talon at bilis ng takbo ng isang tao, kailangan din natin ng mga taong magtuturo na mailabas ang buong potensyal at talento.
Pacquiao, Magpapalitan Kamao laban MayWeather
Inanunsyo ng pambansang boksingero na si Manny Pacquiao ang planong harapin muli ang dating katunggali at dating kampeon na si Floyd Mayweather Jr. sa isang exhibition match ngayong 2024 sa Rizin 45, Japan.
Matapos ang walong taon nang sila’y dating nagharap, ipinahayag ni Pacquiao ang kanyang mga paumanhin sa hindi pag-akyat sa ring noong 2023, at ang ninanais niyang pagbawi sa pamamagitan ng muling paghaharap kalaban si Mayweather, na gaganapin sa huling araw ng taon, December 31, 2024.
Matatandaan ang dating sikat “Fight of the Century” ng dalawang retired na boksingero noong May 2015 kung saan nagwagi ang Amerikanong kamao. Wala pa mang kumpirmasyon sa panig ni Mayweather, siya ay dati na ring lumahok sa mga event ng RIZIN kung saan kinalaban niya sina Tenshin Nasukawa at Mikuru Asukura.
FRANCIS A. OMBAO
MULA SA | ONE SPORTS
RING MAGAZINE
MULA SA
|
INTRAMS 2024
Intramurals Laro ng Lahi, Kinaaliwan
ALTHEA GAIL CONCEPCION
Napuno ng hiyaw, sigla, at saya ang commencement grounds kung saan nag pasiklaban ang mga estudyante sa Laro ng Lahi sa huling araw ng Intramurals: Race to Laughtale 2024 ng BUCEILS-HS, ika-19 ng Enero 2024.
Nagwagi bilang mga Kampyeon ang Wano sa Sack race, Skypiea sa Tug of War, Dressrosa para sa Amazing Race at patas namang nakamit ng Wano at Alabasta ang Chinese Garter.
Ibinahagi ng isang sack race player na galing sa Wano na si Gabrielle Jessup na wala naman sa kanyang isip ang manalo kundi ang saya lang ng laro.
“Since karamihan nagpa esports kaya i joined nalang. the tension and panic was definitely there, mahirap rin cause there was a point na natakot rin ako
teams upang isigurado ang panalo sa sikat na larong Chinese Garter.
Ipinahayag ng isang player galing sa Wano na si Miel Esquillo na sa huling minuto lang siya nakahanap ng teammates sa pangako na bubuhayin niya sila ngunit sa kabila ng pokus at tensyon ng laro, na-enjoy nya naman eto.
“I was pressured at that time rin, pero dapat poise under pressure lang, then as the game goes dun pumasok ung pagiging competitive namin with the
“I was really enjoying the game lalo na playing Chinese garter was sending a nostalgic feeling na it was kind of bringing me back on my elementary days”. Dagdag pa niya.
Inilahad rin ng isa pang player na galing sa Alabasta na si Leyzel Rico na hindi nila ganoon naisip na manalo sa laro kundi damdamin nalang ang saya ng sandali.
“The game was very nostalgic overall; the people I played with were the same ones from my elementary days. It was fun and really brought out our inner child. Although all teams surely wanted to win first place, we were cheering for each other and just wanted to have fun,
Tug of War kung saan nagpasikat ng lakas at nag domina sa unang laro ang Skypiea laban sa Wano para harapin at bombahin ang kaharian ng Dressrosa sa labanan para sa gintong medalya.
Ayon sa isang player ng Skypiea na si RJ Cimanes, sobrang saya nung laro at cooperative lahat ang kasama niya sa grupo kaya sila ay nanalo.
“We still managed to win kasi di nag give up teammates ko agad kahit na sugat sugat na kamay namin lahat. I loved having them as my team kahit na di ko kilala yung iba kasi for me they showed proper sportsmanship by cooperating and stay humble lang kahit nanalo,” ayon kay Cimanes.
Ani ng isa sa mga players na galing Dressrosa na si Angel Chan na kahit pagabi na nangyari yung laro, patuloy pa rin silang lumaban para sa korona kung saan ang.
“Along the way na enjoy namin super yung game since kailangan mo talunin yung ibang teams by finding and completing the task in each station. And since malalayo yung stations we needed to run and split into mini groups.’’ Saad ni Chan.
Dagdag pa niya, nahirapan sila hanapin ang mga estasyon pero dahil sa pagtutulungan ay naging mas masaya at madali ang pag-uwi ng korona sa
bakbakan kung saan wala sa dalawa ang gustong umatrass at parehas nahirapang makalamang.
Naunang makakuha ng set ang Alabasta dahil sa walang tigil na pag atake sa lansag na depensa ng Wano, dahilan kung bakit nagkaroon ng maagang takbo ang koponan, 17-25.
Nahirapan ngunit nagwaging bumawi naman sa ikalawang set ang Wano gamit ang kanilang sunod-sunod na atake sa likuran ng kalaban na siyang tumapon sa malakas na depensa ng Alabasta.
Nagpaulan ng sabay-sabay na rakrakan na puntos ang Wano upang makawala sa deadlock ng kabilang banda at tuloy-tuloy nang iniwan ang Alabasta upang gawing pantay ang
Sa mapanganib na panghuling set, nagpasiklab ang Wano at winasak ang depensa ng kalaban sa malakas na palo tungo sa mahinang sahig ng kalaban na silang napako sa hamak na apat na puntos lamang.
Tuluyang nawalan ng kumpyansa ang Alabasta matapos magbitaw ng limang sunod-sunod na service aces ang kuya ng team na si Norman Joren Gamba upang tapusin ang laro sa 15-4.
Iginiit ni Russel Morada, ang Team Captain ng Wano, na ang magandang koneksyon at team chemistry ng kanyang koponan ang naging dahilan sa kanilang pagkakapanalo.
“Yung naging pinaka… key sa pagkapanalo namin is yung communication… and ‘di ko alam kung ano’ng mangyayari sa team namin kung wala kaming ganon’.” Giit ni Morada.
Intramurals: Race to Raftel 2024 ng BUCEILS-HS noong Enero 18.
Sinumulan kaagad ng Skypiea ang unang bakbakan ng kampeonato sa madiskarteng galawan ng grupo upang makontrol ang lahat ng lane sa mapa na nagsilbing pangotra sa pag-ikot ng kalaban, at susi sa 26-8 na yapak tungo sa dominasyon.
Nagpakita ng God-among-men performance si Matt Bryant Gomez sa exp lane gamit ang hero na si Dyrroth. Nagtala siya ng 9 kills, 5 assists, at 0 deaths, kasabay ang titulong MVP sa unang laro.
Sa match point, binantayan ng Dressrosa ang marksman ng kalaban upang limitahan ang kilos at subukang nakawin ang momento ng Skypiea, ngunit hindi naantig ang bumagsik na mga taga asul sa rotasyon ng kabila para sa 21-13 na panalo.
Sa pangalawang pagkakataon, muling nagpakita ng pagdomina ang nagliliyab na
Thamuz ni Gomez upang tapusin ang gera sa MVP stats na 6/0/5 KDA.
“I was strong to dominate the game, and I was hyped to be MVP,” sabi ni Gomez. “It’s a 5v5 game, so the most important strategy is to communicate.”
Naghatid ang koponan ng 150 puntos para sa Team Skypiea, kasabay ng kanilang mga medalya.
Ang finals matchup na ito ay mula sa pagsweep ng Dressrosa 2-0 sa Alabasta sa bracket A, at pag-iskor ng Skypiea 2-1 laban sa Wano sa bracket B.
Samantala,
sa
para sa
ng
ang
sa
elimination
sa
laban
ikatlo, winasak
Alabasta
Wano, 1-0,
isang single
match na nagpangalan
kanila bilang 2nd runner-up, na ginanap din sa parehong araw.