Boac Marinduque Fire Station
LAV Educational Assistance distributed to MSC Scholars By: Eli J. Obligacion On February 27, 2013, 1,498 students from the MSC campus in Boac alone received their vouchers representing educational assistance from the Leaders and Achievers of Velasco Scholarship program. The number of recipients for the period 2010-2012 totals 5,752. The Leaders and Achievers of Velasco Scholarship Program is funded through Cong. Lord Allan Velasco's Priority Development Assistance Fund (PDAF). It provides educational assistance to poor but deserving students in participating Marinduque schools. Student volunteers assist in the distribution.
Students gather at MSC's covered court and await their turn. —more on page 8
2
The MIMAROPA SUNRISE/ February 26-March 04, 2013
Ay...Marinduque Ni: NOEL V. MAGTURO
Isabel Palomares-Ball....Founder/Presidenr HELM,Inc. and BOD of the Philippine Science Journalists Association (PSciJourn) Inc. giving her inspirational message.
PSciJourn Marinduque and HELM, Inc. From L-R; EJ Manaog Dost Balita. Isabel Ball-American Chronicle, Rene Montaron- Barangayan News, Willy Marquez-Cinema Mobile, Rudy Riego-Sta. Cruz, Florante Saet-Book Author, Bernie Caringal- DOST News, Jimmy GutierezPhotojourn, Randy Nobleza-MSC/Mimaropa Sunrise & Pering Sadian- Gasan Sunrise.
MSC Profressor & Vice President of PSciJourn Inc. Marinduque Chapter—Mr. Randy T. Nobleza
PSciJourn Inc. Marinduque Chapter— BOD Mr. Florante V. Saet
DTI Provincial Director Carling Fabaleňa giving his inspirational message.
Volume X
No. 18
Mr. Orlan Tapia, guest entertainer. Laylay Elementary School Principal, Mrs. Conchita M. Loto
Photos Courtesy of: Toby Jamilla
3
Organizational Improvement Plan' ng lalawigan, ipinatutupad By Luis T. Cueto CALAPAN, Oriental Mindoro, (PIA) -- Ipinatutupad na ngayon ang bagong buong Organizational Improvement Plan (OIP) ng lalawigan. Sa pagsisimula nito, may mga binuong bagong tanggapan at dibisyon sa kapitolyo na naglalayong higit na mapagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng iba't ibang aspekto ng buhay at kabuhayan ng mga mamamayan dito. Isa sa mga tanggapang nabuo sa ilalim ng OIP ang Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office o PTIEDO na pinamumunuan ni Orlando B. Tizon. Ayon kay Tizon, "ang PTIEDO ay isang bagong departamento ng pamahalaang panlalawigan na ang layunin ay paunlarin ang kabuhayan ng mga mamamayan. Layunin nito na bigyan ng kaalwanan o kaginhawahan ang kabuhayan ng mga mamamayan. Ito ang tugon ng pamahalaang panlalawigan sa panawagan ng mamamayan na magkaroon ng isang opisina na tutugon sa mga pangangailangan ng ating mamamayan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng turismo, pamumuhunan at kabuhayan ng mga Mindore単o." Ngayong taon, pangunahin sa mga gawaing nakalinya sa ilalim ng tourism promotion ang pagdaraos ng Pandang Gitab Oriental Mindoro. Ito ang itinalagang official festival ng lalawigan na gaganapin tuwing ika-23 ng Pebrero sa mga pangunahing lansangan ng lungsod ng Calapan. Itinataguyod rin ng kanilang tanggapan ang Malasimbo Music and Arts Festival tuwing Marso 1-3 ng kada taon. Ito ay isa sa pinakamalalaking musical event na inaabangan taun-taon sa bayan ng Puerto Galera. Ayon pa kay Tizon, nakalinya rin sa mga gawain ng PTIEDO ngayong taon ang pagpapatupad ng iba't ibang investment generation services, promotional investment flyers, gayundin ang patuloy na pagsuporta sa small and medium enterprises at ang pagpapakilala ng mga produktong likha ng lalawigan. Samantala, sa ilalim ng PTIEDO, si Avelino P. Tejada ang itinalagang Enterprise Development Division (EDD) OIC, samantalang si Lorelein V. Sevilla ang Investments Division OIC. Ayon naman kay Tejada, sa ilalim ng PTIEDO, mas masinop ang pagpapatupad ng mga napasimulang proyekto at programa ng pinagsamang mga tanggapan ng Technology and Livelihood Development Center (TLDC) at ng Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban o Likha Ka. Ani Tejada, magiging fully operational na ang Toll Packaging Innovation Center ngayong taon. "Ini-invite natin ang ating mga kababayan na lumilikha na ng mga produkto na gustong mabigyan ng assistance o tulong sa labelling at packaging ng kanilang mga produkto," pahayag ni Tejada. Idinagdag niyang patuloy ang pagkakaloob nila ng mga pagsasanay pangkabuhayan sa mga pamayanan at mga samahan sa lalawigan. Mas sininop pa rin ngayon kung paanong ia-appreciate ng mga komunidad ang mga teknolohiyang ibinababa sa mga mamamayan. Ang pagbubuo ng PTIEDO at ng iba pang mga bagong tanggapan at dibisyon ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng OIP ay bunga ng hangarin ng pamunuan ni Gob. ALfonso Umali, Jr. na higit na maiangat ang kalidad at husay ng pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro. (LBR/CPRD/LTC/PIA4B/ CALAPAN)
4
MABUHAY!!!
Pagbati mula kay:
SP Member-1st District Marinduque
The MIMAROPA SUNRISE/ February 26-March 04, 2013
'Tree protection ordinance', ipinatutupad sa OrMin By Luis T. Cueto LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, (PIA) -- Mahigpit ngayong ipinatutupad sa lalawigan ang pagbabawal ng pagkakabit ng anumang "information materials" o anunsyo sa mga puno. Sa opisyal na pagsisimula ng official campaign period para sa national elections nitong nakaraang ika-12 ng Pebrero, ipinaalala ni BiseGobernador Humerlito A. Dolor ang patuloy na pagiral ng Provincial Ordinance No. 010 - 2012 o ang "Tree Protection Ordinance of Oriental Mindoro." Sa Provincial Development Council meeting kamakailan, ipinaliwanag ni Dolor ang ordinansa sa harap ng mga punumbayan at iba pang opisyal ng lalawigan. Batay sa ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng anumang mga anunsyo at iba pang mga information materials sa mga puno sa buong lalawigan. Ani Dolor, maliban sa hindi ito maganda sa paningin ay nakaaapekto rin sa maayos at tuluy-tuloy na paglago ng mga puno. Layunin ng ordinansa na maprotektahan mula sa mapanirang gawaing ito ang mga punungkahoy sa lalawigan gayundin ay maipalaala sa mga mamamayan ang mahalagang tungkuling protektahan at alagaan ang kapaligiran. Sa ilalim ng ordinansa, papatawan ng mula P2,000 hanggang P5,000 multa o pagkakabilanggo ng mula apat hanggang 30 araw o parehong multa at kulong ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas. Inaatasan din kasama ng mga regular government enforcement agencies, ang mga opisyal ng barangay at Barangay Tanod na hulihin ang sinumang lalabag sa ordinansa at tanggalin ang anumang advertisements at iba pang uri ng information materials sa mga punong matatagpuan sa lugar na kanilang nasasakupan. (CPRD/TBO/LTC/PIA-4B) MORE POWER TO:
Greetings from:
Mogpog, Marinduque
Volume X
No. 18
5
Boac, Marinduque wins championship in Orally Fit Child Awards By: Mayda Lagran BOAC, Marinduque (PIA) -- The delegation of Boac, Marinduque took home their championship recognition at the 2nd National GP Champs and Orally Fit Child Awards recently held at the Philippine International Convention Center (PICC). Boac Mayor Roberto M. Madla was also awarded champion for LGU Category while barangay head, Engr. Rene Montaron of Brgy. Mainit was the champion for Day Care Category of the OFC Award. The delegates who were present during the awarding ceremonies were Dr. Rodney Boncajes, Rural Health Physician of Boac, Dr.Gilda M. Calachan, municipal dentist, Dr. Corazon N. Josue, provincial hospital dentist. They were also responsible for the success of the program implementation. Dr. Calachan and Dr. Josue said that their team, which also includes other health officers/staff and day-care workers regularly monitors dental conditions of children especially in the rural areas. They have been giving lectures to schools and barangays on how to take care of their teeth through proper brushing and regular check up with the dentists. Schools also provide their support in the program by providing areas and facilities for students to brush their teeth after eating. Last month, Boac also won as champion for the Best Implementor of Oral Health Program and Best Health Care Program Implementor for Day Care awards last month in the Mimaropa Regional level. (LBR/MNL-PIA4B, Marinduque)
Polisiyang 'No PhilHealth, No Business Permit' isinusulong sa Odiongan by Dinnes Manzo ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Isinusulong ngayon sa Odiongan ang isang resolusyon na mag-oobliga sa mga may-ari ng anumang uri ng negosyo na gawing miyembro ng PhilHealth ang kanilang mga empleyado o tauhan sa buong bayan ng Odiongan, Romblon. Ang panukalang “No PhilHealth, No Business Permit” na kasalukuyang isinusulong ni Sangguniang Bayan Mark Anthony M. Reyes, ay magsisilbing suporta at alinsunod umano sa umiiral na batas ng RA 7875 na naamiyendahan ng RA 9241 na patungkol sa pagkakaroon ng PhilHealth bilang isang national health insurance para sa lahat ng Pilipino. Sinabi ni Juan Montaña Jr., chief social insurance officer - Philhealth Romblon, na naging matagumpay ang nasabing ordinansa sa mga bayan ng Romblon, San Agustin, at Looc dahil naging kaisa nila ang lokal na pamahalaan para mahikayat ang mga nagnenegosyo na ipatala sa Philhealth ang kanilang mga tauhan. Dagdag pa ni Montaña, ang ordinansa o batas na ito ay pag-obliga sa sinumang may-ari o operator ng isang negosyo upang ipa-miyembro sa Philhealth ang kanilang mga tauhan para magamit ng mga ito sa panahon ng pagkakasakit nito maging ng kaniyang mga kapamilya. Kapag tumanggi aniya ang isang namumuhunan na ipatala sa Philhealth ang kanilang mga tauhan ay hindi pagkakalooban ng business permit. Ayon pa kay Montaña, “LGU Odiongan has stood firm in its ground to uphold the right of the employees of their mandated PhilHealth benefits in the municipality (Pinanindigan ng Odiongan LGU ang karapatang pagkakaroon ng benepisyong Philhealth para sa kanyang mga manggagawa), kaya ngayon pa lang ay pinasasalamatan na namin si Konsehal Cocoy Reyes sa pagsusulong ng resolusyon na ito.” Inaasahan namang kasabay ng pagpapatupad ng batas na ito, maraming negosyante ang maaaring maapektuhan dahil obligasyon nilang maghulog ng kontribusyon para sa kanilang mga empleyado. Umaasa sina Konsehal Reyes at Montaña na uusad at susuportahan ng mga Sangguniang Bayan Members ng Odiongan ang naturang panukala sapagkat maganda ang layunin nito. Mabibigyan ng benepisyong medikal kapag nagkakasakit ang lahat ng empleyado at manggagawa, at kabilang din sa makikinabang ang mga kapamilya nito kung kinakailangang ipagamot. (LBR/DM-PIA4B,Romblon)
Delegasyon ng Palawan muling itinanghal na kampeon sa palarong panrehiyon ROMBLON, Romblon, (PIA) -- Muling napatunayan ang galing sa larangan ng palakasan ng delegasyon ng Palawan dahil napanatili nito ang pagiging kampeon sa katatapos na palarong pangrehiyon o Mimaropa Regional Athletic Association Meet (2013 Mimaropa RAA) na ginanap sa bayan ng Romblon noong Pebrero 17-21. Matapos makuha ng delegasyon ng Palawan ang unang puwesto sa elementary level na may kabuuhang puntos na 365 at sa sekondarya naman na may 407 puntos, itinanghal ito na over-all champion sa 2013 Meet. Pumangalawa ang delegasyon ng Puerto Princesa na nakakuha ng 233 puntos sa elementarya at 263.5 puntos sa sekondarya Pumangatlo naman sa elementary level ang delegasyon ng Romblon na nakakuha ng kabuuhang 197 puntos, at ang Calapan City naman ang pumangatlo sa secondary level na may kabuuhang 194 puntos. Apat na special awards ang natanggap ng Oriental Mindoro na tinanghal bilang Most Creative Quarter, Most Organized Delegation, Most Disciplined Delegation at Best in Parade. Naging Best in Uniform ang delegasyon ng Palawan, Most Eco-Friendly Delegation at Most Cleanest Delegation naman ang Calapan City. (LBR/DM-PIA-4B, Romblon)
6
The MIMAROPA SUNRISE/ February 26-March 04, 2013
Kasunduan ng pamahalaang Matrikula ng mga iskolar ng panlalawigan at PowerSource, pamahalaang panlalawigan ng Palawan, nabayaran na Phils. Inc., nilagdaan Ni Orlan C. Jabagat
Ni O. C. Jabagat
PALAWAN, (PIA) -- Lumagda sa isang kasunduan ang pamahalaang panlalawigan at ang PowerSource, Philippines, Inc., kamakailan para sa layuning mabigyan ng sapat na suplay ng daloy ng kuryente ang barangay Liminangcong sa bayan ng Taytay. Ang kasunduan ay nilagdaan nina Gob. Abraham Kahlil B. Mitra sa bahagi ng pamahalaang panlalawigan at ni John D. Herrman, Vice-Chairman, Micro-Grid Operations sa bahagi naman ng PowerSource. Ang PowerSource, Philippines, Inc.ay isang pribadong korporasyon na bihasa sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng elektrisidad sa mga kanayunan. Sa ilalim ng kasunduan, malilipat sa PowerSource ang pamamahala sa mini grid na naitayo ng pamahalaang panlalawigan at ang kumpanyang ito rin ang maglalagay ng karagdagang pasilidad, magsasaayos ng mga linya ng kuryente at maglalagay ng karagdagang linya upang marating ang iba pang mga kabahayan. Obligasyon rin ng nasabing kumpanya na makapagbigay ng 24 na oras na daloy ng kuryente. Ang PowerSource ay ang una at nananatiling qualified third party na aprubadong mag-operate ng mga mini-grid ng Department of Energy (DOH), National Power Corporation-Small Power Utilities Group (NAPOCOR-SPUG) at Energy Regulatory Commission (ERC). Matatandaang may itinayong mini grid ang pamahalaang panlalawigan sa Bgy. Liminangcong upang magkaroon ng elektrisidad ang naturang lugar. Subalit kulang pa din ito kung kaya para mabigyan ng sapat na pailaw ang nabanggit na barangay nagdesisyon ang pamahalaang panlalawigan na isapribado ito. Bagamat nasa pamamahala ng PowerSource ang pagpapadaloy ng elektrisidad, mananatiling pag-aari pa rin ng pamahalaang panlalawigan ang mga pasilidad nitong naitayo. (LBR/PIO/OCJ-PIA4B Palawan)
Volume X
No. 18
PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Binayaran na ng pamahalaang panlalawigan ang matrikula ng mga iskolar nito para sa school year 2012-2013 bago natapos ang buwan ng Pebrero. Personal na iniabot ni Gobernador Abraham Kahlil B. Mitra ang mga tseke bilang kabayaran sa matrikula ng mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan sa inimbitahang representante ng Western Philippines University (WPU), Palawan State University (PSU), at mga extramural campuses nito sa iba’t ibang munisipyo sa Governor’s Conference Room ng gusaling Kapitolyo. Umabot sa kabuuang 20 milyong piso ang halaga ng ibinayad ng pamahalaang panlalawigan para sa matrikula ng mga iskolars sa iba’t ibang unibersidad sa ilalim ng Provincial Education Enhancement Program. Naging saksi naman si Provincial Information Officer Daisy Anne P. Atrero sa pagbibigay ng tseke ng gobernador sa mga representante ng mga unibersidad. Si Atrero din ang hepe ng Provincial Education Enhancement Program. Ang mga tseke para sa huling semestre ng 2012, unang semestre at para sa mga magtatapos na iskolar sa ikalawang semestre ng SY 2012-2013 ay tinanggap nina Julie Evira ng WPU-Aborlan, Adelia C. Tiongson-Madriñan ng WPU-Busuanga at Culion at si Lorelie Ducado ng WPU-Puerto Princesa. At mula naman sa Palawan State University, ang mga tumanggap ng tseke ay sina Marilou Timbancaya ng PSU-Roxas, Nieves Cabuhat ng PSU-Narra, Emelyn T. Zambales ng PSU-Brooke’s Point, Jonny Bacomo ng PSU-Cuyo, Tahima Madtahil ng PSU-Sofronio Española at Shyrrel S. Omar ng PSU-Balabac. Sa kasalukuyan, ang scholarship program ng pamahalaang panlalawigan ang may pinakamalaking bilang ng benepisyaryo na umaabot na sa mahigit 4,000 kabataang Palaweño. (LBR/PIO/OCJ -PIA4B Palawan)
7
BLOCKTIMING IS the unique Philippine broadcast media practice of buying “blocks” of air time to produce programs independent of networks and stations. The blocktimer sells the commercial time to sponsors and/or advertisers. Blocktime programs especially proliferate during elections, as politicians scramble for access to the voting public by, among other means, sponsoring programs through which they can have the exclusive opportunity to enhance their image and undermine that of their rivals. The most disturbing implication involves the integrity of the information voters get during elections. With blocktimers in control of program time, it is a near impossibility to observe media’s obligation for balanced treatment in the news and the fair distribution of media time. It also becomes more difficult to determine which programs are bought and paid for by political interests and which are not. While the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Broadcast Code does have blocktiming rules, it is unable to monitor all the blocktime programs at any given time and its power limited to member stations. As a consequence, blocktiming practice is practically unregulated.
from page 2...
Participating schools include the Marinduque State College and its campuses throughout the province, Educational Systems Technological Institute (ESTI), Marinduque Midwest College (MMC), St. Mary's College of Marinduque (SMCM), and Sta. Cruz Institute. Funds are transferred directly to the colleges in accordance with a Memorandum of Agreement (MOA), involving, in the case of private colleges, CHED, the relevant school and Cong. Velasco as Project Initiator. Other participating institutions are Torrijos Poblacion School of Arts and Trade (TPSAT) in Torrijos and Buyabod School of Arts and Trade (BSAT) in Sta. Cruz. Cash payments are paid directly by the school concerned to the students.
All cash payments are disbursed by the school with envelopes properly labeled.
Students fall in line to receive the LAV educational assistance from MSC's accounting department.
8
Such cash distribution activities are undertaken on scheduled dates that are posted in the bulletin board.
More students await their turn.
The MIMAROPA SUNRISE/ February 26-March 04, 2013
Sg
Volume X
No. 18
9
Sgd
Sgd.
Sgd
10
The MIMAROPA SUNRISE/ February 26-March 04, 2013
Sgd.
Volume X
No. 18
11
HULING NUMERO SA BALOTA
VOTE
12
!!!
The MIMAROPA SUNRISE/ February 26-March 04, 2013