The MIMAROPA Sunrise Your Weekly Community Regional Newsmagazine

Page 1

Photos courtesy google.com

of


Mga Lathalaing Tula mula sa mga Natatanging Kontribyutor ELEKSYON Ni: Rose Marie Felicidad Saet

Ang eleksyon kumbaga at tutuusin ay napakasagrado, Karangalan ng tao’ nakataya sa pagpili ng kandidato, Pagpapahalaga sa pera o karapatan kasi ang isyu, Dapat puso at konsensya ang pairalin sa puntong ito. Hindi maitatanggi na gusting manalo ang bawat isa, May kani-kaniyang adyenda at gamit na istratehiya, Pero may nagmamarahas at may idinadaan sa pera, Pobreng mamamayan na nagpaluko lalong naging aba. Batuhan ng masamang salita walang patumanggang paninira, Maririnig sa miting, makikita sa TV, iyo lagging mapupuna, Nakakasawang saksihan at hindi magandang halimbawa, Na sa murang kaisipan ng mga kabataan ay makasisira. Kasaysayan ng pulitika ay paulit-ulit na nangyayari, Mga aral na dulot ay kinakalimutan at iwinawaksi, Sa halip na magbago, maging matalino at mapagsuri, Ay kanya-kanyang diskarte para panalo ay maging madali. Maraming pangako ang binibitiwan walang kawawaan, Mas malamang ang hindi natutupad at nakakalimutan, Hanggang sa pagtatapos ng termino at halalan na naman, Kaya GAMITIN ANG KARAPATAN, GISING MGA MAMAMAYAN.

Mundong Pamana Noon ang daigdig ay kulay luntian Langit na bughaw kay inam pagmasdan Tubig na dumadaloy, kaylinis kaylinaw Halama’y kumukupas sa hihip ng hanging dalisay. Ibon sa himpapawid kay layang lumilipad Bituing kumikislap dulot ay liwanag Sa pusikit na karimlan naghahatid ng pag-asa Sa daratal na buhay pagsapit ng umaga. Kalikasan sana’y ating mahalin Pahalagahan ito at huwag abusuhin Kaloob ng Diyos na Maylikha ng lahat Langit, lupa, tao, pati na ang dagat. - MIRIAM M. NOBLEZA -

2

The MIMAROPA SUNRISE/ June 18-24, 2013


Ay...Marinduque Ni: NOEL V. MAGTURO

Sa takbo ng pulitika dito sa ating lalawigan, nakalulungkot isipin na parang “wala na sa hulog” ang istraktura na ating gobyerno. Ito ang napupuna at napapansin ng mga kababayan nating palamasid sa takbo ng mga kaganapan sa ating paligid. Hindi na matapos-tapos ang nakahihiyang kaguluhan sa ating bansa. Na, anila, dahil dito’y bumabagsak ang ating ekonomiya. Dahil sa umuusbong na sigalot sa magkabilang panig, maraming mahihirap ang lubhang naapektuhan. Hindi lamang iisang tao ang may kasalanan. Lahat tayo halos ay may kasalanan din. At sangkot dito sa suliranin ng ating bansa. Mga pinunong-bayan, mga lider ng bawat partido, mga media at nasa press, mga negosyante, mga estudyante, mga lider ng simbahan. Sa wari, nalilimutan na natin ang pag-ibig sa kapwa-tao. Utos ng Diyos na ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng iyong pag-ibig sa sarili. Kung sarili mo lang ang iibigin mo, lihis ito sa utos ng Maykapal. Kayong mga halal ng bayan at mga nagllingkod sa ating pamahalaan, dapat nakatindig ng kagalang-galang, at ipakita ninyo ang tapat ninyong layunin bilang mga lingkod-bayan. “KARMA” ANG KATAPAT Alam din natin ang pangyayari nitong nakaraang halalan 2013 na napanood at nabasa ng buong mundo ang kaganapan sa ating lalawigan/bayan. Isang kasaysayan ang naganap sa Marinduque nitong Halalan 2013. Hindi lamang lihitimong taga-Marinduque ang namangha - - - maging ang mga ilang nagmalasakit sa ating lalawigan. Karma ang katapat sa mga taong hindi maganda ang kanilang ginawa nitong Halalan 2013 - - - lalo na ang makasarili. Taumbayan ang pumili sa inyo. Taumbayan din ang mag-aalis sa inyo. Nais ng nakararami sa ating mga kababayan na matapos na ang suliranin ng ating bansa. Let’s face the truth. May pulitiko ang di’ na iginagalang dahil pulos pansariling interes na lamang ang kanilang pinagkakaabalahan. Sila ‘yung walang pagmamalasakit sa kapakanan ng sambayanan. Pero, hindi pa huli ang lahat...magkaisa na tayong lubos, alangalang sa tunay na kapayapaan na dapat maghari sa ating bayan. Magpatawaran na tayo ngayon. Ipakita natin sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay nagmamahalan at nagtutulungan. Tigilan na ang maruming pulitika. Paninirang-puri huwag nang palalain pa. Tayo naman lahat ay may kapintasan. Bukod tanging ang Panginoong JesuCristo lamang ang walang kasalanan at walang kapintasan. O, ano? Hihirit ka pa? O’ di’ba!!! Email: pscijourn_amrinduque@yahoo.com.ph

Municipal Mayor

Volume X

No. 34

3


2 organisasyong tumutulong sa mga kabataang may kapansanan sa OrMin By Luis T. Cueto CALAPAN, Oriental Mindoro – Tumutulong ngayon sa mga kabataang may kapansanan ang organisasyong "Akapin Dagitab" at ang Samahan ng mga Magulang na may Anak na may Kapansanan o Samaka. Ang mga samahan ay naglalayong lingapin ang mga kabataang may kapansanan sa lungsod ng Calapan upang matulungan sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng paggabay ng City Social Welfare and Development Department (CSWD). Kamakailan ay pinangunahan dito pagpupulong ng pangulo ng Akapin Dagitab at Samaka na si Maricar De Torres kasama ang siyam na magulang at dalawang may kapansanang kabataan na miyembro ng organisasyon. Dito, tinalakay ni Torres ang mga naganap noong huli nilang pagpupulong at isinalaysay ang mga layunin at plano ng kanilang samahan upang makatulong sa mga kabataang may kapansanan. Tinalakay din sa pagpupulong ang gaganapin na General Assembly ng organisasyon na nakatakdang ganapin sa Setyembre 18. Ang dagitab ay nangangahulugan na ilaw. Ayon kay Torres, binuo ang Dagitab at Samaka upang higit na matulungan ang mga kabataang may kapansanan. Nais ng samahan na maturuan ang mga kabataang may kapansanan ng iba’t ibang paraan upang kumita at may pagkaabalahan na kapaki-pakinabang. Dagdag pa ni Torres, binuo ang organisasyon dahil nais nilang maging patnubay sila ng mga kabataan. Ang Akapin Dagitab ay isang organisasyon sa Oriental Mindoro na binubuo ng anim na bayan. Kabilang sa miyembro nito sa unang distrito ang lungsod ng Calapan at ang munisipalidad ng San Teodoro at Victoria. Samantala, sa ikalawang distrito ay kabilang ang mga munisipyo ng Gloria, Bongabong at Bansud. Bukod sa pagtulong sa mga kabataang may kapansanan, katuwang din ng Pamahalaang lungsod ng Calapan ang Dagitab at Samaka sa pagtukoy at pagpili ng mga benepisyaryo ng NORFIL Foundation na isang non-profit organization na lumilingap sa mga batang may kapansanan. (LBR/CIO/LTC-PIA4B Calapan City)

DOLE: 195 workers in OrMin receive backwages CALAPAN CITY, Oriental Mindoro -- A total of 195 workers already received their backwages as of this time according to Department of Labor and Employment (DOLE) Mimaropa Regional Director Ma. Zenaida Eusebia A. Angara-Campita. She said the implementation of the Labor Standards Enforcement Program (LSEP) in the first five months of 2013, DOLE Mimaropa Labor Inspectors have covered already some 294 establishments in the province of Oriental Mindoro, particularly in Calapan City and Puerto Galera areas as subjects of their routine inspection. Said establishments claimed total employment of 3,980 and identified with economic activities such as service entities including hotels and restaurants (38.4%), security agencies (13.9%), manpower/janitorial services (3.7%), construction contractors/ subcontractors (2.3%) and others including wholesale/retail trading (41.7%). As a result DOLE’s recent visits, 28 establishments or 9.5% of the total inspected were applauded for having no violation on labor standards while 68 or 25.56% of the total establishments found out to have deficiencies on standards on wages and wagerelated benefits were reported to attain voluntary compliance. “The voluntary compliances bring benefit to 195 workers through their receipt of backwages in the amount of P361,146.56 or P1,852 for each worker, on average," Campita said. "Aside from the backwages, daily wage rate of these workers were adjusted to prescribed minimum rate according to the latest Wage Order No. RO IV-B-06 which took effect on 01 February 2013.” Meanwhile, 19 inspection results were converted into labor case for failure of the employers to effect correction at a given time. Of these, six were dismissed due to amicable settlement and 13 were served with compliance order by Campita with computation of backwages in the amount of P436,814.11 affecting 31 workers. At present, there are 179 establishments pending correction at plant level at the care of DOLE Oriental Mindoro Field Office headed by Engr. Juliana Ortega. Inspections of establishments in other provinces of the region are also being conducted with the same efforts as in Oriental Mindoro. (LBR/DOLE4B/LTC/PIA4B-Calapan City)

Greetings from:

4

The MIMAROPA SUNRISE/ June 18-24, 2013


DOST-FNRI conducts Training on Meal Management and Food Safety in Romblon SAN FERNANDO, Romblon -- The Department of Science and Technology (DOST)-Food and Nutrition Research Institute FNRI) conducted the Training on Meal Management and Food Safety recently at Cantingas River Resort, San Fernando, Romblon. This aims to increase the awareness of more than 20 canteen and restaurant operators on the basic nutrition concepts and convert their misconceptions on food beliefs and practices. The training was organized through the joint help of ABS-CBN, Municipality of San Fernando and Department of Agrarian Reform with the end goal of boosting tourism in Magdiwang, Cajidiocan and San Fernando (Sibuyan Island). The participants actively participated when Science Research Specialist I Filipiniana B. Bragas, RND discussed Basic Nutrition, Meal Planning, Food Preparation and Food Costing and Cost Control. Science Research Specialist II Josefina T. Gonzales, RND gained positive comments and reactions when she tackled Food Buying, Food Storage and Food Safety and Sanitation. The highlight of this event is utilizing the use of squash by the actual demonstration of making Maja and Okoy wherein, according to Gonzales, this is one practical approach for parents to feed their children with vegetables. Genoveva Rojas of Floating Restaurant in Magdiwang said, “Isa itong magandang oportunidad sapagkat marami kaming natutunan na magagamit namin sa pagpapaganda ng serbisyo sa mga kustomer. (This is a good opportunity,because we have learned a lot and we can use this to further improve our good service to the customers).� (LBR/MAF/PIA-IVB/Romblon)

Maraming Salamat po!!! Mula kay Board Member-elect

LYN ANGELES

Volume X

No. 34

5


Boac nagsagawa ng 'tree planting' sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan Ni Mayda Lagran BOAC, Marinduque -- Sa ikalawang taon ngayon, muling naisakatuparan ang Alay Tanim Project sa Barangay Balanacan, Marinduque. Ang naturang proyekto ay isinagawa sa Balanacan Watershed at nagtulong-tulong ang 23 implementors at 50 estudyante ng Alternative Learning System (ALS) kasama ang ilang kawani at mamamayan mula sa Barangay Balanacan. Layunin ng proyektong ito na maisalba ang kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim nga mga puno at maproteksiyunan ito hindi lamang mula sa “forest degradation” kung hindi para maiwasan ang pagguho ng lupa o landslide. Napili ang Balanacan Watershed dahil sa paniniwalang ang pagtatanim ng mga punong kahoy ay makakatulong din sa magandang daloy at sistema ng tubig dito, lalo’t marami sa lugar na ito ang hirap sa suplay ng tubig. Ang proyekto ay pinangungunahan ni ALS Supervisor Antonio M. Osicos, Balanacan barangay kapitan Arnulfo del Prado at ALS district coordinator na si Michelle Mutya. Ito ay bilang pagtalima sa DepEd Order No. 3, s. 2012 (ALS Lingap Kalikasan) at Executive Order No. 26 o National Greening Program ng pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng Bureau of Alternative Learning System-Department of Education. Naisagawa na ito noong Mayo 27 sa barangay Bantay at noong Mayo 29 sa barangay Bangcuangan, Sta. Cruz. Sa Hunyo 4 naman ito gagawin sa barangay Daat, Sihi, Buenavista; sa Hunyo 6 naman ay sa barangay Bachao, Gasan at Hunyo 9 sa Sitio Kay Puerto, Brgy.Malibago, Torrijos. (LBR/MNL-PIA4B Marinduque)

3rd Rice Congress sa Palawan gaganapin sa Hunyo 24 PUERTO PRINCESA, Palawan -- Isasagawa sa Hunyo 24 ang 3rd Rice Congress sa lalawigan sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) katuwang ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at Department of Agriculture (DA) Region IV-B. Ang naturang kongreso ay isasagawa sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo. Pinakatampok sa pagtitipong ito ang panlalawigang paglulunsad ng National Year of Rice ngayong 2013 na may temang “Sapat na Bigas Kaya ng Pinas.” Ilan sa mga paksang talakayin sa aktibidad na ito ay ang 2013 Provincial Rice Situationer at ang mga estado ng produksiyon ng palay, mga gawain ng Agri Pinoy para sa programa ng palay at bigas sa Palawan at ang sistema ng irigasyon sa lalawigan. Inaasahan din ang pamamahagi ng mga rice seeds sa mga mapipiling benepisyaryo. Ayon kay Eugene Gatpandan ng OPA, inaasahang dadaluhan ito ng mga magsasaka at seed growers mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Si Regional Director Cipriano Santiago ng Department of Agriculture (DA)-Region IV B ang naanyayahang panauhing pangdangal sa naturang okasyon. Samantala, nakatakda naman sa Hunyo 28 sa parehong lugar ang Fisherfolk Congress sa pangungunahan pa rin ng OPA sa pakikipagtulungan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ayon kay Asst. Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal, inaasahan nila na dadalo dito ang may 150 partisipante na kabibilangan ng mga opisyales ng FARMC o Fisheries and Aquatic Resources Management Councils mula sa iba’t ibang munisipyo. Pag-uusapan sa Fisherfolk Congress ang katungkulan ng mga FARMC sa fisheries management sa pamamagitan ng paglalagay ng mga marine protected area at pagrerehistro ng mga mangingisda sa mga munisipyo upang maging data base sa pagtukoy ng bilang ng mga mangingisda sa buong Palawan. Magbabahagi rin ng mga success stories ang ilang FARMC mula sa Narra, Roxas at Taytay para maging inspirasyon ng iba pang konseho. Dinagdag pa ni Dr. Cabungcal na sa pagtatapos ng aktibidad ay bubuo ang mga partisipante ng action plan na ipapatupad para sa ikalawang bahagi ng taong kasalukuyan at para sa taong 2014. Ang sektor ng agrikultura ay isa sa pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng programang the HEAT is on. Ang dalawang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng Baragatan sa Palawan 2013 kung saan ipinagdiriwang din ang pagkakatatag ng Gobyernong Sibil ng lalawigan ng Palawan. (LBR/PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

6

The MIMAROPA SUNRISE/ June 18-24, 2013


CSIE– 1 of 5

(SGD)

(SGD)

Volume X

No. 34

7


CSIE– 2 of 5

(SGD)

8

The MIMAROPA SUNRISE/ June 18-24, 2013


CSIE– 3 of 5

(SGD)

Volume X

No. 34

9


CSIE– 4 of 5

(SGD)

10

The MIMAROPA SUNRISE/ June 18-24, 2013


CSIE– 5 of 5

(SGD)

Volume X

No. 34

11


'Liwanag ng Katotohanan' sa Kalayaan 2013 Eli J. Obligacion, marinduquerising In today's Kalayaan 2013 rites at Liwasang Bonifacio, President Benigno S. Aquino III quotes Andres Bonifacio:

“Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon ng dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon ng dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan.”

"Walang mangaalipin kung walang paaalipin!" Jose Rizal

Tree Planting - Brgy. Maybo, Boac, Marinduque 6/12/13

12

The MIMAROPA SUNRISE/ June 18-24, 2013


Diminishing forest endangered survival of Philippine eagle By: HENRYLITO TACIO DAVAO CITY–Almost always, people who have a close encountered with the country’s bird icon are mesmerized by its beauty. “They are impressive birds,” said Chad Gessele, an American from Oregon who edits Better Life Television, Inc. “Before my mini-trip there, I knew of these things, knew their basic statistics, but seeing them up close is a different deal.” The Philippine eagle, declared as the national bird by then President Fidel V. Ramos in 1995, is listed by the International Union of Conservation of Nature and Natural Resources (IUCN) as among the country’s threatened birds. “The Philippine eagle has become a critically endangered species because the loss of the forest had made it lose its natural habitat,” he added. Studies show a pair of Philippine eagle needs at least 7,000 to 13,000 hectares of forest as a nesting territory. “Without the forest, the species cannot survive over the long term,” Dennis Salvador, executive director of the Philippine Eagle Foundation (PEF) said in a statement. “Without the forest, not only the Philippine eagle will go extinct, but so will the dreams and aspirations of millions of marginal income families who rely on the forest to survive.” PEF, which manages the eagle center in Malagos, Calinan District of Davao City, is a non-governmental organization which deals with the conservation and protection of endangered “Pithecophaga jefferyi,” described by American aviator Charles Lindbergh as “the world’s noblest flier.” “The eagle center is probably the biggest tool we have in educating the people,” Salvador said. “The facility enables us to bring the Philippine eagle and other wildlife closer to our people.” According to Salvador, most of those who visit the eagle center never had the opportunity to see the forest and the animals that live in the forest. “The eagle center provides our visitors and guests with a small glimpse of that world, a world which they have increasingly become detached from. We make good use of this opportunity to let them know how the forest relates to their own lives – even if they live so far away from it,” Salvador said. Captive breeding is one of the eagle center’s top programs. Its main objective is to augment wild populations of the endangered bird while serving as a “genetic insurance” for the species. Studies conducted by the center indicate that more than 90% of fledglings and juveniles do not reach breeding age or adulthood primarily because of human persecution (mainly shooting followed by trapping-capture incidents). A Philippine eagle is considered adult when it reaches the age of six to seven years. If the old breeding pairs in the wild are not being replaced, Salvador explained, it is more likely that the whole Philippine eagle population could suddenly collapse. “Before we know it, we’d probably lose the Philippine eagle. We’ll have a national bird that doesn’t exist,” he warned. The Philippine eagle is second only to the Madagascar sea eagle in rarity. In size, it beats the American bald eagle; it is the world’s second biggest after the Harpy eagle of Central and South America. This eagle was collected in the country as early as 1703, but it was not until 1896 that it was “discovered” in Samar by the English naturalist, John Whitehead, who called it the “Great Philippine eagle.” The Philippine eagle was formerly known as monkey-eating eagle (its generic name, “Pithecophaga”, comes from the Greek words “pithekos” or monkey and “phagein” meaning eater). It was later renamed the Philippine eagle under the Marcos administration after it was learned that monkeys comprise an insignificant portion of its diet, which consists mainly of flying lemurs, civet cats, bats, rodents, and snakes. Efforts to save the Philippine eagle were started in 1965 by Jesus A. Alvarez, then director of the autonomous Parks and Wildlife Office, and Dioscoro S. Rabor, another founding father of Philippine conservation efforts. Charles Lindbergh spearheaded a drive to save the bird from 1969 to 1972. In 1999, through Presidential Proclamation No. 79, every June 4 to 9 of each year the country celebrates Philippine Eagle Week. “With the dwindling population of the eagles, the need for conservation and protection of the eagles from hunting and further destruction of its habitat becomes more important than ever,” PEF said in a statement.

Volume X

No. 34

13


for inquiries, txt or call 09155410875 Brgy. Capayang, Mogpog, Marinduque

14

The MIMAROPA SUNRISE/ June 18-24, 2013


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.