Ang Ambahan 2023 - 2024

Page 1

MAGINOO PERO MEDYO BASTOS

Mga Divinista, bigyang-pansinsinusugang ang ‘Bawal ang Bastos Law’ sa kampus

Isinusulong ng mga mag-aaral ng Divine Word College of Calapan (DWCC) na tutukan ng paaralan ang pagpapatupad ng Republic Act 11313 o “Safe SpacesAct” upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng mga mag-aaral laban sa mga pang-aabuso at pangha-harass sa loob at labas ng paaralan, March 12.

Nakababahala ang dumadaming kaso ng pang-aabuso sa paaralan, kaya naman humiling ang mga mag-aaral ng DWCC sa guidance counselor na magkaroon ng programa para talakayin ang usapin gayung hindi lamang nasasakop ng batas ang pisikal na pangaabuso sapagkat nakapaloob din dito ang sekswal at berbal na paglabag sa karapatan ng isang tao. Sa isang panayam kay Cherish Dale Narciso, Guidance Counselor ng DWCC, inamin niyang wala pa silang nakaplanong programa para dito. “Sa ngayon, wala pang specific program, pero sa tingin ko, matagal na rin naman itong pina-practice by setting up boundaries and pagbibigay ng respeto sa personal space ng bawat isa kasi siyempre, dito sa DWCC, pina-practice naman natin ‘yung giving respect to others,” sabi ni Narciso. Binigyang-atensyon din niya na kailangang magkaraoon ng awareness ang mga bata, guro, at mga empleyado para maikatuparan ito ng paaralan. “Ico-consider namin yan kasi magandang idea rin ‘yan para sa pag-come up ng bagong programs ng guidance We’ll see kung ano ‘yung pwede naming gawin para sa mga

susunod na school years,” ani Narciso. ABUSO AT INABUSO

Nitong Nobyembre 16, may nag-ulat na estudyante ng kaso ng pang-aabuso mula sa isang student-teacher.

Ayon kay Maria D. Cruz (hindi tunay na pangalan), isang Grade 8 student ng DWCC, nakipagchat diumano ito sa kanya at humingi ng larawan ng walang saplot .

“I didn’t think much of it kasi he was just sharing about his problems and nag-escalate sa personal stuff like sending pics like without top, or seducing pic,” pagbabahagi ni Cruz.

Isinumbong ito ni Cruz sa paaralan at idinulog sa Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center Calapan ang kanyang kaso.

Sa kasalukuyan, inaasikaso pa rin ng polisya ang ulat na ito upang magamit na ebidensya ni Cruz kung sakaling mapunta ang kaso sa korte.

PSST! BAWAL ‘YAN Pinuna rin ng mga mag-aaral ang mga abusadong tricycle drivers na sumisit sa mga estudyanteng pasahero.

“Minsan kapag ginabi ng uwi ng dahil sa practice may sumisitsit sa akin sumisigaw ng “miss akin ka na lang,” wika

ni Mary Dela Flores. Inilapit ng Ang Ambahan kay Edwin Escosora, Prefect of Character Formation ang usaping ito. Ayon sa kanya, walang batas ang nauukol sa pagsipol ng mga drayber ngunit kung ito ay catcalling ay maaaring pasok ito sa paglabag sa Safe Space Act o Bawal Bastos Law.

“Unang pwedeng gawin ay sabihan ang mga tricycle driver sa maayos na paraan, then maglagay ng mga signage about it for constant reminder, if ‘di pa rin sya naging effective then the school will write a formal complain address sa barangay chairman kung saan tayo nasasakop, at pwede rin s’ya i-report sa TMO para bigyan sila ng kaukalang sanction,” pahayag ni Escosora. Dagdag pa niya nasa Traffic Management Office ang hurisdiksyon ng pamamahala sa mga pampublikong sasakyan at ang TMO ang maaaring magpatawag sa kanila. Bilang mga magaaral ay dapat na patuloy na magpakita ng pagiging disiplinado at magalang sa lahat ng tao.

Sa ngayon, habang nirerepaso pa ang mga programa at patakaran sa mahigpit na pagpapatupad ng batas na ito sa kampus, pinapaalalahanan pa rin ang lahat na mag doble ingat.

Bilang suporta sa dyornalismo, Lokal na gobyerno ng Calapan, nagbigay ng ayuda

Layuning maiangat pa ang kalidad

Punongbayan, Marilou FloresMorillo, Abril 9.

Sa mga nagdaang panrehiyon at pangnasyunal na paligsahan sa dyornalismo, itinayo ng mga pribado at pampublikong elementarya at sekundrayang paaralan ang pangalan ng Lungsod ng Calapan kaya’t nakilala ang nasabing lungsod sa ganitong larangan. Kaugnay rin nito, kinilala ng pamahalaang panglungsod ang mga estudyante at paaralang nagtamo ng karangalan sa nasyunal at internasyunal na kompetisyon noong Marso 20. Isa ang The New Horizon, ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Divine Word College of Calapan - Calapan Main Campus sa mga tumanggap ng pagkilala matapos manalong pangatlong pinakamahusay na publikasyon sa buong Pilipinas sa nagdaang NSPC o National Schools Press Conference 2023. “Malaking tulong ang ayudang ito ng pamahalaang panglungsod para makalikha ng mas kompetitib na dyaryo ang mga paaralan. Bukod sa pinansyal na aspeto, mas magandang simulain ito dahil mas kinikilala na ng pamahalaan ang kahalagahan ng ganitong larangan bukod sa patalinuhan at palakasan,” wika ni Jomari Uy, Gurong Tagapayo ng The New Horizon.

COLLEGE OF CALAPANCALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG CALAPAN CITY REHIYON NG MIMAROPA AGOSTO 2023 - ABRIL 2024 TOMO I BILANG 1
Ang
Ambahan
ng dyornalismo sa Lungsod ng Calapan, naglaan ng sampung libong tulong kada pribado at pampublikong paaralan ang Pamahalaang Panlungsod ng Calapan sa pangunguna ng butihing
BIYERNES SANTO NG PAGKATUTO 7 9 TULANG AMBAHAN
213 DAPAT ALAM MO! 77 66 70 NAITALANG KASO NG PANG-AABUSO SA MGA PAARALAN ITO ANG MGA NAIDULOG SA OWTORIDAD. PAANO ANG MGA WALANG BOSES AT TINATAKOT? I-SKAN ANG QR CODE AT MAGSUMBONG! BERBAL SEKSWAL PISIKAL datos mula sa Learners TeleSafe Contact Center Helpline (LTCCH) ng Department of Education (DepEd), Nobyembre 2023 SINAYANG NA GAMOT 13 TALIM NG TINIK NG DILA. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, sinasabi sa Santiago 3:8 na ang dila ay puno ng nakamamatay na kamandag. Ang kamandag na ito ay tila kumalat at nilason ang musmos na kaisipan ng mga kabataan. Masalimuot mang sabihin, nangingibabaw sa ating Lipunan ang lantarang pagpapantasya sa mga batang walang malay. Ang mahahalay na salita na ito ay animo’y baril kung paputukin na maaring pumatay sa kanilang kinabukasan. Kailangan na nating bakahin ang kultura ng bastos at kaharasan. Marapat lamang na isulong ang “Bawal ang Bastos Act” at mas mapalalim ang mababaw na diskurso ukol dito.
ni Donald B. Corona
SUNDAN SA ISYUNG ITO. MAKASALANANG DILA ◙ Disenyo ni Naomi Jersey J. Rafa
◙ Disenyo ni Naomi Jersey J.
ni Audie Krizelle Carit
AYUDA
Rafa

Ambahan Ang

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD

COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS

DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA

BAGONG PANGULO

Fr. Tampol, paiigitingin ang pananaliksik, ‘character-based learning’ sa DWCC

pisyal nang umupo bilang ika-30 na Presidente ng Divine Word College of Calapan si Fr. Renato A. Tampol, SVD, Ph.D. sa ginanap na inagurasyon, Agosto 29.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng buong institusyon kabilang ang mga mag-aaral at guro sa lahat ng antas at departamento, mga kawani at mga kapwa administrador, binigyangdiin niya ang pagsusulong ng dalubhasaang hindi lamang nagbabahagi ng kaalaman gayundin ay nagpapamalas ng karakter at tamang pagpapahalaga. Bilang pagtalima ni Fr. Tampol sa kaniyang bagong obligasyon sa pagiging bagong tagapanguna at ulo ng paaralan, tinanggap niya ang sulo mula sa kaniyang pinalitan na si Fr. Crispin Cordero, SVD na nanungkulan sa DWCC ng tatlong taon. Simboliko ang ginawang paglilipat ng sulo sapagkat kumakatawan ito sa layunin ng dalawa na mapagtigay ang maayos na paglilipat ng liderato at pamamahala para sa

kapakanan ng buong institusyon. Nagpakita naman ng suporta si Most Rev. Pablito M. Tagura SVD, D.D., Obispo ng Apostolic Vicariate of San Jose sa San Jose, Occidental Mindoro na nagpasinaya ng ginawang Banal na Misa. Kasunod ng misa, ginawa naman ni Fr. Tampol ang panunumpa na pinangunahan ni Fr. Jerome Marquez, SVD kung saan higit nyang kinongkreto ang kaniyang dedikasyon sa pagpapalawig ng kagalingan at inobasyon ng DWCC. Samantala, tinanggap naman niya mula kay Fr. Renato L. Malbog, SVD, ang Bibliya at Krus bilang simbolikong pagpapalaganap ng kahusayan sa intelektwal at moral.

Nagpahatid din ng pagbati sina Dr. Rene Colocar, puno at kinatawan ng DWCC Alumni,

Mayor Marilou Flores-Morillo ng Calapan, at Humerlito A. Dolor, Gobernador ng lalawigan ng Oriental Mindoro. Umaasa si Fr. Tampol na higit na mahihikayat ang bawat mag-aaral, guro at mga kawani na sama-samang makilahok sa lahat ng programa na isusulong ng kaniyang administrasyon sa susunod na tatlong taon. Ani Fr. Tampol sa kanyang talumpati, ang dedikasyon ng institusyon ay nakalinya sa mandato ng Komisyon ng Mataas na Edukasyon tungo sa pagpapalaganap ng kultura ng pagsasaliksik sa mga dalubhasaan. Maging ang Basic Education ay maabot ng programang ito kung saan ang maagang imumulat ang kamalayan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya sa mundo ng pananaliksik.

Implementasyon ng ‘DepEd Matatag’, tinalakay sa ManCom Meeting; Gaspan, naglatag ng mga hakbangin ng DWCC Basic Ed

BALITA 2

N Nagtipon ang mga kinatawan ng mga pribadong paaralan sa Lungsod ng Calapan sa gusali ng Senior High School (SHS) upang detalyadong talakayin ang mga bagong patakaran kaugnay ng implementasyon ng “DepEd Matatag”, Enero 24.

Nakatakdang ipatupad sa susunod na taong panuruan ang kurikulum na MATATAG kaya’t maging ang DWCC Basic Ed ay naghahanda na rin sa pagpapatupad ng mga programang nakalinya sa adhikain ng direktibang ito mula Kagawaran ng Edukasyon.

Mandato ng ‘MATATAG Agenda’ ang pagpapatibay ng kurikulum na lilikha ng mga kasanayang mapakikinabangan ng mga mag-aaral, pagiging handa sa pangangailangan ng trabaho, at gawing

aktibo at responsable ang mamamayan. Nagbigay ng kani-kanilang opinyon ang mga kinatawang punongguro, program coordinators at mga guro ukol sa kurikulum at mga pinaiiral na programa sa paaralan at anila buo naman ang suporta nila sa gagwing pagbabago sa kurikulum. Sa pakikipanayam ng Ang Ambahan kay Wyndell Gaspan III, Punongguro ng DWCC Basic Ed, pangunahin sa mga magiging paghahanda ng ay ang pagsasanay ng mga guro, integrasyon ng

Populasyon ng SHS, natapyasan ng 5 porsyento, Bilang ng Junior High, patuloy na bumubulusok

agamat kapansin-pansin ang patuloy na pagbaba ng populasyon ng Junior High School (JHS) sa nakaraang limang taon at nagtala

ng limang bahagdang nabawas sa bilang ng Senior High School (SHS), nananatiling malaki ang pag-asa ng DWCC sa magiging paglago ng populasyon sa susunod na mga taon base sa datos na inilabas ng Registrar Office.

Itinuturong dahilan ng pagbaba ng porsyento ng kabuuang populasyon ng SHS ngayon ay ang mababang bilang ng mga mag-aaral na nag-enrol sa Grade 12 samantalang nagpakita naman ng 18 porsyento ng paglago ang Grade 11 bagay na inaasahang magtutuloy-tuloy dahil sa mga isinusulong na programa ng paaralan kabilang na ang patuloy na pagbibigay ng vouchers para sa diskwento hanggang siyam na libong piso (PHP 9,000.00) base sa pinagmulang paaralan. Sa ngayon nananatiling PHP 21,000 ang matrikula

sa ilalim ng strands na Humanities and Social Sciences (HUMMS), Science Technology Engineering and Math (STEM) at Accountancy, Business and Management (ABM) at PHP 23,000 naman sa TechnicalVocational-Livelihood (TVL). Bumaba sa 512 ang populasyon ng JHS ngayong Taong-Panuruan 2023-2024, mula sa 534 noong 2022-2023, 547 noong 2021-2022, 638 noong 2020-2021, at 736 noong 2019-2020 ngunit nanatiling malaking bagay ang anim na bahagdang paglago ng bilang ng Grade 7.

kurikulum, paglalaan ng sapat na pondo para sa mga kagamitan sa pagkatuto, kasangkapan ng mga guro sa pagtuturo at mga napapanahong digital tool, pagmomonitor at pagsusuri ng imolementasyon at pagkakaroon ng kolaborasyon sa lahat ng kabahagi sa pagsusulong ng programa kabilang ang mga magulang at mag-aaral. Kampante umano siya na sa tulong ng school admin, maihahanda ang mga estudyante ng DWCC sa hamon ng makabagong mundo.

anaig ang diin ng salita at lakas ng boses ni Angelica Shane Tolentino ng

Divine Word College of Calapan sa patimpalak sa pagbigkas na isinagawa ng Daughters of Mary Immaculate International (DMII) sa Sto. Niño Cathedral Parish, Lungsod ng Calapan, Pebrero 3.

Kaugnay ng temang “Influence of Mass Media in Shaping Societal Morality” nagtagisan ang mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa Calapan na mapusong inilahad sa mga hurado at nakikinig kung paano nakaka-apekto ang mass media sa mga modernong henerasyon.

“Muli ko lamang binalikan ang aking pagkabata at iniisip ko kung paano sasagot ang aking sarili sa panahon ng pagiging musmos pa lamang sa kung paano nga ba nakakaimpluwensya ang medya sa atin bilang lipunan, at nagpatuloy ako sa pamamagitan noon,” ani Tolentino na masayang nagpahayag ng kaniyang teknik.

Ayon pa sa kanya, habang ginagawa niya ang talumpati, iniisip nyang dapat magmula ito sa sariling karanasan upang maka-konekta ang mga makikinig na lubos naming naging epektibo dahil nakuha niya ang unang pwesto. Kasama niyang lumaban bilang kinatawan ay sina Anica Kyra Fajutag mula sa Junior High School (JHS) at Chequie Canales mula sa Senior High School (SHS).

alawakan at mas intinsibo ang ginawang taunang earthquake drill noong ika-25 ng Marso sa DWCC Basic Education

kaya’t kinakikitaan ng pag-angat ng kamalayan ang mga estudyante at guro sa tamang paghahanda sa pagtama ng lindol at sakuna. aralan.

Sa pakikipanayam ng Ang Ambahan kay Edwin Escosora, Prefect of Character Formation ng paaralan, sinabi niya na maganda ang naidudulot ng regular na pagsasagawa ng eartquake drill upang mas maging pamilyar ang mga mag-aral at empleyado ng paaralan sa kanilang reaksiyon kung sakaling maganap ang sakuna. Dahil sa mga ganitong pagsasanay ay naiiwasan ang pagkabigla at pagkataranta, natututong maging kalmado at naooorganisa anf pag-drop, hold at cover gayundin ang mabilis ngunit maayos na paglabas sa mga silid-

“Kung sakaling magkaroon ng lindol, dahil nga na-practice natin ang tamang reaksyon, malaking tulong itp para maiwasan or kundi man ay mabawasan ang mga masamang epekto or impact ng lindol,” dagdag pa niya.

Sa pananaw naman ng mga mag-aaral, nagiging muscle memory nila ang regular na pagsasagawa ng mga ganitong gawain kaya’t inaasahan na marami pang pagsasanay katulad ng pagsagip at pagbibigay ng paunang lunas ang gagawin sa loob ng paaralan para sa patuloy na kahandaan.

B M
BAGONG KABANATA. TinatanggapniFr.Renato A.Tampol,SVD,Ph.D. mulakayFr.Crispin Cordero,SVDangsulo bilangpagyakapsa bagongresponsibilidadna pangunahanangbuong DWCCsapatuloyna pagsusulongngdekalidad naedukasyonsalalawigan ngOrientalMindoro, Agosto 29. Kuhanglarawanmulasa DWCCAffairsOffice BAGONG KURIKILUM. Nagpapalitan ng opinyon, ideya at suhestyon ang mga kinatawan ng DepEd Calapan City, mga punongguro at mga administrador ng mga pribadong paaralan mula sa Calapan City ukol sa gagawing implementasyon ng MATATAG na kurikulum. Kuhang larawan ni PaulBryanTravero MAALAB NA PUSO.Karanasan bilang makabagong kabataan at pagkatuto ang buod ng talumpati ni Angelica Shane Tolentino. Kuhang larawan ni PaulBryanTravero DIVINISTA, LAGING HANDA. Binubuhat ng mga kawani ng paaralan ang isang sugatan bilang bahagi ng pagsasanay sa kahandaan sa pagtama ng sakuna. Kuhang larawan ni PaulBryanTravero O This realization led to the decision that from now on I wanted to be the hero - Tolentino Kahandaan sa lindol, unti-unti nang nakakabisa ng mga Divinista
b b b b
ni Hannah Caitlianne Blanca ni Naomi Jersey Rafa ni Mary Cleeane Ilagan ni Franchezka Carmel Castillo ni Niña Ilagan

alang pagsidlan ng saya ang mga Kindergarten mula sa mga barangay ng Pachoca at Tibag nang bumisita ang mga kawani ng Community Extension Services (CES) ng Divine Word College of

Isang araw bago ang pagbisita, binalot ng mga empleyado ang supot na may lamang tinapay at gatas kasama ang mga papremyo sa mga bata. Nahati ang grupo ng mga guro, Student Electoral Board at Senior High School (SHS) Student Council (SC) sa dalawang grupo – isa ang magtutungo sa Pachoca at isa naman sa Tibag. Masaya namang sumali ang mga bata sa mga inihandang palaro kagaya ng paghula ng mga hugis, pag-alam sa tunog ng mga hayop at stop-dance challenge.

“Doble and saya para sa akin at

surpresa, Disyembre 9. sobrang fulfilling kasi nagbunga ‘yung paghihirap kasi ang paghahanda ay ‘di madali. Pero sobrang nakakaproud din kasi at least nakatapos ulit ng isang aktibidad na connected naman sa partner community natin. Kaya kasama neto ‘yung nararamdaman kong pasasalamat sa lahat ng tumulong at nakikiisa sa gawain,” wika ni Merry Marasigan, gurong tagapayo ng SHS SC. Ang mga ganitong gawain ng CES ay bahagi ng mga programa ng institusyon para makaabot ng mga komunidad at batang nangangailangan.

Karaniwang problema ngayon sa maraming lokalidad ay ang mababang kasanayan sa pagbabasa ng mga mamamayan – bagay na pinagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Calapan City sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Barangay Reading Centers.

Bilang pagkilala sa hangarin ng pagtataguyod ng ganitong programa, pinarangalan ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas at The Asia Foundation (TAF) ang Punongbayan ng pamahalaang panglungsod na si Mayor Marilou Flores-Morillo bilang Best Local Chief Executive noong Marso 24. Noong Marso 9, kasabay ng Araw

TUYOT NA PAG-ASA

ng Public Library, tinanggap ng 44 BRCs ang mga donasyong libro at kompyuter mula Pambansang Aklatan ng Pilipinas na inaasahang higit na magpapalawig ng programa. Sa talumpati ni City Administrator Reymund Al Ussam, binigyang-diin niya na ang silid-aklatan kasama ang mga BRCs ay mahalaga sa sa pagsusulong ng edukasyon, karunungan

Mindoreños, dumadaing sa bagsik ng El Niño, Dalawang bayan, isinailalim na sa State of Calamity

Perwisyo ang dulot ng mahaba at matinding init sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro partikular sa mga bayan sa timog na bahagi bunsod ng umiiral na El Niño na ayon sa Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko at Astronomiko ay may 74 porsyentong tsansang magtutuloy-tuloy hanggang sa buwan ng Mayo.

HAGUPIT NG KALAMIDAD Bitak-bitak na lupa at uhaw na mga pananim na palay at sibuyas ang dinatnan ng mga kawani ng Kagawaran ng Agrikultura sa pagbisita sa mga lugar na matinding tinamaan ng kalamidad kaya iminungkahi kaagad ng kagawaran na isailalim na ang mga ito sa State of Calamity para mabigyang tulong ang mga Mindorenyong magsasaka na naghihikahos dahil sa sinapit ng kanilang mga pananim. Halos isang linggo lang ang pagitan, idineklara na ang mga bayan ng Bulalacao at Mansalay sa ilalim ng State of Calamity sa bisa ng mga resolusyong naaprubahan sa lokal na pamahalaan. Pangunahing problema ang kawalan ng suplay ng tubig na makakatulong sa pagsalba ng mga ilan pang pananim sapagkat maging ang mga pinakamalapit na ilog ay natutuyo na rin.

CES, SHS SC, SEB, naghatid ng saya sa mga kindergarten sa Barangay Tibag, Pachoca Pagsugpo sa kanser sa suso, tinalakay sa 62

Nagpa-abot na ng tulong ang pamahaalang panlalawigan at nasyunal lalo’t malaking bahagdan ng suplay ng sibuyas sa buong bansa ay nanggagaling sa mga naturang bayan, at kung hindi maagapan ay magre-resulta sa kakulangan ng suplay at mataas na presyo sa mga pamilihan.

“Naaapektuhan po ang mga pananim ng mga magsasaka dito at nahihirapan po ang mga tao dito dahil sa kakulangan ng tubig. Nakararanas din po ng kakulangan sa pagkain ang mga tao dito dahil natutuyo ang kanilang mga pananim,” ani Charles Nathaniel Tolentino mula sa Bulalacao.

INIT NG PALIGID, INIT NG BULSA

Pumalo na halos 1700 ang dating 1500 na konsumo sa kuryente ng pamilya ni Anabel G. Ilagan ,49, residente ng Barangay

Gulod, Calapan City dahil sa mas mahabang oras ng paggamit sa mga kagamitang makapagbibigay ginhawa kontra init. Samantala, iba naman ang sitwasyon ng pamilya ni Marivic Quitain, 56, taga-Communal, Calapan City na sa kabila ng init na nararanasan ay nagtitiis na lamang upang mapanatili ang konsumo sa kuryente.

“[Ang] aircon pagkakalamig patay agad, ref mahina la[m]ang ang bukas, ang ilaw mahihina ang boltahe ang watts at pinapatay kung maaari at nagso-solar na la[m]ang, ang pagmadamagan ay solar, ang water pump ay hindi na totoong nagagamit at walang baboy. Tapos ang gawin sa maaga pa la[m]ang ay kumain na para maagang mapatay ang ilaw at habang nanonood ng TV ay magpaypay na la[m]ang,” ani Aling Terista sa pakikipanayam sa Ang Ambahan.

ESTUDYANTE BLUES Marami ring estudyante ang umaalma sa kabigatang dala ng matinding init sa oras ng kanilang pag-aaral, ang iba kanya-kanyang diskarte kung paano mapapawi ang nararamdamang init. Sabi ni Catlyn Mae Marasigan, mag-aaral mula sa Luna Goco Colleges, may mga pagkakataon na hindi siya makapagpokus sa pag-aaral dahil hati ang kaniyang atensyon. “Imbis na makikinig ka na lang sa lecture pino-probelma mo pa ang init. Sobrang hassle kasi nakakairita siya,” ani Marasigan. Nang tanungin naman kung dapat ba na ikansela ang ilang klase gaya ng ilang paaralan ngayon sa ibang lalawigan, sinabi niya na hindi dapat paring pumasok ng mga estudyante sapagkat ito ay pangkarinawang krisis na at madalas na nararanasan.

analo si Aravella Nicole Joco, isang estudyante sa Divine Word College of Calapan na kumukuha ng AB Psychology, sa idinaos na Mutya ng Lungsod

ng Calapan Coronation Night sa OMNHS gymnasium kung saan naiuwi niya ang pinakamahalagang titulo –ang Mutya ng Lungsod ng Calapan 2024, March 19.

Bukod sa Mutya ng Lungsod ng Calapan 2024, naiuwi rin niya ang Miss Zsakers Donut Calapan, Miss Pocket King’s, at Ms. KD Beaching Soap 2024. Ang panalong ito ay hindi lamang para sa Personas, ang bayan na siya ang kinatawan, kundi pati na rin sa DWCC kung saan siya kasalukuyang nag-aaral. Pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya, ang Barangay Personas, at ang kaniyang mga taga-suportang naniwala sa kaniya. Sa Question and Answer ay ipinakita niya na hindi lamang ganda ang mayroon siya dahil may angkin din siyang talino. Nang

itanong sa kanya ang kung anong ugali ang meron siya at paano niya ito magagamit bilang Mutya ng Lungsod ng Calapan. “The one value that I possess is that I have resilience, throughout our lives we might face many challenges and setbacks but how we respond to themtruely defines us, and I will use that as Mutya ng Calapan because having a resilient mindset we can bounce backfrom our failures and keep pushing forward towards our goals. Resilience has taught me that setbacks are not the end of the road but rather an opportunity for growth and self-development,” sagot ni Joco.

ayuning mapalawig ang kaalaman ng mga Barangay Health Workers (BHW) sa lalawigan ng Oriental Mindoro ukol

sa pagsugpo sa dumaraming bilang ng mga dumaranas ng kanser sa suso, nagdagdag ng kaalaman ang mga boluntaryong doktor alinsabay sa pagdiriwang ng Happy Breast Awareness Month, Oktubre 29.

Inorganisa ng Mindoro Breast Cancer Support Group ang pagtitipon sa 62 pangkalusugang kawani sa barangay upang ituro sa kanila ang mga dapat nilang matutunan tungkol sa kanser sa suso na matagal nang suliranin sa bansa. Ayon sa inilabas na detalye ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society o POGS, ang Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng kanser sa suso kumpara sa 197 pang mga bansa. Nabanggit dito ang

HANDA NA BA KAYO?Nasorpresa ang mga mag-aaral na Kindergarten matapos bumisita ang mga Divista para magbigay ng kaunting handog at magsagawa ng mga palaro. Kuhang larawan mula sa Community Extension Services MALIWANAG NA KINABUKASAN SA PAGBABASA. Dahil sa itinayong Reading Center sa Barangay Wawa, mas marami nang kabataan ang nagkakaroon ng interes na maglaan ng ilang oras tuwing Sabado para magbasa at matuto. Kuhang larawan mula sa BarangayWawa CalapanCity-Reading Center b b
P L W
sa kanser. Binigyang-diin
kung paano
mga BHW sa misyong mapababa ang nilang ng tinataan ng sakit. Anila importante ang mga BHW upang mapababa ang kaso ng breast cancer sa bansa. Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA, mayroong 190 na namatay sa rehiyon noong 2020 at naging 225 noong 2021. Pagsusulong ng Barangay Reading Centers ng Calapan, kinilala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas Gandang Divinista, ibinandera ni Joco, kinoronahan bilang Mutya ng Lungsod ng Calapan ‘24 BALITANG PANGLUNGSOD at pag-unlad
kay
Mallari, tagapangulo ng
Lumangbayan, marami pa rin ang nais na magbasa sa
ng pag-usbong ng teknolohiya at social media at
access
konsultasyon, maagang deteksyon, mga operasyong maaring gawin, mga paraan ng pagsugpo and at paunang lunas
din
makakatulong ang
ng komunidad. Ayon
Rowena
Brgy.
kabila
dahil sa BRC sa kanilang lugar, kahit anuman ang estado ay nagkakaroon ng
Calapan bitbit ang mga
Barangay Health Workers
CALAPEÑAWINNA.Itinanghal na pinakabagong Mutya ng Lungsod ng Calapan si Aravella Nicole Joco ng Barangay Personas matapos niyang ipamalas ganda, talento at talino ng isang Divinista. Kuhang larawan mula saMutyangLungsodngCalapan SIMBOLO NG LABAN SA KANSER SA SUSO. Ipinapakita ng pink na ribbon ang layuning mas maipalaganap ang kamalayan tungkol sa pagsugpo ng kanser sa suso. Disenyo ni NaomiJerseyRafa b b Ambahan Ang OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA BALITA
3
ni Paul Calingasan ni Donald B. Corona ni Audie Krizelle Carit ni Almira Quitain
TIGANG NA LUPA. Bunga ng pagkatuyotng mgailogatmga pinagkukunanng suplayngtubig, nagti-tayagaang mgamagsasakasa pagbabalde-balde ngpag-igibpara isalbaangkanilang mgapananim ngunithindinarin nasolusyunandahil satindingbagsik ngElNiño. Kuhanglarawan mula sa PhilippineNews Agency b
ni Donald B. Corona

DepEd Reg’l Office nagsagawa ng Monitoring sa DWCC Basic Ed

KLayunin ng gawain na personal na mabisita ng kinatawan ng Regional Office ang paaralan upang silipin ang pagsunod nito sa mga alituntunin at panukala ng ahensya.

Bago ang pagbisita, hiningi ng kagawaran ang mga dokumento katulad ng permit, talaan ng populasyon at mga compliance requirement na kailangang sundin bilang pribadong paaralan. Napagtalakayan din dito ang kasalukuyang populasyon ng Junior High School Department at ang mga mag-aaral na kwalipikado para sa ESC o Educational Service Contracting na naglalayong i-decongest ang mga pampublikong paaralan. Ayon sa Punongguro ng DWCC Basic Ed na si Ginoong Wyndell Gaspan na siya

augnay ng direktiba ng Regional Memorandum No. 111, serye ng 2023, isinagawa ang monitoring sa DWCC Basic Ed ni Nerlen B. Abante, Education Program Supervisor ng panrehiyong sangay ng Kagawaran ng Edukasyon sa MIMAROPA kasama si Mark Lester E. Casapao, Ph.D, Senior Education Program Specialist mula Dibisyon ng Calapan City, Marso 20. ring humarap sa mga bumisita, maganda ang naging resulta sapagkat natiyak ng paaralan na ito ay sumusunod sa mga pangangailangan bilang isang paaralan lalo’t mahalaga ito sa pagpapanatili ng institusyon ang magandang track record sa pagkakaloob ng dekalidad na edukasyon, gayundin ang makabuluhan at Katolikong edukasyon.

“Para sa akin, ang mga monitoring aktibidad na isinasagawa ng Dep Ed MIMAROPA ay positibong gawain sa pampaaralang tagpo. Hindi lamang nito kinikilala ang mga magagandang gawain ng mga paaralan kundi nagbibigay din ito ng suhestyon at puna mula sa kinatawan ng DepEd para mas mapalawig ang tinatanaw at misyon ng institusyon,” pahayag niya sa

LINGAP KULTURA

Tradisyong Pilipino, sentro ng pagdiriwang ng ika-78 taong pagkakatatag ng DWCC

panayam.. Nang tanungin ng Ang Ambahan kung mayroong nabanggit sa pagbisita na kailangan baguhin o pagpanibaguhin ng DWCC sinabi niya, “As to need to improve, wala naman nabanggit; just a note of recognition and congratulations for continouosly providing quality education to learners in Calapan and the province of oriental mindoro and neighboring provinces.”

Hindi lahat ng pribadong paaralan sa Lungsod ng Clapan ay nagpapa-unlak sa mga ganitong monitoring kaya ikagagalak ng kagawaran ang paglahok ng DWCC Basic Ed sa ganitong gawain na idinadaos isang beses isang taon patunay ng hangari nito na mas mapaunlad pa ang edukasyon sa paaralan.

akulay, maraming palamuti at magarbo ang pagdiriwang ng ika-78 na taon ng pagkakatatag bilang isang dalubhasaan ng Divine Word College of Calapan (DWCC) na sumasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino, Abril 1-5.

Naka-angkla sa temang DWCC Octogintennial - Infused Excellence ang selebrasyon ngayong taon. Kinilala ng DWCC sa unang gabi ang mga natatanging kawani para sa kanilang serbisyo sa institusyon. Isang gabing puno rin ng kasiyahan ang pinagsaluhan ng mga nagtapos sa paaralan sa ginanap na DWCC Alumni Night. Isang misa ng pasasalamat ang ginanap bilang pormal na pagbubukas ng pagdiriwang. Tampok ngayong taon ang Mangyan Expo na nagpapakita ng mga produktong lokal na may kalidad na pang-global at Lingap Kultura na nagpapamalas ng mayabong na

kasaysayan nga mga katutubong Mangyan. Nagpasiklaban naman ang iba’t ibang departamento sa mga paligsahan katulad ng Dansiklaban na pinagharian ng School of Education (SOE) na binigyang-buhay ang Pambansang Sayaw na Cariñosa, Academic Pentathlon Karaokids, mga tradisyunal na laro, at E-sports. Ibinida ng mga katutubong magaaral ng DWCC ang kanilang obrang kanta na ‘Kapit-kamay kasunod ng Kwentura o kwento sa kultura ng Obra Divinista na higit pang nagpatingkad sa damdaming sariwain ang kultura na

TAHANAN NG DEKALIDAD NA EDUKASYON. Nakapaskil sa harap ng paaralan ang karangalan bilang natatanging paaralan sa isla ng Mindoro na mayroong akreditasyon mula sa PAASCU. Kuhang larawan ni PaulBryan Travero b

Akreditasyon mula sa PAASCU, isinusulong ng Senior High School

SBinibigyan ng oportunidad ng akreditasyon ang mga pampaaralang institusyon sa mga kritikal na analisasyon na higit na magpapalawig sa kalidad ng edukasyon, serbisyo at operasyon.

B Mmayroon ang Pilipinas. Tinanghal na Binibining DWCC si Pearl Joy Quebrar ng SOE, aniya “So if one can advocate, influence and equip holistic change in the society then no one can stop us to create an equilibrium society where change is gathered.” Nasungkit naman ng School of Engineering, Architecture and Fine Arts (SEAFA) ang kampeonato sa Battle of the Bands. Nagwagi ang ‘Past Forward’ ng SEAFA ng Best Picture sa labanan ng likhang pelikula ng mga Divinista. Nagtapos ang pagdiriwang sa isang Hydro-foam Party na taun-taong inaabangan ng mga mag-aaral.

JUNIOR HIGH, NAGLUKLOK NG BAGONG PRESIDENTE; SC, INULAN NG NEGATIBONG KOMENTO

Hindi nakaligtas ang bagong upong Presidente ng Junior High School na si Tatiana T. Agno kasama ng kaniyang mga opisyales sa mga puna ng mga mag-aaral na naghahanap ng konkretong proyekto mula sa Student Council na kanilang ipinangako sa panahon ng kampanyahan.

Bagamat ilang inisyatibo na naisagawa ng SC katulad ng mga programang outreach kung saan pumunta sila sa mga komunidad upang magsagawa ng feeding program, drop box sa tubig, ‘Eco-Friendly Every Friday’ kung saan ang nililikom ang mga papel tuwing araw ng Biyernes, at basar na nag-eenganya sa mga mag-aaral na magdala ng mga gamit na hindi na nila ginagamit ngunit napapakinabangan pa upang ipamigay sa tuwing may Community Extension Services (CES), marami pa ring mag-aaral ang nagko-komento sa mga proyektong hiling nila sa SC ay maisakatuparan.

inimulan na ng Senior High School (SHS) ng Divine Word College of Calapan (DWCC) ang mga hakbangin sa layuning mabigyan ito ng akredistasyon mula sa Philippine Accrediting Association of

Itinuturing na kasangkapan ng DWCC ang mga ganitong programa para magkaroon ng mas tiyak na imahe ang paaralan na nagbibigay ng iisang direksyon at tinatanaw para sa pampaaralang komunidad at mga bumubuo nito. Bukod pa rito, nabibigyan ang institusyon ng magandang reputasyon na nakaangkla sa dekalidad na mga pamantayan na nagiging daan sa pagbuo ng mga pamamaraang gumagabay sa mga magulang at mag-aaral sa pagpili ng mahusay na paaralan. Naganap na ng DWCC ang tatlo sa anim na proseso ng akredistasyon matapos ang pang-institusyong sarbey, konsultasyon at ang nabanggit na paunang pagbisita.

Ilan sa mga sinilip ng mga kinatawan ng PAASCU sa kanilang pagbisita ay ang leadership and governance, quality assurance, resource management, teaching-learning, students services, external relations, research, at educational results. Sa ngayon, pinaghahandaan ng SHS ang pormal na sarbey kung saan matitiyak kung mabibigyan ba ang paaralan ng inisyal na akredisatyon hanggang matupad ng DWCC ang buong pamantayan ng

PAASCU para sa ganap na akreditasyon. Sa pakikipanayam kay Wyndell Gaspan III, Punongguro ng DWCC Basic Ed, sinabi niya na pinagtutuunan ng pansin ng administrasyon ang mga pangunahing bagay tulad achievement of minimum standards based on learning outcomes, achievement of evidenced excellence based on learning outcomes, implementation of the vision, mission, and goals of the school, at responsiveness to stakeholders.

“Accreditation is a lengthy, tedious and ambitious process. However, its beneficial and worthy for the institution to subject into accreditation process. Basically it benefits the school, learners and stakeholders of the institution. As being said, it directs the institution to a strategic direction,” wika ni Gaspan.

Base sa datos ng paaralan, ang Kindergarten, elementarya at Junior High School (JHS) lamang ng DWCC ang pribadong paaralan sa kapuluan ng Mindoro na mayroong unang lebel ng akreditasyon mula sa PAASCU.

“Our recently conducted preliminary visit of our SHS Program marked as a new milestone of DWCC Basic Ed, as the first SHS Program in the Island of Mindoro subjected to accreditation. All these accreditation process contribute to the fulfillment of DWCC Vision, Mission, Goals and Core Values,” dagdag pa ni Gaspan.

Isa sa plataporma ni Agno noong eleksiyon ay ang magsuplay ng tisyu at napkin sa mga palikuran sa kampus upang makatulong sa mga estudyante sa mga panahon ng pangangailangan at upang mapanatili ang kalinisan.

Since nakita nga namin at naexperience na rin namin ‘yung needs for tissue and napkins, ayon nagdecide kami

ilang paghahanda sa nalalapit na pang-Dibisyong patimpalak sa larangan ng pamamahayag sa Lungsod ng Calapan, ginugol ng 21 student journalists ng The New Horizon, ang opisyal na

pampaaralang pahayagan ng Divine Word College of Calapan – Basic Education, ang huling dalawang linggo sa pag-eensayo at pagre-recalibrate ng mga kaalaman ukol sa pamamahayag.

Matatandaang matagumpay na naisara ng publikasyon ang kampanya sa kampeonato ng nakaraang taon kaya’t mas puspusan ang ginagawang pag-eensayo ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng mga balita, editorial, opinyon, lathalain at isports, pagkuha ng larawan, pag-uulo at pagwawasto, at pagguhit ng editoryal kartoon para sa mga indibidwal na paligasahan. Sa pang-pangkat naman, matindi na rin ang paghahanda ng mga kalahok sa online publishing, collaborative publishing, at radio broadcasting.

“Masasabi ko na lalong bumigat ang pressure na nararanasan ko sa training ngayong DSPC pero tinatapatan din namin ‘yung pressure na ‘yun ng sipag at determinasyon. Kung dati, doble yung pagsisikap at sipag namin sa training, ngayon, triple na siya, kasi para sa’kin, DSPC ang pinakamahirap na lusutan, e. Kapag sa unang lebel pa lang, hindi ka na nakalusot, mag-iintay ka na lang sa susunod na laban kaya sayang yung pagkakataon,” pahayag ni Audie Krizelle Carit, Punong Patnugot ng The New Horizon na i-try na magprovide,” ani Agno sa panayam. Ngunit hanggang ngayon ay walang nailalagay na tissue at napkins ang SC kaya’t naging usapan ito sa loob ng kampus. Ayon naman sa SC, mas minabuti nilang ipagpaliban muna ang bagay na ito sapagkat maari lamang magkaroon ng kakapusan at magdulot ng kalat sa mga palikuran. Sa ngayon, nakabinbin din ang programang pangangalap ng mga basurang papel habang pinag-aaralan pa kung saan dadalhin ang mga makokolektang papel dahil hindi natuloy ang kanilang unang plano na mag-organisa ng patimpalak sa paggawa ng papermache at iba pang proyekto mula sa ni-recyle na gamit. Ayon kay Agno, sunod nilang gagawing inisyatibo ay ang LTS o Leadership Training Seminar na naglalayong dagdagan ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaal sa pamumuno at pamamahala. Tatakbo nang dalawang

araw ang LTS na inaasahan nilang magbibigay saya at kaalaman para sa mga Divinista. “Mahirap mag-establish ng programa dahil kailangan nito ng linggo o buwan para sa paghahanda, at kadalasan ay naaapektuhan pa ng mga hindi inaasahang mga gawain na kailangan unahin ngunit ginagawa naman namin ang makakaya para ipagpatuloy,” sabi ni Agno. Katulong ni Agno sa SC ang kaniyang lupon ng opisyales na kinabibilangan ni Princess Arexa Apacionado bilang Bise-President, Anica Kyra Fajutag na Kalihim, Ingat-yaman na si Sayuri Negishi, Tagapagsulit na si Mary Cleeanne Ilagan, Public Information Officer na si Rica Gelina T. Eugenio, Protocol Officer na si Keene Miel M. Hardin, at mga kinatawan ng bawat baitang na sina Alliyah May Rocio para sa Baitang 10, Poleen Rayos G8 Councilor para sa Baitang 9, Angelica Jude Ussam para sa Baitang 8 at Jilliene Cassandra Estrella sa Baitang 7.

sa mga kinatawan ng
at pandibisyong opisino ng
ng Edukasyon upang suriin ang
ginagawang implementasyon
ang
na inilalatag sa paaralan. Kuhang larawan ni PaulBryanTravero b The New Horizon, binusog ng kaalaman, teknik bago sumabak sa pandibisyong PressCon Schools, Colleges and Universities (PAASCU) sa pamamagitan ng paunang pagbisita sa paaralan, Pebrero 15-16. TROPEO NG INSPIRASYON.Simbolo ngayon ng pag-asa para mga manunulat ng The New Horizon ng DWCC ang mga tropeong nakamit sa huling National Schools Press Conferenceo NSPC kung saan gumawa ng kasaysayan ang publikasyon bilang ikatlong pinakamahusay sa buong Pilipinas. Kuhang larawan ni AudieKrizelleCarit HINABING KASAYSAYAN. Personal na naranasan ng mga Divinista ang payak na pamumuhay at kultura ng mga katutubong Mangyan sa pamamagitan ng mga gawain katulad ng paghahabi at pagtatahi ng mga lokal na produkto kaugnay ng pagdiriwang ng ika-78 taon ng institusyon. Kuhang larawan mula sa TheDWCC Gazette b b
PAGSUSULIT. Iniharap ni Wyndell Gaspan III, Punongguro ng DWCC Basic Education ang mga dokumento
panrehiyong
Kagawaran
mga
ng paaralan gayundin
mga programa at patakaran
ni Hannah Caitlianne Blanca ni Donald Corona
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON
BALITA 4
ni Mary Cleeanne Ilagan
Ambahan Ang
NG MIMAROPA
ni Audie Krizelle Carit ni Franchezka Carmel Castillo

Lahat tayo ay may karapatang magbigay ng opinyon, kurokuro at suhestiyon ngunit may kaakibat na responsibidad ang bawat diin ng ating salita. Siguraduhing tama ang iyong pinagkunan o batayan para hindi maging “onlayn mikrobyo” na nagpapakalat ng peyk na balita at impormasyon.

SALOT ◙ Disenyo ni Naomi Jersey Rafa

Ambahan Ang

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD

COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS

DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA

LUPON NG PATNUGOT

PUNONG PATNUGOT Donald Corona │ KAWAKSING PATNUGOT Audie Krizelle Carit │ MGA TAGAPANGASIWANG

PATNUGOT Hannah Caitlianne at Blanca Rachel Ray Agaton │ PUNONG TAGAWASTO Mary Cleeane Ilagan │ PATNUGOT NG BALITA Niña Ilagan at Mary Anne De Roxas │ PATNUGOT NG EDITORYAL Paul Calingasan │ MGA

PATNUGOT NG LATHALAIN Almira Quitain at Chequie Canales │ PATNUGOT NG ISPORTS Franchezka Carmel Castillo

│ PUNONG DIBUSHITA Naomi Jersey Rafa │ PUNONG LITRATISTA Paul Bryan Travero │ PUNONG TAGA-ANYO AT TAGAPAGLAPAT Vince Emmanuel Bermudez at Kiel Justin lance Ilao │ TAGAPAMAHALA NG SOCIAL MEDIA Marianna Angela Mendoza │ GURONG TAGAPAYO Jomari Uy │ PUNONGGURO Wyndell Gaspan III

NA ISANG BUTIL MABIGAT

Ang pagkakaroon ng malaking bilang ng importasyon ng bigas ay nangangahulugan lamang na mas binibigyang importansya ng pamahalaan na tangkilikin ang mga gawa sa ibang bansa, kumpara sa tanim ng mga Pilipinong magsasaka, at ito ay hindi makatwiran. Sa bansa, napakataas ng demand ng mga bigas, at dahil ito sa mga Pilipino na hindi kayang mag-almusal, magtanghalian, o mag-hapunan ng walang kanin. Ipagpalagay na lamang na sa isang araw ay nakakaubos ang isang pamilya ng isang kilo ng bigas sa maghapon, at sa milyon-milyong pamilya sa bansa, milyon-milyong kilo ng bigas ang nakokunsumo sa isang araw. Sa dami nito, malamang, maraming mga Pilipinong magsasaka na ang makikinabang at kikita kung nagkataon, pero imbis kasi na unahin ng pamahalaan ang mga magsasakang pilipino, mas pinipili nila ang nasa ibang bansa dahil ito ay, ayon sa kanila, mura. Bukod sa pamahalaan, ang mga Pilipino rin mismo ang pinakang-sentro kung bakit namamayagpag ang angkat na bigas sa mga palengke at bigasan, dahil mas mura ito sa mga ibinebenta na tanim sa bansa. Pero, dapat pa ring alalahanin ng lahat na ang pagtangkilik sa mga angkat na bigas ay may malaking banta sa ekonomiya ng bansa, lalo na’t hindi pa naman ganoon kalakas ang ekonomiya ng Pilipinas sa ngayon. Kapag nagtuloy-tuloy ang pagtaas ng mga angkat na bigas at pagbaba ng mga lokal na bigas, ang ekonomiya ay mawawasak. Bukod dito, ang pagkakaroon ng mga magsasaka sa hinaharap ay maaari matuldukan, at ang kasiguraduhan na may maiihain sa hapag ay maaari ring maapektuhan. Gayundin ang pagkaubos ng mga badyet, at pagbaba ng ekonomiya sa maliit na komunidad. Saka, ang epekto nito sa kalikasan ay lubha ring nakaka-alarma, kapantay ng nakaka- alarmang paghinto ng kultura, pagkakaroon ng problema sa kalusugan, at pagkakaroon ng kaguluhan sa komunidad. Una sa lahat, ang angkat na bigas ay nakakatakot dahil bukod sa dinadagsa nito ang mga pamilihan, pinahihina rin nito ang ekonomiya sa maraming paraan. Isa na rito ang pabago-bagong palitan ng pera sa mundo at ang iba’t ibang presyo ng bigas sa paglipas ng mga araw.

Kung magkakaroon kasi ng malawakang pag-angkat ng bigas, iyong maramihan, at tatataas ang presyo nito kasabay ng pagbaba ng halaga ng piso, tataas bigla ang angkat na bigas, na nakakatakot dahil sa pinansyal na kagipitan nitong dulot para sa tao. Sa simpleng mga salita, ang labis na pagtitiwala sa inaangkat na bigas ay maaaring magpabulabog sa ekonomiya ng bansa at gawing hindi gaanong matatag sa mga pagbabago sa worldwide market. Bukod dito, katakot-takot na pangamba ang nadadama ng mga lokal na magsasaka sa tuwing mababanggit ang angkat na bigas, dahil ibig-sabihin nito ay malaki ang tyansa na bababa ang kanilang kita, dahil sa hirap ng panahon ngayon, mas pinipili na ng mga Pilipino kung saan sila makakamura, at hindi na ginagawang paktor sa pagpili kung gawang lokal o angkat ba ang bigas. Dahil sa pagtitipid na ito, ang kita ng mga magsasaka ay liliit, kung saan maaari itong magdulot ng pagbaba ng kanilang produksyon, at kung mangyayari ito, magiging ‘dependent’ na ang mga Pilipino sa angkat na bigas, na maaring maging isang paktor sa pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado ng bigas. Saka, ipagpalagay na lamang ang epekto kung mapupurnada ang pagaangkat ng bigas. Alam naman ng lahat na malaking porsyento ng angkat na bigas ay nagmumula sa bansang Vitenam, at paano nalamang kung nagkaroon ng isang matinding bagyo na tumama rito, hindi ba’t maging ang bansang Pilipinas ay apektado. Kung mangyayari ng ito, tataas lalo ang demand sa bansa, at magsisitaasan na rin pihado ang presyo sa mga pamilihan, na dapat ay maiwasan ngayon pa lang. Ito rin ay nagpapakita ng kahalagahan ng seguridad sa pagkain sa isang bansa. Sa pagpapatuloy ng ganitong sitwasyon, na ang mga angkat na pagkain na lamang halos ang aasahan ng tao, nagpapahiwatig lamang ito na tuluyan nang humihina ang bansa sa pagbabago ng pandaigdigang merkado, at maging ang sakuna o krisis sa ibang bansa ay nakakaapekto na sa suplay ng pagkain ng bansa. Ang krisis na ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa, na nageresulta sa pananaw ng tao na huwag

... ang labis na pagtitiwala sa inaangkat na bigas ay maaaring magpabulabog sa ekonomiya ng bansa at gawing hindi gaanong matatag sa mga pagbabago sa worldwide market.

na lamang kumain ng kanin upang makatipid sa gastusin. Ang mga dukha o nasa mahirap na sektor ng lipunan ang pinakang apektado kung magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng pagkain dahil sa labis na pagtangkilik sa angkat na bigas. Mahalaga naman na ang pamahalaan sa bansang Pilipinas ay magkaroon ng sapat na imprastraktura at suporta para sa mga lokal na magsasaka at lokal na produksyon ng pagkain tulad ng bigas, upang maiwasan ang ganitong klase ng krisis. Marapat lamang din na magtaguyod ng mga polisiya ang pamahalaan na naglalayong mapanatili ang ‘selfsufficiency’ sa agrikultura at polisiyang nagpapalakas sa mga lokal na magsasaka upang hindi umasa nang labis ang bansa sa angkat na pagkain. Sa ganitong paraan, maaaring protektahan ang bansa laban sa mga potensyal na krisis sa suplay ng pagkain at masiguro ang seguridad sa pagkain para sa lahat ng Pilipino. Sunod, kapag ang isang bansa ay todo angkat ng bigas sa ibang bansa, nangangailangan ito ng malaking halaga para maipangbili, at ito ay nakakabahala dahil makakaapekto ito sa badyet ng bansa. Una, maaaring mabawasan ang pera na maaaring gamitin sa iba’t ibang bagay tulad ng edukasyon at kalusugan. Pangalawa, maaaring magdulot ito ng pagtaas ng presyo ng mga bagay dahil sa kakulangan ng supply. Kaawa-awa naman ang mga Pilipinong magsasaka sa pagdagsa ng maraming angkat na bigas sa mga pamilihan, dahil nangangahulugan ito na ang kanilang pangkabuhayan ay nasa peligro. Kung ganito kasi ang mangyayari, magkakaroon ng pinansyal na suliranin ang maraming magsasaka dahil na rin sa kanilang kahirapan sa buhay. Isang masamang epekto nito ay maaaring umalis ang magsasaka sa kanilang pook at magpunta sa ibang lugar para maghanap ng pagkakakitaan, na isang paktor kung bakit malaki ang bilang ng migrasyon mula sa rural patungo sa sentro ng mga lungsod. Ang ganitong migrasyon ay lalo pang nagpapalala sa kahirapan sa kanayunan at maaaring magresulta sa pagbagsak ng produktibidad sa agrikultura. Maging sa kalikasan ay may epekto ito dahil kung magpapatuloy ito, dadami ang magsasakang maiipit dahil mas tinatangkilik ang imported rice kaysa lokal at

napipilitan sila na tumigil na lang sa pagsasaka at maghanap ng ibang trabaho. Kung mangyayari ito, maiiwan ang mga palayan, at masisira ang ekolohiya ng mundo. Katulad nga ng naunang nabanggit, likas na sa mga Pilipino na maghanda ng kanin sa hapag-kainan sa normal na araw, pero hindi rin ito nawawala sa pasko, kasal, binyag, kaarawan, at iba pang masayang pagdiriwang. Parte na ito ng ating kultura, ang maghanda ng kanin sa hapag. Kaya masasabing mahalaga talaga sa mga Pilipino ang bigas. Kung iisipin, hindi ba’t mas masarap kumain ng bigas na alam mong pinaghirapan ng mga kababayan mo, hindi ka lamang nabusog, kundi nakatulong ka pa. Hindi rin dapat kalimutan na walang kasiguraduhan kung ligtas bang kainin ang mga bigas na galing sa ibang bansa dahil maaaring hindi ito dekalidad at pasok sa safety standard kagaya ng mga bigas na lokal. Mayroon itong mga panganib ng kontaminasyon ng mga pesticide o microbial pathogens, na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng kakain nito. Bukod dito, ang kakulangan o pagtaas ng presyo ng bigas na isang pangunahing pagkain para sa marami, ay maaaring magdulot ng sosyal na pagkawalay, protesta, at hindi pagkakasundo sa pulitika. Maaaring magkaroon ng protesta ang mga magsasakang Pilipino laban sa pamahalaan na patuloy pinapalakas ang importation ng bigas kaysa palakasin ang mga lokal na produkto. Dahil dito, nahahati ang opinyon ng mga tao, kung pipiliin ba nila ang mas mura o iyong mas makakatulong sa kababayan nila. Samakatuwid, bagaman hindi pa masyadong nakikita ng lahat ng mga epekto ng pag-aangkat ng bigas, darating ang araw na sila ay magugulat na lamang na nasa masamang kalagayan na ang bansa. Bilang sagot sa suliraning ito, dapat ang pamahalaan ay gumawa ng batas o hakbang na tutulong sa bigas na maging popular o mabenta sa mga Pilipino.

RESPONSABLENG PAGGAMIT NG MIDYA
EDITORYAL 5

ELIPSIS O TULDOK, ANO ANG KASUNOD NG PAGIGING MAMAMAHAYAG?

Saan ba nagwawakas ang isang istorya ng isang mamamahayag? Tapos na ba ang pagiging campus journalist mo pagkatpos mo manalo? Hindi, hindi natatapos ang dyornalismo sa kompetisyon dahil ang kompetisyon ay isang bagay lamang upang mas malinang ang mga mamamahayag.

Ito ang nakakadismayang katotohanan sa likod ng campus journalism. Bawat campus journalist ay nagtitipon taon-taon sa isang kompetisyon: Schools Press Conference. Para sa akin, hindi yung nanalo sa kompetisyon ang tunay na panalo, kung hindi yung nagpatuloy dahil sila ang mga tunay na campus journalist.

Bawat hakbang sa buhay ay pinag-iisipan ng mabuti at dapat hindi ito minamadali. Ang pagiging campus journalist ay isang malaking desisyon para sa kabataan, dahil ang campus journalist ay dapat may katapatan sa katotohanan, paninindigan sa tama, at kakayahang magbigay boses sa iba.

Maraming kabataan ang nahihiyakayat sumali sa journalism dahil nais nila makatanggap ng parangal. Ngunit, matatawag ba talaga nating campus journalist ang mga batang ang tanging intension ay medalya at parangal kaya sila sumali, kabaliktaran ng tunay na hangarin ng journalism na hubugin

TANGGULAN

ang mamamahayag ng hinaharap. Sa totoo lang, sa panahon ngayon ay hindi na napapanatili ang tunay na diwa ng campus journalism dahil halos lahat ng bata ay present sa competition, pero absent sa pamamahayag. Ang trabaho ng campus journalism ay bigyan ng boses ang mga estudyante, guro, at indibidwal sa paaralan at komunidad para mabigyan sila ng pansin ng kinauukulan. Ganito kamakapangyarihan ang journalism Hindi na bago sa lahat ang mga pangyayaring anumalya sa paaralan, may mga gurong walang kakayahang magturo ng dekalidad na edukasyon, mga estudyanteng naninira ng kagamitan sa paaralan, bullying, at iba pang isyu. Ang trabaho ng mga campus journalist ay maging boses para sa iba na nais magsumbong, na nais magpahayag ng totoo nang sa gayon ay walang mangyari na masama. Adbokasiya ng journalism na linangin ang mga kabataan na maging isang tunay na mamahayag, hindi yung ‘mamamahayag’ lamang

tuwing sasapit ang kompetisyon. Mayroong malaki na pagkakaiba ang campus journalist at competition journalist: Ang campus journalist ay palaging aktibo sa lahat ng gawain ng publikasyon, bawat kaganapan ay nandoon siya upang kumalap ng impormasyon para maipahayag niya pagkatapos, magbigay ng ‘on time’ balita ng mga isports at patimpalak. Sa kabilang banda, ang competiton campus journalist naman ay ang mga taong sumasali para sa medalya, wala sa mga kaganapan, at wala sa puso ang pamamahayag. Higit sa lahat, itinataguyod ng campus journalism ang freedom of speech, na siyang pinaka esensyal sa mga mamamayan, at ang kalayaan sa pamamahayag, kalayaan sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin mula sa nakakataas. Bilang isang campus journalist ng DWCC, masaya ako na nagagamit ko ang aking posisyon bilang mamamahayag upang mabigyan ang mga kamag-aral ko ng boses upang

malaman at mapansin ng nasa taas ang iba’t ibang suliranin sa loob at labas ng silid-aralan. Hindi ba’t nakakagalak na makatulong sa iba, at hindi ba nakakawala ng pagod na makitang nakakamit ng iba ang kanilang adhikain. Kaya lubos akong nalulungkot dahil ang ilan sa aking mga kasabayan sa pagpasok sa pagiging mamahayag ay iniwan na ang tungkulin nila. Sumuko na sila dahil na rin sa kuntento na raw sila sa kanilang narating. Akala ba nila parang load ang pagiging campus journalist? Pangtatlong araw lang tapos mage-expire na? Akala ba nila isang laro lang ito na kung kailan nila gusto umayaw at tumalikod ay pwede nilang gawin? Sa huli, wala sa sistema ang problema kung bakit madami ang campus journalist sa tuwing competition, dahil ang tunay na ugat ng problema ay ang tao mismo. Sa madaling salita, tao ang kailangan ng pagbabago; tao ang dapat magbago.

HALIMBAWA

Isang halimbawa ng hindi kaayaaya na gawain ng isang guro ay ang ginawa ng anim na guro sa Bacoor National High School noong 2022, kung saan ay pinagpapantasyahan umano ng guro ang kaniyang mga estudyante at gumamit ng inilarawan ang mag-aaral bilang fresh, at ang kaganapang ganito ay lubhang nakaka-alarma dahil sa maraming bagay.

Ang mga guro ang tumatayong magulang ng mga mag-aaral kapag sila ay nasa loob ng paaralan. Tungkulin ng guro na panatilihin ang kaligtasan at kaayusan ng mga estudyante at tulungan sila na maabot ang kanilang mga pangarap. Subalit, ang mga nangyayari sa kasalukuyan – mga balita tungkol sa mga guro na gumagawa ng hindi maganda o malaswang bagay sa mga mag-aaral, pasalita man o pagawa, ay tanda na hindi naisasabuhay ng lahat ng guro ang kanilang tungkulin na protektahan ang estudyante, bagkus ay sila ang nagiging kapahamakan. Ito ang nakakatakot na katotohanan sa likod ng ilang guro. ang pag-iimplimenta ng programang pumuprotekta sa kabataang kagaya ko upang maisabuhay pa rin ng paaralan ang kanilang pangako na ang instutusyon ay isang ligtas at maaasahan mong paaralan. Sa gitna ng mga isyu, kung mapapakita ng paaralan na mayroon silang programang ganito, mas tataas ang tiwala ng mga tao na papasukin ang kanilang mga anak dito. Dahil kumpara sa iba, ang paaralan ay inaasahang magbigay ng hindi lamang dekalidad ng edukasyon, kung hindi pati moral na edukasyon. Tama lamang din ito dahil isa tayong katolikong institusyon na may magandang imahe sa mga tao; kinikilala tayong ‘magandang institusyon’. Higit sa lahat, hindi lahat ng akala mong mabait ay mabait, kaya dapat maging maingat at masuri ang mga mag-aaral.

Marahil sabihin ng ilan na hindi perpekto ang lahat ng tao at lahat ng tao ay nagkakamali, subalit, kung ikokonsidera na sila ay lisensyadong mga guro, nakapag-aral o edukado, tapos gagawa siya ng kasamaan at kalaswaan, dapat niya itong pagbayaran at pagsisihan, hindi kagaya ng iba na gumagamit ng koneksyon upang mapababa ang parusa sa kanila: inililipat ng destino, nasususpinde, at iba pang mababang parusa na hindi naayon sa kanilang ginawa.

Dagdag pa rito, ang pagsasawalang bahala sa mga kaganapang ito ay nagdadala ng masasamang epekto: hindi na maituturing na ligtas ang paaralan para sa mga mag-aaral; hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima; hindi napipigilan ang mga posibilidad na maulit ito sa hinaharap; unethical at

unprofessional; mawawala ang tiwala ng tao sa paaralan at sa guro; ilegal; at tinutuldukan ang posibilidad na masolusyunan ang isyu. Paano magiging ligtas ang isang lugar kung mayroon ditong criminal na pagala-gala at malayang nakakasalamuha ng mga tao. Oo, hindi sila mamamatay tao, pero mas nakakatakot mabuhay ng iniisip o naaalala mo ang mga ginawa sayo ng isang tao. Kaya naninindigan ako na hindi dapat hayaang malaya ang mga makasalanang ito.

Sa paaralan ng DWCC, mayroong isang ganitong pangyayari kung saan ang isang student teacher ay nagpadala ng mensahe sa isang mag-aaral, at inaaya ito na gumawa ng isang masamang bagay.

Bagamat may batas nang nagpoprotekta sa mga indibidwal kagaya ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, hindi pa rin isang-daang porsyentong napapakulong ang lahat ng offender. Dahil dito, hindi nagiging ligtas ang isang lugar, lalo na ang paaralan kung saan libo-libo o daan-daan ang mag-aaral.

Isa pa, kung hindi mapapakulong ang maysala, ano na lamang ang mararamdaman ng biktima? May ilang

sitwasyon pa nga na imbis ang maysala ang umalis, napipilitan pang ang biktima ang lumisan sa paaralan dahil sa masasamang memorya na kaniyang naaalala. Ito ba ang nais ng pamahalaan? Ito ba ang layunin ng paaralan? Ang maging delikadong lugar para sa kabataan na ang tanging hangad lamang ay makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap, ito ba ang dapat asahan ng mga mag-aaral sa mga paaralan?

Hindi talaga dapat ito maging isyu, ang pagiging malaya ng mga maysala dahil una sa lahat, ilegal ang kanilang ginawa. May ilang batas pa ang nagpoprotekta sa mga kabataan katulad ng RA 7610 na nagsasabing protektado ang mga bata sa lahat ng uri ng pang-aabuso, pagpapabaya, kalupitan, diskriminasyon at lahat ng kondisyon na hadlang sa kailang pag-unlad.

Dagdag pa rito, kung patuloy pa ring magiging malaya ang mga offender na guro, nangangahulugan lamang ito na malaya silang gawin ulit ito sa susunod nilang mga estudyante. Kahit na lumipat sila ng paaralan, hindi pa rin maaalis ang posibilidad na ito ay gawin nilang muli.

Kung kaya’t nararapat lamang talaga na sila ay mapakulong sa mahabang panahon. Isang solusyon para dito ay ang pagpapataw ng mahigpit na parusa kagaya ng pagkakakulong at pagkakatanggal ng lisensya sa pagtuturo imbis na suspindehin at ilipat lamang sila nang walang natatanggap na malaking parusa. Kung walang kikilos, paano matutuldukan ang mga kaganapang ito. Kung hindi ngayon, kalian? Kung hindi tayo, sino? Kung walang magsisimula, paano magkakaroon ng magandang hinaharap ang mga kabataan na nakakaranas nito. Nakakalungkot naman ito dahil bilang isang estudyante, nais kong pumasok sa isang paaralan na ligtas. Sa aking paaralan na Divine Word College of Calapan, wala pang mga ganitong programa na naka-pokus sa pagpoprotekta sa kabataan laban sa mga hindi propesyunal na guro. Bagaman wala pang gurong ganito sa paaralan, mas maigi kung sa umpisa pa lang ay magkaroon na ng mga programa, ika nga sa kasabihan, “Prevention is better than cure”. Kaya’t, lubos kong iminumungkahi

Sa huli, nais kong iwan ang isang mensahe para sa mga biktima ng ganitong sitwasyon na huwag sila mahiyang magsumbong sa kinauukulan. Kahit hindi madali, wala naming ibang makakatulong sa kanila kung hindi ang sarili nila kaya dapat silang maging matapang at harapin ang ganitong sitwasyon.

Nakakadismaya ang pagsang-ayon ng Kongreso sa mga ipinasang resolusyong magwawasto sa umano’y kakulangan sa ilang mga bahagi ng Saligang Batas. Sa pinal na pag-aapruba sa kontrobersyal na Charter Change, o mas kilala bilang Cha-Cha, lalong lumalalalim ang usap-usapan tungkol sa mga epekto ng pagbabagong ito sa bawat sulok ng bansa. Ang pagbabagong ito sa kasalukuyang konstitusyon ay paniguradong eepekto rin sa takbo ng kultura at ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga pangyayari sa loob ng mga silid ng Kongreso ay pahiwatig na kahit ilang beses nilang ulit-ulitin na ang pamahalaan ay ipinundar sa demokrasya, ang gobyerno ay patuloy na magiging laro ng pulitika at kapangyarihan para sa mga matataas na miyembro nito.

Inapurbahan na ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na naglalayong alisin ang 40% na limitasyon sa pag-aangkin ng mga dayuhan sa mga pampublikong pagmamay-ari ng Pilipinas. Kasama na rito ang mga paaralan, mga kompanya ng tubig at kuryente, mga ahensya ng advertisement, at iba pa. Ito ay bilang pag-aayos sa nakasulat na batas sa Saligang Batas para maalis o mapaluwag ang mga paghihigpit sa impluwensiya ng mga dayuhang bansa sa ekonomiya ng Pilipinas. Nagtutugma ito sa misyon ng kasalukuyang pangulo na lumikha ng mas maraming trabaho sa bansa sa pamamagitan ng pamumuhunan ng ibang bansa. Ang koneksyong ito ay pinagtitibay ng mga pahayag ng speaker ng Kamara na si Martin Romualdez. Aniya, ang resolusyon ay hindi lamang bilang tugon sa pangangailangan ng ekonomiya, ngunit isa ring paghihikayat na sumasalamin sa mga mithiin ng sambayanang Pilipino para sa mas maunlad na kinabukasan. Dagdag pa niya, “Malinaw ang panawagan ng ating mamamayan. Kailangan nila ng mas

maraming trabaho. Posible lamang ito kung maraming negosyong papasok sa ating bansa.”

Sa gitna ng kanilang mga papuri sa isinusulong nilang RBH 7, nabulag sila sa katotohanan at hindi nila nakikita na ang tunay na lunas sa problema ng kahirapan ay hindi Cha-Cha, ngunit ang pagpapataas ng suweldo ng mga manggagawa. Sa sinabi ni Francis Castro, na siyang House Deputy Minority Leader at mambabatas ng ACT partylist, “The solution is to increase the minimum wage to a livable wage.” Ito rin ang pinakakilalang dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang mga manggagawa bilang mga OFW. Kung itataas ng pamahalaan ang suweldo sa mga trabaho sa bansa, wala nang dahilan para umalis ang mga Pilipinong manggagawa at magiging dahilan pa ito upang maakit ang mga dayuhang naghahanap ng mataas na kita sa mga trabaho sa ibang bansa. Maapektuhan rin ng paglulunsad ng reporma sa Konstitusyon ang sektor ng edukasyon ng bansa dahil isa sa mga public utilities o pampublikong pag-aari ng Pilipinas

ang mga paaralang nakatayo dito. Kung maiisakatuparan ang resolusyon, mawawala ang 60% limit ng pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga pampublikong paaralan, dahilan upang magkaroon ng mga institusyong pagaari na ng ibang bansa. Ang pagtaas ng bilang ng mga paaralang pag-aari ng mga dayuhan ay nagbabanta sa soberanya ng Pilipinas dahil para na nating ipinaparaya sa mga dayuhan ang edukasyon ng ating kabataan, dahilan upang mawala ang respeto at ala-alang dala ng kasaysayan sa kanila. Sa ganitong dahilan nabuo ang Teachers, Education Workers, and Academics Against Charter Change o TEACH, isang grupo ng mga manggagawa sa sektor ng edukasyon na tumutuligsa sa Cha-Cha. Ayon sa kanila, ang Cha-Cha ay nagbibigay-daan sa muling pagkasulat ng kasaysayan upang paboran ang nakaraang administrasyon ni Marcos, na siyang puno ng paghihirap at karahasan sa mga Pilipino sa ilalim ng kaniyang kahigpitan. Sa lalong paglaganap ng historical revisionism sa panahon ngayon, higit na nakakaapekto ito sa

DIGMAAN NG TINTA
Donald B. Corona │ Punong Patnugot
Audie Krizelle Carit │ Kawaksing Patnugot
INDAK SA SAYAW NG CHA-CHA
Ambahan Ang OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA
6
OPINYON

MANGYAN

a apat na sulok ng isang silid sa dalubhasaan ng Divine Word of Calapan, nakahimlay ang mayamang kultura ng mga katutubong Mangyan - isang kayamanang pilit na pinag-iingatan, pinagyayabong at pini-priserba sa lalawigan sapagkat kakambal nila ang simula at malalim na kasaysayan ng probinsya. Kaya’t ating tuklasin ang natatanging Museo ng Dibayn nang masaksihan natin na higit sa mga ginto, pilak at iba pang mineral, may mga kayamanang abot na ng ating kamay.

Isa sa pinaka-unang tribo sa buong bansa ang mga mangyan, kasama ng mga igorot at mga lumad. Ang mga mangyan ay naninirahan na sa Mindoro at sila ang kauna-unahang bumuo ng mga tahanan at kasaysayan sa lalawigan. Pero ano nga ba ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan kung wala ka namang magagawa tungkol dito. Ang mga mangyan ang pinakamayaman sa buong lalawigan ng Mindoro, kung ang kultura ang pag-uusapan. Maraming mga bakas ang kanilang iniwan na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring nagpaparamdam sa atin. Ang mga mangyan ay nahahati sa walong grupo ng katutubo, ang mga Iraya,

Sa DWCC ay mayroong isang silid na nakalaan para ipakita sa mga estudyante ang kasaysayan, kasaysayang bumuo sa Mindoro. Dito sa DWCC Mangyan Museum and Archives, na binuo ng DWCC Library, nakalagay ang mga bakas ng nakalimutang kahapon. Sa institusyon na ito rin ay mayroong Mangyan Student Organization, samahan ng mga mangyan na naglalayong mapakita sa lahat ang mayaman na kulturang ipinamana sa kanila na ilang henerasyon na ang napasahan.

DAMIT NG KULTURA Ang mga kamay ng mga yumaong mangyan ang nagsimula ng malikhaing pagbuburda sa makulay na mga kasuotan. Ang mga pattern na ginamit dito ay lubhang kaakit-akit at nagpapatunay na bago pa man dumating ang mga mananakop, mayroon nang kaalaman sa sining ang mga katutubong mangyan. Ang mga kamay ng mangyan na nakabaon sa lupa ng Mindoro ang mga kamay na unang bumurda ng kasaysayan na naging ehemplo sa larangan ng sining. Ang mga kasuotang ito ay kadalasan pa ring sinusuot ng mga mangyan, lalo na sa mga araw na napakahalaga para sa kanila. Ang ilang mangyan na nagtatapos ay sinisikap na magsuot ng katutubong kasuotan para maipakita ang taglay nitong kagandahan, taas noong nilalakad ang entablado para abutin ang mga diploma. Para sa mga hindi pa nakakakita ng ganitong likha, ang DWCC Mangyan Museum and Archives ay mayroong pinangangalagaan na kasuotan, nakalagay sa mannequin upang mas bigyang pansin, kaysa nakatupi at nakatago.

nagmula sa Hanunuo Mangyan sa Mindoro na Ambahan.

ANG UGAT AT PASIMULA Nasubok na ng panahon ang mga ganitong kwento na sa tulong ng mga sinaunang bagay ay nabuo ang isang bago. Sa pagbabalik tanaw ating buksan ang isipan upang makakalap ng panibagong ideya na tumutukoy sa kagalingan ng tribong Hanunuo Mangyan. Sa pagsisimula ng kanilang kwento ayon din sa isang eksperto na si Antonio Postma na isang dayuhan na naninirahan, namuhay at nakapag pamilya sa loob ng tribo. Sa kanyang pag kuwkwento ng kanyang karanasan sa loob ng tribo ay marami siyang natuklasan. Isa na rito ang pagtuklas niya sa lenggwaheng ambahan. Hindi lang ito basta lenggwahe o kultura na kanilang iningatan. Ito ay binubuo ng madamdaming karanasan na tila ba pumupukaw sa kwento ng bawat isa kung inyong pagmamasdan. Dahil sa kanilang tyaga

PINAGTAGPI-TAGPING NAKARAAN

lagayang may taglay na istorya. Sumisimbolo rin ito sa kagalingan ng mga mangyan na gamitin ang mga nasa kanilang paligid upang gawing isang bagay na may pakinabang, gamit ang nito, hinahabi ito ng mga mangyan upang gawing isang lagayan. Dagdag dito, kilala ang mga mangyan bilang mahilig maglakad pauwi sa kabundukan. Dahil nga sa kanilang kasipagan, kilo-kilometro ang kanilang nilalakbay papunta sa kanilang pamilya, sa itaas ng bundok. Sa bayan ng Baco, ang kultura na ito ay patuloy pa ring namumuhay, umaakyat ng lakad ang mga mangyan patungo sa mataas na parte ng Mt. Halcon, at isipin na lamang ang hirap kung wala silang lalagyan ng kanilang gamit. Kaya bukod sa kagandahan nito, may praktikal din itong saysay, at ito ang isang dahilan kung bakit magandang napapangalagaan ang kasaysayan.

PERPEKTONG HULMA Ang paghuhulma ng mga tapayan ay lubhang mahirap para sa mga normal na tao, partikular na sa mga taga-siyudad. Sa kasalukuyang henerasyon, kakaunting tahanan na lamang ang may mga tapayan dahil ang mga lagayan na ng pagkain ay ang modernong teknolohiya, ang refrigerator. Kaya’t mas dapat pang maging kilala ito ng mga bata. Subalit, sa mayamang nakaraan, ang mga perpektong hulma ng mga tapayan ay nagsisimbolo ng kanilang pagtitiis. Dala-dala ng mga tapayan ang mga pagtitiis ng mga katutubong mangyan, na nais ipakita sa mga tao na ang mga bagay ay hindi talaga aayon sa iyong kagustuhan sa umpisa, pero kung ikaw ay magta-tiyaga, makukuha mo ang magandang resulta, ang perpektong hulma.

TIIM NG PILAS NG KASAYSAYAN

TULANG

at nabibigyan ng magandang atensyon o pagkilala mula sa iba’t ibang bansa. Mula sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe noong 2018, pati na rin ang mga tagumpay ni Manny Pacquiao sa larangan ng boxing, nakakapag dulot sa atin ito ng ligaya at napapa-proud to be Pinoy na rin. Ngunit sa kabila nito, bakit ng aba kumukulo ang ating dugo kapag nakakapanood tayo ng mga foreigners na may negatibong reaksyon sa sariling atin? bagong taon. Hindi sila madaling matatagpuan sa kapatagan kaya naman kaunti lang din

Batid nating hindi mapipigilan ang pag-inog ng mundo kasabay ang kaliwa’t kanang pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ngunit kailangan bang kasama nitong maglaho ang wikang pinagmulan

na kahit anong gawing pagtataguyod ay nililimot ng panahon? Panahon nga ba ang nakakalimot o tayo na dapat nagmamahal?

naman lingid sa kaalaman ng marami na ang abot na edukasyon sa ganitong mga lugar ay halos kakaunti lamang. Hindi lahat ng paksa na naaral sa paaralan ay naituturo sa mga lugar na pinaninirahan nila kaya naman halos ang alam lamang nilang lenggwahe at sarilingv literatura ang umiikot sa kanilang tribo. ANINO NA LAMANG NG NAKARAAN Kahit anong pilit na ipakilala sa mundo kung hindi naman ito ang tipo ng tao o mas kilala bilang ‘trending’ sa panahon ngayon ay mahirap ang makapukaw ng atensyon sapagkat ang galaw ng mga tao ngayon ay kung ano ang uso iyon ang kanilang susundan. Mahirap ipakilala ang kultura ng Hanunoo sa lipunan gaya na lamang ng literaturang ambahan. Hindi ito kagaya ng ibang kilalang tula gaya ng Haiku at sonnet na dahil sa maraming tao ang nakapag bahagi ng sarili nilang opinyon ukol sa ganoong tula ay nakahakot ito ng atensyon

Kahit anong pilit na ipakilala sa mundo kung hindi naman ito ang tipo ng tao o mas kilala bilang ‘trending’ sa panahon ngayon ay mahirap ang makapukaw ng atensyon

sa Bagamat mayroon mang mga tao na kagaya ni Antonio Postma na sinubok kilalanin ang Tribong Hanunuo ay naging daan din ito upang kilalanin ang mga tulang ambahan. Subalit ang kaniyang pag aaral na ito ay mas naging pokus ang pagaaral nito at hindi ang pagpapayabong sa tulang ambahan. Tunay ngang orihinal ang tulang kagaya nito. Malinis ang pagkakagawa dahil sa sinusundan nitong pitong pantig ay naipapamalas ng mga katutubong Mangyan ang kanilang natuturing na galing. Subalit kahit ito ay kinilala ng kanilang tribo ay bigo naman itong makilala ng mga kapwa Pilipino. Hindi ganon ka kilala ang lenggwahe ng mga Hanunuo Mangyan sa lalawigan ng Mindoro kaya naman hindi rin ito naging patok sa masa. Ang
Tribong
kadalasang naninirahan sa kabundukan at nabubuhay gamit ang kanilang mga pananim at mula sa natural na bigay ng kalikasan. Malimit silang makitang nasa patag sapagkat mas komportable sila sa buhay sa bundok. Madalas ay bumababa sila sa bayan tuwing malapit na sumapit ang pasko o kaya naman Ito ay dahil sa pagnanais natin na mapanatili ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Tulad na lamang sa viral na video ni Benny Blanco, isang kilalang American producer, na kung saan nagpakita siya ng reaksyon na hindi niya nagustuhan ang spaghetti ng Jollibee na isang kilalang fast food chain dito sa Pilipinas. Sa naturang video, isinuka niya ang pagkain mula sa kanyang bibig na hindi nagustuhan ng mga netizens sa TikTok. mula sa mga dayuhan na hindi pasok ang pinagmamalaking Jollibee ng mga Pilipino. Nitong March 5, 2024, sinakop ng mga Pilipino ang comment section ng Amerikanong rekord prodyuser dahil sa ginawa nitong rebyu sa Jollibee at pagtrato nito sa pagkain na siyang kinainisan ng mga Pilipino. Higit pa rito, tinawag rin ni Blanco na nakakadiri ang mga pagkain at dinura ang spaghetti na siyang lalong nagpainit ng ulo sa mga Pilipino dahil sinayang niya ito. Siyang patunay na ang paglawak ng sakop ay may kaakibat na suliranin, at hindi lamang biyaya. HIGIT SA PANLASA, TATAK NG KULTURA Isa ang Pilipinas sa mga bansang parating nangunguna sa mga mataas na pagkonsumo ng social media. Hindi lamang mga tanyag na boksingero at beauty pageant queens ang kayang iambag ng bansa, ganon din ang mga Pilipino na labis walong oras ang kayang itagal sa pagbabad sa social media. Kaya naman sa dami ng mga Pilipino na nagkalat sa iba’t ibang social media platform madalas na binibida ng mga content creator ang Pilipinas at sa isang video na ito, ang mga Pilipino ay handang handa na punuin ang comment section ng ‘’Pinoy Pride’’. Sa pagkakataon naman na hindi tutugma sa panlasa ng mga Pilipino ang kanilang makikita at maririnig, asahan mo ang paghahanda ng mga Pilipino upang bumawi at ipagtanggol ang pagkakakilanlan ng mga pinoy sa mundo. Ang pagkain na inihahanda ng Jollibee ay repleksyon ng kultura at katotohanan sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino, mula noon hanggang ngayon. Isang eksaktong halimbawa na ito ay ang spaghetti. Ang spaghetti ng mga Pilipino ay hindi maitatanggi na iba sa nakasanayan ng mga banyaga na lasa. Ito ay sumasalamin sa kahirapan na mayroon sa bansa at pagnanais na makakain ng mga Pilipino ng spaghetti na dala ng mga Amerikano sa mura at mas madaling paraan. Bilang resulta ng World War II, nakaranas ng kakulangan sa suplay ng sariwa na kamatis ang Pilipinas na siyang pangunahing sangkap sa nakasanayan na spaghetti at dahil sa kulang na suplay mas mahal ang presyo nito. Ang problema na ito ay nilutasan ni Maria Orosa sa kaniyang imbensyon ng ketsap na gawa sa saging at dahil dito ay pinanganak ang matamis na spaghetti na siyang kinalakihan ng mga Pilipino. Samantala ang hotdog sa spaghetti na siyang kinuestiyon ni Blanco ay dahil higit na mas mura ang mga prosesong pagkain, kesa sa aktwal na karne. Ang bersyon ng spaghetti ng mga Pilipino ay isang paalala sa madilim na kahapon ng Pilipinas at sa ano man na na uri ng problema ay hindi magpapasiil. Spaghetti man mula sa Jollibee o hindi, iisa ang lasa na pinagmulan at rason sa naiibang lasa nito mula sa kanluran. Sa mga paaralan katulad ng Divine Word College of Calapan, hindi mawawala ang spaghetti sa mga pagkain na maaring bilihin sa canteen at isa ito sa mga manantiling ihahain dahil ito na ang swak sa panlasa ng mga Pilipino. Dahil sa naging reaksyon at pagtrato ni Blanco sa Jollibee na siya na ring parte ng pagkakakilanlan at kultura ng mga Pilipino rumesbak naman ang iba upang hindi ipagtanggol ang ginawa ni Blanco. Ngunit para punahin ang pagiging overacting ng mga Pilipino. Ang argumento na ito ay ibinalik rin ng mga Pilipino at tinawag ang naging aksyon ni Blanco na tipikal na ‘’Pinoybaiting’’ at sadiya na ginawa upang kunin lamang ang atensyon ng mga pinoy. Dahil pagkatapos niya i-upload sa TikTok ang kaniyang pagkadismaya sa Jollibee at mga pagkain nito ay nag-post ulit siya ng video kung saan nagustuhan nito ang chicken sandwich ng Jollibee at malayong-malayo sa naging reaksyon at nasabi niya sa una niyang tikim. Para naman sa ibang Pilipino na hindi naging apekado, inilabas naman sa kanilang mga kapwa Pilipino na hindi na dapat pa pagtuunan ng pansin si Benny Blanco sapagkat ang Jollibee ay ginawa para sa mga Pilipino at hindi na dapat pa habulin ang balidasyon ng mga tao, hindi lamang ni Blanco kundi pati lahat ng mga hindi Pilipino na sumusubok dito at tapusin na ang colonial mentality at pagnanais parati sa validasyon ng mga banyaga. Simula pa lamang sa spaghetti na matamis ng Jollibee, isa na itong sapat na patunay na ito ay ginawa para sa panlasa ng mga Pilipino. Bagamat ang pagkilala ng mga banyaga sa kinalakihan na fast food chain at pagkain ng mga Pilipino ay labis na nakakataba ng puso. Ngunit, hindi rin ito mababago na hindi para sa lahat ang nakadisenyo para sa panlasa ng mga Pilipino. Ang pagkakaiba ay hindi rin naman dapat maging daan upang masaktan ang damdamin ng mga taong tumatangkilik dito, higit lahat kung ito ay naging parte na ng nakasanayan at pagkakakilanlan ng mga apektado. Ang isang food review ay maaring gawin at ang opinyon ng bawat isa ay hindi maiiwasan maging pabor man ito o hindi. Ngunit, maaari itong gawin sa maayos at marespetong pamamaraan.
at pagiingat sa kanilang kultura naibahagi nila ito sa kanilang mga sumunod na henerasyon. Ang tula ring ito ay kilalang isinusulat
mga
Hanunuo ay
SAGISAG NG MINDORO
YAMANG
Itinago
LATHALAIN AMBAHAN ikas na sa mga Pilipino ang maging proud kapag nananalo ang mga pambato natin
ang alam ng iba ukol sa tribong ito. Hindi maipamalas ng marami ang yaman ng kultura ng Hinunuo dahil sa kaunting kaalaman na naibabahagi ng tribong ito sa iba. Hindi rin
ng masa. Kung susumahin ay mahirap ipakilala ang lenggwahe ng ambahan sa madla lalo na sa mga kabataan. Bukod sa mababa nitong pagkakakilanlan sa lipunan ay konti rin naman
o nalimutan?
Bukod
ding
‘woven basket’
mangyan, partikular na ang
sa Puerto Galera. Hindi lamang
normal na basket, bagaman
lagayan ng
ng
normal na basket,
ay
sa Ipinagmamalaking katutubong kasuotan, mayroon
ipinagmamalaking mga
ang mga
mga Iraya
ito isang
nagsisilbi itong
mga kagamitan kagaya
isang
ito rin
isang
L
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPANCALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG ang naibahaging kaalaman ng mga mangyan sa Mindoro ukol rito. Ngunit bakit nga ba mahirap ipakilala ang mga ganitong bagay sa madla? Bakit nga ba mahirap ipakita sa ibang tao na kaya natin ipagmalaki ang sariling atin? Masasabi na ba talaga natin na ipinagmamalaki natin ang ating pinagmulan kung hindi naman natin nasosoportahan ang likha at gawa ng ating mga katutubong mangyan? Hindi naman sa nakalimutan na ang lenggwahe ng amabahan ngunit tila ito ay naitago at mariing iniingatan ng mga katutubong mangyan. Ito ay maituturing na yaman ng kanilang tribo. Dahil ang ambahan ay naglalaman ng mga kwento at buhay ng mga Mangyan, halos ilan lang din sa kanila ang nakakaintindi at nakakalam dahil ang ambahan ay iniukit lamang sa kawayan at kung ito man ay kanilang ibabahagi mas pipiliin nila itong ipagbenta upang dagdag sa kanilang kita. Subalit dahil sa kakaunti nitong kasikatan sa masa ay mahirap itong itampok at ipakilala. Ilan sa mga gawa ng Mangyan na amabahan ay maaring matatagpuan sa mga museo sa Mindoro o mas kilala na ‘heritage’. Sa kabilang dako naman ay may mga makikilala parin na tao o kahit dayuhan na nagiging mausisa sa mga gawa ng katutubo kaya naman nabibigyan ng pansin ang literatura ng mangyan ngunit hindi nabibigyan ng sapat na atensyon gaya na lamang ng Ambahan. Ito ay naririyan ngunit hindi napapansin ng mamayan.
ni Chequie Canales ni Almira Quitain
S
ni Hannah Caitlianne Blanca BIDA-BIDA
◙ Disenyo ni Naomi Jersey J. Rafa
PAMANA ◙ Disenyo ni Naomi Jersey J. Rafa
MANGYAN ◙ Disenyo ni Naomi Jersey J. Rafa

MGA PRESYONG TILA GINTO

ni Mary Anne De Roxas

Ginto ang isa sa mga high-end value na mamimina ng isang minero. Ngunit sa kabila ng halaga nito, napakahirap na hapin ng ginto. Subalit hindi lamang sa pagmimina makakahanap ng ganito, may iba na pumupunta sa ilog at may iba naman na gumagamit pa ng makinarya. Ang pagiging mahirap nitong hanapin ang isa sa mga dahilan kung bakit napakahalaga nito. At tulad ng isang ginto na mahirap hanapin, ganito rin ang dahilan kung bakit hindi ka magkakaroon ng pera basta-basta.

Pera ang nagsisilbing gasolina ng tao. Ito ang magiging dahilan upang tayo ay makabili ng pangangailangan. Ilan na rito ang mga pagkain, inumin, gamit pansarili, at gamit sa paaralan. At para sa mga estudyante, mga magulang ang ‘gasoline station’ ng kanilang mga bulsa. Sapagkat sila ang nagbibigay ng pera na pwedeng gamitin sa pang-arawaraw, ‘allowance’ ang tawag ng iba sa perang ito. Kagaya rin ng isang ginto na mahirap hanapin. Pinagpapaguran din ng mga magulang ang mga perang ibinibigay nila sa kanilang mga anak. Pagod at puyat ang puhunan nila upang maibigay lamang ang mga pangangailangan ng kanilang anak. Ngunit paano kung hindi na sapat ang perang binibigay nila para sa mga pangangailangan ng kanilang anak? Paano na hihingi ang kanilang nga anak ng mas marami, kung alam natin na nahihirapan na sila? Paano na nila sasabihin na, “Ma, Pa, hindi po ito sapat para sa mga pagkain at school supplies ko.”

Paano nga ba magkakasya

piso ngayon. Sapagkat ang mga pagkain sa canteen ay doble na ang presyo kumapara noong bago magpandemya. Ang mga kailangan ‘school supplies’ para sa mga asignatura at proyekto, ay hindi rin biro ang mga presyo. Dagdag pa rito ang mga contribution na kaliwa’t kanan kung maglabasan. Kung ganito ang nangyayari sa mga estudyante sa paaralan, aabot pa kaya ang pera na ibibigay ni Mama at Papa hanggang mag-uwian?

Subalit hindi lamang ang mga estudyante ang apektado ng mga bilihin na tila ay may mga gintong presyo. Dahil maging ang mga magulang ay apektado. Sapagkat sa pagtaas ng presyo, hindi nakaligtas dito ang mga bayarin at matrikula. Sa pagtaas din nito, ramdam ang daing ng mga magulang ng mga batang may pangarap upang makapagtapos. Kung tutuusin ang sakit makita para sa mga magulang ang pagtatampo ng kanilang mga anak na hindi makapag-aral dahil sa kakapusan ng pera. Ngunit, sa kabilang banda napakasakit din naman makita ng mga mag-aaral ang kanilang mga magulang na halos magkandakuba na igapang at mairaos lang ang pag-aaral ng kanilang ana. Upang makapag tapos sa paaralang ninanais nito gayun din ang mabayaran ang matrikulang

buwan-buwan ay nangangatok sa pintuan ng bawat bulsa ng mga magulang.

Hindi rin naman na lingid sa kaalaman ang mahal ng pasahe ngayon para lang makarating sa paaralan. Sa halos araw-araw na pagbyahe ng mga estudyante ay dito na halos nauubos ang baon ng mga mag-aaral. Kung sa dati na ang pasahe na sampung piso kada takbo ng isang trycikel ay umaabot na ngayon ng bente pesos makarating lamang sa paaralan. Idagdag narin dito ang mahal ng renta sa mga bahay upang may matuluyan ang mga mag-aaral kung sakaling nasa ibang lungsod ang kanilang tirahan. Ito ay isa sa problema ng mga mag-aaral, ang pagkakaroon ng napaka mahal na transportasyon. Kung tutuusin ang halagang singkwenta pesos na baon ng isang bata sa paaralan ay kulang na kulang para masustentunhan lahat ng kailangan ng bawat estudyante. Pagkain, materyales ng proyekto, matrikula, at transportasyon na laging hamon sa pag-aaral ng isang estudyante. Pero kung ikaw ay matututong mag budget at mag tipid pihadong sa singkwenta pesos na baon mo ay may tira at maiipon mo pa. Ikaw, paano ka magtipid?

PAGTANGGAP SA KULTURANG NILINGAP

ni Donald B. Corona

Sa panahon ngayon, hindi na napapahalagahan ng mga kabataan ang kultura, sapagkat ito ay hindi nila nakagisnan. Ang mga Pilipino, walang pakialam dito, samantalang ang mga taga ibang bansa, natutuwa at nagagalak na maranasan ang kulturang pinoy. Ano-ano nga ba ang mga kulturang nakalimutan na?

Ang mga tradisyunal na sayaw na napalitan na ng mga usong sayaw katulad ng Havanna ng Amerikanang mang-aawit na si Camila Cabello, Gangnam Style ng Koreanong si PSY, at marami pang iba. Bukod sa tradisyunal na sayaw, nabura na rin sa isipan ng mga Pilipino, partikular na sa kabataang Mindoreño, ang paghahabi. Isa itong paraan na ginamit noon upang makabuo ng lalagyanan ng gamit, maaari itong gawing isang bag o basket. Ang paggawa rin ng mga palamuti gamit ang beads ay isa pang ipinagmamalaking kakayanan ng mga mangyan. Ang pinakamahalagang nabaon na sa limot ay ang kung paano sumulat ng surat mangyan. Sa katotohanang ito, nagpupursigi ang Divine Word College of Calapan na nagkaroon pa ng mga pagkakataon upang maipakita sa mga estudyante rito ang kagandahan ng mga kultura, kulturang kanilang kinalimutan. Isa rito ang DANSIKLABAN 2024, hindi isang normal na DANSIKLABAN na puro sayaw lang kagaya noong mga nakaraang taon, dahil ngayon, mayroon nang kwentong ipinapakita ang bawat galaw ng kamay ng mga mananayaw. Sa gitna ng tirik na araw at mainit na panahon, hindi nagpatinag ang mga mag-aaral ng Divine Word College of Calapan at itinuloy pa rin ang mga aktibidad na nagbibigay pahalaga sa kulturang Pilipino. Sentro ng 78th Founding Anniversary ng institusyon ang mga mayayamang kulturang pamana ng mga ninuno pa natin, isa itong hakbang ng DWCC para pangalagaan ang kultura at huwag hayaang makalimutan ito. Ang tinikling, karatong, sayaw sa bangko, pandanggo sa ilaw, cariñosa,

ay ang mga naging inspirasyon sa makabagong sayaw na ipinamalas ng mga mag-aaral mula School of Information Technology, School of Accountancy, School of Liberal Arts and Criminal Justice, at School of Business Management and Tourism Management, School of Education. Samantala, ang konsepto na napili ng mga magaaral mula sa Basic Education ay ang paggamit ng mga tradisyunal na kagamitan, tulad ng lambat, ilaw, at bayong. Ito ay nagsisilbing pagbibigay ng bagong buhay sa mga sayaw na

ilang siglo na ang tanda, upang umayon sa mga nais ng manonood nang hindi tuluyang binabago ang esensyal na kulay ng mga tradisyunal na sayaw. Sa parehong araw, pinamunuan ng Mangyan Students Organization ng DWCC ang Lingap Kultura, ito ay ang kanilang paraan upang maisalba ang kulturang binalewala sa mahabang panahon. Mayroong ibinebenta na mga produkto, subalit may mas maganda pa iminumungkahi ang MSO, ito ay ang paggawa ng mga produkto gawa sa bead at Bay-ong. Isa itong bagong karanasan para sa mga taga-siyudad na mag-aaral na unang beses pa lamang nakaka-engkwentro ang ganoong mga bagay. Bukod sa mgapagbebenta produkto, nangasiwa rin ang MSO ng pagtuturo kung paano ang surat mangyan. Bawat detalye, bawat pagdampi ng panulat sa papel, mayroong magandang epekto sa mga mag-aaral dahil maliban sa pagkakatuto kung paano magsulat, kanila pang napahalagahan ito at maaaring ituro sa magiging pamilya nila sa hinaharap para maipagpatuloy ang surat mangyan.

Pero hindi matatapos ang mga aktibidad tungkol sa kultura kung hindi maglalaro ng mga larong pinoy ang mga estudyante. Sack race o pagtakbo habang nasa loob ng sako ang mga paa, na nagsanhi ng pagkatumba ng mga estudyante, pero ito ang klase ng pagkakalugmok na hindi luha ang lumalabas, kung hindi ngipin ng mga estudyanteng naka-ngiti.

Pero, paano mo nga naman masasabing naglaro ka ng larong pinoy kung hindi nakapaglaro ng patintero. Ngayon, ang mga kabataan ay nakatutok na lamang sa kanilang mga telepono, umaga hanggang gabi, at wala nang pisikal na paglalaro hindi tulad dati. Noon, ang mga kabataan sa komunidad ay nagtitipon sa isang lugar upang maglaro ng patintero, at maging mga magulang ng mga magaaral ng DWCC ay may magandang mga alaala tungkol dito. Ang mga larong pinoy ay hindi lamang masayang laro o pampalipas oras, dahil sa likod ng masasayang pagtakbo nagpapatuloy ang kulturang pilipino. Sa adhikaing maipagpatuloy ang kulturang Mangyan at kulturang Pilipino ay kaisa ang institusyon ng DWCC. Saka, ang pagtatapos ng napakagandang kaganapan na ito ay nag-uudyok pa na ipagpatuloy hindi lamang sa institusyon ng DWCC, kundi maging sa buong bansa ang pagtuturo sa mga bagong henerasyon tungkol sa kulturang nagbigay buhay sa bansa noong panahon pa ng kanilang mga ninuno.

Ambahan Ang OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA
16
LATHALAIN
HINDI NAMAN MINA ◙ Disenyo ni Naomi Jersey Rafa DANSIKLABAN ◙ Mga larawan mula sa The DWCC Gazette

LSa pagpasok mo sa iba’t ibang pamilihan, maririnig mo ang kanilang mga boses. Pinagmamalaki at ibinibida ang mga sarisarili nilang paninda. Naaakit ang mga mamimili sa bansag nila sa atin. Kung sila ang mga “ate at kuya”, tayo naman ang mga “pogi at ganda”. Magugustuhan mo na lamang talaga mapabili, dahil bukod sa magagandang paninda, may libre ka pang bola. Pumasok ka ng walang gana, pero lalabas ka dala ang iyong mga pinamili at bitbit ang self confidence galing sa mga hirit ng bawat nagtitinda.

Kinakailangan nila itong gawin upang sila ay kumita ng malaking halaga. Mainit na ang kompetisyon, mahirap na ang mapagiwanan. Hindi man sila ang Diyos, ngunit marami sa kanila ang humihingi ng tawad. Ito naman ay kanilang pinagbibigyan upang mas higit pang tangkilikin ng mga mamimili ang kanilang produkto. Mahalagang mayroon sila ng “suki” upang sigurado na laging may babalik at babalik pa rin sa kanilang mga pwesto o tindahan. Nakabibinging mga boses at punongpuno ng mga tao ang una agad nating naiisip kapag naririnig natin ang salitang tindahan. Dito ang lugar ng digmaan ng bawat tindera at tindero. Masakit man sa mga tenga ang kanilang sigaw ng paanyaya, ngunit aminin na rin natin na mahirap kung mawawala sila. Kapalit ng pag-asang makabibili sila ng

PABILI NG ISANG PAG-ASA

ikas na sa mga pinoy ay pagiging matatag at pursigido. Gumigising nang maaga para sa kinabukasan ng pamilya. Kailangan agahan sa pagkayod upang may masarap na pagsasalu-saluhan. Ate o kuya ang karaniwang bansag natin sa kanila. Sila ang mga tindera na nagbebenta sa atin kapalit ng mga bagay na kinakailangan natin.

pangkain, itinataya nila ang kanilang dugo at pawis upang makakuha ng mga mamimili. Ibinababa pa rin nila ang presyo tuwing tayo ay humihingi ng tawad para ang badyet natin ay maging swak. Gaano man kahirap ang kanilang hanapbuhay, sinisigurado pa rin nila na may kalidad ang mga bagay na pinamili ng mga kumokonsumo. Nakikisalamuha sila sa iba’t ibang uri ng tao. May masungit, masayahin, at minsan naman ay may mga tumatawad nang sobra-sobra. Lahat na siguro ng mga personalidad ay nakita na nila. Bagaman ganito, nagagawa pa rin nilang magbigay ng masiglang enerhiya sa bawat mamimili. Hindi lamang pagbibigay ng kalidad na produkto ang trabaho ng isang tindera at tindero. Tulad ng isang kamera, responsibilidad na nila mismo na maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa pamilihan at mga suliranin na kailangan ng agarang pag-aksyon. Isa sa magandang halimbawa nito ay ang problema na naranasan at patuloy na sinosoluyunan ng Oriental Mindoro. Sa pagtama ng African Swine Fever sa probinsya, maraming mga baboy ang namatay. Naapektuhan nito ang mga nagbebenta ng mga karne maging ang mga hog raisers.

BANGUNGOT SA BUHAY Matagal na sa pagtitinda ng karne ng baboy si Minerva sa palengke ng lungsod ng Calapan. Sa loob ng mahigit na apat na dekada, para sa kaniya ay ito ang pinakamahirap na suliraning kaniyang kinaharap dahil sa labis na epekto nito sa kanilang pangkabuhayan. Hindi lamang

matumal ang kaniyang benta kundi wala na mismong bumibili sa kaniya. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ang mahina na bentahan ng karne ng baboy sa pamilihan dahil sa takot ng mga tao na magkasakit dulot ng ASF. Bagaman nilinaw na ng pamahalaan at lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro, kasama ang Kagawaran ng Kalusugan na walang dapat ikabahala dahil hindi malilipat ang sakit ng baboy sa tao; hiindi pa rin ito naging sapat na rason upang mawala ang pangamba ng mga tao at upang maibalik ang dating liksi sa pamilihan. Ayon sa tinderda, kahit ang naging kinalabasan nito ay higit pa sa kanilang inaasahan, hindi pa rin sila nakakuha ng tulong sa lokal na pamahalaan at hanggang ngayon sila ay umaasa pa rin na ang kanilang mga panawagan ay aaksyonan.

MAMIMILING KARAMAY

Petsa de peligro ang araw na kinatatakutan ng karamihan. Sa araw o mga araw na ito, higit na kailangan ang matinding pagbabadyet at pagtitipid. Hindi kailangan gumastos ng malaking halaga ng pera para lamang sa isang kainan. Sa panahong ito, isinasaalang-alang ang kakainin sa susunod pang mga oras. Nagtitipid para sapat ang natitirang datong sa pitaka. Para sa mga matatanda, magulang, bata, at mga mag-aaral na bumibili, murang produkto pa rin talaga ang hanap nila, petsa de peligro man o hindi. Sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa mga tindera at tindero, nagkakaroon ito ng discount, liban na lamang kung ikaw ay hindi pinagbigyan ng nagtitinda.

PATAS NA PAGHIHIRAP Hindi talaga natin maiiwasan ang mga tindera at tindero na hindi nagbibigay ng tawad. Ito ay dahil sa inflation rate na patuloy nanararanasan ng ating bansa. Maging ang mga maliliit na tindahan ay hindi nakaligtas dito. Bagaman sila ang laging tinangtakilik, hindi pa rin nila nagawang makaiwas dito. Ang dating nakasanayang piso kada dalawang piraso ng fishball, ngayon ito ay piso na kada isang piraso ng fishball. Ngunit hindi lamang sa karampot na fishball makikita ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin, kundi pati rin sa ibang mga karaniwang produkto. Tulad na lamang ng bigas, itlog, asukal, at iba pa. Ang kita ni Michelle sa araw-araw, na mahigit limang taon nang nagtitinda ng sari-saring pagkain sa maingay at abalang kalsada, malapit sa palengke ng Calapan ay nanatili namang sapat para sa mga pang araw-araw niyang gastusin. Ngunit, hindi niya maitatanggi ang bakas ng pag-unti ng mga taong bumibili kumpara noon at ngayon. Para sa kaniya, kung ibabalik ang dating presyo ng kaniyang mga fishball ay hindi malabo na wala pang tatlong buwan, ang kalahating dekada niya sa pagtitinda ay matatapos na.

MOTIBASYON NA ISANG PUNDASYON Para sa mga mamimili, ang pagbili ay isang mabilis lamang na proseso. Ibibigay mo ang bayad at pagkatapos ay tapos na. Pero para mga magtitinda na katulad ni Lorna na isang guro at magtitinda ng sarili niya mismong negosyo, ang kaniyang pinagkakaabalahan at puwesto hanggang ngayon ay saksi sa kaniyang buhay. Buhat

sa pagiging isang guro, asawa, ina, at isang retired na guro, ang lahat ng mga ito ay nasaksihan ng kaniyang mga paninda. Lahat ng sakripisyo para sa pamilya at sarili, kasama niya ang kaniyang mga panindang produkto sa bawat hamon ng buhay. Sa loob ng apatnapu’t pitong taon niyang pagtitinda, siya ay may sapat ng karanasan para lutasin ang kaniyang mga problema. Subalit, isang pangyayari pa rin ang yumanig sa kaniyang buhay bilang negosyante at magtitinda. Ito ay ang oil spill na tumama sa Oriental Mindoro. Sa sampung kilo ng isda na kanilang binebenta para sana sa buong araw, ngunit dahil nga sa mga sari-saring pangamba, himala na lamang kung makakabenta sila ng tatlong kilo. Ito naman ay kanila ng nalampasan at kahit pa muntikan na siyang sumuko dahil sa lubhang pagkalugi, ang dinadaanan ng isang mamimili ay mananatili niyang tahanan at tindahan. Hindi lamang ingay ang hatid ng pamilihan at mga magtitinda. Ang kanilang sitwasyon sa pang araw-araw na kanilang pagbubukas ng kanilang mga tindahan ay repleksyon sa suliranin na kinakaharap ng lipunan. Maliban sa ingay na nanggagaling sa kanilang mga puwesto, ang mga ingay na ito ay magbubukas din ng pinto tungkol sa kanilang mga kuwento. Bawat tindahan ay isang tindahan. Dito nila itinatayo at pinupundar ang mga matatayog nilang mga pangarap. Ang mga pamilihang ito ang nagsisilbing pundasyon sa mga pangarap ng kanilang pamilya at maging ng sarili nila. Sa likod ng nakakabinging ingay, puno ito ng kuwento at motibasyon ng tunay nilang buhay.

DISKRIMENASYON

SA KAMAY NG HINDI PANTAY NA MUNDO

May mga panahon hindi na rin natin maintindihan ang ating mga sarili. Hindi natin maunawaan kung ano nga kaya ang mali. Mayroon

din naman na mga pagkakataon kung saan hindi na tayo sigurado kung meron nga talagang mali. Ngunit sa mga panahon na tayo ay hindi na makasigurado, lumalapit na tayo sa mga eksperto. Sapagkat sa tulong ng kanilang kaalaman at mga kagamitan, malalaman natin ang katotohanan at ito ay makakapag pawala ng kaba na ating nararamdaman.

Ngunit paano kung bago ang mga sintomas na ating nadarama? Paano kung ang sakit na nadarama ay hindi natin makita? Paano kung ang simpleng lagnat at ubo ay lumala? Paano kung ang sakit na ito ay ‘virus’ na pala at hindi na lamang simpleng trangkaso? Subalit upang sigurado, pupunta tayo sa isang establisyimento, na may doktor na eksperto. At gamit ang kanilang ‘stethoscope’, tayo ay kanilang susuriin. Papakinggan nila ang daloy ng ating paghinga at maging ang mga tibok ng puso natin. Ito ang lagi nilang ginagamit sa pag-alam kung ano nga ba ang sakit na ating nararamdaman, kung

ito kaya ay malala o madadaan pa sa tubig at pahinga? Pero paano kung hindi na lamang basta pisikal na sakit ang ating iniinda? Paano kung ang sakit ng katawan ay may kasamang takot at pangamba? Hindi rin naman natin masisisi ang mga pasyente kung sila ay nangangamba. Sapagkat, sino nga bang hindi maa-alarma kung may kumakalat ng ‘virus’ sa ating bansa? Ito ay hindi lang isang simpleng ‘virus’ dahil ito ay nakakamatay at nakakahawa at mas kilala ito sa tawag na COVID-19 ‘Virus’ o ‘Corona Virus Disease of 2019’. Hindi rin naman nakaligtas sa sakit na ito ang lugar at tahanan ng mga Mindoreño. Unang naitala ang kaso nito noong ika-12 ng Mayo, sa isang apat na taong gulang na batang Mangyan. Ngunit hindi agad siya naagapan at tulad niya, marami ring mga katutubo ang nasawi dahil hindi agad nabibigyan ng nararapat na atensyon at agarang aksyon. Ito ba ay dahil sira ang ‘stethoscope’ ng mga ospital sa Mindoro o sadyang barado lang ang mga ito? Kung kaya’t hindi nila marinig ang hinaing ng ating mga kapwa mangyan, ang ating mga kapwa tao.

KARAYOM NG DISKRIMINASYON Hindi rin naman nagtagal bago magkaroon ng aksyon ang gobyerno upang matulungan ang kanilang mga mamamayan. Nagkaroon ng pang malawakang ‘lockdown’ at pagbabakuna sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Isa na sa nagpatulad nito ay ang Oriental at Occidental Mindoro. Sa panahong ito, biglang naging tahimik ang mga kalsada, nakasarado rin ang mga pinto at bintana, at walang makikita na mga naglalarong bata sa labas. Kasabay din nito, umusbong ang mga bagong bayani, ngunit imbis na itak at pluma ay bakuna at ‘syringe’ na may karayom ang

kanilang dala. Nagkaroon ng malawakang pagbabakuna sa iba’t ibang barangay sa Mindoro. Binibigyan ang mga bata maging ang mga matatanda, mahirap man o mayaman, tagalog man o mangyan. Ngunit hindi ibig-sabihin nito ay pare-parehas ang trato nila sa lahat. Oo nga at lahat ay makakatanggap, pero ang tanong, lahat ba ay maayos na nakatanggap? Dahil kung gaano kaliit ang mga karayom na gamit sa pagbabakuna, ganito rin kaliit ang tyansa ng mga mangyan at walang kaya na makatanggap ng nararapat na atensyon at alaga. Hindi naman maipagkakaila na kasing talim ng mga karayom ang tingin ng mga karamihan sa ating mga katutubong Mangyan. Ito ay nakikita sa bawat ‘vaccination center’ ng iba’t ibang bayan ng Mindoro. Kasama rin ng matatalim nilang tingin, ang matatalas nilang dila na nagbibitaw ng mga masasakit na salita tungkol sa itsura, amoy, pananamit, at maging ang paraan ng pagsasalita ng ating mga katutubong Mangyan. Pero mukang nakakalimutan na ata ng mga Tagalog na kayang umintindi ng mga Mangyan, kaya din nila na

makiramdam. At tulad ng sakit mula sa bakuna habang bumabaon ang karayom, bumabaon din sa mga Mangyan ang sakit ng karayom ng diskriminasyon.

PEYSMASK SA MATA Isa sa mga nagsisilbing proteksyon ng mga tao mula sa ‘virus’ na ito ay isang tela na nilalagay nila sa kanilang mukha. Natatakpan nito ang kalahati ng ating mukha, mula ilong hanggang ating baba. Mas pinapabagal nito ang pagkalat ng ‘virus’ dahil nagsisilbi itong harang upang hindi pumasok ang sakit loob ng ating sistema. Ngunit paano kung imbis na sa bibig, ang tela na ito ay nakalagay sa mga mata ng tao? Paano kung dahil sa harang na ito, hindi makita ng mga taong may kakayahan kung sino-sino ang dapat nilang tulungan? Sa panahon ng pandemya, hindi lamang mga tao sa syudad ang naapektuhan. Sapagkat, ang ‘virus’ na ito ay kumalat na din maging sa kabundukan. Pero dahil walang ospital sa bundok, wala nang ibang pamimilian ang mga Mangyan kung hindi bumaba sa kapatagan. Ngunit bago sila makapunta ng bayan, napakarami pa nilang pinagdaanan. Marami ang tumatawid pa ng mga ilog at naglalakad ng ilang kilometro upang makarating lamang sa mga libreng pagamutan sa bayan. Subalit sa kabila ng mga ito, ang bubungad lamang sa kanila ay mga matang sarado para sa mga katutubo. Mga mata na naharangan nang tela ng panghuhusga. At kung ating iisipin, wala na ang pandemya, wala na ang sakit na gumambala sa mundo at sa ating bansa. Ngunit bakit hanggang ngayon nandito pa din ang mga baradong ‘stethoscope’ karayom ng diskriminasyon, at mga ‘facemask’ sa mata ng mga taong mahihilig manghusga ng mga bagay o tao na iba sa kanila. Dahil sa diskriminasyon na ito, ang daming nasawi, namatay, at nasira ang buhay. Aminin man natin o hindi, hindi lamang sa mga ospital nangyayari ang mga ito, hindi lamang noong pandemya nakikita ang ganito, dahil mula noon hanggang ngayon, nandito pa din ang ganitong uri diskriminasyon. Ngunit bakit nga ba ganito? Bakit hanggang ngayon ay ganito pa rin tayo?

LATHALAIN 17
KWENTONG TINDERA
ni Mary Cleeanne Ilagan
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA BOSES ANG PUHUNAN ◙ Disenyo ni Donald B. Corona API SA SARILING LUPA ◙ Disenyo ni Naomi Jersey Rafa
ni Mary Anne De Roxas

Ambahan

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD

COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS

DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA

GINTONG PANALO NG ANINO

Babae ka? Hindi ako babae lang!

Ang kawalan ng pantay na pagtrato sa sports ay madalas na nagmumula sa magkaibang pagtingin ng lipunan sa kasarian, hindi dahil sa pagkakaiba ng kakayahan ng kababaihan sa kalalakihan. Bagaman kung titingnan ay bukas ang sports sa lahat ng kasarian, ang mga bagay katulad ng hindi pantay na access sa mga mapagkukunang pondo o kagamitan, mga nakasanayan sa kultura, at ang diskriminasyon na nakabaon na sa lipunan natin ay maaaring lumikha ng mga hadlang para sa mga kababaihan na lubos na makilahok at umangat sa isports. Tila anino lamang sila na hindi kapansin-pansin sa kanilang larangan. Dapat nang matuldukan ang ganitong pag-iisip ng mga tao upang magbukas pa ang maraming pinto para sa mga kababaihan, malayo sa diskriminasyong natatanggap nila ngayon. Sa mundo ng isports ay marami nang napatunayan ang mga kababaihan. Ilan sa mga natatanging mga halimbawa nito ay si Hidilyn Diaz na ang kauna-unahang Olympic gold medalist para sa weightlifting, si Jack Danielle Animam na isang basketball player na kabilang sa PNT o Philippine National Team, at si Nesthy Petecio, isang silver Olympic medalist para sa boxing. Sa labing-apat na medalya ng Pilipinas sa Olympics, tatlo rito ay nakamit dahil sa husay ng tatlong magagaling na babaeng atleta. Ang isa dito sa nga medalyang ito ay ginto, na siyang iniuwi ni Hidilyn Diaz. Patunay ito na sa panahon ngayon, ang mga babaeng atleta ay namamayagpag. Bukod pa rito, sa nagdaang South East Asian Games na ginanap sa Cambodia, 25 na gintong medalya ang naiuwi ng mga kababaihan, bukod pa rito ang 2 para sa mixed team. Ang kabuuang bilang naman ng gintong medalya ng bansa sa SEA Games 2024 ay 58, nagpapatunay na mayroong malaking ambag ang mga kababaihan para sa karangalan ng bansa sa larangan ng isports. Sa pilak na medalya ay 46 ang nakamit ng mga kababaihan sa kabuuang 85, at 42 na tanso. Sa panahon ngayon, inaakala ng mga tao na ang karamihan ng isports ay panlalaki. Kapag napag-usapan

ang basketball, sina Dwight Ramos o Terrence Romeo ang madalas na nasasali. Hindi nila alam, ang Pilipinas ay mayroong mga mahuhusay na babaeng basketbolista na katulad ni Jack Animam. Ang senaryo na ito ay nangyayari dahil sa kakulangan ng sapat na pagkilala para sa Women’s Basketball, sapagkat ang palaging ipinapalabas sa telebisyon ay Men’s Basketball. Dahil hindi nabibigyan ng pagkakataong makilala ang women’s sports, napupunta ito sa anino ng mga palakasan ng mga lalaki. Dagdag pa rito, hindi pa rin nabibigyan ng lunas ang mga problemang matagal nang iniinda ng

...wala pa ring batas na nagbabawal sa diskriminasyon laban sa pangaabuso sa mga babaeng manlalaro.Sa kasaysayan ng isports sa mundo, hindi pa din kinikilala ang karapatan ng mga babae sa larangan ng palakasan.

Pamumukadkad:

kababaihan sa larangan ng isports. Sa pagdaan ng panahon pagkatapos ng unang paglalaro ng babaeng atleta ng isang isport, wala pa ring batas na nagbabawal sa diskriminasyon laban sa mga pang-aabuso sa mga babaeng manlalaro. Sa kasaysayan ng isports sa mundo, hindi pa din kinikilala ang karapatan ng mga babae sa larangan ng palakasan. Ang mga problema tulad ng hindi pagkakapantay sa sweldo ay hindi pa rin naaagapan kahit matagal na itong pilit na ihinaharap sa pansin ng publiko. Kabilang dito sa mga problemang hinaharap ng mga babaeng atleta ay ang kakulangan sa mga nagpopondo o sponsors dahil kadalasan ay lalaki ang hinahanap ng mga magbibigay ng pondo. Ganito rin ang eksena sa pagbibigay ng gamit at espasyo para sa paghahanda at paghuhubog ng kanilang talento. Dahil sa bagay na hindi nila makokontrol, kinikilala sila bilang mahina at hindi sila sineseryoso ng mga bansang ibinibida nila sa mga pandaigdigang patimpalak. Hindi na maitatanggi na sa mundo ng isports, maraming bagay na nakakaapekto sa kung bakit hindi nakakatanggap ng pantay na rekognisyon ang mga babaeng atleta sa isang lalaking atleta. Subalit, kahit maraming hadlang, mahalaga pa rin na labanan ito para makamit ng mga kababaihan ang naaayong rekognisyon. Bilang mga lider sa mundo ng kalakaran sa isports, nararapat na gawing responsible ang mga nakakataas na kompanya at organisasyong pampalaro na dapat nilang ayusin ang pagtrato nila sa mga babae nilang atleta, at dapat nilang bigyan sila ng kaukulang pagkilala, pagpapahalaga, at pag-unawa. Para naman sa mga tumatangkilik sa isports, gawin nila ang kanilang bahagi para mas mabilis nang mapaunlad ang isports ng kababaihan sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsama sa mga ideyolohiyang nakakasama o nakakasagabal sa pagkakapantay ng mga kasarian sa isports.

Palaging isaisip na ang isports nila ay isports rin ng lahat. Iisa lamang na hiling ang hinihingi nila: ang balansehin ang nakatagilid na sistema sa mundo. Kung magagawa ng tao ito, patuloy silang aakyat sa matarik na dalisdis ng diskriminasyon patungo sa tuktok ng pagkakaisa.

M ay mga bagay o tao tayo na hindi natin magawang iiwan, kahit gaano pa kahirap tayo ay mananatili dahil ito rin ang rason ng atin kasiyahan na kahit sa ano mang mundo at pagkakataon ay ito pa rin ang ating pipiliin. Pero bakit nga ba natin ito ginagawa? Dahil ito na lang ba ang ating nakasanayan kaya ganon na lamang kahirap iiwan o sadiyang ito ang kapangyarihan ng pagmamahal?

Ang bawat tao ay may iba’t ibang depinisyon pagdating sa pagsasayaw. Marahil para sa iba ang pagsasayaw ay

lungkot, at hirap bago sila maging isang ganap na mananayaw-at ito ang makikita sa buhay ng isang estudyante at mananayaw na si Ben Malabriga na kada tutungtong siya sa entablado ay hindi niya nabibigong ipakita ang talento at pagmamahal niya sa

Sabi nila ang talento ay maaaring pag-aralan at para naman sa mga sadiyang pinagpala ang talento ay nananalaytay na sa kanilang dugo. Pero, ang isang talento ay hindi mas uunlad pa kung hindi magiging masipag at matiyaga ang isang tao at ito ang pinatunayan ni Ben sa mundo ng pagsasayaw. Ang daan na kaniyang bilang isang mananayaw ay parehas na nababalot ng mga hamon at tagumpay. Pero, bago ang tagumpay matinding kaniyang dinanas, at bilang isang mananayaw ang pagkakaroon ng injury ay parte ng kanilang propesyon. Kasama na rin dito ang pagsubok niya sa iba’t ibang uri ng pagsasayaw katulad ng ballet at hip-hop bago pa niya pasukin ang dancesport. Bagama’t

mahirap, hindi siya sumuko at mas ginamit niya pa ang mga paghihirap na kaniyang nararanasan bilang motibasyon na pagigihan at mas galingan pa sa kaniyang ginagawa. Hindi lamang mundo ang puno ng pagkakaiba, ganoon din ang pagsasayaw. Pare-parehas na ginagalaw ang katawan ngunit sa mga natatanging paraan para sa samot-saring layunin. Pero, sa lahat ng mga inaral at kayang sayaw na gawin ni Ben, natatanging pagmamahal ang meron siya para sa dancesport. Higit, pa rito ayon sa kaniya, naramdaman niya na noon ay mistulang ikinakahon ang katulad niyang miyembro ng LGBTQ+ sa isang kahon dahil hindi sila nababagay sa mundo ng pagsayaw. Ngayon, pakiramdam niya, siya ay isang malayang paruparo, na patuloy pa rin hinahanap ang pinakamaganda niyang entablado, kung saan mapapakita niya ang tunay na ganda ng Dancesport sa mga nangmamaliit sa kanya. Upang mas lalo pang maging pulido ang kaniyang pagsayaw, sumasali siya sa mga workshops. Dito ay bukod sa pagkakahasa ng kaniyang mga galaw, nagkaroon din siya ng mga kaibigan na kasama niya sa mga workshops na kaniyang dinaluhan; at ang kanilang pagkakaibigan ay hindi natapos sa mga ensayo at pagtatanghal sa entablado, dahil ang kanilang turingan sa isa’t isa ay magkakapatid na. Pinagbuklod sila ng kanilang pagmamahal sa pagsasayaw.

KUKUN: ANG PAGKUKUBLI Isang proseso sa pagiging isang maganda at makulay na paruparo ang nagkukubli at paghahanda para sa

pamumukadkad. Si Ben ay dumaan sa yugto na kailangan niyang magkubli, dahil sa mga mapanglait at mapanghusgang tao sa kagaya niya na pinipiling mamukadkad sa larangan ng Dancesport. Bilang resulta ng mga salitang kaliwa’t kanan niyang naririnig, naranasan niya rin na magkaroon ng pagdududa sa kaniyang sarili. Dahil sa mga ito, pinili niya na magtago at bumuo ng sarili niyang kukun, at itago ang kaniyang talento sa lahat ng tao. Pero, matapos ang pag-iisip ng paghahanda ng kaniyang sarili, lumabas siya bilang isang mas maganda at mas malayang paruparo, na hindi pinapakinggan ang mga salitang ‘Bakit ka nandito’ at tanging pinapansin na lamang ang mga salita katulad ng ‘Ang galing mo’. ANG MAKULAY NA PAGLIPAD Ang mga hamon na kaniyang naranasan ay hindi naging rason para kay Ben na hindi niya ipagpatuloy ang pagsasayaw. Dahil kahit ito pa ang rason para makatanggap siya ng mga panghuhusga sa mga tao sa kaniyang paligid. Nahanap pa rin niya ang kapayapaan sa magulong mundo ng pagsasayaw. Mula sa pagiging isang uri ng komunikasyon na nais niyang gawin sa pamamagitan ng pagsasayaw ito ay naging isang uri na rin ng kaniyang therapy. Sa bawat kumpas ng musika at indak ng kaniyang katawan isang kalayaan na kahit saang lugar ay hindi niya matatagpuan maliban sa pagsasayaw. Higit, pa rito ayon sa kaniya, naramdaman niya na noon ay mistulang ikinakahon ang katulad niyang miyembro ng LGBTQ+ sa isang kahon dahil hindi sila

nababagay sa mundo ng pagsayaw. Pero, dahil marami nang pagbabago sa mundo, kasama ng mga paniniwala ng tao, nagiging bukas na ang marami sa mga katulad niya na nagpapakitang-gilas

ISPORTS 18
Ang
ANG PAGDAPO NI BEN SA LARANGAN NG DANCESPORT
sa entablado. Ngayon, pakiramdam niya, siya ay isang malayang paruparo, na patuloy pa rin hinahanap ang pinakamaganda niyang entablado, kung saan mapapakita niya ang tunay na ganda ng Dancesport sa mga nangmamaliit sa kanya. WALANG KAPALIT Hindi madaling tahakin ang landas ng pagsasayaw. Para sa mga nais na matuto pa lamang sa pagsisimula pa lamang ay mahirap na. Ngunit, bilang mensahe ng isang bihasang mananayaw na si Ben, isang puntos lamang ang pagkakaroon ng natural na talento sa pagsasayaw pero wala pa ring makakatalo sa pasensiya, dedikasyon, at pagtanggap sa kamalian. Marami sa mga tao na hirap o ayaw mismo makatanggap ng pagkakamali, ngunit sa pagsasayaw ang pagkakamali ang magdidikta sa isang mananayaw kung ano pa ang mas dapat pag-igihan at kung ano ang SUNDAN SA PAHINA 19
◙ Mga larawang kuha ni Audie Krizelle Carit
ni Donald B. Corona PAGDAPO

Hardin, nagpasabog ng bangis sa Badminton, umani ng kampeonato, 2-0

Pinaulanan ni Keen Hardin mula sa Divine Word College of Calapan (DWCC) ng mga rumaragasang smash at matutulis na talang ang kalaban mula sa Paradigm College of Science and

Nagtanim agad ng limang puntos para lumamang si Hardin sa pagsisimula ng dwelo sa huling laban ng badminton sa Regional Private Schools Athletic Association (PRISAA). Hindi nagpatinag ang kanyang katunggali sa pagpuntos ngunit buo ang determinasyon ni Hardin na kubrahin agad ang unang set sa iskor na 21-9.

Dahil sa mas malakas na opensa na pinakita ng kaniyang kalaban sa ikalawang set, lumapit ang kanilang iskor sa dalawang puntos lamang, 21-19, sapat

Technology, Inc. (PSCST) upang maangkin ang masamyong panalo sa Badminton Singles na ginanap sa PCST Covered Court, Pebrero 2. mga solidong sipa at hataw sa pagsasarado ng torneo para sa Taekwondo-Kyurogi Girls, Marso 4.

na para isarado ni Hardin ang laban at masungkit ang tiket patungong nasyunal PRISAA kung saan makikipagtunggali siya mula sa mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon. Samantalang, ibinahagi naman ni Hardin ang kanyang mga teknik at estratihiya para manalo, “since ‘yung main errors ko po ay puro outside ‘yung shots ko nag-pokus lang ako na hindi madaliin ‘yung rallies and huwag magforce ng down the line shots at ipasok lang ‘yung mga tira ko.”

Micla, pinayuko ang kalaban, nanaig sa Taekwondo-Kyurogi

Hindi na nagawang makabagon mula sa pagkakalugmok ang katunggali ni Reese Ramielle Micla ng Divine Word College of Calapan (DWCC) matapos nitong kuyugin ng

Nasungkit ni Micla ang kanyang pinakaaasam na tiket sa pambansang PRISAA o Private Schools Athletic Association kung saan magiging kinatawan sya ng rehiyon ng MIMAROPA at makikipagtunggali sa ibang kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon. Hindi naging madali ang ikapito at huling laban ni Micla para sa kampeonato dahil sa pagharap niya sa kinatawan mula sa Divine Word College of San Jose (DWCSJ) na mabilis ding nagpakawala ng mga malalakas na suntok. Buo ang determinasyon ni Micla na makaabot sa pang-nasyunal na torneo kaya’t sinagot niya ng mga buwis-buhay headkicks ang kalaban na makailang beses ding napahinto sa ipinapakitang gilas at liksi ni Micla.

Delubyo sa Iresponsableng Pagtuturo

black-belter ay mayroon nang mataas na karanasan. Nangangahulugan lamang ito na sinadya talaga ng trainer na i-partner si Cindy sa isang black-belter upang siya ay mabugbog at magtamo ng malalalang mga injury. Bukod sa kanyang belt, halatang-halata naman na hindi niya kakayanin ang lalaki sapagkat mas mabigat ito sa kanya at mayroong malakas na pwersa. Ayon kay Cindy, 70 kilos ang lalaki. Nangangahulugan lamang ito na kung hindi sinasadya ng trainer na i-partner ang babaeng yellowbelter sa lalaking black-belter, isa siyang iresponsableng mentor. Maaari siyang kasuhan dahil sa kanyang pagiging iresponsable dahil ayon sa Civil Code of the Philippines, Article 2176, maaaring maparusahan ang tao kung nagkaroon ng damage sa iba ang kaniyang kapabayaan. Dahil dito, dapat siyang ipatagtag sa kanyang trabaho at makatanggap ng angkop na parusa.

Pangalawa, hindi dapat ginagamit ng isang instraktor ang kanyang posisyon para sa personal na interes. Sa panayam sa ina ni Cindy, inamin niya na mayroong pagkakataon na aayain ng mentor si Cindy para magkape ng sila lamang dalawa. Hindi naman sa pagbabalewala ng ‘closeness’ ng trainer at athlete sa buong bansa, subalit kung dalawa lamang kayo, maaaring mayroon itong malisya dahil sa dinami-dami nga naman ng mga atleta, bakit isa lamang ang aayain. Saka, kung katulad lamang din ng sitwasyon na ito na hindi kumportable ang atleta sa mga pang-aaya ng instraktor, dapat na siyang dumistansya at maglagay ng harang sa kanilang dalawa, at manatili na lamang bilang coach at atleta.

Pangatlo, masama ang kanyang ginagawa na interaksyon sa isang menor de edad. Sinabi ng ina ni Cindy na mayroong pagkakataon na niyayakapyakap at inaakbayan ng instraktor si Cindy, at lumalabag ito sa ilang batas republika ng Pilipinas: Republic Act No. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995 at Republic Act No. 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Ang coach ay mananagot sa mga nasabing batas dahil sa kanyang mga ginawang aksyon sa isang menor de edad na babae. Sa unang batas, RA No. 7877, bilang isang coach ay wala siyang karapatan na mang-abuso, kahit sino man ay walang karapatang mang-abuso. Saka, bilang coach, dapat sinisugarado niya na nasa ligtas na kapaligiran ang kanyang mga tinuturuang atleta, imbis na sila pa mismo ang maging banta sa kaligtasan nila. Sa RA No. 7610 naman, dahil nga sa pagiging menor de edad ni Cindy, dapat wala nang takas ang coach sa kanyang mga ginawa.

Pang-apat, ayon pa sa sinabi ng ina ni Cindy, selos umano ang puno’t dulo ng lahat nang ito. May gusto umano ang guro sa kanyang anak at dahil hindi niya matanggap na walang pag-asa na maging sila, dahil siya ay tagaagapay, nakakatanda, at dahil mayroon nang nobyo si Cindy na siya namang pinagseselosan ng taga-agapay, na nagudyok na siya ay gantihan. Napag-alaman na hindi lamang pisikal ang naapektuhan kay Cindy dahil maging ang kaniyang mental na kalusugan at emosyonal na kapasidad ay lubos na naapektuhan. Pinapatibay nito ang katotohanan na nararapat lamang na parusahan ang guro na may dahilan ng lahat. Para sa akin, pagkakakulong o di kaya ay alisan na siya ng karapatan na makapagturo pang muli upang maiwasan ang mga posibilidad na mangyari itong muli sa hinaharap. Nagkaroon ng panayam ang publikasyon ng Divine Word College of Calapan Basic Education, Ang Ambahan, sa isang estudyante ng DWCC na isang taekwondo black-belter. Ayon kay Jumea Ezra Emmanuel V. Adeva, 14, “For me po hindi po ito makatarungan sapagkat wala pong karapatan yung coach/instructor na ipa-sparring yung girl na yellow belt sa lalaking black belt.”

Bagamat may karapatan ang instraktor na piliin ang kanyang ipapares para sa sparring, hindi pa rin ito makatao. Sa ibinahaging video ng GMA News Online, makikita ang aktwal na pakikipag-spar ng babae sa lalaki, at makikita na hindi makalaban ang babae. Bagaman sila ay may karapatan, hindi dapat kalimutan na ang bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad. Sa tingin ko, ang desisyong ito ng coach ay hindi nagpapakita ng tamang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Isa pa, kung hindi man sinasadya ang pangyayaring ito, at aksidente lamang ang lahat, dapat ay nagkaroon ng pag-iingat habang nag-sparring ang dalawa. Isang paraan upang maiwasan ito ay ang paggamit ng face cover, kaya kahit isa itong aksidente, maaari pa rin sisihin ang coach dahil sa kaniyang kapabayaan. Kung sa isang study sparring ay ayos lamang ang ganitong sitwasyon na yellow belt laban black belt, iba na kapag sparring ang pinag-uusapan. Sa study sparring ay magaan ang ibinabatong sipa, kabaliktaran sa sparring na mayroon ng pwersa. Sa mga training center o dojo ay dapat magkaroon ng ligtas na praktis ng pag-eensayo, iyong hindi mauuwi sa pagkaka bugbog at pagkaka-ospital ng atleta. Dapat pa nilang gawin ay itaas ang standard sa pagpili ng coach, dapat hindi lamang sa kakayahan sinusukat kung tatanggapin siya o hindi, bagkus pinaghalong kakayahan at ugali dahil sa

“Sobrang saya ko po na makasama at ma-qualify sa nationals. Masaya po ako since kasama ko din po ang mga kaibigan ko unang i-represent hindi lang ang school kundi ang buong rehiyon ng MIMAROPA sa PRISAA Nationals,” ani Micla sa panayam sa Ang Ambahan. Puspusan na ang ensayo ni Micla kasama ang kaniyang tagapagturo para sa nalalapit na pang-nasyunal na PRISAA sa darating na Hulyo lalo’t sunod naman niyang gustong masungkit ay ang podyum sa kompetisyon.

“Mas intensibo ang training na ginagawa namin ngayon dahil syempre po National na ‘yun, ine-expect natin na malalakas at skilledang mga makakalaban ko. Pero naniniwala ako sa coach ko at sa sarili ko na gawin ko lang maayos ang training, magiging maganda rin ang performance ko,”dagdag pa niya.

MULA SA PAHINA 20 isports ay mayroon ding mga etiko na dapat sundin. Higit sa lahat, maituturing na isang malaking kawalan ng integridad ang ginawang utos niya na ito na tila may kasamang personal na galit o selos. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay hindi dapat tinatanggap sa larangan ng pagtuturo at isports, at mahalaga na magsagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari sa hinaharap. Kaya nararapat lamang na iyon na ang huli niyang pagtuturo sa mga atleta, para maiwasan ang mga ganitong pangyayari na maaari niyang ulitin kung magpapatuloy siya sa serbisyo. Bilang pagtatapos, ang kaso ni Cindy ay nagbibigay liwanag sa mahalagang papel ng responsableng mga praktis sa pagtuturo sa larangan ng isports, lalo na sa pangangalaga sa kapakanan ng mga atleta, lalo na ng mga menor de edad.

Sa aking pagmumuni-muni, maliwanag na ang kinakailangan ay isang kolektibong pagsisikap upang tugunan ang mga ugat ng hindi responsable na mga gawi ng mga tagapayo. Ang mga organisasyon sa isports, mga ahensya ng regulasyon, mga mentor, at mga atleta mismo ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapalakas ng kultura ng integridad, pananagutan, at respeto sa loob ng sports community. Kaya naman, sundan natin ang panawagan sa pagkilos at magsumikap na itaguyod ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo at etikal na pag-uugali sa pagtuturo. Sa ganitong paraan, hindi lamang natin pinoprotektahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga atleta kundi nagpapatuloy din tayo sa pagpapahalaga sa mga halaga ng katarungan, sportsmanship, at respeto na nakatanim sa puso ng isports. Magkaisa tayong magtaguyod ng kinabukasang kung saan ang bawat atleta ay maaaring magtaguyod ng kanilang pagmamahal sa isports sa isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran, malaya sa takot ng pang-aabuso o pinsala. Tanging sa pamamagitan ng ating kolektibong dedikasyon at bantay-sarado ay maaari nating tiyakin na ang mga aral na natutunan mula sa mga kaso tulad ng kay Cindy ay magsilbing mga katalista para sa positibong pagbabago sa loob ng sports community Ayon kay Nelson Mandela, “Sport has the power to change the world. It has the power to inspire. It has the power to unite people in a way that little else does”. Gamitin natin ang kapangyarihang iyon upang humikayat ng makabuluhang pagbabago at itayo ang isang mas magandang kinabukasan para sa isports

MULA SA P18

Ang Pagdapo ni Ben sa Larangan ng Dancesport

MULA SA P20

Beach

Volleybelles ng DWCC...

mali ang dapat na itama, dahil walang kapalit ang aral na maibibigay ng pagkakamali. Isa lamang ang kuwento ni Ben sa kuwento ng milyong mananayaw sa mundo. Ngunit, ang aral mula sa paghihirap niya sa pagsasayaw na siyang humulma sa kung anong Ben Malabriga meron ngayon na laging nag-uuwi ng parangal at ipinagmamalaki ng kaniyang pamilya, kaibigan at kaniyang paaralan ay isang buhay na patunay na kung ano ang bawat paghihirap ay mayroong kapalit. Dagdag pa rito, upang magtagumpay ay mahalaga ang pagmamahal sa proseso na kakaharapin bago maging isang ganap na paruparong handa nang namayagpag. pang habulin ang kalamangan ng DWCC. Parehong estratihiya ang ginawa nina Alba at Jabal sa ikalawang set kaya’t halos maubusan ng hininga ang kalaban sa paghahabol ng bola na itinatapon nila sa dulong bahagi ng court o kaya nama’y nilalapag nila malapit sa net. Habang papalapit sa dulo, mas naging agresibo sila sa pagse-set ng matutulis na palo sa bola upang ikamada ang 21 puntos kontra 13 ng SCMBT.

AKSYON SA ISPORTS
College of Science and Technology sa Kyorugi - Bantamweight Category sa Regional PRISAA, Marso 5. HABULAN.Inilampaso ng Family 1 ang Family 2 sa iskor na 7-5 sa Game 1 ng Basketball Girls - SHS Category na ginanap sa St. Joseph Freinademetz Gymnasium, Disyembre 9. ATIN ANG BOLA.Itinanghal na kampeon ang Family 3 sa Futsal Boys - SHS Category, matapos matalo ang Family 2 sa iskor na 4-0, sa half court ng St. Joseph Freinademetz Campus, Disyembre 11. BAKOD. Wagi ang Family 3 laban sa Family 1 sa Championship Match ng Volleyball Boys - SHS Category sa iskor na 35-34, Disyembre 13. Bisitahin ang opisyal na pahina ng The New Horizon sa peysbuk para sa mas marami pang AKSYON SA ISPORTS b b b b Mga kuhang larawan ni Kiel Justin Lance Ilao YUKO AT PAGSUKO. Bigo ang pambato ng DWCSJ na mapanati ang tindig nang sunod-sunod ilabas ni Reese Ramielle Micla ang mga pamatay na galaw para angkinin ang titulo sa TaekwondoKyurogi Girls, Marso 4. Kuhang larawan mula sa PaulBryan Travero MUKHA NG PANALO. Pinakita ni Keen Hardin ang resulta ng pagiging pokus at seryoso sa loob ng court nang pauwiing luhaan ang kinatawan ng PCST sa pagtatapos ng Badminton Singles, Pebrero 2. Kuhang larawan ni AudieKrizelleCarit b b Ambahan Ang OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPAN - CALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN • REHIYON NG MIMAROPA ISPORTS 19
LIPAD AGILA. Nakawit ni Marcus Sachez ang gintong medalya matapos gapiin ang Paradigm ni Donald B. Corona ni Franchezka Carmel Castillo

ISP RTS

Ambahan Ang

Beach Volleybelles ng DWCC, pinakain ng buhangin ang SCMBT Navigators, 2-0

Bdepensa ang pinakawalan sa Beach Volleyball court ng sanib-pwersa nina Precious Alba, Claire Andal at Efrilyn Jabal ng Divine Word College of Calapan (DWCC) laban sa katunggaling Southwestern College of Maritime, Business & Technology Inc. (SCMBT) Navigators, Pebrero 6.

Mas naging mainit ang mga paa at maalab ang determinasyon ng DWCC Junior Halcons sa pagtapak sa court matapos nilang gapiin ang koponan ng Grace Mission College (GMC) sa kanilang unang laban kung saan nagkasa sila ng mga mala-kidlat na palo habang nasa ere. Kapansin-pansin na sa pagsagupa nila sa trio ng SCMBT para sa serye ng laro ng Beach Volleyball sa Regional PRISAA o Private Schools Athletic Association, higit pang lumakas ang opensa ni Andal at Jabal na animo’y nagpapakalawa ng mga dumadagundong na hataw sa bola at gumagawa ng bagyong buhangin sa loob ng court. Tinambakan ng Halcons sa iskor na 21-14 ang Navigators na nagtangka

agyong Al! Nag-aapoy na mga palo at pamatay-sunog na DWCC Junior

TUGATOG NG TAGUMPAY

nararo ng Divine Word College of Calapan (DWCC) Junior Halcons ang barko ng pag-asa ng Southwestern College of Maritime, Business & Technology Inc. (SCMBT) Navigators upang itabi sa kanilang pampang

ang kampeonato sa basketbol sa iskor na 85-59, Pebrero 2.

Pinainit ng dalawang koponan ang himnasyo ng DWCC Basic Education kahit alas kwarto na ng hapon sa orasan. Bumira agad ng dalawang puntos ang Navigators sa pagsisimula ng unang minuto. Hindi naman nagpadaig ang Halcons na agad nagkasa ng rebanse at makailang beses bumira ng nagngangalit na dalawang puntos sa pagpapatuloy ng unang kwarter. Sanib-pwersa sina John Brucal, Stephen Krikham at Lebron Agleron sa pagsupalpal sa mga pagtatangka ng mga kalaban na pumuntos at pagpapakawala ng mabibigat na bola sa loob ng ring. Halos dikit ang puntos ng magkatunggali sa pagtatapos ng unang

kwarter sa 18-15 pabor sa DWCC. Dahil butas pa rin ang depensa ng SCMBT, walang kahirap-hirap na pumukol ng dalawang puntos si Krikham na agad sinundan ng dalawang puntos ni King Abargos na may kasama pang mala-Stephen Curry na lay-up. Hindi rin nagpaawat si Kenji

ng isang puntos sa ikatlong kwarter nang ma-foul ang DWCC. Hindi nasindak ang Halcons at lalong lumabas ang bangis sa court na

ng pagiging isang coach ay may kaakibat na responsibilidad sa larangan ng isports, kung saan sila ang nagsisilbing gabay ng mga manlalaro. Hindi dapat gamitin ng isang coach ang kanyang kapangyarihan upang makapanlamang at makapangabuso sa iba, lalo na sa mga menor de edad. Kaya, kung sino man ang gumawa nito, dapat silang magbayad.

teammate. Si “Cindy” ay nagpapagaling na, at kasalukuyang iniimbestigahan ang isyu sa pagpapa-spar o pag-uutos ng mentor sa kanya na labanan ang isang black-belter, kahit na siya ay isa pa lamang yellow-belter. Sa larong taekwondo, kinakailangan nila makipagsparring sa kanilang ka-team kapag naghahanda sila o nag-eensayo. Ngunit hindi ito makatarungan kung ang yellow-belter ay ipapartner ng isang coach sa isang black-belter. Ito ang isyu na nagdulot ng maraming puna sa nasasakdal. Una, alam naman ng lahat na ang yellow-belter ay nasa beginner level pa lamang at ang

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD COLLEGE OF CALAPANCALAPAN MAIN CAMPUS DIBISYON NG LUNGSOD NG CALAPAN REHIYON NG MIMAROPA
Marasigan na dumagit ng nag-aapoy na tatlong puntos na lalong nagpalobo sa kalamangan ng Halcons. Isang pambawing free-throw ang naging panimula ng Navigators na nagbigay sa kanila
I
Halcons, nilupig ang mga manlalayag ng SCMBT, kumubra ng ginto sa basketbol, 85-59
A Sa isang balita na umugong sa bansa, may kinalaman sa isang babaeng 17 years old, menor de edad, na nagtamo ng iba’t ibang injury dahil sa pakikipagsparring sa kanyang
buo na ang determinasyong lampasuhin ang kalaban kaya’t nagsara ang ikatlong kwarter sa iskor na 61-42. Sa ika-apat na kwarter, halos ubusin ng Halcons ang hinga ng Navigators sa paghahabol ng bola. Solidong opensa ang ipinakita nina Brucal at Bryan Magluyan samantalang kayod-kalabaw sa pagpuntos sina Brucal, Carl Lazaro at James Maulion kaya’t nasungkit ng Halcons ang panalo sa 26 puntos na kalamangan. Pinangalangang Most Valuable Player o MVP si Brucal para sa larong ito. “Masayang manalo! Training, teamwork, at tiyaga ang nagpanalo sa amin,” wika ni Brucal.
Delubyo sa Iresponsableng Pagtuturo
TUNDOS PUNTOS Donal B. Corona REYNA NG BUHANGIN.Pinagharian ng DWCC ang Beach Volleyball Court matapos gapiin ang SCMBT. Kuhang larawan mula sa KielJustin LanceIlao b SUNDAN SA PAHINA 19 SUNDAN SA PAHINA 19 KAMI ANG TUKTOK. Pinatunayan ng DWCC Halcons ang pamamayagpag sa larangan ng basketbol makaraang tambakan ang SCMBT Navigators sa iskor na 85-59. Kuhang larawan mula sa AudieKrizelleCarit b
ni Donald B. Corona ni Audie Krizelle Carit

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.