NAGSUSULAT PARA SA INYO. NAKIKIBAKA PARA SA INYO. TOMO XXXIV BLG. 11 AGOSTO 29-SETYEMBRE 4 , 2016
MGA BAGONG SOLUSYON. Iprenesenta ng mga kalahok na mga propesor ng iba’t ibang unibersidad ang kanilang mga bagong tuklas na paraan sa paglutas ng mga krimen at imbestigasyon sa ginanap na 3rd National Research Conference on Criminal Justice noong Agosto 4, 2016 (Kuhi ni Neil Ryan Saraña).
CCJE sinusulong ang pananaliksik Kenneth Carlorio Surilla
Parte ang College of Criminal Justice Education (CCJE) ng unibersidad sa pagpapalawig ng pananaliksik sa buong bansa bilang isa sa pinakamahalagang adyenda nang idinaos ang 3rd National Research Conference on Criminal Justice sa Bethel Guest House noong Agosto 3-4. Sa pamumuno ng Philippine Criminal Justice Researchers Society (PCJRS), Inc., pinangunahan ng Negros Oriental State U n i v e r s i t y ( NOR S U ) a t Cavite State University ang pagtitipon na naglalayong maiangat ang kalidad ng programa ng CCJE. Ang naging chairperson
sa nasabing okasyon ay ang CCJE research coordinator na si Dan Jerome Barrera. Iminungkahi ni Barrera ang pananaliksik, pagbabago at teorya na solusyon sa mga problema sa pagpapaunlad ng programa. Ayon sa kanya, “Mura man og stagnant ang among field, ang criminal justice sa Pilipinas. We are more concerned of using knowledge without making new knowledge.” Ipinahayag ni Barrera na panghuli ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya sa pagiging aktibo sa larangan ng pananaliksik at paglalathala ng mga lathalain sa kriminolohiya. Unti-unting humihina ang pagpapatakbo ng hukuman at pagsugpo
ng kriminalidad, kaya naging instrumento ang pananaliksik, pagbabago, at teorya upang iangat ang kalidad ng sistema ng hustisya sa bansa. Sabi naman ng PCJRS President Susan Tan, “Through research, we can help improve our society, that we can be of help sa mga lawmakers natin, that we will be part of their policy making, policy should be based on research.” “We are getting the attention of other criminologists in the field of the academe. So I know in the near future, we’ll be growing and there will be more participants from other disciplines,” dagdag ni Tan.
Seguridad ng 2 kampus hinigpitan Donna T. Darantinao
Sa tulong ng Criminology Training Unit (CTU) na inaatasang maghigpit sa mga hindi nagsusuot ng student identification cards (ID) ng sinumang estudyanteng lumalabas-pasok, napanatili ang seguridad ng dalawang pangunahing kampus sa unibersidad. Bilang tagabantay sa iba’t ibang sulok ng pamantasan, lalong-lalo na sa mga daanan at labasan, inihayag ni Winston Krite Vendiola, isang criminology student at kasapi ng CTU na mas pinabuti na ang seguridad ng NORSU kapag may promissory notes ang mga estudyanteng nahamigan ng ID dahil sa hindi pagsusuot ng nakararami nito sa loob ng unibersidad. Idinagdag pa ng isa niyang kasamahan na si
CCJE/sa pahina 5
Pangolektag basurahan niresulta sa panagbangi
Kuha ni Jay Mark T. Umbac
sa kada organisasyon haron pormal nga marehistro sa LSO. Dako ang pagtuo ni CAS representative Bobby Valencia nga ang pagpangulekta og basurahan sa LSO haron lamang marehistro ang usa ka organisayon, kalapasan sa Board of Regents (BOR) Res olusyon No.51 nga nagmando, “Resolve, to stop all collections within the whole Negros Oriental State University without prior Board of Regents (B OR) approval effective immediately.” Dugang pa niya, ang pagawhag sa mga kahugpungan URI RIN NG KOLEKSYON. Rojan Talita, presidente ng LSO, sa pagpangita og sponsors sa pinabulaanan ang isyu ng pangungolekta ng mga trash bin sa kabila nagkaniiyang estabisyemento ng BOR Resolution patungkol sa “No Collection Policy.” haron lamang makapasa Larry V. Villarin og basurahan sa LSO dili Niresulta sa panagbangi sa duha ka lider sa League maayong matang tungod of Student Organizations (LSO) ug College of Arts and Sciences kay maanad ang mga (CAS) mahitungod sa basurahan nga usa sa kinahanglanon PANGOLEKTAG/sa pahina 5
MUNDONG ‘DI... CHERoUB DIURNUS opinyon|sa pahina 2
Khan Alexander Recilla na ang pagsita nila ay pagsunod sa nararapat na hakbang na binigyang alam naman sa mga mag-aaral sa isang nakapaskil sa main gate ng unibersidad at walang dahilan ang mga estudyante na lumabag pa rito. Ayon naman kay Bless Gaga-a na parte rin ng CTU, ang mga pamamalakad na ito ay nasa ilalim ng memorandum na inaprobahan ng Student Affairs Office (SAO) mula sa University Security Management Office (USMO). Ipinaliwanag ni Gaga-a at Vendiola na ang CTU ay hindi lamang mga bantay sa iba’t ibang sulok ng NORSU, ngunit nagsisilbi rin sila na working arm ng College of Criminal Justice Education (CCJE) faculty. “Kami maoy silbi outlet ug working arm sa faculty to train cadets and produce discipline,” ani ni Vendiola.
Sa isang panayam kay Jasmin Cawas, isang criminology student na nasa kanyang ikalawang taon, inilahad niya na dapat makibahagi rin ang mga estudyante sa hakbangpandisiplina ng CTU. “Hina-ot unta nga mubuhat pud ang mga students sa ilang part kay kanang gibuhat sa atong mga criminology students kay para pud na sa kaayuhan sa tanan,” mungkahi niya. Sang-ayon naman si Carlo Tejeros, isang Bachelor of Computer Science (BSCS) na estudyante, sa pagkukompiska ng mga ID na hindi isinusuot sa loob ng paaralan alinsunod sa batas ng ‘No ID, No, Entry.’ Pahayag naman ni Aaron Laluan, isa ring BSCS na estudyante, “maayo na siya kay para pud sa seguridad sa mga estudyante ug mga gatrabaho diris NORSU.”
Koleksyong student publication fee sinuportahan ng CEGP Syriyl Mapili
Sa unti-unting pagkaubos ng naiwang pondo ng The Norsunian ( TN ) , s i n u p o r t a h a n n g College Editors Guild of the Phillipines (CEGP) ang pahayagan sa pagpapabalik ng koleksyon para sa mga magaaral ng N e g r o s Oriental S t a t e University (NORSU). Matapos ipahayag ng
HULING PAGKIKITA University DIARY
LATHALAIN|sa pahina 3
TN ang mga suliranin na dinaranas sa pagpatigil ng koleksyon ng publikasyon, nabigyan ng pansin ito n g C EG P s a n a n g y a r i n g 76 th National School Press Convention na ginanap sa La paz, Iloilo City noong Agosto 2-6. Ayon sa Statement of Receipts and Expenditures na inilantad ng Budget Office noong Agosto 15, may natitirang Php 1,685,188.75 na lamang na pondo ang p u b l i k a s y o n n g NOR S U main campus. Nilinaw ng punong
p a t n u g o t n g TN F r a n c i s Ivan G. Ho ang paglilimbag ng dyaryo ay nagkakahalaga ng mahigit Php 400,000 sa bawat semestre at nagpapalabas ng 3,000-4,000 na kopya sa bawat linggo, “the remaining amount of money will only suffice for a year as provided in our PPMP (Project Procurement Management Plan).” “For the meantime, we will continue our plight for the re-collection of student publication fee. Because if the non-collection continues, KOLEKSYON/sa pahina 5
DRUG LIST... University POLL
ULTIMO|sa pahina 6
OPINYON
2
TOMO XXXIV BLG. 11 AGOSTO 29-SETYEBRE 4, 2016
TOMO XXXIV BLG. 11 AGOSTO 29-SETYEMBRE 4, 2016
LATHALAIN
3
EDITORYAL
Tupang ulol! Malamang ‘di na bago sa inyo ang mainit na palitan nina Duterte at De Lima. Dahil sa ‘di-umanong pangungulit ni De Lima sa pamamalakad ni Digong, ang ‘kagalang-galang’ na pangulo ay napilitang maglahad ng kanyang ‘katotohanan’ patungkol kay De Lima. Pinatamaan ng presidente si De Lima sa kanyang mabagal na pag-aksyon sa
problema sa droga sa loob ng New Bilibid Prison. Tinawag din niyang protector ng mga drug lord si De Lima, kaya raw siya pinaiimbestigahan sa Senado. At dahil parang ‘di makukumpleto ang isang ‘Duterte speech’ kung walang salitang-sanggano, binulgar niya na kinakabit ni De Lima ang kanyang drayber na pamilyado. Imoral daw at naglilinis-linisan si Leila.
Mundong ‘di patas… Sa ilang taon na arawaraw tayong pumapasok sa paaralan, naitanim na sa ating kaisipan na ang bawat tao’y may karapatang iniingatan, at responsibilidad na ginagampanan. Na ang bawat buhay ay dapat galangin at pangalagaan. Subalit sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari, tingin ko’y limot na ito ng karamihan.
Minsan pa nga ninais ko ng sabihin na, “Mam, ser, tao din po kaming inyong mga mag-aaral. Pumila din ho kami. Naghintay. Nagsikap umabot sa dulo.” Ang siste po kasi ay pumila po ako, subalit dala ng posisyon niyo ay nauna kayong bigyan ng serbisyo. “Estudyante ka lang, ‘wag kang magdunungdunungan…” Opo, kung ikukompara nga po namin
Eh dahil may ebidensiya at witness daw si Digong (na hindi ibinanggit kung sino), hindi na raw tayo dapat magalinlangan na lunukin ito bilang katotohanan. Siyempre, mariin na tinanggi ni De Lima ang mga patutsada sa kanya ni Duterte. Maiyak-iyak niyang tinuligsa ang pagpaparatang ni Duterte – isa raw itong pag-abuso sa kanyang kapangyarihan at hindi karapat-rapat bilang pinakapunong ehekutibo ng bansa. Ngunit ang matindi at lubhang nakaka-alarma sa akin, ay ang masugid at marubdob na pagsuporta ng mga tao sa ginawang pagpapahiya at paglalapastangan ni Duterte sa diginidad ni De Lima. Walang kuwenta ang mga salita ni Duterte kung hindi ito sasakyan ng masa; kaso ang nagyayari, eh sabik na sabik pang maki-angkas ang iba (payag pa yata ang ibang magbayad ng pamasahe)!
Kahit kung saan mang partido nakiki-anib, ang ganitong klase ng pagsasalita sa publiko ay ‘di katanggaptanggap at isang pang-iinsulto sa ating pag-iisip. Eh noong panahon pa ng kampanya ay labis ang pagkagalit ng marami ng inulan si Duterte ng mga personal na atake. Bakit ngayon ay labis na ang pagpupuri sa ganitong mga argumento (argumentong ad hominem, sa gustong mgpalalim-kaalaman) porke si Digong na ang nagsalita? Ganito na nga ba kadaling mauto at mapaniwala ang karamihan sa atin? Basahin mo lang ang mga komento ng mga netizens ukol dito at mapapaisip ka na ika’y nasasagasaan ng kawan ng nagtatakbuhang tupa – mga tupang lubhang nadali ng pagka-ulol. Marahil ang dakilang pastol ng mga tupang-ulol ay nakasuot ng jumper, kaya di nya na alam kung ano ‘yung ‘below the belt.’
ang aming mga napagdaanan kaysa sa inyu, marami pa nga po kaming dapat matutunan. Subalit ‘di po lahat ng napagdaanan namin ay napagdaanan niyo. Di lahat ng natutunan namin ay natutunan niyo rin. Kanyakanya po tayo ng karanasan. Hindi po ba’y isa kayo sa mga dapat maging huwaran ng mabuting asal? Maraming beses niyo na po kaming hinuhusgahan sa kawalan namin ng pagpapahalaga, pagkawalang-modo at kung anu-ano pang negatibong pag-uugali. Ngunit ang ipinapakita niyo’y uliran po bang matatawag? Isa pang may napakalaking epekto sa pananaw ng mundo sa atin ang asal ng ating pangulong ating iniluklok sa pwesto noong Mayo. Magmula ng maupo si Digong, mahigit kumulang dalawang libo na ang nagiging biktima ng extrajudicial killings na aniya’y dala ng
pangako ng pagsugpo ng paggamit sa iligal na droga. Katulad na lamang ni Eric Quintana Sison, na anang pamilya’y sumuko ngunit binaril-patay ng pulis sa isang operasyon, at iba pang mga ‘di kilalang napatay ng mga armadong kalalakihan. Mayaman man o mahirap, hindi po ba’y karapat-dapat tayong dumaan sa tamang proseso ng paghuhusga o due process? Marami man ang sumusuporta sa aksyong ito subalit marami ring karapatan ang naapakan at pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Nakatawag pansin pa ito sa gobyerno ng Estados Unidos na nagpahayag ng pag-aalala, at dalawang human rights experts ng United Nations na nakiusap na itigil ito ni Digong. Subalit animo’y matigas na batong nagbabala ang pangulong MUNDONG/ sa pahina 4
Kuha ni Neil Ryan Saraña
IMAHE NG KAMPUS Mary Joy C. Llorente
Si Juan at ang Katotohanan Jenifer L. Cenas
Bilang isang arkipelagong bansa, binubuo ang Pilipinas ng maraming magagandang tanawin na siyang humahalina sa napakaraming dayuhan at mananakop. At hindi lamang kilala ang ating bansa sa mga destinasyong ito kung hindi kilala rin sa magandang pakikitungo ng mga Pilipino. Sa laki ng impluwensiya ng mga dayuhan at sa dami ng maling impormasyon na pumapalibot sa atin, ikaw pa nga ba si Juan? Sa bawat taong dumaraan na ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa, masakit ang katotohanan na marami pa rin ang nalilito kung Tagalog, Pilipino o Filipino ba talaga ang Pambansang Wika ng Pilipinas. Dagdag pa ang nakasaad sa pinakabagong dalawampung pisong papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas na “Filipino as the National Language 1935.” Kapag tinatanong naman kung ano nga ba ang pinakaunang alpabeto ng Pilipinas, ang karaniwang sagot ay Alibata na isa na naman sa maling kaalaman na napapasa sa bawat henerasyong dumarating. Alibata, Baybayin o Abecedario? Ang katotohanan sa likod ng kalituhang ito ay ang paggaya sa unang dalawang letra ng alpabeto ng Maguindanao na gamit sa katimugang bahagi ng ating bansa – ang alif at bet – Alibata. Kaya naman ang tamang tawag o pangalan ng pinakaunang alpabeto ng Pilipinas ay Baybayin. Ang Alibata talaga ay ang katawagan sa alpabetong Arabic sa ilalim ng sistemang Abjad, isang sistema ng pagsusulat na pawing katinig lamang ang gamit at ang mambabasa ang madaragdag sa patinig, habang ang Baybayin ay napabibilang sa Brahmic scripts, ang pinakamatandang sistema ng pagsusulat sa Katimugang Asya. Ang salitang Baybayin ay nagmula sa salitang “baybay” na binubuo ng 17 letra. Pagdating naman ng mga Kastila, nadagdagan ng mga letrang “e” at “u” ang pangkat at tinawag na Abecedario. Noong ika-30
ng Disyembre 1937, muling nadagdagan ng “r” ang alpabeto at tinawag na Abakada na binubuo ng 20 letra. Muling pinagyaman ang ating alpabeto noong 1971 nang umabot ito ng 31 letra. At sa makabagong alpabeto ng 1987, binubuo na ito ng 28 letra kasama ang “ng” at “ñ”. Tagalog, Pilipino o Filipino? Alinsunod sa Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso ay naatasan paunlarin at pagtibayin angpangkalahatangPambansang Wika na magmumula sa mga katutubong wika ng bansa. Sa madaling salita, wala pang ahensiya ng pamahalaan ang naitatag na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika, at lalung-lalo na wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wika ang magiging batayan ng pambansang wika. Ayon sa Surian ng Wikang Pambansa, na naitatag
TALAARAWAN
Guhit ni Emmanuel D. Manlun-uyan
Magmula noong nilikha ang Board Resolution na nagpapahinto sa mga iba’t ibang anyo ng koleksyon sa unibersidad, ang publikasyon ng NORSU ay umasa na lamang sa mga naiwang pondo ng nakaraang taon upang may maigugol sa paglilimbag ng pahayagan linggo-linggo, scholarship para sa mga estudyanteng mamamahayag, at sa mga seminars at trainings taon-taon upang makapagserbisyo ng maayos sa mga mag-aaral. Sa taong ito, ang natirang pondo ng The NORSUnian Main Campus ay Php 1,685,188.75 na lamang. Hindi sapat upang matugunan ang pantaunang gastusin ng publikasyon. Naglilimbag ng 4,000 na isyu ng pahayagan ang TN linggolinggo at ito ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 500,000 kada semestre. Idagdag pa rito ang iba pang mga gastusin panloob. Malinaw na hindi sapat ang naiwang pondo upang ipagtuloy ang operasyon ng publikasyon lalo na sa susunod pang mga taon. Mahalaga ang student publication sa unibersidad dahil ito ang nagsisilbing midyum para maipahayag ng mga estudyante ang kanilang mga sentimyento. Ito ang pinagkukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral, mga guro, at iba pang miyembro ng administrasyon, sa mga kaganapan sa loob at labas ng pamantasan. Hindi lamang ito nagsisilbing mapanuring mata at boses ng mga mag-aaral, nagsisilbi rin itong tagapagtanggol at tagapangalaga ng karapatan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa mga isyu at suliranin ng unibersidad. Nagsisilbing dugo ang publication fee upang makapaglimbag ng pahayagan at makapaghatid ng serbisyo ang publikasyon. Gayundin, ang pondong nagmumula rito ay ginagamit sa iskolarship at honoraria ng mga mamamahayag na nagtatrabaho, nagpapagod at nagugugol ng kanilang oras at kasanayan para makapaghatid ng mga balita. Maituturing nga ba na unnecessary fee ang publication fee kung patuloy na nakikinabang hindi lamang ang mga estudyante kundi pati na rin ang mga nasa administrasyon sa mga resulta ng pagpapawis at pagugol ng maraming oras ng mga estudyanteng mamamahayag? Hindi ba nakikita ang lingguhang pagpapalabas ng mga pahayagan sa gate ng eskwelahan? Hindi ba natutulungan ng pahayagan ang eskwelahan sa paghatid ng mga balita at mga impormasyon para sa kaalaman ng lahat? Hindi ba’t nararapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ng administrasyon ang pondong may pakinabang ang mga estudyante? Bilang mga pangunahing tagatanggap, hindi dapat ipagkait sa mga mag-aaral ang kanilang karapatan na makapagpahayag nang malaya, karapatang magmulat, at karapatang manindigan. Ang maaaring paglumpo ng publikasyon sa paghinto ng pagkolekta ng publication fee ay maituturing na isang paglabag sa batas pambansa. Magkaisa sana tayo’ng manindigan para sa ating karapatan.
Guhit ni Marko Mikhal G. Deposoy at Jonel A. Baligasa
Marapat lamang po!
Ang Huling Pagkikita Kwento ni Natalya
alinsunod sa Batas Komonwelt Blg.184, napili ang Tagalog bilang pambansang wika na ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Subalit hindi pa rin ito naging opisiyal na pambansang wika dulot ng mga banyagang wika at salita na halu-halong ginamit. Kaya noong ika-13 ng Disyembre 1937, sinangayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.” Noong ika-4 ng Hunyo 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang wikang pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino at isa nang wikang opisyal. At noong 1959, ibinaba Jose Romero—kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang
Wikang Pambansa ay tatawaging wikang Pilipino. Ipinakilala naman ng dating pangulong Ferdinand Marcos ang wikang Pilipino na base sa Tagalog at may halong mga hiram na salita bilang
Marahil isa sa bagay na masakit at mahirap tanggapin ay ang paglisan sa iyong pinakamalapit na kaibigan na palaging andiyan para sa iyo. Nakilala ko si Art (hindi niya tunay na p anga l an) nang ako ay sumali sa isang organisasyon dito sa paaralan. Matagal-tagal na din kaming nagkasama at unti-unti na naming nakikilala ang is a’t - is a . Ito ay g u mu h it ng m a l i ng i mpre s yon s a aming mga kaibigan. Ang pinaniniwalaan nilang may tinatago kaming relasyon ay isang pagkakamali sapagkat kaibigan lang talaga kami.
Sa taon na ito ay masayang natapos niya ang kanyang apat na taong pagaaral sa kanyang napiling k u r s o d i t o s a NOR S U. D a h i l s a k a g u s tu h a n n g mga kapatid ni Art na magkaroon siya ng kaayaaya at maayos na trabaho, doon nagsimula ang lahat na mga plano na tulungan siya para sa hinaharap. Tanggap din naman niya ang alok na tulong galing sa kanyang mga nakakatandang kapatid upang makatulong sa pamilya kahit na ang kapalit nito ay ang mapalayo sa mga mahal sa buhay.
Ilang taon na ang nakalipas sa bayan ng Manjuyod, ang kanyang mga magulang ay nagdesisyon na iyon na ang tamang panahon para sa kanilang nagbibinatang anak na umalis sa kanilang poder at lumipat, hindi lang sa kabilang kalye o sa kasunod na bayan kung hindi sa sentro ng sibilisasyon – sa siyudad. Si Jurivee Rodriguez ang tipo ng binata na gugustuhin mong isali sa mga patimpalak, partikular na sa dance sport battle, sa mga amateur singing contest, o sa isang macho gay competition. Nasa kanya ang mga katangian upang hindi lang basta makilahok kung hindi ay malamang na mag-uwi ng kampeonato. Hindi siya ang tipo na maaari mong api-apihin, pagtawanan at paglaruan dahil makikita mo sa kanyang matikas na kilos at galaw, tucked-in na pantalon, asul na kwelyadong damit at makintab na itim na sapatos na siya ay opisyal ng Air Force ROTC. Ginawa ng kanyang mga magulang na mga magsasaka ang lahat ng kanilang makakaya upang maitaguyod at mapagyaman ang hinaharap nilang magkakapatid. Ngunit naging mas mahirap ang buhay noong mag-isa siyang nag-aral sa NORSU nang hindi magkasya ang bigay na pera ng mga magulang para sa kanyang pangaraw-araw na pangangailangan bilang isang estudyante. Nag-apply siya bilang isang security guard sa isang pribadong establishimento upang makatulong, ngunit hindi siya nagtagal sa trabahong iyon dahil hindi na siya nakakapag-aral nang mabuti habang pinaglalaanan ng dose oras kada araw ang pagiging guwardiya. Ang masayahin at masiglang binata na nasa edad 19 taong gulang – matangkad, moreno, may matitingkad na kayumangging mga mata, maalon na mga pilikmata, ay tumayo sa sariling mga paa at nagsumikap para matustusan ang kanyang mga pangangailangan bilang isang estudyante. Noong una, gusto niyang maging naka-unipormeng sibilyan para lamang sa kabantugan at katanyagan ng kanyang posisyon ngunit namulat siya sa masaklap na kalagayan ng bansa, kung paano minamaliit lalo ang mahihirap at kung paano minamaltrato ang mga walang kalaban-laban. Nais niyang paunlarin at ipaglaban ang pagkakapantay-pantay at katarungan para sa lahat, bilang sibilyan o tagapagpatupad man ng batas. Ang kanyang pananalig ay makailang-ulit na sinubok. Ang magkalaman ang kanyang sikmura ng tatlong beses sa isang araw, ang naging kanyang pinakamalaking suliranin. Ito ang mga pagkakataong napagtatanto niya kung gaano katakam-takam ang mga lamang-lupa gaya ng kamote at gabi dahil ito lamang ang mayroon siya sa isang linggo nang walang singkong-kusing. Para magpatuloy sa araw-araw, “Gamay ra may makaon, maong tubig nalang ang daghanon,” ani niya. Gayon pa man, hindi nabawasan kahit kaunti ang pananalig niya sa Diyos sa paniniwala na “Kanang atong mga physical needs and wants nga dili nato makuha karon, puhon-puhon dali rana kayo natung kwaon, butang man o tawo.” IMAHE/sa pahina 5
SI/sa pahina 6
Araw-araw kaming masayang nagkasama. Kain dito, kain doon; gala ngayon, gala bukas. Matagal-tagal din naman ang mga panahong iyon, subalit parang sa isang kisapmata lamang ay kailangan nang maghiwalay sa isa’t-isa. Hanggang sa isang araw nalang bago ang alis niya papuntang Maynila, na k a k a lu ng kot is ipi n na hindi ko na siya makikita sa personal. Hindi ko na rin siya mahahawakan at makakasama. Sadyang mabilis ang takbo ng oras na hindi mo mamamalayan
na kailangan na palang magpaalam. Ang araw na iyon ang huling pagkakaton na kami ay nagkasama. Niyakap ko siya nang mahigpit. Tila huminto ang oras. Tumahimik ang paligid. Marami sana akong gustong sabihin at maraming pumasok sa utak ko na dapat kong masabi ngunit aking tanging iniisip ay ang sandaling iyon. Siya. Malinaw kong natatandaan ang bawat detalye nang tuluyan siyang tumalikod sa akin at hindi ko mapigilang maiyak. Hindi ANG/sa pahina 4
4
LAKRA TINTA
TOMO XXXIV BLG. 11 AGOSTO 29-SETYEMBRE 4, 2016
Estudyante nagreklamo vs guro Mary Joy C. Llorente
Guhit nina Marko Mikhal G. Deposoy, Joemar B. Villarejo at Jonel A. Baligasa
Nakatanggap ng reklamo ang Student Affairs Services (SAS) hinggil sa diumano’y pananakit ni Gng. Bernadette Araula kay Judy Ann Taguiam noong umaga ng Hulyo 12 sa College of Arts and Sciences (CAS). Ayon kay Taguiam ng kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA), habang nasa labasan siya ng ikatlong palapag ng gusali at maingay ang lahat, kasama niya ang ilang kaklase na nag-aaral sa isang sulok nang biglang saklutin umano ang mga balikat niya ni Araula, guro sa Literatura na kasalukuyang mayroong klase. Katulad ng saksing kasama Taguiam na tumangging magpakilala, niyugyug siya ng guro saka pinaharap at pinagalitan sa harap ng mga estudyante. Napansin niya na mahapdi ang kanyang mga balikat dahil na rin sa sugat na nakuha nito sa pagkakahawi ng guro. “Nahibal-an nalang sa akong mga auntie niya suko kaayo sila kay dili lage jud kuno angay.” salaysay ni Taguiam. Dagdag pa ni Taguiam na pinagsabihan siya ng kanyang mga tiya na magrereklamo sila kapag hindi siya idadaing ang nangyari sa unibersidad. Dumulog si Taguiam kasama ang kanyang pinsan sa SAS at ng hindi na lumaki ang gulo. Bilang patunay sa pananakit, kinunan niya ng larawan ang kanyang mga sugat at ibinalita sa tanggapan ng SAS. Alinsunod sa payo ng SAS Director Julio Ventolero, kumuha ng mediko legal si Taguiam matapos niyang magreklamo. Sabi ni Ventolero, ito ay kanyang agad inaksyunan at iprenisenta sa CARE Center para tawagin ang atensyon ng guro. Ayon kay University Guidance Counselor Annie Rose Taguba, alam niya na palaging tinatawag ni Araula ang atensyon ng mga nag-iingay na estudyante. Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Taguba, “I asked her, unsa man ng bata kay basin nakuramos tuod tungod sa kataas, ang effort ba but she said man more or less sila-sila ra katas-a so dili siya makuramusan.” Hinarap ng guro ang reklamo nang positibo at buo ang loob na sinabing, “My conscience is clear.” Sa isang panayam sa TN, isinalaysay ni Araula ang nangyari ayon sa kanyang pagkakatanda. “I was having my class at 303. They were I think waiting for their class but everything was very noisy. And so she was talking, I believe, because her back was turned against me so I was facing her back, she was facing her friends. I went out of the room and pointed to the signage [SILENCE] and said ‘Can you read!’ and you know how loud my voice is. ‘Why are you so inconsiderate?’ I vented out for them to behave. She heard me but she did not have the courtesy to face me so I held her by the shoulders unya ako siyang gituyok but still I did not talk to her only but I talked to the group. I asked for her name and ID. After that I went back to my classroom and that was it.” Hinggil dito, mariin niyang sinabi kay Ventolero na handa siyang humarap sa anumang uri ng imbestigasyon kung kinakailangan upang maresolba ang kaso at payag siya na magharap sila ng estudyante sa isang forum. Aminado naman si Taguiam sa kanyang pagkakasala nang napalakas ang kanyang boses ngunit hindi raw ito sapat na dahilan upang siya ay pisikal na saktan ng guro. “Hinaot unta nga dili na niya buhaton to sa lain,” ani niya. Inamin rin ni Taguiam sa isang panayam sa TN noong Biyernes, Agosto 5, na wala na siyang balak na ipagpatuloy pa ang reklamo subalit kung mayroong ibang estudyante na mayroong parehon na kaso at dadaing sa SAS ay nakahanda siyang magbigay ng pahayag kung kinakailangan. ANG/mula sa pahina 3
Student Publication Fee Budget Proposal
k o a l a m ku n g p a a n o k o haharapin ang mga araw na darating dahil sa nasanay na akong kapiling siya. Pero kahit ganoon pa ma’y p atu l oy p a r i n ang pagiging positibo sa buhay at nawa’y sa mga taong darating ay makakapiling ko rin siyang muli. Ngayon ay kasama na ni Art ang kanyang mga kapatid sa Middle East. Si Natalya ay may taglay na katangiang mahinhin. Isa siyang masipag na magaaral ng kursong Mechanical Engineering at siya’y nasa ikaapat na taon dito sa NORSU.
MUNDONG/mula sa pahina 2
aalisin ang Pilipinas sa UN. Oo, hinangad natin ang napakalaking pagbabagong kanyang dala subalit kung buhay ang kapalit ng mga pagababagong ito, sulit pa ba? Na sa dulot ninyong pagbabago ay mga karapatang pantao ang yinuyurakan at ipinagsasawalang-bahala? Hindi nga po simple ang mga kasalukuyang kaganapan, subalit napakasimple lang naman ng sulosyon. Sana lamang po’y maalala nating sa ating mundong ‘di patas, tayo’y pantay-pantay sa mata ng batas.
TOMO XXXIV BLG. 11 AGOSTO 29-SETYEMBRE 4, 2016
NEWSBITS
Bagong aparato ng CEA Matapos ang apat na taong paghihintay, ikinagalak ng mga estudyante ng College of Engineering and Architecture (CEA) ang Php2.8M halaga ng bagong kagamitang dumating noong Marso. Ang naturang mga kagamitan ay isang set ng Instrumentation and Process Control (IPC) na binubuo ng pressurized process tank na mayroong heater, temperature sensor, level sensor, pressure sensor, thrust meter, thermometer. May iba pang mga aksesoryang nakakabit dito gaya ng pump, flux meter, rotameter, linear motor operated valve, solenoid valves, manually operated valves, flow water circuits, at protection. Ikinagalak ito ng mga estudyanteng nasa ika-limang taon na dahil hindi lamang sila natututo mula sa mga libro ngunit maaari na rin nilang gamitin ang kanilang natutuhan sa aktwal na mga sitwasyon. Banggit ng pinuno ng departamento ng Electronics Engineering Gwyn Balolong, ang kanilang paghihintay ay, “Sobra pa sa worth it. Gamit jud siya kaayo.” “Naabtan nalang og tulo ka presidente [ng NORSU]. Dugay kaayo to nga pag-antos namo,” ani ng CEA Dean Josef Vill Villanueva. Patapos na ang termino noon ng dating presidente ng NORSU Henry Sojor nang maipresenta ang proyektong ito. Sa pamunuan ni Vicente Real hindi ito naipatupad dahil sa mga isyung kinaharap ng kanyang administrasyon. Nang umupo na noon ang Officer-in-Charge Peter Dayot, doon lamang naaprobahan ang proyekto. Sa apat na taong paghihintay sa mga nasabing kagamitan, ipinagpatuloy ni Balolong ang pagtuturo gamit ang kanilang lumang mga aparato. Dagdag niya, may kamahalan ang mga gamit dahil ito ay makabagong aparato upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon at malinang nang husto ang kahusayan ng mga estudyanteng magtatapos ng Engineering sa pamantasan. Pagmamalaki ni Villanueva, iilan lamang sa mga unibersidad ng bansa ang mayroon ng aparatong ito at mapalad na napabilang ang NORSU sa bilang na iyon.Ito ay nakalinya para sa apat na programa ng CEA na Mechanical Engineering (ME), Computer Engineering (CoE), Electronics and Communications Engineering (ECE) at ng Electrical Engineering (EE). Pansamantalang nakatabi ang mga kagamitan sa silid ni Balolong at ililipat sa laboratoryo ng Engineering kapag naitayo na ang naturang gusali. (C. Llorente) PANGOLEKTAG/mula sa pahina 1
estudyante sa “pagpangayongayo.” Tungod niini, si Valencia mipadangat og sulat ngadto sa Presidente sa Unibersidad Joel P. Limson, diin iyang gitumbok ang nahimong papel nilang Buildings and Grounds Director Julius M. Ausejo ug Presidente sa LSO Rojan Talita sa pagpangolekta og basurahan. Gisaysay usab niya nga niadtong Hulyo 19, nisulong sa National Office sa Federation of Student Governments (FSG) si Talita ug matud ni Valencia siya namahayag, “Wala daw siyay idea…nanghinaw siya, iyahang gitudlo si Sir Julius Ausejo nga maoy nangulekta sa trash bins og iyaha [Talita] ra pud tagaan og extension kon dili kahatag og trash bins, pero dili permahan ni Ausejo ang application form.” Sa laing bahin, si Talita nidepensa sa mga paghimaraot ni Valencia ngadto kaniya, ang pagpangulekta og basurahan usa ka proyekto sa tibuok kahugpungan sa mga estudyante sa LSO ug kini wala makalapas sa BOR Resolusyon tungod kay wala sila mamugos ug ila na kining nasabutan sa tanang estudyante sa organisasyon nga, “kon walay kwarta, mangitag sponsors.” Giklaro usab niya nga wala nakabutang sa “Checklist” nga kon dili makahatag og tulo ka basurahan, dili marehistro sa LSO ug saksi si Student Affairs Services (SAS) Director Julio Ventolero niini.
Namahayag usab siya, nga adunay katungod si Valencia nga mangutana, apan dili ilegal ang pagpangayo og sponsorship, “It’s part of marketing. We are training the students even myself… for sure the university can’t suffice everything,” og kini usab tabang sa unibersidad tungod kay matud ni Ausejo walay badyet para niini. Sa katapusan, si Rojan niingon, “I will just do kon unsay dapat buhaton because I am for students’ rights…and I am a convener of STRAW coalition sa NORSU and it will be a shame for me if I violate a student right.” Sa pakighinabi sa TN, si Ausejo nibutyag nga iyang giapil sa badyet sa 2016 ang mga basurahan apan dugay ang pagproseso niini ug tungod kay alanganin na kayo, iyang gibalhin sa 2017 nga badyet. Sa k inat ibu k-an siya namahayag, ang paghatag og basurahan sa organisasyon proyekto kini sa LSO og kinahanglanon gayod. “Ang no collection policy ato idetermine kon unsa na siya na collection, is it money or items or materials, kon money siya dili man pud tingali mo-counter act kay ang gihatag trash bin man, dili money,” niingon siya. Basi sa nasabutan sa tanang miyembre sa LSO sa niaging miting Agusto 11,2016 pormal na nilang gipaundang ang pagpangolekta og trash bins hinungdan sa mga nanggula na isyu.
BALITA CCJE/mula sa pahina 1
Binigyan-diin ni Virginia Lacuesta, Vice-President for Research, Extension, and Internal Linkages (VPREXIL) ang pagkakaroon ng progresibong mga pananaliksik upang masolusyonan ang pangangailangan ng lipunan. Samantala, nanalo si Jean Pauyon ng University of Negros Occidental-Recoletos bilang Best Criminal Justice Poster at Best Criminal Justice Paper sa kanyang gawang pinangalanang “Improvisation in Forensic Investigation: Its efficacy in Criminal Detection.” Tumanggap rin ng gantimpala ang gawa nina Chona Q. Sarmiento at Ma. Carla A. Ochotorena ng Western Mindanao State University na may pamagat
na “A Case Study on Cross Border Rice Trade and Smuggling in Zambasulta” bilang Best Criminal Justice Paper. Mahigit 50 mga guro sa kriminolohiya, mananaliksik, at mga propesyonal ang dumalo sa pagpupulong at nagbahagi ng kanilang mga sariling pananaliksik. Ang PCJRS ay binuo noong 2014 upang suportahan ang mga saliksik na may kinalaman sa Criminology at Criminal Justice. Nais nitong turuan ang mga guro ng kriminolohiya, mambabatas at mga propesyonal sa larangan upang mapahusay ang pagpapatupad ng batas at paglaban sa mga kriminalidad.
IMAHE/mula sa pahina 3
Naniniwala siya na ang ibig-sabihin ng buhay ay ang matagumpay na paglampas ng mga problemang darating. Isinasaisip niyang, “Mahuman imong mga pagantos karon, wala nay laing mosunod kundi tawhay nga kinabuhi.” Pamilya ang tanging dahilan niya upang magpatuloy at hindi niya iniinda ang mga balakid sa kanyang landas na tinatahak. At ang nagpapagalak sa kanya ay ang pag-ukit ng larawan ng kanyang buong pamilya sa kanyang landasin, balutin
ito ng buong pagmamahal at paggalang, at isabit ito sa kanyang puso magpakailan man. Hindi sumagi ni isang beses sa kanyang isipan na mapariwara, magpatalo sa laro ng buhay at bitiwan ang lahat kanyang mga prinsipyo; sa halip, ngayong nasa ikatlong taon na si Jurivee na nakatuon lamang sa iisang layunin – ang makapagtapos sa oras sa kursong Bachelor of Science in Criminology mula sa kapuri-puring departamento ng College of Criminal Justice Education.
KOLEKSYON/mula sa pahina 1
our representation as students and as a student publication, created mainly by Republic Act 7079 [Campus Journalism Act of 1991] will suffer,” ipinahayag niya. Idinidiin din ni Ho ang mangayayri kung hindi tutulungan ng administrasyon ang pahayagan, “There would be no publication, no newspaper for accreditation purposes, and no alternative media for the students to read. The fact that they [students] are the ones contributing for this [publication], the opportunity of establishing a network of students exercising their individual right to express will continually be repressed,” Ipinaliwanag ng dating presidente ng CEGP Marc Lino Abila na para mapatibay ang pagbalik ng publication funds, dapat na magkaisa ang lahat ng satellite at main kampus sa pakikiusap sa administrasyon. “Assert your rights, raise your concerns, kapag hindi sila pumayag, itaas ang level ng campaign,” ani niya. Dagdag niya, isa sa mga dahilan kung bakit dapat maging mandatory ang pagkolekta ng pondo ay ang kawalan ng ibang pgkukuhanan ng pondo para sa publiksayon. “Student publication ‘yan, para sa students,
pinakamagandang paraan ay students mismo ang magcontribute,” mungkahi niya. Aniya, “Para mapreserve ang pagka-prostudent, i-assert ninyo sa administration na ‘yong karapatan ng publikasyon ay hindi dapat bina-violate, particularly ‘yong hindi pagkokolekta ng pondo.” Sang-ayon naman dito si Jose Mari Callueng, ang bagong halal na presidente sa CEGP, “Ang campus press violation ay porma ng human rights violation, karapatan ninyo yun, kailangan niyo yung i-assert!” Ibinahagi ni Callueng ang kanyang pananaw sa administrasyon ng NORSU. “Ito (ang pagwala sa koleksyon) ay porma ng isang repression kasi pinipigilan kayo sa malayang pamamahayag…kasi the best way to silence your publication is through your funds kasi ‘yun ang life ng pub,” sabi niya. Tugon nito, isinagot ni Ho, “It’s very discouraging on the part of the publication that the university isn’t collecting fees for us. Over other redundant and unnecessary miscellaneous fees, the student publication and student government fees should be prioritized. They should provide what the students need for a worthwhile university experience, of course with reasonable reservations.”
5 Board of Regents RESOLUTION APPROVED DURING THE 2nd SPECIAL MEETING FOR THE 2nd QUARTER, CY 2016 HELD ON May 13, 2016 AT THE CHED CENTRAL OFFICE, QUEZON CITY “RESOLUTION No. 31, s. of 2016 RESOLVE, TO APPROVE THE PRESENTED AGENDA FOR THE BOARD OF REGENTS MEETING ON MAY 13, 2016 AS AMENDED (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 32, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE MINUTES OF THE FEBRUARY 12, 2016 BOARD OF REGENTS MEETING AS AMENDED (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 33, s. of 2016 RESOLVED, TO TRANSFER UNUTILIZED BALANCES FROM TUITION AND LABORATORY FEES AS OF DECEMBER 31, 2014 FROM EXTERNAL CAMPUSES WHICH PROVIDED SAID FUNDS (document referred from part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 34, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE ACCEPTANCE OF THE PRESIDENT’S REPORT FOR THE FIRST QUARTER OF FY 2016 AS PRESENTED (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 35, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE SUBMITTED REVISED PROGRAM OF RECEIPTS AND EXPENDITURES (PRE) FOR FY 2016 AS REVIEWED AND ENDORSED BY THE BOARD OF REGENTS (BOR) FINANCE COMMITTEE IN THE TOTAL AMOUNT OF PHP 1,082,513,000.00 (document referred form part and parcel hereto). RESOLVED FURTHER, TO HAVE THE PRE FOR FY 2017 SUBMITTED FOR BOR APPROVAL WITHIN THE FOURTH QUARTER OF FY 2016. APPROVED.” “RESOLUTION No. 36, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) ON THE DENTAL TEAM HONORARIA IN THE TOTAL AMOUNT OF PHP 20,000.00 (AT PHP 5,000.00 PER PRIVATE PRACTIONER DENTIST), SUBJECT TO EXISTING COA RULES AND REGULATIONS (document referred form part and parcel hereto). RESOLVED FURTHER, FOR THE UNIVERSITY TO BE MORE PRUDENT IN GOING INTO SIMILAR ACTIVITIES TO AVOID FUTURE COMPLICATIONS. APPROVED.” “RESOLUTION No. 37, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE COLLECTION OF STUDENT TEACHING FEES AND THEIR PROPOSED UTILIZATION AS PRESENTED SUBJECT TO EXISTING COA RULES AND REGULATIONS (document referred form part and parcel hereto). RESOLVED FURTHER, THAT THE HONORARIA TO CONCERNED DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED) OFFICIAL/TEACHERS AND NORSU FACULTY BE DONE THROUGH CHECK PAYMENTS RATHER THAN THROUGH A PAYROLL SYSTEM APPROVED.” “RESOLUTION No. 38, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE PAYMENT OF FY 2015 PRIOR YEAR EXPENSES IN THE TOTAL AMOUNT OF PHP 183,656.17 CHARGEABLE TO PERSONNEL SERVICES (PS) OF THE GENERAL FUND 101 AND SPECIAL TRUST FUND 164-TUITION, SUBJECT TO EXISTING COA RULES AND REGULATIONS(document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 39, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE EXPANDED TERTIARY EDUCATION EQUIVALENCY AND ACCREDITATION PROGRAM (ETEEAP) SCHEDULE OF FEES AND CHARGES WITH MODIFICATIONS AND APTLY CHANGE THE TITLE “DEVELOPMENT FEE” TO LABORATORY AND FACILITIES FEE” (document referred form part and parcel hereto). RESOLOVED FURTHER, TO APRROVE THE PRICE AND REVENUE-SHARING POLICIES OF ETEEAP MODULES (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 40, s. of 2016 RESOLVED, FOR THE LEGAL COUNSEL TO REVIEW THE MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) WITH PAIDOS LEARNING CENTER AND SUBMIT HIS/HER OPINION ON THE LEGALITY OF SAID MOA TO THE BOARD OF REGENTS FOR ITS GUIDANCE AND REFERENCE (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 41, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE CONSORTIUM WITH THE NORTHERN ILOILO POLYTECHNIC STATE COLLEGE (NIPSC) ON GRADUATE EDUCATION AND RESEARCH SUBJECT TO THE SUBMISSION OF A STATUS REPORT TO THE BOARD OF REGENTS AFTER A YEAR OF OPERATION (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 42, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE DESIGNATIONS OF THE FOLLOWING PERSONNEL TO THEIR RESPECTIVE POSITIONS EFFECTIVE IMMEDIATELY: 1. JESSIE CECILIA A. LEYVA- DIRECTOR FOR THE UNIVERSITY EXTENSION IN LIEU OF DR. EVELYN M. LAZALITA 2. ROMEO N. TOQUERO- SUPPLY OFFICER, GUIHULNGAN CAMPUS IN LIEU OF MS. TEODOMIRA RICARDO APPROVED.” “RESOLUTION No. 43, s. of 2016 RESOLVED, THE REITERATE BOR RESOLUTION NOS. 51, 52, 53, AND 54, S. OF 2015 (WITH EMPHASIS ON THE “NO COLLECTION POLICY”); RESOLVED FURTHER, THAT STUDENT BODIES OR COLLEGES SHALL SUBMIT THEIR RESPECTIVE PROPOSALS FOR STUDENT ACTIVITIES TO THE BOARD OF REGENTS FOR APPROVAL. APPROVED.” “RESOLUTION No. 44, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE MEMORANDUM OF AGREEMENT ON THE SECONDMENT OF DR. JOEL P. LIMSON AS PRESIDENT OF NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY (NORSU) SUBJECT TO EXISTING CIVIL SERVICE COMMISSION (CSC) RULES AND REGULATIONS (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 45, s. of 2016 RESOLVED, TO CONFIRM BOR RESOLUTION NO. 30, S. OF 2016 ON THE APPROVED RETROACTIVE AUTHORITY TO THEN OFFICER-IN-CHARGE, OFFICE OF THE UNIVERSITY PRESIDENT, TO SIGN PERSONNEL APPOINTMENTS ALREADY APPROVED BY THE BOARD OF REGENTS FROM JANUARY 2, 2015 TO MAY 31, 2015. APPROVED.” “RESOLUTION No. 46, s. of 2016 RESOLVED, TO CONFIRM THE UNIVERSITY RETIREMENTS/VACANT ITEMS AS PRESENTED (document form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 47, s. of 2016 RESOLVED, TO EXTEND THE CONTRACT OF SERVICES WITH THE FOLLOWING FOR FOUR (4) MONTHS UP TO JUNE 30, 2016: 1. SUPERMASTER GENERAL SERVICES FOR JANITORIAL SERVICES 2. ALEXIS SECURITY AGENCY PROVIDER PHILIPPINES CO., INC. FOR SECURITY SERVICES RESOLVED FURTHER, TO SOURCE THE FUNDS FOR SUCH CONTRACTS FROM GENERAL FUND 101 SUBJECT TO COMMISSION ON AUDIT (COA) RULES AND REGULATIONS AND THE PROVISIONS OF RA 9184. APPROVED.” “RESOLUTION No. 48, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE FUND UTILIZATION FOR THE FIRST QUARTER OF FY 2016 IN THE AMOUNT OF PHP 47,026,103.00 WHICH COMES FROM THE BEGINNING BALANCE AS OF JANUARY 1, 2016 IN THE AMOUNT OF PHP 845,181,191.00 (document referred form part and parcel hereto). APRROVED.” “RESOLUTION No. 49, s. of 2016 RESOLVED, TO APPROVE THE PROPOSED FUND UTILIZATION FOR THE SECOND QUARTER FY 2016 IN THE AMOUNT OF PHP 111,370,000.00 TO BE TAKEN FROM THE BALANCE OF PHP 838,290, 297.00 ENDING MARCH 31, 2016 (document referred form part and parcel hereto). APPROVED.” “RESOLUTION No. 50, s. of 2016 RESOLVED, TO APRROVE THE INITIAL BUDGET FOR THE NORSU 2016 STRATEGIC PLANNING ACTIVITY (PHASE 11) IN THE AMOUNT OF PHP 200,000.00 FROM FUND 101 SUBJECT TO COA RULES AND REGULATIONS. APPROVED.” CERTIFIED TO BE TRUE AND CORRECT: CORAZON ADDILY B. UTZURRUM BOAR SECRETARY ATTESTED: JOEL P. LIMSON, Ph.D. University President
ULTIMO
6
TOMO XXXIV BLG. 11 AGOSTO 29-SETYEMBRE 4, 2016
KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG. Matapos italaga na bagong National President ng College Editors Guild of The Philippines, kinapanayam ng mga dumalong manunulat si Jose Marie Callueng tungkol sa layunin nitong ipagpatuloy ang pagsulong sa malayang pamamahayag at ang tutunguhin ng CEGP-NIR upang mabigyang atensyon ang problemang pangkampus ng mga mamahayag sa rehiyon ng Negros.
Jenifer L. Cenas
Sa pagdiriwang ng ika-85 taong pagkatatag ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), ang lathalaing patnugot ng The NORSUnian (TN) ang nahalal na kauna-unahang tagapangulo ng bagong buo na CEGP-Negros Island Region (NIR) chapter. Si Caryl Sapepe, isang estudyante ng Geology, ang napili bilang tagapangulo at naatasang magtaguyod sa kapisanan ng mga mamamahayag sa mga pampaaralang-pahayagan sa isla ng Negros. Bilang bagong tagapangulo, hinihikayat ni Sapepe ang mga estudyanteng ‘di magsawalang-bahala sa mga dumaraming problemang kinakaharap ng iba’t ibang sistema sa edukasyon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pampaaralang pahayagan sa lumalalang pagsasawalangbahala ng ibang estudyante hinggil sa mga isyung kinakaharap hindi lamang ng unibersidad kung hindi sa buong bansa. “Campus press freedom can be either good or bad, but it is even more important at times of challenge and controversy with respect to responsible journalism,” sabi ni Sapepe. Ayon sa bagong halal na CEGP-NIR punong kalihim David Hinolan ng
The Eagle Publication ng Colegio San Agustin-Bacolod, napapanahon ang pagtatag ng chapter na ito sa kadahilanang ilan sa mga pampaaralangpahayagan ay dumaranas ng iba’t ibang klaseng pagsusupil ng pamamahayag. “What they need is help and pillars to lean to— a core group that can be with them in this war for a freer press – and CEGP-NIR can be those,” sabi niya. “By putting up a chapter in our region, at least we could already consult somebody from our region to ask for support concerning journalism,” ani ng punong patnugot ng TNMabinay campus Macario Kiod. Ayon kay Mary Karlyn Subaldo, ang CEGP-NIR coordinator, mahalagang maging listo ang mga pampaaralang-pahayagan sapagkat sila ang may pinakamaimpluwensiyang papel sa pagbibigay-alam sa mga estudyante, “and not only information but there should be a sharp analysis of these things,” dagdag pa niya. Sabi pa ni Jun Rey Tabligan, mula sa The Philippine Artisan Visayas ng Technological University of the Philippines-Visayas at bagong halal na deputy secretary general, ang tagumpay na pagbubuo ng CEGP-NIR chapter ay babatay sa suporta ng mga kasaping pampaaralang-pahayagan.
Na siya namang sinagayunan ni Marc Lino Abila, ang dating presidente ng CEGP, “It would depend on the plan of the local chapter and the publication kung paano lalabanan ang press freedom violation sa loob ng eskwelahan.” “[Ang Press Rights Violation] ‘di lamang sa NORSU nangyayari kung hindi sa maraming SUCs (State Universities and Colleges) at private colleges. Continuous struggle ang nangyayari pero tibayan lang ang loob, [at] magkaisa para ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag,” dagdag niya. Panawagan pa ni Tabligan na magkaisa upang maging boses ng mga inaapi at ilahad ng tunay na estado ng mga marginalized communities, “For us here in CEGP-NIR: May we be one – in voice, in advocacy, and in vision.” “It’s our task,” pahayag pa ni Jose Mari Callueng, ang bagong halal na presidenteng nasyonal ng CEGP, “yung linya natin na gusto ang tunay na pagbabago, and we can only achieve that kapag maoorganisa natin ‘di lamang tayong nakadalo ngayon dito kung hindi kasama yung mga ‘di nakadalo, and through collective actions, we will achieve yung change na gusto natin.” Matatandaang mayroon nang nabuong CEGP-Negros chapter subalit hindi na ito
naging aktibo mula taong 2010 at sa kauna-unahang CEGP-NIR chapter, kabilang sa mga pampaaralangpahayagang bumubuo ay ang The NORSUnian ng NORSUBayawan-Sta. Catalina, The Northern Forum ng Northern Negros State College of Science and TechnologySagay City, The Patrician ng Binalbagan Catholic College, The Aquarian ng Carlos Hilado Memorial State College Binalbagan, at The Torch ng Philippine Normal University. Si Kevin Gayoso naman mula sa The Northern Forum ang naihalal bilang pangalawang tagapangulo. Idinaos din kasabay nito ang 76th National Student Press Convention at 38th Biennial Student Press Congress na naganap sa West Visayas State University (WVSU), La Paz, Iloilo noong ika-3 hanggang 7 ng Agosto, 2016.
Guhit ni Joemar B. Villarejo Paglalarawan ni Judeel E. Cuevas
Kuha ni Joemar B. Villarejo
CEGP-NIR pangungunahan ng TN
SI/mula sa pahina 3
bagong pambansang wika noong 1970. Subalit hindi naging matagumpay ang aksyong ito sapagkat nahaluan ng ibang mga diyalekto sa bansa ang mga salitang-hiram. At nang ilabas ang Saligang Batas ng 1987, Filipino ang kinilalang wikang pambansa na hindi lamang pinaghaluhalong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito ay umusbong mula sa dalawang mayayamang wikang
Pilipino at Tagalog. Sa pangkalahatan, mayroong 125 hanggang 170 wika ang ginagamit ng mga Pilipino na dedepende sa paguuri tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicolano, Waray, and Kapampangan. Sa lahat ng nabanggit, masasabing hindi lamang likas na yaman ang nakapagpapayaman at maipagmamalaki sa ating bansa kung hindi ang kasaysayan na
nakapaloob sa ating kultura, lalung-lalo na sa wika. Ang nakakalungkot lamang ay mas iniidolo pa ng mga Pilipino ang banyagang wika at limitado ang katotohanang alam sa wikang angkin. Kaya naman ang tanong ay, ipinagmamalaki mo bang Pilipino ka? O isa ka sa mga huwad at nagpapanggap lamang? (Pinagkunan: Opisyal na website ng Komisyon ng Wikang Filipino, Rappler.com)