PULA ANG BUWAN: Wakasan ang Kawalang Katarungan
Yolanda. 3.4M pamilya ang apektado. 28700 ang iniwang sugatan. 6,300 ang nasawi. 1, 300 ang nawawala pa. Hindi pa kasama rito silang namatay matapos ang bagyo. Isang taon na ang nakalilipas. Maguindanao Massacre. 58 katao ang inilibing nang buhay. 32 dito ay mga alagad ng media. Limang taon na ang nakalilipas. Hacienda Luisita Massacre. 14 ang pinaslang sa magkakaibang mga taon. Hindi pa kasama ang hindi mga naitala. Isang dekada na ang nakalilipas. HUSTISYA. Wala. Walang natamasang hustisya. Walang kahit isang naitala.
Sundan sa Pahina 4
PH Press Freedom Day seeks its début
Karl Paulie Anareta
PAUL GUTIERREZ, DIRECTOR of the Press Freedom Committee of The National Press Club (NPC), announced the on-going process of the soon celebration of the first Philippine Press Freedom Day. Against the suggested date of the administration, November 23, the NPC determinedly proposed the celebration to be held on every 30th of August. The government placed forward the date of November 23 for it is the same date when the Maguindanao Massacre happened. Contrary to this, the committee insisted that it is ironic, and also said that we shouldn’t celebrate the deaths of our innocent journalists, especially using this date as the country’s Press Freedom Day. The NPC stands to promote the 30th of August as the date of the said celebration. The National Press Clubs’ idea came from the date of birth of the “first and true propagandist,” Marcelo H. del Pilar. The committee stated that, as a country being left out as one of the only nations to not have its annual celebration for press freedom, it is about time for the Philippines to have at least a day of celebration for the freedom of its press.
02 Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
The Paradigm
Pag-ahon sa Asupre ng mga Bayarin
Editorial
03
SC-CAF nagpulong kontra TFI at OSF
News
07 PAKATATAG 10 TAYO, AH?
I am Number Thirty-two
Feature Literary
Pag-ahon sa Asupre ng mga Bayarin MATAGAL NA PANAHON NG pinangangalagaan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang P12 kada yunit nito at sa patuloy na pinaninindigan ng bawat henerasyon ng mga Iskolar ng Bayan upang protektahan at panatilihin ang abot kayang halaga nito, hanggang ngayon ay nagpapaaral ang P12 kada yunit ng humigit kumulang 70,000 bilang ng mga estudyante sa buong sistema ng PUP. Sa patuloy na pagtutulak ng gobyerno na maging self-sufficient ang ating pamantasan, itinutulak rin ang PUP ng kalagayan upang gamitin ang miscellaneous fees bilang daluyan ng income generating projects nito. Sa papaliit nang papaliit na subsidiyong natatanggap ng pamantasan, lumalaki at lumalaki rin ang mga bayaring nakapaloob sa ating matrikula. Pinapasan ng mga Iskolar ng Bayan ang gastusing buhat ng kakulangan ng badyet para sa edukasyon. Ngunit kasabay ng pananatili ng kinagisnan nating abot-kayang matrikula, patuloy namang tumataas ang ibat-ibang bayarin na nakapaloob sa ating total assessed fees na sa esensya ay wala ng halaga at hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga estudyante. Ang mga dagdagbayaring ito’y dapat na sinasagot ng pamahalaan sa pamamagitan paglalaan ng mas malaki pang subsidyo sa mga State Universities and Colleges (SUCs) gaya ng PUP. Subalit taliwas sa sibil na responsibilidad ng pamahalaan sa SUCs ang pagdederegularisa nito sa edukasyon. Sistematikong binibitawan ng estado ang responsibilidad nitong pinansyahan ang isang state university. Lingid pa sa mga bayaring makikita sa ating total assessed fees ay ang income generating projects sa loob ng ating kolehiyo na pinagkukunan rin ng dagdag kita ng ating mga propesor at ng administrasyon. Halimbawa ng mga ito ay ang mga librong nirerequire ng mga propesor at iligal na ibinebenta sa mga estudyante, mga required na uniform ng
mga BSA at BBF students at ang required na PE uniform ng mga first year students na sa makatuwid ay lumalabag sa malayang karapatan nating manamit ng anumang kasuotang kumportable tayo [Every PUP Student is given the liberty to dress up according to his/her individual taste but he/she is urged to adhere to the conventions of proper grooming; Section 2.1, PUP Student Handbook]. Susog pa rito ay ang mga ticket na binibenta sa mga estudyante kapalit ng mga dagdag na puntos sa kanilang marka. Hinding-hindi maihihiwalay sa usapin ng matinding pagtataas ng mga bayarin ang represyong nararanasan sa ating campus, lalo’t higit sa ating kolehiyo. Ang polisiyang gaya ng Dos Policy ay buhat rin ng matinding kakulangan ng badyet sa edukasyon. Ang pagliit ng bilang ng mga sections sa Accountancy program ng PUP kada taon ay patunay na hindi kayang i-accommodate ang dagsa ng estudyanteng kwalipikado pang makapagtapos ng Accountancy. Sa pamamagitan ng Special Qualifying Exam (SQE), nagagawang makatwiran ‘kuno’ ang pagbabawas ng mga estudyante sa una at ikalawang taon sa BSA. Ang quota exam na ito ay isa sa mga paraan para patuloy na mapagkasya ng kolehiyo ang budget nito para sa lahat ng estudyante ng CAF. Kung walang humpay tayong titindig at lalaban para sa libre at dekalidad na edukasyon, hindi na magiging imposible ang pagtagumpayan ito. Gaya ng pagkakaroon ng pangalan, isang karapatang pantao ang edukasyon na dapat tamasahin ng libre at malaya. Karapatan ninuman ang makatamasa ng edukasyong makamasa at dekalidad. Ang pangarap ng sinumang estudyante ay hindi lamang pangarap ng isang indibidwal para sa kanyang sarili. Bawat pangarap ng isang Pilipino ay pangarap rin ng ating bayan. Huwag nating hayaang ang patuloy na krisis at kormersalisasyon ang pumatay ng pangarap mo at ng milyun-milyong kabataang gustong makatapos sa pagaaral. Sa pinakakagyat na paraan ay kaya nating tutulan ang disaster na dulot ng
bulok na sistema ng ating edukasyon. Kaya naman patuloy na ipinaglalaban ng mga iskolar ng bayan, katuwang ang iba pang sektor ng lipunan, ang edukasyong para sa lahat. Ang edukasyon ay isang karapatan at
dapat manindigan para rito. Ang bawat pagtutol at paglaban ay itinutulak ng kalagayan – ang marami pang krisis panlipunan at komersyalisasyon. Ang bawat pagtatagumpay ay nagsisimula sa pagtindig at paglaban.
Kung walang humpay tayong titindig at lalaban para sa libre at dekalidad na edukasyon, hindi na magiging imposible ang pagtagumpayan ito.
“WE ARE NEVER CONTENT.” Karl Paulie Anareta | Acting Editor-in-Chief | Jesse Rielle Caras | Acting Associate Editor | Reyne Aubrey Cantre | Acting Managing Editor Editorial Board 2014-2015
Section Editors Aubrey Gayle Diaz | Acting News Editor | Gold Elisa Dy Gener | Acting Feature Editor
Earl Stephene Gonzaga | Acting Literary Editor | Rizza Perando | Acting Culture Editor Writers Noel Regin Alvarez | Nancy Frialde | Sandae Dela Torre Contributor Jill Isidro Layout Artist Nathaniel Camacho
Member:
02
Graphic Artist Joshua Joseph Mark Ramos Senior Consultant Nathaniel Camacho
Alyansa ng Kabataang Mamamahayag - PUP (AKM-PUP)
Editorial
College Editors Guild of the Philippines (CEGP)
The Paradigm
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
In commemoration of the International Students’ Day, Educ alliance converge in Liwasang Bonifacio, call for junking of other school fees
Dininig ng CAF Student Council ang iba’t ibang kalagayan ng mga CAFians patungkol sa mga bayaring sinisingil sa kanila. Kuha ni Reyne Aubrey Cantre
SC-CAF nagpulong kontra TFI at OSF KAUGNAY NG KAMPANYA upang ibasura ang mga dagdag bayarin (Other School Fees) at tutulan ang pagtaas ng matrikula (Tuition Fee Increase), nagpatawag ng pulong ang Konseho ng Mag-aaral ng College of Accountancy and Finance (CAF) na ginanap sa Office of the Student Regent, noong ika-10 ng Nobyembre, sa lahat ng pangulo ng mga klase at mga tagapamuno ng mga organisasyon sa loob ng ating kolehiyo. Alinsunod sa pulong na ito, nagkaroon ng isang maikling konsultasyon sa pagitan ng konseho at ng kinatawan ng mga klase at organisasyon na sinundan ng
Reyne Aubrey Cantre
paglalatag ang mga kampanya, gawain at proyektong ipapatupad ng konseho para sa ikalawang semestre ng Academic Year 2014-2015. Nagpaabot naman ng pagtugon at pagsuporta ang CAF sa RISE! for Education Alliance bilang pakikiisa upang ibasura ang lahat ng iligal na bayarin sa mga paaralan at iwaksi ang mga tangkang pagtaas ng matrikula sa buong bansa. Ani Rey Christian Sabado, konsehal ng kolehiyo, “Unang hakbang pa lamang natin ito para sa mas malawak pang kaisahan ng bawat Iskolar ng Bayan.”
Rise for Education is a national alliance of youth leaders, student councils, organizations, publications and other concerned citizens to unite and call to Junk All Other School Fees nationwide.
HUNDREDS OF STUDENT AND youth leaders led by the Rise for Education (R4E) Alliance converge in Liwasang Bonifacio today, November 17, 2014, to commemorate the historic International Students’ Day.
According to Ms. Sarah Elago, R4E National Convenor and president of the National Union of Students of the Philippines (NUSP), “Since 1941, November 17 has been marked as a day to remember the sacrifices, struggles and victories of students’ collective action. Commemorating the martyrdom of Czech students that protested Nazi fascism and takeover of the University of Prague, the International Students’ Day is a strong reminder for students to fight for our rights and to never allow any monstrosity to happen again.” “We converge here in Liwasang Bonifacio, as all our other members convene in different places the country over, to rise up the fight for students’ democratic rights and interests,” says Elago. “We call for the junking of all Other School Fees (OSFs) because these only make milking cows out of the students. These redundant, dubious and excessive fees have never translated to quality education,” points Elago. To creatively manifest the students’ disgusto over OSFs, students sing and dance the protest jingle “Bang, Parang Holdap Lang Yan” (referring to OSFs) to the tune of “Bang Bang” by Jessie J, Ariana Grande and Nicki Minaj. “Due to skyrocketing OSFs, Bitbit ang mga sulo, nagmartsa patungong Quiapo ang Rise for Education (R4E) Alliance mula Liwasang Bonifacio.
Team Building ’14 ng JFINEX, idinaos NILAHUKAN NG MGA LIDER NG bawat pangkat mula sa iba’t ibang antas ang taunang Team Building Activity na inorganisa ng JFINEX na ginanap noong ika-25 ng Nobyembre, sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Pinangunahan ni Aldrin Alfaro, Vice President for Internal Affairs at Camille Salvador, 2nd year Representative ang nasabing aktibidad; inihanay ang mga kalahok sa siyam na nakabatay sa kulay,
Rizza Perando
ang bawat grupo ay binubuo ng mga magaaral mula 1st year hanggang 4th year. Umikot ito sa mga palaro na sinubok ang galing sa pag-iisip at lakas ng katawan ng bawat pangkat. Layunin ng aktibidad na pagibayuhin ang kapasidad na maging leader, konsepto ng pagtutulungan at pagiging mapamaraan ng bawat kalahok. Isama pa rito ang pagpapatibay pa lalo sa ugnayan ng bawat isa.
I got a BLANK SPACE, Baby, And I’ll write your name. Kung mahilig kang magsulat, magdrawing, magselfie, o mag-groupie, magphotoshop, maglayout at magkape,
Sali na sa The Paradigm.
Punta ka lang sa W500B, TP Office.
the students feel that we are being held up to pay for these excessive fees,” says Elago. “We strongly condemn the BS Aquino III’s neoliberal and deregulation policies in the education sector. The stratospheric OSFs and tuition fee have only effectively divorced the education system from the general Filipino student populace,” adds Elago. Last Friday, November 14, RevUp Philippines: Student Rights Week featured a student summit attended by more than hundred delegates meticulously selected from hundreds of applicants. After the summit, a candle lighting activity ensued as solidarity to the 43 Mexican students and activists slain due to the exposition of the government’s drug cartel. “Such fascism does not only deserve protests. It deserves the dismantling of all forms of state violence. We lament the death of the 43 Mexicans but we raise up our fists to renew our vow to end fascism, to never allow its return, to call for the immediate withdrawal of armed military men who have taken over progressive indigenous schools, and to end all forms of repression,” ends Elago. A solidarity concert around 2:30PM will commerce at Liwasang Bonifacio after local school actions in different universities and colleges all over Manila and over the country. This will be followed by torch parade to Quiapo.
or contact TP Hotlinessssss: 09476368808/09362707447 09055650487/09369390905/09123766032/09355941418 Like us on: facebook.com/TheParadigmOfficial Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
The Paradigm
News
03
8-Nobyembre-2014 Pagbangon ng mga Taong-Putik Hindi lahat ng anibersaryo ay masaya Na may mga ilaw sa paligid, Magsinta sa magkabilang gilid Umaawas na pag-ibig. Hindi ito simpleng anibersaryo, hindi rin magarbo; ito ay paggunita sa isang taon na minsang nasadlak sa tinuringang ‘pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan’ ang Pilipinas – ang Yolanda. Lingid naman sa kaalaman ng lahat na ang Eastern Visayas (EV) ang lubhang nasalanta ng bagyong ito. Paano sila bumangon? Kaninong balikat ang kanilang sinandalan at inakbayan upang makatayo at humakbang pasulong? Sa gobyerno sana, wika ng mga residente ng EV, ngunit sa isang
taong nakalipas, di naramdaman ng mamamayan sa siyam (9) na rehiyon ng bansa na naapektuhan ng Yolanda, ang ibinabalitang tulong at tuluyang recovery, ng mga ito. Sa 250,000 na pamilya sa EV (3.4 milyong pamilya naman sa 9 na rehiyon), 142 na kabahayan lamang ang naipatayo ng gobyerno; ayon sa DSWD, P 2.8M para sa Family Food Packs ang nabulok. Napakaraming nagbigay ng donasyon at tulong, pinansyal at di-pinansyal na tulong, mula sa iba’t ibang sector maging sa iba’t ibang bansa na umabot sa P 34.1B; mula naman sa pambansang badyet ay P 65B. Sa tanong na kung saan napunta ang mga nasaad na pantulong, sinagot ito ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino (PNoy) sa pamamagitan ng mga photo operations na ginawa nila sa mga piling lugar at tuluyang pagkontrol sa
16-Nobyembre-2014 Ang mga Propetang Pinaslang “Darating ang panahon, sabi ni Yahweh, Na mag-aararo ang magbubuki habang nag-aani pa ang manggagapas at gagawa pa rin ng alak ang mag-aalak, kahit na sisimulan pa lamang na maghasik ng binhi ang maghahasik. Dadaloy sa mga bundok ang matamis na alak at aagos ng sagana sa mga burol. Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan. Itatayo nilang muli ang kanilang mga lungsod na nawasak at doon sila maninirahan. Tatamnan nilang muli ang mga ubasan iinom ng alak. Magtatanim silang muli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon. Ibabalik ko sila sa lupang ibinigay ko sa kanila at hindi na sila maalis pa muli roon. Si Yahweh na iyong Diyos ang nagsasalita.” (Amos 9:13-15)
Malinaw ang nais ng Diyos sa ating mga magsasaka at manggagawang bukid – walang iba kundi isang masagana at mapayapang buhay na natatamasa nila ang ginhawa pagkatapos ng maghapong pagtatanim, paggapas at paggawa, at maipamahagi ang lupang kanila. Kaiba ng nararanasan, hanggang sa kasalukuyan, ng mga manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita, sumasahod ng P9.50 sa isang linggo, sinusunog ang kanilang pananim, sinunog na mga sanggol, pinaulanan ng bala at patuloy na pagpaslang sa sinumang nananawagan ng katarungan.
mainstream media sa pagbabalita ng totoong kaganapan sa EV lalo na sa Tacloban City. Walang pag-aalinlangang sinabi ng mamamayan ng EV na ang tangi nilang nararamdaman hanggang sa kasalukuyan ay ‘parang isang linggo pa lamang ang nakalilipas nang tumama sa amin ang bagyong Yolanda.’ Binagyo ng kurapsyon ang relief, recovery, at rehabilitation para sa mga kababayan natin sa Bisaya. Hindi totoo ang mabilis na rehabilitasyon sa mga binagyong lugar, bagkus ginamit pa ito sa pagpasok ng mga pribadong sektor na noon hanggang sa ngayon ay tanging inaasahan ng pamahalaan – kung bakit ipinatupad ang ‘no-build zone’ at ‘nodwelling zone’ malapit sa baybay-dagat ay hindi upang protektahan ang mga residente sa Tacloban at iba pa, kundi dahil patatayuan ang mga iyon ng mga komersyal na gusali at negosyo. Walang tangible at permanenteng proyekto ang pamahalaan upang makabangon nang
tuluyan ang mga kababayan natin. Hirap at wala na silang matakbuhan dahil tinakbuhan na sila ng dapat ay unang kakalinga sa kanila, tinakbuhan na sila ni Pangulong Aquino.
Naganap noong Nobyembre 16, 2004 ang madugong masaker na kumitil kina Jhavie Basilio, Juancho Sanchez, Jesus Laza, Jaime Pastidio, Adriano Caballero, Jun David at Jessie Valdez, ang pitong martir na nag-alay ng kanilang buhay sa isang makatwirang pakikibaka para sa lupa, sahod at karapatan. At dahil sa patuloy na panawagan at paghahanap ng hustisya ng mga manggagawa at manggagawang bukid, patuloy din ang pamamaslang at panggigipit sa kanila ng pamilya Cojuanco-Aquino na sinusuportahan pa ng ating gobyerno.
rin naipapamahagi ang lupa.
Mababalikan sa kasaysayan, noong 1957, nang pinautang ng Landbank of the Philippines si Peping Cojuanco upang mapalawak at mapaunlad ang Hacienda Luisita, sa kasunduang ipamamahagi ang lupa sa mga magsasaka pagkalipas ng 10 taon; naupo si Cory Aquino bilang pangulo, naganap ang Mendiola Massacre na kumitil sa 13 na magsasaka na nanawagan ng pamamahagi ng lupa sang-ayon sa kasunduan ng Cojuanco at ng Landbank. Kasunod agad nito ang pagpapasa ni Cory ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na naging ligal na batayan upang hindi ipamahagi ang lupa sa mga
PULA ANG BUWAN: Artikulo nina: Nathaniel Camacho at Karl Paulie Anareta Dibuho ni: Joshua Joseph Mark Ramos
04
Feature
May anibersaryong mapanghimagsik Anibersaryo ng mga taong-putik Pulang kandilang nakatirik ‘HUSTISYA’ ang nakatitik.
Ayon kay Bayan Muna Representative Neri Colmenares, malaki na ang pag-asa ng mga manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda maging nang iba pang magsasaka dahil ‘hindi na maaaring buhayin ang batas na patay na.’ Inaasahan ng mga manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda na hindi na muli pang sasalangin ng batas at maging ng pamilyang Cojuanco-Aquino ang pamamahagi ng lupa sa Hacienda dahil sa anu’t ano pa man, lalong umiiigting at humihigpit ang laban ng mga magsasaka. Inabot na ng kani-kanilang kaapu-apuhan ang laban – darating araw na maipamamana na nila ang lupang sa kanila, ang lupang ipinangako ng Diyos.
“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil pinahiran niya ako upang ipahayag ang ebanghelyo sa mga dukha. Sinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso. Sinugo niya ako upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang pananauli ng paningin sa mga bulag. Sinugo niya ako upang palayain ang mga inapi. Sinugo niya ako upang ipangaral ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon.” (Lucas 4:18-19) Iba pang propetang pinaslang: Marcelino Beltran – Disyembre 8, 2004 Councilor Abelardo Ladera – Marso 3, 2005 Tirso Cruz - walang tala Father William Tadena – Marso 13, 2005 Tatang Ben Concepcion – Marso 17, 2005 Florante Collantes – Oktubre 15, 2005 Ricardo Ramos – Oktubre 25, 2005
(THEMONTHISRED)
Wakasan ang Kawalang Katarungan
Tapos na ang panahon ng paghihintay sa wala. Gumagawa man ngayon ng hakbang si PNoy na pampalubag-loob, ito ay dahil na lamang bibisita ang Santo Papa sa Enero. Wala silang balikat na sinandalan o inakbayan – sama-sama silang tumayo at nagkapitbisig. Ika-8 ng Nobyembre, 2014, 22,000 na mamamayan ng Eastern Visayas, nagmartsa; buhay at kabuhayan ma’y nababahiran pa rin ng putik, tinawid nila ang San Juanico Bridge upang marinig ng pangulo ang kanilang tinig.
magsasaka ng Hacienda. Lumipas ang tatlong dekada, lumipas na ang CARP at naging CARPER na at umabot na sa prescribed period nito lamang Hunyo, hindi pa
At marami pang ibang ipinahayag ang mabuting balita ng pagkalinga ng Diyos sa mga magsasaka at manggagawa sa buong Pilipinas.
sundan sa Pahina 6
The Paradigm
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
Kuha nina:
Karl Paulie Anareta Reyne Aubrey Cantre Nathaniel Camacho
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
The Paradigm
Photo Essay
05
PULA ANG BUWAN mula sa Pahina 4
23-Nobyembre-2014 Ang mga Inilibing nang Buhay
Paggising sa umaga, narinig na sa radyo Balitang nakakatakot pakinggan – Hindi lang isang tao, kundi marami pa Ang magkakasamang pinaslang – *
Nakatatak na sa kasaysayan ang isang brutal na pamamaslang sa 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao. Makalipas ang limang taon wala pa ring nananagot, tila inilibing na rin ng gobyerno sa kanilang bokabolaryo ang salitang ‘hustisya’ – walang pinagkaiba sa paglilibing nang buhay sa mga magigiting nating mamamahayag na handa sa anumang sakripisyo upang maipaalam sa bayan ang katotohanan. Matapos ang naganap na marahas na insidente, idineklara ng iba’t ibang media groups ang Nobyembre 23 bilang International Day to End Impunity. Sa halip na matigil, patuloy pa na lumalala ang kulturang impunity sa bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino. Dito, naitala ang 25 media killings sa loob ng apat na taon nito sa panunungkulan, o may average na anim bawat taon. Ito na ang
nagtulak sa End Impunity Alliance (EIA) at Altermidya (People’s Alternative Media Network) na bansagan si Aquino bilang “Impunity King.” Ayon kay Prop. Danilo Arao, mamamahayag at covenor ng EIA, ang pagbansag kay Aquino bilang “Impunity King” ay para ipagdiinan ang pangunahing responsibilidad ng pangulo sa impunity sa bansa. Ayon kay Prop. Luis V. Teodoro, dating dekano ng College of Mass Communication sa UP-Diliman, deputy executive director ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at tagapangulo ng Altermidya, ang kalalabasan ng kaso ng masaker sa Ampatuan ang magdedetermina kung magpapatuloy ang impunity sa bansa o mababawasan. Ani pa niya, “Ngayon, ‘di natin alam kung anong mangyayari sa trial kasi mula pa noong Agosto (4) hindi na makapasok ang midya para mag-cover.” Sa
pagbabawal ng midya sa loob ng korte, malinaw na may impormasyong ‘di nais iparating ang gobyerno sa publiko. Sabi pa ni Teodoro, pahirap din ang mismong sistemang pambatas sa pagkamit ng hustisya, na nagpapahintulot para tumagal pa lalo ang paglilitis. Matatandaan natin ang pangako ni Aquino noong siya ay tumatakbo pa lamang sa pagkapresidente, na bibigyan niya ng katarungan ang mga biktima kapag siya ang nailuklok sa pwesto. Ngunit ang pangakong ito’y sadyang tinalikuran at pinapabayaan hanggang sa kasalukuyan. Tunay na ‘di marapat na parati na lang isisi at ibato ni Aquino sa nakaraang administrasyon ang kaso. Kahit na naganap ang masaker bago ang termino ni Aquino, di maitatangging patuloy pa rin ang
kawalang hustisya para sa 58 na biktima. At sa paglubog ng araw, nananatili pa ring pananagutan ng administrasyong Aquino, bilang ang namumunong gobyerno ng ating bansa, ang patuloy na kawalang katarungan sa lahat ng mga napatay. Responsibilidad rin nito na siguruhing ligtas at malayang nakapagtratrabaho ang mga mamamahayag sa ating bansa. Dahil kung ang midya mismo na may kapangyarihang umalam at maghayag ng katotohana’y kaydaling paslangin at paglaruan nang walang nananagot, paano pa ang mga ordinaryong mamamayan? Kulay dugo ang kulay ng bawat pahayagan Tila isang laro na lamang ba ang pagpaslang? O kayraming buhay na ang nasayang Sa walang tigil na pagyurak sa pantaong karapatan.* *mula sa awit na Pahayagan – Musikang Bayan
Todos los Santos Hindi Iisang Araw ang Undas Kilala ang buwan ng Nobyembre sa Undas, o ang araw ng pagluluksa. Ngunit hindi magkakasya ang isang araw lamang ng pagluluksa sa lahat ng buhay na kinitil at patuloy na pinapahirapan ng administrasyong Aquino. Hinog na hinog na ang krisis ng kawalang-hustisya at pagpapahihirap sa bansang Pilipinas na dulot mismo ng kasalukuyang administrasyon. Patuloy na iniinda ng bawat mamamayang Pilipino sa bawat sektor ang pagpapahirap at kapabayaan ni Aquino sa kanyang mga “boss[abos].” Malinaw na sa ilalim ni Aquino, lalong lumala ang kulturang ng impunity sa bansa. Ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao nang walang nananagot ay isang malaking kapabayaan ng gobyernong Aquino na noon pa dapat naresolbahan. Sobra na ang kawalang katarungan sa lahat ng mga biktima at ang bilang ng mga biktima ng kawalang katarungan. Patung-patong na ang kapabayaan ng administrasyong Aquino sa kanyang mamamayan. Marapat lamang na tapusin na ang kulturang ito sa ating bayan. Hinding-hindi matatawag na may kalayaan sa ating bayan hanggang ang lason ng kawalang katarungan ay hindi nawawakasan.
demokrasya, ang bawat pagpaslang at ang patuloy na kawalan ng k a t a r u n g a n ay magiging tuntutungan ng ating paglaban. Buhay ang ninakaw, buhay rin ang babawiin – isang mas magandang buhay para sa bawat naiwan at sa buong bayang iginagapang ang kalayaan. At kung isang rekisito ang iaalay ang sariling buhay upang tubusin at isalba ang marami pang iba, kadakilaan para sa sinumang walang pag-iimbot sa sakripisyo. Malapit na ang pagpula ng silangan, matingkad pa sa pagkapula nitong buwan.
Ang araw ng Undas ay hindi lang araw ng pagluluksa, ito ay araw rin ng pakikibaka. Hindi papayag ang sambayanang sa malapit na hinaharap ay maging malawak na libingan ng mga pinaslang ang ating bayan. Sa patuloy na paghahanap natin ng tunay na
06
Feature
The Paradigm
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
CLASSMATE! CLASSMATE! CLASSMATE! (LUH? UNLIMITED?) KAMUSTA NAMAN ANG FIRST SEM? ANYARE SA GRADE NATIN SA ACCO? UMABOT BA SA ginintuang dos? Ha? Ano? Tu-tu-payb? Two point twenty-five? What? Di nga? TRES? Tsk. Ibig sabihin ba niyan eh haharapin natin sa summer ang pinaka-peymuth na exam sa buong piplor? Sabihin ko pa ba pangalan niya? ‘Wag na, diba? Marinig mo pa lang pangalan niya, kikirot na agad ang endoplasmic reticulum kasabay ng invagination ng intestines. (Thank you, Biology! #HARTHART) Ayos lang ‘yan, classmate. Kaya nga sinulat ko ‘to eh. Para ito sa atin. Take note, atin. No man is an island. Tandaan mo ‘yan. Isang malawak na archipelago tayong maghahanda, susugod, at ipapasa ang SQE! Kaya ihanda mo na ang iyong Game Face (Yung mukhang pandigma… Ay natural na pala sa’yo. #HARSHmallows XD) Classmate, handa ka na bang malaman ang mga sikretong ingredients para maipasa natin ang SQE? Ano, GG na? #2 #1 Eto na! Ang unang step. Acceptance. Kailangan mong matanggap na #3 Kailangan mo ngayong magmuni-muni sa iyong sariling kwarto [Kung nagkulang ka. (o si Ma’am, or parehas kayo. TAMA NA ANG SISIHAN! meron man. Huwag mangulit sa nanay na magkaron ng sariling kwarto. Masakit na BH3.) [Ugh, tama na ang distractions na laman ng mga Pengelewe. Kapag kasama mo mga kapatid mo sa iisang kwarto, i-hug mo na lang sila open at close parentheses, okay? Bawal na sa parentheses… Alamin mo para fun! Tsaka balita ko, may plus points daw sa chance na makapasa brackets na lang. <3] Pero seryoso na nga kasi. Ganito ‘yan. kung bakit. kapag clingy sa mga kapatid. Yung tipong araw-araw mo silang Kailangan mong matanggap. Kailangan. Mong. Tanggapin. Alamin mo kung tinetext kung kamusta na sila at kung anong mineryenda nila Tanggap mo na ba na SQE ka na? ‘Yung totoo? saan ka nagkulang. kahit may anak na sila.], sa banyo, sa jeep, basta kung saan Kung talagang tanggap mo na, kailangan nating Alamin mo kung tinamad magandang makapag-isip-isip. Kailangan mong marealize mapatunayan ‘yan! Sige nga. Punta kang North ka ba o sadyang kinulang na di na ito pwedeng maulit. No! You are more than wing, habang My Heart Will Go On ang tugtog lamang ang mental capacity sa that. You can always be better than what you think sa earphones, dahan-dahan mong itaas six hours na pagdedebit ng expense you can be. Accordingly, you need to ace the mga kamay mo Titanic style, at isigaw accounts. Alamin mo kung saan ang second semester. Bumawi ka! Bumawi ka sa ang mahiwagang katagang “SQE NA weakpoint mo. Sa quizzes ba? Sa midterm ating pangalawang semestre, kasi mula sa ITUUUUU!” Kapag nagawa mo exam? Sa finals? Kapag naidentify mo na kung first at second sem ang lalamanin ng ‘yan tsaka mo lang pwedeng saan ka tinamaan ng bala na naging dahilan ng SQE. Now you know. Diba? Mataas gawin ang step number iyong pagbagsak… na nga ang grade mo, naging two. Orayt? [Malay mo semi-equipped ka pa sa SQE! sa pagsigaw mo dun, Win-win situation! mahanap mo na si Forever! <3 TIP: #harought] Parehas Kapag lang ang dumating SQE na iteka sa state na take ng mga wala talagang nakakuha ng below pumapasok sa mga 2.00 sa first sem sa mga nirereview mo. Take naka-below 2.00 sa second a break for 15 minutes. #4 Magreview ng notes. Magreview ng quizzes. Magreview ng prior exams. sem. Walk. Breathe. Drink, nonMagreview ng mock exams. Magreview ng prior mock exams. Magreview ng mga • Kahit 1.50 ka sa first sem, pero alcoholically though. Listen to Multiple Choice sa librong indirectly and/or directly required. Magreview ng 2.25 ka sa second sem, Hello SQE ka your favorite music. ‘Wag kang mga Problems sa librong indirectly and/or directly required. Magreview pa rin. Sad nu? Balat nalang tayo ng mastress. Lalong madedegrade ang ng Discussion Questions sa librong indirectly and/or directly required. potatoes. sitwasyon. Gamitin mo yung natitirang Magreview with your friendly and churchy acquaintances. Magreview with the Review Center/JPIA. Magreview with your sempai in your • Kapag parehas below 2.00 ang grade minuto for setting up your composure and Org. Magreview kasama ang pinsang CPA. Magreview kasama mo for both semesters, isang SQE lang ite-take determination to learn. Kaya mo ‘yan. ang mga nagrarank na blockmates. Magreview kasama mo. ‘Wag kang kabahan na baka dalawa! HAHAHA ang mga hindi nagrarank na blockmates. Magreview sa #5 At ang pinaka-importante… MagSQE ka! Paano ka bahay. Magreview sa NALLRC. Magreview habang papasa kung ‘di ka mageexam! [HAHAHA. Di naman ako jumejebs. [para di time-consuming. HARTHART.] galit. XD] Magdala ng eraser. Magdala ng lapis na matibay Magreview habang nagmemeryenda. [para di ang pagkakatasa. [Yung feeling na ramdam mo yung firmness nakakakonsensiyang gumastos. HARTHART.] ng pagkakayakap ng kahoy sa lead ng lapis. HARTHART NA Magreview before matulog. [effective na ITUUU.] At syempre huwag kalimutang dalhin si pampa-antok! HARTHART.] bestfriend… ang calculator na never kang iniwan. :”)
FACTS FOR THE FRESHIES:
PAKATATAG TAYO, AH?
(POST-SQE ERA)
#6 So… Ngayong nakapagSQE ka na, anong feeling? Confident ka? Wala kang karapatan. [Aray ko naman Karl Paulie Anareta bh3! </3] Masakit umasa. Hindi ka confident? Certified SQE Passer Wala kang karapatan. Pero in this way, mas safe sa feelings. [kapag pumasa, super fun. Kapag bagsak, less ang agony.] Theist ka? Mag-pray ka sa Kanya. Atheist ka? Do what you have to do. Walang diskriminasyon. Equality is <3
Nevertheless, you have to face the results. Panginigan ‘yan for sure. Papasok ka ng gate. Aakyat ng piplor. Titingnan ang bulletin ng JPIA. ’Eto ngayon ang tanong, “Pumasa ka ba?” Kung oo, edi congrats, classmate! Nag-tagumpay ka! Kung hindi, alam mo ba ang score mo? Alam mo ba ang score ng mga nakapasa? May posibilidad ba na magkapareho kayo ng score ng kaklase mong nakapasa? Paano mo nga ba malalaman na bumagsak ka nga talaga?
Abangan.
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
The Paradigm
Feature
07
Left Hook
Reyne Aubrey Cantre
Hate this Crime
THE CRIME CONCERNING JEFFREY ‘Jennifer’ Laude, a Filipino transgender woman who was slayed by an American Army named Joseph Scott Pemberton, was never an issue of ‘why she was killed’, the point is that ‘a Filipina was killed and we are certain that the killer should be thrown in prison and be punished.’ Sides and opinions were raised during the timeliness of the issue. The LGBT community pointed out that the murder case was due to hate crimes. That they [the lesbian and bisexual men and women], belonging to the so-calledthird-sex, were discriminated, harassed and hated in the society that leads to an unequal rights down to a violent crime like Jennifer’s. Their call for justice is in line with their campaign for a fair and equal stand in this society, which as for me is true and objective for they also deserve the same respect and rights received by woman (as well as man), not because they are feminine (or woman-like) but because they, too, are people. Back to the issue, this is the case and this is how it was being treated in the judiciary. OCTOBER 11, 2014 – Jennifer Laude was found dead inside a motel’s comfort room – lying naked, partially covered from the waist down, with her head leaning on the rim of the toilet bowl, Laude died from asphyxiation or drowning. It was said that Pemberton didn’t know that Jennifer was a transgendered woman when he asked her out and when he found out that Jennifer was one, that’s when the murder occurred. The question is that “Why does an American Army like Pemberton have the freedom to roam around a city here
Panag-istorya Jill Isidro
Ito ba ay ang kalayaang mamili? Ito ba ay ang kalayaang magmahal? Ito ba ay ang kalayaang maramdaman ang gusto mong maramdaman? Ito ba ay ang kalayaang sa tingin mo ay nararanasan mo ngayon? Malaya ako. Malaya ako.
Ay! Kalayaan. Big word!
Malaya akong bumili ng double cheese hotdog on stick sa north wing. Kaso pag kulang na ng dos ang pera ko, di na ko makabibili. Sayang. Paborito ko pa naman yon. Malaya akong mag-status nang mag-status sa facebook. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba kasi account ko naman yon, at ako naman yon, hindi ikaw, hindi sila. Feeling ko kasi famous rin akong tulad ni Marcelo Santos III na patok na patok ang mga pino-post sa facebook. Pero hindi lahat ng post ko nagugustuhan ng lahat, may mga post akong binabatikos ng karamihan.
08
The magic behind this violence is the Enhanced Defense and Cooperation Agreement (EDCA) and Visiting Forces Agreement (VFA). These agreements between US and Philippines gave way to this criminal case. President Benigno Simeon Aquino III legalized the ability of those white troops to harass and kill Filipinos like Jennifer, by giving these criminals the freedom to do whatever they want to do inside our territories. This incident heated up the existing rape case happened in Subic way back 2005 when 3 were acquitted at trial and the fourth was convicted at trial but later acquitted on appeal after victim “Nicole” recanted. This existing case was known as the Subic Rape Case. A Filipina was slayed by an American Army who’s said intention here was to be part of the military exercises. And so these trainings aren’t humanitarian. It is implemented to kill people, to harass and impose violence against the innocents like Jennifer. By signing these agreements the US government is offering to us, President Aquino proved us how heartless he was to the nation who ‘chose’ him to be their representative. He is not representing and fighting for his people, no doubt why the people want him off the palace and the power. The nation is reasonable and objective to their call for Aquino’s ouster.
There is a crime and the criminal should be seen behind bars! US Troops, out now! Justice for Jennifer Laude! Junk VFA and EDCA!
Feels
ANO PARA SA IYO ANG KALAYAAN?
in the Philippines? What gave him the chance to do that to our fellow Filipino and how does the president treat this case?”
Rizza Perando
Walang Lunas
ISIPIN MO SAGLIT ANG kalagayan ng isang taong may stage 4 na kanser. Siya ay sobrang hina, wala nang pag-asang gumaling pa sa sakit niya. Siya ay tila isang patay na buhay, na isang bulate na lang ang hindi pumipirma, ay mamamatay na. Ang kalagayang iyon ay katulad ng mga gahaman at mapang-aping buwaya sa ating bayan. Sila ang mga kanser sa lipunan na hanggang ngayon ay nagbibigay ng sakit sa bawat Pilipino. Ang sakit na iyon ay kumakatawan sa mga mamamayan na biktima ng impunidad. Naglalarawan iyon sa ating bansa na nakakulong sa isang katawang gutom ngunit patuloy na pinagkakaitan ng masustansyang pagkain kung saan hustisya, katotohanan, kalayaan at katarungan ang pangunahing sangkap. Na tayo ay isang bansang bansang nais magsalita ngunit napipigilan sapagkat nakatahi ng pisi ang mga bibig ng karahasan at tatsulok na sistema na umiiral na ang nasa tuktok ang makapangyarihan. Limang taon na ang nakalipas matapos maitala sa kasaysayan ang trahedya na kumitil sa 58 na biktima ng masaker sa Maguindanao kabilang ang 32 na mamamahayag. Limang taon na ang nakaraan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin napaparusan ng batas ang lahat ng mga taong may kinalaman sa karumal-dumal na insidenteng ito. Dagdag pa rito ang paghagupit ng bagyong Yolanda noong isang taon, na nag-iwan ng malawakan at matinding pagkawasak ng mga bahay at kabuhayan sa Tacloban at ilang bahagi ng Leyte. Nariyan ang kawalan ng sapat na serbisyo para sa mamamayan. Daang libong pamilya ang nawalan ng sariling
bahay, mga inprastraktura at mga gusali ang nawasak. Nasaan na ang milyong milyong donasyon na dapat ay nakukuha ng buo ng mga nasalanta? Tila’y nasa kanya kanyang bulsa na ng mga ganid sa gobyerno. Patuloy pa din pang-aabuso, pananakot at pagpatay sa mga mamahayag ng bansa sa tuwing may katotohanan silang ibubunyag tungkol sa korupsyon, krimen at politika. Ito siguro ang dahilan kung bakit marami sa mga nakaaalam ang pinipili na lamang manahimik upang protektahan ang sarili at ang kanilang pamilya. May mga kaso rin ng pag-abuso at pagpatay sa mga kababaihan ngunit nananatiling pipi ang mga kinauukulan. Lilipas na lamang ba ang mga araw, linggo, buwan, taon? Bakit parang ang sagot sa katarungan ay ang pagpapatagal at pagpapapagal sa pagbigay sa mga naghahangad ng hustisya, pagbabalewala at pagkalimot? Kasing tigas ng mukha ni PNoy ang mga bangkay na inuuod na sa libingan sa paghahanap sa katarungan. Di ba’y isang kainutilan ang pagpapakasasa sa kaban ng bayan at maging tuta ng mga dayuhan? Di ba’y isang kabulukan ng sistema ang pagkapit sa malakas at makapangyarihan para tumagal sa panunungkulan? Dumaloy na sa ugat ng mga Pilipino ang sakit na ito. Huwag hayaang takot ang pairalin dahil kung tayong lahat ay magpapadala sa maling kapangyarihan ng lipunan, patuloy na magiging hugis tatsulok ang bansa. Tayo ay maging mata ng katarungan at boses ng katotohanan. Huwag nating hayaang lamunin ng impunidad ang katawan ng ating bansa.
E, anong gusto mong sabihin?! Kung meron kang sinabi, at di nila marinig, kam’on beybe, break it to me gently. Di kita tatanggihan. Karga na. I-pm ang iyong artikulong MKXP sa fb.com/TheParadigmOfficial. MAKI-EKSPI. WAG MATAKOT! *rawr*
Malaya akong magtext nang magtext. Unli naman eh! Kaya GM lang nang GM. Pero hanggang isang araw lang ang kaya kong i-avail na unli. Kaya pag cut na ang unli ko at wala nang pang-load ulit, di na ko makakapagtext. Malaya akong manamit ayon sa gusto ko. Marami akong gustong subukang porma. Pinakagusto ko pag sabay sa uso. Kahit naman dito sa iskul, pwede kong isuot kahit na anong naisin ko eh. Yon nga lang, madalas kapag pinagsusuot kami ng uniporme, di ko na pwedeng isuot ang damit kong pang-atake. Malaya akong gawin ang gusto ko sa isang araw. Papasok ako. Aral-aral para pasok sa requirement ng dos policy. Kakain kapag break time. Tatambay. Magseselfie. Uuwi sa bahay. Kakain. Gagawa ng assignment. Aral ulit. Facebook muna. Tapos tulog. Hawak ko ang oras ko. Halos. Kaso minsan para akong alienated. Paulit-ulit na lang ang routine ko sa araw-araw. Trying hard para mag-explore ng ibang bagay.
Opinion
First Blood
Lahat ng bagay may limitasyon. Hindi absoluto ang kalayaan ko. Kumbaga may expiration. May kulang. Pakiramdam ko, lahat ng mga bagay na ginagawa ko—lahat ng mga bagay na ginugusto ko ay hindi ko naman talaga gusto—kundi tinakda lang na magustuhan ko. Kung alam mo yong palabas na Truman Show, alam ko pinapanood yon ng ilang Humanities professor eh, pakiramdam ko ganoon ako.
Malaya nga ba ako? Nakakasawang kumain nang kumain ng hotdog. Nakakainis din kasi hindi ako makakabili pag wala na kong pera. Hindi naman talaga ako nagiging famous sa facebook. Ilang daang milyon ang facebook users na feeling famous din tulad ko. Paulit-ulit lang na post ako nang post ng nararamdaman ko tapos ano, lilipas din naman. Magpo-post ako ng picture ng agahan, tanghalian, hapunan, merienda, gimik, selfie, groupie—ano naman? Ginagawa rin yon ng iba pa.
Text ako nang text. Nagkikita pa rin naman kami sa araw-araw. Halos mapag-usapan na namin buong buhay namin. Wala nang ibang topic. Pakiramdam ko sayang lang ang pera pang-unli. Nakakasawang sumabay nang sumabay sa uso. Nakakapagod isiksik ang sarili ko sa kung anong trending na damit ngayon, bukas at sa mga susunod pa. Tao pa rin naman ako kahit na anong isuot ko, di ba? Minsan tinatamad na lang din akong mag-aral. Frankly saying, halos nagaaral na lang ako para lang makapasa. Para maka-graduate. Para magkaroon ng trabaho. Para makatulong sa magulang kong pinaaral ako. Tama naman to. Kaso gusto kong matuto eh. Gusto ko ba talaga tong kursong to? *kruu... kruuu... kruuuu...*
Naghahanap ako ng kasagutan.
Natagpuan ko sa lansangan.
The Paradigm
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
BAKIT ADVANCED ANG ACCOUNTING? Mga banat, quotes, at words of wisdom The Accountancy Edition.
Student Christian Movement of the Philippines-PUP Ang Kristiyanong Kabataan at ang Pakikibaka para sa Pambansang Kalayaan at Demokrasya Walang ibang hangarin ang sambayanang Kristiyano kundi ang buhay na ganap at kasiya-siya para sa lahat ng nilikha. Ito ay ang lipunang malaya sa kahirapan at kagutuman, sa di pagkakapantaypantay at kawalang-katarungan, sa pananakop at pagsaamantala, sa lipunang naayon sa pangako ng Panginoon, sa kapayapang nakabatay sa katarungan.
‘Yung pagkatapos ng exams, yung utak mo parang PPE... . . Fully depreciated :s Mag-biro ka na sa lasing, . . ‘wag lang sa estudyanteng bagsak sa Accounting.
Gayunman, sa ating lipunan sa kasalukuyan, taliwas ang nararanasan ng mga mamamayan sa pangakong ito.
Ang SCMP ay isang pang-masang organisasyon (Mass Organization) Buong buhay ni Kristo ay kanyang inialay sa paghahatid ng Mabuting Balita sa api at mahihirap. Bilang mga Kristiyano, tinatawag tayo upang sundan ang halimbawa ni Kristo. Kung kaya, mahalagang tungkulin ng SCMP na ipalaganap ang mapagpalayang pananampalataya – isang pananampalatayang nakatuon sa puspos na paglilingkod sa kapwa, sa mamamayan. Sa ating pakikisalamuha at pakikiisa sa kanila, natututo tayong kabataan sa kanilang buhay at karanasan. Ang SCMP ay pambansa-demokratiko (National Democratic) Kasabay ng panalangin, mahalagang pag-aralan ng Kristiyanong kabataan anng kanyang lipunan, ano ang ugat ng kahirapan at pagdurusa ng mamamayan at paano ganap na isusulong ang panlipunang pagbabago. Paninindigan para sa Karapatang Pantao Bilang ekyumenikal na pang-masang organisasyon ng Kristiyanong kabataan na may pambansa demokratikong linya, mahigpit na naninindigan ang SCMP sa pagpapahalaga sa buhay at karapatan ng kabataan at mamamayan. Ang kasalukuyang krisis na kinakaharap ng ating bayan ay nagluluwal ng inhustisya at pinakamalalalang paglabag sa ating karapatang mamuhay nang sapat, malaya at makatarungan.
JOIN SCMP-CAF NOW! Contact: 0927-432-1454
#harshtag #bakitadvancedangaccounting #iamdestinedtobeacpa Like
Comment
Share
by: TP_Offensive
Ang ecumenism ay nagmula sa salitang oikoumene, na ibig sabihin ay “isang sambahayan” (one inhabited world). Ito ay paniniwalang anuman ang relihiyon o faith denomination, maaaring magkaisa at magsama-sama ang mga Kristiyano at iba pang mananampalataya.
Sana ‘yung nanay mo parang receivables. Kapag nagiging DOUBTFUL... . . Dinadagdagan ‘yung ALLOWANCE mo.
#MakeUpTransformation
Ang SCMP ay isang Kilusang Ekyumenikal (Ecumenical Movement)
DIEGA PROPESORA
Boss B.
“Off-shoulder” Kuha ni: Klowi Franco
pag-ibig ko’y pag-aalabin...
5
1 20
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014
Larangan
Literary Folio
The Paradigm
Culture
09
Loud Silence
I am Number Thirty-two Everything is dark… unsettling. The taste of gun powder stings through the air. It stinks, wafting sinister odor of soulless bodies with the smell of blood against soil. This has been my darkest night. This also might be my last. My cameraman said there were thirty journalists dead, Maguindanao-based and not. They’ve shot my cameraman three minutes ago. He has stopped bleeding. It’s swimming on the ground now. I lie face down, trying my best to
appear motionless. Silent.
After hours, finally, I don’t hear anyone.
I have the truth.
I run.
All my thoughts sink in with me.
Bang! Bang!
Warm liquid.
Familiar smell.
Bang!
Shoutings.
I try to breathe, sinking into the hushed blades of the grasses.
Bang!
Rizza Perando
I have the truth. I have it. I have to make it. I have to make it alive.
Fast. My heart rises up my throat at each feverish beat. I step on something sharp, piercing my left foot, and it doesn’t matter. Nothing matters but the truth. I have to make it. And I have to make it alive.
Hustisya
Given a mouth and a voice Must be used without second choice Stand up, react and be counted Not to be ashamed and blinded. How come you are frightened? Fear not, if you want inequality to end. Break the shackles of fear And let the mind be free Unite and be one in duty. How come you cover your ears? To listen to another’s pleas Those souls who screams, murdered by hatred and fury.
Growing shadows.
Laughters. I hear another shot… or maybe it’s just in my head.
There are no noises or loud cheers Just thousands of voices waiting to be heard I do hope we’ll find the best remedy To cure this over insensitivity.
Minsan ba’y Dumating ka? Reyne Aubrey Cantre
Sa daluyong ng welgang sinagot ng mga bala, Para sa inyo mga kasama – Na walang ibang hangad kundi reporma sa lupa, HUSTISYA! Sa matabang lupang dinilig ng iyong dugo, Uusbong paglabang itinanim mo, Gintong palay ng himagsikan, Matamis na tubo ng tagumpay! Sa mga saksing kinitilan ng buhay sa Maguindanao, Sa pag-usad ng katarungang para sa bawat pinaslang, Bubungkal ang traktora ng pag-aalsa Ng mga buhay, hindi mga patay – Sasairin ang sariling mga pluma, Itutulak ang paglaya, Ang HUSTISYA! Kayong mga sinalanta’t pinabayaan, Mala-Yolandang babalik sa kalunsuran, Bitbit ang mga panawagan ng bayan Wawasakin ang katahimikan, Ng sambayanang pigil ang pagpumiglas! Tatapusin ang ikot, ang pananalanta… Tangan ang tabak, lakas ang panaghoy ng mga dukha! At kung dilag ma’y di mahanap ang piring, Aba’y bigat ng timbanga’y dapat panig sa atin! ‘Pagkat bigat ng Sierra Madre Ang bigat ng buhay nilang mga martir! At sa kanilang pagkabuwal, Baya’y muling titindig! Walang dasal na taimtim. O pasyon ang magliligtas sa atin. Armasan ang mamamayang inaalipin, Rebolusyon, rebolusyon! Tapusin ang kahirapan, Iluwal yaong HUSTISYA, Oo, ngayon rin!
10
Karl Paulie Anareta
Literary
Earl Stephene Gonzaga I Sa mga dugong dumanak mula sa kanila, Martir ng kasalukuyan, iniluwal ng nakaraan Butil na lubhang dinadakila, pinag ibayo ng magaspang na palad Pinalunti ng malangis na pawis, dapit ng iluwas, kapalit ay kandila Kapalit ay barya na ang dangal ipinagsapalaran, Sa paglubog na araw, hinangin ang karapatan! Kanilang ipinaglaban, humantong sa lapidang malapad. II Tabak na kanilang hawak kayang hamakin ang sibat Sa bawat titik na naisulat, katotohana’y nabubuhay Iilang pirasong pahina ay kayang sugatan ang karahasang may makapal na balat! Halimaw sa gabi sa kanilang paligid ay namamahay Buwaya’t serpyente kanilang sinasagupa, Sa kabila nang katotohanang sila’y mga ligaw na usa’t tupa Tapang ang puhunan, kinita’y kaluluwang patay! III Batang katawan, matandang isipan iyan sila, Karapatan ng lahat para sa buhay nitong iilan Di alintana ang hagupit ng karahasan para tapusin na ang kamaliang pila-pila Sulong sa pagbabago burahin ang karalitaan, Isipan ang kalasag, magmulat ang kalakasan Sa pagsapit ng hapon ilan sa kanila’y pigura ng napabayaang laruan! IV Oh Dilag na nakapiring nasaan ka ba? Ikaw ba’y nagpapasasa sa mga gintong kamay! Ayaw mo bang damhin ang mapagkalingang kamay na magaspang? Di mo ba dama ang kakisigan ng mandirigmang nakapluma ? Napapansin mo ba ang katapangan ng mga bihilanteng hangad ay karapatan? Ilang katawan pa ba ang hihiwalayan ng kanilang mga kaluluwa? Ilang mata pa ba ang mananangis sa hapag na di mahainan ng tuwa? Minsan ba sa kanilang panaghoy ay dumamay ka? Minsan ba sa kanilang pagtawag sayo, dumating ka?
The Paradigm
Vol. 4 Issue No. 1 November 2014