1 minute read

Tingala

Next Article
OSOBEAR

OSOBEAR

by Erica Mae Tamparong

Sana, sa tuwing aapak ka sa eskwela Ikaw ay tumingin sa mga ulap

Advertisement

At abutin ang talahib ng alapaap Habang ang ningas ng pagasa ay may usok pa

Sana, sa tuwing maaabot mo na ang iyong pangarap ‘wag ka sanang mapagod na kulayan ang mundo Hangga’t sa ito’y pabor na sa lahat ng tao

Sana, sa iyong pagtingala ‘Wag kalimutan ang mga nasa baba

Dahil para sa kanila, Ang iyong laban para kumawala sa tanikala

Sana, ‘pag naabot mo na ang tuktok

Tumingin ka pa rin sa baba, At protektahan ang mga nakatingala

Dahil ikaw, Ang aming pag-asa

Hindi Ako

by Carl Christian Ramos

Sinulat ko ang mga pangalan ng mga lumisan at hindi na natagpuan. Sinubok na mahagilap o kahit matawagan ang mga pamilya nila upang itanong kung nakauwi ba sila. Yung ibang hindi ko alam kung makakauwi pa, napag-alaman kong wala na ring uuwian — iilang mga pamilya, mga inosenteng nadamay sa pagmamalupit at pang-oopresa ng mga walang habag sa buhay ng mamamayan.

Limampung taon na mula noong magdeklara ng Martial Law, kasabay ng pagsapi ko sa kilusan. Batang-bata, labing-limang taong gulang ako noon pero heto ngayon, hirap nang lumakad dahil sa katandaan. Tan- dang-tanda ko pa noong isulat ko ang pangalan ng aking mga kasamahan sa huling pagkakataon, bago kami matunton at paulanan ng mga granada at nagngangalit na tingga. Hindi ko maalis sa isipan kung paano magkikisay-kisay ang naabutan dahil sinunog nila ang lahat ng pwedeng masusunog.

Buti nakalimutan na ng lahat, subalit sa loob ng limampung taon ay wala pa rin habas ang katotohanan sa pagyanig ng aking pagkatao… at alam ko, hindi ako ang kauna-unahang nagtraydor sa bansang ito, at hindi ako ang huli.

This article is from: