2 minute read

Makararating.

Next Article
Tingala

Tingala

by Angelika Estrada

of the love of my life, of the happiness that completes me, But as the sun rise at 5 am, I knew I had to wake up from reality, and by the end I realize, you're the pain that will haunt me.

Advertisement

An Uncertain Dream

by Nica Lauren Pancho

There was a young girl who has a dream

When talking about it, her eyes would brightly gleam

She wanted to learn, hope, and grow

Yet she has no idea where she should go

She's unaware of what to do or how to begin

Trepidation and alienation start to seep in

Suddenly, problems arise beyond her control

She slowly lost sight of her ambition and goal

"What am I supposed to do?"

She contemplated

Without a guide or a clue, she grew agitated

Has dreaming always been this hard?

But she felt that it's not something to easily discard

Achieving a dream was never a piece of cake

It has risks and difficult choices that you must make

And so, she's willing to go through it all

Even if she has to stumble and fall

Still, she stands up and aims for success

Despite the uncertainties and slow progress

One day, she'll eventually reach her prime

But for now, she'll start slow with one step at a time

Kasalanan ko bang kulang ang pitik ng orasan sa dingding? ang matagal na pagdaloy ng trapiko, at ang ingay at gulong kaakibat nito? pati pagkasilang, pagkabuhay, at ang pipiliin kong paraan para maglaho'y malabo-Dalawang bagay lang ang malinaw. Una, napakalayo ko pa.

Bakit isinisisi sa akin ng mundo ang pagtalikod ko sa kamusmusan, gayong wala naman silang ginawa upang ako ay tulungan.

Nakita nilang ako'y nagdurusa, Nasaksihan nilang ako'y lumuluha, ngunit mas naging mahalaga sa kanila na kahit papaano'y ako'y humihinga pa.

Pero kahit gayo'y may isa pang malinaw, ako man ay malayo pa, maari niyo ba ako pagbigyang manatili?

Pwede bang magdahan-dahan, huminahon at magpahinga, dahil may mga pangarap pa akong nais ko pa sanang makita. mga magaganda, at maaliwalas na lugar na hindi ko pa napupuntahan, at ang kalansing ng buhay na pwede kong ipagmalaki kapag ako'y tuluyang nagtagumpay.

Totoo namang ang agwat ng distansya'y tila imposible. Pero ang mga pagod kong paa'y naglalakad pa, kasabay ng mga mata kong gutom sa liwanag na ang bukas ang may dala.

Makararating. Mahirap, matagal, ngunit malinaw. Makararating.

Bata, Bata Bakit ‘Di Ka Makagawa?

Nakatitig sa pisara. Hindi alintana ang ingay ng mga kasama. Sumisigaw na ang guro ngunit hindi pa rin natitinag si Makmak. Kung ipipinta ay mukha siyang multong hindi gumagana ang utak sa lupa. May ipinagagawa nga pala ang guro sa pisara. Ngunit blanko pa rin ang papel ni Makmak. Hawak niya ang lapis sa kaliwang kamay at nakababa naman ang kanyang kanang kamay. Hindi kaliwete si Makmak.

by Ma. Angel Nicole Rondez

Bumaling sa kanya ang guro na mukhang luluwa na ang mata sa galit. “Oh ano, Mak?!

Wala ka na namang gawa?

Wala ka nang nagawang tama!” Bulyaw ng guro.

Napakislot siya. Mukhang bumalik na sa reyalidad si Makmak. Sandamakmak na pala ang gagawin. Ngunit hindi siya makagawa dahil dala niya sa kanyang isipan ang sandmakmak na bagay na pabaon sa kanya ng magulang bago umalis. Sandamakmak na ser- mon. Sandamakmak na palo. Sandamakmak na pang-aabusong berbal at pisikal. Sandamakmak na luha na rin ang naibuhos ng maliliit niyang mata. Sandamakmak na dasal at mura na rin ang lumabas sa kanyang bibig.

Hindi ako makagawa. Sa bawat pagkibo ko ay wala namang tama. Tapos tatanungin pa ko kung bakit hindi ako makagawa? Makagawa ba ng ano? Ng tama o ng kahit na ano?

Pov As A Rich Tita

BY JUSTINE MAE CLIDORO

CHRISTMAS BREAK PLEASE

BY JOSEPHINE VALDEZ

ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS YOU

BY SEAN PAOLO RESENTE

LAMON SEASON

BY CLAIRE LLAMERA

Dear Santa

BY JULIE ANN DELA CRUZ

This article is from: