LIHIM ITACIÓN
The Pillar The Official Student Publication of the University of Eastern Philippines
Address UEP - Main, OSA Complex, University Town, Northern Samar, 6400 www.facebook.com/thepillaryueps thepillaryueps100@gmail.com Member College Editors Guild of the Philippines (CEGP)
Copyright 2019. All Rights Reserved.
lihim · limitasyon · imahinasyon
Tungkol sa Pabalat Inimulat na ang mga mata. Bitbit na ang karatulang may kulay pula na tinta. Nakikisabay sa umpukan ng nagsisigawang masa habang itinataas ang kamao sa hangin bilang simbolo ng pag-aalsa. Biglang umulan ng bala sa kabilang dako, alam kong tapos na. Tapos na ang digmaan sa pagitan ng mga teorya’t ideolohiya. Wala ng pighati’t pagtangis, wala na ring dahas at pagmamalabis. Sabay-sabay ang pagbuo ng mga bagong gunita, habang inaawit ang himno ng paglaya. Kaya sa pagsapit ng gabi, katahimikan ay umaalingawngaw. Umaalingawngaw ang halakhak ng mga diablo sa loob ng silid. Patuloy ang paghagupit ng latigo sa aking katawan habang nakagapos sa silyang gawa sa bakal. Biglang tumahimik ang paligid, isang tinig ng babae ang nadinig, “Shhhhh. Wala kang puwang sa lipunan habang meron kaming kapangyarihan.” At lahat ay nagdilim.
Verbo: EMMANUEL CAYOCYOC Kuha at Disenyo: ALBERT ORTEGO Modelo: REGINE VALERIE ARNINIO
Kung magpapatuloy na ganito ang sistema ng ating estado, ang ating mga adhikain ay mananatiling IMAHINASYON. Ang ating pag-yakap sa tunay na kahulugan ng kalayaan ay mananatiling LIHIM sapagkat ang kalayaan natin upang magpahayag laban sa pamahalaan ay palaging nilalagyan ng LIMITASYON.
LIHIM ITACIÓN The Off icial Literary and Arts Folio of The Pillar December 2019
Volume LIII No. 5
All Rights Reserved. All the materials contained in this folio are original works of their owners. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner without the permission from the publication or respective authors and artists.
Limitasyong mapapaalala sa iyo na sa kabila ng mga iniingatang lihim ay ang limitasyon at imahinasyon. Lihim na iniingatan mong hindi mo magawang bigkasin kaya'y kumakapit nalang sa papel at tinta habang ang mga imahinasyon ay pinaglalaruan. Imahinasyong ninais na sana ay totoo, sana ay posible at sana ay walang limitasyon. Limitasyong nagkukubli sa mga kuro-kuro na "paano kung", "baka sakali" at "sana maaari". Sa huli, walang limitasyon ang dapat na pipigil sa nagliliyab mong katauhan. Hayaan mong ito ang maging daluyan ng iyong kaluluwa. Hayaan mong magtugma ang iyong mga salitang isinusulat at salitang kayang bigkasin. Hayaan mong lumapit sa liwanag at yakapin ito. Hayaan mong maging malaya ka sa madilim na panghuhusga ng sariling limitasyon.
Minsan na tayong binalot ng dilim. Mga panahong ayaw na nating masilayan ang liwanag dahil sa mga pangyayaring hindi umaayon sa inaasam natin. Marahil isa sa mga sandata mo sa panahon ng karimlang ito ay salita, papel at tinta. Marahil isa ka sa mga tinuturing na makata ngunit hindi makita ang kulay ng sariling akda. Bilang punong patnugot ng pahayagang pangkampus na ito nagagalak akong isa ka sa mga dahilan kung bakit may limitasyon kaming handog.
Paunang Salita
NILALAMAN 02 Skeletons in Her Closet
25 Matutulog na Ako
03 Hanggang Pangarap na lang
26 Promise Me
04 Bukod Kang Pinagpala
27 Lihim na Karimlan
05 Behind a Dreamer’s Chamber
28 Maskara
06 Patintero
29 Maliit na Bagay
07 Kinutlig nga Kinabuhi
30 Luha
08 Cinderella’s Prince Unspoken and Untold
31 Red
09 Guni-gunita
33 Niluma na ng panahon
10 Mahal Kita, Matagal Na
34 My Friend Me
12 Nelophobia
36 Below the Belt
13 Lamiraw
37 Silong
15 Kay Sarap lang
38 Wheel
16 Rue
39 They Were Blue
18 Dinuguan
40 Sikretong Malupet, Puwede Pabulong
19 She’s a Pearl
42 Lone Wolf
22 The Demon In The Next Room
43 Pluviophile
Skeletons In Her Closet ni Windel Joy Clerigo One little girl playing in the woods Noticed one door from where she stood Painted black, knob was rusty Heard someone said "Please release me" The girl got curious of what's behind Peeked and saw something inside Her face turned dim, decided one thing No one should see what she had seen Whispers got louder, played in her head Torment she felt remained unsaid Whisper by whisper begging to be freed But what's behind the door should never ever leave Better off hidden, properly guarded Never shall open, no matter how it begs For once unlocked the girl will perish Will drown in misery of her darkest secrets We all have doors where we hide our beasts That we let no one to ever peek We all have skeletons behind closed closets That we let no one to ever peek
02 | LIHIMITACIÓN
Hanggang Pangarap na lang ni Edzel Marc Robion Lutao May mga mithiin akong gustong abutin May mga lugar akong gustong marating May mga mga loho akong gustong maranasan At may mga bagay akong gusto kong angkinin Hanggang pangarap na lang ba? Hanggang paghahangad na lang ba? Ang mga pangarap na sing taas ng mga ulap Na kahit ako’y umabot sa alapaap ito’y kay hirap mahagilap Paano pagsisikapan ang mga tinuran? Mga pangarap ba’y maisasakatuparan? Kung ang buhay ko’y unti-unting naglalaho Ang liwanag ay dahan-dahang lumalabo Maging ano man ang aking karamdaman Sana ay inyong pagbigyan Gusto ko lamang makamtan Mga inaasam na kanlungan Kung paglisan man ay dumating Ito sana’y iyong dinggin Mga pangarap na gusto kong marating Maipapangako mo bang ikaw ang dadaing? Tuparin sana ang hiling Bago sa dilim ay mahumaling Ito ang aking huling lambing Bago sa kawalan ay bumaling LIHIMITACIÓN | 03
Bukod Kang Pinagpala ni Ernil Justine Apostol Maamong mukha’y nakangiti sa ilalim ng kanyang belong puti. Birheng tila nagmula sa itaas, siya na ba ang iyong tagapagligtas? Binubulungan daw ng maykapal, animo’y isang sugo na banal. Kaya naman dagsa ang mga tao, pagagawan siya ng isang rebulto. Isang libong himala, isang pananampalataya. Lahat ng may sakit ay nag-aantay bubuhayin daw ang siyang patay. Gagaling basta’t ikaw maniwala, “Bukad kang pinagpala”. Ang naging tugon pagkatapos, barya lang po sa umaga.
04 | LIHIMITACIÓN
Behind a Dreamer’s Chamber by Chriserlyn Galvez I imagine you like a night flower: blooming in the dark, reveling over the music of cicadas and cool air; secretly one with the world, lost—but at home. I feel you dance in the rain— when no one is looking, when everyone is sleeping, curled ‘neath their warm blankets— and you gaily sway and splash; feeling the poetry of raindrops. I suppose you sail the seas: your fingers grazing the water, searching and enjoying; terrified but contented that you can only touch it but also feel it breathe with you. I think you are some candle: you flicker and attract but don’t mean to burn those who near your flame, just silently wishing for them to live with your kind of heaven.
LIHIMITACIÓN | 05
Patintero ni Albert Ortego Tay, ano po’ng nangyari? ’Nak, nakipaglaro lang si tatay ng habul-habulan. Tay, ano po’ng nangyari? ’Nak, nanalo si tatay sa larong baril-barilan. Tay, ano po’ng nangyari? ’Nak, natalo lang si tatay larong tagu-taguan. Tay, hindi po ba kayo nagsisisi? ’Nak, ang lahat ng iyon ay ginawa lang ni tatay para sa’ting bahay-bahayan.
06 | LIHIMITACIÓN
Kinutlig nga Kinabuhi ni Andrew Montejo An mga butkon san kanya nanay an kanya katurugan dughan san iroy, kanya higdaan. Siya an liawan san kanya amay tawa niya panpara tanglay siya kuno an ikinalilipay. Pag-edad niya usa ka-tuig saad san kanya kapanganakan, gintuman pamilya, nagrayhak, nagkalipayan. Lima katuig na an bata nag-uuyag kaupod an kasangkayan sa ilarom siton turó san uran. Kaupay gud paginimdan an inosente nga bata wara kapagalan kay bata pa, puros kalipayan. Kun wara la ak punita sak iroy pareho man ak kunta siton nga bata naglilipay, nag-uuyag gad man lat ak kunta. Nabatian ko man kunta huni san katamsihan nakit-an ko man kunta berde nga kabukiran nasagka ko man kunta puno san kamanggahan. Deri na tanan matutuman kay ako man dayun gin tanggalan san kinabuhi nga dapat, ako man. LIHIMITACIÓN | 07
Cinderella’s Prince: Unspoken and Untold by Mariel Ritchie Jolejole
08 | LIHIMITACIÓN
Who am I? A question I can’t even answer myself. Do you know who am I? I am a prince, yet no one knows my name. I am a prince and that is all I am known for. I was never known as who I am, You just know me for what I am and what I have. My family, and everyone only sees me as a “prince” So many rules I can’t break. So many regulations I must follow. And I’m so sick of it. Some of you may say, I’m lucky ‘cause I have the luxury, the royalty, the respect. But not the love, not true love. Yes, I am respected but I am not loved. I never wanted to be a prince, I just wanted to feel loved. All these young ladies only run after me because of my face, wealth, and royalty. They only love me for the crown, I know, they will never love me for who I am. Until I met her. From that moment, when our eyes first had a connection- everything, everything was unexplainable. I was afraid to break the rules until she came into my life. She made me see the real world behind those walls and giant gates. She made me feel free. With her, I became brave to fight for love. With her, I found myself. She found me. With her, I knew who I am. She knew who I am. With her, I am just an ordinary person. With her, I am no prince; That’s why she deserves to be my princess.
Guni-gunita ni Windel Joy Clerigo Malinis, nakasalansan Sa maliit na kahon Salitang ‘di nasambit Sa alaala ibinaon Pintadong itim at puti Naglalaro sa isipan Nasayang na sandali Likhang isip na lamang “Sa saliw ng musika Muli kang maisayaw Subalit ‘di maaari ‘Pagkat ika’y ‘di na ikaw Kasama mong mamasid Kahel na kalangitan Hindi na maaari Mata’y ipipikit na lang Sabay tayong nakatawa Sa ilalim ng buwan Ating mga bungisngis Bungang tulog na lamang Aking sumamo Nais kang mahawakan Subalit ‘di na maaari Dahil sa linya sa pagitan” Kalatas na ‘di natanggap Ito’y ‘di maluluma Aasang mahaplos kang muli Sa mundong aking nilikha.
LIHIMITACIÓN | 09
Mahal Kita, Matagal Na ni Jamaica Laguitan Sa tuwing ika’y nakikita Araw ko’y walang kasing saya Di man lubusang magkakilala Ika’y pinapangarap sa t’wina. Ngiti sa iyong labi, Ang siyang namumukod tangi Di nakakasawang titigan Kahit sa’ng anggulo man tignan. Suntok sa buwan man kung iisipin Panalangin ko sana’y dinggin Dahil walang ibang ninanais Kundi ang “oo” mong kay tamis. At kapag tayo’y nagkasama Di mapigilan ang nadarama Mahal kita aking sinta, Ikaw lang wala nang iba. 10 | LIHIMITACIÓN
LIHIMITACIÓN | 11
Nelophobia by Ernil Justine Apostol While you are sleeping, I’m still awake. 3am horror and I’m devil in a skin of saint. Wounding myself in front of a mirror, I have a different voice. A monster unleashes out of my prison, and I wear another soul. Caffeine-dazed eyes and ragdoll arms so I shard the glass. I can’t stare at the pieces, he’s the ghost in my head —my reflection is smiling but I’m not him.
12 | LIHIMITACIÓN
Lamiraw ni Andrew Montejo Natutunod na tinanglay nga sudang nagtitikang man liwat puminit an hangin kaupay la kay an imo mapaso nga mga butkonsa nakagapos sining mga lawas naton. Dungan ta nakit-an an paglabay Siton nga bulalakaw sa kalangitan Nakakandado an at duha nga kamot sa kada tagsa Dughan puno sin kalipayan. Gindara mo ak siton ino mahumot mayumhok gugma nga higdaan an kulba sa dughan gin ilob kay sine nga takna karuyag ko man. An kapinton san kagab-ihon nawawara san pagba-id sining mga lawas naton ngan tigda ak nagmata, nanugon nanluya kagasi ko kamatuuran, lamiraw manla ngay an.
LIHIMITACIÓN | 13
14 | LIHIMITACIÓN
Kay Sarap Lang ni Oliver Perez Selencio Kay sarap lang pagmasdan ng mga batang naglalaro Dahil sa kanila, sandali kong nakakalimutan ang mundo Hindi ko alam, kakaiba ang dulot nila, nakagagaan sa puso Hay, gusto kong maging katulad nila’t makipaghabulan sa damo Kay sarap maglibang ngayon— mamingwit ng mga tala! Habang nakasakay sa buwan na nagsisilbing bangka At pagkatapos sa malabulak na ulap, buong magdamag ako’y hihiga Kung puwede lang, ayaw ko nang bumaba’t bumalik sa lupa Kay sarap lang sa paningin at sa pakiramdam Tuwing makakasalubong ang mga nakangiting bulaklak sa daan At ang mga paruparo naman na sasayaw-sayaw saking harapan Ako’y kanilang inaaliw pinapawi ang nadaramang kalungkutan Kay sarap lang tumira sa isang lugar na tahimik Ito ang matagal ko nang inaasam-asam dito sa daigdig Kasama ni Inang Kalikasan— ng alon at mga ibong umaawit Oo, isang lugar kung saan doon naghahari ang pag-ibig!
LIHIMITACIÓN | 15
16 | LIHIMITACIÓN
It was love After all I tried to fix me Used to remember you How we talked about everything We walked We sang The plans We’ve made To run during dawn To forget and forgive People Who wounded us
At first, It wasn’t love So weird You were so kind to me We talked a lot About me And you And him It was lowkey It was smooth It wasn’t big It wasn’t strong Until the cup overflowed The alluring stars The sunsets The expectations Engulfed me We talked Confusion We walked Doubts We sang Silence I tried Menacing Risky I said I love you Courage You said you were only a friend Pain
We can’t make people love us A friend Will be a friend Love Luck Moon But I’m always here Waiting For you were the only exception Look so perfect I love you So much It hurts
Now I’m here Watching you With the ashes Remnants Pieces It was bittersweet But there’s nothing left To fight for
I tried I rose Again I tried to burn Everything The past Me and you The songs The steps The phrases And I found Myself Again
Yeah It was love I mourned I died But not too long
by Shameshell Corido
“Rue”
LIHIMITACIÓN | 17
Dinuguan ni Albert Ortego “Anak, I cooked your favorite ulam!” Masiglang tugon ng ina. “Wait ka lang nang saglit a, maghuhugas lang muna si mommy sa kitchen. After that sabay na tayong kumain.” Matapos ihain ng ina ang ulam na ‘dinuguan’ sa mesa kalapit ng isang manika, sinimulan niya nang linisin ang kalat sa kusina—kasabay ng pagligpit ng natitirang tipak ng karne mula sa hiniwang katawan ng bata.
18 | LIHIMITACIÓN
She’s a Pearl by Chriserlyn B. Galvez she’s a pearl drawn out of the deepest ocean stolen— now she’s an aesthetic, a crowning beauty adored to stages to please complacent eyes and eager hearts. she’s a pearl, missing the salty waters, now even if she tried an ocean is too vast, her tears barely fill the void.
LIHIMITACIÓN | 19
Di
li
Sec
rty
ittle
crets
by Andrew Montejo
The Demon In The Next Room
22 | LIHIMITACIÓN
“I’ll be away for five years, I want you to listen to your father always. Study hard and always say your prayer, it’s gonna be hard for us but I’m doing this for you honey. I love you.” She hugged me and she didn’t notice the tears running down to her rosycheeks. I hugged her back and replied “I love you too mama.” From a little distance I saw my father smiling but I saw also melancholy in his eyes, he walks toward us and he hugs both of us, then mother kissed him and walks slowly, she was dragging her baggage full of emotions and she stops, waving to us with tears in her eyes. At first it was hard for me without mother but as time passes by I learned to accept that she was not here and she did it for my sake though she calls me often but it’s different from being here because you can kiss her, hug her and tell jokes with her. Father, ah father I notice something about him, sometimes he came home late, drank and I don’t know if he can remember that I am here, sometimes
I felt like he doesn’t care about me but I can’t tell mama because I don’t want her to worry about us. I can’t tell mama that there is also weird happening in our house. Months, oh years have passed by and there was something in the room next to mine, I felt like there is a demonic aura every 3:00 o’clock in the morning. I heard voices there, I heard giggles of a witch-like creature in that room and chuckles of a monster but these voices subdued, I can only hear them if I get near to the wall that divides the room between mine and the room where the creatures are. Sometimes I can hear loud noises in that room like a poltergeist, banging of bed, sometimes dragging the chairs, yes! creaking of table, when these happen I can’t hear the voices and these occurrence created a cloud of fear in my heart and anxiety in my mind. The phenomenon affects my behavior I am always awake at night and overthinking what creatures are there in the next room that’s why I waited for that thing to happen again and I made myself stronger that time and
when I heard the voices again I went outside my room and gasp air because the fear was suffocating me. I saw the door of the room where the voices came from slightly opened and it was my chance to see what really was happening there. I put my face nearer to the opening and I saw demons. Tears run down to my face and walked slowly back to my solitary room. The fears that clouded my heart has now turned into hatred and was converted into bitter tears. I saw demon but without horns different from what I saw in movie and I saw also a witch but she has no broomstick, they were doing rituals in bed. The demon now is threatening my life since I knew already his secret and I cannot tell mama because I don’t want to risk my life because I am her last treasure, all her treasures sent to us from her hard works were all gone wasted by the demon. I will not tell the secret of the demon, not yet, but I will after the remaining two years of my savior.
LIHIMITACIÓN | 23
24 | LIHIMITACIÓN
LIHIMITACIÓN | 25
Matutulog na naman akong hindi naririnig ang boses mo, Hanggang kailan ba ito? Basang basa na ang mga unan ko. Hinihintay ang tawag mo Ninanais na ikaw ang kapiling sa pag tulog ko. Dinadaya ang oras na lilipas din ito. saglit pero bago ako matulog, Pwede bang parinig ako ng boses mo?
Matutulog na naman akong hindi naririnig ang boses mo, Tinititignan ang mga litrato mo na nakakabit sa dingding ko nagsisilbing panangga sa taglamig, sa mga yakap na hindi makamit-kamit. Mag isang nililibot ang paligid nagbabakasakali na nandito ka. tinatago ang sarili sa mga kumot ng lungkot, selos, at pagkasabik sayo.
yakapin mo ako na parang huli na ang lahat. Hindi na ako hihiling ng kahit ano kundi ang manatili ka. Wag na natin hintayin na mawala pa, wag na tayong magtagu-taguan Magbilang ng araw kung kailan natin aayusin. Pakiusap, pakititigan akong muli sa mga mata ko.
Matutulog na naman akong hindi naririnig ang boses mo, Hahagkan ang mga labi mo. Iisiping baka huli na ito, kaya pakibigay sa akin lahat
Matutulog na naman akong hindi naririnig ang boses mo, Hihintayin muli ang mensahe mo. Ngingiti dahil sa wakas naalala mo ako Bibigkasin ang mga katagang mahal kita, hihilingin na sana ganun din ang iyong nadarama. Mamaya o sa makalawa? Baka pwede ngayon na? Bigyan natin muli ng tunog ang relasyong nawawalan na ng kanta. Pakiusap, pakihawakang muli ang kamay ko.
Matutulog na naman akong hindi naririnig ang boses mo, mananaginip ng wala sa piling mo. Iiyak ng hindi mga kamay mo ang magpupunas Mga kisameng pinapakita ang nakaraan, minsang hiniling na sana ang iyong mga mata ang tinititigan. Ngayon o bukas? Mga nakakabinging katahimikan, tadhanang patuloy tayong pinaglalaruan sa isang karerang hanggang saan ba tatagal ang ating pagmamahalan.
ni Andrian Pocholo Nicol
Matutulog na Ako
Promise Me by Albert Ortego Placing— Replacing Over More Itruiging Secret Entanglements Making Excuses
26 | LIHIMITACIÓN
Lihim na Karimlan ni Andrew Montejo Umalingawngaw ang sigaw may halong iyakan at hiyawan paghimlay ko’y pinukaw. Pinilit na igalaw ang katawan kahit na mga mata’y di-maimulat mausisa lamang ang kaguluhan sa tahanan. Nasaksihan ang katawang nakaratay hubo’t hubad, duguan, kapatid na walang buhay patuloy ang panaghoy at pagtangis ni inay. Mga matang kanina ay naiidlip ngayon ay nanlilisik, dibdib ay naninikip katawan ay nanginginig.
Isipa’y naguguluhan, hindi ako! Hindi! Ang gumawa sa krimeng ito nagkakamali ang hatol ng konsensya ko. Biglang bumuhos ang di-mapigilang mga luha nang masilayan ang kutsilyo’t droga sa ibabaw ng aking makasalanang kama. Humarap sa salaming nakasabit at doon nakita sa mapagtotoong mga mata ang kahayupang sa kapatid ginawa. Iyan ang kwento ng aking karimlang lihim, droga’y matagal ko nang iniwan kasintagal ng kasalanan na hanggang sa impyerno’y aking pagdurusahan.
LIHIMITACIÓN | 27
Maskara ni Oliver Perez Selencio Nakatitig ako sa malayo, balisa Ihip ng malamig na hangi’y nadarama Umiiyak ako ngunit walang luha, Sapagkat ayaw ko na iyong mahalata. Narito’t inipon ang mga larawan nang nagdaan, Na kung magugunita makulay ang bawat sandaling pinagsaluhan, Hindi ko tinapon o binura, aking pinahalagahan, Kahit na ang totoo, t’wing babalikan ako’y nasasaktan. Sasayaw ako, aawit, maglalaro Hindi mo ba nararamdaman and saya-saya ko? Wala lang sa ‘kin ang nangyari hindi ako nabigo, Sa paglilibang itatago ko itong nagdurugong puso. Kapag makaharap kita ako and siyang unang babati, Kakamustahin kita’t kakausapin na tulad nang dati, Hindi ko iiwasan and mapamihag mong mga titig at ngiti, Kahit na masakit ako’y magkukunwari. Sasama pa rin ako ngayon kapag ka niyaya, Walang nagbago, makikita mo sa mga kilos ko’t pananalita, Ako pa rin and dating ako noong una mong nakilala, Ngunit sa pagkakataong ito sa harap mo ako’y nakamaskara.
38 | LIHIMITACIÓN 28
Maliit na Bagay ni Joseph Delorino Mga pantasya... ang nabuo sa aking isipan Habang pinapanood ang mga palabas nina Bella Padilla, Princess Sofia, at higit sa lahat yung kamukha mo si Dora. Ito yung noong una’y bunga lamang ng matinding paghanga; Mapungay mong mata, ngiti mong kay ganda, at height mo na kay baba. Ito yung panahon na sinasabi kong “cute ka” at kung ano-ano pa. Mga salitang inakala mo’y pambobola Kaya halos di mo ramdam ang puso kong pilit na umuunawa. At, oo, hindi ka Elf, hindi ka Dwarf, at hindi rin Smurf. Dahil ikaw yung Dorang naglalakbay pa lang, Naglalakbay para masabing hindi sa kanya umiikot ang ‘yong mundo. At para masabi sa sariling kaya mong mabuhay nang wala ang ibang tao. “To move on is to grow” ika nga, Pero sa sobrang liit mo, daig mo pa yung inosenteng bata, Para kang kinder sa iyong, Isang katangian kung saan ako ay nahulog at na-love-at-first-sight. Mga imahenasyong bunga lang ng paghangang inilihim nang kay tagal, Na sa huli’y akin ring pinigilan sapagkat may iba ka na ngang mahal. Noong una, napapaisip ako na umiyak na lang at humandusay. Ngunit aking naalala na ako’y nagsusulat dahil lamang sa isang maliit na bagay at dahil nga “maliit ka kaya hindi tayo bagay“.
LIHIMITACIÓN | 29 39
Luha ni Oliver Perez Selencio Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang ganyan Sa mga mata mo’y lagi na lamang may kalungkutan Ngumiti ka man paminsan-minsan lang, panandalian At ang ngiti pang iyon walang kulay, hindi lubos ang kasiyahan. Sa loob-loob mo ika’y nahihirapan, Alam ko gustung-gusto mong ilabas, ipagsigawan Sa sarili’y kinikimkim mo lamang upang walang makaalam, Kailangan mo nang makakasama, nang mapagsasabihan. Ang mga nangyayari hindi mo maintindihan Kay raming mga tanong ngunit wala’t malabo ang mga kasagutan, Naghihintay at ang mga panalangin siya mong pinanghahawakan, Ngunit hanggang kailan kaya at hanggang saan. Minsan, ito na lamang ang natitirang paraan Upang maibsan kahit kunti ang bigat na pinapasan — Luha, na kusa na lamang pumapatak at Hindi kayang pigilan Na ang puno’t dulo’y ang ngayon na iyong nararamdaman.
30 | LIHIMITACIÓN
Red by Breant Ceasar O. Coquia He woke up the next day with the sun smiling down at him through the hotel room’s window curtains. He stood half-naked by the window, the bottles of vodka from last night sitting cold and empty upon the windowsill. There was a shuffling of clothes behind him as the girl she had slept with robed herself with the same red dress she had worn the other day. He picked up his clothes from the floor and began dressing himself. He was almost done with his necktie when he heard the girl fake a cough. He stared at her with intense pleasure. Her curly brown hair reached down to her shoulders, where the red kiss mark he had planted last night showed proudly like a prize. He looked at her in her sparkling brown eyes, and he instantly felt the stirring sensation inside him coming back again. “I have to go now,” the girl reminded him. He snapped out of his trance, blinking. “Oh, right. Here.” He took money from his pocket and gave it to her for the ‘good service’ she had offered him. “Please,” he added before letting her go, “no one can know about this.” “Don’t worry. I’ll take care of that.” The girl stopped at the doorway, facing him to show the cunning smile on her face. “Thank you for the scholarship. Until next time, Mayor?” He didn’t answer. But he certainly felt another surge of hardness down there.
LIHIMITACIÓN | 31
32 | LIHIMITACIÓN
Niluma na ng panahon ni Briggs Villuaferte
Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang ganyan Sa mga mata mo’y lagi na lamang may kalungkutan Ngumiti ka man paminsan-minsan lang, panandalian At ang ngiti pang iyon walang kulay, hindi lubos ang kasiyahan. Sa loob-loob mo ika’y nahihirapan, Alam ko gustung-gusto mong ilabas, ipagsigawan Sa sarili’y kinikimkim mo lamang upang walang makaalam, Kailangan mo nang makakasama, nang mapagsasabihan.
Ang mga nangyayari hindi mo maintindihan Kay raming mga tanong ngunit wala’t malabo ang mga kasagutan, Naghihintay at ang mga panalangin siya mong pinanghahawakan, Ngunit hanggang kailan kaya at hanggang saan. Minsan, ito na lamang ang natitirang paraan Upang maibsan kahit kunti ang bigat na pinapasan — Luha, na kusa na lamang pumapatak at Hindi kayang pigilan Na ang puno’t dulo’y ang ngayon na iyong nararamdaman. LIHIMITACIÓN | 33
My Friend “Me” by Albert Ortego I have a friend named Me Lost in a sea of feels was he In a maze-like place, he roams unfree A game of chance, only played by he Called out to Love, but him she can’t see Love never came to Me
34 | LIHIMITACIÓN
LIHIMITACIÓN | 35
Below the belt ni Briggs Villuaferte Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang ganyan Sa mga mata mo’y lagi na lamang may kalungkutan Ngumiti ka man paminsan-minsan lang, panandalian At ang ngiti pang iyon walang kulay, hindi lubos ang kasiyahan. Sa loob-loob mo ika’y nahihirapan, Alam ko gustung-gusto mong ilabas, ipagsigawan Sa sarili’y kinikimkim mo lamang upang walang makaalam, Kailangan mo nang makakasama, nang mapagsasabihan. Ang mga nangyayari hindi mo maintindihan Kay raming mga tanong ngunit wala’t malabo ang mga kasagutan, Naghihintay at ang mga panalangin siya mong pinanghahawakan, Ngunit hanggang kailan kaya at hanggang saan. Minsan, ito na lamang ang natitirang paraan Upang maibsan kahit kunti ang bigat na pinapasan — Luha, na kusa na lamang pumapatak at Hindi kayang pigilan Na ang puno’t dulo’y ang ngayon na iyong nararamdaman.
36 | LIHIMITACIÓN
Silong ni Ernil Justine Apostol Halika’t sumilong ka sa dulo ng makitid na eskinita. Maglalaro tayo ng bahay-bahayan, ikaw ang aming bisita. Ang aking lolang biyuda ay bugaw, Kuya ko’y poganteng magnanakaw, Ama ko’y lasinggero’t hit man pa, Ate ko’y manggagantso sa araw-araw. Suminghot ng mga pakete ng kristal, negosyo ni nanay ay ‘di matumal. Ito ang nakasanayan ng buong pamilya, pati ako na nasa sinapupunan pa niya.
LIHIMITACIÓN | 37
Wheel
by Albert Ortego “I love you,” you said. At first, I thought I was dreaming. I could not believe the words I have been wanting to hear you say for a long time were finally carried by the wind. They were carried by the wind. Carried too sudden yet so careful, too soon but too fast. And planted their sincere kisses... to the person standing beside me. “I love you, too.” I love you, too. As his words and my thoughts synced, the two of you embraced.
38 | LIHIMITACIÓN
They Were Blue by Chriserlyn B. Galvez He saw her bruises, the black and blue blossoms of an undying cruelty. He promised to love her, and never lay a finger on her pallid skin. She was happy with him. One day, glasses crashed, and screams played. It was cathartic for himas his hands flew to her face. He remembered what his father did, his mother’s skin was blue, now he will paint hers too.
LIHIMITACIÓN | 39
ni Breant Ceasar O. Coquia
Sikretong Malupet, Puwede Pabulong 40 | LIHIMITACIÓN
Sikretong malupet, pwede pabulong, Huwag ipagkalat kung ayaw makulong, Halina’t pagsaluhan, ubusin, magtulung-tulong, Isang pirasong pechay sa pitong pirasong talong. Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan, Nagkayayaang mag-inuman sa bayan ng Pambujan, Halina’t langhapin, simutin, dilaan, Isang pirasong tinapay sa pitong klaseng palaman. Andyan ka na naman, ba’t ‘di ko maiwasan, Pagrecord at pagvideo - hindi ko mapigilan, Halina’t simulan ang Pista ng Kalibugan, Isang bote ng alak sa pitong plato ng pulutan. ‘Di ba nga ito ang iyong gusto, Ang maipakita sa iba ang iyong sikreto? Halina’t ipasa sa mga barkada ang video, Isang baso ng juice sa pitong biyak ng yelo. Pasensya na kung papatulugin na muna, Mga alaga ng mga binatilyong pinahalagahan sana, Sa rehas ng kawalan at bubong ng hustisya, Isang platito ng sauce sa pitong pyrex ng carbonara.
LIHIMITACIÓN | 41
Lone Wolf by Andrew Montejo Moon in her crescent phase painted desolation in the wolf’s face awaits her again to complete and so he will howl his sentiment. Why the wolf loves so much the moon? maybe he has suppressed desire. Is he attracted to her? Or only the wolf knows that they have love affair? Things can be assumed like, no matter how hard he cries no matter how many howl he sacrifice they can’t be together. He’s a wolf. She’s a moon.
42 | LIHIMITACIÓN
Pluviophile ni Albert Ortego Makulimlim ang umaga’t mabigat ang kalangitan; sa kalagayan ng panaho’y bubuhos ang ulan. Umiihip ang hangin, bumubulong sa akin. Yakapin ang ginaw at ipamigay ang init sa kasamang nanginginig sa lamig ng ihip. Sa mundong tahimik, ang lahat ay payapa, walang ingay sa paligid, walang nagmamasid. Malawak ang silid, nakakulong tayo— nag-iisang ikaw sa nag-iisang ako. Hanap ang mga kamay, mga daliri’y nagbabaybay sa ilalim ng kumot kung saan nakasuot. Hawakan nang mahigpit, damhin ang init. Lumapit nang mas malapit, higpitan ang kapit, sumuong sa tabi— sa bisig ng katabi, Mabagal ang takbo ng oras, mabilis ang tibok ng mga dibdib; mabagal ang mga kilos, mabilis ang paghinga; maingat sa paglalakbay, marahang dinarama. Blanko ang isip, mga mata’y nakapikit. Nakalalasing na labi, ninanamnam ang tamis. Kung sa pagtulog, sa piling mo ay langit, huwag na akong gisingin at hayaang sumisid sa kailaliman ng panaginip, sa iyong mga bisig.
LIHIMITACIÓN | 43
Pagkilala MGA OBRA:
[2, 8-9, 23-24, 26, 35-36, 43]
[7, 34]
[19]
Wendy Lynne Sorio
John Eduard Abanes
Bevelene Marie Melendres
[4, 11, 14, 41]
[10, 15, 28, 30, 37, 40]
[38]
Deyen Sorio
Aljan Bautista
Eric Acibar
[3, 5, 12, 18, 27, 31-32, 39, 42]
[13]
Dave Jubasan
Cyril Robiato
MGA LITRATO:
[6]
[17]
[Paunang salita, 20-21, 29, 33]
Jimbert Dulay
Arnulfo Porlon
Tyrone Guinano
Pasasalamat Nais naming ipaabot ang taos-pusong pasasalamat:
Sa lahat ng gumabay at nag-udyok upang maisakatuparan ang pagsasapapel ng kalipunan ng mga akdang ito. Kay Michael Pecayo (Technical Adviser, The Pillar). College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Sa lahat ng patuloy na tumatangkilik at nagtitiwala. Sa lahat ng manunulat, dibuhista at litratista.
MAR AMING SAL AMAT!
Tagapayong Teknikal
MICHAEL PECAYO
Tagapamahala sa Pinansya
ANALYN BANAGBANAG
Mga Tagalapat
ALBERT ORTEGO DAVE JUBASAN TYRONE GUINANAO MARL ANTHONY LUCBAN
Litratista
LINO KHIM MEDRINA ALLEN JAMES TANCINCO BEVELENE MARIE MELENDRES
Mga Dibuhista
ERIC ACIBAR CYRIL ROBIATO JIMBERT DULAY ALJAN BAUTISTA WENDY LYNNE SORIO ARNULFO PORLON JR.
Mga kawani
EUNICE CAYOCYOC ANDREW MONTEJO WINDEL JOY CLERIGO EMMANUEL CAYOCYOC
Patnugot sa Lathalain
REGINE VALERIE ARNINIO
Patnugot sa Balita
MYCA ENRARAS
Tagapamahalang Patnugot
CZARINA MAY TOMADA
Kawaksing Patnugot
MARK CAESAR MORALES
Punong Patnugot
ROSITA MORALES
Mga Patnugot at mga Kawani
The Pillar
Critical · Fearless · Unapologetic
THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF THE UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES All Rights Reserved 2019