The Prime Filipino August Issue

Page 1

THE PRIME

THE OFFICIAL PUBLICTION OF BAYAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Larawan Ni: Al Jazeera

Mga Nilalaman: Editoryal....................... Pahina 3 o Death Penalty: Makatarungan Nga Ba? o Tatak Promdi

Lathalian....................... Pahina 5-7

Deped: Pagbukas ng Klase sa oktobre 5 gamit ang sistemang modular sa pag-aaral

Pag-aaral tuloy sa New Normal APRIL ROSE SEBUCO Taliwas sa unang iminungkahi ni DepEd Secretary Leonor Briones na sa Agosto 24 magsisimula ang muling pagbubukas ng klase ito ay inilipat sa Oktubre 5 para sa taong 2020 at magtatapos sa ika-30 ng Abril taong 2021. Sa kabila ng hinaharap na pangamba ngayon ng tao dahil sa krisis dulot ng COVID-19, isinaad ni Briones na sinisiguro nila ang kaligtasan ng mga mag-aaral, nilinaw din niya na hindi kinakailangang pumasok ng pisikal o ‘face to face’ sa

paaralan kaya gumawa sila ng bagong curiculum na “modular” at “virtual learning” upang maiwasan ang interaksyon ng mga estudyante at ang pag kalat ng “virus”. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon na pumili sa kanilang curiculum na naayon sa kanilang kagustuhan, sa “modular” ang mag-aaral ay bibigyan ng “modules” na maari lamang kunin ng kanilang magulang sa paaralan at para sa “virtual” naman nirekomenda na magkakaroon ng “virtual room” upang mas maging maayos ang sistema ng pag-aaral, maging ang libro ay sa “online” na-

COVID 19 sa Pilipinas, palala na nang palala ZARAH JEAN CUEVAS Umabot na sa 2,998 na pilipino ang nasawi sa Corona Virus Disease 2019 habang 55,236 katao ang patuloy na lumalaban sa sakit. Pumalo din sa 131,000 katao na ang nagtagumpay at nakaligtas sa nasabing virus. Sa ngayon, humigit-kumulang 190,000 na ang naitalang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas simula noong Marso 2020. Ang pinakamaraming kaso na naitala ay ang Metro Manila na pumalo sa 107,000 na

kaso. Kasunod nito ang Calabarzon na umabot sa 21,167. Pangatlo naman ang Central Visayas na kung saan 19,115 ang naging positibo. Pang-apat ay ang Central Luzon na may 6,795 na kaso. Nang dahil sa pandemyang ito, ang buong bansa sa ngayon ay naka-quarantine pa na nagdulot ng malaking problema sa mga taong naghahanap-buhay lalo sa na sa mga “No Work, No Pay” na mga empleyado. Sabi nga nila, “Ano ang kakainin namin kung wala kaCOVID 19/ PAHINA 2

o Trono Ko’to Dahil Karapat-dapat Ako o Kagandahan sa Pagkakaiba-iba o Frontliners: Bayaning Hirang o Libangan sa Kasagsagan ng Pandemya

Pampalakasan.............. Pahina 8-9 o Lumipad at Mangarap o Esports: Hindi Banta sa Akademiks o Micahel, Hindi Nagpahuli pagdating sa Bakbakan sa Online Chess Tournament rin ipapasa gamit ang mga “soft copies” nito.. Isinaad rin niya na sa pagharap natin ngayon sa pagbabago ng sistema sa pag-aaral ang bawat magulang at “guardian” ay may malaking responsibilidad na bantayan at pag tuunan ng pansin ang mga kanilang mga anak sa pag-aaral.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.