S
FOOD & CUISINE
SA TABI NG MALAWAKANG ILOG NG BARANGAY SOLONG, Sibalom, Antique ay madadatnan ang mumunting kubo na gawa ng kawayan, pinapalibutan ng mga maluluntiang punongkahoy, kung saan sa kalayua’y malalasap ng mata ang marilag na tanawin ng maberdeng bundok ng Poras at mga bulubundukin. Sa tapat ng kubo ay ang mga nakahilerang katauhan na may kanya-kanyang nagliliyab na karamdaman. Mayroong nag-iisa na sa bawat paghigop ng Bendong Gadas ay ang siyang pagpigil sa pagtulo ng luha, dahil sa siya’y pinagkaitan ng giliw at iniwan ng iniirog. Mayroong dalawahan na tiyak namang magkasintahan, sobrang galak at tuwa ang masasalamin sa kani-kanilanh mga mata sa bawat pagsubo sa isa’tisa. Mayroon ring magbabarkada na hanep ang pagtatawanan, mga magbabarkadang kakalabas palang sa Unibersidad ng Antique at kakatapos lang bumangga sa mga pagsusulit ay napagdesisyunang gatimpalaan ang sarili. Mayroon ring kakarating lang kung saan nagsisibabaan ang mga chikiting kasunod ng mga magulang. Kay sarap isipin na sa mumunting kubo na ito ay nagtitipon-tipon ang mga magkakapatid sa mata ng Diyos. Na kahit iba-iba man ang pinanggalingan, lahi, kulay, edad at katayuan sa buhay ay may iisang naging dahilan ng kanilang pagbubuklod --- ang Tambayan sa Binit Suba ng mag-asawang April Joy at Noel Adricula. Dalawang uri ng pagkain ang inihahain, Batchoy at Bendong Gadas. Saan mang sulok ng munisipalidad ng Sibalom ay kilala ang Batchoy, samantalang ang Bendong Gadas ay bihirang marinig sa bibig ng mga tao at hindi pa gaanong kilala ng kararami. Ang Bendong Gadas ay maihahalintulad sa Soup Number 5. Pareho ang pamamaraan ng paghanda at pagluluto ang kaibahan lamang, sa halip na ari ng baka ang sahog ay pinalitan ito ng panloob na bahagi ng baka o mas kilala aa katawagang kasudlan. Marami ang sahog kaya tiyak na ang isa’y mabubusog sa halagang “singkwenta pesos” (50 pesos). Halos dalawang oras ang nakatalanang panahon sa pagluluto nito. “Duro gahambal nga nami ang sabor ka amun raha rudya. Laban tana amun kusog, amu ra nga kung mangayo sanda ka kaldo, gamay lang natugro namun. Mahambal pa iba kara nga: Ay ja lang man gli kami makatiraw ka bendong nga amo ja kanamit hay laban ang kusog (marami ang nagsasabi na masarap ang lasa ng luto namin dito. Mas marami ang laman, kaya pag nanghihingi sila ng sabaw, kaunti lang ang binibigay namin. Sasabihin naman ng iba: dito lang pala kami makakatikim ng bendong na ganito kasarap kasi puro laman)” saad ni April Joy Adricula may ari ng resto. Ang mag-asawang namamahala ng nasabing tambayan 53
ay dati nang may Batchoyan na pinapapamahala sa iba, sa kadahilanang si Noel noon ay naglilitson ng baboy at ang asawang si April Joy naman ay nagtatarabaho bilang security guard sa Gaisano. Nagkataon naman na nagkaroon ng allergy si April Joy at medyo natagalang hindi nakapagduty, na siya namang naging dahilan para sabihin sa asawa na siya na lamang ang mamahala ng kanilang Batchoyan. Sa kalauna’y ang inihahaing pagkain ay nadagdagan ng Bendong Gadas, na naging patok sa mga Sibalomnon at mga dayo. Sa kasalukuyan, ang nakatokang magluto ng Bendong Gadas ay si Noel, samantalang ang kanilang Batchoy naman ay nakasalalay sa kamay ni April Joy. Kakaiba ang kanilang batchoy sapagkat litson ang ginagawang sahog. Ang ordinaryo ay mabibili sa sa halagang 25 pesos at ang espesyal ay 35 pesos. Mapabata man o matanda, mapaestudyante o may trabaho ay naging patok ang kanilang negosyo. Sabado at Linggo ang may nakatalang pinakamaraming pumupunta at bumibili sa kanilang Tambayan, lalo na kung kakabalik pa lamang ng mga estudyante. Dumagdag din sa kanilang pang-akit ng kostumer ang magandang tanawin ng tulay at ilog sa Solong. Maliban sa tanawin ay nakakaengganyo rin ang preskong hangin na malalanghap na tiyak namang nakakabawas sa lebel ng istres ng tao. Sinong magaakala na ang pasimpleng pagtayo ng Tambayan sa Binit Suba ay makakatulong pala sa pagninilay-nilay sa mga bagay-bagay at pagpapaliwanag o di kaya’y pananahimik ng kaisipan. Sinong mag-aakala na sa minsang pagdalaw niya Tiyak na huwaran, na pati pag-upo’y kinopya Ng mag-asawang, magandang kapalaran ang tinatangala Salamat sa pagtagpo ng magandang pwesto, Mayor Occena Minsan nang naging lugar magpaginhawa Ako ba’y magdadalawang isip pa? Sa pagtikim hindi lang ng hinahain nila Kundi ng lugar na sa tao’y makakadulot ng payapa Ikaw kailan mo balak? Baka hanggang balak lang ha? Huwag naman sana....