Scan to see What are the candidates’ take on the proposed Tuition and Other Fees Increase (TOFI) in Holy Angel University?
The Newsletter of The Reflection, The Official Student Publication of the School of Education Volume I Issue no. 2
February 2020
SocStud majors vie for council chairmanship Bhea Andrea Eneria (left) and Francis Jason Miranda (right), both second year Social Studies major, vie for the Chairperson’s position of the School of Education’s College Student Council. Eneria, from the Kayabe Coalition, is currently a SEd senator under the University Student Council. On the other hand, Miranda, from the Sinlag Party, is the current Vice-Chairperson of the SEd-CSC. Photo by Daphne Nicole Medina
KAYABE aims for SOARING OWLs, SINLAG pushes for ViDang – ViDa Ka! by Mary Randzhel Santiago The School of Education (SEd) for this year’s election campaign carry out new brands of leadership led by Bhea Andrea Eneria of KAYABE and Francis Jason Miranda of SINLAG, vying to be the chairperson of the department’s College Student Council. The two parties presented their platforms in a narrative submitted to The Reflection, which is in-charge of the department’s Eduk Elections coverage. These platforms will formally be presented to the teacher education students during the ‘Pagkilala sa mga Kandidato 2020’ which will be held on February 27. The Kanlungan at Yaman ng Bawat Estudyante (KAYABE) party proposes their summarized team’s agenda, which is the ‘SOARING OWLs’, an acronym which stands forfor Student Involvement, Outreach Programs, Academic Excellence, Regenerate Funds, Information Dissemination, Nurture Individual Growth, Go for Progress, and Outstanding and Wise Leaders. The platforms of the Maica-Bhea team
will focus on “the individual growth of the owls [teacher education students]” as well as its effect on the progress of the whole SEd community. These platforms include the following plans: spearheading an organization week for SEd students, initiating tree planting activities/clean-up drives, tutoring and organizing different seminars, doing some fundraising activities, maximizing the use of social media, nurturing professionalism and individual growth among CSC officers, establishing a committee for the non-council SEd aspiring leaders and many more. On the other hand, the Student empowerment enhancing student’s Initiative through New programs and activities guided by Legislative actions of Accountable leaders toward Good Governance (SINLAG) party targets “to lead with the heart and to act with the mind”. Their platforms were divided into three: ViDang – ViDa Ka!, ViDang – ViDa Ka sa Galing!
and ViDang – ViDa Ka sa Malasakit! With the ViDa team, ‘ViDang – ViDa Ka!’ includes the planned ‘Eduk Merchandise’, generating semestral funds and spearheading ‘Eduk Na Ako’, which is a welcome celebration for incoming first year students. Moreover, ‘ViDang – ViDa Ka sa Galing!’ consists of a planned LET Review for Teacher Education Students, Research Writing Training, Fellow Educator Leadership Training and the Maestro ng Kabataan: The Eduk Convention 2021. On the other hand, ‘ViDang – ViDa Ka sa Malasakit!’ involves a planned talk on Global Citizenship Education, a Monthly Assessment for Teacher Education Students (MATES), an Inclusive Week which involves three seminars, and the Integration of the Sustainable Development Goals Plan which will be divided into two: Build the Goal and Act towards the Goal. A set of panel as well as the audiences will be given the chance to ask further questions regarding these platforms on the ‘Pagkilala sa mga Kandidato’ which will be held at PGN 311.
E D I T O R YA L
Parang Relasyon ang Eleksyon Ang eleksyon ay parang pagpasok sa relasyon at sa paghahalal natin ng nararapat na lider estudyante, kailangan nating isaalang-alang ang pagpili sa kung sino ang maalam, sino ang hindi mang-iiwan, sino ang hindi magpapaasa, at ang pinakamahalaga, sino ang para sa ati’y kayang manindigan. Dumaan na naman ang Pebrero. Bukod sa pagdiriwang sa araw ng mga uso, isa sa magpapaingay muli sa ating kampus ay ang panahon ng eleksyon. Panahon na naman ng panliligaw ng mga kulay sa mga estudyanteng boboto sa kanila. Biglang tatamis ang mga salita. Magsusulputan ang mga pangako. Papabanguhin ang mga pangalan. Sa mga nagdaang taon, parati tayong nakukulong sa konsepto ng halalan bilang pabonggahan ng campaign materials at pagandahan ng mga acronym ng mga pangalan. Kung kaya, hindi na nakagugulat na minsan, nabubulag tayo upang maghalal ng mga maling tao. Kung paanong sobra tayong nagiging mapili sa ating makakarelasyon, gano’n din dapat tayong magdesisyon sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa atin. Kung kaya, sa puntong ito, nararapat nating paalalahanan ang ating mga sarili sa kung sino ang nararapat nating pagkalooban ng ating tiwala. Una, nararapat lamang nating piliin ang taong maalam. Huwag tayong magluluklok ng isang kandidatong napilit lang kaya hindi totoong alam ang pinapasok niyang responsibilidad. Piliin natin yaong maalam sa tunay na saysay at proseso ng pamumuno. Huwag na huwag tayong magtitiwala sa mga humabol lang para sa kanilang sarili, yaong mga nagpapabango ng pangalan at nagpaparami lang ng credentials para may maipagyabang sa kanilang curriculum vitae. Piliin natin ang kandidatong alam ang misyon ng kanyang paaralan, at kritikal na mag-iisip kung ito ay natutupad ba o hindi – lalo na sa aspeto ng pagkakaroon ng “accessible quality education”. Ihalal natin ang kandidatong alam kung paano pagbalansehin ang pagiging estudyante at lider, yaong hindi pababayaan ang kanyang pag-aaral at hindi rin naman pababayaan ang pagtupad sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang pinuno. Itigil na natin ang paghahalal ng mga lider na hindi
man lang nagbabasa ng student handbook, kung kaya hindi rin tumutupad sa mga panuntunan. Ihalal natin yaong huwaran para sa lahat, hindi yaong mauuna pang lalabag sa mga nakasulat na panuntunan. Huwag nating ibase ang ating desisyon sa dami ng kanyang followers sa social media at sa ganda ng kanyang itsura, kundi, ibase natin sa dami ng kanyang magaganda at makaestudyanteng inisyatibo. Lagi’t lagi, hindi dapat mukha ang puhunan kundi kilos at gawa. Pangalawa, huwag tayong maghalal ng mga paasa. Huwag tayong
Hindi natin kailangan ng mga ignoranteng lider. Lalong hindi natin kailangan ng mga lider na parang bula kaya nawawala na lang bigla. Kailangan natin ng lider na may boses na mananawagan para sa ating mga estudyante. magpapakulong sa mabubulaklak na mga salita. Kilatisin natin kung alin sa mga salitang ibinubulalas ng kanilang mga bibig ang kaya nilang isabuhay at mapatotoo. Huwag nating iboto ang kandidatong puro pangako, na sa kalauna’y palaging napapako. Huwag nating ihalal ang kandidatong tuwing eleksyon lang tayo papansinin, pero hindi naman pinapansin ang mga totoo nating hinaing. Piliin natin yaong mga may tunay at konkretong plataporma. Piliin natin yaong hindi nagpapatali sa dikta ng kanilang partido, kundi yaong mga may sariling prinsipyo at paninindigan para sa tunay na pagbabago. Piliin
natin yaong mga hindi sumusukong maglingkod para sa atin. Huwag tayong maghalal ng taong iiwan lang tayo sa ere. Kailangan natin ng lider estudyanteng mananatili sa lahat ng panahon. Ikatlo, at ang pinakamahalaga sa lahat, dapat nating piliin ang lider estudyanteng kaya tayong panindigan. Huwag nating ihalal ang lider na magpapagod lamang sa mga kaganapan ng University days o College days, pero hindi naman nagpapagod na pagaralan ang kanyang mga pinamumunuan at ang mga isyung kanilang kinahaharap. Huwag tayong magtiwala sa lider na hindi alam ang tunay na hinaing ng mga estudyante, yaong mga hindi lang malilimitahan sa mga mabababaw na pangangailangan, ngunit kaya ring magbabad at sumisid sa mga pangunahin at tunay na pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan. Iboto natin ang mga mangunguna sa panawagang ipababa o huwag magtaas ang matrikula at iba pang bayarin sa pamantasan. Kailangan natin ng lider estudyanteng totoong magiging tenga’t boses nating mga mag-aaral. Kailangan natin ng lider na titindig para sa ating karapatan at mananawagan sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tulad sa isang relasyon, piliin natin ang tamang tao para sa atin. Sa usapin ng pagpili ng mga susunod na mamumuno, mahalagang isaisip kung sino sa kanila ang hindi maglilingkod para sa sarili lamang pero maglilingkod para sa kanyang nasasakupan. Hindi natin kailangan ng mga ignoranteng lider. Lalong hindi natin kailangan ng mga lider na parang bula kaya nawawala na lang bigla. Kailangan natin ng lider na may boses na mananawagan para sa ating mga estudyante. Ano’t ano pa man, mahalagang pag-isipan ang mga bagay na nabanggit dahil sa oras na tayo ay boboto, hindi lang natin pinipili ang mga susunod na pinuno, pinipili na rin natin ang ating kinabukasan.