VOLUME II, ISSUE 1 | THE REFLECTION'S MIRROR

Page 1

The Reflection’s

RAPE-LEKSYON Volume II Issue no 1. │ January 2021


The Reflection

THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF THE SCHOOL OF EDUCATION

EDITORIAL BOARD 2020 - 2021 Editor-in-Chief Shaina Gil Sunga

Managing Editor for Administration Mary Randzhel Santiago

Associate Editor for Internal Affairs Loraine Clavo

Managing Editor for Finance Gywneth Lee Mangaliman

Associate Editor for External Affairs Ma. Angela Cordova

EDITORS AND STAFFERS News Editor Chesa R. Filosofo Features Editor Cherish Cunan

Senior Editor for External Affairs Justhine Kaylo Lao

Entertainment Editor Mark Lester Samson

Senior Editor for Administration Daphne Nicole Medina

Literary Editor Eleila Gonzales

Senior Editor for Finance Nicole Diane Liwanag

Head Arts Editor Milker Gutierrez Head English Editor Trisha Dimabuyu Head Filipino Editor Michaela Noreen Elizalde

Circulations Manager Carl Danrylle del Fin

Editorial Staff Jillian May Ayuyao Camille Joyce Cabrera Herman Samson

Technical Adviser Jonel Velasquez, LPT, MAELLT


VOLUME II ISSUE NO. 1 JANUARY 2021

The Reflection’s

The Reflection’s Mirror is the official magazine of The Reflection, the official student publication of the School of Education, Holy Angel University. Comments, contributions, and suggestions may be sent to the editors. No part of this publication may be used or reproduced in any form or by any means without the permission of the editorial board and staff. Copyright 2021

KALAS. Aside from the pandemic that we are currently facing, our world suffers from an unfathomable and timeless issue called “rape.” The issue once again caught the attention of people after the initial report of Dacera’s death. Despite the verdict on her tragic passing, the reeking stench that it leaves in our society for millennia still exists. The cases of rape has never faltered to drop. Millions of individuals suffered from the boorish hands of predators and are haunted by such a traumatic experience that no one else can fully comprehend. As future educators, it is part of our responsibilities to instill in the hearts and minds of the learners to break the vicious chain of outfit shaming, victim-blaming, and justifying an inhumane treatment. Rape is never a joke and should be taken seriously.

Kumalas tayo mula sa tanikala ng maling akala. Patuloy tayong magmulat, mga guro ng bayan! Photo and Design by Shaina Gil Sunga


DACERA’S DEATH: Still under investigation

The Vindicated and the Monstrous Susunod ka ba? Sa Likod ng Saplot ni Maria They asked, “What are you wearing?

Lisensiya ng Guro: Hanggang saan nga ba ito ginagamit? Spoiler Alert: Ginahasa rin si Maria Clara

Hardin ng Pagkadalisay Nakikita mo ang batok niya What does it mean to be woman? Grief Creatures


Paliyabin natin ang gasera At pag-usapan ang temang gahasa Nang masinsinan.


6 | news

Tragedy that sparked it all. We lost another soul. Christine Dacera

(1997—2021)


news | 7

Photo courtesy of GMA 7 posted in Youtube and Christine Dacera on her Instagram account

Flight attendant and former Miss Silka Davao 2017 Christine Dacera was found dead after attending a Year End party with her colleagues (12 people) at a hotel in Makati City last January 1, 2021. Christine Angelica Dacera, 23, checked in at City Garden Hotel with her colleagues Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, and John Dela Serna at about 12:30 a.m. on January 1. After partying together, Galida woke at about 10 in the morning and found Dacera seemingly sleeping in the bathtub. He covered Dacera with a blanket, then returned to sleep. He awoke a few hours later and was shocked to find his colleague’s body still unconscious and turning blue. Dacera was brought to the hotel clinic where she was given cardiopulmonary resuscitation. However, she remained unresponsive and was transferred to the Makati Medical Clinic where she was declared dead on arrival. According to the first released report, Dacera’s body had abrasions and hematoma, and it was determined that the secondary cause of death was an aneurysm. The Makati police released its report on the incident to the media on January 3, or two days after the tragedy. At that time, the Makati police noted the possibility of rape or gang rape after investigators noticed bruises and injuries on Dacera’s legs, but added that they would need to examine a full medico-legal report before making conclusions. Dacera’s family, in a press conference on January 5, said they saw the autopsy report by the PNP’s Major Michael

Nick Sarmiento which declared that Dacera died of “ruptured aortic aneurysm” or the tearing of the aorta – the largest blood vessel in the body that runs through a person’s heart. Contrasting the first autopsy report, PNP Chief Debold Sinas believes that the 23-year-old victim was raped and murdered. For the Dacera family, the autopsy done by Sarmiento was “incomplete,” thus requested another report. How Dacera’s aorta got ruptured is still in contention. The three suspects which were initially charged with rape and homicide have been released on Wednesday, following the Makati City prosecutor’s office order stating that more evidence is needed to determine if the incident was a rape-slay. "Si Christine parang naging kapatid ko na siya. Sobrang mahal na mahal ko si Christine. Sana malinawan ang mga pamilya ni Christine," said Galido. Police earlier said they slapped rape and homicide charges against the arrested suspects due to the presence of bruises, lacerations, and fluids on Dacera's body. But in a resolution, the Makati prosecutor's office said there was not enough evidence to establish if Dacera was sexually assaulted or raped. The cause of Dacera's death also remains unclear, it added. The prosecutor, however, instructed the police to submit more evidence such as DNA analysis report, toxicology or chemical analysis, and the histopath examination report.

The preliminary investigations have been set for 10 a.m. of January 13.


8 | column

LISENSYA NG GURO: Hanggang saan nga ba ito ginagamit?

S

Managing Editor for Administration

“Ang pagkakaroon ng lisensya sa pagiging “propesyonal” na guro ay hindi nangangahulugang pagkakaroon din ng lisensya sa pangaabuso sa mga estudyante, sekswal, pisikal, mental o sa ano mang paraan. “

a mga nakalipas na taon bago pa man tayo tamaan ng pandemyang ito, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang buong araw ng isang magaaral ay halos umiikot na sa loob ng paaralan. Hindi ba’t madalas nga na sinasabi sa atin, bilang isang estudyante, na ang paaralan ang nagsisilbi nating pangalawang tahanan at ang ating mga guro ang tumatayo naman nating pangalawang mga magulang. Ngunit sa mga nakalipas na linggo tila ba ang pangalawang tahanan at ang pangalawang magulang na dapat siyang nagpaparamdam ng kaligtasan at pangangalaga sa isang mag-aaral ay siyang nagpaparamdam ng bangungot at kapahamakan para sa kanya. Kaliwa’t kanang naglabasan sa social media lalo na sa Twitter ang nakagagalit at nakapanlulumong pag“exposed” sa mga guro sa maraming eskwelahan at unibersidad dito sa bansa ukol sa iba’t ibang ginagawang sekswal na pang-aabuso sa mga estudyante, ano mang kasarian, menor de edad man ito o hindi. Ang mga ganitong karanasan ay hindi na dapat pang pagdebatehan. Marapat lamang na ito ay maimbestiga-

han at mapanagutan ng mga guro ang kanilang pagkakamali gaya na lamang sa madaliang pagpapataw ng mga parusa sa mga mag-aaral kapag sila’y may pagkukulang o nagagawang hindi naaayon. Tunay ngang isang mapanghamong desisyon ang nakaakibat sa pagiging isang guro. Subalit nakalulungkot isipin na may iilang guro ang tila ba nakalimot sa sinumpaang tungkulin sa kanilang propesyon. Matapos ang pagiging trending ng #HijaAko ni Frankie Pangilinan na nagsilbi bilang lantarang boses na nagtatampok ng iba’t ibang rape at sexual abuse na nangyayari dito sa bansa, sunod – sunod din namang naglabasan ang mga naturang isyu sa loob naman mismo ng mga paaralan. Ilan lamang sa tampok na mga kilalang paaralan ang Miriam College High School (MCHS), Ateneo De Manila University (ADMU) at pati na rin ang sarili nating paaralan, ang Holy Angel University (HAU). Lahad ng mga matatapang na mga estudyante, nariyan ang panghihipo, malaswang pagtingin, pag-aaya ng paglabas at pati na rin ang palagiang pag-chat ng kung ano – anong bagay na hindi na dapat pang sakop sa obligasyon ng pagiging guro.


column | 9 “Kumusta na kayo ni ***, kayo pa ba?” “Sama ka na, ako bahala sayo, sagot kita.” “Cute naman ng mga pictures mo.” “Huwag mo sabihin sa mga classmates mo na nag-chat ako sayo ha.” “Delete mo na lang agad itong conversation natin.”

Ilan lamang iyan sa mga linyahan ng mga gurong pilit na sumasawsaw sa buhay ng estudyante. Normal ba ito? Hindi. Hindi na ito sakop ng responsibilidad bilang guro at hindi ito dapat tularan ng mga may balak kumuha ng ganitong propesyon. Hindi ito normal at huwag itong gawing normal. Ang panghihimasok sa personal na buhay ng isang estudyante ay nag-aakibat ng mas mabigat na kapanagutan. Lahat ng mga guro ay dapat matutunan ang pagkakaroon ng limitasyon sa panghihimasok sa personal na buhay ng kanilang estudyante. Ang palagi ang pagchat ng mga malisyosong bagay, pagiimbita o pag-aaya sa mga lakad na wala namang kinalaman sa paaralan ay mariinang ipinagbabawal. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng malaswang pagnanais at pagtingin sa mga estudyante ay isang seryosong ipinagbabawal din sa tungkulin ng isang guro. Sakop ng Republic Act 7877 o ang Anti - Sexual Harassment Act of 1995 ang mga ganitong uri ng paglabag na nagbubunga sa isang hindi komportableng sitwasyon sa biktima at kinakailangan ng kaparusahan. Napakaraming estudyante lalo na ang mga menor de edad ang nababalot sa takot, nawalan na lang

ng lakas ng loob magsumbong at tuluyan na lang tumatahimik sa kadahilanang hindi nila alam ang gagawin at patuloy na nangangamba sa pwede pang gawin ng kanilang guro na maaari namang makaapekto sa kanilang pag-aaral. Marami ang pinipili na itikom na lang ang bibig at hayaang lumipas ang nangyari sapagkat ayaw nilang lumaki ang isyu at aabot sa puntong madamay ang kanilang pag-aaral kahit na napakalaking trauma o stress ang dulot nito sa kanila sa bawat pagpasok nila sa eskwelahan.

Sa ilalim din ng Department Order No. 40 s. 2012 o mas kilala sa “DepEd Child Protection Policy”, ipinag-uutos sa lahat ng mga paaralan, pampubliko at pribado man, ang patakaran at mga panuntunan na maprotektahan ang mga bata mula sa lahat ng anyo ng karahasan sa pisikal o kaisipan, pagkamaltrato at pagsasamantala, kabilang ang sekswal na pang-aabuso alinsunod sa mga alituntunin ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC). Bukod sa nakapagbibigay ng nakahihiyang reputasyon, ang mga ganitong pangyayari na nagiging sangkot ang mga guro ay isang malaking pangamba hindi lamang sa mismong mga estudyante bagkus pati na rin mismo sa mga magulang. Kung ang pagganap ng mga guro sa mga “responsibilidad” nito sa kanyang mga estudyante ay inaapakan na ang sariling espasyo ng magaaral, nagdudulot na ito ng kaasiwaan at hindi komportableng pakiramdan, marapat lamang na ito ay mahinto na at mabigyan ng sapat na parusa at pagdidisiplina. Hindi nararapat na hayaang lumipas ang ganitong klase ng isyu nang hindi man lang nakakatanggap ng karam-

patang kaparusahan ang mga may sala. M a l a k i n g r e s p e to a n g ibinibigay sa mga guro, lalo na rito sa Pilipinas dahil sa kabila ng iba’t – ibang pasakit at kakulangan sa sweldo, pinipili pa rin nila ang magsilbing daan para sa pagkatuto ng isang tao. Subalit, ang mga ganitong uri ng panawagan ay hindi lang dapat isinasaalang – alang at kinakalimutan upang mapanatili ang “linis at magandang reputasyon” ng paaralan, marapat lamang na aksyonan ang bawat panawagan at bigyan ng sapat na parusa upang managot ang mga guro dahil hindi nararapat na ito ay pinahihintulutan at hayaan na lamang magpatuloy. Itong mga nangyayari ay dapat mabigyang halaga ng Department of Education at Commission o n H i ghe r Educ atio n u pan g mabigyang proteksyon ang bawat mag-aaral at hindi ang mga gurong lumalabag. Higit pa rito, ang bawat namamahala sa mga eskwelahan ay siya ring may kapangyarihan na ito ay mabigyan ng pagkilos. Huwag magbingibingihan at magbulagbulagan sa mga hinaing ng mga estudyante.

Huwag protektahan ang mga gurong sumisira sa pagkatao at pangarap ng isang estudyante bagkus protektahan ang mga estudyante sa mga ganitong uri ng mga guro. Ang pagkakaroon ng lisensya sa pagiging “propesyonal” na guro ay hindi nangangahulugang pagkakaroon din ng lisensya sa pang-aabuso sa mga estudyante, sekswal, pisikal, mental o sa ano mang paraan. Walang magaaral ang dapat makaramdam ng takot at pangamba sa bawat pagpasok niya sa paaralan.


10 | editorial

I

sa sa mga pamosong karakter sa dalawang kilalang nobelang isinulat ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na si Maria Clara, isang mayumi’t konserbatibong binibini na ating nakilala sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang buhay ng dalaga ay mas lalo pang ginulo at sinira ng isang kastilang prayle na kilala natin bilang si Padre Salvi nang ito’y kanyang gahasain. Sa kabila ng pagsusuot ng mahabang baro’t-saya at pagiging konserbatibo ng dalaga, hindi ito naging ligtas mula sa malupit na kapalarang kanyang sinapit. Bagamat isa siyang produkto ng imahinasyon ni Rizal, si Maria Clara ay nagsisilbing representasyon ng mga kababaihang Pilipino, lalo na noong panahon ng Kastila. Tunay ngang gawa-gawa ang karakter ni Maria Clara ngunit ang isyu ng

pang-gagahasa ay hindi kathang-isip lamang. Kung si Maria nga, balot na balot na, bakit siya nagahasa? Ano nga ba talaga ang rason at sino ba ang tunay na may sala pagdating sa usaping “rape?” Kamakailan lamang ay nagulantang ang mga netizen nang lumabas ang balita ukol sa sinapit ni Christine Dacera, isang dalawapu’t-tatlong gulang na flight attendant na namayapa noong unang araw ng 2021. Bagamat naitala sa otopsiya ng katawan ng dalaga na hindi ito umano ginahasa, nag-udyok ito ng kabi-kabilang argumento’t diskusyon tungkol sa usaping “rape” sa iba't ibang plataporma ng social media. Isa sa mga kaisipang patuloy na pinag-dedebatihan ay kung kasalanan ba ng isang babae kung siya’y magahasa dahil sa kasuotan nito. Nang dahil dito, muling lumantad ang mga indibidwal na patuloy pa ring Dibu ho ni Cam ille Joyce C ab rera


editorial | 11 nakakulong sa bulok na kaisipan na nagmula pa sa isang makalumang perspektibo at pilit na pinapairal ito sa kasalukuyang panahon. Ang aming patnugutan ay mariing naninindigan na kahit kailan ma’y hindi magiging kasalanan ng isang babae o ng isang tao ang magahasa kahit ano pa man ang suot nito. Ang pamamaraan ng kanilang pananamit ay hindi maituturing na imbitasyon o pagpayag sa ganitong klase ng kababuyan. Kailanma’y hindi ito dapat gawing dahilan upang yurakan ang puri at dignidad ng isang tao. Ang pagbibitaw ng mga salitang tulad ng “Ginusto niya ‘yan,” o “Dapat siya na lang ang nagadjust,” ay uri ng sentimentong hindi dapat bitawan sa mga ganitong kaganapan dahil ito'y hindi naghahayag ng pakiki-simpatya sa sinapit ng biktima. Hindi dapat pinapalaganap ang ganitong klase ng kaisipang maaaring tumatak sa isipan ng karamihan at humulma sa pagkatao ng susunod na henerasyon. Ang pagiging ignorante sa ganitong klase ng isyu ay isang malaking kamalian lalo na kung hahayaan ng isang tao o ng lipunan na manatiling walang alam ang kanilang sarili o kapwa. Ang

pagtikom ng bibig o pagpapalagpas sa ganitong klase ng kahibangan ay isa ring kasalanan sapagkat hindi nakakatulong ang katahimikan upang makamit ang hustisya para sa ilang milyong biktima nitong trahedya. Hindi natin kailangan ng panibagong biktima o ng katawan na nakaratay sa isang lilib na lugar upang ang batingaw ay muling maglikha ng ingay. Huwag nating hihintayin na marami pa rin ang bilang ng mga taong naninindigan sa taliwas na katotohanan sa oras na muling pumutok ang ganitong klase ng usapin. Bilang mga guro sa hinaharap, pasanin natin ang responsibilidad ng pagtatama sa mga maling kaisipan na mayroon hindi lamang ng ating mga estudyante, kundi maging ng mga taong naniwala pa rin sa kaisipang ikinintal ng isang patriyarkal na lipunan. Huwag nating hahayaan na makalagpas sa mga susunod pang mga taon ang pagsasagawa ng hindi makataong pakikisalamuha sa kapwa at pagdedepensa dito. Ating tatandaan na kahit sino ay maaring maluklok sa dinanas ni Maria Clara, ano man ang suot, kasarian, o kasama.

Ang pagbibitaw ng mga salitang tulad ng “Ginusto niya ‘yan,” o “Dapat siya na lang ang nag-adjust,” ay uri ng sentimentong hindi dapat bitawan sa mga ganitong kaganapan dahil ito'y hindi naghahayag ng pakiki-simpatya sa sinapit ng biktima.


12 | features


H

features | 13 ave you ever wondered what a vicious cycle looks like? No? Then, let me draw you a

short picture. MARCH 11, 2019 “Brutal murder of 16-year-old church server, Christine Silawan.” MARCH 15, 2019 “Senior High School teacher, arrested for allegedly raping a student.” MARCH 19, 2019

“Man wanted for rape in Ilocos Sur, nabbed in Tarlac.” MARCH 20, 2019 “16-year-old girl, gang-raped by six-men in a drinking spree.” Rings a bell, no? These were some of the rape cases in the Philippines that happened merely days apart. And no matter how cruel it is, people have many reasons as to why these victims were raped. Endless reasons like, “Why didn’t you wear the right kind of clothes?” “Why didn’t you shout and tried to run away?” “She/He shouldn’t have gone out last night”, are the ones that came from the people who are trying to convince themselves that their worst fear for their daughters, mothers, sisters – or maybe even themselves – will not come true if they tried to avoid this or didn’t do that. That if they just followed the rules, everything can be avoided and they’ll be safe. But they forgot that there are no rules. It can happen anytime, anywhere and with anyone. Your uncles, aunties, neighbors and friends? Anyone. At school? At home? At a park? Anywhere. And anytime – because a predator will always hunt for its prey, no matter what it takes. Can’t you see how they attack?

LURKING EYES AND HAUNTING VOICE “Uy, Miss! Ang sexy mo naman!” A voice that one can hear; “Bakit ganun siya makatingin?” And a pair of eyes that strikes through the soul.

Catcalling. It is present everywhere. A lot of people are trying to say that it’s the way a woman dresses, but actually, it’s not. Even women in shorts, pants, t-shirts or long-sleeves are getting cat-called. No matter how wrapped they are, or how little skin they reveal, they still become victims. This ranges from a catcall from a driver, hollers and whistles, a random “Hi, Miss!” and an uncomfortable stare from a stranger. The anonymity of existing in a large public space allows street harassers to harass, without fear of interruption or retribution. Similarly, it's easy enough for a street harasser to follow a woman without her noticing. What's more, even if a woman is not physically endangered, it is that the potential of endangerment that haunts them causes anxiety, and make them feel generally afraid to go out alone. “…Catcalling was seen as the most common form of sexual harassment that women face in their daily lives...” – The UN Women Safe Cities Metro Manila Program The term minimizes the act as well as the impact. What are often dismissed as “jokes” or “compliments” may have repercussions for years, sometimes even for a life time. It is a form of objectification. An expression of hostility, harassment and degradation. Women’s bodies are not meant to feed the perpetrator’s eyes; girls didn’t grow up to be objectified, and have their rights to dignity, privacy, and autonomy be stepped on to.

JUST A TOUCH “Miss, teka lang! Hinawakan ko lang naman, eh!” In our country, we were never taught to differentiate the good touch and the bad touch, let alone having an open discussion about matters that relate to sex or harassment. And for the record, this is such a pity; because it leads to a confused reception by the victim, of any form of sexually inappropriate behavior. Most people, especially women, have often found themselves being groped in public places, especially in transportation vehicles. But how far does it actually go? A victim, named Mary Buenaventura, shared on social media the troubling experience she had when she was on her way home. She narrated, “You rode a jeepney, decided to take a nap because you’re drained from school activities. And then you suddenly woke up because you felt something warm touch your breast. You removed your bag that you used as a pillow, and saw the hand of the guy next to you touching your breast.” Is that a touch out of courtesy, Sir? Well then, nice! Because that poor girl is now scarred for life! These monsters don’t care about personal space. They don’t know how touch can trigger someone’s greatest fear. They don’t know how touch can affect someone in ways they cannot imagine. A predator won’t know if a touch is right or wrong because all they’ve ever known is to attack. It’s not “just a touch”, it’s a touch that leaves a shadow, and no matter how much the victim tries to forget, it will always be there.


14 | features

INVISIBLE CLOTHES A teenager got raped with her schooluniform on. A woman was raped wearing her pajamas. A Muslim woman was asked to remove her covers, asking what lies beneath those clothes. The manner of how women dress is frequently described as an incitement to rape. Links to sheer and elastic fabrics, low-slung jeans and lowcut tops, bare midriffs, short skirts and liberally applied make-up are popular in rape trials. The belief that these choices will lead to rape, “that clothing should speak for women who say no”, is ludicrous and highly harmful. The way we dress doesn’t mean yes. No outfit is an invitation for rape. Headphones don't rape women, nor do skirts, or dark streets, or clubs, or alcohol, or parties, or sleepovers, or school uniforms.

FULL HOUSE Are we asking for it? How about the minors, are they asking for it? Looking at the numbers, more than 70% of sexually abused children are between 10 and 18 years old. Among those victims, 20% are under 6 years old. Remember, children aren’t able to consent. Hence, they are using the minors’ fear as a sign to go for it. Just because someone didn’t say no doesn’t mean they asked for it, doesn’t make it consensual and it doesn’t mean that they were comfortable. If the numbers above aren’t enough, then try remembering the incident of a 4-month-old baby who was raped by his own father and five other

people three years ago in Cebu. Did the infant ask for that? How about those who stay at home and get harassed by their uncles and cousins, did they ask for that? It’s kind of cruel how they get harassed even at the safety of their own homes. Adding to the list, I also heard about the 80-year-old widow who was allegedly raped by a farmer in Arborlan, Palawan. The victim was only on her way to get nipa palm when the suspect suddenly appeared, forcibly took her to a grassy area and supposedly raped her. Did she ask for that? The point is, there’s no exception. These perpetrators don’t choose their victims, it’s a crime of opportunity. It’s their inability to control their raging hormones. It’s their complete lack of mercy and compassion.

Still can’t see it? It’s there. The real sources of these unwavering rape cases. Even if women want to say “Yes” in the first place, they are repeatedly told to say “No.” It is no wonder the meanings of these simple words have become diluted and muddled. Moreover, in a world where “No” is no longer an indication to stop, we must open ourselves up to a discussion on rape prevention with an emphasis on the issue of consent. We live in a society that teaches kids to not get raped rather than do not rape. The act of rape is justified, and yet victims are told disgracefully that “they asked for it.” Did they?

The point is, there’s no exception. These perpetrators don’t choose their victims, it’s a crime of opportunity. It’s their inability to control their raging hormones. It’s their complete lack of mercy and compassion.


features | 15

M

ay jowa ka ba?” Meron.

“Pinagbabawalan ka rin bang magsuot ng maiikling shorts o kahit ano pang mga damit na nagpapakita ng iyong balat?” Oo. Hindi ka nag-iisa!

Hindi sa pagkakaroon ng jowa, kundi sa pinagbabawalan din ang mga kababaihan na

magsuot ng mga kasuotang maiikli o kahit ano pang mga damit na may butas. Sa tinagal-tagal ng panahon, palaging isinisisi sa mga kababaihan ang kanilang kasuotan sa tuwing nababastos ang mga ito.

“Nasa pananamit ninyo rin kasi,” isang gasgas na linyahang nakaririnding pakinggan. Tayo nga ay mag-isip muna at itanong ang mga ito sa inyong mga sarili: Damit lang ba ang tanging dahilan? Babae nga ba ang

m a y k a s a la n a n ? O mapanghusgang lipunan?

ang

Ayon sa datos na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa nakaaalarmang bilang na 2,162 na kaso ng panggagahasa rito sa ating bansa. Kung ito ay ating susuriin, mas mataas ito kumpara sa mga naitalang kaso noong 2018. Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit ito patuloy na tumataas sa kabila ng mga pangaral ng iba’tibang eksperto, mga tanyag na personalidad, at maging ng mga nakalipas nitong biktima.


16 | features Siguro ikaw ay kasalukuyang napapaisip kung bakit ito ay patuloy pa ring lumalaganap samantalang karamihan sa mga biktima ang nagsabing disente ang kanilang pananamit − na ang kanilang suot ay long sleeves, t-shirt, pantalon, at iba pang mahahabang kasuotan. Saang anggulo nga ba rito ang mali? Sino ang dapat nating idikdik sa kanyang kasalanan? Sa damit pa rin ba o sa mapamihasa’t mapagsamantalang kriminal? Noong nakaraang taon lang din, isang taong gulang na sanggol na wala pang kamuwang-muwang sa mundo ang pinagsamantalahan ng isang lalaki. Dahil ba wala siyang saplot? Hindi ba’t normal lang ‘yon dahil isa pa lang naman itong musmos na wala pang alam sa mundo?

Siguro nangakit ang sanggol kaya natamo niya ito. Ganoon ba? Sa kabilang dako, isang 80-anyos na lola sa Aborlan, Palawan ang ginahasa ng isang 42 anyos na lalaki. Kasalanan din ba ito ng lola? Siguro maikli ang

suot nito, kung kaya naakit ang lalaki dahil sa nakita nitong balat na sumilip sa suot ng matanda. Hindi lang iyan ang mga naibalita, pati ang isang baka ay hindi na rin pinalagpas at ginahasa pa!

pag nakita ka ng ibang kalalakihan diyan sa labas? Hindi mo alam kung paano sila mag-isip!”, saad ng jowa mo. Makikinig ka ba? Ayon sa isa sa mga kilalang personalidad na si Ginoong Ben Tulfo, “hindi na mawawala sa lalaki ang ganitong kahibangan.” Mag-ingat daw ang mga kababaihan sa kanilang kasuotan dahil iniimbitahan nito ang mga halimaw. Ngunit gayun pa man, hindi pa rin garantisado ang kaligtasan ng mga kababaihan mula sa mga taong mayroong maiitim na binabalak.

Lumipas na ang panahon ngunit hinahanap pa rin ng mga tao ang katangian ni Maria Clara sa mga Kung ang baka kababaihan. nga na isang hayop at walang saplot ay Tulad ni Maria Clara, pinagsamankailangan mong magsuot ng pang-ibabang umaabot hangtalahan, gang sa talampakan. Tulad ni masasabi mo Maria Clara, kailangan mong magsuot ng pang-itaas na nabapa rin bang balutan nang maayos ang balat. nasa kasuotan Ngunit iyo na bang nakakalimutan na maging ang isang tulad ni ang dahilan? Maria Clara ay hindi nakatakas sa ganitong mapait na karahasan? Na maging ang isang katulad ni Maria Clara ay hindi nakaligtas sa isang katulad ni Padre Salvi na mayroong maduming pag-iisip.

“Babae ka! Magsuot ka ng ganito o ganyan. Paano ka-

Kinakailangan bang babae pa ang gumawa ng hakbang upang “protektahan” ang kanilang mga sarili mula sa mga maruruming utak ng mga kalalakihan at puksain ang ganitong kai-


features | 17 sipan ng lipunan? Hindi ba’t kailangan ding gumawa ng paraan ang mga kalalakihan upang makamit ang ating inaasam na mithiin? Ilang musmos na ang hinila sa isang madilim na eskinita at pinagsamantalahan. Ilang masunuring dalaga na rin ang nakaranas ng pangamba sa kanilang kaligtasan dahil sa malalamig na titig ng mga kalalakihan. Maraming kababaihan na rin ang natuliro’t nawala sa tamang pag-iisip dahil sa mga hindi ginustong mga haplos at panggagapos. Ilang libong pangarap na rin ang tila naglaho na parang bula matapos ang isang trahedyang hindi kailanma’y hiningi ng kahit na sino man. Sa totoo lang nakakapagod nang magpaliwanag, na kahit anong pagkakamaling nagawa ng mga kalalakihan, babagsak pa rin ang paninisi't pangungutya sa mga kababaihan.

Wala sa kasuotan ng mga kababaihan kung bakit may nagagahasa, kundi nasa mga utak ng mga mapanamantala.

rito? Ikaw ba ay susunod sa linya ng mga taong patuloy na nagbubulag-bulagan at nagbibingibingihan sa mga hinagpis ng mga biktima o magiging sandalan ng mga ito? Ikaw ba ay magiging isa sa mga taong may susundan sa isang madilim na pasilyo o magiging sa isa mga taong sunudsunuran sa makitid na utak ng iyong mapagdiktang jowa− mali ng lipunan?

Kahit saang anggulo pa man tingnan, hindi kailanman naging isang paraan ng imbitasyon ang isang saplot, maikli Sa madaling man ito salita, susunod o hindi. ka ba sa mga Kailanma’y taong naligaw hindi hinangad sa tamang ng isang I landas? ndibidwal ang Mayroong matambangan susundan, sa kanto at hindi sinundan mahubaran ang konsenhindi lamang sya, at ng saplot, susunod na kundi maging maninirahan ng pagkatao. sa likod ng isang bulok at kinakalawang Sabi nga, “kung may balak, na selda?

may balak.”

Sa isang mundong patuloy na nagbabago, ikaw ba ay magiSadyang ang ihip na ging parte sa nakasusukang siklo ng lamang ng panahon ang makapanghahalay o titindig kasama ng kaalam. mga taong patuloy na pumupugsa


18 | features

A

ko si Maria. Lumaki ako na walang inabutang ama't ina. Ako ay naiwan sa pangangalaga ng aking lolo at lola. Mula pagkabata sinasabihan na ako ni lola na ingatan ang aking sarili, maging sa aking mga kilos, pananalita at pananamit. "Huwag kang magpapagabi"

"Huwag magsusuot mga maiikling kasuotan"

ng

"Palaging magsuot ng pandoble at mahahabang damit" Ilan lamang ‘yan sa mga bilin nila na aking dinala hanggang magdalaga. Babae raw ako at responsibilidad ko na pangalagaan ang sarili at katawan sa ibang tao. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito ako pangalagaan nila lola. Isa sa mga dahilan nito ay ang iba’t ibang balita na aming narinig. "Umabot sa 13.3% ang naitalang rape cases sa bansa mula 1999 hanggang 2009 sa Violation Against Women.” "Mahigit 7,000 na bata ang nakakaranas ng sexual abused at 98% sa mga nakakaranas nito ay kababaihan."

“Ayon sa The Women and Children Protection Center, karamihan sa kaso ng rape ay kasama sa bahay ng biktima ang suspek. Maari rin na kaklase, kaibigan o mga tao sa kanilang komunidad.”

Ilan lamang yan sa mga balitang naririnig ko na lubos ko naman ikinatakot. Wala na ba talaga akong kalayaang isuot ang mga damit na gusto ko? Wala ba talaga akong kalayaan lumabas nang walang pangamba? Iba’t ibang mga tanong ang namumuo sa sa aking isipan ngunit pinilit ko itong hindi pansinin. Sinunod ko sila lola at hindi na nag isip pa. Isang araw pinagaralan namin sa eskwelahan ang Republic Act No. 8353 o mas kilala sa tawag na Anti- Rape Law of 1997. Sinasabi rito na ang pagtatalik na walang pahintulot ay isang uri ng panggagahasa. Ngayon alam ko na ang batas na nangangalaga sa akin at sa mga kapwa ko kababaihan at maging na sa mga kalalakihan na maaring makaranas ng sexual abused. Pag-uwi ko sa amin nadatnan ko na may bisita pala kami. Pinsan daw siya ni mama nakikiusap kila lola na kung pwede raw siya makitira dahil

Bakit ganon? Akala ko ba kapag umuwi ako nang maaga, hindi ako mapapahamak. Akala ko ba kapag mahahaba at doble doble ang suot ko ay hindi ako maaabuso? pinalayas siya ng kanyang asawa. Ngayon ko lamang siya nakita ngunit agad akong nagmano at pumasok na sa aking kwarto. Mabait na tao si Tito Raph. Madalas niya akong hinahatid sundo mula sa paaralan. Minsan, binibigyan niya ako ng mga pasalubong dahil nakikita raw niya ang anak niya sa akin. Masaya naman ako dahil kahit papaano nararanasan ko kung paano magkaroon ng isang ama. Masaya pala na maramdaman mong ligtas ka. Masaya pala ang ganito klase ng set-up.


features | 19

Masaya naman ako dahil kahit papaano nararanasan ko kung paano magkaroon ng isang ama. Masaya pala na maramdaman mong ligtas ka. Masaya pala ang ganito klase ng set-up. Isang gabi nag-aalala na si lola dahil wala pa si tito. Hindi ko na rin siya nahintay dahil hindi ko na kinakayanan ang antok. Nagising nalang ako dahil nararamdaman ko na may humahawak sa aking paa. Nagulat ako nang namataan ko si Tito Raph sa aking kwarto. Wala siyang damit at pilit akong tinatanggalan ng saplot. Nanlaban ako at sumigaw hanggang sa narinig nila lola ang paghingi ko ng tulong. Bakit ganon? Akala ko ba kapag umuwi ako nang maaga, hindi ako mapapahamak. Akala ko ba kapag mahahaba at doble doble ang suot ko ay hindi ako maabuso? Longsleeves at pajama ang suot ko ng gabing iyon pero bakit nangyari pa rin iyon sa akin? Nanginginig ang aking mga tuhod, pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso, magulo ang aking isip na tila gusto ko ng tapusin ang aking buhay. Hindi pala totoo na kapag umuwi ka ng maaga sa bahay ay hindi ka mapapahamak. Hindi rin pala totoo na kahit maayos ang suot mo ay hindi ka mababastos.

Ayon sa isang grupo ng mga mananaliksik ay sa loob ng isang oras ay may panggagahasang nangyayari sa buong mundo. Karamihan sa mga biktima ay hindi na nagsasampa ng kaso hindi dahil sa takot. Kung hindi naman dahil sa gastos, mabagal naman ang pag-usad ng kaso. Maraming nagsasabi na nasa ginahasa ang problema. Bakit? Kagustuhan ba ng isang tulad ko na mapahamak at tratuhin na para hindi isang tao? Pinili ko bang ilagay ang aking sarili sa ganoon na sitwasyon? Hindi kailangan turuan ang mga tao kung ano ang damit na kanilang susuotin. Ang kailangang ituro sa lahat ay kung papaano tayo rerespeto sa pagkatao ng bawat isa. Marami sa mga biktima ng ganitong klase ng karahasan ay nakasuot ng pantalon, mahabang palda, at longsleeves. Nakakalungkot din isipin na mayroong iba sa kanila na nakasuot pa ng diaper at wala pang alam sa mga bagaybagay. Ang totoong naguudyok sa isang tao upang gumawa ng mga karumaldumal na bagay ay ang kawalan ng respeto at hindi pag gamit ng isip at puso. Hindi dapat balat ng tao ang dapat pagpantasyahan ng nakararami bagkus ang malinis at sensitibong puso at karunungan na mayroon ang isang indibidwal. Mag-asal tao at hindi asal hayop.


20| features

A

sundress. Months later, my mother would stand in front of my closet and complain about how I never wore any of my dresses anymore. I was six years old.”

“My favorite yellow shirt, but I don’t remember what pants I was wearing.

I remember being so confused and just want to leave my brother’s room and go back to watching my cartoons.” “T-shirt and jeans. It happened three times, by three different people in my life. Each time I was wearing a t-shirt and jeans.” All the evidence staring right at us, and yet, we still get asked the same question over and over again, "What were you wearing [when you were raped]?" It’s that, or the same comeback thrown our way, "It's because she's shameless for wearing such clothes!" Did you ever understand the endless loop of questions the victims have to endure? I never did - other people never did. Sure, you can defend that as trying to nail down a factor but the point is, what we, ladies, wear is none of your business. Not now and not whenever. It is part of our own, personal space that nobody can ever trespass into. Dear police, your job is to find the abuser and make him pay for his sins, not to find any other typical faulty reasons just to turn the tables and blame the victim for what she wears. A sister of mine, even though I don't know her personally, was raped. Now ask your favorite line,

"What was she wearing?" “As a hijabi woman covered head to toe, [modest clothing] didn’t stop my rapist.” "Then why was she raped?"

Ha! As if her clothes are the sole basis for being raped. What she was wearing never mattered in the first place.

“In a given school year, 58% of 7th to 12th graders experience sexual harassment.1 in 20 sexually harassed girls’ switches schools because of it; while 1 in 8 high school girls say she’s been raped.” “60% of women say they experienced unwanted sexual attention, sexual coercion, sexually crude contact, or sexist comments; while 40% of women said they experienced sexual harassment at the workplace.” It doesn’t matter what they wear, or what situation they were in. It doesn’t matter if she’s sober or not. She could be a nun or women wearing hijabs and burkas – but, surprise, surprise! They still get treated like an animal and was mercilessly raped. It’s all because you couldn't keep it to your pants. Funny how people can never realize that sexual predators are the ones to be blamed for committing rape cases.


Funny how people can never realize that sexual predators are the ones to be blamed for committing rape cases. If I hear you going on about what the victims were wearing again... then how about children? Babies? What was so sexually arousing about them? Their soft, porcelain skin? Seriously? Mister, this is a crime that plumbs the depths of human depravity. And if you can’t remember, then let me remind you of these chilling headlines.

“4-month old baby raped in Cebu; 5 others tagged as suspects.” “Five month old child was brutally raped by her blood relative.” “An eight-month-old baby girl was raped by a man with an influence of drugs.”

Congrats, you are now considered as another plague of the society. Way to go! If you’re still firm about blaming the way we dress, then absorb this: about 7,000,000 children are sexually abused every year in the Philippines. Additionally, 98% of these sexually abused children are girls. Also keep in mind that the incest rate percentage is 33%.

Our elementary school students wear long skirts as part of their uniform; the said skirt reaches down, covering their knees. So what gives the other male teachers the right to molest their innocent students? What’s so enticing about them that even with those long skirts, they still get harassed?

Let’s talk about those who stayed at the safety of their homes, were you really that bored that you decided to “play” with your relatives? You’re supposed to keep them safe, not cause them their biggest trauma. Now, tell me, is it still because of what they were wearing? Or are you finally seeing it?

Before pointing the blame on the victim’s choice of clothes, try to keep it to yourself first. Sex without consent is rape! You hear that all the time, but I guess you’re having difficulty in understanding it.

Whatever we're wearing or no matter what time of the day it is, that will never give you the right to do anything unbecoming. “That’s why, don’t wear shorts.”

It means, when you are touching someone else with them resisting and when you were already told a “no” but you continued and never listened, that means you’re violating them. Clearly, it’s time NOT to beat around the bush, so, keep your hands to yourself, selfentitled plague of society. You have no right to allow your lust win over your rationality. It’ll never be an excuse.

Now, repeat after me. What we wear is not the reason why rape exists. Rape exists because of rapists and narrow-minded lustdriven people like you still have their eyes. That gives us a roundabout, gouge out your eyes.


22 | literary

Hardin ng pagkadalisay Ma. Angela Cordova

Sa payapang hardin, Si Marikit ay namamalagi. Harding tunay na makulay At puro sa pagkadalisay. Sa kanyang pagliliwaliw, Nag-iba ang ihip ng hangin. Nilalang na hanap ay aliw, Siyang nanghimasok sa hardin. Ang dating harding payapa Ay nayanig at nagimbala. Ang pagkadalisay, nawala. Ang masigla'y naging balisa. Pamamalagi sa hardin Ay ayaw nang muling gawin 'Pagkat ang lugar na minsan Ay nagdala ng saya'y nadungisan. Kung dati'y isang pahingaan, Ngayo'y isa nang bangungot Na kailanma'y ayaw nang balikan Ni Marikit na binalot ng takot.

Dibuho ni Cami lle Joyce Cabrera


Dibuho ni Shaina Gil Sunga

NAKIKITA mo BATOK NIYA Shaina Gil Sunga

Nakahawi ang buhok At nakikita ang batok. Ano ‘yang tinititigan mo, kaibigan? Mayroon ka nanaman bang naiisip na kahibangan? Maayos at mahaba ang kanyang pananamit Ngunit utak mo ay sa iba ginamit. Iba’t ibang kathang-isip ay pinairal, Tila nakalimutan na iba’t ibang leksyon at pangaral. Nakikita ko rin ang batok niya Pero ni minsan ay ‘di ko siya napag-isipan nang masama. Nakikita ko rin ang kanyang balat Ngunit hindi ako nawala sa ulirat. Maiksi man ang kanyang suot, Ngunit hindi ito isang uri ng imbitasyon o pang-udyok. Si Mang Lito nga laging walang suot na pang-itaas Pero hindi man lang siya nakaranas ng kahit anong pangungutya o dahas. Meron ka namang kaliwang kamay hindi ba? Bakit ‘di mo nalang ito gamitin, kuya?


24 | literary

What does it mean to be woman Trisha Dimabuyu

growing up, we were relentlessly told to, “dress properly and presentably" "walk straight and talk softly" and we followed, because t hat's what it means to be a woman, right? 2. 6. 12. 15. 18. 26. 40. 66. they told us that it was okay. t hey told us that we were special. they told us that it wouldn't hurt. they told us that we should be flattered. growing up, we were relentlessly told to, " it's because of the way she dressed!" " she was drunk!" "she asked for it!" and we became victims for men to sink their teeth into. and i wondered, is this what it means to be a woman today?


literary | 25

GRIEF CREATURES L o r ai ne C lav o

Her clothes were short they said, Took her to bed, and left her dead. Threw acid and pushed in a rod, How can this sin, be forgiven by God? In a place like the Philippines, People desperately pray to protect such creatures, Where little angels face inhumane abuse and rape─ An ugly reality no one could escape. It's not her dress, it his mind. People like these should be left behind. Let justice be served to those poor souls And may the criminals pay for the peace and sanity that they stole.


Patuloy na matututo ang mga guro ng bayan.

Hanggang sa susunod nating talakayan.

The Reflection’s 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.