Aninag I: Liwayway

Page 1

Liwayway 1


2


Liwayway

ANINAG LITERARY FOLIO MARSO 2020 3


4


TUNGKOL SA PABALAT Liwayway− Nawa’y maging simbolo ng pag-asa para sa mga taong sa halip na tapusin, ay mas piniling magpatuloy at lumaban sa hamon ng buhay. Iginuhit ni Milker Gutierrez

ANINAG LITERARY FOLIO Tomo I Bilang 1 Karapatang-ari © 2020 Ang Aninag Literary Folio ang publikasyon ng sining at panitikan ng The Reflection, ang Opisyal na Pahayagan ng School of Education ng Holy Angel University sa Angeles City. Nananatili sa indibidwal na lumikha ng mga panitikan at sining na napapaloob sa folio na ito ang karapatang-ari sa bawat piyesa. Hindi maaaring ipalathala muli o gamitin sa anumang paraan ang alin man sa mga nilalaman nang walang karapatang pahintulot ng manunulat, dibuhista o letratista. Ang tomong ito ay hindi ipinagbibili.

5


Umaga na kahit wala pa ang araw. Lingid sa kaalaman ng nakararami na tayo ay kasalukuyang nasa taong 2020. Kay dami na nating mga napagdaanan kahit na tayo ay nasa ikatlong buwan pa lamang. Tila hindi nagpapahinga ang inang mundo sa pangangaral sa’tin. May mga iilan na tuluyan nang nawalan ng pag-asa at napanghinaan na ng loob. Ang iba naman ay tuluyan nang kinasusuklaman at ayaw nang magpatuloy ang bagong taon na ito. Gayun pa man, sa kabila ng madilim at mapaghamong pagsubok, nakukuha pa rin nating bumangon at maghanap ng inspirasyon upang magpatuloy. Isaisip nating muli na ang salitang “bukang liwayway� ay hindi lamang nakukulong sa kahulugang bagong umaga bagkus, ito rin ay ang pagsabay natin sa sayaw ng mundong ating kinatatayuan. Ikaw kaya kapatid, handa ka na bang magpatuloy? Maligayang pagbabasa,

Shaina Gil Sunga Patnugot ng Lathalain at Panitikan

6


Paborito ko ang madaling araw. Hindi lang dahil dama ko ang malumanay na katahimikan at ang sarap ng pagiging tunay na ako sa mga panahong ito, pero nagiging paborito ko ang madaling-araw dahil doon ko nasisilayan ang pagbubukang-liwayway. Parati akong napapangiti sa tuwing paglalaruan ang aking mga mata ng unti-unting pagbabago ng kulay ng kalangitan. Mula sa madilim na kulay ng gabi, untiunti itong pinipintahan ng mga kulay na kahel, dilaw, puti at bughaw. Sa mga pagkakataong ito, pakiramdam ko ay tila ba kinakausap tayo ng mundo. Ipinararating niya sa atin, "Eto na ang bagong simula."

Paborito ko ang madaling araw, pero mas paborito ko ang mga bagong simula. Pagkatapos ng mga unos at bagyo, babatiin tayo ng bahaghari. Pagkatapos ng dilim at lungkot, ngingiti sa atin ang liwanag. Pagkatapos ng bawat dalamhati't paghihinagpis, yayakapin tayo ng pag-asa. Sa unang isyu ng Aninag Folio, gusto naming ipakilala sa inyo ang simula at pag-asa. Sa pamamagitan ng mga tula, akda, litrato, dibuho at iba pang gawa, ipaparamdam at ipalalasap namin sa inyo ang tamis ng bagong simula. Ito ang aming paraan ng pagpupugay sa bawat nilalang na nagsisilbing liwanag at pag-asa para sa kanyang kapwa. Isa itong pagsaludo sa mga taong pinagsakluban na ng langit at lupa pero pinili pa ring magpatuloy sa buhay. Isa itong panawagan sa lahat na huwag na huwag tayong susuko. Ika nga ng parating sambit ng mga Kapampangan, "Milabas mu rin!"

Maligayang pagbabasa,

Abelardo Jr. Cortez Punong Patnugot 7


1 | Dagtum

29 | Daloy

Isang lapastangang estranghero ang lumusob sa aking kaharian. Mayroon siyang kahindikhindik na mukha At malamig na ngiti na kawangis ng isang bungungot.

Sa kasinungalingan nagpasilaw, Nahihibang na kinaibigan ang kadiliman. Sa sarili ay hindi na nanlumo, Kaluluwa ay hinayaang madurog Isip ay binulag na ng galit Ngunit nakipagdigma pa rin patungo sa kaniyang kalbaryo.

nilala 8


51 | Agos

67 | Kabanata 1

Aking inipon ang natitirang lakas, Katawan ay kakagaling lamang sa isang gyera. Nanghihina at tila hindi makabangon mula sa mga naganap. Sa gilid ay natuliro dahil sa bilis ng oras.

Tahan na Sapagkat nakayanan mong lumaban. Tapos na ang masasalimuot na kahapon. Halina’t salubungin mo na rin ang bukang liwayway. Kasama ko.

aman 9


10


Dagtum 11


INCOGNITO

Nawala ang ngiti at saya Tumahimik ang dating maingay Tumamlay ang taong masigla Ang laging nag-aalala ay nawalan ng pakialam Naging manhid ang pusong nasasaktan

Ang dating payapa ay binulabog ng mabibigat niyang pinagdaanan Binago ng isang magandang binibini ang kaniyang mundo, Walang awa na sinira ang kaniyang magandang pagkatao.

12


LETHE

A

thousand- no, hundred thousand gathered in the desert, both armies facing one another as their generals stood as the vanguard. Upon seeing one another, the two armies charged without wasting another moment. Battle yells and the string of horses' whines mixed with the never-ending stomping of both the horses and the foot soldiers were all across about. The protagonist general hollered, "Today is the day I bring your head home!" A mile away, the villain general was approaching but still the war uproar muted out the protagonist general's words. "Did you say something? I couldn't hear you!"

He knew the protagonist general said something but what was it? Both generals' words never reached their intended receivers. The end.

13


CDLD

Ganito pala ang pakiramdam pag nakikita mong unti-unting nawawala ang taong ginawa mong mundo. Tila isa itong sampal ng tadhana noong ito na ang nagpasya at nagdikta Isang panghuhusga na hindi ko nagustuhan. Maaari ko pa bang bawiin ang mga masasakit na salitang aking nasambit?

Nawalan ka na ng gana sa iyong narinig, Ito na ba ang dahilan sa pagkasira ng iyong tiwala O ‘di kaya ang iyong pagkawala sa aking bisig? Maging ang puso ko ay hindi makapaniwala sa mga pangyayari.

Matagal ka na siguro nagpapahiwatig ng mga sensyas sa’kin Ang huling daan na ating didaanan, Huling halik na ating pinagsaluhan, Huling yakap na nag iwan ng isang malalim na sugat.

Ito na ang hudyat ng katapusan.

14


MIRASOL

15


YELLOW FLOWER

I’d go too far for someone I love I would leave myself behind to just chase that person To him, I’m merely someone he knows

I tried so hard but I’ll never be the one

16


ROOKIE COOKIE

I guess it is too hard to swallow The occurrences that follow You left me with a heart that’s hollow Made me cry while clinging into my pillow.

I remember the days when you get wilder And I was your willing prisoner

I thought your love was pure and tender But this farce didn’t get any better.

Yet, I kept holding on Call me a fool, but I still believed in your actions Those words that I thought would be my salvation Yet, in every gulp, there’s a drip of poison.

17


YELLOW FLOWER

When it comes to love, you’re a faker, How do you make the people fall in line And break their hearts one at a time? With your smile so sweet It makes the girls and boys fall at your feet I’d like to meet you again someday Enjoy some coffee? Won’t you say? Hoping everything would go fine And I’ll break your heart like what you did to mine.

18


MEZZALUNA

Ilang sandali lang At ang kanilang katawan Ay lulunurin na ng kaniyang Mabubulaklak ngunit nakalalasong salita.

19


SCHIAMACHY

20


CDLD

Nakakapagod. Katawan ay unti-unting bumabagsak. Pagod na ako. Hindi ko na kaya. Mula sa masasakit na salitang binitawan Hanggang sa mauwi ito sa pisikalan, Ang konsepto ng tahanan at pamilya Ay tuluyan nang nasira ng problemang pinansyal. Nais ko nang umalis Hindi ko na nais pang marinig Mga salitang nagpapabigat ng aking dibdib.

Baka sa kawalan ko muling makita ang aking sarili. Maari ninyo ba akong pagbigyan? Nais ko nang magpahinga. Napakahirap mabuhay nang pilit,

Sa isang sitwasyon na kung saan mga anak ang naiipit. Mamimili ako ng sarili kong kulungan Sa lugar na kung saan ako pwedeng huminga. Patawad kung humantong ako sa desisyon na ganito, Sumama sa isang nakakulay puti na sundo. Paalam.

21


YELLOWFLOWER

You’ve forsaken me, hanging on this very cliff It is you who made me shed tears for this With a smile on your lips, you watched me as I took the fall Needless to say, no one was there to catch me at all.

22


SCHIAMACHY

PArang kahapon lang no’ng una kitang masilayan NInanais kong mapansin mo ako kahit isang segundo lang MUntik na sana‌Kaso epal mga kaibigan ko LAlo lang tuloy akong nahiya, babawi nalang ako sa susunod

GITara ang baon sa susunod na pagkikita, isang haranang pinagpuyatan alay sa pinakamagandang dilag NAkikita na kita kahit malayo ka pa, nadurog ang aking puso dahil may kahawak ka na palang iba.

KAsabay ng aking pagtalikod sa akala kong panghabang buhay, TAgos sa aking kaluluwa ang makita na wala na palang pag-asa. PUso ko'y handa ka pa ring tanggapin kahit ito’y durog na durog na SANa marinig mo pa rin ang hinanda kong awitin sayo, aking inaasam na sinta.

23


IKATLONG GANTIMPALA Gawad Aninag

LYKA MARIMLA

Kasalanan ba ang lumisan, Sa mundong labis kang sinasaktan? Kasalanan ba ang pagnanais umalis, Kung lahat sila’y inaalis ang iyong bagwis? Hindi maiwasan ang pagluha, Lalo na kapag natutulala. Kailan ba ako makakawala Sa mga taong ubod ng palamara? Aalis ang araw Darating ang buwan Isa ba ito sa aking balintataw Upang mga luha ko’y tumahan? Nais kong maging bula At tuluyan nang mawala Maaari bang kumawala Para makamit ang matagal nang inaadhika? Paglisan ang kasagutan Sa lahat ng kalungkutan, Kaya sa mga magiliw kong kaibigan Ito’y paalam na ng tuluyan.

24


MIRASOL

25


26

MINSAN


IKALAWANG GANTIMPALA Gawad Aninag

CHRISTINE EVANGELISTA

Ang Kamatayan, Isang pangyayari na kinatatakutan ng karamihan. Isang konsepto na ang hirap pag-usapan. Isang larawan na hindi basta-basta matingnan. Isang salita na nakakapangilabot pakinggan. Kung tao si Kamatayan, gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makita at nang malaman ko ang kanyang wangis. At nang makita ko ang kanyang totoong anyo. At nang mabigyang sagot lahat ng katanungan ko. Marami akong tanong na si Kamatayan lang ang makakasagot. Paano nga ba ang mamatay? Paano ang malagutan ng hininga at mawalan ng buhay? Paano ang pakiramdam ng magmanhid at mawalan ng ulirat? Paano ang pumikit at mawalan ng pandama? Marami pa akong nais itanong kay Kamatayan. Paano ang mabura sa isip at sa mga alaala? Paano ang mawala sa puso at sa mga gunita? Paano ang tuluyang makalimutan at maglaho na parang bula? Paano ang maagnas nang kusa? Napakarami ko pang gustong itanong kay Kamatayan. Marami pa akong hindi alam at hindi maintindihan. Pero higit sa lahat, pagkatapos ng lahat ng ito, Saan ako dadalhin ni Kamatayan? Dadalhin niya ba ako sa lugar na may nakakabinging katahimikan? Sa may nakasisilaw na kadiliman? Sa may nakapapasong lamig? O sa may nakababaliw na kalungkutan? Hindi ko alam, hindi ko alam. Marami pa akong mga katanungang wala pang kasagutan. Kailangan ko pang maghintay hanggang sa ang buhay ko ay malagutan. Hindi ko alam kung may dapat ba akong katakutan. Basta ang alam ko lang ay tiyak ang aking paglisan. 27


CDLD

Kung ang bukas ay magsisimula nang wala ako, ‘Wag ka sanang magsayang ng mga luha Dahil may anghel na tumawag sa aking pangalan At hinawakan ang aking mga kamay. Kung ang bukas ay magsisimula nang wala ako, ‘Wag kang mababahala dahil ‘di kita iniwan. Mananatili ako sa isipan mo Pangalan ko ay mananatiling buhay sa puso mo. Kung ang bukas ay magsisimula nang wala ako, Itong sulat na ito ang siyang magsisiwalat Ng mga dahilan at detalye Na siyang nagtulak sa’kin upang lumisan at mamahinga. Kapatawaran ang siyang aking hinihingi. Sapagkat kay bilis ng mga pangyayari Maski ako ay hindi na rin nakasabay Sa mabilis at mapusok na indak ng mundo. Maaaring ibubuntong ninyo sa’kin Ang mahabang oras na nakalaan pa para sa’kin. Ngunit isa lamang akong sundalo Na sa kalagitnaan ng giyera ay napagod sa pakikipaglaban. Kapatawaran ang siyang aking hinihingi. Sa kadahilanang nanguna ako sa paggawa Ng napakaraming pangako, Pero sa kalaunan, ako ‘tong unang naglaho. Para sa taong hindi ko nais lisanin, Kapatawaran ang siyang aking hinihingi. Ako man ay makarating sa tinatawag nilang Paraiso, Ngunit ang aking puso ay mananati sa’yo. Para sa aking mga kaibigan at pamilya, Kapatawaran ang siyang aking hinihingi. Ang mga bakas at yapak na aking iniwan Ay sana'y hindi makalimutan. Paalam.

28


Daloy 29


MIRASOL

30


PONG

H

ere am I, in a nearby cafe, taking a sip from my favorite coffee as I watched the scene outside and allowed myself to get lost in my thoughts. Leading me to realize that in fact, there is no such thing as us. Similar to the windowpane in front of me, something is blocking us from being together. An invisible force field where no one can go in or out. I have always been your avid observer- the knight Sir Lancelot that secretly takes a glimpse of the Queen Guinevere behind King Arthur’s back. Different questions started to lurk into my head while my heart seems to feel something inalienable. Something that I have not yet felt until I saw you. Whenever I caught sight of you in school, I would always wonder what it feels like to be by your side. How warm your hands would be as they intertwined with mine. There are times when I wanted to keep you away from your friends and loved ones. Forgive me for these thoughts but I just wanted to know how it would feel to be in their place; to finally be with you, to receive your affection and care. The aching of my heart was incomparable to all the pain I have felt. I wanted to know the answer to those questions but no matter how truly I wish for it, no matter how terribly I wanted us to be together, I just couldn’t.

“Sir, can I get you anything?” I didn’t even notice that the waiter approached me. With no hesitation, I replied, “Nothing,” Nothing. Nothingness. Non-existent just like the idea of us being together. I, secretly looking and you, not noticing. I recalled memories from before I tried to escape this prison of love by going out with other women but is it even proper to call that love? When there is absolutely nothing? I walked out of the cafe, strolling around the city when I heard a street performer play sad music on his violin. Just like the city that was once filled with exquisite combination of colors turned monochromatic and melancholic. I kept walking and walking until I arrived at the bridge where I first saw you. Wondering if at least once…just once… even just for a mere moment, have I ever crossed your mind? I stared at the distant horizon and took a deep breath. Tacenda. There are things that are better left behind. 31


32

MINSAN


BLACK CAT

“I don’t have it,” you said, with tears threatening to fall from your eyes. They have no idea how you could manage to look so vulnerable yet opposing with the glare you’re shooting at them. “I am not sick,” you declared, but they could see the exhaustion in your eyes. “I haven’t lost the fight yet, and I am not letting this end unless it’s my victory,” Sure enough, exhaustion is there but bravery mixed.

33


YELLOW FLOWER

I

thought I fell in love with you. I thought I fell in love with your silly jokes and silly faces. I thought I fell in love with your intelligence and how you spoiled me with things that I fancy.

But in reality, I just wanted to be in a relationship so badly and you gave that to me. It slapped me so hard that I didn’t love you but I cried and blamed you instead. We made such rush decisions recklessly. It took me some time to realize that the tears that I shed were not because of the pain that you caused me but for fear of being isolated again. Now that I am back on track, I found my way back to the person I really treasure and care about. Someone who deserves my love to the fullest, ‘tis no one other than myself. I hope that you too will be able to find your way back to your old self. I hope you learned a lot from our experiences together and I’m very sorry about everything I did. 34


FELIPE

35


MEZZALUNA

Kasabay mo akong tumitig sa kalangitan.

Sa sobrang tagal nating magkasama, Lumamig na tuloy ang kape sa ating mga kamay. Tanging luha sa mga mata ang nanatiling mainit.

Ginoo, Kinaya natin dati maghintay ng limang taon. Hindi ko maintindihan Kung bakit hindi mo kayang Maghintay pa ng konting panahon.

36


ERROR 606

37


DOLOR

Bago nagtapos ang lahat, Hinihiling ko na makasama kita hanggang sa dulo. Sa huling pagkakataon,

Umaasa ako na mabubuo ko pa ang salitang “tayo�. Huling beses na makasama kang kumain, Sa umaga, tanghali at hapunan. Huling yakap na mahigpit, Na para bang kinakapos na sa oras at wala nang bukas. Huling beses na magkatabi habang nagpapahinga, Nag-uusap tungkol sa mga pangarap at mga plano na binuo natin.

Pinagsaluhan ang huling nag-aalab na halik Na kahit wala pa sa tamang panahon, hindi tayo nagsisi. Sa lahat ng mga nangyari, Umasa ako na desisyon mo ay magbabago. Nanalangin na mag iba ang ihip ng hangin Na mas pipiliin mo na ‘wag umalis. Pero sino nga ba ako

At ano ba ang karapatan ko? Kay lakas kong humingi ng huling beses sa lahat ng bagay, Pero ako naman ang dahilan kung bakit wala nang tayo.

38


TULIPS

Nasasaktan ako tuwing naririnig ang salitang "Patawad" Ito ang salitang paulit-ulit kong naririnig sa parehong dahilan. ‘Di nagtagal, naiiba na ang mensaheng ipinaparating nito. Nagmukha na pala akong tanga na patuloy tinatanggap ang pagkakamali mo.

Sanang sasusunod na uulitin mo ito,

Sabihin mo na lang ng diretso Na “sasaktan kita ulit ha?� Para naman hindi ako magmukhang tanga.

39


CO

my heart is intertwined with yours with the spark that twinkled beneath your eyes, you're the chaos that encapsulates my soul. is it euphoria or a torture? misery that i kept longing for nightmare that i wish never waking up to venom that left a huge damage inside of me darkest days that made our monument unbreakable you're the woman that saw my vulnerability and my knows my strength− the person that i want to take care for the rest of my life. no matter how this fascinating ride crushes my soul, even if i get drowned from my insecurities.

convincing myself to calm down ends up wrecking myself even more picking up my scattered pieces became your responsibility consolidating me with your strong mindset, with your smile that gives me inner peace and gazes that gives me chills. are we destined for one another? perhaps our chemistry was unbound enough to grow within our fights and now, what’s left for us is the time to wait is there a new chapter that awaits us?

40


41

ASSUMERA


EUNOIA

Akala ko makakatayo na ako. Ako na hirap na hirap nang bumangon. Bumangon sa nakakasawang sistema.

Sistemang unti unti akong binago.

Binago na pala ako nang tuluyan. Ang dating nag-uumapaw na tuwa sa paggising sa umaga,

Napalitan ng tanong kung "papasok ka pa ba?" Isang oras na lang naman, "kaya mo pa ba?"

Ako lang ba ang nahihirapan?

O lahat na ng kasama ko sa silid ay ganito ang nararamdaman? Bakit parang ang bigat? Akala ko bang masaya ito kasi linalapit ako sa pangarap.

Bakit parang unti unti na akong umaayaw sa pagsuot ng aking mga sapatos? Baka mali pala ang pinasukan kong pangarap.

42


INCOGNITO

Maari mo ba akong suklian ng pagmamahal? ‘Di kita minamadali, basta sabihin mo lang kung kailan Para meron naman akong panghahawakan At dahilan para hindi maghintay sa kawalan.

Maari mo ba akong suklian ng pagmamahal? ‘Di kita minamadali, basta sabihin mo lang kung kailan. Kahit suklian mo lang ako ng kaunting pagmamahal Kahit pakont-konti lang muna hanggang sa mabuo mo ito, aking mahal.

Maaari mo ba akong suklian ng pagmamahal? ‘Di kita minamadali, basta sabihin mo lang kung kailan. Matiyaga kong hihintayin ang panahon na masanay ka sa pagmamahal ko.

Hindi ito biro, seryoso ako.

Mukha man akong makulit at namimilit Ngunit pagmamahal mo ay aking tatanggapin kahit pilit. Kung dumating man tayo sa punto na hindi mo ito kayang masuklian, Paaalalahanan kita na mayroong isang lalaki na lubos ang pagmamahal sa’yo.

Maaaring nasobrahan ka kung kaya’t ito’y tinapon mo. O hindi kaya nalulunod ka na sa nag-uumapaw na damdamin kong ito.

Pwede rin ako ang nagkamali at nagkulang sa pagpapatunay nito Na sakto lang pala ang natatanggap mo at hindi mo ako kayang masuklian.

43


MEZZALUNA

once i whispered your name,

would you appear right before my eyes? if i get myself a magic lamp, and wish for something desperately, will the universe conspire us to meet tonight?

as soon as the sun sets, i begged all the stars for you to come here. i prayed to the moon to grant my hope.

countless of dreams that i’ve created, but only time can tell.

handling this kind of pain, is something that only you could take away. a tingling sensation of loneliness and longing i am still waiting for your warm embrace. a sunshine’s breath,

heaven in your arms.

44


SERENE

45


DOLOR

Gusto kitang saktan. Kukunin ko ang lahat ng bagay na nagpapasaya sa’yo.

Alisin ang iyong kakayahang ngumiti. Iparamdam sa’yo ang mga bagay na ginawa mo sa’kin mula noong iniwan mo’ko sa kawalan.

Gusto kong maramdaman mo lahat ng aking mga pasakit. Lahat ng sakit, hirap at pag-iisip ng sagot sa mga bakit. Mahirap at masakit ang iwanan ka nang walang paalam Tulad ng isang bata na kinulong sa isang madilim na silid, nag-iisa at walang kasama.

Kating-kati ako na gantihan ka. Puputulin ko ang kakayahan mo na umintindi at umanawa. Iyong puso ay aking dudurugin,

Tanging lungkot at pagdurusa aking itatanim.

Tatanggalan kita ng kakayahan na magmahal pa ng iba. Ito ang kabayaran mo sa madalas mong paglalaro ng mga puso.

Titiyakin kong wala ka nang mabibiktima ulit Sisiguraduhin kong sa’kin ang huling halakhak.

46


INCOGNITO

Maari ba akong magtanong? Oo, ikaw. Ikaw na nang-iwan sa kanya. Babalik ka pa ba? Kasi hanggang ngayon naghihintay siya.

Sabihin mo kung ‘di ka na babalik kasi naghihintay ako sa pagmamahal niya.

Bakit ka kasi nag-iwan ng rebulto sa kanyang alaala? Isang simbolo ng ikaw at siya. Isang maling pag-asa na lumalason sa kanya. Maaari ka bang umamin sa kanya? Ako ‘yung tao na laging nasa tabi niya ngunit anino mo pa rin ang hanap niya.

Hindi mo ba siya kayang diretsuhin?

Nakulong siya sa sa mga alaala ninyong dalawa at tila nahihibang na. Andito lamang ako sa tuwing kailangan niya, Inaalagaan at binubuhusan ng pagmamahal. Ngunit ano ba ako sa kanya kung puso niya ay nasa iyo’t hawak mo pa?

Tatanggapin ko ang nakaraan niya Handa akong harapin ang bawat pagsubok basta kasama siya. Marami akong tanong sayo at kailangan ko ng sagot. Isa lang naman ang aking hinihiling sa’yo

Ikaw na nag iwan ng marka sa kaniya,

Pakawalan mo na siya.

47


KAMPEON Gawad Aninag

JUSTINE MAIE DAVID

Napakasaya sa damdamin ang ika’y masambit sa mga labi,

Sa iyong piling ako’y komportable at walang kimi Mga ngiting inosente ang namumutawi sa mga labi Sa aking isipan, ikaw ay hindi nawawaglit kahit sandali. Ngunit ako ay patawarin aking sinta kung sa paglipas ng panahon, Unti-unting nawawala ang pag-ibig. Tulad na lamang ng isang dapit-hapon, Sa paglubog ng araw ang siyang paglaho ng pag-asang ikaw ay masambit ng aking bibig. Sa bawat hakbang ng aking mga paa Ang siyang senyales na ako’y papalayo na. Sa aking paglalakbay, iba’t ibang baybay ang aking nagunita. Kasiyahan sa puso ay ‘di maikubra, Dahil nakatagpo na ako ng iba. Ang atensyon na dapat sa iyo’y binaling na sa iba. Sa pagdating niya sa aking buhay, kakaibang galak ang nadama. Hindi ko man nais na ika’y ikumpara ngunit siya ay ibang-iba Kaya tunay ang pananabik na makasama siya. Sa paglisan ko, nawa’y huwag na sana akong hintayin pa Dahil hindi maipapangakong makakabalik pa sa nakaraan. Sa paglisan ko, nawa’y huwag na sana akong hintayin pa Dahil akin nang ibinibigay ang iyong kalayaan.

48


Tunay ngang kayo ay magkaiba, malayo sa isa’t isa Siya ay moderno ngunit ikaw ay makaluma, Siya ay galing sa ibang nayon ngunit ikaw ay nandito sa iyong sinilangan.

Totoong iibigin mo ang kanyang mag mamay-aring katangian Na hindi ko pa nakita kanino man. Pero sa paglisan ko parang mayroong hindi tama, Tila baga may kulang sa pagkatao ko. Hindi mawari kung ano ba itong nawawala, Nalilito, naguguluhan ano nga ba talaga ito? Sinta, mahal ko, nasaan kana? Pasensiya ka na kung ikaw ay aking tinalikuran. Pasensiya ka na kung ako ay nasilaw sa kung anong meron siya. Pasensiya ka na kung ako ay nabulag sa mapanlinlang niyang katangian. Pasensiya ka na kung mas pinili ko siya kaysa sa iyo. Pasensiya ka na kung mas pinahalagahan ko siya kaysa sa iyo. Pasensiya ka na kung ikaw ay nilisan. Pasensiya ka na kung ikaw ay ninais kalimutan. Pero aking wika halina’t tayo ay magsimulang muli, Bigyang pagkakataon ang nag-aalab kong damdamin Bumalik tayo kung saan ikaw ang sinasambit ng aking mga labi Balikan natin ang panahong ikaw lamang ang nais ibigin Nais kitang pahalagahan muli tulad ng dati Kung saan walang ibang nais gamitin kundi ikaw na sariling wika lamang Nais kitang mahalin muli tulad ng dati Kung saan walang ibang binibigkas kundi ikaw lamang.

49


MEZZALUNA

This is the last day of 2019. The moment I wake up, You won’t be here beside me.

Truly time run so fast And I don’t want to waste more of it. Please hear out my selfish request.

Before we bid our goodbyes, Let me say, I love you One last time.

50


Agos 51


YELLOW FLOWER

It’s been a rough 2019 for you; you’ve been having constant anxieties, insecurities, and triggers for overthinking. What was the reason? Is it love? Does love make you feel restless? Or is it because of that person? After all the pain that you’ve endured, all the breakdowns and fake smiles that you showed to people, was letting yourself dive in a free fall without a parachute worth it? You know their true colors and their true intentions, yet you chose to believe and stay in that little wonderland, fooling yourself that one day, your existence will mean something to them. Does it make you happy? Does it bring joy to you? Ending the year with a sad curve on your face is not the right thing to do. Take a deep breath and let your life begin once again without the people who don’t appreciate your worth,

please self.

52


ERROR 606

if being with you was a sin, they can call me a sinner, not even ambrosia and nectar can ever hope to compare. they may frown at us all they wish but we'll stand our ground they may call us bonkers, but we are evidence that they are wrong.

53


MIRASOL

54


YELLOW FLOWER

After months of ignoring each other, you managed to garner your strength to talk to me. This is such a big deal since you have an image of a person whose pride is higher than the mountains. I am happy that you decided to make the first move but I am sorry if I can't just go back to the way we used to be. I am terrified to go through the pain and confusion that I’ve been through and the worries I had due to our inconsistencies. A week before, we were happy. The next week, we are already quarreling. I have to admit that I am scared to be part of your life once again and though as much as I miss you as a friend or as an ex-lover, this time it won’t be easy for me to be soft towards you. This time, I am saving myself from future pain and anxieties.

55


SALACIA

i was never meant to be in this world so i wandered too far all alone unbeknownst, burning all in my wake but i've come a long way, i'll head back will i even find my way home? would the flare light the way?

i've looked at the ground more than the sky it's getting hard to breathe i try to hold out my hand but there's no one there i didn't know how but i've gotten scared of people's gazes i am exhausted from these tears that threaten to fall instead i looked up and i tried smiling still no one recognizes me i wanted to say goodbye but to whom? i hope by the end of this road, i can close my eyes without regrets.

56


AEZG

crowded banquet rigorous bullet towards laureate a barbiturate eyes flared hue scattered refrain cloistered equality catered (may thee be a king or a queen, thou art in the unvarying scale)

57


FILOMENA

Sa pagsapit ng umaga, araw-araw akong nahihirapang gumising. Nahihirapan akong gumising sapagkat ako'y natatakot sa mga bagay-bagay na maaari kong harapin sa pagdaan ng araw. Ang lahat ay paulit-ulit lamang, gigising para mabuhay, ngunit tila ba walang patutunguhan.

Natatakot akong harapin ang bawat araw. Ako’y takot sa pagbabago, lalong-lalo na nung ako'y tumuntong sa kolehiyo. Ang dating nakasanayang kapaligiran ay nagbago. Ang mga kasama sa loob ng silidaralan ay mga panibagong mukha− mga nakakatakot na mukha. Ni hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang mga susunod na araw. Kung ni isa'y wala akong kakilala, paano ko haharapin ang kinabukasan kung ang takot ko'y patuloy akong pinipigilan? Ngunit isang araw, ang tahimik kong buhay ay pinasok mo. Masyado kang maingay at masayahin. Alam mo bang ayoko sa mga maiingay? Ngunit bakit ang mga ingay na nagmumula sa iyo ang siyang nakakapagpagaan ng aking pakiramdam?

58


Mula sa isang simpleng pagkaway mo, sa mga simpleng pagtatanong mo kung saan nga ba ako nanggaling, hanggang sa pagtahak sa bawat kinabukasang haharapin nang kasama ka, tila ika’y nagiging parte ng bawat araw ko. Ang mga umaga na dati ay kay hirap harapin, ngayon ay siyang aking hinahanap. Ang mga simpleng araw na tila ba dati ay nakakabagot, ay puno na ng iba’t ibang kulay sa tuwing kasama ka. Ikaw ang naging hudyat sa pagbukadkad ng bulaklak na minsang nakasara't nahihirapang lumago. Ikaw ang apoy na muling nagbigay buhay sa isang kandilang napupos. Ikaw ang sinag ng araw na siyang nagbigay liwanag sa madilim kong mundo. Ikaw ang pumawi sa lahat ng takot at pag -aalinlangang nadarama ko. Ikaw ang taong nais kong mahalin kapag handa na ang puso kong magmahal muli. Ayoko, ayoko nang maulit ang nakaraaan. Minsan nang may dumating sa buhay ko at nagbigay saysay sa salitang “pagmamahal,” ngunit ‘yun pala, ako lang ang nagmahal. Natatakot akong sumugal at masaktang muli, pero heto ako, tila naghahanda at gustong sumuong sa isang panibagong giyera ng pag-ibig. Bagamat hindi ko alam kung saan patungo ito, pero isa lang ang sigurado ako− tunay kang biyaya ng Maykapal sa buhay ko. Hindi ko mawari kung paano ko haharapin ang bukas nang wala ka. Kay dami na ng mga taong aking pinahalagahan at minahal, ngunit kay bilis rin nilang mawala na parang bula− literal man o hindi. Alam mo naman, mapaglaro ang tadhana. Hindi natin alam kung ano ang mga maaaring mangyari sa hinaharap. Ngunit, kung mangyari man iyon, ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay lubusin ang bawat segundo't minutong kasama ka. Gusto kong gumawa ng maraming magagandang alaala na kasama ka. Gusto kong makasama ka parati nang sa gayon kung ikaw man ay mawala, may babaunin akong mga alaala mula sa ating nakaraan, na siyang paghuhugutan ko ng aking lakas sa pagharap sa bagong umaga. Bago ka makaabot sa pinakadulo ng liham na ito, nais kong magpasalamat sa iyo. Salamat sapagkat kinulayan mo ang mundo kong matamlay. Salamat sapagkat pinaingay mo ang mundo kong tahimik at ginawang kasabik-sabik. Salamat dahil ikaw ang siyang naging dahilan, upang magkaroon muli ng saysay ang puso kong dati ay binasag ng pangungulila. Salamat. 59


ERROR 606

if i depart from here to cross beyond the raging sea to the horizon, could i perhaps meet you there?

60


THALASSA Similar to the beauty of the sea, you shall be To boot, mind you that the calm deep sea devours everything

61


ZALE

Nagsimula ang lahat sa pagiging matalik na magkaibigan. Mga panahong puro away at asaran. Syempre, hindi makakalimutan ang pagsorpresa tuwing kaarawan. At kinalaunan nagtapat ng tunay na nararamdaman.

Naaalala mo pa ba nung ako'y iyong nililigawan? Kay tamis ng ating pinagsamahan, masayang nagkakantahan at nagkukulitan. Ngunit ngayon tila ba lahat ng iyon ay iyo nang nakalimutan. Hindi ko alam kung bakit ako naguguluhan, sarili ay ‘di na maintindihan.

Meron akong katanungan, tama pa ba na tayo ay magkasintahan? Tila ba parang naglolokohan at sa iba na hinahanap ang kaligayahan. Oras at atensyon ay aking kailangan, ngunit hindi mo yata ito maintindihan. Sumbat at masasakit na salita ay iyong binitawan, ang puso ko ngayon ay tumatangis at ‘di ko mapatahan.

Ito nga ba ang ating kapalaran? Hiwalayan ang kahahantungan? Ito na nga ba ang aking kinakatakutan, hahayaan nalang bang tuluyan nang lumisan? Hindi mo ba kayang ipaglaban ang ating pagmamahalan? Papayag nalang ba na mauwi sa wala ang matagal mong pinaghirapan?

Pero mahal, nais ko sana na ako'y iyong samahan. Patungo sa lugar kung saan tayo ay lubos na nagmamahalan, sa paraisong ating nilikha at binuhayan. Atin nang itama ang mga pagkakamali at mga masasakit na ala-ala ay atin nang kalimutan. Mahal, halika at kamay ko'y iyong mahigpit na hawakan, sapagkat tayo ay maglalakbay at tatahakin ang daan patungo sa ating masayang nakaraan.

62


TULIPS

Paano ako susuko? Mamahalin at aalagaan kita kahit para sayo'y wala akong kwenta. Isa lang akong bagay na kaya mong agad ibigay dahil ‘di ako matibay at walang mapatunayan. Walang halaga kaya ‘di kayang iparamdam ang alaga at pagpapahalaga. Maari mo ba akong pansinin para mabuo ang iyong pagtingin? Maghihintay hanggang mamatay sa pagmamahal mong alay kahit mangalay. ‘Di ako nagbibiro sa pagmamahal na gustong ibigay. ‘Di magawang sumuko kahit ako ay napapako sa paghihintay.

‘Di mo ba kayang subukan? Napakahirap mong sukuan kahit na ako'y pinaglalaruan. Kailangan na ata kitang sukuan at ‘wag na maghintay, Ako’y pabitaw na. Hindi− ‘Wag na muna dahil ‘di ko kaya. Kailangan ko pa sigurong patunayan at iparamdam sa’yo Na nahihirapan akong ikaw ay aking lisanin

kahit ilang beses mo nang ipinaramdam na ako'y madaling iwanan.

63


ERROR 606

how unfair rain is for being able to touch you no bother,

call me anything you want but i just want to become the rain.

64


TWINKLE

65


LESTER SAMSON

Confused, doesn’t have an idea where to start, The weight of the stress breaks my heart. Achieving dreams and always striving hard, Just to give satisfaction on my report card. Decent sleep is nowhere to be found. Slumber is always disturbed by the annoying alarm sound. The blazing sun is up, Time to return to this old set-up. Every day is like a monochrome routine, Drowning myself in a tub of caffeine. I’ve never been this frustrated. It’s like my existence has already been fabricated. Stress will never leave, I must admit. Chasing a set of deadlines just to submit I’m like a brave little soldier with tired eyes, Window to one’s true feelings, they surely never lie.

Everything comes with a sacrifice, And every sacrifice comes with a solid price. Sleep deprivation is not advised, A blinding reality that I realized. Toxicity never stung me this way, I cannot imagine how I survive each day. Drowning in a pile of schoolwork demands, With weakened knees, I cannot seem to stand. This is not me. I wanted to set myself free. Slowly, I am gathering my strength to step up and leave this conformity. I choose to save myself from this mediocrity. Health is never worth risking, indeed. Always consider what your body needs, Listen to this poem, written in the twenty-first. Know your priorities, health always comes first!

66


Kabanata 1 67


TABY

M

ahal,

Salamat sa mundong ipinakilala mo sa akin kagabi. Salamat noong alas nuwebe nang iparanas mo sa akin ang pinaghalong pakiramdam ng pagtanaw sa mga kumikislap na mga bituin habang dumadampi sa mukha ko ang ihip ng malamig at sariwang hangin sa probinsya. Salamat dahil hinayaan mo akong kumapit sa bewang mo habang sakay tayo ng motorsiklo mo. Ang sabi mo, "kumapit ka nang mabuti." Gusto ko sanang habambuhay mong sabihin sa akin ito. Mahal, hindi ko malilimutan ang malalim nating kwentuhan habang nakaupo sa dalampasigan, alas onse kagabi. Patuloy mong ibinibida sa akin ang mga karanasan kasama ang mga estudyante mo. Habang nagkukuwento ka, 'di ko maiwasang mabilib at tuluyang mahulog sa'yo. Bilang isang guro rin, marami akong natutuhan. Tiyak na matutuwa ang mga estudyante ko sa mga bagong pakulong itinuro mo sa akin. Ang swerte talaga ng mga batang y'on dahil henyo ka, ang ama nila. Hehe, biro lang. Matapos kang magkuwento, napagtanto ko: ikaw na ata talaga ang best "Sir" ng buhay ko. Hayy, gusto ko sanang maniwala sa sarili ko. Ala una nang madaling araw nang inilabas mo ang mga bote ng serbesang baon mo. Ang sabi mo, hayaan kong lunurin ang sarili ko sa alak 68


at kalimutan muna ang lahat ng kalupitan ng mundo. Nagtiwala ako, kaya sinunod kita. At hindi ako nagsisi, sapagkat sa ikalawang bote pa lamang, naramdaman ko na ang mahika na nagpakilala sa akin sa mundong ikaw at ako lang ang nananahan. Dinala ako sa paraiso ng ikalawang tagay natin sa isa't isa. May ibig sabihin ang dalawang tagay na iyon: una, mahal... pangalawa, kita. Mahal na mahal kita aking una, at pangako, hindi na ako hahanap ng pangalawa pa. Eksaktong alas dos nang bumuhos ang ulan. Dahil tila nadala na ng tama ng serbesa, natawa na lang tayong dalawa. Para tayong mga bata nang tayo ay maghabulan, at pinili nang lumusong at magtampisaw sa dagat. Sarap na sarap ang tenga ko sa pagdinig sa mga naghahalong halakhak nating dalawa. Pero oo, noong oras na iyon ko rin napansin ang panaka-nakang pagyakap mo sa akin. Litaw sa mukha mo ang pag-aalala, na baka mapano ako. Hanggang sa napilit mo akong humango na. Sumilong tayo sa ilalim ng isang kubo, at doon ko lang nalamang alas kwatro na pala. Natahimik muli ang aking diwa, at kasabay noon, tumabi ka sa akin sa pagkakaupo. Tumitig ako sa mga mata mo, at doon, para mo akong binigyan ng permiso para isandal ang ulo ko sa mga balikat mo. Hindi nagtagal, umakbay ka na't yumakap sa akin. Ang init ng singaw ng katawan mo ang siyang pumawi sa lamig na nararamdaman ko sa mga oras na y’on. Alas sinco na noong tumila ang ulan. Nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Ang tanging naririnig ko lang ay dalawang bagay: una, ang pag-awit ng mga alon at ang ikalawa, ang tibok ng puso nating dal'wa. Paunti-unti na ring sumisilay ang araw. Ewan ko pero kinuntsaba mo ata ang kalangitan para magkaroon ng perpektong pagkakahalo ng mga kulay na bughaw, rosas at dilaw. Binasag ko ang katahimikan sa pagsasabing, "Babalik na ako sa siyudad mamaya." Noong una, ay parang wala kang narinig. Pero nang lumaon, naramdaman ko na medyo nanginginig ka, at nang tumingala ako sa iyong mukha, nakumpirma kong tumatangis ka na pala. Hindi ka na nagpakawala ng anumang salita, sapagkat alam mo naman na ito ang kahahantungan natin. Mahal, hindi papayagan ng mundong 69


'to ang relasyong mayroon tayo. Hindi ka para sa'kin at 'di raw ako para sa'yo. Titila ang ulan, pero kailanman, hindi hahayaan ng mundo na magtatagal sa himpapawid ang ganda ng bahaghari na siyang larawan ng makulay nating pagmamahalan. Sumagot ka sa pamamagitan ng isang halik. Umiiyak ka habang ipinadarama sa akin ng pagdampi ng iyong mga labi ang mga salitang hindi kayang ibulalas ng iyong bibig. Hindi ko maiwasang lumuha rin habang gumaganti ng halik sa iyo, sapagkat sa panahong iyon kita pinakanaintindihan. Sa mga huling segundong kasama kita, pinili kong ipikit ang aking mga mata. Umaga na naman pala. Bawal na muli ang ating pagmamahalan. Magmamatyag na naman ang mapanghusgang mga mata. At sa sandaling binitawan mo ang aking mga kamay, kumaripas ako ng takbo palayo sa’yo. Pareho tayong lumuluha nang tahimik nang mga panahong y’on. Iyon ang pinakamahapding sandali para sa puso ko. Lumisan ako pero hindi kita iniwan. Lalong lalo na, hindi kita kinalimutan. Nagpakalayo man ako pero dala ko ang pangako ko sa aking sarili na sa bawat pagpatak ng ulan ay ang pag-alala ko sa lalaking nagparamdam sa akin ng pinakamatatamis na sandali ng aking buhay. Sa bawat pag-inom ko ng serbesa, muli kong lalasapin ang mensahe ng dalawang tagay natin sa isa't isa. Sa mundong tayo lang ang nanahan. Sa mga gabing ating pinagsaluhan. Hindi lang ang mga kwento, pero pati na rin ang mga totoong tayo.

Patuloy akong mangungulila sa mga yakap mo. Habambuhay kong hahanapin ang mga halik mo. Dadalhin ko hanggang huling sandali ang pinakamahalagang leksyon na ipinabaon mo: Hindi man tayo papayagang magsama ng mundo, kailanma'y hindi ka nila mabubura sa puso't isip ko. Dahil sa huling gabing ipinaranas mo sa akin ang totoong saysay ng pag-ibig, mahal, ikaw na ang umangkin nang puso ko. Magkikita tayong muli, mahal. Magkikita tayo. Patuloy kang mamahalin sa bawat bukang liwayway ng aking buhay, ako 70


SUN RAE

71


GALENE

I

t's been too long since I last had a boyfriend. Joke's on me, I never had a boyfriend but that wasn’t important to me, but it did bothered people around me.

I was a kid when my dad told me this line that I apparently took by heart, “Eka makipag-tau.” My thought was, “Pero tau ku?” but of course I couldn’t bring myself to tell him. First of all, I didn’t want to get scolded, gee, go figure. People around me are always in love or cheesy with a certain someone. I tell you, always. I could never understand how they can keep that up. It’s as if it’s a secret rule of the world; seek for your other half. Excuse me? I’m a complete masterpiece. I bid you adieu! 72


Now, I’m twenty, my aunts are asking me relentlessly, “Atin nakang tau, nak?” I don’t know why they always manage to catch my guard down with that question even with the umpteenth time. “Ala pa pu,” I would always answer with a sheepish smile. “Datang mu rin yan,” they would tell me, an attempt to cheer me up. Being told such thing never eased me. It’s as if implying that I would be nothing without a lover, that I would be miserable. Please, who’s lowspirited between the two of us, me happily on my own and free, or you stuck at your husband’s side? I wouldn’t dare place my happiness on another for why would you feel complete and all giddy when only you’re with them? Why? Is your happiness theirs? Please, get a hold over yourself. You will be happy even without your lover. First of all, no one else should have power over you other than yourself.

73


BLACK CAT

to the ghosts of the past, may our path never intertwine again, i bid you farewell.

74


MEZZALUNA

75


PONG

I

t is thrilling to know that many people would want to serve and encourage other people to make a difference. We often look for places where we belong and where we feel like we are loved and happy.

As life is full of surprises, there are times wherein the places we seek are the ones that catches us off-guard and come uninvited. It is truly a blessing when such a thing happens. The feeling of elation start surging through your veins. Times when people accept you for who you are and make you feel like you are in the right place together with the right company. A place where you are not alone, a place where you can socialize and get to know many people from different backgrounds is all good and positive.

76


Or is it? I recently have come into terms with my biases and tried to see things from a different perspective, one that is often labeled as deviant. I realized that happy places came not because of destiny or the will of the universe, but because of my own actions and decisions which ultimately created a circumstance that clouded my judgement. I realized that I didn't really get to know people but rather just saw them. I was invited but not called, approached but not entirely liked, a false sense of belongingness. The feeling of being an outsider. On the other hand, I became more resilient. I accomplished what I had to do and even those that I am not supposed to do. Praise is not often necessary but a pat on the back can do you good.

It is a new start and perhaps we should brace ourselves more and hold to our own convictions even when the big guys tell us otherwise. Here is my message to you. Do what you think is best. Consider the actions that will help you grow together with the people around you. Prove that you are capable with or without the support of the uncaring environment that you had. May you be independent and succeed on the different obstacles that you will face later on. Cheers to you. May you soar high and relish the view.

77


CHESHIRE CAT

“Bring out a ¼ piece of paper together with your ballpen.” Biglang tumigil ang mundo ko. Unti-unti kong nabitawan ang panyo ko dahil sa pagkabigla. Bumilis ang tibok ng aking puso. Damang - dama ko ang pagpatak ng aking malamig na pawis na namumuo sa aking noo. Lamig ang siyang bumalot sa buong katawan ko. Mukhang katapusan ko na. “Huy, kumuha ka na ng yellow pad mo,” bumalik ako sa sariling katinuan. Taranta kong kinuha ang notebook ko at pencil case. Anong subject kasi namin ngayon? May nasabi ba noong bagong taon na may pagsusulit kami ngayon? Mamamaalam na ba ako sa uno at kakawayan si tres? Habang kalmadong nagsusulat ng pangalan ang iba kong mga kaklase, sinubukan kong isaulo ang mga isinulat ko bago magbakasyon ngunit mas lalo lamang akong nataranta. Walang pumapasok sa ulo ko!

78


“Pahati naman nyan!” dinig kong sabi nung katabi ko sa kalikuran niya. Pinaghatian nilang tatlo ang papel at ibinigay sa’kin ang isa. Kinuha ko ang papel ng hindi kumikibo. Ano kasi ‘yung librong sinulat ni Charles Darwin?

“Number one,” narinig kong nagreklamo ang ilan sa mga kaklase ko. Panulat. Kailangan ko ng panulat! Kinuha ko ang pencil case ko at saka kumuha ng ballpen. Sa kasamaang palad, wala akong nakita! Mayroon akong green pen pero hindi ito pwede! May isa akong sign pen pero hindi naman sumusulat!

“Ma’am pwedi po bang maglapis?” lakas loob kong tanong. “Siguraduhin mo lang na hindi ko mabubura mga sagot mo,” napatikom nalang ako ng bibig. At dahil isa akong dakilang estudyante, humarap ako sa katabi ko at ipinakita ang mga nangungusap kong mata. Alam kong isang napakabuting nilalang ni Grace. Hinding hindi niya ako“Wala ako.” “Anong klase kang estudyante? Wala kang extra ballpen!” “Anong klase kang estudyante? Wala kang dinalang ballpen!” balik sagot niya sa’kin.

“Osya, number one na,” wika ni Ma’am. At dito na nagtatapos ang aking kwento. Sana mayroon kayong natutunang aral mula sa naranasan kong kamasalan sa unang klase ng 2020. Paalam! Hanggang sa muli nating pagKulay pink na sticker na nakapaikot sa G-TEC-C4 na ballpen. Halos nasa kalahati palang ang tinta at mukhang magtatagal pa hanggang 4th year. Wala na ‘yung barcode niya na nasa takip dapat nito na siyang nag iwan ng maitim at malagkit na marka. Medyo kubit na rin ang tip niya ngunit magagamit pa naman. Sa kasamaang palad, nasa kamay ito ng isa kong hangal na kaklase na nasa second row pa! “Number one. Magsulat kayo ng apat na new year’s resolution ninyo ngayong taon.” Number one. Hindi na po magpapahiram ng ballpen kay Jane.

79


HEKATE

yaku pasalamat ku kareng milabas na uling keng panibayung milyari ali tamu ngan aisip na pwede pala ita pero ayan na,

mayayari ne ing dekada apin na ini, atsu tana keni

nanu pa ta, ikatamu ngan aliwa-liwa tamu disnan aliwa-liwa tamu pintalan angga pang parewu tamu mung maybe ngeni emu ba aiisip na ing milabas milyari ya uling kaylangan ya talaga? Megkasakit tamu ngan, pero e wari ngeni mayap ngan?

yaku naman eku menyad a dakal keng Apung Guinu

masaya ku keng binye na kaku o ika kaya masaya ka keng biye mu?

80


D.PUNO 81


MIRASOL

82


MEZZALUNA

Dito sa tindahan ng mga laruan, madalas kang makakarinig ng mga batang nagsisipag- iyakan. Maaaring dahil kinapos ang magulang sa pera o hindi naman kaya nagmamadali ang mga ito. Hila-hila ang kamay ng kanilang mga anak, dali-dali nila itong inilayo sa mga laruan at saka hinila palabas. Napabuntong hininga ako. Mukhang matumal na naman. “Gusto ko ‘to!” sigaw ng isang batang lalaki na kapapasok lang sa pwesto namin. Nagniningning ang mga mata niya habang pilit na inaabot ang isang kulay pink na bola. “Hindi ‘yan pwede sa’yo. Pambabae ‘yan.” Isa lang naman akong hamak na taga-bantay ng tindahan. Nagbabantay ng mga namimili, nangungumbinsi ng mga bata at mga magulang, nagwawalis ng mga kalat, pero madalas nag oobserba. “Wala ba kayong ibang kulay niyan? Pambabae kasi ‘yan” “Sandali lamang po, baka mayroon pa pong kulay blue” ani ko. “Pero ‘yun ‘yung gusto ko!” reklamo ng bata. Nagbabadyang tumulo na ang kanyang mga luha. “Kulay pink ‘yan! Hindi ‘yan pwede sa’yo kasi ‘di ka naman babae! Gusto mo bang maging bakla?” Hindi nagtagal ay umalis din ang mag-ina. Walang tigil sa pag-iyak ang bata kaya naman binuhat na lamang siya ng kaniyang ina. Wala na kasing ibang kulay ng bola na gusto ng bata kaya umalis sila ng tindahan nang hindi bumibili ng kahit na ano sa mga paninda. Itutuloy ko na sana ang pagwawalis nang biglang may ama na pumasok sa tindahan habang kalong kalong ang kaniyang anak na babae na nakasuot ng isang dress. “Anong gusto mo?” tinuro ng bata ang kaniyang gusto. Sinundan naming ng tingin ang tinuturo niyang laruan. Isang machine gun na malaki at may laser. “Hindi ba panlalaki ‘yan?” tanong ko. “Hindi ko naman makokontrol ‘yung gusto niya. Kung gusto niya ng panlalaking laruan, edi bibilhin ko na lamang.” Lumabas ang batang babae at ang kaniyang ama kasama ang binili nilang laruan na machine gun. 83


HEKATE

Naatasan akong magbantay ng dalawang batang babae noong isang hapon na iyon. Dahil may mahigit isang linggo na ang pagsasama namin, unti-unti na silang napapalapit sa’kin at itinuring ko sila na parang kapatid. Laro dito, laro doon. Nagkalat ang iba’t ibang mga laruan sa buong salas. Ang kaninang maingay at malilikot na mga bata ay ngayo’y nakahalumbaba sa harap ng bintana. Sabay nilang malungkot na pinagmamasdan ang ulan. Sa kabilang banda, tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Nang dahil sa ulan, hindi matutuloy ang balak namin na pumunta sa palaruan. Hindi na ako nagulat sapagkat kanina ko pa nakita sa balita na mataas ang tsansang uulan. Sadyang hindi lang din ako natutuwa na malungkot ngayon ang dalawa. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Laya. Halatang nadismaya siya at halos magdabog nang hindi ako pumayag na lumusong kami sa ulan. Sa kanilang dalawa ng kapatid niya, siya ‘tong sabik na sabik lumabas ng bahay at sumakay sa seesaw. Ilang sandali pa ay iniwan na rin kami ni Laya at nagmukmok sa sofa. Kami na lang ni Ula ang natira sa may bintana ngunit kay Laya na siya nakatitig. Hindi man siya umiimik, ngunit makikita sa mukha niya ang kaniyang pagkabahala. Kahit isang taon lamang ang pagitan nila ni Laya, mahahalata mo sa kanya na isa siyang batang may matandang pag-iisip. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ko ang nag-aalalang bata, "Anong meron, Ula?"

84


Ilang minuto pa bago niya ako tuluyang pansinin. Tanging si Laya lang tinitignan niya habang mariin na nakatikom ang kanyang bibig na tila ba may gustong sabihin. Kahit na hindi niya ito direktang sabihin, nahulaan ko rin ang gusto niyang ipahiwatig. Kinuha ko ang maliit na kamay ni Ula at saka naming nilapitan si Laya. Gusto niya pa ring makipaglaro sa kapatid niya. "Tara, anong gusto ninyong laruin?" aya ko sa kanila. "Gusto kong magkulay," mahinang sabi ni Ula, habang nakatingin sa akin samantalang hindi naman kami inimikan ni Laya. Hindi kami pinansin ni Laya kahit na inilabas na namin ang mga pintura at papel na gagamitin naming ni Ula. Nilatag namin iyon sa sahig at saka naghalo ng mga kulay. Itong batang ito, mahilig sa mga ganitong bagay. Mas alam pa niya ang mga kombinasyon ng mga kulay na gusto niyang gamitin kaysa sa’kin. Hindi nagtagal ay nagsawa na sa pagmukmok si Laya at saka niya kami pinuntahan. Umupo siya sa tabi ko habang sabay naming pinagmamasdan ang kanyang kapatid na masayang nagpipinta. Hindi kasi katulad ni Ula, walang interes sa pagkulay at pagguhit si Laya. Noong mga oras na iyon, para silang nagpalit ng ugali. Si Ula naman ngayon ang may sariling mundo habang nagpipinta ng… bundok? Napatingin naman ako sa kabilang banda na puno ng iba’t ibang kulay. Marahil iyon ay mga bulaklak. Mag-a-alas tres na noong panandalian ko silang iwan. Oras na kasi ng merienda at dahil sa panahon sa labas, mukhang walang dadaan na nagtitinda ng merienda sa’min kaya kailangan kong magluto. “Dyan lang kayo ha? Gagawa lang ako ng makakain." Sa wakas tinignan ako ni Ula at saka niya ako nginitian habang pinagmasdan lamang ako ni Laya. Hindi siguro sanay si Laya na 'di ko siya pinapansin o ‘di kaya man ay aliwin sa kanyang mga pagwawala. Kung pinansin ko siya kanina, tiyak na mauuwi lang ito sa iyakan. Katapos kong magluto, binalikan ko sila kaagad at ako'y natuwa sa tanaw na bumati sa akin. Sa tabi ni Ula na may sariling papel at mga iba't ibang maliliit na pinta ng kung anu-anong mga bagay, naroon din si Laya na ngayon marumi ang mga kamay at naghahalo ng mga kulay. Hindi nag aalinlangan si Ula na ilublob ang kanyang mga darili sa iba’t ibang mga kulay at saka niya ito inilalagay sa kaniyang papel. Tiningnan muna ni Laya ang kaniyang kapatid bago niya ito ginaya sa pag pipinta.

85


TSUKI hindi kakalimutan ang nakaraan, hindi hahayaang maulit sa hinaharap.

86


TUNAFLAKES

“I would like to rebuild myself again,” said the girl in front of the witch. “Why so?” the witch watched the girl with great curiosity. “I just want to be happy. Whenever I looked at my past self, I feel nothing but pain and jealousy. It stings. Wanting to go back but the time will not let me.” the girl bit her tongue. She knew it better than anyone that she is nothing but a self-centered brat. After all, she was asking for something selfish but not impossible. The townsfolk laughed at her as if she is a lunatic. Trying to meet all the expectations of the people around her and the stress combined are making her exhausted. Reality is nothing but a stimulation that has a reset button. All she wanted was to watch cartoons on a Saturday morning in her childhood days. Maybe then, she would realize that life is not that bad after all. “Very well, I shall grant your wish.” the witch flicked her hands. A glowing magic circle appeared on the ground where the girl was standing.

The girl was very much amazed. Little did she know, the witch had different plans for her. “Good luck pronouncing patalastas.” Before the girl could say anything, the light swallowed her whole being. 87


MARIA ANGELICA TORRES

Sa bilyon-bilyong tao sa mundo, napakahusay ng tadhana para ipagtagpo ang dalawang taong isinilang para sa isa't-isa. Yung tipong hindi mo inaakalang yung nakasakay mo lang sa jeep ay kasabay mo na sa pag-uwi araw-araw kasi jowa mo na, yung kaklase mo simula pa noong elementarya na lagi kang binubully eh siya rin pa lang pakakasalan mo, yung dalawang magkaibang tao na may magkaibang paniniwala sa buhay; masaya at matiwasay na namumuhay ngayon. Hephephep! ‘Di pa naman ako jowang -jowa. Sa totoo lang, masaya naman ako at isa pa, marami akong prayoridad sa buhay kaya hindi pa masyadong sumasagi sa utak ko yan. Ako ‘yung taong basta tamang hintay lang sa gilid, hayaan si Kupido kung kailan naka-mood panain si the one. Naniniwala kasi ako na ‘pag tinamaan ka, wala na. Finish na. Wala ka nang magagawa kundi sundin ito.

88


Notification Messenger 7:05am Message request from James Pantinsson

J: Hi ☺ A: Hello ☺ J: Taga san ka? A: Ah taga Angeles hehe J: Uy baka magalit bf mo malaman na kachat mo ko? A: Wala po ako bf hehe J: So pwede ba kita ligawan? Seen 8:46am Opo, ako po ‘yan! Sa totoo lang, kaya ko naman kasi sila rinereplayn ay para ‘di magmukhang bastos pero sa huli, wala rin naman. Nakakasawa rin pala yung ganito na araw-araw, literal na bagong bukas na naman ng message request. Pagkalipas ng maraming araw, doon ko lang napagtanto na pagod na ako sa ganitong entrada sa umaga. Ayaw na. Tulad ng sinasabi ng mga batang napapagalitan at umiiyak, hindi ko na uulitin. Ilang oras na ang sinayang ko sa mga walang katuturan na bagay katulad. Pinapagod at sinasaktan ko lang hindi lamang ang sarili ko, kundi pati na rin yung mga taong iyon. Nakalulungkot isipin na sila yung mga taong kumakatok sa pintuan ng bahay ko, pero bago ko pa ito buksan, wala na sila sa harapan ko. Inaamin kong may mga pagkakataon na gusto ko rin maranasan ang pag-aaruga mula sa ibang tao ngunit (bato bato sa langit, ang tatamaan ay nagngangalang Maria Angelica Torres) handa akong maghintay para sa taong nakalaan para sa akin. Tulad nga ng sinabi ko sa itaas, hanggat hindi pa siya pinapana ni Kupido, maghihintay ako. Pangarap muna ang aatupagin para kapag dumating siya, masasabi kong para sa kanya talaga ako nang walang pagdududa. Kaya naman muli, tinatapos ko na ang ganitong set-up. Ang wakas ay siya ring simula.

89


TUNAFLAKES

Cheers to those who abandoned me in the middle of the war! They are the ones who made me realize That even if they left me, That can never be the reason for me To lose myself. A drink to those people Who did not just stab me in the backBut in front. Your nature allowed me To learn from my mistakes And flourish as a person. Praises to those who gave me venom instead of water You had me fooled But now I am careful On what I choose, On the things that I decide. A toast to my comrades who are still with me May we continue to make this bond stronger And conquer this year than ever before! Hear, hear, I’d say!

90


CALLYPSO

91


ANGEL

I hope this message will be able to reach you. I know your intentions are real and pure. No doubt you're a good person. You're different from the others and that breaks me inside whenever I think of rejecting you. But what I learned is that there's a thin line between care and love. Yes, I care for what you feel but it wasn’t enough reason to say that I love you. When I say that I don’t want to hurt you, please believe it for it wasn't easy for me to do this. I am not used to rejecting someone because I am more adept at being rejected by someone. I asked you, of all the women out there, why did you choose me? To find out that I am the girl of your dreams. I am sorry to pop your vivid dream but you are not mine. I am sorry for ending something that didn’t even start. This turn of events could be a fresh start for you but an ending to me. You might not be the man that I long for, but I believe we didn't just meet for no reason. There are people who are destined to meet but are not meant for each other at all. In fact, we became a lesson for one another. A pill that is hard to swallow but as time passes by, it will help us to feel better. You made me realize that there are certain things that only we can possibly identify. You helped me listen to what my heart truly wanted and I am now on my way to pursue it. I wish for the day when you’ll realize that as well will come. P.S.: If you love me, please let me go. Sincerely, Angel 92


TUNAFLAKES

You shine more than the brightest heavenly body in the sky. You’ve been through a lot and I assure you that none of them can ever drag you down. I see different scars in you. Some of it are hidden behind your sleeves, while some of it is in your caged heart. You perform quite well even if you are not an actor. In a stage called life and in front of an ocean of audience, I see no delight in your eyes. Forced smiles, dried tears, unruly hair, tired eyes, self-inflicted pains- all of it. You hide them all with your flashy laughter. But now, you’re just tired. May this year be an opportunity for you to grow and prioritize yourself. You matter so much to me and I wish you all the best in life. You’ve been pleasing others longer than we both know. You’ve been craving validations from others when it is you who know yourself better.

You entered a toxic relationship? Leave. Difficult decisions are strangling you? Break free. Can’t find yourself to reject anyone? Breathe and say no. Find your voice in times of drowning for it will lead you to a place where you can breathe. Let the rain wash away the stains from your beautiful white dress. Conquer your fear of thunder and clear out the sky. Face the impossible and seek help from other people. Struck this fact in your heart that they are here for you and you are important to them, most especially to me. There’s no harm in choosing yourself. 2020 is not only your year but also the succeeding years. Claim it. Love, The person in front of the mirror

93


YELLOW FLOWER

The tiredness, the sufferingsNine months of pain. Seeing you alive takes it all away The chocolates and the lovely stories Seeing you happy, she too the same The disrespect, the retaliation, the cursing cruel words She would always try to understand and endure She would do it all over again Just for you, my friend.

94


SUBLIME 95


96

BLIND PILOT


CHESHIRE CAT

Once upon a blue moon, there lived a princess who was promised to a sea witch in her early days. In exchange, the seas shall never be an enemy of the human kingdom which was built near the harbor. True to the sea witch's promise, the seas never antagonize the kingdom. While the princess was stuck all alone in a tower, the sea witch showed her mercy for her predicament is none of her choosing. "I shall grant you company," the sea witch told the innocent young princess. The princess merely watched the sea witch, her blue eyes gleaming in curiosity. It didn't take any waiting when the princess noticed how she was suddenly feeling the gales even though she was inside her tower. Without even blinking, the princess ran to the only entrance of her tower. And then, she saw a majestic red dragon. "He will serve as your company," the sea witch informed her and with that, vanished without a trace.

When the princess became of age, countless suitors came to her tower in an attempt to rescue her. Unbeknownst to all, she never needed any rescuing. One day, a prince from far away kingdom came close to rescuing the princess. “Princess!” the prince called, he was tired from all the climbing he had to do. The princess with a broom on hand, came to view, “Who are you? What are you doing here?” The prince was stunned at her unrivaled beauty. “Why, my princess. I am here to rescue you.” Leaning on her broom, “Why, my darling stranger, you are lost.” “What do you ever mean?” the prince asked her in mere confusion. Wasn’t she the princess with unrivaled beauty stuck inside a tower with a dragon guarding her so she won’t be able to escape? “Don’t you need to escape from here? From that dragon? Aren’t you in danger?” “Those are my questions for you. Don’t you need to escape from here? You are in danger.” The princess gave him a smirk. With no hesitation asked, the prince tried to climb down the tower once again. Unfortunately, the dragon returned from his hunt. “My, my,” said the amused dragon. “We have a visitor, princess. And you didn’t even dare inform me.” “I would have if you were here earlier,” countered the princess. “Turns out I didn’t need to leave for my hunt.” “Truly, you shouldn’t have.” the princess agreed as she climbed to the dragon’s back. Together, they went to chase the prince away. 97


EDITOR’S SPECIAL CITATION

BUNSO

Madilim ang kapaligiran, Ang tanging ilaw lamang ay ang liwanag ng buwan. Pilit pinipigilang tumulo ang mga naipon na luha, Likidong mahapdi sa mata at masakit sa puso dahil sa katotohanan na masaya ka na sa iba Mga hikbing walang ibang kahulugan kundi ang sakit ng iyong pagkawala Mga matang kawawa at pusong dinurog mo at patuloy na nadudurog pa. Kadiliman na kung saan walang makakita ng aking sakit at kalungkutan. Gabing tahimik at payapa ngunit pusong punumpuno ng mga tanong at kasakitan. Naghihintay ng liwanag ng umaga mong dala Ngunit mga puso nga pala natin ay hindi na iisa. Bakit ganito, bakit ganyan pero ang bakit na gusto ko lamang na iyong masagot ay ang bakit mo ko iniwan? Iniwan mo’ko sa giyera na ikaw ang armas ko Iniwan mo’ko sa karagatan na ikaw ang bangka ko Iniwan mo’ko sa relasyon na ikaw at ako ang bumuo At higit sa lahat iniwan mo’ko sa kadiliman na ikaw ang nagsisilbing liwanag ko. Ngunit tulad mo kailangan ko nang magising sa bangungot na ito, Pero maghihintay pa rin ako ngunit hindi na sa’yo. Kung hindi sa pagdating ng bagong AKO Ako, na mas mamahalin muna ang sarili Ako, na mas masaya at buhay ang mga ngiti Ako, na hindi na ikaw ang pinipili Ako, na mas pipiliin harapin ang bagong hamon ng buhay Harapin nang mag-isa at magtatagumpay Sa pagdating ng bagong ako, Magkita pa rin sana tayo sa tabi ng dalampasigan at hintayin ang paglubog ng araw ng ating pag-iibigan At magkahiwalay na harapin ang bagong ma-iibigan sa paglabas ng buwan. 98


99

EUNOIA


INCOGNITO

Ayon sa mga sabi-sabi, Hindi nakakaramdam ang mga kalalakihan. Ngunit magugulat ka ba kung malaman mo na Kaming mga kalalakihan ay nasasaktan. Puso na sintigas ng bato Mga matang hindi lumuluha Napaghahalintulad ba naman sa mga robot Baka nakakalimutan nilang kami rin ay may puso. Sa tuwing magmamahal naman, Napagkakamalan ba namang barat sa usaping lambing. Ngunit ano nga bang basehan doon? Libong yakap ba ang kailangan upang mapatunayan ito? Manloloko raw kami Ano ito? Pak wan pak ol? Nagliwaliw lang ang isa sa’min, Sasabihan pati bata na magpapaiyak ng marami. Kami raw ay walang isang sabi Mga salita ay kayang gamitin upang mang-uto ulit Salita man namin ay mabulaklak Ngunit inaalay namin ito sa iisang tao lang. Sa isang mundong puno ng panghuhusga, Hindi namin alam kung saan lulugar. Bakit nga ba puro kalalakihan ang siyang bukang bibig ng karamihan? Hindi ba’t kahit sinong tayo ay may kakayahang magkamali at manloko? Tulad ng karamihan, Hindi rin namin alam kung saan lulugar Hindi na namin malaman kung ano ang dapat Kami ay humihingi ng tawad Nagmumukha man kaming makulit sa inyong paningin, Ngunit kaunting pag iintidi at pakikinig ang nais namin. Hindi man kami perpektong tao na inyong hinihiling o ninanais, Ngunit bukas ang isip namin sa pagkatuto. ‘Wag ipagkait sa’min ang pangalawang pagkakataon. Mga binibini, sana kami ay inyong maintindihan. Sa mundong sarado ang kaisipan, Nawa’y isaisip niyo na kami rin ay nasasaktan. 100


TULIPS

Hindi ako ang una. Hindi ako ang una niyang pinaglaban. Hindi niya sa akin unang naramdaman ang tunay na pagmamahal. Hindi niya sa akin unang naramdaman ang kalayaan dahil may nauna. Gayunpaman, ipinapangako ko na ako ang magiging huli. Ako ang huli mong ipaglalaban. Ako ang huli mong mamahalin at aalagaan. Ako ang huling magpaparamdam sa’yo ng pag-ibig na walang hanggan.

101


ERROR 606

i’ve long to see you please let me hear you calling my name the night breeze bear words that couldn't even reach you these silly love songs ring around but i can hear none of it if you're not here every night that comes, i'll search for you again

102


103

EUNOIA


DOLOR

Matagal tagal na rin tayong magkasama At masasabi kong kilala na kita. Nakwento mo na rin ang kwento ng nakaraan mo, Pero isa sa mga ito ang sadyang ‘di ko makalimutan. Ito ang kwento ninyong dalawa. Istorya ng inyong matamis na nakaraan. Mga panahon niyo na masaya at malaya. Mga bagay na tila kayo lang ang may alam. Halos lahat narinig ko na Kung paano kayo nagsimula at nagtapos. Ngunit kailan man, hindi ako nagalit sa inyo. Sapagkat noong wala ka pa sa bisig ko, siya ang prinsipe mo.

Habang nagtatagal may napapansin ako. Tila umuulit ang lahat na para bang isa itong siklo. Ang kwento natin at ang nakaraan ninyo, Isa ba itong romantiko o isang laro? Madalas sumagi sa isip ko kung tama ba Itong lanas na tinatahak ko Tila ako ‘yung pumalit sa karakter niya sa buhay mo At ako ang sumisira. Isa lamang ba akong panakip Sa butas na iniwan niya sa puso mo? Na kapag ang tadhana na ang nagpasyang kayo ay magkabalikan, Hindi ka magdadalawang isip na iwan ang lalaking nasa kasalukuyan.

104


Mapait at mahirap man itong lunukin, Pero tanggap ko na hindi mo siya kayang limutin. Ngunit sana maintindihan mo Na hindi ako siya. Mahal, nais kong ipaalala sa’yo na may sarili tayong kwento. Isang kwento na sa’tin lang umiikot. Hawakan mong mahigpit ang aking kamay At sabay nating harapin ang bagong kabanata. Patuloy lang nating buuin ang istorya nating dalawa Isang kwento na ipapasa natin sa ating magiging pamilya. Isang matamis na alaala Kung papaano tayo nagsimula at nangako sa harapan ng altar. Sa isang mundo na kung saan ikaw ang aking reyna. Sa ating mundo na tayong dalawa lang ang may alam.

ERROR 606

finally the darkness guzzled the light with a playful grin, i would close my eyes only then i shall see you once again

105


sa pag-akyat ng buwan sa kalangitan, panibagong umaga nanaman ang siyang ating aabangan. kumapit ka lang, aking manlalakbay. hanggang sa muli nating pagkikita106


Contributors ABELARDO JR. CORTEZ CARL DANRYLLE DEL FIN

CHRISTINE EVANGELISTA CHRISTINE TAYER CLAIRE GOMEZ DAPHNE NICOLE MEDINA ELEILA GONZALES

FRANCIS JASON MIRANDA JUSTINE MAIE DAVID LYKA MARIMLA MA. ANGELA CORDOVA MARIA ANGELICA TORRES MARK LESTER SAMSON MICHAELA NOREEN ELIZALDE MILKER GUTIERREZ PATRICK PAUL STA. CRUZ

RICK NICOLO SANTIAGO SHAINA GIL SUNGA

107


ANINAG LITERARY FOLIO MARSO 2020 THE REFLECTION 108


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.