VOLUME II ISSUE 1, THE IMAGE

Page 1

Scan to see What are the candidates’ take on high laboratory fees despite the implementation of online classes?

The Newsletter of The Reflection, The Official Student Publication of the School of Education Volume II Issue no. 1

April 2021

BY SHAINA GIL SUNGA Despite the lack of face-to-face interaction, The University Student Electoral Board pushed through its annual HAUlalan. The Reflection, the student publication of the School of Education, prompted to utilize their online platform in administering their EDUK ELECTIONS: The Special Election Month Coverage.

SINLAG PARTY ON HIATUS Bhea Andrea Eneria (left) and Francis Jason Miranda (right), both second year Social Studies major, vie for the Chairperson’s position of the School of Education’s College Student Council. Eneria, from the Kayabe Coalition, is currently a SEd senator under the University Student Council. On the other hand, from SinlagAParty, is on last EDUKMiranda, ELECTIONS ONthe ACTION: glimpse year’s SEd Miting De Avance the current Vice-Chairperson of the SEd-CSC. Photo captured by Daphne Nicole Medina

Photo by Daphne Nicole Medina

BY CHERISH CUNAN

On its 9th year, the SEd SINLAG Party takes its rest in the upcoming HAUlalan 2021. For the past years since the School of Education separated from the School of Arts and Sciences, the main competing parties for SEd student council were the Student empowerment enhancing students’ Initiatives through New programs and activities guided by Legislative actions of Accountable leaders toward Good governance (SINLAG), and Kanlungan at Yaman ng Bawat Estudyante (KAYABE). The SINLAG party did not run for the council for the Academic Year 2021 – 2022. According to Francis Jason Miranda, the President of ISINLAG Party, they actually planned for SINLAG since February, starting from the officers, following the initial candidates.

“Sa first stage nahirapan na kami dahil sa kakulangan ng man-power katulad ng mac team, sponsors, at iba pang kasama lalo sa SAS department,” said Miranda. The SINLAG Party was greatly challenged in finding potential candidates for the office especially when most of the students are focused with their academic and work-related matters. In their recruitment stage, Miranda admitted that the KAYABE-SEd preceded in enlisting the potential candidates they also wanted SINLAG Party to have. He also added, “Pinagisipan namin ng mabuti kung nararapat pa bang maglagay ng katapat kung nanini-

wala naman kami na kakayanin na ng mga napili sa kabilang partido ang paglilingkod para sa SEd. Kaya’t kinausap ko ang Party Representative nila at sinabi na nagtitiwala na kami sa kanilang napili at ni-refer ang mga kandidatong aming napili at isama sa kanilang line-up. Gaya ng sa aming pag-uusap ay… after all, it is all for SEd.” Finally, he also said that they are certain that this doesn’t signify the end for the SINLAG family; he reassured that they will be back ready for SEd and SAS for the coming years. SAS SINLAG also reported to be in hiatus as well. Aside from Kayabe Coalition, Tindig, a newly formed party, served as its contender on the elections.


E D I T O R YA L

KWAGO, KWAGO, PAANO KA BOBOTO “Psst! Kwago, Kwago, paano ka boboto?” Tanong ng isang estudyanteng haharap sa makabagong paraan ng paghalal. Papalapit nanamang muli ang HAULALAN, ang isa sa mga pinakainaabangang okasyon sa ating institusyon. At sa pagdating nito, hindi naman lingid sa inyong kaalaman ang paglisan natin sa mga bagay na ating nakasanayan, at pagtanggap sa mga pagbabagong hindi natin inaasahan. Ganiyan talaga ang buhay, maraming nagbabago – pati eleksyon ay nagbabago. Kung kaya’t sa pagsagawa natin ng makabagong botohan, tayo’y dapat sumabak sa isang hamon: Paano tayo boboto? Mananatili ba tayo sa kulungan ng nakaraan, o tayo ay titindig, at tatahakin ang landas ng katotohanan? Sa nalalapit na eleksyon, paniguradong parehas at iisa lang ang ating hiling – ang magkaroon ng mga lider na may paninindigan, lider na pinahahalagahan kung ano ang wasto at totoo, at lider na handa tayong ipaglaban sa kahit anong paraan. Pagod na tayo sa mga kandidatong mapagkunwari at mga at nang-iiwan sa ere. Sawang-sawa na rin tayong marinig ang kanilang mga pangakong paulit-ulit na napapako, at mga binibitawang mabububulak na salitang hindi naman pinangatawanan. Kung kaya’t sa darating na makabagong paraan ng eleksyon, oras na para tayo’y umaklas sa rehas ng ating nakaraan, at mamili ng mga lider na karapat-dapat sa ating unibersidad. Dulot ng pandemya, naging online ang paraan ng pangangampanya ng mga kandidato, at ang pagpili ng mga estudyante kung sino ang dapat i-boto. Gayunpaman, hindi ito oras para tayo’y magpaligoy-ligoy. Hindi naman ibig sabihin na online ay hindi niyo na

seseryosohin ang pagboto. Kung kaya mong seyosohin ang taong hindi naman sigurado sa’yo, panigurado akong mas kaya mong seryosohin ang pagpili ng mga counsilors at senators.

karapat-dapat sa unibersidad – ‘yaong sasamahan kang tumindig kapag kailangan mo ng boses at makakasama mong tawirin nang matiwasay ang susunod na akademikong taon.

Tandaan, sa ating mga kamay nakasalalay ang kinabukasang nais nating makita at maipatupad sa ating unibersidad, kaya marapat pa ring kilalanin, suriin, at kilatisin ang mga kanditatong tatakbo sa nalalapit na eleksyon.

Dala ng mga pagbabago ngayong taon, naging limitado ang lawak ng impormasyon na maaring malaman ng mga botante tungkol sa mga ihahalal, idagdag pa na hindi natin personal na nakikita at nakakasama ang mga kanditatong humahabol. Kung kaya’t ang unang kailangan natin ay isang mapanuring mata at tapat na konsensiya upang responsableng piliin ang wastong pangalan sa listahan. Mainam na tayo’y makialam sa kanilang plano at plataporma, at kung sila ba’y may tunay na kaalaman sa tamang proseso ng pamumuno. At isa sa magandang pagbasehan ay ang track record ng kandidato. Sa pamamagitan nito, makikita na mayroon siyang kakayahan na makagawa ng mga bagay na makakabuti at makakapag-unlad sa unibersidad at kalagayan ng mga mag-aaral. Huwag kang maging bulag, kahit walang nagbibilang kung ilang beses ka nang nagkamali sa pagpili ng kapareha, parang awa mo na’t ‘wag kang maduduling sa oras ng pagboto.

Dibuho ni Camille Joyce Cabrera ‘Wag ding nating kalimutan na ang pagboto ay isa sa ating mga responsibilidad, at ang pagiging maalam patungkol sa kakayahan at natamasa ng mga tatakbong estudyanteng-lider ay isa sa mga bagay na dapat nating isaalangalang. ‘Wag ka na mamili ng taong mamahalin, mamili ka nalang ng taong

Huwag ding magpadalos-dalos sa ating desisyon, ‘wag na nating idagdag pa ang eleksyon sa mga bagay na pagsisisihan natin sa mga darating na panahon. Paalala, hindi ito usapang pagibig, hindi usapang pang-barkada o usapang laro-laro lamang, kundi isang makabuluhang diskusyong magtatalaga ng ating kalagayan ng unibersidad.Kaya mahalaga ngayong taon na ito ang pagiingat sa mga taong iluluklok sa puwesto. Ito ang tamang panahon upang ikaw ay maging choosy!


Huwag ding magpadalosdalos sa ating desisyon, ‘wag na nating idagdag pa ang eleksyon sa mga bagay na pagsisisihan natin sa mga darating na panahon. Paalala, hindi ito usapang pag-ibig, hindi usapang pang-barkada o usapang laro-laro lamang, kundi isang makabuluhang diskusyong magtatalaga ng ating kalagayan sa unibersidad.

Upang magkaroon ng maunlad at maayos na daloy ng botohan, importante din ang pagiging tapat. Marami ang hindi nag-iingat sa pagpili ng kanilang iboboto, marami din ang nahikayat lamang ng kaibigan, kakilala, o kamag-aral na iboto sila. Karaniwan lang naman ang ganitong sitwasyon sapagkat lahat tayo ay may karapatang pumili ng gustong kandidato, ngunit itigil na natin ang paulit-ulit na siklong ito – hindi ito palabas na puwede mong panoorin nang ilang beses, sapagkat ang padalos-dalos na pagboto ay mayroong katumbas na kahihinatnan. Kaya kung ang hahabol ay isang kaibigan, o isang taong malapit sa atin, tayo’y maging totoo at isaalang-alang natin kung siya nga ba ay karapat-dapat sa posisyon, at may kakayahang maging tunay na isang lider. Huwag nating paigtingin ang nararamdaman at bumoto base sa iyong relasyon at nabuong samahan, sapagkat hindi natin ito ginagawa para lamang sa kanila, kundi para sa buong deparmento. Mahusay din na maging handa. Dapat nating tignang mabuti ang mga pinipindot at pinapasukang websites kapag bumoboto na. Mainam din na suriin natin

nang paulit-ulit ang forms bago ipasa upang maka-iwas sa problema, at makasiguro na mabibilang ang botong nilagay sa mga kanditatong ating pinili. Maging handa at maging tapat, iwasan na dapat natin ang magkamali sapagkat sapat na ang mga payasong nakaluklok sa labas ng ating institusyon. Ang pagiging isang estudyanteng-lider ay isang misyon, at hindi paraan ng pagpapakapal ng portfolio – kung kaya’t ang mahalagang paalala ngayong araw na ito ay ang pagiging maingat sa pagpili ng mga taong iboboto. Mahalagang basehan nang pagpili ang dignidad ng kanditato. Suriing mabuti kung ang kandidatong binoboto ay hindi sangkot sa anumang anomalya, pandaraya at iba pang masamang gawain. Ito’y napakahalaga dahil ang pagsisilbi sa ating unibersidad ay nangangailangan nang malinis na pagkatao. Pagod na tayo sa mga kandidatong sa una ay magmumukhang maamong tupa, ngunit kapag nagtagal at nailuklok na ay bigla nalang nawawala. Kaya’t nasa ating mga kamay ang kapalaran – huwag sayangin ang boto, at piliin ang swak na kandidato. Tandaan din na ang bawat boto ay mahalaga kahit pa ito’y online, ‘pagkat katumbas nito ang pagkakaroon natin ng maayos na pamunuan at pamamalakad sa ating institusyon. “Mapanuri, Mapangmatyag at Mapang-ahas!” Ito ang sikat na tagline mula sa edukasyonal na programang Matanglawin, at ito rin ang kasagutan sa katanungan, “Kwago, Kwago, Paano ka boboto?”. Muli, bumoto nang naaayon sa motibo at hindi sa koneksyon. Italaga ang mga karapat-dapat at hindi base sa mga pubmats. Dapat tayong maging matanglawin sa araw ng eleksyon sapagkat dito natin malalaman kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa ating institusyon.

May tanong para sa mga estudyantenglider? Ipadala ito sa Google Forms ng Reple!


BEYOND EXPECTATIONS: Last year, The Reflection’s Eduk Elections, was one of the most anticipated MDA in HAU. Photo captured by Daphne Nicole Medina


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.