agápē
A
N
G
P
A
G
L
A
L
A
K
B
A
Y
αγάπη maaring isalin sa: masisasalin Pagmamahal: Pinakamataas na uri ng pagmamahal, lalo na ang pag-ibig sa kapwa tao; ang pagmamahal ng Diyos sa tao at ng tao sa Diyos.
Mateo 7:21 Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
αγάπη agápē
A
ng lahat ng nilalaman ng folio na ito ay mga orihinal na likha ng mga manunulat, litratista at dibuhista. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang sulat na pahintulot mula sa mga may akda. Kasapi: College Editor’s Guild of the Philippines Email: bato.spctherock@gmail.com
BATO, ang opisyal na kalipunan ng mga akdang pampanitikan ng The Rock, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng San Pedro College.
Kabuaang disenyo ng pabalat ni Mynard Pontillo Punong-tagapangasiwa: Lois Saye Camaganacan at Alexa Marie Paden
© 2016
Inilimbag ng 4BC Innovative Ideas, Daang Ponciano Reyes, Davao City.
Litrato ng pabalat mula sa: rakhunov.poezia.us/influentialpicture.jpg
Reserbado ang lahat ng karapatan.
patn u g u tan MYNARD PONTILLO | Punong Patnugot ALFONSO SEBASTIAN ALBA | Kawaksing Patnugot JENNICEL JANE ACOSTA, SHANIA WINONA TRACEY CANDA, HANZELLE CLARISSE DELA CRUZ, NICOLE KATE DAYRIT, ERIC CHRISTIAN FABIAN, IRENE GRACE JALANDONI, ROSELLE MARIE MADUAY, VICENTE MADUAY III, FRANCINE NAHUM MANGUIAT, JOMARIE QUEN OBENZA, ALEXA MARIE PADEN, JUDY ANDREA PALADO, NICO ANGELO SOLON, JOVILYN UGDANG, JERITZ GEORGE ORBIGO, DAVID UY III | Mga Manunulat LOIS SAYE CAMAGANACAN, JEWEL DAVIS KIANG, JOSEPH ROMUALD MADUAY, MARK HENRYLL OMAGUING, CLYDE VINCENT PACATANG, THEA BIANCA ELLAINE PANGOLIBAY, MARY GRACE PASCUA, JACKIE LYANNE MAE PINILI, KYLE IMEE SILUD | Mga Dibuhista JEZZA MAE BARRERA, THERESA ANN DESEO, PAOLA JANE ENRIQUEZ, MARK MIGUEL LATRAS, PAULINE MAE LISONDATO, DOROTHY JOI PIMENTEL, FREAH QUITORIO, ZAPPHIRA SAMBAS, IRICK ANGELO VENUS | Mga Litratista JANLEY JUDE ANO, NICO CARLO BALINTAG, RAPHA ANGELINE CATANGUI, MARIA SOPHIA GALIDO, VON JANREY RETA, ALRIZ MARK TAN | Mga Taga-Disenyo KATHLEEN CLAIRE SUNIO | Kontribyutor VIVIEN GRACE JUBAHIB, PhD | Tagapayong Teknikal
Liham Mula sa Punong Patnugot
A
ng buhay, kagaya ng pag-ibig, ay isang paglalakbay. Isa itong byaheng patungo sa tunay na hantungan at layunin ng tao—ang maging masaya.
Sa bawat yugto ng paglalakbay, sari-saring tagpo ang ating nasisilayan. Maaring marahas, malungkot, nakakabagot, nakakagalit o kaya’y puno ng kaligayahan. Hinulma mula sa akdang gawa ni Dante Alighieri, nakapaloob sa Obrang ito ang mga eksenang ating natatanaw sa ating paglalakbay sa kasalukuyang lipunan; mga tagpong nagbibigay sa atin ng kahulugan ng pag-ibig at buhay. Tuklasin ang mga tagpo at eksenang magtuturo sa atin ng wastong direksyon. Maging matapang, matapat at higit sa lahat, maging mapagmahal. Dahil ang tunay na kahulugan ng buhay ay wala sa destinasyon kundi sa paglalakbay.
Mynard Pontillo
impyerno Siya ay si Dante. Isang mag-aaral nagsasawa sa buhay. Nagtangka siyang magpakamatay. Uminom ng lason. Ngunit siya’y nawalan lamang ng malay. Ginising siya ni Virhil, isang makatang yumao noon pa. Sabi niya, “Halika na, ipapakita ko sa’yo ano ang totoong kahuluguhan ng kamatayan.” “Ipapakita ko sa’yo paano nagdudusa ang mga makasalanang hindi humingi ng tawad, ipapakita ko sa’yo paano nagsisisi ang mga may sala.”
“Samahan mo ako sa impyerno.”
impyerno
ang pagkakasala
8 | agape
Joseph Maduay
P a g d u d u d a Nila Alfonso Sebastian Alba at Nico Angelo Solon
unang cirkulo
Pagdududa ang nakasanayan ko sa buhay na ito Ito’y kumakain sa isipan at katinuan kong litong lito At sa pagmuni-muni aking natagpuan Na ang buhay ay purgatoryo ng aking katinuan. Noong minsa’y nakita ko ang isang liwanag sa dilim. Isang lusot upang makawala sa nakakatakot na lagim Ngunit ako’y nahulog sa bihag at patibong Na sanhi ng patalim ng mga isipan kong umuusbong Ako’y di tatagal, malamang ako’y mawawala Nakabaon sa kabaong ng isip ko’y puno ng lagim at pagdududa At para sa lahat ng mga bagay na sa salita’y di ko magawa Itatago ko na lang dito sa aking munting tula.
bato dos mil sais
| 9
10 | agape
Alipin sa Emosyon
pagananasa
Anonymous
Ako ay isang kanibal na tumatakam sa lasap ng balat ng tao Isang lasang aking inaasam asam kapalit ng aking luho Ang pakiramdam ng aling dilang gumagalaw sa karimtan At ang pag sayaw pag-init sa kumot ng kadiliman. Ako ay isang halimaw, gutom na gutom sa lasa ng kayumanggi Hilaw, malinamnam at nakakatakam na mahirap itanggi Isang adiksyong mahirap tanggalin at kumakalat Na kasing misteryosong at malalim ng isang malawak na dagat May mga taong takam na takam sa pagkain o sa ibang bagay Ngunit ang pag-iisip ko ay naka kapit sa bisyong di mapalagay Ngunit para ako ay makawala sa malagim na lupon Kailangan kong sirain ang napakatagal kong adiksyon
pa n g a l a w a n g c i r k u l o
Freah Quitorio
bato dos mil sais
| 11
pagpapabusog
12 | agape
Theresa Deseo
Ni Vicente Maduay III
Ito ay isang maikling kuwentong patula Ng isang batang matakaw na matakaw Sa pagkain mismo hindi siya makokontento Tila kain siya nang kain hanggang sa natapos na lang ang araw. O kay sarap pa kumain ng kumain sa pista Tila mabubusog na ako sa kakakain, mga pagkain hindi na malista. Mga putaheng tulad ng adobo, pansit malabon at lechon Samahan pa natin iyan ng kanin, ispagetting minatamis at hamon. Sa tuwina lalapit ako sa mesa Kuha pa rin ng kuha kahit puno na Ang tiyan ko ay tila sasabog Sa dami ng kinain ko, kulang na lang ay mabusog.
Kailan kaya ako matatapos Sa paglasap ng mga pagkaing nasa mesa? Sabi kasi ng lola ko ay sa pagkain huwag maging kapos Kaya kukuha pa ako ng putahe, salihan pa natin ng delicadesa. Habang papalapit na mabusog, tila uminit ang aking dibdib. Sa huling segundo ay natapos na rin ang pagkain, nakatulog pa din. Ngunit, huli ko na nabatid Na sa ospital na pala ako pupulutin.
bato dos mil sais
| 13
pa n g a t l o n g c i r k u l o
G L U T ONIYA
Nguya ng nguya ang aking bibig Habang tanaw na tanaw ang bulubunduking pagkain na nasa pinggan. Mismo ang tamis at sarap ng pagkaing kinain ang nagpapaibig Nagpapatibok sa pusong lulong sa pagkain, sana ay makinggan.
14 | agape
PANAGHOY NG ISANG GAHAMAN
pagnanais
Ni Vicente Maduay III
Sobra-sobra na kahit kumpleto Ngunit gusto mo pa rin Kahit anong gawin Di pa makukuntento. Kailan pa kaya ako mabubuo Sabi sa sariling tila di mabilang ang gusto Ano kaya ang magpupuno Sa madilim at malalim na balon sa aking puso? O, tukso, sana ay huwag mo akong ipahamak Sa mundong puno ng materyalismo at pagkasakim Sana makawala sa mga rehas ng kailanman Sa bilangguan ng isang gahaman.
i k a - apa t n a c i r k u l o
Jackie Pinili
bato dos mil sais
| 15
pagkagalit
16 | agape
Freah Quitorio
Ni Shania Winona Tracey Canda
Careful chains you bind I dare not escape And though I had my fire I still could not see For I was trapped in a room Where light can never Find me. Are you going to behave? You ask of me I will be okay Said my sly lips Tricking men that I am the passion For which they do Glorious things They will not hear Their enemies’ screams Wielding me as the
Ako ang galit, ang iyong pag-iinit Na iginapos mong mahigpit at kahit ako’y may sariling silab nanatiling pa ring bulag sa isang sulok na kalianman ay hindi mahahanap Ng mga sinag ng liwanag. “ Huwag kang liligaw” babala mo sa akin “Maamo naman ako” sabi ng aking mga labing luminlang sa sangkatauhan na isipin ako ang katwiran upang gagawa sila ng lahat ng kasamaan Hinding-hindi nila maririnig ang sigaw ng mga kaaway dahil ako ang sandatang
All they will have Is my fire And the place they Need to reach Burning everything down Until the world Is ashes At my feet And when I had my fill I will go back To the cell I called home Because i will never See what I have done In that room Where no light Can judge me. And I will wait Until you release me Again.
nagbibigay ng hustisyang sila lamang ang nakakaalam Tanging kailangan lamang ay ang aking naliliyab na apoy at ang mga lugar na kailangan nilang marating matutupok ang lahat hanggang ang buong mundo ay magiging abo sa aking mga paa Kapag busog na ako ay babalik doon sa sulok kung saan mo ako kinulong dahil kailanman ay hindi ko makikita ang aking mga ginawa sa aking munting sulok kung saan walang liwanag Ang makakahugsa At ako ay hihintay Hanggang palalayain mo ako Muli
bato dos mil sais
| 17
i k a - l i ma n g c i r k u l o
Anger Ang Pagsiklab
Sword of the kind Of justice they seem fit
18 | agape
Bilangguan ng Mananampalataya
pagpaslang
Ni Jovilyn Ugdang
Siya ang katotohanan, na nagdidikta sa sangkatauhan; Subalit nanaig ang kadiliman, sa mga dila nakaukit purong kasinungalingan. Siya ang daan na gagabay sa mundong ibabaw, ngunit sa mga puso’y patay sindi ang ilaw; Pilit lumaya at lumiko, mula sa relihiyong pumapako. Siya ang liwanag ng mga naniniwala, ngunit mas pinili ang init ng baga; Taliwas sa matatamis na panghihikayat, isang bilangguan na sa milyun milyong preso ay hindi sapat.
ika-anim na cirkulo
Mark Omaguing
bato dos mil sais
| 19
pagmamalupit
20 | agape
Kyle Silud
Halik ng Pasakit ika-pitong cirkulo
Ni Jovilyn Ugdang
Matulin na hampas ng dos por dos ni itay, paulit ulit na sampal ni inay; Luha at dugo ay sabay pumapatak, sa ritmo ng kabaong hinahatak. Ngiti sa labi ay biglang naglaho, mundo ay unti unting gumuho; Sa apat na sulok nagtatago, ang bakas ng dugo ng mukhang inararo. Pangarap na kalayaa’y binalot, ng kadiliman at takot; Tahanang dapat ay kanlungan, kadena’y sinamba at naging kulungan. Mapapait na halik ng pasakit, sa pagtulog ay kinakalimutan ang hapdi; Handa na si itay sa bagong umaga, hawak ang dos por dos sa kamay niya.
bato dos mil sais
| 21
22 | agape
Kanser sa Lipunan
pangloloko
Ni Roselle Marie Maduay
Kabila-kabila ang pandaraya, kung kaya’t di alam paano nagsimula. Marahil sa ama’t ina ng tahanan, Ang pinaghirapang kita nila’y pinagkupitan. O ‘di kaya’y sa paaralan kasama ang mga kaklase, mga mata’t bibig, kung gumalaw, aba’t kay liksi. Sa palengke’t kung saan ang musika at pelikula, sa pamimirata, kagandaha’y nababalewala At tulad nang kanser na kay lubha-lubha, walang magawa’t, nilamon ang buong bansa. Mga salita’t pangakong binitawan, kahalagaha’y tila binura na ng kasinungalingan. Wala nang ibang pagsisisihan, kundi tayo--ating sarili lamang. Kasabay nang pag lisan ng mga taon, panloloko’y tinuring laro ng lipunan ngayon. Sa kadahilanang ginagawa ito ng lahat, Basta’t hindi mahuhuli, walang saysay ang pagiging tapat.
ika-walong cirkulo
Mark Latras
bato dos mil sais
| 23
pagtataksil
24 | agape
Mark Omaguing
P a n l i l i l o i k a - s i y am n a c i r k u l o
Ni Roselle Marie Maduay
Minsan nang pinagkait ng aruga at pansin, kaya’t sa ibang tao nabaling ang tingin. Bagkus mga pamilya’y nagkawatak-watak, dahil sa pagkauhaw sa tuksong patuloy ang patak.
Yaong iba naman ay sa mga desisyon nagkakamali, yan tuloy, pagkakaibiga’y nasasawi. Ang mga taksil at pinagtaksilan ay pare-pareho lang, sa pinaghahantungan, tayo-tayo’y talunan.
Tayo’y tao lamang at nagkakamali, pero hindi nararapat na ito’y pinapanatili. Panlililo, pagtataksil o panloloko’y hindi kawili-wili, lalong-lalo na kung ikaw ang nasa dulo ng tali.
bato dos mil sais
| 25
Purgatoryo Tiniis ni Dante ang apoy ng Impiyerno. Tiniis niya ang mga kaluluwang nag-aalab, ang mga kaluluwang hindi maliligtas. “Oras na para lumakbay tayo patungo sa isang bundok na walang kupas ang paghihintay. Doon mo malalaman ang bigat ng pagpapatawad.” Kinaladkad ni Virhil si Dante palayo, patungo sa Purgatoryo.
Purgatoryo
ekskomulgado
26 | agape
Paola Enriquez
N a k a p i r i n g Ni Eric Christian Fabian
p u r g at o r y o
Unawain mo Galing sa Kanya Ang kabuuan mo Tinuro sa iyo Datapwat nawala ka Ang landas iniwasan Ang gusto sinundan Ngayon ay nawawala Ikaw ngayo’y nangangapa, Lakbay mata’y nakasara Ako ba ay pabalik na sa ilaw? Walang makakasagot kundi ikaw.
bato dos mil sais
| 27
28 | agape
N a
H u l i
Nagsisisi
Ni Eric Christian Fabian
Habang may oras pa, Ugaliin na, Lisanin ang kasamaan, Iyon ang kinabukasan. Nangyari na kay Hudas , Ayun huli na.
P u r g at o r y o
Alriz Tan
bato dos mil sais
| 29
kayabangan
30 | agape
Lois Camaganacan
T i t u l o M
agandang araw. Bago ako magsimula, ipapaalam kong ako ay pwedeng maging kahit sino. Maaaring ako ay kakilala mo, at maaaring tayo ay iisa lang.
Noon, ako ay napakasimple lang. Isang “karaniwang tao,” ‘ika nila. Ngunit tinalikuran ko na ang aking nakaraan, sapagka’t sa kasalukuyan ay marami nang humahanga sa’kin. Noon, taos-puso akong bumabati sa mga kaibigan ko; ngayon, tumatango na lamang ako. Noon, lubos kong pinasasalamatan ang mga nagbibigay ng pabor sa’kin; ngayon, di ko na pinapansin dahil ‘dapat lang.’ Noon, tinatanggap ko ang kritika ng iba; ngayon—naku, bakit pa? Palibhasa mas may nalalaman ako kung ikukumpara sa kanila. Noon, iniintindi ko ang anumang uri ng pangungutya; ngayon, tinatanggap kong ito ay reaksyon lamang ng mga taong inggit na inggit sa akin.
halaga. Para sa akin ang higit ako sa iba; sa katalinuhan, kayamanan at kagandahan, kung kaya’t ‘di ko pinapansin ang mga taong hindi akma sa aking pamantayan. Marami ang nagsasabing nagbago na ako. Sa palagay ko, ito ay dahil bigo sila na maabot ang uri ng aking pagkatao. Gayon pa man, hindi ako nababahala, sapagka’t maraming tao ang gustong kabiganin ako. Nariyan sila sa tabi ko upang makihati sa aking kinang. Mataas man ang tingin ko sa aking sarili at tawagin man nila akong arogante, para sa akin ay nararapat lamang ito. Sino ba sila upang humusga sa aking pagkatao?
Hindi ba?
Nagsimula ito nang napansin kong marami nang pumupuri sa’kin. Napagtanto ko ang aking tunay na
bato dos mil sais
| 31
unang terrasa
Ni Irene Grace Jalandoni
32 | agape
Pagkukuro ng Isang Mainggitin Ni Irene Grace Jalandoni
kainggitan
I
sang araw na naman ang lumipas. Isang araw ko na namang nasilayan ang pagiging perpekto niya sa mata ng iba. Labag man sa kalooban ko, parati akong nasa tabi niya. Hindi man tapat ang aking pakikitungo, itinuturing niya akong matalik na kaibigan. Sa katotohana’y kung ‘di dahil sa tensyong natitipon niya mula sa karamihan, matagal ko na siyang nilayuan. Noo’y napakasimple ng aming pagsasama—ni banidad o panghalina ay wala sa aming bokabulayo. Ngunit dahil sa pagsibol niya sa paglipas ng panahon, tila anino na lamang ako sa likod ng kanyang liwanag. Bagama’t ito ay natitiis ko araw-araw, ako’y nagsasawa na. ‘Di ko na hahayaang lumipas pa ang ilang taon, buwan—linggo! ‘Di bale na’t traydor ako sa mata ng Diyos. Sisiraan ko siya gamit ang mga nalalaman ko tungkol sa kanyang pagkatao. Ibubulong ko lahat ng kahinaan at baho niya sa aming mga kaibigan, lalo na sa mga kalalakihang humahanga sa kanya. Darating lamang ang paglabo ng kanyang kinang sa panahon ng pagmamay-ari ko nito. Ipagpatawad niyo ang aking kawalang-galang. ‘Di ko nga pala naipakilala ang aking sarili.
Wala akong pangalan. Ako’y pwedeng maging sinuman—sinumang punong-puno ng pananaghili sa kanyang kapwa na sa pananaw niya ay nakahihigit sa kanya. Ako yung tipong gumagawa ng tsismis na nakasisira sa iba na siyang patuka ng aking kaakuhan. Sa paghahanap sa’kin ay ‘di ka mahihirapan. Maaaring ako ay katabi, kaklase, katrabaho mo—o isang matalik na kaibigan.
ikalawang terrasa
Dorothy Pimentel
bato dos mil sais
| 33
karahasan
34 | agape
Mary Pascua
D e l i k a d o n g K ata h i m i k a n i k at lo n g T e r r a s a
Ni Francine Nahum Manguiat
Tandaan mo Ang tao ay isang maamong halimaw Ni hindi mo matatanto Galit. Poot. Iyan ang imahe natin Nakatago, nakabaon At darating ang araw na di mo na ito mapipigilan sa kanyang pagusbong
bato dos mil sais
| 35
36 | agape
S MAR T P H ONE Ni Francine Nahum Manguiat
katamaran
S
i Katty Agwanta or mas kilala bilang KatKat sa kanyang mga kaklase ay isang estudyante ng isang napakahirap na kurso. Maganda naman din siya, masipag sa kanyang pag aaral ngunit... *Click. Click* Nagulat si Maria ng makita niyang pini-picturan ni KatKat ang isang pahina ng kanyang kwaderno. Ang kanyang takdang aralin pala na iyon. Ang takdang aralin sa kanilang napakahirap na subject na hindi niya tinulugan. Ang takdang aralin na maaring makapag pataas ng kanyang grado at ng mapanatili ang kanyang scholarship. Tuwang tuwa si KatKat dahil meron na din siyang takdang aralin. Pagagandahin ko na lang ang aking sulat kamay para malaking marka ang makukuha ko kay Sir. Sinumpang Kamera Swerte at libangan ang dala ng smartphone mo Isang *click*at mapapansin ka ng buong mundo Isang *click* at maaring tataas ang iyong mga grado *Click. Click. Click* Mahal kong mambabasa, mag ingat sa mapalinlang na tunog Ng diablong si Belphegor Isang semester nanaman ang nakalipas. Si Maria ay nanatiling Dean’s Lister at napanatili niya ang kanyang scholarship. Samantalang si Katty naman ay huminto. Sa kasamaang palad, nalugi ang negosyo ng kanyang pamilya. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho. Ang smartphone? Hindi na rin alam ni Katty kung saan ito napunta...
i k a - apa t n a t e r r a s a
Jezza Barrera
bato dos mil sais
| 37
kasakiman
38 | agape
Clyde Pacatang
G a h a m a n Mga ilang oras na rin na ako'y nakaupo Mga kamay't tuhod ko'y namimilipit, Mga mata ko'y nakapikit, Isip ko ngayo'y tila'y gulong-gulo Sakim! Isip ko'y tila nagwawala Ganid! Madamot! Mga salitang ito'y nagsigawan Tila di pa nakuntento Kabaliwang ito'y di pa huminto Mukha ng isang babae sa aking isip ay lumitaw
i k a - l i ma n g t e r r a s a
Ni Jomarie Quen Obenza
Mga mata ko'y nagsiliparan ng aking nakilala ang mukhang aking natanaw Janet-Lim Napoles? Ako'y napaisip sa aking nakita Bigla akong napatawa nang aking naalala Ako pala ngayo'y nagsusulat;
Sana rito sa aking sinulat Sa inyo ay maayos kong nailapat Ang tunay na kahulugan ng salitang GAHAMAN
bato dos mil sais
| 39
40 | agape
K A T A K A W AN
Katakawan
Ni Jomarie Quen Obenza
Sa hirap ng tulang aking ginagawa Sa tagal pag isipan, tiyan ko’y nagwala Agad naisip puntahan ang kusina Namungkal para sa gutom na sikmura Ako’y napapikit at may naalala Si pinsan Tony pala’y may dala-dala Isang kahong biko, na napakasarap Paborito pagkain, sa tuwina’y hanap Pag silip sa ref ay ‘di magkandatuto Sa ‘king nakita ako’y biglang nalito Pagkat may tira pang masarap na biko Ito’y bigay rin ng pamangkin kong gwapo Paboritong binibili sa probinsya Tawag nila dito’y sinukmani baga
Masarap kainin, kape ang kapareha Kahit almusal, pati na sa meryenda May nakita pa akong tapang espesyal Binili ko iyon sa bayan ng Taal Tapang masarap para sa ‘ming almusal Lalantakan, kahit oras ng mirindal Ako talaga’y nakaramdam ng gutom At natalo ko pa, ang hilong talilong Sa dami ng nakain, t’yan ko’y umusbong Di alintana kung tumaas ang presyon Dahil sa sandamukal, na nilantakan Pusod ko’y umusli at ‘di na nakagalaw Ito ang napala sa ‘king katakawan Sa pag gawa ng tula, ‘di nakahataw
ika-anim na terrasa
Mar Galido
bato dos mil sais
| 41
kalibugan
42 | agape
Bianca Pangolibay
Panibugho ng Pusong Alipin ika-pitong terrasa
Ni Aliping Saguiguilid
Bukas na palad, tikom ang bibig Inalipusta ng ‘yong pag-ibig Tuyong rosas, basang sisiw Iginapos sa ‘yong pag-aaliw Pag-aarugang aking binigay Karahasan ang tanging binalik Ngunit pusong pagod nang maghintay Puno ng galit, wala nang sabik Ang apoy ng panggagalaiti Sa lamig ay tiyak na maririndi Sa iyong ngiti ako’y nadali Sa ‘yong mata’y tiwala’y nabali Bukas na palad, tikom ang bibig Hanggang kailan ba sa iyong bisig? Tuyong rosas, basang sisiw Hanggang ika’y maging akin, giliw.
bato dos mil sais
| 43
paradiso “Ngayon na nakita mo na ang pansamantalang pagdudusa sa Purgatorio at walang-hanggang parusa sa Impyerno, masdan mo nang mabuti, ‘di ka magtatagal rito. Tapos na ang paglalakbay mo sa lugar ng makasalanan.” Ito ang winika ni Virhil bago siya naglaho. Matagal naghintay si Dante sa tuktok ng bundok Purgatoryo nang siya ay biglaang napuwing. “Mahal, O Mahal. Sundan mo ang boses ko. Sundan mo ako sa paradiso.” Beatriz. Susundan kita sa dulo ng mundo, sa dulo ng kamatayan. Sa wakas, tayo ay magsasama ulit.
paradiso
katapatang ‘di maasahan
46 | agape
Angelo Venus
A K ING
Ni Judy Andrea Palado
Sa bawat umagang paggising ko’y ika’y nasisilayan Ang tuwa sa puso ko’y walang mapaglagyan Pagkat ang tanging sigaw nito’y ikaw – ikaw lamang; Pag-ibig na ito’y siguradong walang hahadlang. Sampung taon na simula nung binigkas ang mga pangako Sa harap ng altar, ikaw pa’y naluluha, sabi mo walang magbabago Humikbi ako ng lubos; tuwang-tuwa, sabik na sabik ika’y makapiling Nagpasalamat ako sa Panginoon pagkat natupad na ang tangi kong hiling.
MA H A L
At ikaw, unti-unti kang naghanap ng halina sa iba Dahil gabi-gabi kong nasasaksihan ang kataksilan mo sa aking mga mata.
u n a n g a n ta s
ANG
Hindi ko matanggap, kalianman hindi ko tatanggapin ito; Pagkat araw-araw kang umuuwi ng lasing at tuliro, Ako’y humihikbi pagkat pangalan ng iba ang bukambibig Malamang nga na hindi ako sapat, kahit ano pang aking pilit.
Saksi ang lahat sa kasiyahan ng buong okasyon; Ani pa nila’y walang makatitibag sa ating relasyon Na kahit na si Miss Universe pa, hinding hindi ka mahahalina At sinabi mo na ako lang, ang simpleng ako, ay sapat na.
Sinubukan kong lumayo, maging malaya at lumisan Pero hindi ko nga kaya; pagkat ang puso’y ikaw pa rin ang laman; Kaya’t sa lilim ng aking pagmamahal, kaya kong magtiis; kaya kong maghintay. Na muli mong mabatid sa puso mo na ako pa rin iyong mahal.
Ngunit tila mapaglaro ang tadhana Sa dami ng tao sa mundo, sa atin pa; ikaw pa talaga Tila naging bula ang lahat ng pangako Tila naging isang bangungot ang pinahahalagahan kong ‘tayo.’
Sa bawat umagang paggising ko’y ika’y nasisilayan Ang tuwa sa puso ko’y walang mapaglagyan At kahit ano man ang mangyari ay ikaw lamang; At ipipilit ko, kahit mahirap at masakit, na sa atin ay walang hahadlang.
Nagsimula ito sapagkat hindi kita mabigyan ng supling Lahat ng Poon ay aking nadasalan; ang aking huling hiling
bato dos mil sais
| 47
paglilingkod na naantala ng ambisyon
48 | agape
L IN L ANG Ni Judy Andrea Palado
Bawat tulong na binabahagi; Sa tuwing may solusyong sinasabi, Tila may kamay na nakaabang Nag-aabang ng gantimpala. Ang lahat ng pinakita ay puno ng paglilinlang Pagkat ang puso’y may inaasam-asam. Lingid sa kaalaman ng marami, Isang di kaaya ayang balak. Marahil ay dahil sa kasakiman O di kaya’y para sa kasikatan; Ngunit kahit anong dahila’y hindi matatanggap Pagkat ang mga ito’y pawang huwad.
i k a l a w a n g a n ta s
Mar Galido
bato dos mil sais
| 49
pagmamahal na nabulag ng pagnanasa 50 | agape
Bianca Pangolibay
Ni Mynard Pontillo
ng pangalan koy Alejandro. Tubong San Miguel ako—yung may kabundukan sa gitna ng Surigao del Sur. Hindi ganun kasikat ang probinsya namin kaya A hindi na ako magtataka kung di mo alam kung saan yun. Doon ako nag-aral hanggang hayskul tapos nang pinalad si Manang Len-Len na makapagabroad eh dito nya ako pinagkolehiyo sa Davao.
Siya naman si Bianca. Artistahin, maputi, mukhang prinsesa. Yung tipong hindi mo pagsasawaang tingnan kahit butas ng ilong. Una kaming nagkita sa entrance exam sa pinasukan naming kolehiyo. Hindi ako makapag-focus kasi magkatabi kami kaya kung anong unang pumasok sa utak ko, yun na yung isasagot ko. Medyo madali lang naman ang exam kasi logic lang. Di ko na pinag-isipan yung mga Food is to eat as ______ is to drink. Syempre beer ang sagot dun. Talaga namang walang makakapigil sa tadhana at naging magkaklase kami. Kahit naman siguro umabsent ako nung namigay si God ng kagwapuhan eh si tadhana na ang nagdikta kaya first meeting pa lang sinunggaban ko na. Umupo ako sa tabi nya, nagpakilala at nagkwento ng lahat ng ano mang maisip ko, mula buhay sa probinsya hanggang digestive system ng langgam. Ilang buwan din akong nakapagpraktis ng Bisaya ko kaya walang preno ako kung makapagkwento. Tuwang-tuwa naman ako kasi nakatitig lang siya sa’kin at tuluyan akong nabighani nang ibuka na niya ang kanyang mga labi. “Hindi gud ako nakaka-understand ng Bisaya.” Sablay man ang unang sultada pinagpatuloy ko pa rin ang aking nasimulan. Naging motivation ko yung Pabebe girls kasi walang makakapigil sakin. Ilang buwan ‘din ang lumipas, sa tulong ng pambayad ng renta sa dorm at dagdag na tuition fee na pinadala ni nanay, naging kami rin ni Bianca. Sa panahon ngayon, hindi na ganun kahirap humanap ng syota. Kapitbahay nga naming pinaglihi sa piniritong pako tsaka di pa nireregla naka-sampu na, ako pa kaya magpapatalo?
Wala naman akong masasabi sa prinsesa ko. Kahit kulang na lang mangutang ako sa kanya ng bigas kasi dalawang araw na akong walang kain eh okay lang at siya pa mismo ang maghahatid sa dorm. Kahit alam nyang wala akong maipagyayabang na yaman o kaharian, itinuring nya akong prinsipe. Sabay kaming nag-aaral, nagsisimba, nagsisine, nagpi-PDA sa gym, nagsa-Starbucks at nagja-Jack’s Ridge. Naging pahinante din ako sa probinsya kaya alam kong magmaneho ng sasakyan kaya naging driver nya rin ako. Higit sa lahat alam nyang lumaki ako sa alas sais na angelus at amoy ng insenso at kandila sa kapilya naming sa probinsya kaya natagalan bago siya umamin at nagpakita ng…*drum roll*…totoo niyang kulay. Isang buwang nag-business trip abroad ang mga magulang niya at sa bahay nila ako umuuwi para bantayan siya. Doon nangyari ang unang lindol. At kung akala mo’y isusulat ko ang lahat ng detalye ng mga tagpong iyon, pasensyahan tayo. Huwag ka nang mag-imagine, maghunos-dili ka. Pero nasundan pa ang mga pangyayaring iyon at nagtaka na ang mga magulang niya kung bakit mura lang ang bill ng kuryente at ilaw. Ayun na nga, naglaro ng apoy, nagmilagro, nagsuka. Nalaman ng Dad niya at pinuntahan ako sa dorm. Napa-English naman ako sa hiya. “I have to apologize. There has been a mistake. Please don’t blame it on the lady. But to be a father is both an honor and a responsibili—“ Aray. Nasa ospital na ako nang magising dahil napalakas ata ang pagkakasapak sa akin. Una kong nakita si Bianca. Umiiyak. Pinalayas din pala siya. Sa mga sandaling iyon, gusto kong sisihin ang Avon catalogue ni Nanay na buwan-buwan kong hinihintay para mapagtripan. Gusto kong sisihin si Chito, si Paolo tsaka si Wally. Gusto kong sisihin yung mga kalendaryo ng Tanduay at Beer na Beer. Gusto kong sisihin at pagbuntunan ng galit at poot ang lahat ng makita kong bagay. Pero napagtanto ko kung sino ang tunay na may kasalanan. Hindi pala puro puso at kagandahan lang ang buhay na maidadaan mo lang sa tsamba, tadhana at katuwaan. Sa lahat ng pagkakataon kailangan din ng lohika at maayos na pag-iisip ang mga desisyon natin sa buhay. Hayyyyy. Dasal-dasal na lang. Kasalanan to ng Hasht5 eh.
bato dos mil sais
| 51
i k at lo n g a n ta s
My Pa-Baby Love
Subalit may nalaman ako sa bebe labs ko. Mahilig din pala sya sa adventure. At hindi lang sa adventure, pati Vios, Everest, Montero Sport, elevator, public C.R., kusina, library at kahit saan pa sya dadalawin ng masagwang hangin, para syang Globe, Go lang ng go. Marami pang mga kwento ang dumating sa bukana ng aking pandinig. Minsan may kasabay pang litrato tsaka video. Balak ko sanang pagkakitaan pero mahal ko yung bida.
52 | agape
M a l i ay G a w i n g Ta m a
karunungan
Ni Hanzelle Clarisse Dela Cruz
Ang mundong ito ay mapagbiro’t madaya Ang tama ay mali at ang mali ay nagiging tama Nilalason ang isipan at puso’y tinitira Napapaisip ka, “San ako maniniwala?”
Subalit ang katotohanan ay hindi maitatago Kahit na anong mangyari, ito’y purong-puro. Maghari man ang kasamaan diyan man o dito Lalabanan natin ‘to nang may dunong at talino. Hindi madaling tumayo nang mag-isa Lalo na kung ito’y dahil sa’yong paniniwala Ngunit ngayon, tayo’y mag-isip: ‘Ano ba ang mahalaga? Iniisip ng ibang tao, o iniisip ni Bathala?’ Bigyan natin ng aksyon ang maling pananaw Na ang tama ay nawala, na sa mali tayo’y nasisilaw. Hindi man kaaya-aya para sa nakakarami Subalit ito ang tama, at ito ang dapat magwawagi.
i k a - apa t n a a n t a s
Jewel Kiang
bato dos mil sais
| 53
KAtapangan
54 | agape
Pauline Lisondato
Buong-puso at Lakas-loob Lalaki:
Babae:
Dalawang taon at pitong buwan na’ng lumisan Nung ako’y huling nagmahal nang totoo at lubusan Ngayon, pinili kong maghintay sa tamang panahon Na makilala ‘yung para sakin, at siguradong siya na iyon.
Simula pa nung una, pag-aaral lang ang inaatupag Magalang at masunurin –ito sa akin ay tawag Pagnonobyo ay wala sa aking bokabularyo Sagabal lang ito sa pangarap kong umasenso.
Ngunit sa ‘di inaasahang pagkakatagpo Pumasok ka sa buhay kong hindi man lang kumatok Ibang kasiyahang nadama nitong puso Na dati’y walang sinuman ang nakapagpatibok ng ganito
Ngunit isang araw, tadhana ay may sorpresa Landas nati’y nagkabanggaan nang hindi sinasadya Hindi ko alam kung ika’y mananatili habambuhay Basta ang alam ko’y buhay ko ay binigyan mo ng kulay.
Isa kang prinsesang may diamanteng ugali Ang kagandahan mo ay talagang namumukod-tangi Maamong mukha at ngiti mong nakakabighani Pwede ba ika’y ibigin, o magandang binibini? Ngunit alam ng Panginoong ako’y takot pa Ang pakikipagrelasyon ay dapat ipagsantabi muna Subalit sinta ko, ikaw ‘yung tipong dapat mahalin nang tunay Kaya’t buong-puso at lakas-loob na akong maghihintay.
i k a - l i ma n g a n t a s
Ni Hanzelle Clarisse Dela Cruz
Ikaw ay iba sa mga lalakeng aking nakilala Buhay mo para sa iba’y nagsisilbing biyaya Di ko na maintindihan ang aking nadarama Totoo ba na itong puso ko’y umiibig na? Oo, sundin ko pa rin ang aking prinsipyo Na huwag muna pairalin ang pintig nitong puso Ngunit ngayon, buong-puso’t lakas-loob kong dinadasal Na tayo muna’y pagitnaan at hubugin ng Poong Maykapal.
bato dos mil sais
| 55
56 | agape
JUNO, ANG REYNANG WALANG KORONA
Katarungan
Ni Jennicel Jane Acosta
Paano ka magiging isang makatarungang lider kung ikaw mismo ay biktima ng isang hindi makatarungang pangyayari? *** May kilala ka bang isang magaling na lider? Ako meron. Naging kaklase ko siya nung second year. Siya ang class president namin. Masasabi kong siya na ang pinakamagaling na lider na nakilala ko – responsable, maasahan at matalino. May malasakit siya para sa lahat, palakaibigan at nakikinig sa mga payo ng iba. Umaako siya ng kasalanan kapag siya ay nagkakamali at hindi siya nagdadalawang isip na itama iyon agad. Kapag naman may nagkamali sa kanya, madali niyang pinapatawad. Kapag may nagkakagulo sa klase, inaayos niya ito agad nang hindi pa lumaki ang isyu. Napagbabati niya ang mga magka-away at napapanatiling mapayapa ang aming klase. Tuloy ay parang isang barkadahan ang buong section namin. Hindi siya yung tipo ng lider na kinakatakutan ng lahat, yung tipo na walang ibang ginawa kundi mag-uutos at magalit. Hindi rin siya isang famewhore o yung tipo ng lider na sayang-saya sa kasikatan at ginagamit lang ang posisyon para mas lalo pang sumikat. Hindi. Hindi siya ganoon. Ni ayaw niya nga na ipinangangalandakan ang pangalan niya sa madla o kaya ay tawagin namin siyang ‘Madam President.’ Ipinagpipilitan niyang tawagin lang namin siya sa kanyang pangalan.
Ang totoo niyan ay siya ang tipo ng lider na masayahin at kaibigan ng lahat pero sinusunod pa rin kahit na hindi istrikto. Napapasunod niya ang mga bulakbol naming kaklase nang hindi man lang nambubulyaw at napakabuti niya sa lahat, kaya naman marami ang nagmamahal sa kanya. Napakalaki ng respeto ng lahat sa kanya na tila ba isa siyang reyna. Isang minamahal na reyna. Isa rin siya sa mga pinakatotoong taong nakilala ko – simple, walang kolorete sa mukha, hindi pigil ang tawa, nagsusungit kapag naiinis, at namimilog ang mga mata kapag nasosorpresa. Kailanman ay hindi siya naging peke. Ang pagtulong niya sa kapwa ay hindi pakitang-tao lamang. Yan si June. Yan si Juno Katharina Lastimosa. Lihim sa lahat kung gaano ako humahanga sa kanya dahil kahit yung taong nagdulot sa kanya ng labis na sakit ay inaalala niya. Hindi niya gusto ang mapahamak ang kahit na sino kahit na ayaw pa sa kanya nang taong iyon. Tunay na dalisay ang puso niyang banal. Nakakalungkot isipin na ang mga kaluluwang tulad niya. Maningning kung magliyab ngunit kay bilis matupok ang nagaalab nilang apoy. *** “Ang paghihiganti ay hindi akin, kundi sa Diyos. Siya na ang bahala sa hustisya ko. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko, eh. Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa, ‘yan ang pinanghahawakan ko.” ***
i k a - a n i m n a a n ta s
Zap Sambas
bato dos mil sais
| 57
katamtaman
58 | agape
Mary Pascua
SATURNO, KAILAN BA TAMA ANG MALI? i k a - p i t o n g a n ta s
Ni Jennicel Jane Acosta
Tama, mali Puso o isip Kailan magtutugma? Nasaan ako? Nabulag Nangangapa Tuyong luha sa nakapiring na mata Liwanag ba ay mababanaag? Panahon, pook Walang tamang panahon Tanging nakalatag Ang gawaing tama sa hawak na panahon Hinagpis Habang kadiliman ang tanglaw Pakinggan ang pintig ng puso Wangis ba sa dikta ng isip? Uno, patawarin Marupok maging tao Mga imaheng naka-ukit sa talukap ng aking mga mata Alam kong hindi na maibabalik pa
bato dos mil sais
| 59
60 | agape
Sandata ng Kaligayahan pananalig, pag-asa, pagmamahal
Ni Nicole Kate Dayrit
Pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig ay pagsamasamahin Tiyak na walang katapusang kaligayahan ang kapalit ng iyong mithiin Akala ko’y hindi na madarama ang tinatawag na paraiso sa mundong ito Ngunit ito pala ay nakakubli lamang sa loob ng aking puso Pananampalataya; tagapagbigay ng lakas sa parating na bukas Sa kabila ng landas na puno ng paghihirap na ating dinanas Huwag mangamba, buong pusong sumamba Sa Poong Maykapal na Siyang magpapatamasa Nang walang katapusang kagalakan at pagmamahal na sumamo ng masa Pag-asa; tunay na kinakailangan ng mga taong wari’y sila’y nag-iisa Sa buhay na tila ba puno ng luha’t dusa
Ngunit pakatandaan, at huwag kalilimutan Ikintal sa isipan at palaging panghawakan Na habang may buhay ay may pag-asa, at habang may pag-asa ay may ginhawa Pag-ibig; maaring dala ng tsokolate’t rosas na natanggap Mula sa iniirog na kung tutuusin ay walang binatbat Sa buhay ni Hesus na kanyang isinakripisyo para sa katubusan ng lahat Patunay ang kanyang dugo’t laman sa pagmamahal na walang lamat Pananampalataya, Pag-asa at Pag-ibig; tatlong makabuluhang sandata na ipinagkaloob ng langit para atin Nabibigay lakas sa mga hakbang na ating tatahakin Habang maaga pa’y dapat maging maalam, huwag palilinlang sa kadiliman Ng sa gayon ika’y magtagumpay sa mundong ginagalawan
i k a - w a lo n g a n ta s
Jackie Pinili
bato dos mil sais
| 61
ang totoong paradiso
62 | agape
Lois Camaganacan
Dalhin Mo Ako Sa Kaluwalhatian i k a - s i y am n a a n t a s
Ni Alexa Marie Paden
Walang digmaan, walang gulo Walang tunog ng bala, walang luhang tumulu-tulo Walang kasamaan, walang kapahamakan Kaligayahang walang hanggan Dalhin mo ako sa lugar na inaasam Beatriz, kaba ang aking dinaramdam Hindi ako karapatdapat humarap sa banal Hindi ako karapatdapat humarap sa Maykapal Tila ako’y nauubusan ng salita O Mahal, saan ka ba pupunta Huwag mo akong iwan Dalhin mo ako sa lugar ng kaluwalhatian
bato dos mil sais
| 63
64 | agape
Banal. Nararapat. Buo. Ni Alexa Marie Paden
Sagutin lamang ang tanong niya sa sarili, “Nararapat ba akong humarap sa iyo, Panginoon?” Si Dante ay napatahimik, handang makinig sa Kanya.
“Humayo ka at mamuhay, ngayon alam mo na Ang nakahimlay sa kabilang buhay.”
“Ang buhay mo, gaya ng buhay ng iba, ay importante. Ngunit, may mga iba na sinasayang ang pagkakataong Magkaroon ng makabuluhang buhay.”
Sa wakas, naramdaman ni Dante ang liwanag. Sa wakas, gumaan ang nararamdamang pagod. Sa wakas, siya ay buo ulit.
Siya ay namangha sa Banál na Santatló. Napayuko siya at namangha sa kanyang nakikita.
wakas
“Alalahanin mo, Mahal Kita at narito ako, Hinihintay ka sa pagbalik mo.”
a kd a n g pa m pa n i t i k a n bato dos mil sais
| 65
66 | agape
K a w a l a n Anonymous
Masasayang ala-ala nati’y nuon pa’y wala na, Kislap nang iyong mga mata’y pilit ko nang binura. Tayo’y biglang nagtapos nang di inaasahan, Tila isang kantang nagtapos sa nakakabinging katahimikan. Ako’y halos mabaliw sa kakaisip, di ko labis maintindihan. Ano bang dahilan ng hinihingi mong kalayaan? Pipiliing maging tanga, handang iwan ang katwiran, Nakiki-usap ako o giliw, wag ka lang lumisan. Paminsan di ko maiwasang ika’y kamuhian, Ano bang nagawa, ba’t ba kailangang parusahan? Walang ano mang salita sa mga nililok na katha, Ang makakapag salaysay ng sakit nang iyong pagkawala. Ako’y walang wala na, sarili’y di ko na kilala. Laman nag puso’y naubos, akoy manhid na. Sawa na akong mag bulag-bulagan Panahon nang tanggapin ang katotohanan. Dusa at puot ayoko nang panghawakan pa. Wala na akong maramdaman. pagod na ako, ayoko na.
P i n i l a k a n g
Ni Jeritz George Orbigo
T a b i n g
Halina, halina’t aking kwento’y dinggin, ‘Sang alamat ng huwarang ‘di mo angkin. Na pilit mong tinatago at ilihim, Sa iyong kaisipang dagat ang lalim.
Halina, halina’t ito ay isigaw, Mga saloobing ‘di naman mababaw. Bibig nakatikom, matang nakapikit, At tengang bingi sa mundong walang sakit.
Halina, halina’t siya’y alalahanin, Ang taong sanhi ng martir mong damdamin. Pagmamahal sa kanya’y puno ng sakim, Ngunit di masabi, kapit sa patalim.
Halina, halina’t ito’y ibulalas, Ang katotohanang sadyang iyong alas. Mga kasinungalingan ng ‘sang ahas, Na lason sa anghel, droga ng barabas.
Halina, halina’t ating ilabas, Muhkang nasa likod ng isang palabas. Na siyang puno ng poot at hinanakit, Ngunit tinakpan ng ngiting nakapilit.
Kaya’t halina, halina’t ako’y pagbuksan Sadyang hindi mo ako matatakasan. Ako ay ikaw, ang taong nakalibing, Sa likod ng iyong pinilakang tabing.
bato dos mil sais
| 67
68 | agape
D API T Ni Kathleen Claire Sunio
i. Sa yuta na akoang giindakan Birdi na bukid og asul na kadagatan Murag paraiso dinhi sa kalibutan Apan naay kangitngit na naglumlom sa gindailan ii. Sama na sa kadaghan Gikan sa panganod na mga ulan Kinig dugo og luha na nidanak sa kayutaan Ang kagubot kaya pa ba ning mapugngan? iii. Gihikut kita sa isa ka maayong tuyo Na ang Mindanao kay mas mupalambo Walay sila apan naay kita, Muslim man o Kristiyano Dili pipila apan tanan, Lumad, B’laan, o bisag unsa tribo iv. Gahulat ko sa bidlisiw sa adlaw Alang sa Mindanawon na mupukaw Maghiuban ngadto sa kinabuhing linaw! Dungan sa kaugmaong tin-aw!
LIHAM NG PASASALAMAT
70 | agape
S
a kasalukuyan, unti-unting sumisikat ang araw. Tahimik at mapayapa— angkop sa panibagong simula. Hindi man lahat ng pagsisimula sa anumang yugto ay gayon ang lagay, nais kong pasalamatan ang mga nagsilbing inspirasyon sa matiwasay na pagtatapos ng isang kabanata ng aking buhay. Maraming salamat sa The Rock, sa lahat ng alaala at pagtitiwala, maging ito man ay personal o organisasyonal, na naging malaking bahagi ng paghubog ng aking kakayahan sa pagsulat at pagbuo ng aking sarili. Tiyak na ‘di ko makakalimutan ang ating pagsasama sa gitna ng mga pagsubok at tagumpay. Lubos na nagpapasalamat rin ako sa aking mga magulang, mga guro, mga kaibigan at kay Angelo, sa ganap na pagsuporta sa katuparan ng aking mga hangarin at mithiin. Hindi ko mararating ang katayuang ito kung hindi dahil sa inyo.
Higit sa lahat, nais kong magpasalamat sa Poong Maykapal na Siyang pinagmulan at layunin ng aking pagkatao. Kabilang dito ang Kanyang pag gabay at mga biyaya sa iba’t ibang aspeto, sa anumang panahon ng aking paglalakbay.
Irene Grace P. Jalandoni, BSPSYCH
N
ais ko pong magpasalamat sa inyong lahat sa suportang ibinigay niyo sa Rock at sa mga taong bumubuo nito. At para po sa inyong lahat na patuloy na paghanga sa aming mga obra, lubos po naming ikinatutuwa na kayo po ay naging bahagi nito bilang inspirasyon ng aming pagsisikap upang mabigyan kayo ng sapat at kaayaayang serbisyo bilang kasapi ng pahayagan ng San Pedro College. Kay Irene Grace, maraming salamat sa inspirasyon at gabay na binibigay mo sa tuwing ako’y gagawa ng trabahong pang pahayagan at sa aking mga kaibigan na patuloy na humahanga sa aking mga kakayahan bilang isang potograpo ng organisasyong ito. Sa mga kasapi ng prestihiyosong organisasyong ito, ako po ay buong pusong nagpapasalamat sa pagtitiwala sa aking kakayahan at naging gabay upang gapiin ang aking mga kalakasan at kahinaan bilang isang potograpo. Sa aking Pamilya, na patuloy na gumagabay sa aking paglalakbay tungo sa tagumpay, sa patuloy na suportang ibinibigay at sa buong pusong pagmamahal na naging inspirasyon ko upang patuloy na magsikap na matamo ang aking pangarap. Maraming, maraming salamat po! Bilang wakas, sa ating Diyos makapangyarihan, buong puso po akong nagpapasalamat sa gabay at sa mga biyayang aking natanggap bilang isang mag aaral at sa pag biyaya ng aking kakayahan bilang isang potograpo. Maraming, maraming salamat.
Irick Angelo R. Venus, BMLS
bato dos mil sais
| 71
72 | agape
B
aka nagtataka kayo kung bakit wala ako at litrato ko lang ang nasa group picture namin... Hindi po ako patay. Absent lang talaga ako nung oras na nagpapicture sila.
Lubos ang aking saya nang sa wakas ako’y nasa huling taon na ng pag-aaral ng Batsilyer ng Agham sa Parmasya dito sa San Pedro College. Hindi madali ang apat na taong pag-aaral. Mahirap. Nakakapagod. May mga panahong tatawanan mo na lang ang tambak-tambak na ang mga pagsusulit at proyekto. Ganito nga siguro ang buhay Parmasya. Ngunit hindi ko maitatanggi na kahit ganoon, masaya pa rin. Higit sa lahat, naging madali and masaya ang paglalakbay ko sa kolehiyo dahil sa mga taong karamay ko sa hirap at ginhawa. Sa mga kaibigan ko simula First Year hanggang ngayon, salamat sa inyo. Hindi ko na kayo babangitin isa-isa baka may makalimutan ako at magagalit. Sa aking mga magulang, Ma at Pa, salamat po. Kayo ang naging laging inspirasyon, gabay at ilaw sa pagtahak ko ng landas na ito. Higit na higit sa lahat, salamat po Panginoon. Hindi ko makakaya ang lahat ng pagsubok kung wala ang gabay mo. Sa huli, nais kong pasalamatan ang aking sarili. Salamat sa pagiging matatag at sa hindi mo pagsuko. Nawa’y makamit mo ang iyong mga pangarap at mithiin sa buhay.
Mark Miguel P. Latras, BSPharm
H
indi ko lubos maisip na palapit na ang pagtatapos ko sa kolehiyo. Sa apat na taon nang pananatili ko sa institusyong ito, marami akong natutunan, hindi lamang patungkol sa mga leksyon ng aking kurso pero pati na rin sa buhay, mga leksyon na dadalhin ko sa aking pagtanda. Kaya pinapasalamatan ko ang lahat ng aking mga guro, mula noong ako ay nasa pre-school pa lamang hanggang ngayon sa Kolehiyo, hinubog ninyo ang aking pagkatao, binigyan ninyo ako ng inspirasyon at lakas ng loob na tahakin ang mga pangarap na nais kong matamasa. Kayo ang nagsilbing mga magulang ko sa loob ng paaralan, kaya taos-puso akong nagpapasalamat sa inyo at ang mga aral na isinapuso ko ay hinding-hindi ko makakalimutan. Kasama ng mga leksyon na ito ay ang pagkakaibigan na hinding-hindi ko makakalimutan. Hindi makukumpleto ang aking apat na taon kung wala ang mga taong nagbigay saya, kulay, gabay at suporta sa akin. Sa lungkot at ligaya andiyan kayo at walang sawa na magbigay ng payo at magpasaya sa akin. Sa Hiphoppers, salamat sa inyo, kahit na hindi tayo palaging nagkikita ay andiyan parin kayo. Sa GG, Ojieng, Maru, Pat, Bert, Dahna, Cielo, Chelsea at Jilly, Sa aking mga kagrupo sa research, Team Kropek, aking mga kaklase sa Gahutens at sa 4Aver, sa mga kaklase at mga kaibigan sa grade school, high school at college maraming salamat. Maraming salamat rin sa The Rock, salamat sa opurtunidad na magawa ko ang Isang malaking karangalan ang maging miyembro ng organisasyong ito.aking gusto. Maraming salamat sa aking mga magulang na nagbigay buhay sa akin at walang sawa na sumusuporta sa akin. Wala ako rito ngayon kung hindi dahil sa inyo, Mahal na mahal ko kayo. Sa Panginoong Diyos, maraming salamat sa lahat. Sa mga hindi ko nabanggit, maraming salamat at naging parte kayo ng buhay ko. Aalis man ako sa apat na haligi ng eskwelahang ito, ang mga aral, masasaya at malulungkot na alaala ay dadalhin ko sa aking pagtanda. Salamat!
Pauline Mae D. Lisondato, BSPharm bato dos mil sais
| 73
74 | agape ingid sa kaalaman ng iba, limang taon po ang naigugol ko sa institusyong ito, ika nga nila extended na. Hindi naging madali sa akin ang lahat, ako’y nadapa, nabigo at ang masaklap L pa ay parang binigo ko na rin ang aking mga magulang. Minsan talaga akala mo’y naibuhos mo na lahat gaya ng pagtulog, pagkain, oras sa pamilya minsan pa nga relasyon, ngunit hindi pa rin ito sapat, yun yong mga panahon inakala kong hindi talaga para sa akin ang medtech pero heto ako ngayon Intern na at ilang linggo nalang ako’y mamartsa na at tatanggapin ang isang pirasong papel na limang taon ko rin hinintay.
Success is measured not by what you have achieved but by the sacrifices you have made in achieving your goal. Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa kung magkano ang nakalagay sa payslip o kung gaano kalinis ng transcript mo. It’s not where you stand right now o kung anong kahapon meron ka. Ang mahalaga ay kung saan ka pupunta. Where will you go from here? Pag alam mo na kung saan ka pupunta, kumilos ka nang ayon sa daang nais mong tahakin. Huwag kayong matakot mabigo. Huwag kayong matakot madapa. Failure doesn’t mean you are a failure. It means you haven’t succeeded yet. It doesn’t mean you should give up but you should try harder. Ang lahat ay pwedeng magsimula ng panibago. Kung may sugat dahil sa kabiguan, alalahanin mo ang mga aral na napulot mo sa bawat pagkakamali. Only then, you will realize the value of perseverance and endurance. Never give up. Struggles and adversaries make a strong person. Kaybilis tumakbo ng panahon parang kailan lang nang una kong itapak ang aking mga paa sa intistusyong ito, hindi ko lubos maisip na ako’y magtatapos na at bubukas muli ng panibagong yugto ng aking buhay. Una sa lahat nais kong magpasalamat sa aking mga magulang na hindi nagsawa sa pagsuporta at pag aruga sa akin nawa’y naging masaya kayo sa aking mga naabot at sa mga pangarap na tutuparin ko pa, gayundin sa bumubuo ng BMLS Department ang mga guro at mga Clinical Instructors ko na buwis buhay kung magbigay ng aral na mahalaga sa propesyon na aking tatahakin. Lubos din ang aking pasasalamat sa aking mga kaibigan na hindi ako iniwan sa mga oras na kinailangan ko sila at sa mga nang iwan salamat at naging parte kayo ng masasayang araw ko sa kolehiyo. Salamat din sa mga organisayong na nagtiwala at humubog ng aking talento lalo na sa pagkuha ng litrato hindi man ako ganoon kahusay pero ako’y kanilang pinagkatiwalaan. Maraming salamat sa The Rock, Directors Guild at Youth For Christ. Higit sa lahat nais kong pasalamatan ang Poong MayKapal sa paggabay sa akin sa lahat ng oras at kailan may hindi ako iniwan, wala ako ngayon kundi dahil sa inyong lahat, maraming salamat sa inyo!
Freah P. Quitorio, BMLS
S
a nanay, tatay at mga kapatid ko maraming salamat sa wagas na pagmamahal at walang hanggang suporta ninyo sa akin. Sa mga kaibigan ko na naging pamilya ko na, maraming salamat sa pagsama sa aking paglalakbay sa kolehiyo patungo sa pagkamit ko ng aking mga pangarap. Para sa The Rock, walang humpay ang aking taos-pusong pasasalamat sa pagtitiwala niyo sa akin sa huling taon ko bilang isang Rocker. Kahit kailan hindi niyo ako binigo na mamangha sa mga talento ng bawat isa sa inyo. Mamimiss ko kayong lahat higit na ang aking mga “Junior Kids�. Sa Poong Maykapal, na siyang may gawa ng lahat - maraming salamat at binuhay mo ako at biniyayaan ng magandang buhay upang makatagpo ng mabubuting tao na nakasama kong bumuo ng mga memorya na kailanman ay hinding hindi ko makakalimutan.
Clyde Vincent D. Pacatang, BMLS
bato dos mil sais
| 75
76 | agape Batsilyer sa Agham sa Teknolohiyang Medikal akakatawa man basahin, ngunit ito ang parati kong nakikita sa mga nakasabit na diploma sa mga N laboratoryong aking pinasukan sa buong buhay ko. Sabi ko sa sarili ko.. ‘kakaiba yun pakinggan ah.. paano nga bigkasin? Bat-chiller? Bakit di na lang sinabing binata sa agham? Total,yun naman ang
ibig sabihin ng bachelor sa ingles di ba? At bakit walang Dalaga sa Agham na kursong pangkolehiyo?’. Sa katunayan ay ng dahil sa isang salita, napatanong ako sa sarili ko: bakit nga ba Bachelor of Science ang tinatawag? May sariling kasaysayan at rason kung bakit bachelor ang tawag dito. Ngunit dito sa aking liham ng pasasalamat nais kong ihandog ang sarili kong depinisyon sa pagkakaintindi kung bakit nga ba narito tayo sa kolehiyo at kung bakit kumukuha tayo ng Binata sa Agham na kurso. Kapag ika’y binata at may sinusuyuan ka, syempre ang una mong gagawin ay liligawan mo yung iyong natitipo mo. Parang kolehiyo lang na pagpasok mo ay sinusuyo mo ang kolehiyo na tanggapin ka sa entrance exam. Sa paglipas ng panahon ay makikilala mo ang iyong iniirog at sa kaso naming mga medtek, kinilala naming ang mga literal na maliliit na bagay tulad ng mga microbio at kemikal na makikita sa laboratoryo. May mga pagsubok, may mga oras na gusto mo nang sumuko. Ngunit upang makuha ang matamis na oo ng diploma kailangan mong maging matatag. Sa huli’y nasasa iyo kung gusto mong magpatuloy o lumihis ng landas dahil walang forever. Ngayong malapit ko nang makamit ang matamis na oo ng diploma, ako’y nagpapasalamat sa lahat ng aking nakatuwang. Sa mga kaibigan kong matalik na tinanggap ako sa kung ano ako salamat sa pagangat sa akin, ito’y ating tagumpay, sa lahat ng aking dating inibig ngunit nabigo, salamat sa mga alaala, kayo’y di malilimutan at mananatili sa aking puso, sa aking mga propesor sa kolehiyo, salamat at nakilala ko din ang iniirog kong kurso di ko magagawa ang lahat ng ito nang di dahil sa inyo. Sa aking pamilyang malapit sa akin, salamat at ipapakilala ko na rin sa inyo ang pinaghihirapan kong diploma, ang Rock na binigyan ako ng pagkakataong iukit ang aking talento sa mga pahina nito at sa Maykapal na gumabay sakin sa aking napiling landas Sa lahat ng mga kumukuha pa ng kanilang mga kurso: wag kayong bibitiw, apat na taon niyong kailangan ligawan ang inyong diploma kaya mahalin niyo ang bawat sandali ng pagkikilala sa kurso mo dahil pag ginamitan niyo ng puso, siguradong mamahalin mo ang bawat sandaling mabubuhay ka sa piling nito. Vázo éna péos se aftó to árthro chorís lógo
Nico Angelo C. Solon, BMLS
arang kahapon lang nung una akong pumasok sa kolehiyo, gayundin sa organisasyong P ito. Di ko akalaing pagkatapos ng apat na taon ay isa na ako sa magsusulat ng liham ng pasasalamat. At para saan? Sa mga taong naging dahilan sa kinahahantungan ko ngayon. Sa kung sino ako sa kasalukuyan.
Taos-puso akong nagpapasalamat unang-una na sa Panginoon, sa gabay at daa’t daang biyayang binigay niya sa akin at sa aking pamilya, maging sa mga pagsubok na inilaan niya. Sa Mama ko, na nung una, ay tutol sa aking pagsali sa mga organisasyon ngunit naging mapag-unawa na ituloy ko kung anuman ang hilig ko, salamat Ma! Sa pag-aaruga, pagmamahal at sa walang humpay na pagsuporta sa aming apat, kahit ika’y nag-iisa Ma, kinaya mo. Maraming salamat Ma at mahal na mahal po namin kayo. At sa mga nakababata kong mga kapatid, Dong at Boy, natutuwa ako at sinamahan niyo ako dito sa The Rock at tumayong suporta at inspirasyon para sa isa’t isa. Salamat sa pag-aalala, bros. Laking pasasalamat din sa mga kaklase ko pa nung freshman dito sa kolehiyo na sumabak din sa The Rock at naging matalik ko nang mga kaibigan, Mark at Pau. Sa mga kaklase ko noon at ngayon, sa buong apat na taon, maging sa mga nakilala at nakaibigan ko sa The Rock at St. Cecilia’s Ensemble. Hindi lang kayo saksi sa mga tagumpay, kasiyahan at kalungkutan ko dahil naging malaking parte na kayo ng aking buhay. Maraming salamat sa inspirasyon, sa mga tawa’t halakhak, sa mga iyakan at kahit sa mga tsismisan at lalo na sa pag-iintindi niyo sa marahil ay weird na personalidad ko (alam niyo na kung sino kayo, hahaha). Hindi rin mawawala sa pasasalamat ko ang mga guro na naging gabay sa aking pag-aaral. Salamat ho mga Ma’am at Sir sa mga naibahagi niyong mga payo at pangaral na hindi lang tungkol sa mga nababasa at nasusulat namin sa loob ng klase ngunit kahit yung mga pang-araw-araw na leksyon ukol sa buhay.
Roselle Marie R. Maduay, BSPharm bato dos mil sais
| 77
78 | agape
lang taon na din ang nakalipas ng simulang naging parte ako ng prestihiyosong organisasyong ito, Inagbigay maraming napakagandang karanasan na humubog sa aking talento, mga matatamis na alaala na kulay sa aking buhay SPCian, mga storya ng pagsubok na akala ko hindi ko malalagpasan
pero kinaya ko, mga kaibigan na naging turing ay pamilya sa isa’t isa at ang mga aral na naging daan upang makilala ko ng lubusan ang aking sarili – ang mas mabuti, pursigido at masaya na ako. Taospuso akong nagpapasalamat sa The Rock. Sa aking pamilya, nais ko silang pasalamatan dahil ibinigay nila sa akin lahat lahat ng suporta mula sa simula. Hindi ninyo ako pinabayaan. Ang inyong pagmamahal ay walang kapantay. Para kay Pyne na naging karamay ko umulan o bumagyo hanggang sa muling pagsikat ng bagong pag-asa. Ito na ang ating panahon! Kasama si Anne, Mun at Chic, my SPRFRNDS family salamat sa walang katumbas na pagkakaibigan. Sa mga kasama kong magtatapos sa The Rock na sila Nico, Roselle, Cheen, Gelo, Mark, Pau, Clyde at Freah, salamat dahil nakilala ko ang mga tulad ninyong pinagpala ng purong talento sa kanya-kanyang larangan at pagiging magagaling na modelo sa ating mga nakakabatang kasamahan sa organisasyon. Sa bumubuo ng BMLS Department ang mga guro at mga Clinical Instructors, salamat sa lahat ng mga bagay na inyong itinuro at sa inyong paghubog ng aking kakayahan. Sa lahat ng BMLS batch 2016, salamat dahil kasama ko kayong naglakbay sa hirap man o ginhawa. Sa aking pinakamamahal na The Rock 1516 family, nagpapasalamat ako sa inyong oras na inilaan at pinaghirapang obra na naibahagi upang maisakatuparan lahat ng mayroon tayo ngayon. Magmahalan kayo at magtulungan dahil tayo ay OHANA. Sa aming Technical Adviser na si Dr. Vivien Grace Jubahib, salamat sa pagiging butihing ilaw ng tahanan ng The Rock. Sa Innovative Ideas na binubuo nila Sir Jerry, Ma’am Hazel at kuya Jumer, salamat sa inyong walang sawang pagtanggap sa amin sa tuwing gumagawa kami ng proyekto, kayo po ay malaking bahagi ng The Rock at sa aking 1516 Layout team na sina Mynard, Mar, Janley at Rapha, salamat dahil ni minsan hindi ninyo ako binigo. Isa kayo sa aking mga inspirasyon! Higit sa lahat napakalaking pasasalamat sa Puong Maykapal na nagsilbing gabay sa akin upang maging isang mabuting Katoliko. Kung wala Ka, walang ako. Hanngang sa muli!
Live Forever, The Rock!
Alriz Mark M. Tan, BMLS
Paalam, sa pamilyang itinuturing, Na wari’y binuklod ng ngiti at lambing. Walang magbabago, walang mawawala ‘Sang pasasalamat na kami’y may akda. The Rock Graduating Batch Of 2016
bato dos mil sais
| 79
82 | agape
1 Mga Taga-Corinto 15 : 55-57 Ang kamatayan ay nilamon na sa tagumpay. Kamatayan, nasaan ang iyong tibo? Hades, nasaan ang iyong tagumpay? Ngayon, ang tibo ng kamatayan ay kasalanan at ang lakas ng kasalanan ay ang kautusan. Ngunit salamat sa Panginoon na nagbigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo.
Handa ka na ba mamatay?
Litrato mula sa files.umwblogs.org/blogs.dir/6415/files/2012/02/dantes-divine-comedy.png
bato dos mil sais
| 83
B
A
T
O
D
O
S
M
I
L
S
A
I
S