LITERARY
16
Kandila ng Buhay Isinulat ni: Merliez Mandap Sa isang silid,isang kandila ang nakatindig Regalo ng maykapal at tagabigay liwanag Nagmimistulang pundasyon upang tumatag Sa pagsibol ng buhay sa mundo Para tayo'y sa sariling paa makatayo Ang apoy na kumikislap at nagaalab Sadyang mayayapos sa hinaharap Habang nagpapatuloy ang buhay, umiikli ito, Ngunit andyan pa rin ang nagliliyab na pagmamahalan Na mananatili kailanman Ngunit buhay ay hindi lamang tungkol sa paghihirap Nabubuhay tayo para magpaliwanag ng mundo ng ibang tao Kaya, kapag ang apoy ay humihina na, Ipaalam mo sa taong iyon na mahal mo sila, Upang madama ang liwanag at init ng buhay Habang lumilipas ang panahon, unti unting nawawala ang apoy At gayon din ang buhay ng tao Ngunit hindi dito nagtatapos ang yugto Isang bagong henerasyon ang isisilang At isang bagong apoy ang magpapatingkad sa kadiliman
© Merliez Mandap
Panaginip Isinulat ni: Merliez Mandap Taong nagmula sa aking panaginip O, parang anghel na nagmula sa langit Kay gusto kitang makita’t makilala Ilusyon ka lang ba talaga? Gabi gabi, ako’y naghihintay Sa aking higaan ako ay nakaratay, Isipan ko’y parang walang tigil na orasan Kailan mo ba ako lalapitan? Lumipas ang ilang buwan, Nalaman ko narin ang iyong pangalan Tayo’y naging matalik na magkaibigan Aking hiling na huwag mo akong iwanan Nais ko lang na ipaalam sa iyo Na pinuno mo ng liwanag ang aking mundo Noong ako’y nag-iisa’t nababalot ng kalungkutan Habang ako’y nasa bungad ng kamatayan Ilang araw, taon na ang nakalipas Kay tagal na ng huli kitang namasdan Hanggang ngayon hindi parin kita nalilimutan Nasaan ka, panaginip ka nga lang ba talaga?
© Merliez Mandap
THESCROLL