2 minute read

Employee Day ‘23, Palarong Pinoy ‘ALPAS’ Breaks Free in its Official Screening

Savor the last! The Rizalian-made film

Alpas, concluding the SHS day, took its official screening at the main quadrangle and Official JRU Facebook page last February 17 during the university’s week in its 104th-anniversary celebration.

A catalyst for self-development and friendship, Alpas embarked on the journey of a driven screenwriter that gets herself caught between the pages of her creation.

Alpas is a story of an aspiring screenwriter, Lily, who gets transported into her masterpiece, not realizing her purpose is to see the bigger picture. Struggling with her collective insecurities and doubts about her peers, she finds herself in a bind with her inner self and a past full of regrets. As she enters a familiar realm, she will traverse never-ending events as time seems indefinite. The light looks far as she battles her dilemmas as breaking free becomes her biggest enemy.

The film’s creators and contributors came from the different strands of SHS students, in which their efforts were acknowledged by its launching, encompassing the school’s quadrangle and its online premiere with thousands of viewers.

Viewers can still watch ‘Alpas’ on JRU’s official Facebook page.

By Eryza Mhae Dris

By Mishael Defeo

Pinangunahan ng University Week Committee ang ikalawang araw ng selebrasyon ng ika-104 Founding Aniversary ng Jose Rizal University (JRU) – Employee Day kung saan nagtagisan ang mga kawani ng institusyon sa iba’t ibang larangan bilang bahagi ng isang linggong selebrasyon na ginanap sa JRU Main Quadrangle, Peb. 14.

Nakilahok ang mga empleyado ng administrasyon – mula sa mga guro, faculty members, mga kawani sa iba’t ibang sangay ng institusyon hanggang sa non-teaching personnel kung saan layon nito ang isulong ang pagkakaisa, kooperasyon at kasiyahan sa labas ng kanilang mga opisina.

JRU Sports Fest: Larong Pinoy

Nagsimula ang selebrasyon sa pagpapakilala sa apat na pangkat na magtatagisan ng galing at talino sa iba’t ibang laro ng lahi. Kinilala ang mga pangkat na Team Maroon, Tatag Rizal; Team Yellow, Taos-Pusong Rizal; Team Blue, Talentong Rizal at Team Green, Talinong Rizal.

Nakipagtagisan ng galing at talino ang apat na pangkat sa walong larong lahi with the twist kabilang na rito ang Hulahoop: Suot-Lusot, Jump-Jack n’ Poy, Luksong Lubid, Touch Ball, PatimBola, PassBall, FunMinton, Hahaball-Haball at Cheering

Sinundan ito ng panimulang programa kung saan nagbigay ng pambungad na pahayag si Dr. Vicente K. Fabella, University President. Pinangunahan naman ni Athletics Director Efren Supan ang sportsmanship pledge at si Vice President for Information Systems Edna Cia-Cruz para naman sa pormal na pagbubukas ng sports fest.

Pinangunahan naman ni Vice President for Administrative

Affairs Norma Montalvo ang pormal na pagsasara ng sports fest sa pamamagitan ng awarding ceremony kung saan sinelyuhan ng Team Yellow, Taos-Pusong Rizal ang ikatlong pwesto sa 730 puntos, ikalawang pwesto naman ang naiuwi ng Team Red, Tatag Rizal at Team Green, Talinong Rizal na may parehong 750 puntos at namayagpag naman ang Team Blue, Talentong Rizal matapos nilang humataw at ibulsa ang korona sa 830 puntos. Samantala, wagi naman sa cheering competition ang Team Green, Talinong Rizal.

JRU Rizalian Sing-A-Long

Matapos na subukin ang pisikal na kakayanan ng mga kawani ng JRU sa nakapapagod na sportsfest, sinundan naman ito ng Rizalian Sing-A-Long kung saan sinubok ang kanilang kakayanan sa kantahan.

Nagmistulang “game show” ang bahaging ito ng selebrasyon na pinangunahan ng mga Rizalian

Ambassador sapagkat naging tema nito ang pagbibigay ng katumbas na lyrics ng kanta sa Filipino o Ingles upang maitama ang kanta, pagpunan sa mga nawawalang lyrics ng kanta, at iba pa.

JRU Let’s Play Bingo

Sa huling bahagi ng selebrasyon, nabigyang pagkakataon ang university staffers na makapaglaro ng bingo at manalo ng iba’t ibang papremyo.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang sa selebrasyon ng employee day kung saan naisaalang-alang ang mga layunin at naisulong ang mga adhikain ng programa. Dagdag pa rito, ang selebrasyon na ito ay idinaraos upang bigyang halaga ang mga tao sa likod ng pagbibigay ng kalidad na edukasyon para sa mga estudyanteng Rizaliano.

This article is from: