1 minute read
International Day of Non-Violence: Kapayapaan, Pagmamahal, at Kasaganahan
By Mishael Defeo
I to ang binigyang-diin ng Humanitites and Social Sciences/General Academic Strand (HG) Club sa kanilang inilunsad na webinar na may temang, “Peace, Love and Prosperity: Foundation of
Social Progress” bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day of NonViolence ngayong ika-2 ng Oktubre, na ginanap sa isang Zoom conference nitong ika-1 ng Oktubre.
“Killings, abuses, tortures, massacers, are very rampant across the globe. These obnoxious and brutal scenes must be stopped… we should raise awareness about the impact of these scenes in the life of many people.” ani Gng. Crisil Borebor, tagapayo ng HG Club, bilang pambungad na pananalita sa webinar.
Ang International Day of NonViolence ay naitatag noong ika-5 ng Hunyo 2007 ng United Nations General Assembly sa ilalim ng resolusyon A/RES/61/271 na may layong pagtibayin ang mensahe ng non-violence sa pamamagitan ng kamalayan sa lipunan at edukasyon sa usaping ito.
Alinsunod sa araw na ito ang kaarawan ni Mahatma Gandhi, lider ng kilusang pangkalayaan sa India at pioneer of the philosophy and strategy of non-violence na naging inspirasyon sa pagkakatatag ng International Day of NonViolence.
Pokus ng webinar ang naging buhay ni Mahatma Gandhi sa pagkamit ng kalayaan nang hindi gumagamit ng dahas at karahasan. Naipakira rin sa webinar ang mga naging bunga ng payapang pakikibaka ni Gandhi na naging inspirasyon ng mga sumunod na kilusan sa ika20 at 21 siglo.
Layon din ng webinar na mamulat ang kamalayan ng mga Rizaliano pagdating sa usaping pangkapayapaan. Binigyang-diin din sa webinar na hindi kailangan ng dahas sa pagkakaroon ng kapayapaan at pakikibaka sa mga isyung nais ipaglaban.
Bukod pa rito, nagbigay din ng mga tip ang tagapagsalita kung paano mapagtitibay ng mga estudyante ang non-violence mindset at sa kung papaano makamit ang kapayapaan sa pang-araw-araw.