VII
KasalanaN= Makamun=do sa mun=doN= makasalanan=
THE SOIL TILLER
Opisyal na Pahayagang Pang Mag-aaral ng Pambansang Dalubhasaang Pansakahan ng Bulakan (BULACAN AGRICULTURAL STATE COLLEGE) Pinaod, San Ildefonso, Bulacan
KASALANANG MAKAMUNDO SA MUNDONG MAKASALANAN
KasalanaN= Makamun=do sa mun=doN= makasalanan= May lenggwaheng nakakubli sa mga bulaklak. Ang karilagan ng katangiang bahid biswal at bawat uri nito ay kinakasangkapan upang sumagisag sa pitong makamundong kasalanan.
Karapatang Ari Š 2020 Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang anumang bahagi ng aklat na ito ang maaaring ilimbag sa kahit na anong paraan nang walang pahintulot mula sa tagapaglathala o sa mga manunulat maliban na lamang kung ang nasabing pagsipi ay para sa panunuring pampanitikan.
Sa simula, tayo ay malinis; puro at walang bahid ng anumang kadilimang taglay ng sanlibutan. Ang layunin ay magsilbing tagapangasiwa ng mundong biyaya ng lumikha. Ngunit sa pag-usad ng panahon ang puti ay nababahiran din ng iba’t ibang kulay. Ang puti ay untiunting magbabago bunsod ng mga pinagdaanan at pangangailangan. Ang kulay ng pitong nakamamatay na kasalanan ang nagiging pinturang gumuguhit sa bawat paghahangad. Labis na paghahangad ang nagiging pasimuno ng paglaganap ng kasalanan sa sistema ng tao. Paghahangad na lumaya sa kalupitang dinaranas, paghahangad na makita ang liwanag ngunit patuloy na naliligaw sa dilim bunsod ng maling daan na tinatahak.
BIANCA GAIL DC. GONZALES Editor-in-Chief
Matatakasan ba kung likas sa’tin ang mahulog sa mga kasalanan? Minsan ang pagkahulog ay hindi natin ibig at bunsod lamang ng pagkatalisod. Minsan ay may nagtutulak sa’tin para mahulog. Minsan din ay pikit-mata at kusa tayong tumatalon. Sa pamamalagi sa mundo na pugad ng mga kasalanan, mararanasan ang pagsubok sa pagiging tao kapag nalaman mo na ang kaibahan ng mabuti sa masama, maging kung gaano ka kahina para pigilin ang sarili na mahulog sa mga kasalanan. ‘Di matatakasan ang mga pagkakasala na nanghihila papunta sa walang katapusang kapamahakan. Ngunit sa pagtingala at pagsuko ng sarili sa itaas, mababalewala ang lahat at doon walang panganib.
JAYSON A. OCAMPO Literary Editor
Sino nga ba ang makasalanan? Mundo ba o ang tao? Sa pag-iral ng katwiran madalas nating sisihin ang mundo sa mga nangyayari sa ating buhay. Naniniwala ang tao na wala siyang alam at kontrolado lang ang buhay ng mapaglarong mundo. Hindi natin matanggap ang mga bagay na ating sinapit kung kaya’t isinisisi natin ito sa iba, kung minsan nga ay sa mundo pa. Lingid sa kaalaman ng tao na siya ang humuhulma ng bawat pagkakasala bunga ng malawakang pag-asam at pagkatuto. “Napakapait naman ng mundo sa akin.“ Isang katagang pilit isinasalaksak sa mapurol na isipan, kakambal na ng ating pagkatao. Bilang patnugot pampanitikan ng The Soil Tiller, inaanyayahan kitang basahin ang bawat pahina ng folio na ito na hinati sa pitong kasalanan. Hayaan mong ikaw ang sumuri at makatuklas. Huwag ka lamang mag-iiwan ng mga tanong sa iyong isipan sapagkat taglay mo ang isa sa mga kasalanang ito.
JOSHUA N. CASTILLO Literary Editor
Magbunyi mga dibuhista! Sa mundong nilulunok ng kasalanan, gaano nga ba maisasalba ng mga salita at akda ang pagkalunod ng kamalayan ng bawat sangkatauhan kung patuloy tayong sisisid sa mundo ng pagkakasala? Bilang punong dibuhista ng The Soil Tiller, lubos ang aking pagkilala sa angking husay ng bawat dibuhista ng nasabing pangkat. Ang kanilang mga obra ay nagsisilbing daan upang maisabuhay ang bawat salita na ipinahahayag ng mga manunulat. Lamunin man tayo ng pagkagalit at inggit, sakalin man tayo ng katimawaan at pagkatamad, igapos man tayo sa kalaswaan ng makamundo nating pagnanasa, pilit nating pakatandaan na sa anumang paghihirap at kasalanan ay iaahon tayo ng mga obra upang makabangon sa pagkakahimlay ng pagkakamali. Muli, ang paglalahad ng mga kasalanang makamundo ay hindi matatapos sa kwadernong binuo ng mga linya at letra, ngunit sa tulong ng mga ito ay labis nating mauunawaan ang bawat kalye ng isipan at gawi ng bawat tao. Sa pamamagitan ng pagguhit ay nailalabas natin ang saloobin at hinanakit, upang iwaksi ang pagyakap sa atin ng pagkakamali. Mabuhay mga dibuhista! Mabuhay ang mga likha sa apat na sulok ng inyong mundo!
LANCH LENARD C. DELOS SANTOS Associate Editor
Hinulma ang tao sa imaheng ‘di kababanaagan ng putik, walang bahid ng kamalian at tama ang pagkakaareglo. Mabuti ang adhikain nang bigyang hininga ang tao, pag-ibig ang naging ugat ng buhay. Ngunit sa pananatili ng tao sa mundo, kasalanang makamundo ang hinayaang mamahay nito. Sinubukan kong tuntunin ang ugat ng mundong makasalanan, ngunit ang nakita ko’y sanga ng iba’t ibang uri ng pag-ibig na taliwas sa perpektong kaisipan na alam ng pantas —labis na pag-ibig sa pagkain, sa pahinga, sa mga materyal na bagay, sa kapwa at higit lalo ay ang lubos na pagkalugod sa sarili. Kasabay ng pagkatutong umibig ng tao sa makamundong dimensyon ay ang pagkatuto rin nitong maghangad ng sobra sa sapat, maging ganid, mainggit, magnasa, magalit, magmataas at maging batugan. Ang buhay ay isang patibong na susukatin ka bilang isang tao —isang patibong na maaari kang magpatihulog, maaaring hindi mo sinasadyang mahulog at maaari mo ring iwasan, at hindi pagtalikod at pagtakas sa kamalian ang dapat mong maging tugon. Habang ikinukubli mo ang dungis ng iyong pagkatao, akin namang hahayaang mamutawi ang mga salita na ang layon ay magpaalala. Maging sapat sana ang kapangyarihan ng pluma at mga letra upang mangumpisal ka, magsisi at sa huli ay magpatawad.
MELANIE N. HIZON Managing Editor for Finance
TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGAT
PAHINA
MAY-AKDA
PAGMAMATAAS
11
Ang Pusa at Tigre
12
Jayson
Pride Tower
13
Ashley
I’m Pregnant
14
Ashley
Kahambugan ng Huwad
15
Jayson
Paglalakbay ng Walang Bendisyon
16
Marinella
Kiss of Abyss
17
Alexis
Open Letter to our Eldest…
18
horiZONE
Pedestal
19
Jayson
Medalyang Alay kay Itay
20
horiZONE
Gumuhong Pangarap
21
Alexis
Sa Muling Pagkikita
22
Jayson
PAGKAINGGIT
23
Invidia
24
Nathaniel
Wala Kayo sa Nanay ko
25
Raphael
Itim na Tupa
26
Rachelle
Pagkukumpara
27
Jayson
Sana All
28
Alexis
Windows of the Soul
29
Elijah
Panahon ng Anihan
30
John Marf
Hanging Bridge
31
Alexis
Rosas at Tinik
32
Alexis
Kagandahan at Kasiyahan
33
Elijah
Solar Eclipse
34
Alexis
GALIT
35
Binutasang Noo
36
Jayson
Bunutin sa Dibdib
37
Jayson
The Will of the Moon
38
Alexis
PAMAGAT
PAHINA
MAY-AKDA
39
Jayson
Pautang Ina
40
Cessy
Damit Lang
41
Cessy
In the Name of the Father and Son
42
Bernadette
Walang Kalimutan
43
Jayson
Bloodshot
44
Alexis
Sa Pagdilim ng Paningin
45
Elijah
Sa Ngalan ng Pagtitimpi
46
Daniel
KATAMARAN
47
Rekta sa Mukha, Bali ang Leeg
48
Jayson
Reklamo ng Mata, Problema ng Isip
49
Elijah
Dysphoria
50
Rachelle
Hinagpis ng Nawawalang Kasipagan
51
Alexis
Habangbuhay na Sanggol
52
Jayson
Paralisado
53
Jayson
Kagigian ni Ateng
54
Jocelle
To Rest or Be The Best?
55
Angelica
Indolenteng Masa
56
Jocelle
Sincuenta, Walang Kwenta
57
Cessy
Napapagod din ang Tamad
58
Elijah
KASAKIMAN
59
Namanang Dusa
60
Baby D
Dalawang Anyo ng Pagkamakasarili
61
Jayson
Sa amin na ‘to
62
Baby D
Walang sa’tin
63
Jayson
Saradong Palad
64
Jayson
Pag-iling ng Kabutihan
65
Raphael
Guns and Rices
66
Hazel
TALAAN NG NILALAMAN
Pulang Bestida
TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGAT
PAHINA
MAY-AKDA
Hidhid
67
Jayson
SKL
68
Angelo
Forgotten Principle Due to Treasure
69
Angelica
Grasping for Life
70
Rachelle
KATAKAWAN
71
Maligayang Pista
72
Jayson
Father’s Sacrifice
73
Angelica
Resulta ng Dasal
74
Jayson
Boom Panis!
75
Cradle Star
Buhay Lansangan
76
horiZONE
Walwal pa More
77
Cessy
Lohika ng Kanin
78
Jayson
Sabi nila
79
Ralphy
Puting Balon
80
Rand
Tarrare of the Modern World
81
Elijah
Alinsunod sa Hapunang Inihanda ni Sisa
82
Jayson
KAHALAYAN
83
Bulong
84
Melanie
25th Avenue
85
John Patrick
Sipol
86
Ralph Deneil
Consolation
87
Lloydd
Hindi Makasarili ang Pag-ibig
87
Melanie
Lihim sa Likod ng bawat Kusing
88
Daniel
Laman
89
Raphael
Amorous
90
Melanie
Ceasefire
91
Cessy
Mapanlinlang na Sensasyon
92
Elijah
Ligaro
93
John Paul
Da blutut debays is konekted saksespuli
94
Raphael
Pag=mamataAs= PAGMAMATAAS
AMARYLLIS May tindig na ‘di mapasusubalian; may tayog na hindi maarok ng kanyang mga kapwa bulaklak na nagdulot ng mataas na pagtingin sa sarili.
AN= Pusa At= AN= Tig=re Ang Pusa at ang Tigre -Jayson Naglalakad-lakad sa gubat ang tigre; naghahanap siya ng ibang hayop na maaari niyang gawing hapunan nang makasalubong niya ang isang pusa. “Meow! ‘Wag mo akong kakainin, naghahanap lang ako ng daga dito sa gubat!” Tumayo ang mga balahibo ng pusa at sa sobrang takot ay nakalimutan na niya kung paano tumakbo. “Huwag kang matakot, hindi ko kakainin ang kauri ko,” sabi ng tigre. “Kauri? Kauri mo ako?” Nawala ang takot ng pusa at nagtaka ito sa sinabi ng tigre. “Oo, ikaw ay aking kauri, isa kang maliit na tigre,” sabay dinilaan ng tigre ang noo ng pusa. “Umuwi ka na sa bahay ng amo mo munting tigre. Maraming mga ahas dito, delikado para sa’yo,” paalala pa ng tigre sa pusa. Pagkauwi niya, agad niyang ikinuwento sa mga kaibigan niyang pusa ang nangyari at kaniyang sinabi… “Hindi ko kayo kauri ‘pagkat mga pusa lamang kayo at ako ay isang mabangis na hayop. Ako ay isang maliit na tigre, sabi nung maamo at malaking pusa na nakasalubong ko sa gubat. Pasalamat siya’t hindi ko siya kinain.”
12
Pride Tower -Ashley
13
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
Tao’y yumayabang sa napagtagumpayan Ngunit lahat ng ito’y hahantong sa pagiging kasaysayan Tila toreng minsa’y naging matayog Gumuho’t bumalik sa pagiging alabok.
I'M PREGNANT -Ashley Taas noo akong naglalakad patungo sa school registrar. Hindi ko pinapansin ang titig ng mga kapwa ko estudyante. Wala akong oras upang pansinin ang mga talunang katulad nila. Alam ko namang hinihintay lang nila ang mga grado nilang bagsak. Wala na akong inaksayang oras at agad na pumila. natatawa na lamang ako sa aking mga naririnig: “Yes! Naka-tres ako sa Calculus!” “Yun oh! Dos sa Physics!” “Mga talunan!” turan ko sa aking isipan. Nang makuha ko na ang aking hinihintay ay agad akong napangiti sapagkat ang aking mga alaga ay tuwid at mataas ang tindig. Ngunit tila tumaas ang aking kaluluwa sa katawang lupa nang mapansing kakaiba ang isa, BUNTIS SIYA!
Dibuho ni Carol Baguisa
14
Kaham=bugan= nN= Huwad= Kahambugan ng Huwad -Jayson Hindi ko kailangan ng relo para malaman ang oras Alam ko ang nakaraan at hinaharap Dahil ako ang nagpapaikot sa mundo Ako ang nagpapasikat at nagpapalubog ng araw Ako ang nagpapalitaw ng buwan Bilang ko at ako ang nag-areglo ng mga bituin Ako ang nagpuwesto ng mga planeta Kaya kong utusang bumagsak ang bulalakaw Kaya kong pakalmahin o paputukin ang bulkan Kaya kong pigilin ang kidlat at patahimikin ang kulog Ako ang nagtatakda ng tagsibol at taglagas, Tag-ulan at tag-araw, taglamig at tag-init Kaya kong patuyuin ang karagatan Kaya kong lunurin ang disyerto Samantalang ikaw pinahinto mo lang ang lindol Iyon na ba ang pinakamahiwaga mong kayang gawin? Patawad ngunit mas malakas ang hangin ko sa ulo kaysa sa’yo.
15
Pag=lalak=bay= nN= WalaN= Ben=dis=yon= Paglalakbay ng Walang Bendisyon -Marinella Isang hakbang, kaya ko ‘to. Ikalawang hakbang, ‘di ko kailangan ng tulong ninyo. Ikatlong hakbang, mag-isa ako. Nang umabot sa ikaapat na hakbang, minamanhid na ang paa ko. Nakalimutan ang direksyon. —saan nga ba ako patungo? Nawala sa landas na inyong nais kong tahakin. Sa kapusukan at pagmamadali, ako’y natisod at nabigo. Ang ‘di ko pala pagsunod sa mga payo at nais niyo, ang magbibigay sakin ng sugat na matagal maghilom.
Dibuho ni Raphael Policarpio 16
KISS OF abyss -Alexis I am a king with a castle of thorn Highly presented, magnificently born Embedded with heavenly pleasures Surrounded by shimmering treasures I have made my own crown Nobody can drag me down. His plate and cup is full of himself But everyone sees him as a tiny elf Trampling people like a piece of expensive cake Mocking the Word of God, telling it’s fake Little did he know, death will knock on his door Poor little proud man, sleeps right on the floor. Days pass so swiftly, months come and go Years melt away like new fallen snow Once upon a time, I was lying in a carpet of gold I should’ve been meek as a sheep and never been bold In a twinkling of an eye, lake of fire greeted me with a kiss “Welcome to your new home, sinner,” said the abyss.
17
Open Letter to our Eldest... -horiZone I hope you know how it disappointed me that you gave up on our dreams. The pressure, the weight of their expectations were all passed on me. How they expect me to be perfect and how I’m facing it all alone. I don’t want to be the smartest anymore, I don’t want to get good grades or be the brightest student they want me to be. I wish I could tell you how it feels to be the family’s pride but I think you don’t need to know because you gave that title up a long time ago before I even prepare myself to hold it. I’m an intrusive person - I want to know everything and this title is holding me back. Should I give up or should I keep on chasing pavements? Love, Adele
18
Pedes=tal= Pedestal -Jayson Mula sa tuktok ng pedestal— sa mataas na bahagi ng hirerkiya, na estado ng mga brilyante, tinanaw mo ako sa ilalim, at iyong sinabi…. Ano ang lasa ng sahig? Higaan ko’y malambot na kutson, habang sayo’y magaspang na banig. Huwag mo akong hawakan; ayokong mabahiran ng putik. Luhod! Magbigay galang sa primerang uri; paulanan mo ako ng mga papuri. Idikit mo sa paa ko ang iyong mga labi, at baka maambunan kita kahit kaunting awa, na katumbas lang ng barya.
Dibuho ni John Patrick Aguilar
19
Medal=yaN= Alay= kay= Itay= Medalyang Alay kay Itay -horiZONE “Nako kumpadre, yung pangalawa ko... aba’y presidente ng organisasyon nila sa kolehiyo. Ilang patimpalak na rin ang kanyang sinalihan at naipanalo.” Ito ang narinig kong kuwento ni papa sa kausap niya sa telepono at bakas ang galak sa boses habang nagsasalaysay. Mukhang ikinukuwento na naman niya ang mga kasinungalingang tinuran ko noong minsang kinumusta niya ang aking pag-aaral. Sa totoo lang, matagal ko nang binitawan ang kursong ipinakuha niya sa akin at ang mga napanalunang patimpalak na ipinagmamalaki niya ay ang mga sinalihan kong contest sa pagsulat—na siyang nais ko talagang gawin noon pa man. Hindi naman ako nagsinungaling nang sabihin kong ako’y nanalo ngunit hindi rin naman ako nagsabi ng totoo nang ilihim kong tungkol ito sa aking pangarap. Ngunit ang huling liham na isusulat ko ngayon na aking iiwanan ay ang huling mga salitang nais kong ipabasa na ipagkakatiwala ko kay kuya. Maaaring bukas ay wala nang maipagyayabang ang aking ama. Maaaring bukas ay tuluyan nang lumaya ang aking mga pangarap na itinago ko ng kay tagal sa kanila. Baka bukas... matanggap na nila ang tunay na ako... ang mundong aking tinago. Baka bukas. Baka... bukas. “Ano ‘yong bumagsak?!” Narinig ko pa ang boses ng aking ama at humahangos ang yabag niyang papalapit sa aking silid. “Adele!” “Hindi ito ang nais kong makitang nakasabit sa iyong leeg, anak, hindi ito.” Dibuho ni Raphael Policarpio
GumuhoN= PaNarap= Gumuhong Pangarap -Alexis “Dapat maging kaaya-aya akong tingnan” “Dapat ako lamang ang nakikita nilang mataas” “Dapat ay walang sinumang makalalamang sa akin” Mga salitang binibitawan sa harap ng salamin. Bawat kilos at galaw ng mga nakapaligid sa kaniya, Pilit hinihigitan kahit hindi na kaya. Sinisikap abutin ang tugatog ng liwanag, Inaakyat ang rurok ng alapaap. Kaniyang ibinalandra ang itim na mga pakpak. Lumipad siya ng matayog, At nilampasan ang mga mumunting maya. Wala siyang ibang inisip Kundi ang maiangat ang sarili. Ngunit hindi pa man nakalalayo, Siya’y nahulog. Mula sa tuktok, Siya’y pababang bumulusok. Ang pawang mga pakpak ay nasunog. Lahat ng kaniyang ipinagmalaki ay naglaho, Nadurog at hindi na nabuo, ‘Pagkat bumulusok pababa ng rurok Paglipad ng mataas na kaniyang pinangarap Nagunaw lamang sa isang iglap. Dibuho ni Carol Baguisa
Sa MuliN= Pag=kikita Sa Muling Pagkikita -Jayson Binisita ko ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool. Hindi niya man lang ako sinabihan. Kung hindi ko pa nabalitaan sa dati naming kaklase ay hindi ko malalaman na nakauwi na pala siya sa Pilipinas. Pinuntahan ko siya sa dati nilang tinitirahan at bago na pala ang bahay nila, napakaganda. Mula sa dating barungbarong, ngayon ay mababakas na ang pag-asenso ng kanilang pamilya. Marahil ay naging maganda ang kapalaran niya sa Europe. Natuwa ako para sa kaibigan ko. Nang makita ko siya ay halos hindi ko siya makilala, ang laki ng pinagbago niya sa loob ng limang taon. Balot ng mga alahas—mga kumikinang na singsing, relo, kuwintas, tingga. Napakagara ng kaniyang bihis kahit nasa loob lang siya ng bahay. “Kumusta? Aba sosyal ka na ah! Asensado ka na ngayon ah!� Masaya kong bati sa kaniya ngunit hindi niya ako sinagot. Niyakap ko siya ngunit pagkatapos ay nagpahid siya ng alcohol sa magkabilang braso habang tinititigan ako mula ilalim pataas. Agad din akong umalis sa bahay na iyon sapagkat wala pala doon ang hinahanap ko. Hindi kami nagkita ng kaibigan ko. Dibuho ni Ralph Deneil Mangalino
22
Pag=kaIN=git= PAGKAINGGIT
HYACINTH May katangiang katangi-tangi ngunit sa sarili’y hindi pa rin sapat. Palaging nakatuon sa anumang wala siya na mayroon ang iba.
Invidia -Nathaniel Your dim light revolves around your head “Worry not I love the thing,” you said You keep on breaking someone’s night sky Is it just because she shines as if it is her brightest light? Isn’t it ironic that you’re mad when she’s at enthusiasm? Isn’t it so weird when you call her pretty yet sarcasm? I bet apparently you laugh at this moment Watching someone chasing her fragment. You envy everything she has had You envy when she seems so glad You envy every single parcel in her shelf You envy everything, stop deceiving yourself. Little, you are meant to unveil the truth Keep feet upon sole; trim the deepest root Don’t mess up, your heart is precious, keep it pure You cannot afford to be an envious creature.
24
Wala kayo sa nanay= ko Wala Kayo sa Nanay ko -Raphael “Ang bait talaga ni mommy, binilhan niya ako ng bagong cellphone,” sabi ng isang bata. “Dabes naman mama ko, pupunta raw kami sa Disneyland sa birthday ko,” sagot ng isa pang bata. “Ikaw? Ano naman bigay sayo ng nanay mo?” Tanong nila sa akin. “Ahhh, wala...buhay lang niya,” tugon ko sa kanila. Dibuho ni Carol Baguisa
Itim na Tupa Itim na Tupa -Rachelle Patawad kung sa bawat pagsulyap ko sa’yo tanging inggit ang nanaig sa aking mga mata. Ipagpaumanhin mo rin kung sa bawat pagngiti mo ay kapalit ng pagkadurog ng aking puso. Pasensya na. Pagpasensyahan mo na ako kung naninibugho ako sa mga araw na ikinasasaya mo, dahil kapalit nito ay ang agam-agam na may halaga ba ako o mahal pa nga ba ako? Nilalamon pa rin ako ng panigbugho kahit na itatak ko sa isip ko na lahat ng bagay na mayroon ka ay mayroon din ako. Alam ko naman na kahit anong gawin ko mahigitan ka lang, ikaw pa rin ang mas matimbang sa kanila. Patawad, sino nga ba naman ako para manumbat? Natural lang naman na mas uunahin ka palagi nina Mama at Papa dahil ikaw ang tunay na anak nila.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
26
Pag=kukum=para Pagkukumpara -Jayson Madilim ang pananaw sa mundo Basag ang katahimikan sa loob ng bungo Sa pagkakulob ng ingay ng panibugho Pinamugaran ang isip ng mga pagdududa Naging libangan ang pagkukumpara ng sarili sa iba Lingon nang lingon sa kanan at kaliwa Kapag humaharap sa salamin, sa sarili’y naaawa ‘Pagkat itinuring na pamantayang dapat pantayan o higitan Sa halip na inspirasyon na dapat tularan o paghugutan Ang mga taong mayroon kung ano ang wala sa kaniya Kaya namuhi sa sarili habang nahumaling sa iba At sa lungkot na walang kongkretong rason ay ‘di makawala.
27
Sana Ol= Sana All -Alexis
Nagbabantay na naman ang araw Pinainitan ulit ang aking balat Maaliwalas ang mala-dagat na kalangitan Sabi ng kuya ko habang kami’y naglalakad. Tila nagpapatintero ang madla sa liwasan Ibat-ibang tao ang tumataya sa amin Mayroong mapuputi, maiitim, matatangkad at pati raw pangit Iyan ang sabi sa akin ni kuya. Pinapangarap kong umalis sa madilim na mundo, Gusto kong masilayan ang liwanag ng sanlibutan. Minsan kasi hindi ko na maintindihan ang inilalarawan ni kuya, Gusto ko ring makakita kagaya niya.
Dibuho ni Carol Baguisa 28
Windows of the Soul –Elijah “Damian! Have you heard the news?! Your favorite band will be performing here in Manila!” My sister Mariel said. I shift on my bed, eyes still closed. “Yes, I have. And I already bought tickets for us,” I said, half asleep. I wasn’t really into going to concerts. People are too loud, the venue is crowded and I don’t really see the point of attending one. But when I heard that my favorite band will come here in the Philippines, I know I have to go. This is their first time coming here, and it’ll be my first time going to a concert. I told my friends about this. They were jealous of me. They kept saying how lucky I was, or they could’ve joined me only if their schedule won’t tight or if they had money. I just said, “It will be fine. I’ll be with my sister.” Two weeks have passed, this is the day that I’m waiting for. My sister guided me in the place and we sat on our seats. As expected, it’s loud, crowded, and smelly. People started cheering and my heart beats faster. They are here performing on the stage. I can hear them. Their voices are like angels pouring their hearts out through singing smoothly and calmly. I try to enjoy the concert to the fullest but I keep on remembering how jealous they are of me. Shouldn’t I be the one to be insecure to them? Because even if I attend the concert, all it could ever be is I listening to a radio with people around me. It’s really nothing special. I just wish I could see them too and that would make this moment more special.
Panahon= N= Anihan= Panahon ng Anihan -John Marf Kaban-kaban ang ani ng kabilang bukirin na nakipagsapalaran Kaya nagmamaktol ka ngayong panahon ng anihan Ikaw na takot mamuhunan ng malaki at malugi Nagtanim ka ng kaunti gayong gusto mong umani ng marami.
30
Hanging Bridge -Alexis She is a flower Surrounded by thorns No one can destroy her Not even the storms. Like a diamond Its crimson color shines brightly You can see its beauty Even in the dim light. I am a leaf, just her background Lifting her up, making her standout. When will I be your focus? When will I become her? I’m tired being a bridge, that connects the two of you.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
31
Rosas= At= Tinik= Rosas at Tinik -Alexis Isa kang kaibig-ibig na pulang rosas, na may nakahahalinang makikinis na talulot. Iniluwal kang isang prinsesa, namuhay kang masaya at tampulan ng paghanga. Ako ay isang tinik, na naninibugho sa iyong postura. Sana ako’y isa ring bulaklak, at hindi nagpapanggap na matikas.
32
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
Kagan=dahan= At= Kasiyahan= Kagandahan at Kasiyahan –Elijah Maganda. Maputi. Makinis. Sa pisikal na aspekto ay masasabi kong pinagpala ako Gayunpaman, ‘di ko pa rin mapigilang tumingin sa iba Hindi sa hugis ng katawan o sa kutis nila, Kundi sa matamis nilang ngiti. Sana’y nakangingiti rin ako tulad nila Ngiting totoo at hindi mapagpanggap. masaya.
33
Dibuho ni Raphael Policarpio
Solar Eclipse –Alexis My name is Moon I live my entire life in the vagueness of the universe Aspiring to be like Sun, that wakes in the morning, and gives beam. Oh Sun, you are the beacon of hope that possesses the rays of light You shine the brightest Everybody loves your vibrant smile. I am Sun, the one you envy I live my life to the fullest My brightness can be an anticipation Yet, dreaming to hide in the dark. Oh Moon, you are the firmest natural satellite Beautiful in every phase you have You know all the stories of everyone How I wish people can trust me with their secrets too. 34
Galit= GALIT
PETUNIA Ang sinisimbolo nito’y poot o matinding galit. Nakapapaso ang dugo at may nais suwagin sa mga tumubong sungay.
BinutasaN= Noo=O Binutasang Noo –Jayson
Bumangon ang mga balahibo At gumapang ang mga butil ng pawis sa noo. Magdadasal? Papalag? Magmamakaawa? Alin man sa tatlo ay walang magagawa. Kalagayan ay isang dangkal na lang, ang distansya sa kalalagyan Kasing lapit ng nagsasalamin na bakal sa noo na kumikinang. Sa pagkislap ng bibig ng bakal, na may panandaliang tunog na umalingawngaw, Ang naliligo sa pawis kanina, ngayon ay sa dugo na.
Dibuho ni Carol Baguisa 36
Bunutin= sa dib=dib= Bunutin sa Dibdib -Author Bunutin ang itinanim. Siguraduhing walang matitirang ugat na nakakapit diyan sa dibdib mo sapagkat sinisipsip nito ang iyong ligaya. 'Wag mong hayaang yumabong ng yumabong at mamunga ng maitim na hangarin. Maginhawang huminga nang hindi masukal ang dibdib, nang hindi hinanakit ang pinipintig ng puso. Masarap gumising nang walang misyong saktan ang iba dahil sinaktan ka nila. Magaang mabuhay nang walang kinasusuklaman. Sadyang sensitibo ang damdamin na dapat ipasakop sa mapagpasenyang kaisipan. Bawat atrasong natamo ay ipaanod sa lawak ng pang-unawa. Bawat sama ng loob ay ipalamon sa pag-ibig. Pagpapatawad ang makabubunot sa galit na siyang nagpapaikot sa siklo ng paghihiganti.
37
The Will of the Moon –Alexis I cast upon you the blades of hatred Blinded my eyes with cloud of darkness It’s suffocating seeing you smiling Hating every inch of you is what I love That’s why I summon the moon to give me ultraviolet lights that will kill you little by little How I wish you would vanish.
38
PulaN= Bes=tida Pulang Bestida -Jayson Binuksan ang lumang aparador na niyayakap na ng alikabok. Sumingaw ang amoy ng alkampor sa paghalukay ni Melda ng kaniyang mga lumang damit. Naroon din ang mga damit ng kaniyang asawa bagamat wala nang nagsusuot sa mga ito. Kinuha niya ang kaniyang bestida at isinuot matapos plantsahin. Matingkad ang pagkapula nito, kasing kulay ng dugo at nagngangalit na apoy. Napansin ito ng kaniyang anak, “Ayy iba, bagay sa’yo ‘nay! Pero bakit ka po nagsuot ng pula ngayon, diba ‘di ka naman mahilig sa pula?” “Basta anak, dadalawin ko lang yung umagaw sa tatay mo, lamay niya ngayon.”
Dibuho ni Dean Daniel Mempin 39
PautaN=-Ina Pautang Ina -Cessy Ramdam na ramdam ko na nais kumawala ng bagay na pumipigil sa aking paghinga. Tila gustong sumabog dahil sa hirap na nararamdaman ng aking kalooban. Nais tumulo ng luha sa aking mga mata dahil sa sama ng loob. Apat na buwan ko iyong pinag-ipunan para may ipambili ng bagay na aking matipuhan, ngunit bigla na lamang nawala. Sa isang iglap, naglaho rin itong lahat. “Kinuha ko muna ang ipon mo,� aniya. Nagalit ako at nagdabog. Nagkasagutan kami ng masasakit na salita, ngunit wala akong nagawa dahil nakuha na niya ang aking pinag-ipunan upang hindi manghingi ng pambili sa kanya. Aba, pautang ina talaga.
Dibuho ni Lanch Lenard Delos Santos
40
Damit= LaN=? Damit Lang? -cessy Ang tunog ng ulan na tumatama sa bubong ang tanging naririnig ko sa malamig na gabing ito. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang lamig ng hangin. Lalo akong nalulungkot sa mga nangyayari. Bakit parang ako na lamang ang parating masama? Ako na nga ang nagawan ng mali, ako pa ba ang dapat magpakumbaba? Nag-away kami ng aking kapatid ‘pagkat hiniram niya ang aking paboritong damit at pagkasauli niya ay may butas na. Hindi ko napigilang hindi sumigaw sa inis. Ang damit na iyon ang unang mamahaling damit na bigay ni tatay sa akin. “Huwag ka na nga hihiram d’yan ng gamit. Akala yata ng ate mo prinsesa siya dito sa bahay,� sabi ni nanay kanina at dinig na dinig ko pa. Nilunok ko ang bagay na namumuo sa aking lalamunan at pinunasan ang tubig na tumulo sa aking mga mata. Hindi man lamang siya nanghingi ng pasensya. Hindi ko ito malilimutan at hindi ko na siya muling pahihiramin.
41
In the Name of the Father and Son –Bernadette Kasing talim ng hinasang patalim ang tingin Nanginginig buong katawan sa gitna ng dilim Mula sa siwang ay kitang-kita ko ang poot sa kaniyang mga mata Tila ba natutuwa habang si ama ay nagdurusa. Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang pag-agos ng kaniyang dugo Tila ba namanhid ang aking puso Malakas ang sigaw ngunit hindi ako makarinig Hanggang ang puso ni ama’y huminto na sa pagpintig. Humandusay siya at ako’y napaupo sa pagod Sumandal at naramdaman ko ang salamin sa’king likod Hinarap ko ito at nagimbal sa aking nakita Repleksyon ng dugo ngunit masaya sa ginawa. Patawad, ngunit hindi ako nagsisisi Tikman ang hagupit ng aking paghihiganti Hiindi mo na ako muling masasaktan Dahil paglalamayan ka na kinabukasan.
42
WalaN= Kalimutan= Walang Kalimutan –Jayson
‘Di ko alam kung saan ka naroroon, marahil ika’y nagkukubli sa kung saan iniisip mong ‘di ka maaasinta ng trahedya. Gayunpaman, hinding-hindi naman kita malilimutan lumipas man ang panahon. Malabo kang mabura sa alaala ko kung saan ka malalim na naka-ukit. “Matagal ka nang hindi nagpapakita. ‘Wag kang mag-alala, ipagdadasal ko ang kalagayan mo,” sabay putok ng hawak kong baril na nakatutok sa langit. Lilipad ang bala pataas hanggang maabot nito ang pinakamatayog na kaya nitong marating bago bumulusok pababa.
Dibuho ni John Patrick Aguilar
43
Bloodshot –Alexis Dark eyes peer at soul Bloodlust present in the gaze Danger arises Metallic blade glints. How could you do that? Gaze at a limp body Swiftly and silently slashed Crimson fluid trailing down.
Dibuho ni Ralph Deneil Mangalino
44
Sa Pag=dilim= N= PaniNin= Sa Pagdilim ng Paningin –Elijah “T-tito… sorry po, ‘di ko po sinasadya.” Nakayukong sabi niya sa’kin. Kitang-kita ang panginginig niya dahil sa takot. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Pati ako ay nanginginig ngunit ‘di dahil sa takot, kundi dahil sa pagkainis, pagkairita at pagkapikon. “Sinabihan na kita, pero, ‘di ka nakinig. Sinabi ko nang lumayo ka sa anak ko diba?!” sigaw ko sa kaniya. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagdilim ang paningin ko at ‘di ko na alam ang nangyari. Nang ako’y nahimasmasan, pula na ang tumambad sa’kin at bigla akong napabitaw sa hawak na patalim.
45
Sa N=alan= nN= Pag=titim=pi Sa Ngalan ng Pagtitimpi -Daniel ‘Di ko na mapigilan ang bugso ng damdamin Hindi ko na ito kaya pang kimkimin Sawang-sawa na ako, paulit-ulit ang sakit na pinadarama Pisikal man o emosyonal, ayoko nang masaktan pa Punit-punit na ang aking puso, isip ko’y gulong-gulo. Panahon na para ako’y bumalya Hawak ang patalim sabay tarak sa kaniya Ngunit sana ganoon lang kadaling gawin, na magpadala ako sa damdamin at ika’y paslangin Pero mahal ko si ina, kaya hahayaan na lang kita ama.
Dibuho ni John Patrick Aguilar
Katamaran= KATAMARAN
POPPY May taglay na opyo na nagpapahupa sa enerhiya at nagiging katumbas ng indolensya. Hindi mapag-alay ng pawis at lakas ‘pagkat kinamumuhian ang mapagod.
Dibuho ni John Patrick Aguilar
Rek=ta sa Muk=ha, Bali AN= LeEg= Rekta sa Mukha, Bali ang Leeg –Jayson
Sabik sa prutas ngunit ayaw pumitas Humilata na lang sa lilim ng punong bayabas Subalit hangin ay bumayo nang malakas At sa wakas… ‘Di na katulad ng nakasanayang istorya ‘Pagkat nahulog ang bunga, nunit kasamang bumagsak pati ang malaking sanga. 48
Rek=lamo N= Mata, P=rob=lema N= Isip= Reklamo ng Mata, Problema ng Isip -Elijah Masayang naglalakad si Aling Rem sa kanto kung saan nakahilera ang apartment na tinitirahan ng kaniyang anak na si Misa. Pagdating niya sa harap ng pintuan sa kuwarto ng anak niya ay kumatok siya ng tatlong beses, ngunit walang sumasagot kaya napagpasiyahan niyang gamitin na ang kaniyang ekstrang susi upang makapasok. Pagpasok niya ay sumalubong sa kaniya ang patung-patong na damit na nasa upuan na tila di na malaman kung ang mga ito ba ay malinis o hindi. Nakatambak din sa lababo ang marurumi at gamit nang mga plato na nagsimula ng umamoy sa buong kuwarto, at ang maingay na tunog na nanggagaling sa computer ng anak niya habang naglalaro ito. Tila ‘di man lang nito naramdaman ang presensya ng kaniyang ina. Agad na nag-init ang ulo ng kaniyang ina. “Misa! Napakakalat naman ng apartment mo!” Sigaw niya sa anak niyang ngayon lang napansin ang kaniyang presensya. Tiningnan siya sandali nito at bumalik na sa paglalaro. “Mama? Bakit hindi mo sinabing bibisita ka?” Sagot sa kaniya ni Misa na sandali lang siyang tiningnan at ibinalik na ulit ang pansin sa nilalaro. “Wala kang kuwenta! Ni hindi mo man lang malinis ang tirahan mo! Kung alam lang namin ng Papa mo na ito lang ang gagawin mo kaya ka bumukod ng bahay ay hindi ka na sana namin pinayagan!” Galit na sigaw niya sa kaniyang anak. Hindi naman sumagot si Misa at ipinagpatuloy lang ang paglalaro. Sa inis niya ay iniwan na niya ang kaniyang anak. Isang linggo ang lumipas at napagdesisyunan ulit ni Aling Rem na bumisita sa kaniyang anak. Tulad ng dati ay sinalubong siya ng maruruming damit at plato, ngunit wala na ang ingay kaya naman nilapitan niya ang kama ng kaniyang anak. Pulang-pula ito kaya agad na kinabahan si Aling Rema at dali-dali niyang inalis ang kumot na nakatalukbong sa kaniyang anak. “Anak, bakit ‘di mo sinabi na kaya ka pala tamad sa mga bagay-bagay ay dahil tamad ka na ring mabuhay,” sambit ni Aling Rem habang humahagulgol.
Dibuho ni Carol Baguisa
Dysphoria -Rachelle Just like the good old days, all I want is to express myself. I want to write the things that is bragging on my mind, but my hands barely hold the pen. I want to utter words that I’ve been longing to say, but my mouth refuses to speak as if I’m losing words and courage to declare. I want to travel somewhere far, but it seems that I’m stuck right here. I just wanted to enjoy life but it seems that things aren’t the same. I always have this gut feeling that something isn’t right, something must be done right now. But how can I? If I’m lacking determination and inspiration because of this toxic life? How can I? If I just see myself as words written on the sand slowly losing its value as waves crashed in it. Well, I guess being unwell will cause me to get drown on my own slothness. 50
Hinag=pis= N= NawawalaN= Kasipagan= Hinagpis ng Nawawalang Kasipagan –Alexis Upo rito, upo roon Higa rito, higa roon Iyan na lamang ba ang kaya mong gawin? Bakit hindi man lamang magawang igalaw ang sarili? Bakit hindi man lamang humanap ng mapaglilibangan? Umaawit ang iyong higaan Napakatamis bang pakinggan ng kaniyang tinig, Kung kaya’t hindi mo na kayang umalis? Inaalok ka ng iyong upuan Mabulaklak ba ang kaniyang mga tinuran? Upang ika’y manatili na hindi ikilos ang katawan. Nananaghoy ang mga papel at panulat Bakit hindi man lamang sila magawang hawakan? Tumatangis ang mga bulsa ng iyong lumang seda Kahit mga barya’y nilisan ka na at hindi na bumalik pa Naghihinagpis ang kasipagang iyong tinalikuran, nang dahil lamang sa mga bagay na walang kabuluhan. Ang mga pagkain ay hinihintay na dumating Oh kaibigan, hindi lalakad palapit sa iyo ang iyong kakainin Kailangan mong magtrabaho, magbanat ng buto Gisingin ang nahihimbing na pagkatao, ika’y kumilos. Katamaran ay walang dulot na mabuti Ni hindi mo ikalalago kung ika’y mananatiling walang alam Ibalik mo ang iyong nawawalang katauhan Wala namang ibang makikinabang ng iyong pagpapaguran, kundi ikaw lamang.
51
HabaN=buhay= na SaN=gol= Habangbuhay na Sanggol -Jayson Kalyo ng ama ay ‘di matanggap na manahin Bakas ng narating ng ina ay labag sa loob na sundin ‘Di nais malagay sa bukid, maging sa opisina Buhay ay umiikot sa silid, higaan at kusina. May nais na marating ngunit ayaw na lumakad Walang direksyon, ni hindi umuusad Tila matagal nang marunong lumipad, ngunit nagpapalimlim pa rin sa pugad. Tumutuka nang ‘di kumakahig Buto’y ‘di nababanat Wari’y sanggol na sa magulang nagpapabuhat Nahumaling sa lasa kaya ‘di na pinunasan ang gatas sa labi Akala mo ba’y walang katapusan ang kanilang pananatili?
52
Paralisado Paralisado –Jayson Naigagalaw at hindi putol ang mga kamay at paa, kumpleto rin ang mga daliri. Maayos ang pandinig at malinaw ang mga mata. Hindi madaling hingalin at mahilo. Sayang, hindi mo naman pala susulitin. Sana ikaw na lang ang nagkaroon ng palyadong katawan. Kahit wala kang kapansanan, daig mo pa ang paralisado.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin 53
KagigiAn= ni AteN= Kagigian ni Ateng -Jocelle Walang humpay na sermunan, pilitang walang katulad. Ayaw kasi talagang bumangon ni Ate sa higaan niya para kumilos. “Bakit ba kasi ayaw mong pumasok bata ka? Yung ibang mga bata, mga apurang-apura gumayak. Bakit bukod-tangi kang ayaw mong kumilos?” Nanggagalaiting tanong ni inay sa kaniya. Nagtalukbong na naman si ate ng kumot. Si inay naman ay patuloy sa panenermon. Siguro ay nakulili na ang tenga ni ate dahil sumagot na rin siya at bumangon, “Nay, ayaw ko nga pong pumasok. Biyernes na!” ang pilit pa ni ate kay inay. “Yun nga ang problema, bakit ba tuwing Biyernes ay ayaw mong pumasok na bata ka?” dakdak ni inay. “Napakatamad mo sa pag-aaral, bakit ba ganyan ka? Napakamalas ko sa’yong bata ka!” dagdag pa na sermon ni inay. “Nay naman, huwag ninyo akong pilitin. May math nga po kami ngayon! Ayaw ko nga hong pumasok sa Math!” paiyak na sigaw ni ate.
54
To Rest or Be The Best? –Angelica How will you succeed, If you never believe? Change your words into action, and put your dreams into motion. Walk away from your comfort zone, and start to stretch up your bone Don’t just sit on your usual place, stand up and play your race. Tear off that idleness of yours, and start to make your sweat pour Don’t limit yourself to do things, ‘cause you might contribute to everything. Be the best or do the rest? Freely choose to open the chest Get up, think, speak and fight Let’s give what others deserve, the rest.
Dibuho ni Carol Baguisa
In=dolen=teN= Masa Indolenteng Masa –Jocelle Nakahahawa, tumataas ang bilang ng dinadapuan Mga taong umaasa na may maaasahan sa isang abutan.
Subukan nating magsimula sa huli, malamang pagsisisi ang magwagi Malubhang sakit ang ating iniwi, kagigian na siyang ikinukubli Salot sa lipunan yaong mga batugan, walang humpay na pagdadahilan Palusot ay walang tigil na nagsusulutan, gobyerno ang ginagawang sangkalan.
Ninanamnam ang bawat saya ng paghalik sa kanilang higaan Gayon na rin ang matinding kapit at yapos sa mga unan Kailan kaya ang sangkatauhan ay kikilos at gagawa ng paraan? Kapag kaya sakit ay wala nang kalunasan at sikmura ay hindi na malamnan? O kapag ang sangsang ng alingasaw ay ‘di na matakpan?
Kahirapan ay sa nakatataas isinisisi, subalit namumuno nga ba ang walang silbi? O ang mga mamamayang nananatili sa tambayan?
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
56
Sin=kuEn=ta, WalaN= k=wen=ta Singkwenta, Walang Kwenta -Cessy Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos ng ika-limang utos ng aking kapatid. Dapat ay inaaral ko na lamang ang aming aralin dahil may pagsusulit kami bukas, ngunit mas pinili ko siyang sundin. “Kalma, kalma,” bulong ko sa aking sarili bago muling pumasok sa aming tahanan. “Hoy Makoy, ano to? Kulang ‘tong sigarilyong pinabili ko. Hindi ba ang sabi ko kalahating kaha? Bakit tatlong piraso lang to?” Nanggagalaiting reklamo ng aking kuya. Marahan akong napakamot sa aking batok upang maikubli ang inis na nadarama sabay sabing, “kulang yung perang pinadala mo, Kuya.” “Anong kulang? Singkwenta pesos yon!” Bulyaw niya sabay sipa sa upuan sa aking harapan. Tinamaan ako sa binti kaya naman tinamaan din ng lintik ang aking kalmadong kalooban. Mula sa pagiging mahinahong tibok ng aking puso ay tila naging masiglang kuneho ito sa bilis ng pintig, siguro dahil na rin sa pagod ng parit-parito ko sa bahay at sa tindahan. “Bente pesos nga lang ang bigay mo,” giit ko sa kanya habang pilit na pinahihinahon ang pananalita. “Bwisit kang bata ka, saan mo dinala yung trenta pesos? Pinambili mo siguro ng oftdrinks hano? Ahh hindi, matagal kang nawala kaya siguro pinang-computer mo, hano? Hindi ka talaga maaasahan, minsan ka na lang utusan palpak ka pa,” Reklamo pa niya. “Ah talaga? Ganon naman pala eh. Bakit hindi ikaw ang lumakad ng malayo tapos bumili ka ng sigarilyo mo? Teka, heto ang isang daan, sunugin mo ‘yang baga mo kahihithit ng sigarilyo mo hanggang mamatay ka na. Singkwenta? Ikaw nga walang kwenta dahil tambay ka na nga lang sa bahay, palamunin ka pa ni nanay. Ang lakas ng loob magpabili ng sigarilyo, akala mo yung pera ay galing talaga sayo, eh nangungupit ka lang naman ng pera kay tatay.” Nais ko sanang sabihin sa kanya ngunit sinarili ko na lamang pero tinadyakan ko yung upuang sinipa niya para bumalik sa kanya yung sakit ng tama nito sa akin kanina.
57
Napapagod= din= aN= Tamad= Napapagod din ang Tamad –Elijah Mga nilamukos na papel na natutulog sa sahig Nakatambay ang mga damit na ‘di pa nalabhan Nang-aakit ng mga langaw ang mga platong ‘di pa nahuhugasan Napalilibutan ako ng mga kalat at dumi Ngunit pakiramdam ko’y ako mismo ang basura Tamad daw ako, marahil tama sila Ngunit pagod rin ako Pagod na akong huminga Kaya tinatamad na akong mabuhay. Huwag naman sila! Sabi nila Matatapos din ang lahat. Lahat ng katamaran.
Dibuho ni Raphael Policarpio
58
Kasakiman= KASAKIMAN
DAFFODIL May putong sa ulo na animo’y siyang pinakamakapangyarihan; may ‘di maikukumparang pag-ibig sa sarili. Ang kanya ay sa kanya lang at ang sa iba ay sa kanya rin.
NamanaN= Dusa Namanang dusa -Baby D Karit dito, karit doon Swerte na ang dalawang daang pisong maiuuwi ko Mamamatay yata ako nang dilat, at ang ginhawa ay ‘di na matatamasa ‘Pagkat nakikitanim lang ako sa sarili kong lupa Sa bukid na pamana sa’kin ng ama ko, na ibang tao ang nakapagpatitulo.
Dibuho ni Carol Baguisa
60
DalawaN= An=yo nN= Pag=kamakasarili Dalawang Anyo ng Pagkamakasarili -Jayson Isang nais mapasakamay ang hawak ng iba at isang ayaw mapasakamay ng iba ang hawak niya. Ano ba ang pinagkaiba ng ‘di marunong mamahagi at ng garapal kung manghingi?
61
Sa Amin= na to Sa amin na ‘to -Baby D Alas-dyis impunto Sa gitna ng tirik na araw ay nagkakagulo Ganitong tagpo ang araw-araw kong nasisilayan Mga sibilyan at mga naka-uniporme ang nagbabalyahan. Silang mga tumira sa bahay na ‘di sa kanila Hangad na mapasakanila ang para sa iba Pinanghahawakan ang mga salitang “‘di kami susuko” Humantong man sa pagdanak ng dugo. Maayos na dingding, haligi at bubungan na sa mga sundalo ay dapat nakalaan Ngunit sino ang nasa loob ng mga pabahay? Tila nagsanib-puwersang mga anay.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin 62
WalaN= sa tin= Walang sa’tin -Jayson Hahayaan kitang makipitas ng bunga at makililim sa puno na aking itinanim Hahayaan kitang makiigib at uminom ng tubig mula sa hinukay kong balon Hahayaan kitang makisilong sa inalwagi kong bubong Hahayaan kitang makikain ng kanin na aking isinaing. Papasanin pa kita sa balikat ko Libre lang sumandal sa braso ko Ibabahagi ko sa’yo ang sikreto ng mundo Iilawan kita gamit ang bumbilya sa ulo ko Hindi ako mag-aatubiling mag-abot Maski sarili ko’y ‘di ko ipagdadamot ‘Pagkat wala naman tayong tunay na ari-arian Ultimo buhay natin ay hiram lang.
63
SaradoN= Palad= Saradong Palad -Jayson Ganito na ang naging kalakaran Pag-iral ay nakatuon sa sariling kapakanan Sabik magkaroon ang takot mawalan Kinukulong sa palad ang kapaki-pakinabang Kaya ang pagbubukas-palad ay katangahan At tanga lamang ang nais magpakatanga Dahil bakit pa nga ba bibitawan ang mahalaga Para lamang ito ay mapulot ng iba?
64
Pag=-IliN= N= Kabutihan= Pag-iling ng Kabutihan -Raphael Maaga akong naulila sa aking ama at ina. Wala na rin akong mga kamag-anak kaya nagpagala-gala na lang ako dito sa Maynila. Wala naman akong mapasukang trabaho dahil sampung taon pa lang ako. Ayaw ko man, mahirap man, wala naman akong magagawa kundi mamalimos upang mabuhay ang aking sarili. Nakakita ako ng grupo ng mga tao, nilapitan ko. Inihanda ko ang aking mga sobre at sabay sabing,“Kuya, Ate, kaunting tulong lang po.” Sa dami ng tao na yon, sa dami ng taong may kaya sa buhay, sa dami ng taong sobrang yaman, iisa lang ang sagot sa akin. “Pasensya na, wala akong barya.”
Dibuho ni Dean Daniel Mempin 65
Guns and rices -Hazel I feel empty, even when everything was given to me. I feel empty, that's why I have all the rights to get what is yours. I am starving, so I will steal your food and wave off your complain. I am tired, can I not work all day and still get paid? I want power. I want to control everyone, But where is the bliss? Bliss is in wealth, in gold and in the trigger of the gun I hold.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin 66
Hid=hid= Hidhid -Jayson Isipan ay pinamahayan ng pag-iimbot Malakas manghablot habang makunat mag-abot Masigasig sa pagkabig paloob ‘Di naman interesadong maghandog Tutukain ultimo ang ‘di niya kinahig Matutuyo ang balon ‘pag siya ang nag-igib Mauuhaw ang lahat at siya lang ang may tubig Ubos ang dugo kung siya ang kuto sa anit Katauhan na ang sukdulang pagkaganid Kung sinong mapang-asam ay siya ring mapagkait.
67
S=k=l= Napulot na Biyaya -Angelo Alas-syete ng gabi, pauwi ako galing sa trabaho. Pagkasakay ko sa bus ay may nakita akong babaeng namumugto ang mga mata kaiiyak. Pinagmamasdan ko sila habang nag-uusap sila ng konduktor. “Kuya, sana pagbigyan n’yo na kong makisakay. Nawala talaga ang pera kong pamasahe, ‘di ko alam kung paano ako makauuwi,” saad nito. Napag-alaman kong nawalan ng limang daang piso ang kawawang babae na gagamitin niya sana bilang pamasahe at pambili ng pagkain. Natuklasan na lang niya na nawawala ito nang makaakyat na siya ng bus. Naawa ako sa sitwasyon ng babae kung kaya’t binigyan ko ito ng dalawang daang piso. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng babae. Mabuti na lamang at nakapulot ako ng 500 piso bago ako umakyat ng bus.
68
Forgotten Principle due to Treasure -Angelica Looking at your endless property With your supporters in this society I feel empty because I never had the chance, to bring someone into lunch. You have a bizzare place to step in Storm and strike came in Seeing you from afar, smiling and claiming victory while here we are fighting against poverty. You see me standing under the heat of the sun, while you are sitting on your branded car I bend my hand for help, but you rejoinder me with a blast of beep. I have an untouchable treasure, but you think I get it with pleasure I speak up for poverty to end, but you bring cops, and wants me dead.
Dibuho ni Ralph Deneil Mangalino
69
Grasping for Life -Rachelle I’m out of poems to write, out of words to define How our world turns into gruesome fate, yet, we are just tired from bullshits and crimes. Wherein hypocrisy is the new democracy, that wealth is more valued than life Gun has the grip of one’s life Positions are as necessary as breathing. Social class is a must! Where prominent names are praised And Caste System is a basis, for those people who wanted to reign. Money is power! A devil poses material that can rule It is the ruler of all rules in our society Gain money for you to live and that is where people hold on and believe. Hence, we are forced to accept the reality. That life is not what it used to be Wake up and move for an action To end those avid fans of greed.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin 70
Katakawan= KATAKAWAN
HONEYSUCKLE May matamis na nektar na nakatatawag-pansin, gaya ng pagkain na sa tao’y nagpapadayukdok sa kung anumang mailalaman sa tiyang hindi nabubusog.
MaligayaN= Pis=ta! Maligayang Pista –Jayson Nagkukumpulan ang mga nagdiriwang ng pista, handang pagkain ay dinudumog nila. Hanggang sa may dumating na bisita, nakisalo kahit ‘di inimbita. Lahat ay kaniyang masisikmura, alang-alang sa halang na bituka niya. Nabulabog at walang natira sa pista, ‘pagkat inubos ng batang grasa ang naninilaw na bahaw, doon sa basurahan ng karinderya— na pinagpipistahan ng mga langaw.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
72
Father’s Sacrifice -Angelica You are sitting on the bench because it is time for lunch Bunch of fries and pies on your lap while I see everyone laughs. Everyday scene like that continues Same spot and same time, you’ll have your food I always look from afar, watching you feel good It’s satisfying to hear you burp, as a sign you’re full. I’ll stand to walk, stretch my bones to see you full once again The day ends, and I dropped by the near store for me to buy your favorite foods. Sunshine shows up once again, and so you bring everything again You happily wave at me saying you’re going to school already I go to the cupboard and saw one biscuit from the bunch of paper bags With it in my pocket, I walk to go to work, even if my stomach is not really ready.
73
Resul=ta N= Dasal= Resulta ng Dasal -Jayson Namimilipit sa gutom at naiinip na si Saldy sa kahihintay sa kaniyang itay. Uminom na lang muna siya ng tubig upang kahit papaano ay maibsan ng bahagya ang kaniyang gutom. Kapana-panabik para kay Saldy ang bawat hapunan nila—hindi dahil sa sama-sama silang kumakain, kundi dahil ito na rin ang kanilang almusal at tanghalian. Isang espesyal na tagpo para sa kaniya na minsan lang sa isang araw nangyayari. Nang dumating na ang kaniyang itay ay nabuhayan ito ng diwa. “Nay, nandito na si itay, makakakain na tayo!” Agad niyang sinalubong ang kaniyang itay at kinuha niya ang bitbit nitong isang supot ng pagkain. Ang kaniyang ina naman ay agad naghanda ng plato sa sahig. Nang maihain na ang pagkain, kapwa nila itong tinitigan. Ang kanilang mga mata’y waring nagtatanong kung paano sila mabubusog sa isang plato ng pansit. “Pasensya na, ito lang ang kinaya ng aking pera. Dumami na rin kasi ang mga nangangalakal dun sa tambakan ng basura kaya kaunti na lang ang aking nakalakal at kinita, magtiis na lang muna tayo,” sabi ng kaniyang itay. Hindi na naghugas ng kamay si Saldy at agad na dumakot ng pansit ngunit tinabig ng kaniyang inay ang kamay niya. “Ano ba nay, gutom na gutom na ko!” “Saldy, anak, kahit kakarampot lang ang nakahain, kailangan pa rin nating ipagpasalamat sa Diyos ang biyayang ito. Parang hindi ka namin tinuruan ng itay mo na magdasal bago kumain,” sermon ng kaniyang inay. “Pasensya na ‘nay, bihira lang naman po tayong kumain kaya nakalimutan ko. Bilis na nga, ‘di na ko makapaghintay, kumakalam na talaga tiyan ko ‘nay,” tugon ni Saldy. “Sige nak, magdasal na tayo at nang makakain na,” sabi ng kaniyang inay at sila’y pumikit na at pinangunahan ng itay ang pagdadasal. “Basbasan mo Panginoon ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Nawa ang pagkaing ito ay hindi lamang magbigay ng lakas pisikal kundi pati na rin lakas espiritwal. Ito ay dinadalangin namin sa ngalan ni si Hesus aming Panginoon kasama ng Diyos Ama at ng Espiritu Santo. Amen”. Pagkatapos magdasal ay unti-unti silang dumilat—ngunit laking gulat ng mag-asawa nang makita nilang wala ng laman ang plato maski isang hibla ng pansit.
bum= Panis=! Boom Panis! –Cradle Star “Fren dahan-dahan naman sa pag-lafang! Hindi ka mauubusan! Kababaeng tao mo teh!” talak ni Jessica. “Hay nako frenship, July 29, 2019 na! Hindi na uso ang dalagang Pilipina lalo na’t gutom ka!” bulalas ko. Patuloy lang ako sa pagkain nang mapansin kong nakatingin ang aking kaibigan sa pagkain ko. “Gusto mo?” alok ko. “A-ah-ah Hin-d-de! Tingnan mo yung lalagyan.” Tila tinakasan ako ng bait sa aking nakita sa lalagyan ng aking pagkain. EXP: AUG 22 2018
Dibuho ni Carol Baguisa
Buhay= Lan=saNan Buhay Lansangan –horiZONE Hindi masikmura ng iba ang panlamang tiyan nila Sinusunggaban kahit tinik ng tinapa ‘pagkat huli nilang kain ay matagal na. Angilan para sa buto ng bulalo na ihinagis mula sa lababo Tila naghihintay ng grasya o ng amo na aampon sa kanila.
Dibuho ni John Patrick Aguilar 76
Walwal= Pa Mor= Walwal Pa More –cessy
Tawa, halakhakan, ingay ng kuwentuhan at ang malakas na tugtog galing sa videoke ang bumabalot sa madilim na paligid. Kaarawan ni Pareng Mario ngayon at mayroong kaunting salu-salo. “Tagay pa pareng Allan!” Sabi sa’kin ni Pareng Isko na isa sa mga kainuman ko. Kagagaling lang niya ng inuman kahapon at noong isang araw sa bahay ng iba pa naming kainuman. Nilagok ko ang alak. Heto na naman ang kakaibang sarap na lasa ng inuming ito. Naghahalo ang tamis at pait na sobrang tapang na halos sumunog sa aking lalamunan. Blaggg! Napalingon kaming lahat kay Pareng Isko na nakasubsob ngayon sa lamesa. “Lasing na?” Tumatawang tanong ni Pareng Mario. Tinapik ng isa naming kainuman si Pareng Isko ngunit parang nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa pagkaputla ng kanyang mukha. “P-pare, parang hindi na siya humihinga!” Nauutal niyang saad at lahat kami ay nagkagulo.
77
Lohika Nn= Kanin= Lohika ng Kanin –Jayson Sa fast food chain, nakakailang balik na sa’yong lamesa ang service crew na may dalang timba ng kanin Masyado mong sinusulit ang ‘yong binayad, nahumaling kang sobra sa unlirice na konsepto. Unlirice Wala lohika na termino! Ilusyon na tila sinasabing imortal ang mga magsasaka. Sana nga, kaso hindi Walang imortal na namamatay sa gutom. Ironya Kung kanino pa nanggagaling ang bigas Sila pa ang walang laman ang kaldero at plato Samantalang ikaw na wala sa bukid At naka-aircon sa loob ng fast food chain, Nalulunod ka sa kanin. Ano ang lohika? Habang nagpapakabusog ka nang todo, May mga nagugutom na iba. Unlirice ay kabulaanan ‘Pagkat mauubusan din ng kanin— Kapag ubos na lahat ng mga magsasaka
78
Sabi Nila Sabi nila –Ralphy Sabi ng mga kapitbahay namin magdiyeta na raw ako, patuloy na kasing lumolobo ang katawan ko. Eh paano, kain dito, kain doon. Ewan ko ba, ‘di ko mapigilan. Kaya nakinig ako, nagdiyeta at nagpapayat. Matapos ang ilang buwang pagpapapayat ay na-achieve ko naman ang goals ko ngunit nang makita nila ako, “Uy bakit ka naman nagpapayat? ‘Di ka ba kontento sa kung anong mayroon ka?” sabi nila.
Dibuho ni Raphael Policarpio
79
PutiN= Balon= Puting Balon -Rand Muling nagwawala ang dragon, nagpapahiwatig ito na kailangan na naman niyang magkargang muli. Hindi malaman ni Mark kung ano pa ba ang lalaklakin. Nakita niya ang isang tinapay sa mesa. Pinagpag niya ito sapagkat may dumi. Matapos ay inalay niya ito sa alagang dragon. Maya-maya pa ay kabod na lang itong naglabas ng usok. Nagpatuloy ito kung kaya’t napagdesisyunan ni Mark na magtungo sa balon. Umupo siya sa puting balon at matatanaw ang tubig sa ilalim. Ang dragon ay naglabas ng sama ng loob patapon sa ilalim ng balon. Sabay sabi ni Mark ng “success!�
80
Tarrare of the Modern World –Elijah A voracious eater He devours and always asks for more Hundreds of plates scattered around him Yet, no food could satisfy his hunger. He yearns for more food He glutted his way through an oversupply of it He eats and eats and eats His hunger doesn’t seem to fill his glut. Pound after pound of cake Bowl after bowl of rice A pack of sweets and a special chocolate bar Until nothing can satisfy his hunger Or at least he cannot afford to eat no more. He’s like a monster, wandering around his village He started gnawing on animals, raw and blooded He started eating blades of grass, leaves and roots Anything he can get his hands on, he eats This he called “food” for his everyday life. Tarrare, that’s what they call him For it is unknown if he’s mad, sick or crazy. At a ripe young age, he died For the risk he paid no mind And there he eats At the third circle of hell.
81
Dibuho ni Carol Baguisa
Alin=sunod= sa HapunaN= Inihan=da ni Sisa Alinsunod sa Hapunang Inihanda ni Sisa –Jayson
Tila walang masipsip na nektar sa bulaklak na tuyot Tamis ng buhay ay ‘di malasahan sa alat ng kapalaran Subalit para sa inyo aking dalawang supling Aking gagawin ang isang ‘di pangkaraniwan Kahit minsan man lang Ang hapunang ito ay pipilitin kong kulayan Bigyang sigla ang matamlay na hapag-kainan. Patawad, hindi ko kayo nasanay sa malinamnam At ang pagkabusog ay madalang maiparamdam Dahil ang pagkagutom ay araw-araw nating kinagigisnan Patawad, sa bawat sandaling walang ibang pagpipilian Kundi ang lumunok na lang ng laway Ngunit sa hapunan ito ay hayaan ninyong bumawi si nanay. Naghihintay na ang inyong paborito sa lamesa May tuyong tawilis at kamatis na sariwa Crispin, mabusog ka sana May isang hita ng patong bundok at tapang baboy-damo Magustuhan mo sana, Basilio Sa inyong pag-uwi ay nais ko kayong pagmasdan habang kumakain ‘Pagkat ang malunasan ang kalam ng inyong bituka kahit pandandalian Ito’y aking walang katumbas na kaligayahan. Subalit kamalasan ang naunang dumating Ang kasumpa-sumpang aking asawa at inyong ama Na kahit gayunpaman ay kamartirang mahal ko pa rin Kaniyang masibang iniwang tulala ang mga plato Tila isinulat ko sa buhangin ang masaganang hapunan At nabura nang mabilis sa pagdaluyong ng alon Ako ay tumangis at nanlumo sa panghihinayang Ngunit ‘di ko hahayaang wala kayong madaratnang hapunan.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
82
Kahalayan= KAHALAYAN
ROSE Katulad ng pag-ibig, ang angkin nitong rikit ay isang patibong na madaling makaakit ng bihag, ngunit kung ang layon mo’y sukdulan pa rito’t pagnanasa, pagkakamali ang hawakan ang taglay nitong kariktan.
BuloN= Ang Hindi Pagtanglaw ng Lagalag na Buwan -Caffeinated Sa hangin... doon ko mahinang isinigaw ang mga damdaming ‘di kayang ihayag ng nangangatal na labi. Hinayaan kong doon mamahay ang mga kuwentong ‘di ko pa kayang bigkasin, mga alaala ng musmos na sinugatan ng gabi, mga sandaling ninakaw ng dilim ang nawawalang paraiso, mga bagay na kinuha ng walang permiso ngunit hindi ito nangangahulugan ng paglaya sapagkat walang nakarinig, walang nakakita at walang nakaunawa. Walang nakarinig sa maling ikinubli ng tama. Walang nakakita sa huwad na ngiti ng tikom na labi. Walang makauunawa sa katotohanan na ang mundo ay binuo ng kasinungalingan.
ngunit iba ang nangyari. Dahil sila pa ang naging saksi, kung paano itinarak sa akin ang punyal na walang talim ngunit nakapanghihina. Hindi ko pa rin limot kung paano nakisabay ang huni ng sandamakmak na kuliglig, sa tinig kong nababasag na sa kasisigaw ngunit walang nakaririnig gaya sa kung paano nag-ingay ang mundo kasabay ng pag-iyak ko. Ramdam ko ang masukal na damo sa aking likuran, na unti-unting kinababaunan ng aking katawan.
Ramdam ko ang malagkit na mga haplos ng putikang kamay mo, gaya ng malagkit na titig Sapagkat sa hangin lamang kayang ibulong mo sa katawan ko. ang di kayang sabihin ng sugatang kamusmusan, kasabay ng pagtangay nito sa Marahas na binaybay ang aking katawan lansa ng sugat ng ninakaw na paraiso. ng mga daliri mong gumuguhit ng karumihan. Heto na naman... Wala kang kakuntentuhan! ang pilit na pagkatok ng mga Pinunit mo ang saplot na suot, alaalang ‘di ko nais balikan habang ang mga halik mo na kahit sa mga gabing malamig, maingay at madilim, ‘di ko man payagan ay kumakapit hinihila ako sa mga tagpong… sa mahapdi kong balat. Para akong isang dagat Nakabibingi. na napuno ng pait at alat. Nakakikilabot. Nakamamatay. Mahina ‘Di makapalag Marahas ang kadiliman ng gabi Walang kalaban-laban. Hinintay ko na bihagin ako ng mga bituin sa langit, “Tama na, para mo ng awa.” 84
25th Avenue –John Patrick Sa isang madilim na kuwarto kung saan ang ilaw ay patay sindi; doon ko siya unang nasilayan at nakakuwentuhan. Saksi ang mga bote ng alak at mga upos ng sigarilyo. Sabi niya sa’kin, siya raw ay isang manlalakbay na bubuyog na nilipad ng hangin papunta sa katulad kong magandang rosas. Naantig ang puso ko sa mga sinambit niya at nasilaw ako sa mga nagkikinangan niyang alahas, dahil dito lalo akong nahulog sa kaniya. Hinila niya ako papunta sa madilim na kuwarto at doon siya nangumpisal sa’kin—sabi niya mahal niya raw ako at wala nang iba pa. Paliligayahin niya raw ako sa buong buhay ko sabay halik sa’kin. Sarap at sakit ang aking nadama sa bawat saglit. Kinaumagahan, wala na siya sa’king piling pagkatapos niya akong pagsawaan. Buti nalang walang nawala sa’kin kahit na iniwanan niya ako.
Dibuho ni John Patrick Aguilar 85
Sipol Sipol -Ralph Deneil
Pauwi na galing trabaho Padaan sa eskinitang makitid at mabaho Nagbabadya ng takot sa mga lalaking sa alak ay lango Walang ibang daan, ‘di alam saan tutungo. Yuyuko at mahihiyang dumaan Pilit ibababa ang paldang kinapos ng kahabaan Mapapatingin sa mga matang nanlilisik at hayok sa kababaihan, saka maririnig ang sipol at makamundong tawanan. Bibilisan ang lakad, ‘di na bilang ang galaw Tila ba’y napagkaisahan kaya’t tumakbo nang mababaw Nakauwi na rin sa wakas… Tapos na ang mala-impyernong karanasan sa mga halimaw; Umiyak sa kahihiyan at kawalan ng respeto, Sila ay nagwagi—mga lalaking sa laman ay matakaw.
Dibuho ni Dean Daniel Mempin
Consolation -Lloydd
Ungovernable Flesh is heated by desire Succor of your love
Hin=di makasarili AN= Pag=-Ibig= Hindi Makasarili ang Pag-ibig -Melanie Ang kadalisayang taglay ng pag-ibig, ang pagiging puro nito’t minsang pang-aakit, na hinaplos ng dungis ng makamundong palad ay unti-unting nagiging kasalanan kung ang layon ay pansarili, kung labis at sukdulan.
87
Lihim= sa Likod= N= bawat= KusiN= Lihim sa Likod ng bawat Kusing -Daniel Sa may kanto, pasado alas-dyis ng gabi Dinaig pa nila ang mga relihiyoso sa tabi Walang santo o kahit na ano mang rebulto Luhod kung luhod Hindi alintana tuhod man nila’y mapudpod Ang mahalaga masulit ang wampipting tangan nila.
88
Laman= Laman -Raphael
‘Di mapigilan Lagi kong hinahanap Tawag ng laman
Dibuho ni Lanch Lenard Delos Santos
AMOROUS –Melanie A breathe in my womb Upshot of your hungry flesh A grace, not a curse.
Dibuho ni John Patrick Aguilar
90
Ceasefire –cessy My eyes are dilated as the dark place slowly eats me. The deafening silence suffocates me to hear her wail. The blood on every vein of my body sends adrenaline rush of sensation to my muscles. My jaw clenches in the eagerness to fulfill the desire to terrorize her. She gives fast yet passionate brushes on the tip of my gun, and she tastes like alcohol, bitter yet so sweet that it drives me really crazy. “Uhh,” a quiet whine escapes her mouth while my hand colonizes her world until she surrenders. One thrust deeper, I hear her silent purr. Two thrusts harder, I feel the sweat on my hands. Three thrusts faster with slaps on her bottom, I hear her heavy breathing. She cries in joyous astonishment and trembles as she closes her eyes, filling my life with her tears of joy. I take back my weapon because the war is over, but the memory of her liquefied poison over me still sends electricity throughout my system thus the bomb I have explodes in the safe place where no one will be a collateral damage.
91
Mapan=lin=laN= na Sen=sas=yon= Mapanlinlang na Sensasyon - Elijah Mainit at siksikan sa loob ng bus na nasakyan ni Andre kaya naman napilitan siyang makisiksik at tumayo sa gitna. Hindi na lang niya ito pinansin dahil sanay naman siya sa ganitong kapaligiran. Halu-halong amoy ang nasa paligid at halos dikit-dikit ang mga tao sa loob ngunit ‘di niya ito ininda. Sa isip niya ay dalawang oras lang naman ang biyahe. Tahimik at tanging ingay lamang ng telebisyon ang maririnig sa loob. Ilang minuto pa lamang ang nakalipas nang makaramdam siya ng marahan na haplos sa likuran niya. Bahagya siyang nagulat ngunit hindi na lang niya pinansin ang pangyayari, ngunit ilang segundo lang ay naulit na naman ang pangyayari. Sa pagkakataong ito ay mas halata na kung ano ang sinusubukang gawin sa kaniya ng taong nasa likod niya. Nalilito siya kung sasawayin ba niya ito o hahayaan na lang. Alam niya na ang lohikal na dapat gawin ay sawayin ito, ngunit ‘di niya mapigilang mapangisi dahil naglulumot ang kaniyang isip. Sa tagal ng biyahe ay naisipan niyang harapin ang inaasahan niyang magandang dilag na gumagawa nito sa kaniya. Ngunit napatigil siya at nanlaki ang mata nang may maramdaman siyang matigas na tumutusok sa kaniya.
92
Ligaro Ligaro -John Paul
Sino yung lalaki? Sabihin mo Sumagot ka Hirap na hirap akong suyuin ka Iningatan kita Ayaw nga kitang marumihan Ayaw kitang dungisan Ayaw mo sakin? Kasi goodboy ako? Ano gusto mo, yung ‘di ka igagalang? Pasalubong lang kaya kong ibigay Tumaba ka, bumilog tiyan mo Kala ko pagkain lang laman n’yan Sabihin mo Sumagot ka! Sino ama n’yan? “Tatay mo”
Dibuho ni Carol Baguisa
93
Da b=lutut= debay=s= Is= konek=ted= sak=ses=puli Da blutut debays is konekted saksespuli -Raphael *Buksan ang bluetooth speaker. *I-connect sa phone. *Magpatugtog ng favorite playlist sa spotify. Ganyan ang naging routine ko bago magsimula sa mga gawain. Mas nakagaganang gumawa ng mga utos ni nanay kung nakatodo pa ang volume. Tamang soundtrip lang, minsan sinasabayan ko rin ng kanta. Nakatapos na ako sa mga gawaing bahay kaya nagkulong na lang ako sa kuwarto. Wala na akong magawa kaya nanood na lang ako ng mga nakatatawang videos sa facebook. Nagtataka ako nasira yata speaker ng cellphone ko, ayaw gumana. Biglang nagpop-up ang isang video na sinend ng tropa ko. “Uy, may bago pala!” Sabi ko sa aking sarili. Tinapos ko yung video at nabitin kaya pinanood ko na lang yung mga dati niyang isinend sa akin. Hanggang sa narinig kong may kumakatok sa pinto, binuksan ko ito at sumambulat sa akin ang sigaw ng aking ina. “Walang-hiya kang bata ka, anong klaseng music ang pinatutugtog mo?!” Bumilis ang tibok ng aking puso at naalalang naka-connect pa nga pala ako sa bluetooth speaker. Dibuho ni Raphael Policarpio 94
95
PASASALAMAT Isang kolektibong obligasyon na naman ang naisakatuparan. Pagbati sa mga kapatid sa publikasyon na nakatuwang sa pagbuo ng tomong ito! Sa madaratnan nito, salamat sa pagtangkilik, nawa'y maihatid ng mga akda at dibuho sa inyong pangunawa ang bawat pahiwatig. Kayo ang dahilan ng aming pagpapatuloy. Salamat din sa aming mga personal na hinahangaan at impluwensya sa aming larang, sa aming mga kanya-kanyang inspirasyon, sa aming mga kaibigan, magulang, at sa lahat ng mga nakaagapay sa'ming likod. Higit sa lahat, salamat sa lumikha ng lahat. Mabuhay! Padayon!
Opisyal na Pahayagang Pang Mag-aaral ng Pambansang Dalubhasaang Pansakahan ng Bulakan (BULACAN AGRICULTURAL STATE COLLEGE) Pinaod, San Ildefonso, Bulacan
EDITORIAL BOARD & STAFF Bianca Gail D.C. Gonzales Lanch Lenard C. Delos Santos Raphael G. Policarpio Melanie N. Hizon Daniel Luis P. Verona
Editor-in-Chief Associate Editor Sports Editor | Graphics Editor Managing Editor for Administration Layout Editor Managing Editor for Finance Managing Editor for Circulations
Hazel F. Asuncion Rand Cristian S. Hagad Ashley P. Pangilinan Princes Josephine B. Latuja Jayson A. Ocampo Joshua N. Castillio Reynaldo A. Gumabon John Marf C. Gumafelix
News Editors
John Paul N. Maniego Kimberly Mae M. Tecson Ralph Deneil G. Mangalino John Patrick M. Aguilar Rayster I. Guillano
Senior Staff
Alexis Caadan Angelica Hernandez Angelo Dela Cruz Bernadette Manabat Elijah Mangulabnan Ercie Mapoy Jocelle Lyn Bernabe Nathaniel Hizon Rachelle Hipolito Carol Baguisa Dean Daniel Mempin Lloydd Dafydd San Pedro Viverly E. Mata, Ph.D.
Feature Editor Development Communication Editor Literary Editors Head Photojournalist Encoder
Probationary Staff
Adviser
THE SOIL TILLER
Speak . Write . Be True . Be Free .