Dagitab Vol 1, Issue No. 1

Page 1

silyak

DAGITAB TOMO I


Dagitab Ang aklat-pampanitikan ng TheSPARK, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Dalubhasaang Politeknik ng Camarines Sur Karapatang-ari Š 2020 Reserbado ang lahat ng karapatan sa may-akda. Walang bahagi ng aklat-pampanitikang ito ang maaaring ilathala muli sa alinmang anyo nang walang pahintulot mula sa mga manunulat, dibuhista at patnugutan ng TheSPARK.

ANG PABALAT Sa likod ng nakabibinging katahimikan, nagkukubli ang mga salitang puno ng masidhing damdamin— nagpupumiglas, pilit kumakawala, ngunit wala ni isa ang namumutawi sa bibig. Sa panunupil ng nanlalamong takot, tutuldukan na ang pananahimik at sisimulan na ang pagalpas mula sa nambibihag na hinaing at agam-agam.



Paunang Salita Sa likod ng katahimikang bumabalot sa madilim na silid, nagkukubli ang bawat letra, pantig, salita, pangungusap at talatang bumubuo sa wikang puno ng masidhing damdamin. Mga salitang nais maisigaw nang marinig— nagpupumiglas, pilit kumakawala— ngunit sa huli, ang inaasahang hiyaw ng taong malaya ay humahantong lamang sa pagkapaos, pagbulong at pagtahimik. Malaya nga ba? Isang malaking kadahilanan nito ay ang labis na takot na s’yang sumusupil sa bawat salitang namumutawi sa ating mga bibig— takot na dulot ng ideyang walang sino man ang handang makinig; takot na nangingibabaw sa nakaambang panghuhusga ng lipunan; higit sa lahat, takot na hatid ng mahigpit na pagkakasalpak ng busal. Ngayon, sa panahon kung saan lumalalim ang usaping depresyon, lumalaganap ang katiwalian sa gobyerno at umiiral ang mga batas na lumalabag sa karapatang pantao, ang pananahimik, kailanma’y hindi mabisang konsepto sa pagsulong.


Sa pagbasag sa nakabibinging katahimikan, malugod naming inihahandog ang unang edisyon ng Dagitab: Silyak, ang kaunaunahang paglalathala ng aklat-pampanitikan ng TheSPARK. Ito’y sadyang isinulat upang magbigay hudyat sa simula ng pag-alpas, laban sa mga puwersang nagkukulong sa atin sa nakapopoot na agam-agam at hinaing. Sa pagbubukas ng pahina, buksan, hindi lamang ang mga mata, kung hindi maging ang mga tainga at bibig. Panahon na upang ang pagkapaos, pagbulong at pagtahimik ay mauwi sa paghiyaw‌ hiyaw ng isang taong malaya.

Herminia Vasquez

Katuwang na Patnugot, TheSPARK


Mula sa Patnugot Ang bawat isa’y tiyak na may itinatago. Hindi natin wari kung ano… ngunit isa lamang ang batid ko, ito’y ikinukubli sa mapanlilang na mukha— ang mukha ng katahimikan. Habang unti-unti naming binubuo ang obrang ito, muling sumagi sa aking alaala ang mga sandaling ako’y nagpalamon din sa sarili kong haraya. Walang pinagkaiba ang pakiramdam ng nakalubog sa tubig at nakaupo sa ibabaw ng sariling kama— nakalulunod, nakapopoot. Gusto kong kumawala; ngunit wala ni isang salitang tinuran ang aking bibig— mga salitang nais sanang maihayag, ngunit hindi. Iba pala talaga sa pakiramdam kapag may kinikimkim na kung anomang bagay sa kaibuturan ng puso, maging ng isip— pagmamahal man ito, pagkalungkot, pagkapoot, pagngingitngit o pagkamuhi. Tiyak na ito’y pilit na magpupumiglas; ngunit ang tanging sumisigaw ay pipi. Naririnig nga ba? Marahil ay nauunahan tayo ng pagaalinlangan at takot— wala sa buong kapasidad upang harapin ang kahihinatnan ng pagsulong at walang sapat na lakas upang kumawala sa mapanupil na pagkakabigkis ng busal. Sa pakikipagbunong ito, hindi lamang ang


panlabas na puwersa ang kalaban, kung hindi maging ang ating mga sarili. Sa huli, kung sino ang magtatangkang ibuka ang kaniyang bibig at daigin ang puwersang nangyayapos, siya lang ang tiyak na maririnig... siya lang ang magiging tunay na malaya. Ikaw, nanaisin mo na bang sumigaw? Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi sa pamamagitan ng paghiyaw, paano? Panahon na upang wakasan ang pananahimik at simulan ang pag-alpas mula sa pagkakabihag.

Michael William Ronco

Punong Patnugot, TheSPARK


Mga Nilalaman nobela

IV I II

Buntong-hininga ng Puta

kabanata 44 47

III

51

42

tula Boses Taciturn Jesus Sat With the Sinners, Didn’t He? Tuldok Panao Not Upset; Upset is an Understatement Nakabibingi, Mas Higit at Hindi It Will Not Die a Natural Death Tunog Sanctuary Broken Lullabies Maling Tama Blinding Lights Reaper’s Call Mandirigma Demons Nostalgic Euphoria Silensyo This is How It Should Be Bulag, Pipi, at Bingi Maliwanag Ngunit Madilim

1 2 3 4 8 14 22 23 27 29 36 37 38 39 53 56 62 63 67 68


Ang Pipit The Hypocrite is Cowardly Screaming The Rife Dilemma The Price of Luxury Elehiya Secret Prison Philophobia The Silence of Abyss Hindi na Kailangan ng Pamagat Political Turmoil to be Named Onerous Comfort Stained* Hinaing No One* Sorrow-ridden H’wag Delirium Pumatong at Labasan Fragmented Message Ginahasa ako ng sarili kong…

70 72 76 77 78 79 82 83 87 88 89 90 91 97 98 99 108 109 110 113 116

*haiku

maikling kwento Pagod na Bukas Anino Is this Life? The Burning Street Sigaw Iba’t Ibang Uri ng AAAAAAHH Woman Gulong ng Palad BL Ang Tubo sa Aking Bibig Magkano Para sa Katahimikan? Lost Yet Never Forgotten Neybor The Sound of the Waves Ephemeral Sundo T[error]ista A letter from me, to me

6 12 17 24 26 28 33 58 66 80 81 92 96 100 105 118 121 122


larawan Mus-ingon 65

Isang Ina 31 Breaking Through the Silence 41 Padre de Pamilya 115 Heart in Solitude 74 Taped Identity Tale of Friendship Out Little Princess Territory of a Troubled Beast Tulo Dyis Little Solitude Soul Hope Lies Ahead dip-EASY-l Transcendence Blazing Flame of Joy Muya Vernal Endings Contemplating Alone and Blank Duality

10 11 20 30 40 54 55 64 75 84 85 94 95 102 103 114


Silyak: paglakas ng boses upang pumukaw ng pansin o magpaabot ng saloobin; pagpahayag ng kaisipan o ano mang masidhing damdamin tulad ng galak, takot, galit, sa pamamagitan ng pagsigaw.



Boses

Tula ni John Reynold Brioso Dibuho ni Jan Kloude Igana

Kinuha niya ang toteng, lama’y mga baro ng nakaraan, kapagdaka’y isinaklay sa braso’t nilisan ang lugar kung saan minsan siyang binusalan.

Itatarak ang katotohanan sa puso nino man, gamit ang boses na biyaya ng Makapangyarihan— ginupo ng nakaraan, pinasidhi ng kasalukuyan.

Hindi na siya, ang dating mahina — boses na garalgal, hirap magsalita. Takot kumawala, sa tanikala ng boses na mapagmanipula.

Makapangyarihan ang kaniyang boses kayang tibagin makailang patong na muhon, kayang pagalawin bundok na nakaposisyon.

Handa na siya, para isiwalat ano man ang kaniyang nalalaman; hindi ipagkikibit-balikat kabalintunaang nangyayari sa kapalibutan.

Ngayon, ang tamang panahon, upang marinig ng bawat nasyon, ang malayang boses ng katotohanang makailan ding taong ikinulong.

SILYAK | 1


Taciturn

Poem by John Reynold Brioso Artwork by Rafael Angelo Morales

Why is it that you’re silent? Is there something bothering you? Or pain that hinders you to talk? No word has gone out of your mouth. You are tightlipped, as if once you open it a bomb might explode. Oh, I see. All I can do is guess. Form hypotheses that might be the reason behind your indefinable bellowing silence. Tell me, what can I do to help? Would it even matter to you for me to speak? To diligently ask you what’s the matter? I’m afraid, that all I can do is to be silent beside you. Just like you, I might become too.

2 | SILYAK


Jesus Sat With the Sinners, Didn’t He? Poem by Alyssa Franz Uvero Artwork by Rafael Angelo Morales

Forgive me, Father, for I have sinned. I have held a girl in my arms, like a bird’s egg and imagined her gliding to me flanked by the church pews and the same slant of sunlight that sung His second coming. I bare my knees to her, Father. I clasp my hands with hers like a prayer. I have given her my devotion as if it was she who brought me to life in a garden. I think she is the heaven I have already forsaken. The bravery that sprouts like a burning bush in a desert: the revelation – Father, forgive me. For if she is sin, then let me sin again. SILYAK | 3


Tuldok Panao Tula ni Karl Christian Reario Dibuho ni Charis Joy Luna

‘tinarak ang tuldok sa hubad na papel— Hinawi’t ikinumpas, kapagdaka’y binigyang diin. Nahubog, nag-anyo’t naging isang titik; Gamit ang panitik pinagsayaw… pansin— Na siya’y patinig o katinig o bantas… bumuo— Ng pantig buhat sa pakikipaglaro sa ibang letra’t guhit… umukit— Ng salitang maalala o hindi. nagmahal— Pinakahulugan ang pag-iral, Sininta ang mga nangungusap na mata ng mga mambabasa’t Nagtaguyod ng pamilya ng kataga— Isang Pangungusap: Pangbanal, pangkarnal, pangmortal. Taguri ng simunong nilalarawan ng panaguri… Lumago— Tinalata’t bumuo ng mga diwa. Nagsilang— Isang piyesang maigsi lang… Pyesang nagsisimula’t nagwawakas… SA ISANG TULDOK.

4 | SILYAK


SILYAK | 5


Pagod na Bukas

Maikling Kwento ni Karl Christian Reario Dibuho ni Joanna Erika Puzon

Sa masidhing karimlan— Ako’y nagising. Hinahabol… Ang mabigat na paghinga sa pagitan ng paghakbang, habang kinakapa ang gaspang ng lupang pamilyar. Sa simoy ng hangin naglalaro ang aking diwa, na bagamat pagod ay humahagod sa kaluluwa ang sandaling sulyap ng mga alaala. Subalit— Mapakla… mapakla na ang mga sumunod na kabanata. Sariwa pa sa aking alaala ang panahong walang kasing saya… Panahong payak ang lahat sa amin. Masayang nagtatanim ang aking ama ng aming makakain sa pang-araw-araw samantalang tumutulong ako sa gawaing bahay ni inay. Masigla ang lahat at binubuo namin ang araw ng halakhakan. Oo, isa kaming pamilya ng magsasaka na masayang namumuhay sa aming masaganang lupain. Ngunit isang araw ay may dumating na magarang kotse. Mula roon bumaba ang isang guwardya at pinagbuksan ng pinto ang amo nito. Mataba, nakabarong, negosyante sa aking palagay. Naglakad siya nang marahan patungo sa akin habang pinapayungan ng kaniyang alalay. Tumatagaktak ang baston sa bawat hakbang. “Ang ganda naman ng mata mo, boy. Ilang taon ka na?” sabay kilatis ng aking mga mata sa paglapit ng mukha nya sa’kin. “Katorse po” masayang sagot ko. “Ahhh… eh ‘asan magulang mo?” sunod niyang tanong. “Naroroon po” sabay turo sa ama kong nagtatanim ng palay. Lumapit ang aking ama. ”Ano pong maitutulong ko sa inyo?” “Mister, kukunin po namin ang lupain ninyo upang pagtayuan ng subdivision, wag kang mag alala, babayaran ka naman nang maayos.” sambit ng ginoo.” Ha!?” bulalas ng 6 | SILYAK


aking ama. “Ay hindi po maaari ginoo… pamana ito ng aking mga ninuno. Hindi ko po ipagbibili ang lupang ito.” “Hoh… Ganoon ba mister? Magsisisi ka ‘pag nagkataon. Pag isipan mong maigi ha, babalik mga tauhan ko.” Saka umalis ang matabang lalaki. Makailang ulit bumalik ang tauhan niya upang kumbinsihin ang aking ama. Subalit may paninindigan sya kaya parating bigo sila. (Isang katangian ng aking ama na lubos kong hinahangaan) Subalit isang araw… nang minsang pumunta ako sa bayan upang ipagbili ang aming palay, bigla na lamang huminto ang isang itim na van at hinablot ako ng mga nakamaskarang lalaki. Iginapos, piniringan, binusalan. Hindi ko alam kung ilang araw, o buwan, o posibleng taon ang nagdaan. Nagising na lang ako— Wala na ang aking mga mata. Natagpuan ko na lang sarili ko, kung nasaan ako ngayon… Naglalakad nang marahan patungo sa aming bahay. Kinakapa ang daan. Alam na alam ko ang daang ito. Dahil naging saksi ito ng masayang buhay namin. Kabisa ko na ang pakiramdam ng mga talahib. Ang gaspang ng mga bato. Ang huni ng aking kapaligiran. Subalit bigla na lamang… Bigla nalang akong nagtaka kung bakit… Hindi na pamilyar ang gaspang ng inaapakan ko. “Ha? Ano na ito!?” pagtataka ko dahil hindi na ito ang lupang kinalak’han ko. Nagmadali ako sa paglalakad upang makauwi agad… nagsisisigaw upang tawagin ang aking itay at inay… Nag aalala. “Itay! Inay! San po kayo!? Itay! Inay! Itay! —“ Bang! Bang! — Bang! Bang!!! Apat na tingga, ang naramdaman kong dumampi sa aking likod. Umatungal— sa malalim na gabi. Na siyang sanhi ng paglamig ng katawan kong pagod. Dinig ang pagtakas ng hiningang hikahos. Nagpahinga. Sa hindi pamilyar na kongkretong malamig. Walang buhay. Walang inaasahang bukas. (Lumipas ang ilang taon) “Wow daddy! Ang ganda naman ng subdivision natin! I’m so thankful talaga sa nagdonate ng mga matang ito! Kung ‘di dahil sa kanya hindi ko makikita ang lugar na ‘to. I love you Daddy!” SILYAK | 7


Not Upset; Upset is an Understatement Poem by Christelle Ong Artwork by Joseph Ryan Ibarreta

If you think that I want you to hear me cry, I would easily say, “Yes, hear me out!” That is to tell you that no— I am not deaf, because it is a fact that I am not blind. If you think that I intend to speak with all the strength I have in my body, you are not obstructing yourself from reality. I am to consume this very ability and if I have to haunt you to do the same—I will. “Why?” This, you ask? It is no longer the time to romanticise solidarity. This is no time to put passivity in action. Hence, the time that ticks at present is the same time that holds the future. If the voice that we collectively have is equivalent to the time that the country’s roots are prolonged, then, maybe I would not have to act this way. These voices that we are of are perhaps singing in delight and are harmonizing in between every island. But to be of sight to what is being displayed right in front of our consciousness, I believe, there is no time to sing merrily I believe, there is no time to speak without vehemence And now, more than ever, is the time— to burst a loud voice.

8 | SILYAK


SILYAK | 9


Taped Identity Photo by Joshua Cedilla

10 | SILYAK


Tale of Friendship Photo by Jamela Hazel Tranquilo

SILYAK | 11


Anino

Maikling Kwento ni Shiela Mae Parco Dibuho ni Joanna Erika Puzon

“Pssst!” Rinig ko habang tinatahak ang munting eskinita papunta sa aking silid. Malamlam ang paligid. Dapit alas-sais na ng hapon at takipsilim kaya’t tanging ang tanglaw lamang ng lamparang bitbit ko ang nagsisilbing gabay sa aking daanan. Sa labas ng dungawan, makikita mo ang pinaghalong kahel, rosas, bughaw at kadiliman sa langit. Nagsimula akong mabalisa dahil tuwing pumapatak ang ganitong oras, parati akong nakaririnig ng mga nakakakilabot na pares ng mga paa na mistulang sumusunod sa bawat hakbang ko. Hinahaplos din ako ng malamig sa simoy ng hangin na siyang dahilan ng pangangatal ng aking tuhod habang ako ay naglalakad. Kinakabahan akong napalingon sa direksiyon kung saan nanggaling ang sitsit na ‘yon. Sa kasagsagan ng paligid, nasagupa ng aking paningin ang isang anyo na untiunting lumalapit sa akin. Nang masilayan ko kung sino, biglang humulma ng kurba ang aking mga labi. Nagpakawala ako ng isang malaking buntonghininga. Si Mary lang pala— ang nakababata kong kapatid. Sa may ‘di kalayuan, nakita ko ang aming mga magulang na kumakaway habang minamasdan ang likod ni Mary. Lumapit siya sa akin at niyapos ako nang maigting. “Ate, laro tayo?” Ani nito na may kislap sa mga mata— wari’y ipinapahiwatig na pumayag ako sa gusto niyang gawin. Tiningnan ko siya at nginitian. Pagdaan ng ilang sandali, natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang pader at nagsimulang kumanta. 12 | SILYAK


“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan...” Narinig ko ang pagkaripas ng bulilit niyang mga yapak sa sandaling binigkas ko ang mga liriko. Lumingon ako at mukhang nakahanap na siya ng lugar na maaaring pagtaguan. Unti-unting humina ang tunog na nagmumula sa mabilis na paglaktaw ng kanyang mga paa. Lumaho na siya sa aking paningin. “...Wala sa likod, wala sa harap.” Nagsimula akong maglakad-lakad kahit hindi pa tapos ang awit. Napadaan ako sa iba’t-ibang silid ngunit may napansin akong kakaiba. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakasuot ng puti. Umiling-iling na lamang ako at pumasok sa loob ng isang kwarto kung saan nahagip ang pigura ng kapatid ko. Umalingawngaw sa aking pandinig ang pagbukas ng pinto at bumungad ang isang babaeng nakasuot din ng puti ngunit iba ang disenyo nito. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagkunwari na hindi ko siya nakikita. Nagpatuloy ako sa paglaro. “Pagbilang ko ng tatlo, nakatago na kayo” Isa... Dalawa... Tatlo... “Sinong kausap mo?” Ani ng babaeng nasa pintuan. Nakakunot ang kaniyang noo na parang natatalinghagaan sa nangyayari. Tinuro ko si Mary na kakalabas lang mula sa aparador.”Kapatid ko po. Naglalaro kami ngayon.” Sagot ko sa kaniyang tanong. Inabot niya sa akin ang gamot at ipinainom sa akin kahit labag sa aking kalooban. Makaraan ang ilang segundo, ako ay bumalik sa realidad. Natulala ako sa mga salitang kanyang binigkas bago niya tuluyang nilisan ang lugar kung nasaan kaming tatlo. “Tsk! Kawawa naman ‘tong bata na ‘to, matagal nang yumao ang kaniyang mga mahal sa buhay, nagkaroon pa ng sakit.” Sa mga sandaling namutawi ‘yon sa kanyang bibig, ako ay natauhan. Biglang gumuho ang aking damdamin nang maalala na ako lang pala ang nakaligtas sa sunog mahigit isang taon na ang nakalipas. Sinagupa ng apoy ang aking pamilya at tinangay nito pati na rin ang aming mga ari-arian. Nag-karera ang mga mainit na likido sa aking mata. Nanubig iyon hangga’t sa mamugto at wala na akong maiiyak. Lumapit si Mary sa akin at dahan-dahang dumampi ang malamig nitong kamay sa aking balat. Hinalikan ng mainit na liwayway ang buong silid kung nasaan ako. Niyapos ang aking katawan ng nakakatindig-balahibong kilabot. Nanigas ang aking mga tuhod; nagmistulang nakakadena ang aking katawan nang mapagtanto na iba pala ang mundo na aking natutunghayan dahil sa aking karamdaman. Sa kuwadradong silid, dalawa kaming magkasama. Ngunit nang pagsulyap ko sa haligi... Anino’y iisa.

SILYAK | 13


Nakabibingi, Mas Higit at Hindi Tula ni Herminia Vasquez Dibuho ni Jerome Ibarreta

Hindi lahat ng nakabibingi ay alingawngaw— ng mga punglong bumaon sa kaibuturan ng laman. Lumuluhod. Nanginginig. Kapagdaka’y malamig, dilat Hindi lahat ng nakabibingi ay hiyaw— ng mga kalapating pisi ang yumayapos. Nananaghoy. Pumipiglas. Tumambad: yurak sa katawang hubo’t hubad. Hindi lahat ng nakabibingi ay pagkalam— ng sikmurang tubig at hangin ang laman. Namimilipit. Naglulupasay. Tanging pagtangis ang tanging tugon. Dahil ang tunay na nakabibingi… ay higit pa sa hinagpis at siphayo— ito ang katahimikang nangingibabaw sa gitna ng panaghoy— katahimikang ibinubulahaw ng mga sakim at hunyango. Kaya’t kung hindi mo pa rin batid kung ano ang nakabibingi, mas higit at hindi… Matuto kang makinig.

14 | SILYAK


SILYAK | 15


16 | SILYAK


Is this Life?

Short Story by Christine Astibe Artwork by Angelica Ghea Juliano

Here we go again. How many more times do we have to experience this? I can’t remember the last time we celebrated December happy – let alone dry. The whole house floor is submerged in murky floodwater knee-high. Slits of sunlight peeking from tiny holes in the roof speckle the water’s surface. Floating pots and pans clank against each other. The smell, however, is bearable. After all the town has been flooded way too many times before. I guess I’ve grown accustomed to it. I’m talking about the smell, of course. Who could ever get used to their lives being interrupted because of typhoons (and an incompetent government)? Ma and Pa are back at the evacuation center. They’re too weak to be able to swim here so I insisted I come back to check up on any damage or to find stuff to salvage. Looking at the state of our house today, it doesn’t look like I’ll save much. Well, I have to start somewhere. I start grabbing anything floating in the water and stuff it into my Hawk backpack. Seeing it get wet makes my heart sink. The bag was a gift from my Aunt in Manila. She has no children of her own so she would always send gifts to the family. Oh no. My laptop. Water sloshes against my legs as I run to my bedroom as fast as I can. Making past piles of stacked furniture, I forcefully push the door open. My eyes are fixed on the cabinet. A barely visible line on the cabinet door marks the how high the flood reached during the storm. I swing the cabinet door open to reveal my clothes – still folded, but damp. And there, placed on the very top shelf, sits my laptop. My hands tremble as I reach for the device. As I pick it up, water leaks from the ports on its side. This, too was a gift from my Aunt. She wanted to make sure I would study well so she selflessly gave us everything we needed. Months of work, probably gone. My thesis was in here. In a few months, our final thesis defense will take place. I doubt any of my groupmates have the same copy of the final manuscript. I feel my breathing getting heavier and heavier. My chest feels like it’s getting tighter. What if I don’t graduate? My scholarship only lasts until this year. Ma and Pa are too weak to work. Besides, no one would give them a job knowing their age. They’re older than the age to retire. Maybe I can save it somehow? After shaking the laptop a few times to get rid of more water, I slide it into my backpack. I need to breathe. This is no time to have a panic attack. Deep breaths. “Deep breaths, Chan. This is life.” “Gab?” I turn around without a second thought. There, on my bedroom wall, a picture of him and I. He’s smiling at the camera while I, instead am making a silly face. SILYAK | 17


My Kuya Gab. I must have heard his voice in my head. It makes sense that I would, especially in times like this. He was the best brother – no, human – ever. Gab was perfect. I’d even be jealous of him sometimes. His heart was so pure. Anyone who needed help could rely on him. A little too compassionate, Ma would say. But that’s just what made Gab, Gab. I reach out to take the picture off the wall. It was still wet, so I had to be careful so it wouldn’t rip. It was this golden heart that led him away from us. 2009, September. Typhoon Ondoy. “CHAN, HURRY!” The flood is neck-high. Rescue boats have just arrived. Rain is pouring densely from the dark gray sky. Neighbors are screaming for help. Dogs are barking on rooftops after being abandoned by their owners. Everything is just pure chaos. “CHAN, I SAID HURRY!” “But your stuff for work—” “LEAVE IT. I DON’T NEED IT. I JUST NEED YOU GUYS SAFE!” he screams at me as he pulls Pa into the rescue boat. Pa struggles but makes it in. He plops beside Ma who’s trembling under a wet blanket. Pa hugs her and kisses her forehead. The both look at me, fear visible in their eyes. Before I can move, a hand forcefully pulls me out the house. All the while, I am tiptoeing to keep my head above the water. I feel myself being dragged to the rescue boat. Using all the strength left in my arms, I climb aboard. Gab and other men start paddling. My breathing gets abnormally fast. I am freezing, my whole body is wet. The harsh cold wind is making it worse. I feel as if someone put a plastic bag over my head. I need air. “Deep breaths.” I turn to look at Gab. He squeezes my shoulder. “Deep breaths, Chan”, he tells me. “I know you’re scared, but this is life.” Everything seems to slow down. My breathing gets better. Breathe in, out. In, out. The clash between the rain and wind is so fierce that we can’t see more than a meter ahead of us. The men are struggling to keep the boat moving forward. “Oh no.” Gab whispers. “What? What happened?” I asked him. “Look.” My eyes follow where his finger is pointed, and there at a distance, I can barely make out the figure of a woman. She is holding a bunched-up blanket to her chest. It must be a baby. A boat is trying to save them but the men on-board can’t get the boat close enough to save her. I turn again to look at Gab’s face. “Gab. No. Stay here.” “But, they need help. The baby…” He props himself up onto the side of the boat. “Gab, don’t—” “GAAAAB!” Ma screams. I have never heard her shout so loud in my life. He jumps into the water and starts swimming like crazy towards the other boat. Gab makes it and successfully helps the woman and her baby get on. He starts waving is arm 18 | SILYAK


in the air. “I’LL MEET YOU AT THE EVACUATION CENTER, I PROMISE.” I look at Ma and Pa. They both look back at me. “He’ll be fine. He’s Gab. Right?” They don’t answer. We have no choice but to get to the evacuation center. After we get there, I watch every single boat that comes in, hoping to see his smile. Hoping to see him run to us and tell us how he saved other people. Hoping to see him okay. The boat with the woman and her baby finally arrives, but Gab is nowhere to be seen. Pa asks the men where Gab went, and they say he went onto another boat to save another family. They decide they would wait with us until Gab comes back. All we could do is sit there in that crowded basketball court in the middle of a typhoon. So, we waited. An hour passed. Then another. And another. I see the expression on Ma and Pa’s face grow darker and darker. I look at their faces, one-by-one. First at the boatmen, then my parents. They all look at me with eyes lost of hope. Soon, all the boats came in. The storm left. Even when the flood was gone, I kept waiting. He never came back. I notice tears landing on the picture in my hands. Wiping them off, I laugh at the irony of his favorite words. This is life. And this life is not what you deserved, Gab. We get hit by these calamities year after year. Us people in the lower class learn how to handle them, but the guys at the top never do. They don’t care at all. They’re not affected. They won’t need to lose their belongings, their home, THEIR LIVES. We sit in floodwater while they sit on thrones above us all. Sigh. I fold up the picture and put it my bag. Above where the picture was, an old radio hangs on the wall. Maybe it still works? I drag a chair to the wall so I can reach the radio. As soon as I switch it on, a local talk show starts playing. It must have already been set to that FM station.” “So, partner – this typhoon Rolly has been tough, right?” “Tough? Ha! So what? That’s life. Filipinos are resilient anyway!” “YES! That’s right, part---” SPLASH. I stare at the radio as floats. It only lasts a few seconds before it sinks to the bottom. Psh. Resilient, my ass.

SILYAK | 19


Out

Photo by Joshua Cedilla

20 | SILYAK


SILYAK | 21


It Will Not Die a Natural Death Poem by Alyssa Franz Uvero Artwork by Jan Kloude Igana

It will not die a natural death For it had put an end to millions of breaths. Unwantedly, it has touched humanity, But what are we but beings of memory?

But the human heart, even with the aching especially the scars from violent scabbing tries real hard for their will to harden like a teddy bear we all had as children.

We who worship the mundane invoking their spirit through various names. As the estuary eases into the ocean, we are driven into a unity of one.

Make it stop, the bleeding and the loss. We don’t intend to have palms on a cross. The anger, open wounds, and hopelessness like falling attached to a faulty harness.

Memento, relic, souvenir, keepsake. Any long-lasting thing this event would make. Between the pages of a good book, crumpled and invisible to a single look.

And then the teacher asked somebody, “To exhibit the pandemic during 2020 How would you describe the doom? What item would you give a museum?”

It will bruise, it will scar. No one knows it could go this far. People ache, doctors try, leaders fall deaf to their cries. 22 | SILYAK


Tunog

Tula ni John Reynold Brioso Dibuho ni Jan Kloude Igana

Pakinggan— Marami sila. Animo’y kantores, na may kani-kaniyang melodiya. May matinis, may malalim. May mabagal, may matulin.

Aawit na sila nang malakas. Maggaganyak ng panibagong araw ng pagsikhay, paggapas. Gumising na. Bumangon na. Dahil sa iyong kumpas, sila’y magpapakita ng gilas.

Nagkakaisa sa pagbuo ng maindayog na musika. Pakinggan ang hudyat—

SILYAK | 23


The Burning Street

Short Story and Artwork by Renievhe Nagrampa

The November air should have been chilly, even for a tropical country. It was supposed to make people feel that Christmas was dawning, accompanied by the chilly weather along with different Christmas carols playing on someone else’s radio for everyone to hear. But the weather was drastically changing, the girl could attest to that. Leaving the house, she was greeted by wafts of smoke and warm air. The neighborhood turned red and yellow as the fire

24 | SILYAK


danced near houses’ front and backyards. The air was so thick with smoke that breathing became unbearable. ‘They were at it again,’ she thought. It almost looked as if the people on the street were in full coordination. One lights up a fire and another follows. The girl furrowed her brows in frustration. She was peacefully reading a novel in her room when a single drop of sweat had rolled down from her forehead towards a page in her book and distorted the word Australopithecus, making it seem like the word had started bleeding its own blood. It had turned her attention back to reality, finally aware of the stifling atmosphere inside her room, making her want to feel the night breeze touch her sweaty skin and shiver. Now, the idea of being inside her own stuffy room was much better than sticking around outside, which was supposed to be filled by swarming fireflies with their lights blinking on and off, appearing serene, instead of looking like hell was upon them all. She chuckled at the thought of hell. She saw the silhouette of one of her neighbors chucking more dried leaves into the flames, making it rise higher. ‘Those could have just rotted away’, she mumbled. She knew these people well from observing what they’d do and how they’d act around others. And she concluded that most elder people share the same values. They were primitive, superstitious, and unrelenting. She remembered her own mother saying that they were being punished for being such bad children as the strong gusts of wind along with torrential rain rattled the roof of their house. They were indeed being punished but it was not because of their bad behavior. It was a different matter. It was science. That one word could sum up and explain all the natural occurrences happening around them. The thought of explaining it to the elders would be excruciating. Sure, they know something about it, but they brushed it off as nothing, believing the tales passed on by their ancestors more than the laws of nature. She could picture her old neighbor’s face all scrunched up in disagreement, ready to say all the unpleasant words he could muster about a girl trying to defy an older person. They would claim to know more because they had been living far longer than she has. What would a young girl know about life, who only spends her time being vain and all? They were simply getting rid of trash and to burn them all was the solution, they would say. To burn plastics and tires and leaves altogether, which would soon find their way into their own lungs, weakening it. It seemed that the only home that hasn’t burned any trash for years was theirs alone. The others wouldn’t follow suit, even if she made efforts of telling the neighboring children to influence their own parents. She was successful in confronting her own parents not to burn the trash and to bury it instead, but the kids couldn’t do the same. They simply couldn’t face the wrath of their own parents, or the thought of having an argument with them. She couldn’t blame them because she was also a coward. The girl sighed as she looked on at the smoke rising up to the sky. It seemed that what little hope they could gain from helping the environment heal—even by creating a small change— was lost like their own voices.

SILYAK | 25


Sigaw

Maikling Kwento ni Justine Rheyvan Tataro Dibuho ni Jan Kloude Igana

“May mga sigaw siguro na hindi nila maririnig.” Iyon ang mga katagang naglalaro sa aking isip, habang binabagtas ang daan patungong presinto na hindi naman kalayuan. Kahit gula-gulanit na ang aking damit, wala ng kapares ang tsinelas, tadtad ng mga lilang pasa sa mukha; pinilit kong maglakad ng mas mabilis. Kahit paika-ika. Nang malapit na ako sa presinto, napansin kong maraming mata ang nakatingin sa akin. Mistulang mga tandang pananong na naglalaro. Subalit, wala na akong pakialam. Gusto ko lang may makarinig ng mga sigaw ko, kahit papaano. Pagdating ko sa pintuan ng presinto, nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako upang magsumbong. Naghintay lang ako ng ilang sandali. Inalala ko ang sabi niya na wala namang maniniwala sa akin. Wala— ni isa. Pumikit ako. Huminga ng malalim. Sabay hakbang. Kahit walang kasiguruhan. “Sir, magrereport lang po ako,” sabi ko. Huminto ako para humanap ng lakas ng loob upang ibulalas ang susunod kong sasabihin. “Binubugbog po ako ng misis ko.” Napuno ng katahimikan ang silid. Nagkatinginan ‘yung dalawang pulis sa may desk. At malakas na tawanan ang sumunod. 26 | SILYAK


Sanctuary

Poem by Karl Retuerma Artwork by Joven Ceguera

Scorching fire, shedding tears, pounding heart for better or worse, every moment there’s sweat. Men, women, children, those with breath at rest, thick and thin, sacrifices flowing with pride at best. Eight sun rays, three stars, white triangle together with red and blue— colors of valor and justice. Manifested symbol of independence on high— it proudly waves, we salute! The pain, remorse, and misery in spite of false lights from the shattered melody. Will be forever remembered, embodied in veins and brains. Got scarred, torched, and betrayed, yet will be bold as eagles Eye of a warrior, wings of fire, sword of freedom will never be, once again, in shackles, pity victim of tempting allurements, snares in opulence hide. Oblivion curse will be banished, we promise It is an honor— a privilege to live with full dignity. We assure ourselves, our country we will be citizens who will love not blindly. An army of forged identity, standing firmly with empathy With sincerest respect and pure gratitude, we will continuously celebrate thy beloved culture. We are Filipino and will always be one. Philippines our sanctuary, to you our fate resides SILYAK | 27


Iba’t Ibang Uri ng AAAAAAHH Maikling Kwento ni Sherie Anne Delantar Dibuho ni Joven Ceguera

“AAAAAAHH!” -dahil sa sarap “AAAAAAHH!” -matapos uminom ng tubig “AAAAAAHH!” -dahil sa hapdi “AAAAAAHH!” -sa galit “AAAAAAHH!” -baliw “AAAAAAHH!” -dahil nagkunwaring nabaril sa larong baril barilan “AAAAAAHH!” -sigaw ng batang nabaril dahil nadamay sa barilan sa lugar nila “AAAAAAHH!” -sigaw ng ina habang akay ang nadamay na anak

28 | SILYAK


Broken Lullabies

Poem and Artwork by Joanna Erika Puzon

In manly grasps, I offer my throat and breathing. Aware of the gamble: chains and roses —a delight to my seeing. What do I have to lose? I could always hide a bruise. Flashing a smile and a little ‘I’m fine.’ Sing me a song, my love. Sing me your last good night.

SILYAK | 29


Little Princess

Photo by Jamela Hazel Tranquilo

30 | SILYAK


Isang Ina

Photo by Joshua Cedilla SILYAK | 31


32 | SILYAK


Woman

Short Story by Alyssa Franz Uvero Artwork by Joseph Ryan Ibarreta

Close your eyes. Take a breath. Fall into their embrace like a trust fall that never ends. They tell you, ‘This is all we can give you.’ They pat your back; smile something smarmy, tell you to be content. They rally outside your doors, screaming ‘Isn’t this enough? Swallow the bile of it down your pretty narrow throat. Blink your teary eyes; miss beautiful, miss only-pretty-when-skinny, only pretty when fair and half anything other than Filipino. We have your women’s rights right here. Be proud of it. Hear nothing more of it. We are equal. You are safe.’ Safe. You open your eyes to the light, and everyone is watching. Weighing. Waiting. You wanted to speak, but no words were formed. Not a millisecond after you see the blurred body of this rape victim flash across your wide TV screen, this girl you’ll never get a chance to know, this girl who won’t ever get a shot at the innocence you still have in folds, this girl whose name you aren’t even aware of. This corpse, this victim, this girl – barely anything more than a child. You hear you cousin scoff out a funny little frown. “Maybe if she wasn’t wearing tiny skimpy shorts,” he says, lips curling, eyes flashing. You hear these words echo back at you years later like an unauthorized alarm at the back of your brain. Wearing shorts as little and tiny and every bit exposing of the flesh you own as that of the thirteen-year-old girl you never got around to forgetting. But if it’s my body, isn’t it logical that I decide what to wrap it with? Everybody said no. A drunken man follows you down an alleyway and you walk faster. Faster. And faster still. But not as fast as the beat of your heart in your ear, asking, ‘Is this it?’. Saying, ‘It will be my fault.’ You imagine the feel of his weight on you; holding you down, pinning you to the ground, hand on your mouth to dampen the screams. And you know you can’t stop it if he tries.

SILYAK | 33


A scream would’ve been helpful. Maybe someone else will hear and rescue you. But fear clawed up the walls of your throat, and all that came out is a shaky whimper. A mental image of your teacher is screeching at you, telling you to cover up because you should be modest, because you will get raped, because this is your responsibility, because you do not have a right to do this and wear that when predatory men are out there hidden away in corners with something like entitlement in the way their hands just positively itch to rip your clothes off you, because you should know that boys will be boys and – Why couldn’t they just have said that if ever anything happened to you it will be your fault – always your fault, indefinitely – that this will be on you and not on the person who thought it his right to have his wicked way with you? You tell yourself you aren’t like other girls. You dress yourself in boy clothes, talk rougher, move rougher, ignore the soft curve of your chest. Ignore what you are – because when did ever being what you were give you comfort? They tell you your movement is just an excuse to antagonize, to demean, to alienate – and you already know they don’t understand. They won’t understand. Boy is what you wanted to be. Boy meant power. Boy meant better. Boy meant agency and being listened to. It’s so much better than a girl’s heard but ignored cries. War has thrummed in your bones since the day you learned that the thing between your thighs made you weak, made you a bitch, made you impossible for redemption. When they tell you you’re beautiful and you don’t believe them: they scorn your insecurity, tell you to get over years of feeling ugly because of their own standards of beauty. As if they never threw products at your feet to scrub even your elbows stark white. Your body is a temple but you don’t have a say on how to worship it. Your body is supposed to be strong enough to carry them, soft enough to hold them sleep, but sometimes you are not soft – sometimes you are ugly. Sometimes you paint wings along your eyes sharp enough to cut, bare your teeth, flash your nails like claws and watch them tremble just to forget. You don’t want to be their salvation but they ask for it anyway, look for it in the calloused hands and the curve of your tired arms as if you were a place of worship, of forgiveness. When Mary said yes to giving birth to a saviour, she must’ve said yes for all the girls after.

34 | SILYAK


When they tell you you are just a girl, they mean you are more than just a girl. You are a mother, a sister, a lover, a caretaker. You are everything other than what you are, holy and shining and perfect and clean. You are supposed to be better than the skin wrapped around your bones and the garden growing in those bones – but less, of course, than the men. And then someone asks, “What will you give your husband if you lose your virginity?” You hold that love in your heart closer, feel the weight of its insignificance slump on your shoulder. You wanted to say, it’s not all about sex. It’s just sex. But then if you did, you are a slut. Then there’s this society-made calamity in your belly that will grow into a person, into a love that spans lifetimes, a love that is despite anything you have ever known – they don’t give you a choice, have never given you a choice, you’ve never been ready but you don’t know now what it could have been if they had just let you, sinner, slut, never child, never sorry, never misunderstood – He walks away free and you are left with the ultimatums. Because it’s acceptable if they leave, but immoral if you bailed. I don’t want this. It’s my body. I get to say what happens and what doesn’t! But who are you kidding? Humanity will curse you for choosing you – a fullyfunctioning grown woman – over a two-week-old zygote. Why is it that when men are asked to understand, they must be told to think about their sisters, their mothers, their cousins, their girlfriends? Why do you need to be told that a girl has a boyfriend just so you would leave her alone? Why do women need to find all the ways they are related to you just so you can see them worthy of being a human? Are women not enough as themselves? Silence had been long and damaging. Voices must be heard. Justice should be served. But this society’s patriarchal disease still prevails, leaving women screaming, yet seemingly unheard.

SILYAK | 35


Maling Tama

Tula ni Felimon Gozun Jr. Dibuho ni Coleen Angelique Montenegro

Tamang tingnan ang tama, maging positibo. Ngunit h’wag kang maging panatiko. Maging Pilipino bago maging tagasunod ng iyong idolo. Tamang sumunod – ngunit gamitan mo ng utak. Wala sa lider and tatak. Kundi sa pusong nagmamahal sa bayan. Mali! Ang ika’y mangunsinte – ng mga politikong harap-harapang gumagawa ng katiwalian. Tama na ang pagbubulag-bulagan. Mali ka! – nang simulan mong sundan ang politiko. Alamin ang serbisyo-publiko. May panahon ka pa. 36 | SILYAK


Blinding Lights Poem by Michael William Ronco Artwork by Joven Ceguera

Caught in labyrinth of bliss and agony. Voices lingering inside. Enticed to lead this path to misery, to the raging fire in sight. I fell to its appeasing light, allured by its ecstasy. The sight excites the soul inside. Hankering for a mend to this anguish. Devour the misery, feel the pain the paradise is now within, addicting. Euphoria overwhelms the heart inside, benumbed the senses from agony. Ceasing from these mighty grasps. Hard, I can’t resist. Like a moth enticed by the blinding light. Leading a path to tragedy.

SILYAK | 37


Reaper’s Call

Poem by Hadjie Bazar Artwork by Jan Kloude Igana

Upon the menacing moonbeam’s heist of divine pretense, Toxic vapors clouded the blood-streamed cadence… One. Two. Three. I’ll shoot –bullet fired! Next, BOY FOUND DEAD Reaping crimes— juvenile story. till then, stitched justices flee? Mellowly lights… Lamps of sin. Shadowy shades… Tints of pain. Listen, for eyes were blind. Feel, for minds are denied. 38 | SILYAK

Justice never found! REST IN PEACE— written on the island’s tomb. TRUTH cowers over these cold-blooded crooks. Spirits on a never-ending Sanguineous strokes. Below are voices “Shoot the next bullet… Bring him on SILENCE!” On his cadence, --death.


Mandirigma

Tula ni John Reynold Brioso Dibuho ni Rafael Angelo Morales

nagpasiil. hindi lumaban, Mula sa tanikala ng mapagmanipulang kaaway yamang buhay. sa makapangyarihan iniaalay hindi, Hindi tutuldukan. ang kasunduan, Sa pagitan ko at ng kasamaan, magpapasilaw. hindi aayaw, sa ginto’t yamang materyal, Sa nakakaadik na karangyaan— ‘iyan ang aking karangalan’: Isinigaw ko ng walang pag-aalinlangan, (Basahin pabalik)

SILYAK | 39


Territory of a Troubled Beast Photo by Jamela Hazel Tranquilo

40 | SILYAK


Breaking Through the Silence Photo by Jude Zymon Casyao

SILYAK | 41


Buntong-hininga ng Puta Nobela ni Herminia Vasquez Dibuho ni Angelica Ghea Juliano

Kabanata I Sa ilalim ng patay-sinding ilaw… Kasabay ng romantikong ritmo ang pag-alon ng aking baywang. Giling dito. Giling doon. Giling na nag-uudyok ng labis na pagkahayok sa bawat matang nagmamasid. “Kung gusto mong kumita ng pera, galingan mo! Paano ka maikakama ng tatlong lalaki sa isang gabi kung papatay-patay ka? Itodo mo, gaga!” bulyaw ng bugaw na si Matilda habang idinuduro ang dalawang daliring umiipit sa paupos na sigarilyo. Sa mga sandaling ito, lulunukin na lamang ang laway, kapagdaka’y dahandahang huhubarin ang mapusok na kasuotang tanging malulusog na suso at puki lamang ang nagkukubli. Sa hudyat ng aking gasgasin at namamagang paa na dulot ng maghapong pag-eensayo gamit ang anim na pulgadang takong, ang aking katawa’y magpapatangay patungo sa kandungan ng mamang nakaramdam ng tawag ng laman. Ang titig niya’y napakalagkit; halata ang pagkamangha sa mala-porselana kong kutis at maumbok na hubog ng aking balakang. Habang sabik niyang sinisisid ang hubo’t hubad kong katawan, unti-unti ko namang nararamdaman ang sakit na nanunuot sa aking kaibuturan— ang sakit ng masalimuot kong nakaraan. Labintatlong taon... Labintatlong taon na ang nakalipas, ngunit sariwa pa rin sa

42 | SILYAK


aking isip ang sandaling unang beses akong nagdesisyon para sa aking pamilya; kung sa iba’y maliit na bagay lamang ito, puwes, hindi para sa isang dalaginding na katulad ko. Sa edad na trese anyos, sinuong ko ang mabigat na responsibilidad at namulat sa mapait na realidad ng buhay. Sa probinsya ng Samar, Biyernes, alas-tres ng hapon... Ang bawat hakbang ng aking mga paa ay tila pabigat nang pabigat, habang binabagtas ang masukal na talahiban. Hawak ng aking kaliwang kamay ang laylayan ng aking saya upang iiwas sa madikit na amorsiko. Ang kanang kamay ko naman ang buong lakas na umaalalay sa suong-suong na kahon na s’yang pinaglalagyan ng aking mga damit, maging ng kapirasong papel at lapis na natira magmula nang ako’y tumigil sa eskwela. “Mag-iingat ka, Anak. Napakalaki ng Maynila. Sumunod ka sa lahat ng inuutos ng Tiya mo, ha? Ikaw lang ang aasahan namin ng Itay at ng lima mong kapatid. Magpapakabait ka, Anak ko,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Inay habang kami’y papalapit na sa sakayan ng dyip. “Oh tama na ‘yang paglilingkisan n’yong mag-ina kung ayaw n’yong maiwan tayo nitong huling biyahe,”wika ni Tiya Loleng. Wala ni isang salitang lumabas sa aking bibig, ngunit nangingilid sa luha ang aking mga mata habang pareho naming tinatanaw ni Inay ang isa’t isa palayo... Ako si Ligaya— panganay sa limang magkakapatid. Payak ang pamumuhay namin sa probinsya. Sagana kami sa mga pananim na gulay at prutas. Mayroon din kaming inaalagaang maliit na niyogan at kubo-kubong nagsisilbing koprahan. Napakasipag ng aking ama; madaling-araw pa lang ay ginagayak niya na ang daan patungong bukid. Ang aking ina naman ang s’yang nag-aasikaso sa maliliit kong kapatid, habang ako at ang tatlo ko pang kapatid ay pumapasok sa paaralan. Ngunit, sa ‘di inaasahan... “Ligaya, ‘yong tatay mo nahulog sa puno ng niyog,” sigaw ni Aling Bebang nang ako’y pauwi na sa bahay. Ako’y kumaripas ng takbo at nadatnan ang aking inang naghihinagpis sa tabi ng aking amang walang malay. Wala kaming perang pangpaospital kung kaya’y ginamot namin s’ya ng kung ano-anong makukuha sa bakuran. Ngunit simula noon ay hindi n’ya na maigalaw ang kan’yang buong katawan na para bang isang lantang gulay. Tumigil ang tatlo kong kapatid sa pag-aaral. Pumapasok ako sa umaga na tanging lugaw lamang ang laman ng tiyan. Nagdadala ako ng bunga ng bayabas, santol o ‘di kaya’y mangga na ipinagpapalit ko sa ilang pirasong papel at lapis. Sa tanghali, ako ay umuuwi upang gugulin ang buong hapon sa pamumulot ng panggatong na ipagbibili ko sa bayan tuwing Biyernes. Naging ganito ang takbo ng aming buhay hanggang sa ako’y tuluyan na ring tumigil sa pag-aaral. Dito pumasok si Tiya Loleng— ang nakaluluwag-luwag na kapatid ni Inay. Siya’y nakatira sa Maynila at doon ako ay niyaya upang manilbihan kapalit ng aking pag-aaral at buwanang sustento sa aking pamilya. Ngunit isang bangungot din pala ang aking dadatnan, pagtungtong sa lugar kung saan inaakala ko ang simula ng kaginhawaan.

SILYAK | 43


Kabanata II

Isang gabi, alas-onse y media, sa sala, nag-iinoman si Tiyo Kanor (asawa ni Tiya Loleng) kasama ng kan’yang dalawang kumpare. Sila’y nagtatawanan habang sinisinghot ang makakapal na usok na nagmumula sa sinindihang makintab na papel. Nandoon din si Tiya. Ang kanilang mga mata ay maiilap na tila mga asong ulol— animo’y mga pakawala at wala sa realidad. Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising ako nang may unti-unting gumagapang sa pagitan ng aking mga hita. Pagbukas ng aking mga mata, laking gulat ko… ang ulo ni Tiyo’y pataas na sa aking dibdib! Akma na ‘kong sisigaw nang makita ko si Tiya… may hawak na kutsilyong nakatutok sa aking leeg. “Sige, sumigaw ka, kung hindi lalaslasin ko ‘yang leeg mo,” gigil na banta ni Tiya habang nanlilisik ang bilogang mga mata. “Pareng Kanor, ‘pag sawa ka na baka pwede mo naman kaming patikimin ni Pare mo. Tigang na tigang na ‘ko oh.” “Oo nga naman, Par. Matagal na ‘kong hindi nakakatikim ng sariwang putahe. Baka naman…” “Oo naman, mga Par. Kayo pa ba? Relax,” nakangising tugon ni Tiyo sa dalawa. Sa mga oras na ‘yon, wala akong nagawa kung hindi ang maligo sa sarili kong pawis at luha, at tiisin ang kirot na dulot ng kahayupang pagyurak— hindi lamang sa aking pagkababae, kung hindi maging sa aking pagkatao. 44 | SILYAK


Binaboy nila ako! Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, dumalas nang dumalas ang paghalay sa akin ni Tiyo; sa sala… kusina… banyo… kwarto… kahit sa mismong harapan ng walang hiya kong tiyahin. Hanggang isang araw… naglakas-loob na ‘kong magdesisyon para sa aking sarili; ala una ng umaga nang ako’y umalis sa mala-impyernong bahay na iyon. Walang kahit anong dala maliban sa mga markang iniukit sa aking katawan at mapait na alaala. Ako’y nagpalaboy-laboy sa lansangan; walang kaalam-alam sa kasalukuyang dinadala— nagbunga pala ang kababuyang ginawa sa akin ni Tiyo Kanor. Sa edad na labing-anim, hindi ko lubos-maisip ang gampanin bilang isang ina; sa edad na labintatlo, natunghayan ko na rin kung gaano kahirap ang buhay at kung gaano kalupit ang mundo. Hindi ko pa kayang magpaka-ina. Ayaw ko ring dumating sa punto na maranasan ng magiging anak ko ang bangungot na dumadalaw kahit mulat ang aking mga mata... kung kaya’y sumagi sa isip ko na ipalaglag na lamang ang batang nasa aking sinapupunan. “Inay…” salitang paulit-ulit at mangiyak-ngiyak kong binabanggit habang nakalupasay sa ilalim ng tulay. Makipot… Madilim… Mabaho… Lahat ng ito’y hindi ko na alintana. Ang gusto ko lamang sa mga oras na iyon ay makauwi na sa aming probinsya kung saan nandoon sina Itay, Inay at mahal kong mga kapatid. Humigit-kumulang dalawang taon na rin magmula nang mawalan ako ng balita tungkol sa kanila. Siguro… magaling na si Itay mula sa pagkakahulog niya sa puno ng niyog. Siguro… abala na sila Inay sa pagtatanim sa bukid. Siguro… nakabalik na sa eskwela ang tatlo kong kapatid at maaaring nag-aaral na rin si bunso na noo’y hindi pa nakakalakad. “Ale, manlilimos po. Pamasahe ko lang po sana pauwi sa amin— sa Samar po. Parang awa n’yo na po, kahit ilan lang po.” “Tumabi ka nga, nagmamadali ako. Patay-gutom!” sabay irap na umalis ang babae. Nasa terminal ako ng bus sa mga sandaling iyon… Bakas sa aking mukha ang labis na pagod— tumatagaktak ang aking pawis sa mabahong damit na mag-iisang linggo ko nang hindi napapalitan. Hindi pa halata ang umbok ng aking tiyan, kung kaya’t hindi rin batid ang aking dinadala. Maya-maya isang lalaki ang lumapit sa akin at buong gulat ko nang ako’y hawakan niya sa balikat. “Ineng ilang taon ka na? Tiga-saan ka sa Samar? Drayber kasi ako ng bus papunta roon, eh ilang araw na kitang nakikita rito at narinig ko kanina na gusto mo nang umuwi sa inyo. Pwede kitang isabay kung gustong-gusto mo na talagang makauwi,” nakangiting tugon ng mama. Napayakap na lamang ako sa kan’ya nang mahigpit habang nag-uunahan sa pag-agos ang aking luha. Sigurado ako na nakita at naramdaman ko sa kan’ya ang pagmamahal ng isang ama, katulad ng nag-uumapaw na pagmamahal sa akin ni Itay. Makalipas ang tatlong taon, muli kong binagtas ang talahiban pauwi sa aming tahanan. Kumaripas ako sa pagtakbo— hindi alintana ang mga amorsikong SILYAK | 45


kumakapit sa aking saya. Sa kalayuan, natanaw ko ang barong-barong na siya mismong kinatatayuan ng aming bahay noon. Kakaiba rin ang paligid— kung noon ay nagsisilakihan ang mga puno, ngayon ay mababatid ang panibagong pagsibol; wala na ring pananim na gulay at prutas sa lupang ipinagkakatiwala sa aming pamilya. Maging ang koprahan ni Itay ay naglaho na rin na parang bula. Nagtataka man, hindi ko pa rin itinigil ang aking mga paa sa pagtakbo, hanggang sa matunton ko ang tabing ng barong-barong. “Maaaring hindi na rito nakatira sila Itay, pero wala namang masama kung magbabakasakali ako,” ani ko sa sarili. “Tao po. Tao po,” malakas na tawag ko mula sa labas. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aleng halos magkandarapa sa pagmamadali. “Anak, Ligaya, ikaw ba ‘yan anak ko?” Magkahalong luha at saya ang gumuhit sa aking mga mata nang makita ang kahabag-habag na hitsura ng aking ina. Habang hinahawi ang aking buhok at kinikilatis ang aking nanggigitatang katawan, nababatid ko na rin ang kaniyang labis na pangangayayat— patpating katawan, buhaghag na puting buhok, kulubot na kutis at malamlam na mata. “Inay, anong nangyari sa’yo? Sila Itay, si Bunso, ang mga kapatid ko, nasaan sila, Nay?” “Wala na sila, Anak,” wika niya na may buong pagtangis. Paano? Kailan? Saan? Bakit? Ang dami kong tinanong kay Inay; sa mga sandaling iyon, tanging paghikbi lamang ang kaniyang naging tugon. Nakabibingi… Isang taon makalipas kong lisanin ang probinsya, doon na pala tuluyang namaalam ang aking ama, dala na rin ng labis na pangungulila sa akin. Mas nahirapan sila Inay na siya’y pakainin dahil sa kawalan ng gana. Si Itay din ang tipo ng tao na sumasama ang pakiramdam sa tuwing hindi nakapagbabanat ng buto, sa ilalim man ng nakalalapsong init ng araw o kaya’y malakas na buhos na ulan, kung kaya’t nakadagdag pa ito sa karamdamang kanyang tinitiis. Anim na buwan makaraan ang pagpanaw ni Itay, sa ‘di inaasahan, isang napakalakas na bagyo ang nanalasa sa Samar. Dahil sa rumaragasang agos ng tubig, sina Inay at tatlo kong kapatid ay nagkahiwa-hiwalay nang tangayin ng baha. Makalipas ang apat na araw, natagpuan ang katawan ng tatlo kong kapatid— lobo ang mga tiyan at balot ng makakapal na putik ang kanilang kaawa-awang bangkay. Tanging si Inay lamang ang nakaligtas sa delubyo. Magkahalong luha at sipon ang umagos sa aking mukha habang ikinukwento ni Ina ang mapait na alaalang sinapit sa mga panahong wala ako. “Hindi ako umalis dito, Anak. Araw-araw, nagbabakasakali ako na babalik ka... na baka isang araw pagdungaw ko sa labas, makikita kitang muli. Ginusto ko na magpalunod na rin, magbigti, maglaslas para maibsan ang sakit na nararamdaman ko, pero lagi kitang iniisip, Anak. Paano kung bumalik ka, sinong dadatnan mo pag-uwi?” “Nay, buntis ako.”

46 | SILYAK


Kabanata III Kasalukuyan… “I spend money for a fucking bitch like you who can’t even perform a good sex? C’mon! You want money? You want money? Work hard for it then. Damn!” bulyaw ng pangatlo kong kostumer sabay sampal ng pera sa aking mukha. Nanliliit man sa sarili, nanginginig sa takot ko pa ring dinampot ang isang libong nahulog sa ibabaw ng kama. “Sa wakas, may pambili na rin ng project si Totoy sa eskwela,” bulong ko sa sarili habang pinapahid ang luhang nagkalat sa aking pisngi. Bukod pa rito ang isang libong inilaan ko para sa gamot ni Inay at pagkain namin sa susunod na araw. “Matagal na rin kaming hindi nakatitikim ng manok. Tiyak matutuwa si Totoy nito kapag bumili ako ng kahit kalahati na sakto para sa agahan at pambaon niya mamaya.” SILYAK | 47


Pitong taon na ang nakalipas magmula nang kami’y magpasyang lisanin ang probinsya at dito mamalagi sa Maynila— ako, si Totoy at ang aking ina. Ibinenta na ng may-ari ang lupang ipinagkakatiwala sa aming pamilya; wala na rin si Itay na s’yang mangangalaga kung sakali. At higit sa lahat ng rason, puros sakit lamang ang dulot ng lugar na iyon sa amin ng aking ina— sakit na inaasahan naming mapapawi buhat sa pagpapakalayo-layo. Noong una, pumasok si Inay bilang kasambahay sa isang subdibisyon, ngunit hindi sapat ang kaniyang kinikita sa isang buwan. Bukod dito, maedad na rin siya para sa ganoong uri ng trabaho kung kaya’t umabot kami sa puntong ito— s’ya ang nag-aalaga kay Totoy at ako ang kumakayod. Nang ako’y magsimulang magtrabaho, inakala ni Inay na ako’y pumapasok sa isang call center. Wala siyang kaalam-alam, nagpuputa na pala ang kan’yang natitirang anak. Bakit? Sino ba namang tanga ang kukuha sa isang hamak na katulad ko? Ako’y isang babaeng probinsyana na hindi man lang nakatungtong sa hayskul. Isang mangmang at dukha. Kalaunan, nalaman din ng aking ina ang katotohanan. Gustuhin man naming pareho, subalit wala akong ibang pagpipilian. Sino ba naman ako para mamili? Tanging bahay-aliwan lamang ang trabahong paniguradong magbibigay sa akin ng malaking salapi. Titihaya ka lang, may isang libo ka na, kumbaga. “Tingnan mo ‘yang hubog ng katawan na ‘yan, ‘yan ang gusto ko sa babae— balingkinitan.” Dinig ko na naman ang kuwentuhan at hagalpakan ng mga lasenggo sa kanto habang nakatanaw sa akin. “Ligaya, napaka-sexy mo naman. Hindi mo na naman ba ‘ko babatiin? Tara, tagay ka muna rito. Medyo kulang ‘tong pampainit ko eh,” alok sa’kin na Tonyo— bantog na sunog-baga sa aming purok. “Hoy, bastos ka ah! Kinakausap pa kita kaya ‘wag mo akong tinatalikuran!” bulyaw niya sabay hatak sa aking balikat. “Ano ba, Tonyo? Wala ka bang magawang matino sa buhay mo? Kaaga-aga lumalablab ka na naman ng alak. Nakapakabatos ng tao na ‘to. Nakapeperwisyo,” mariing tugon ko sa kan’ya. “Anong sinabi mong pokpok ka?” sabay kabig sa aking baywang. Halos sumubsob na ang aking ibabang parte sa pagitan ng kan’yang mga hita sa sobrang lakas ng pagkakakabig. Langhap ko tuloy ang amoy-tsiko n’yang hininga at ramdam ang malagkit na pawis sa kan’yang mga braso. “Ikaw, ‘wag kang aarte-arte kasi pokpok ka lang. Maraming dila ang dumadantay d’yan sa laspag mong katawan. Tandaan mo ha: isa kang puta. Puta ka lang— bayaran!” Nanlilisik ang kaniyang mga mata, kapagdaka’y itinulak ako palayo na s’yang dahilan para ako’y mapaupo sa putikan. Pinulot ko ang aking sarili mula sa kahabag-habag na kalagayan. Pinahid ang luha, sabay sabing, “Sanay na ‘ko.” Matapos ang ilang metrong paglalakad mula sa kanto, sinalubong ako ng aking inang katatapos pa lang magluto ng pang-umagang lugaw. “Inay, mano po.”

48 | SILYAK


“Anak, si Totoy… nakipagbasag-ulo sa eskwelahan kahapon. Pinapatawag ka raw ng prinsipal ngayong araw.” “Ha? Paano?” tanging tugon ko nang may buong pagtataka. Mabait na bata si Totoy— hindi s’ya palaaway na bata at hindi sumasagot kapag pinagagalitan. Napalaki ko man s’ya sa nakasusulasok at magulong iskwater, hindi niya natutunang magnakaw o kaya’y maging raskal. “Ms. Balingkawit, pinatawag namin kayo ngayon dahil nahuli namin ang anak n’yo na binugbog ang anak ni Mrs. Valencia sa loob ng kanilang klasrum.” “Nakikita mo ba ‘tong ulo ng anak ko? Pinatahi pa namin ‘to kahapon ng tanghali dahil d’yan sa walang hiya mong anak,” bulahaw ng ina ng batang nakabangayan ng aking anak habang dinuduro ang nakayukong si Totoy. “Paano kasi, ‘Nay, tinutukso n’ya ako na anak daw ako ng pokpok. Ipinagkakalat niya sa buong klase namin na nakikipaghalikan ka raw sa iba’t ibang lalaki, gabi-gabi. Kaya sa galit ko, naitulak ko po s’ya. Hindi ko naman po sinasadya na mauntog s’ya sa kanto ng mesa, kaya dumugo po ‘yong ulo niya.” “Tingnan mo, bukod sa bayolente, napakasinungaling pa ng anak mo! Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko sa babaeng mababa ang lipad katulad mo; malamang wala kang magandang maituturo sa anak mo kung hindi puro katarantaduhan. Tsaka totoo naman ang sinasabi ng anak ko ha— kung kani-kanino ka nakikipagtalik. Pwe!” singhal ng ale. “Misis, magdahan-dahan ho tayo sa pagsasalita, nasa harap natin ang mga anak n’yo. Ang ayaw ko sa lahat ay ang gumagawa ng gulo sa loob ng paaralang ito. Kaya sa susunod na maulit ‘to, hindi ako magdadalawang-isip na isuspende ang mga anak n’yo. Nagkakaliwanagan ho ba tayo?” “Opo,” tugon niya nang may pag-ismid at pag-irap. “Opo,” tanging salitang lumabas sa aking bibig sa buong oras ng pag-uusap. “Nay, ba’t hindi n’yo po ipinagtanggol ang sarili n’yo? Ba’t hinayaan n’yo lang po na pagsabihan tayo ng masasakit na salita sa harap ng ibang tao? Ba’t hinayaan n’yo lang po na sabihan nila kayo na nakikipaghalikan ka sa iba’t ibang lalaki? ‘Di ba po mali na sinabi nila ‘yon? ‘Di ba po nasa tama naman tayo, ba’t hindi po kayo nagsalita. Nay?” paulit-ulit na tanong ng aking anak habang binabagtas ang daan pauwi. Para bang nanghihina ang aking mga tuhod; damang-dama ko ang bigat ng aking mga paa sa bawat paghakbang, habang akay-akay ang nakabusangot na si Totoy. “Nay, bakit nga? Nay!” sigaw niya sabay yugyog sa aking braso, na s’yang aking ikinagulat. Tila ba ako’y naulinigan. “Nay, bakit hindi n’yo po ako masagot? Totoo po ba ‘yong sinasabi nila, na pokpok kayo?” muling tanong niya sa akin. Tumigil ako sa paglalakad, akmang iniluhod ang kanang tuhod at tiningnan ng diretso sa mata ang aking anak. “Toy, ‘wag mo na lang pansinin ang sinasabi ng iba. Kung papatulan natin ang mga katulad nila, lagi lang tayong mapapasabak sa gulo. Naiintindihan mo ba si Nanay, Anak?” malambing na saad ko sa kan’ya.

SILYAK | 49


Pitong taon pa lang si Totoy kung kaya’t madali ko pang naitatago sa kan’ya ang mga bagay-bagay. Ngunit paunti-unting nag-iba ang ihip ng hangin magmula nang siya’y tumungtong na sa hayskul. “Oh anak, kumusta ang araw mo sa eskwela? Akin na ‘yang bag mo, pagkatapos ay magbihis ka na at kakain na tayo,” pagbati ko na may buong paglalambing. “Ano ba, ‘Nay? Hindi na ako bata. Tsaka gabi na, ba’t hindi ka pa umaalis? Malamang hinihintay ka na ng mga kostumer mo.” “Ano? Anong sabi mo, Anak?” “Nay, ‘wag na tayong maglokohan dito. Alam ko na ‘yan, matagal na. Hindi na ‘ko bata para hindi ko mapansin ‘yang pagtra-trabaho mo sa club. Alam ko, Nay, pokpok ka!” Halos mabitawan ko ang bitbit kong bag nang marinig ang mga salitang hindi ko pa handang marinig mula sa aking anak. “Anak… Anak, patawarin mo si Nanay kung itinago ko ‘to sa’yo. Patawarin mo si Nanay, Anak… Ayaw kong ikahiya mo ‘ko. Ayaw kong kamuhian mo ko, Anak ko…” “Nay, matagal na ‘kong napapahiya sa mga kaibigan ko… sa mga kaklase ko… Araw-araw na lang pagpasok ko sa eskwela andyan ‘yong tutuksuhin nila ‘ko, pasasaringan— sasabihan ng ‘anak ng pokpok’. Ipinapahiya n’yo ko, Nay! Sana hindi na lang ikaw ang naging nanay ko. Sana hindi na lang ikaw!” Halos hindi ako makagalaw na para bang naninigas na estatwa. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan— mula sa dulo ng aking hinlalato hanggang sa aking nanlalamig na talampakan. Pabigat nang pabigat ang aking dibdib na kahit ano mang oras ay para ba ‘kong malalagutan ng hininga. Hindi na si Totoy ang batang pinalaki ko— ang dating malambing, magalang at maalalahanin kong anak ay isa na ngayong madabugin, bastos at walang pakialam. Nagsimula siyang mapabarkada at malulong sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo, pagiinom, pagsusugal at ang hindi ko kinaya sa lahat, ang pagsinghot ng ipinagbabawal na gamot. Ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw sa club at pagbubugaw ng sarili sa samo’t saring lalaki. Inuulit ko: wala akong pagpipilian.

50 | SILYAK


Kabanata IV Madaling araw, sa isang madilim na eskinita, ako’y marahang naglalakad sa ilalim ng bilog na buwan— nakayapak, bitibit ang pulang sapatos na pudpod kasasayaw. Mababatid sa aking mukha ang pakla ng gabi-gabing pagkayod. Sa nakabibinging ingay ng paligid… isang masaklap na kapalaran pala ang babasag sa katahimikang doo’y bumabalot. Sampung metro mula sa aking kinatatayuan, tanaw ko ang isang binatilyong pasuray-suray kung lumakad— animo’y pagewang-gewang na gulong matapos mawalan ng hangin sa ilalim ng tirik na araw. Hawak niya ang isang boteng alak na kan’yang nilaklak, habang ang ibang likidong tinutungga ay sinasalo naman ng kan’yang damit.

SILYAK | 51


Para bang nakikita ko sa kan’ya ang aking anak— matangkad at may kulay din ang buhok; kung susumahin, halos kaedaran niya lang si Totoy. “Parang pamilyar ang kaniyang mukha,” ani ko sa sarili. Dalawang metro na lamang ang pagitan bago kami magkasalubong nang biglang… isang humaharurot na sasakyan ang sumulpot sa kan’yang likod! Walang pagdadalawang-isip, binitawan ko ang bitbit na pulang sapatos sabay tulak sa kanya na s’yang dahilan ng kaniyang pagkasalampak sa poste. “Tulong! Tulungan niyo kami!” Kasalukuyang oras: alas kuwatro. “Anak? Anak, anong nangyari sa’yo? Nasugatan ka ba?” sabay hagkan ng ina sa anak na binatilyo. Nababalot ng ingay ang paligid. Nakaririndi. Ngunit wala na palang mas higit na nakabibingi sa dagundong ng pagtangis. “Naaaaay. Inaaaayyyyyy!” Halos maghalo ang gabutil na luha at sipon ni Totoy habang niyayapos-yapos ang nakabulagta kong katawan na naliligo sa sariling dugo. “Nay, gumising ka naaaaa. Patawarin mo ‘ko, Nay.” Matapos ang matagal na pangungulila, ngayon ko lang ulit naramdaman ang nag-uumapaw na pagmamahal ng isang anak. “Toy, Napakabuti ng iyong ina… Matapos ng ginawa kong pangmamaliit noon sa inyo, nagawa niya pa ring tulungan ang anak ko. Araw-araw kong ipinagdarasal sa Panginoon, nawa’y matawad ako ng Nanay mo. Napakabuti niyang tao… Napakabuti niyang ina…,” mangiyak-ngiyak na pagpapasalamat ng Aleng dumuro-duro noon sa anak kong si Totoy. “Sana… sana nasabi ko man lang kay Nanay kung gaano ako ka-proud sa kan’ya. Sana… naparamdam ko man lang kay Nanay kung gaano ko s’ya kamahal. Sana… ipinadama ko kay Nanay ka andito lang ako para sa kan’ya kahit tinalukaran s’ya ng lahat. Nay, sana naririnig mo ako ngayon. Kahit wala ka na, sana malaman mo kung gaano ‘ko kasuwerte na ikaw ang naging Nanay ko, at kung bibigyan man ako ng pagkakataon, ikaw pa rin ang pipiliin ko sa lahat.” Kasabay ng paghagulgol ni Totoy ang pagpatak ng gabutil na luha sa aking mga mata. Ngunit iba— hindi na luha ng pangmamaliit, pang-aalipusta, pagyurak at pagtalikod ang namumutawi, kung hindi luha ng walang kapantay na pagkilala, pasasalamat at pagtanggap. Nakatatawa mang isipin… na kung kailan ako’y manhid at malamig na, ay saka ko lang nadama ang labis na kaligayahang noon pa ma’y mailap na sa akin. Tunay nga na kailanma’y hindi maiaalis ng gabi-gabing pagpuputa… ang habambuhay na dangal bilang isang mabuting kapwa, mapagsakripisyong anak at mapagmahal na ina. Ngayon, unti-unti ko nang nakikita ang liwanag, hindi mula sa patay-sinding ilaw kung hindi sa liwanang patungo sa mundong buo ang pagtanggap— lugar kung saan naghihintay sila Inay.

52 | SILYAK


Demons

Poem by Christine Astibe Artwork by Rafael Angelo Morales

Run away, they’ll chase you far. They caused you pain, etched every scar. Kill them all, they hold you down. You won’t go anywhere with them around. Can’t you scream? Stop standing there! Your demons, look. They’re everywhere. Turn around and you will find what holds you back is in your mind.

SILYAK | 53


Tulo Dyis

Photo by Joshua Cedilla

54 | SILYAK


Little Solitude Soul Photo by Jude Zymon Casyao

SILYAK | 55


Nostalgic Euphoria Poem by Hadjie Bazar Artwork by Joanna Erika Puzon

Our days have shifted. Fragile memories turned into ashes of false hopes. No more flashes of hints. Yet, honestly missing those hysterics and jokes. Things may have gone so far. Like an autumn feels of midyear vibes. As I look upon the weathered cracks of tainted glass, there’s always this: background and a foreground.

I’m still into you, I realized. There’s no such thing as noise upon hearing your voice. Musical scores— an imagery. An image of yours under these twilight doors. Unknowingly, emotions just overflowed as tears happened to reach its abode. As fogs turned into mist, I shouted! Not of happiness but of sorrow like a passion of rhetorical poems.

Opening into a distance of sunshine— lullaby and a wood they cannot reach; A severed string of connection— goodbyes.

There’s no hope of you hearing this regretful call. You and your love has gone too far alone— “I’m sorry…” Can we meet again on a tear-woven prose?

Voices fading out… Tears falling…

Farther than mind and hopes can hide; deeper than voice and words are defined. No wonder, that’s keeping our stars apart.

We started to walk in parallel ways. Gazing upon these deepened scars of twisted fates. Along with fallen leaves of nostalgic scenery of despair stunned! Heart rusted. Muted... 56 | SILYAK

Distant. Yet, you are always in my heart. Hear it as the deaf conceives empty space upon your walls— Interpretations are meant just for you and my soul.


SILYAK | 57


Gulong ng Palad

Maikling Kwento ni Shiela Mae Parco Dibuho ni Barbie Dal

Kasabay ng paglakad ng mga ulap ang bawat hakbang ng aking hubad na mga yapak habang binabaybay ang matarik na daanan pababa sa aming siyudad— kung nasaan ang sibilisasyon. Bitbit ko ang mga paalala sa akin ni inay kasama ang isang mabigat na bulto na naglalaman ng sariwang mga gulay na ibibenta ko sana. Ang bawat nalikom na pera ay sapat na upang maibsan ang pang araw-araw na pagkalam ng aming mga sikmura. Anak-dalita man ngunit matiyaga akong nagbabatak ng buto upang umunlad ang aming payak na pamumuhay lalo na’t ipinanganak akong walang tumatayong ama. Hindi rin sa akin binabanggit ni inay kung anong nangyari sa kanya. Sa aking palagay, mas mabuti nang magkusang-palo at paghirapan ang bawat salapi na aking makakamtan kaysa manlimos lamang sa tabi-tabi gaya ng mga kanayon ko nakikita ko ngayon habang dumadaan sa simbahan. “Palimos po.” Napalingon ako kung saan iyon nanggaling. Isang babae na may dalang sanggol na nakabalot sa puting tela ang pumukaw sa aking atensiyon. Paulit-ulit niya itong sinasabi subalit sa kasamaang palad, nilalampasan lang siya ng bawat 58 | SILYAK


taong makakaharap niya. Ang iba, sinasadyang umiwas sa kanya na tila bang may nakakahawa siyang sakit. “Palimos po.” Ulit niya. May isang babae na huminto sa harapan niya— makapal ang bulsa, sa aking palagay. Idagdag mo pa na may nakasunod sa kaniyang tagapayong. Laking gulat ko na lamang sa sumunod na nangyari: imbis na barya, dura pa ang kanyang ibinigay sa kawawang nanlilimos. Maganda nga ngunit ang kalooban ay hindi. Biglang kumirot ang dibdib ko sa eksenang nasaksihan. Medyo nanlalabo na rin ang aking paningin dulot ng nanggigilid na luha sa aking mga mata. Tao rin naman kami ngunit bakit tila hayop kung kami’y ituring? Nagpatuloy na lang ako sa aking paglalakad nang biglang... Pippiiiiiiiiipppp!! Napatalon ako sa sindak dahil sa narinig kong busina ng kotse na galing sa likod na direksiyon. Bigla ko tuloy naihulog ‘yung pasan kong mga paninda. Awa ng diyos, hindi naman ito gumulong at kumalat sa gitna ng kalsada. At kung sakali man na nangyari iyon, pagkadismaya at sugat lang sana sa paa ang aking maiuuwi... Pati ang sama nang loob sa akin nitong taong nasa loob ng sasakyan. “HOY, BATA. UMALIS KA NGA DYAN! HAHARANG-HARANG PA KASI SA DAAN ‘EH! ANG BOBO NAMAN!!” sigaw ng matapobreng lalaki na nagmistulang umuusok ang tainga sa sobrang pagkagalit sa akin. Pamilyar din ang katabi nito— ‘yong babae na hindi man lang nakonsensiya kanina sa kaniyang inasal sa harap pa mismo ng simbahan. Hindi maipagkaila na sila’y tunay ngang magkabiyak-dibdib— parehong masama ang kanilang pag-uugali. Hindi ko lubos maisip kung bakit kumulo ang dugo ng lalaking iyon sa simpleng paglakad ko lamang sa daanan. Hindi naman ako nakaharang sa gitna ng kalsada pero gano’n parin ang tingin niya sa akin... Ang buto’t balat na katulad ko ay isang malaking harang. Aminado akong salat ako sa pag-aaral pero tinuruan naman ako ng mabuting asal ni inay. Nasa kultura parin namin ang pagrespeto sa kapwa kahit na lagi kaming nakakatanggap ng pangungutya at pagmamaliit na kami raw ay utak-biya. Minsan, iniinsulto at ginagawang katatawanan. Imbis na patulan, gumilid na lang ako at humingi ng paumanhin. Ngunit, imbis na tanggapin iyon, tiningnan niya pa ako ng isang mapanlait na tingin na wari’y nandidiri sa aking pisikal na anyo. Maitim ang aking balat, kulot ang buhok at makapal ang labi. Suot ko ang lumang damit na gawa sa pinagtagpi-tagping tela. Wala rin akong sapin sa paa. Wala man akong dala na marangyang kagamitan pero tangay ko naman ang mithiin na balang araw, magiging katulad din ako nila. Sa aming mga mata— tayo’y magkawangis, magkapantay at magkapareha... ngunit bakit sa tingin niyo, kami’y naiiba? Umiling-iling ako at nagpatuloy na sa aking patutunguhan. Maaga pa lamang SILYAK | 59


pero hindi na mahulugan ng karayom ang palengke. Pumuwesto ako kung saan ako laging naglalatag ng paninda subalit hindi pa ako nakakaupo, pinaalis na agad ako ng isang babae na ang sabi’y nauna raw siya roon kahit kararating niya pa lamang. Hindi na ako nakipagsagutan, bagkus, naghanap na lang ng ibang puwesto. “Bili na po kayo, sariwa pa po ang mga gulay na ito. Mura lang ho.” Sinasabi ko ‘yon nang paulit-ulit habang naghihintay ng taong lalapit at bibili. Tunay ngang sariwa ang aking mga paninda dahil kakapitas lamang nito kanina sa aming bakuran. Isang dalaga ang lumapit sa aking puwesto at kinilatis ang mga repolyo na aking tinitinda. Maya-maya’t inangat ang kaniyang ulo at tumapat sa mukha ko. “Magkano po dit---” hindi niya na naituloy ang pagtanong dahil pagharap niya sa akin, ibinaba niya na ulit ang repolyong walang kamalay-malay. Lumipat siya sa kabilang nagtitinda at doon na lang bumili kahit na medyo may kamahalan ang presyo nila. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ito ang unang beses na nangyari iyon sa akin kaya medyo nasasanay na rin. Minsan, nakakabenta parin dahil may mga mabubuting loob naman na hindi bumabase sa hitsura kun’di sa kalidad ng gulay. May isang tao rin na bumibili sa akin araw-araw ng patatas at kamote. Kadalasan naman, kapag ubos na ang tinda sa kabila, mapipilitan ang iba na sa akin na lamang bumili. Kahit papa’no, nauubos naman ang aking mga dinadalang gulay araw-araw. “Anak, tig-dalawang kilo ng patatas at kamote.” Natulala ako saglit sa taong tumambad sa aking harapan. Isang lalaking mukhang negosyante— nakasuot ng pang amerikano ngunit walang arte na pumasok sa palengke at sa lahat ng nagtitinda, sa akin pa talaga bumili. Hindi rin siya ‘yung sinasabi ko na araw araw bumibili sa akin. Pero mas nakakagulat ‘yong narinig ko na tinawag niya akong... “anak.” Binigay ko naman ang kanyang binibili at nagpatuloy parin ako sa pagtinda. May dumaan na isang pamilyar na babae at napatingin ako sa nalaglag na hugis parisukat na may teksturang balat ng ahas. Mukhang mamahalin ito. Pinulot ko ‘yon at tama nga ang aking iniisip— isang sisidlan ng salapi ang nasa ibabaw ngayon ng magaspang kong mga kamay. Walang ano-ano’y, tumakbo ako papunta sa direksiyon ng babaeng walang awa na nakita ko kanina sa may simbahan. Pinapagalitan niya ang alalay habang tinuturoturo ito ng kaniyang pulang payong. Kahit hindi ko pa masyadong naririnig kung ano ang sinasabi ng babae, halata naman na sinisisi niya ito sa pagkawala ng kaniyang pitaka. “Mawalang-galang na ho.” Kinuha ko ang kaniyang atensiyon ngunit tiningnan niya lang ako ng mapanghusgang tingin. Mas lalong lumaki ang dati nang bilugan nitong mga mata nang makita ang bagay na nasa harapan ko. “Isasauli ko lang ho sana---” ‘Di ko na natapos ang aking paliwag dahil pinalo niya ang balikat ko ng payong na hawak niya. Kinuha niya sa kamay ko ang pitaka at inulit niya akong pinagpapalo sa iba pang parte ng aking katawan. Hinayaan ko na lang siya na gawin ‘yon sa akin kahit na alam ko sa sarili ko na hindi malikot ang aking kamay gaya ng inaakala niya. Imbis na magpasalamat, pinagbintangan niya pa ako. “TAMA LANG YAN SAYO, MAGNANAKAW KAAA!!” sigaw niya sa akin at iniwan niya na akong 60 | SILYAK


nakahiga sa daanan na namumulupot sa sakit. Hindi ko na rin maramdaman ang kahihiyan na bumabalot sa aking katawan. Wala naman akong balat sa pwet pero bakit lagi akong dinadapuan ng kamalasan sa buhay? Ganun ba talaga ang kapalaran ng isang agta na katulad ko? Naalala ko tuloy ang paalala sa akin kanina na mag-iingat ako lalo na’t walang tiwala sa amin ang ibang tao dahil sa aming hitsura. Kahit kailan, hindi namin pinangarap na ipanganak para lang apihin at maliitin. Walang ano-ano’y, may lumapit sa akin na lalaki— ‘yong taong bumili saakin kanina ng patatas at kamote. Inabot niya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. “Pasensiya ka na anak. Ngayon lang ako naglakas-loob para lapitan ka. Araw-araw kitang minamasdan ngunit ‘yung tauhan ko na lang ang pinapabili sa’yo dahil hindi ko alam kung paano ka haharapin. Umalis ako ng kabukiran at nakipagsapalaran. Ngayon, kukunin ko na kayo ng iyong inay upang bigyan ng magandang kinabukasan.” Sinong mag-aakala na ang laking-bukid na katulad ko ay magkakaroon naman pala ng mabuting patutunguhan gaya ng nagawa ng aking ama? Makaraan ang ilang dekada... “Bili na po kayo.” sabi ng isang batang lalaki na kumakatok sa bintana ng aking sasakyan. Pamilyar ang kaniyang mukha at ang nanay niya na nanlilimos rin. Uugodugod na ang babaeng nakita ko noon at malaki na ang sanggol na minsa’y nakasabit sa kanyang harap. Ilang taon na ang nakalipas ngunit andito parin sila sa simbahan kung saan nila nakagawian. At ngayon, imbis na manlimos, nagbebenta na sila ng kandila. Bumaba ako sa kotse at inabot ko sa kanya ang isang libo kaya’t gulat niya akong tiningnan. Iyon ay parte lamang ng perang nanggaling mula sa sariling pawis at pagpupursigi ko ng ilang taon “Iho, nakikita mo ba ang gulong na ‘yan?” Tanong ko sa kanya habang tinuturo ito. “Opo.” “Ngayon, andito ka pa sa baba pero hindi ibig sabihin na mananatili ka na lamang dito. Ikaw mismo ang gagawa ng paraan upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay.” Tumango siya sa akin. Sa murang edad ay naintindihan niya agad kung ano ang mensahe na gusto kong iparating. “Hindi pa huli ang lahat. H’wag mong hayaan na alipustangin ka at maapurado ng mga taong matapobre at halang ang bituka. May pakinabang tayo sa mundo. Hindi tayo naiiba.” “Salamat po. Ang gwapo niyo na nga, ang bait-bait niyo pa. Paglaki ko po, gusto kong maging doktor katulad niyo.”

SILYAK | 61


Silensyo

Tula ni John Reynold Brioso Dibuho ni Jerome Ibarreta

Ang lugar na walang ingay— walang namamahay, walang buhay. Wala nga kaya? Pakinggan mo nang maigi. Dahil ang totoo? Ang katahimikan— nakatatakot, nakabibingi. Mas higit pang maingay, sa kawalan ng ingay. Dahil ang totoo? ang lugar na ito, pinamamahayan din ng mga sugapang makapangyarihan!

62 | SILYAK

Sinusupil nila ang mga salitang namumutawi sa bawat bibig ng mamamayan, binubusalan. Dahil ang totoo, hindi ito sadyang tahimik. Pinapamahayan ito ng mga damdaming nagpupumiglas, nagsisisigaw sa sakit na dala ng dambuhalang batong nakadagan sa kanilang kalayaang makapagsalita. Kaya kung minsang mapadpad ka sa lugar na tahimik, mag-isip ka: tahimik nga ba talaga?


This is How It Should Be Poem by Alyssa Franz Uvero Artwork by Joven Ceguera

We welcome you to the family. We’ll support you no matter what, but you need to do everything we want. Wear these and nothing less than these, up to your neck, below your knees. Tell grandma you miss her. You need to always be polite. This is just how you act around here. This is how you’ll seem right. You can build your own opinions, as long as it’s our views they’re based on. We can treat you however we want. We can ask you whatever we want to know. You can answer, darling, but in a hushed tone. We’ll tell you you’re worthless, yet always wonder why you give too little. Welcome to the family, this is a group you must perfectly perceive. Final rule now that you’re here, there’s just no way you can leave.

SILYAK | 63


Hope Lies Ahead Photo by Jude Zymon Casyao

64 | SILYAK


Mus-ingon

Photo by Jamela Hazel Tranquilo

SILYAK | 65


BL

Maikling Kwento at Dibuho ni Sherie Anne Delantar

Sa nangungusap na mga mata, agad niyang itinanong sa‘kin, “Makikinig ba sila? Paano kung pag-unawa naman ang wala sa kanila?” Tila narinig ko ang mabilis na pagdagungdong ng aking puso sa sandaling nagtama ang aming paningin. Sa una pa lamang, batid na namin ang labis na pagmamahal, subalit hindi ko alam kung kakayanin ba ng pagmamahalan namin na labanan ang sinasabi ng iba. “Alam kong mahal mo ‘ko pero hindi nila tayo maririnig kung tatahimik lang tayo.” “Makikinig ba sila? Paano kung pag-intindi naman ang wala sila?” “Ipaintindi natin... na walang mali sa pagmamahalan ng parehong Adan.”

66 | SILYAK


Bulag, Pipi, at Bingi Tula ni Mildred Elpedes Dibuho ni Joanna Erika Puzon

Bulag o nagbubulag-bulagan? Mga nakaupong naninindig sa katiwalian. Mananahimik o papatahimikin ka? Ngayon, ikaw naman ang magpasya. Takot at kaba, tila lahat napipi na. Di makapagsalita, wala ring nagawa. May korona, bawal ang gimik at lumabas. Posible lang, kung hawak mo ang batas. Mag-aatubili o magbabakasakali? Kung katahimikan nga’y nakabibingi, ano pa ang kalam ng sikmura, kung iyong paririnig? Marami mang bingi, baka meron ding nakikinig. Bulag, pipi, at binging nagsisilbi sa bayan. Daig pa ang unos na nanalanta sa lipunan. Pakitang tao man, sana may nagawa at ginagawa, kung wala, walang-hiya.

SILYAK | 67


Maliwanag Ngunit Madilim Tula ni Shiela Mae Parco Dibuho ni Rafael Angelo Morales

Madilim— Uhaw sa ningning ng panibagong pag-asa. Sa mundong mapanglait at mapanghusga, naliligo sa luhang dumadaloy sa mga mata. Ngumingiti, ngunit masaya nga ba? Gabi-gabing minumulto ng iba’t ibang emosyon. Pilit itinatago sa sarili ang mga problemang nais hanapan ng solusyon. Magulo— Mga katanunga’y mistulang bagyo. Mga pagkukunwaring akala mo’y totoo. Mayroon pa bang pakinabang? Mali, hindi ito kadramahan lamang. Gustuhin mang magkwento pero walang may pakialam. May nalalaman ka nga, ngunit wala ka paring alam. Tahimik— Gustuhin mang sumigaw, ang tinig ko’y kinakapos. Nagmamakaawa kung kailan ito matatapos. Tanging unan lamang ang nagsisilbing sandalan, tuwing naghahanap ng taong makakapitan. Kakayanin pa ba, kung puro sakit at hapdi ang laging nadarama? Malinaw— Dilat ang mga mata sa malabong paningin. Isang kamay na nga lang, nakakapit pa sa bangin. Maraming kasama ngunit parang nag-iisa. Kinukwestiyon ang sarili kung may halaga pa ba. Pagsikat ng araw, durog na gigising. Nasisilaw sa katotohanan na maliwanag nga, ngunit madilim pa rin.

68 | SILYAK


SILYAK | 69


Ang Pipit

Tula ni John Reynold Brioso Dibuho ni Jan Kloude Igana

Pikit ako nang ikaw ay narinig. Huni mong matinis pumukaw sa aking diwang naidlip. Napakatamis sa tainga, ng ritmong dala ng iyong musika. Ang musika mong walang patid, tinunton pati pahat na daan ng aking isip. Muling tumibok ang puso kong sawi, nanumbalik ang sigla ng aking kalamna’t mga binti. Pinilit kong paghiwalayin, talukap ng paningin. Upang masilayan, ikaw na bumuhay sa akin. Sa muling pagsulyap sa mala-bulak na alapaap, nasilayan ko, ikaw na munting Pipit sa puno ng sinigwelas mahigpit, nakakapit— habang patuloy sa pag-awit! Nakapagtataka, gising na ako mula sa pagkaidlip, ngunit bakit patuloy ka pa rin sa pag-awit?

70 | SILYAK


SILYAK | 71


The Hypocrite is Cowardly Screaming Poem by Christelle Ong Artwork by Jan Kloude Igana

The language that I know insofar as my senses can recognize is manifested in the view that I am of sight, wherein the atmosphere is at below zero, wherein the texture of tomorrow is as thin as a thread, and the scent of the zephyr is as manipulating as an evening dew by the dawn of the warmest season. These are the tender reasons that I am of hold for my silence. These are what I breathe in within the vessels of my system, and these are what exist as I move my way around this space. I can never be fooled; I was taught to use my eyes in meaningful ways. As far as I know, I am conscious—I believe that I’ve always been. But truth be told, I’m afraid that you’d tell me I’m not. Far from reality, I have drowned my declared beliefs into virtue, while thinking that they really are of core and worth. In a dystopia of make-believe, I argued to wait around, but it is definite that I expressed no plans to depart. Therefore, I have significantly realized— that I am really just nothing but a portion of what is apparent. I was greatly complacent and unaware of the possible dangers, as I spoke about my ideologies when they were too meager of content. “These are true,” I would frequently whisper, yet my hands are shut. “These are sound,” I would repeatedly mutter, yet I am tone-deaf. To my sight, the reflection that I projected is of an ideal figure, only to have displayed what should not be followed as an example. For all the while that I rested my judgement to predetermining events, in times that I have wrongly exploited the freedom I’ve been passed on, in occurrences that I was told to use my voice, but have denied a single vowel and to the gifted strength that I merely expend on blaming others— I am here to tell you that I am, in fact, the very hypocrite that you are in great need to call out. For all she knows, her bones are yelling at her already.

72 | SILYAK


SILYAK | 73


Heart in Solitude Photo by Jude Zymon Casyao

74 | SILYAK


dip-EASY-l

Photo by Joshua Cedilla

SILYAK | 75


The Rife

Poem by Jamela Hazel Tranquilo Artwork by Rafael Angelo Morales

My body tensed, they asked if I’m still normal, I had it clenched, my fist; my cry was tidal. I was in anguish, felt my self— sinking, I hope I could banish, but my wrath growing. And then this pain overtook, I tried calming, but my sickness is overlooked. And then their words stopped me. I reached out, they silenced me. We invoked for an aesthetic world. Amidst our past and future, I am the demoiselle. In imminence of their vile, I am dauntless. In aesthetic to my miseries, all these that happened in the past are occurring once more in our present. The Rife has begun, shall it be done?

76 | SILYAK


Dilemma

Poem by Mary Grace Ronco Artwork by Rafael Angelo Morales

Endless running… Chasing the stars… Breaking this chain… Entangled, clasping my breath. Pressure— filling the bubble with angst and forged reality. Run— run to keep up, until you reach the stars. The end of the maze. You cannot stop until you are told. Do not stop. Like a puppet played by a marionette.

SILYAK | 77


The Price of Luxury Poem by Christine Astibe Artwork by Jan Kloude Igana

I wish the world was a restaurant where I could just ring a bell and ask for world peace; have it served to me on fine dinnerware for the mere price of 9.99. But sadly I have learned the world is an auction, where only the richest bid away for quality education, the best healthcare, and financial liberty; where they are collectors who squander millions just to stash these things away for their personal collections.

78 | SILYAK


Elehiya

Tula ni John Reynold Brioso Dibuho ni Joseph Ryan Ibarreta

Magluksa— kalisin ang pusong nag-aalimpuyo. Kurusan ng dugo ang pinto, nang hindi dapuan ng masamang hilagyo. Isalba ang sarili, sa mga taong mapaglilo. Manalangin ng taimtim, nang sa gubat, ‘di abutan ng takip-silim.

SILYAK | 79


Ang Tubo sa Aking Bibig Maikling Kwento ni Brien Aristotle Iraola Dibuho ni Joseph Ryan Ibarreta

Mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm!!! Mmmmm!!! Mmmmmmmmmmmmmmmmmmm!!! Mmmm... Mmmm... Mmm...

80 | SILYAK


Magkano Para sa Katahimikan? Maikling Kwento ni Sherie Anne Delantar Dibuho ni Rafael Angelo Morales

“Magkaiba ang katahimikan sa kapayapaan.” sabi ni itay, isang araw habang nakatanaw sa langit. May katahimikan sa kapayapaan. At hindi naman lahat ng kapayapaan ay may tunay na katahimikan. “Dahil daig pa ng bibig na binusalan ng salapi ang pipi sa pagiging tahimik.”

SILYAK | 81


Secret Prison

Poem by Mary Grace Ronco Artwork by Joanna Erika Puzon

The monsters within, liberate from its cage. Dark... chaotic... Taking over the little haven. Every touch it makes cuts deep. Scars. Now imprisoned, set me free.

82 | SILYAK


Philophobia

Poem by Jamela Hazel Tranquilo Artwork by Jerome Ibarreta

My breathing stops, what must I do? You’re right next to me, warm and bold. Come on, try pinch me now, I think I am dreaming, slightly assuming. And no, it is not a dream that vivid. Our skin touched, damn, electricity flows. I’ve told you; I trust thy promises. This strong affection will hurt once lost. So, don’t let go, don’t be afraid. Never be numb, herewith my heart awaits. Accept my love, live for today. Turn back the heart you’ve turned away. Thy hand holds my waist. Slowly kiss me now, we mustn’t waste. SILYAK | 83


Transcendence Photo by Jude Zymon Casyao

84 | SILYAK


Blazing Flame of Joy Photo by Jamela Hazel Tranquilo

SILYAK | 85


86 | SILYAK


The Silence of Abyss Poem by Hadjie Bazar Artwork by Joanna Erika Puzon

As silence spreads slowly along with the drifting air; I can’t breathe— room exhales through its charcoaled floor. Overwhelmed, from words that deafen my soul. Out of nowhere, I longed for freedom yet, I am lost. Gone like a freezing star, Over these thousand skies— I am blind. It was cold. I failed my moments. Hence, moments just failed me back; Void— like a shadow in the dark; An edge over a circle. I made no sound. I tried. But I can’t. Thus, ‘twas never heard. Blind… mute… cold and broke… Light… sound… chips of frost…

Words were deeply fastened in a box, covered with ‘no remarks.’ Struggling, from the cold chains— as I was fidgeting my hands. Though voice was gone, forever. Amidst these twilight scores— melody of heartstring notes. Then, I remembered, I realized. Still can write through these sensual quotes. Memories into lyrical phrases; Silent. But free and bold. Written in paper folds. Now, it isn’t voice but words. Memory has become an emigrant from its own haven. Lost in wilderness— where love of freedom dissembles itself as silence. ‘Till then I’ll write. To speak the unspeakable— for silence is the agony.

SILYAK | 87


Hindi na Kailangan ng Pamagat Tula ni Justine Rheyvan Tataro Dibuho ni Joseph Ryan Ibarreta

NANUPIL, LIPUNAN. Baliktarin mo man— parehong mabagsik.

88 | SILYAK


Political Turmoil to be Named Poem by Jeamalyn Gorgonia Artwork by Jan Kloude Igana

Centuries, I’ve been pipe-draining of having a life that has a taste of real emancipation. But morality eludes political animals. Today, I’ve ended up compiling archive of pledges and faded certificates of secondary disgraces. How can we fashion today and the future if promises remain as words? How can we construct peace if there’s an existing battle between people? Frankly, we chose the wrong person to father us. Our country is within earshot to its own truth and dread, we know who, but tongue can’t speak alone, we can’t name their names nor number their dates, round and round, in an endless proceeding. SILYAK | 89


Onerous Comfort

Poem and Artwork by Joanna Erika Puzon

I fled from the edges of your curves; The volume was loud, deafening almost. It was tasteless, yet cunningly irresistible. With both hands to cover my hearing, I fled past the fire that burns. Peeking through the cracks on the wall there’s a sound I ceased to hear: the solid ripping, the wailings. Blue and red lights—blinding. Fleeing from your hands never felt so comforting.

90 | SILYAK


Stained

Haiku by Karl Retuerma Artwork by Joven Ceguera

Dreams never left me As does my spirit beneath All my agony

SILYAK | 91


Lost Yet Never Forgotten Short Story by Alyssa Franz Uvero Artwork by Larry Andrie Pacardo

The first summer you were gone, I walked the streets we once walked. I clenched my jaw so hard I had tears in my eyes. Or were the tears there before the pop and lock of my own misery? The strain of my teeth against teeth, the province heat sticking sweat to my hairline, an ache in my chest quaking with the rumble of each speeding car – it all made me feel empty and numb. Your calls played in my mind. Your pleas replayed, reminding me of the way I drowned them out with ‘it’s all in your head’. Now it is me who’s stranded in my own thoughts, surrounded by a cloud of selfishness, half a death machine myself, in my own wild wish for the crowds to part and reveal you. The wind blew past swiftly, and it reminded me of the shallow breaths you made. Those quick-paced desperate huffs of air as I frantically tried to calm you down, but never really understanding why. I could have. But I refused to. I guess I was never that scared. I never thought it would come to this. Perhaps I believed that another boy could have hair like yours, parted neatly. Perhaps I fooled myself into thinking that another boy could have your narrow shoulders, the slash of your jaw, and the bend at the nape of your neck. Then there was a pause – that senseless, helpless hope – only for him not to be you. There is never a place I could go that isn’t a nesting place for this longing. It would be unfair to say that I take you with me because you are everywhere already. You once asked: what will be left after you’ve left? This: the sun rising from the east. The continents shift as they’ve done for eons of years. The clouds will still crawl across the sky. In the morning, the air will be crisp and cold and inevitable. It goes on. What am I to the largeness of the world? It has blinked and embraced you and the loss of you. It left me fight off the demons that now lurks in the corners of my mind – the ones I should’ve helped you silence. If only I understood. But I think of you every day. When I look at the sky, I don’t think of the clouds. I think of you and how months ago we had stumbled under the blue expanse of it, careless, together.

92 | SILYAK


SILYAK | 93


Muya

Photo by Joshua Cedilla 94 | SILYAK


Vernal Endings

Photo by Jamela Hazel Tranquilo

SILYAK | 95


Neybor

Maikling Kwento ni Sherie Anne Delantar Dibuho ni Joven Ceguera

“Mama, tuwing gabi po may naririnig akong iyak sa kabilang bahay. Kawawa naman po.� Hinagkan ko siya. Wala kaming kapitbahay.

96 | SILYAK


Hinaing

Tula ni Shiela Mae Parco Dibuho ni Jan Kloude Igana

Akala niyo kayo lang, ang nahihirapan at may karapatan? Ang nais marinig ang bawat hinanakit? Ang dapat sundin at pagtuunan ng pansin? Kayo lang ba dapat? Inabuso rin ako, ng sistemang ‘di kanais-nais, ng diskriminasyon at pang-aapi, ng mapanupil na lipunan. Katulad ninyo, BIKTIMA rin ako!

SILYAK | 97


No One

Haiku by Alyssa Franz Uvero Artwork by Jerome Ibarreta

On cold, lonely nights You remember everyone. Who remembers you?

98 | SILYAK


Sorrow-ridden

Poem by Shiela Mae Parco Artwork by Jan Kloude Igana

The weight on my shoulder keeps on getting heavier each day. On my wrist lies a cut I made. No one ever understands what I’m going through. Even if I tell them, they wouldn’t care about me. So, on the chair I stood, with ropes tied from the ceiling… should I stop this endless battle?

SILYAK | 99


The Sound of the Waves Short Story by Alyssa Franz Uvero Artwork by Joseph Ryan Ibarreta

The smell of bile claws its way up her throat. The water is as dark as the swirls on her eyes, though not as pretty. Near the shore are fishermen boats suspended in a wave of trash. She catches her breath– the ocean is more waste than water, and the sea salt smell of her childhood has been replaced by the putrid aroma of rotten food and dirty plastic. She reaches out for a rock beside her foot and holds it watching the sea rattle the surface of the trash heap as if trapped. Begging. “The next time,” she gulps and immediately regrets it. The air tastes filthy on her tongue. Once, her aunt warned her that talking in the presence of something foul can turn her breath bad. But she’s already spoken, and the way her hand stiffens around the rock reminds her that the wind is waiting for whatever she has to say. “The next time God tries to flood the world, we’re going to drown in a sea of garbage.” “Serves us right,” she tells herself, sharp like a knife, like an angry girl grieving. She picks up a huge seashell– a cream-colored thing swirled with pink and dusted with black sand. She holds it to her face, over her ear, and listens to the sound of waves crashing against the walls of the shell. If the ocean could speak, what would it say?

100 | SILYAK


SILYAK | 101


Contemplating

Photo by Jamela Hazel Tranquilo

102 | SILYAK


Alone and Blank Photo by Jude Zymon Casyao

SILYAK | 103


104 | SILYAK


Ephemeral

Short Story by Arvin Jr. S. Ibarondo Artwork by Joseph Ryan Ibarreta

The crazy thing is, in the dream realm, even though real-life characters are involved in the story, many bizarre things happen here and there that clearly separate it from reality. Dreams are where reality, your own desires, curiosity, and personal experiences come together to bring forth an amazing adventure. Thus, you can easily be caught up with whatever nonsense happens in your dream. Irritatingly, the moment you wake up, the content of your dreams fade away from your memory, never to be recalled again. It would’ve been simpler if that was the case. But noooooo, after being forgotten, you dream of the continuation and voila! You’re hooked up with the story. It’s very annoying how dreams work. The sun was out and it was the kind of day that made you want to wolf down a gallon of ice cream. Instead, I was presented with a pile of homework due midnight. I could not accept the idea of wasting a perfect day to rest and to not treat myself to the heap of pillows on my bed for a sound sleep. An urge of motivation suddenly rushed through me, like the way you would want to dip your feet in the water the moment you arrive at the seashore. It made me relax, knowing that I won today’s battle with my archenemy, Mr. Procrastination. I slowly withdrew from my oh-so-tempting bed and got up to finish those annoying-way-topass-your-time-through-the-weekends, called homework. After I finished saying my farewells to my bed, my eyeballs moved in every direction. Instantly, the familiarity I had being in my own room was readily replaced by confusion and panic. I was suddenly brought to an unfamiliar room where three unfamiliar people were arguing with each other. For one whole minute, I just listened to the gibberish of these three students and thought that they couldn’t even see me. What are they even doing at school on a Saturday? Sheesh. I even thought I was invisible. Haha! Suddenly, one of them looked at me straight in the eye and asked me, “How about you, Zac? Whose work had a better introduction? Mine or Eleanor’s?” A thousand questions raced inside my head and I was not sure which one to start with. But given my situation, I still couldn’t comprehend what the glob happened to me. So I just stood there, still as a statue with

SILYAK | 105


my mouth shut because I didn’t know what was happening and also because the girl who asked me might as well have bitten my head off. Noticing my panic, this other dude came to my side, swung his arm onto my shoulder then jokingly replied to the girl who questioned me, “Oh come on Kath, cut him some slack would you?” she then replied with, “Nice pep talk coming from someone who is behind deadlines, Kai” like she knew that he was about to say that. I gave off an awkward laugh then shrugged the arm off my shoulder. At least I caught wind of their names. The cheeky dude’s name was Kai, and the two girls were Kath and Eleanor. Even so I was still bewildered with this crazy development. My eyes looked to my left then saw a calendar. Great! At least I can confirm if today is teleport-you-to-a-crazy-world day! I slowly walked towards the calendar, ignoring the noisy voices calling out to me. Despite the gravity of the situation, I burst into laughter upon what I saw. Their calendar is like the ones you see at a local barbershop, with those sexy models and all. I turned to them and asked them while tears of laughter appeared, “Why do you have this kind of calendar, aren’t these not allowed in schools?” The three of them suddenly stopped arguing, faced me, then simultaneously tilted their heads to one side. “Huh?” they said. You cannot mistake how in sync they were, as if they had practiced this beforehand. Kai was the one who replied, “What are you laughing about all of a sudden? You were the one who brought this calendar into our office.” Now I was the one who tilted my head to one side. I was puzzled by his answer and returned my gaze towards the calendar. Without answering his question, I asked him what today’s date was. “I really think you got a screw loose. Today is September 8.” That means I haven’t traveled through time. I then saw that they marked September 9 with “Kath’s Farewell”. My head suddenly exploded in pain. I writhed in agony and fell on the floor. In an instant, so much information bombarded me all at the same time. I remembered that these three unfamiliar persons were my clubmates. We have been stuck with each other ever since childhood. How can I not remember such an important detail? We are now in our 3rd year in college but we formed our club in our freshman year. I was always fond of the sound of the printing machines in our office. All of my encounters with my clubmates suddenly came rushing back to me. I remember all of them vividly. As if all of them happened just yesterday. After that painful experience, I stood up and began to regain my sanity. I looked up again at the words and realized what “Kath’s Farewell” meant. I was horror-stricken. A then realization dawned on me. It hit me like daylight. It’s something that I’ve kept at the deepest parts of my subconscious that I’m not willing to accept into reality. The irony, even in the dream realm I can’t accept the reality of it, whatever that may mean.

106 | SILYAK


I knew that she would leave us even if she didn’t want to. But we couldn’t change anything because it was meant to happen. I turned to face them, the first one who looked back at me was Kath. My heart was shattered. Everything fell into pieces. I tried to open my mouth to say something but I couldn’t find my voice. There was this sharp pain in my chest, as if something was clawing at my heart. Eleanor noticed and asked out of concern, “Hey Zac, are you okay now? What is going on with you? You suddenly shrieked and fell on the floor.” Then Kai intervened, “Come on Zac, I’ll help you to the nurse’s office.” Completely ignoring both of them, I looked at Kath and mumbled the words, “But tomorrow is when Kath will expire.” They were shocked at what I said. Then Eleanor and Kai responded, “Yeah, we know. No need to remind us”. The club room suddenly fell silent. The whirring blades of the electric fan became inaudible. Even the amusing sound made by the printing machine became insignificant. All we could hear is the monotonous ticking of the clock that reminded us of how little time we got left. We were in our club room. Kai and I stood behind our computers while both of the girls were sitting cozily on the sofa. We were positioned, as if it was a casual afternoon with our usual inside jokes accompanied by milk and cookies, but the atmosphere told us otherwise. Any sudden motion spooked us. It was aggravating knowing how helpless we were. We couldn’t do anything to make Kath stay. We were just there, staring at each other silently. Even though our feelings were desperately crying for help, deep down we have accepted the truth, that we can’t alter the reality. I was the one who broke the silence with a sorry excuse for a speech. “I’m happy to have known all of you. I’m absolutely happy that I’ve met you, Kath”. Next thing I knew, I was there in front of them drowning in my own tears. Showing a hideous display of myself by having a breakdown in front of them. I was the first one to let out the built-up frustrations we had for being incapable— despite all of our efforts— to save her. Surprisingly, Eleanor stood up, as if disgusted by my behavior. She pointed a scrawny finger at me. “So that’s how much you love her,” she said with a melancholic voice. After bringing down her hand, she took a final look at me and left leaving the door wide open. Just like me, I was bare. She had easily learnt of my feelings and read me like I was an open book. I woke up with a thud. I just fell from my cozy bed, frustrated that I still have homework to do. But then, I felt annoyed— remembering that I dreamt of something. In that same moment, I experienced dozens of emotions. I just dreamt of losing Kath.

SILYAK | 107


H’wag

Tula ni Jamela Hazel Tranquilo Dibuho ni Rafael Angelo Morales

Kaya sampung beses at mahigit mong pag-isipan. Hindi ka mahalaga! Huwag kang maniniwalang nararapat kang mahalin.

Huwag kang sasang-ayon na...

Ikaw ay malaya.

Huwag mong isipin na...

Ikaw ay kanila talagang hinahangaan. Subalit ang totoo’y, sila’y nagpapanggap lamang.

nag-aaksaya ka lang ng panahon. Huwag mong akalain na ika’y karapat-dapat na umahon.

Baguhin mo ang iyong hinaing. Huwag mong ikumpara ang iyong sarili. Hindi kayo pareho; siya ay higit na mas magaling!

Huwag kang maniniwala, ito’y isang guni-guni lamang. Subukan mong lumaya, sa mala-seldang mong isipan.

Ikaw ay mahal ng karamihan. Aba’y pawang kasinungalingan. Wala kang halaga!

(Simulan sa huli)

108 | SILYAK

may puwang ang bawat tao. Dahil ang totoo, wala kang lugar sa mundo!


Delirium

Poem and Artwork by Joanna Erika Puzon

I flicked through pages ‘till my fingers hurt Sounds were made, but no stories were told Now I accept the agonizing silence As I say my last goodbye, confusion heightens

SILYAK | 109


Pumatong at Labasan Tula ni Emmanuel Brisenio Dibuho ni Joseph Ryan Ibarreta

Kapag ika’y may nararamdaman at kapag ito’y medyo may kabigatan, kailangan mo nang labasan, kailangan mo ng patungan. Kung sa tingin mong ‘di mo na kaya at ang kadena ng pag-iisa ay sinasakal ka, maghanap ka ng kaibigan na magsisilbing patungan. Patungan sa puso mong sugatan— isang matalik na kaibigan na ika’y dadamayan: anghel ng iyong kaligtasan. At kung ang alon ng kalungkutan ay nilulunod ang ‘yong katauhan, kung di mo na makayanan— kailangan mo nang labasan. Hayaan mong luha ay lumabas nang mapawi ang problema, dahil ito’ y mabisang panlanggas sa durog-durog na kaluluwa.

110 | SILYAK


SILYAK | 111


112 | SILYAK


Fragmented Message Poem by Christelle Ong Artwork by Larry Andrie Pacardo

I thought there was nothing more heartbreaking than the idea of having life short-lived. I thought there was nothing more distressing than being left unheard and poorly perceived. I thought that to be in tranquillity, I’d have to go through a difficult upheaval. When it is in mobility that I’d find peace, not seen as trivial. I thought that to be enabled in my own land, I’d have to dig until my bones are all fatigued. Believing it was, I was made to understand that this is solely fashioned to have me intrigued. I thought that I was not tricked. Not a fool to cause such mistake. But I was wet behind the ears, was then pricked and it is now but shame, so as its increased intake. Now, there is nothing more heartbreaking than the idea of having life, long-lived— of voice that is not used in meaningful speaking and of purpose, that is existent but is reluctantly conceived.

SILYAK | 113


Duality

Photo by Jamela Hazel Tranquilo

114 | SILYAK


Padre de Pamilya Photo by Joshua Cedilla

SILYAK | 115


Ginahasa ako ng sarili kong… Tula ni Brien Aristotle Iraola Dibuho ni Ma. Cecilia Teodoro

Ama. Sa liblib ng manipis, gasinulid na eskinita, lumagablab ang aking likuran sa pulupot ng iyong ahas na braso; malinawag. Kulay itim pero maliwanag na ang lahat sa’kin: Hindi ako nag-iisa. Mama. Sinampal-sampal mo ang sinabi mong pagkalambot-lambot na mukha ko; hagupit ng sinturon; asinta ng baril; sigaw ng dambuhala— Tumagos sa puso ko ang iyong sunod na ginawa at tila ba ako’y maglalaho sa iyong hagkan: pula ang aking noo sa napakasakit mong halik. Ama At Ina, ako ay hubo at hubad! At kinalaunan... nakabalot sa lumang alampay; humihigop ng mapulot na kape.

116 | SILYAK


SILYAK | 117


Sundo

Maikling Kwento ni Shiela Mae Parco Dibuho ni Joven Ceguera

118 | SILYAK


“Gusto ko nang mamatay!” Alas-tres ng madaling araw at sobrang hirap pakalmahin ng nababagabag kong isipan. Nakakaumay. Mas nanaisin ko pang maglaho na parang bula kaysa mabuhay na tila ba wala namang silbi sa mundo. Kung sabagay, wala namang maghahanap saakin kung sakali man na ako’y mawala. Wala akong kamag-anak na pwedeng puntahan; isa akong estranghero sa kung saang lupalop man ako ngayon. Mas pipiliin ko rin na mapag-isa kaya’t wala akong maituturing na kaibigan. Kinabukasan, nagising na lamang ako sa matinding pagkalabog sa aking pinto. Si aling Selya pala, ang may-ari ng bahay na inuupahan ko. “Gusto ko nang mamatay.” Walang ganang banggit ko na naman habang binabagtas ang bawat hakbang pababa ng hagdan. “HOY, ODETTE, HINDI KA PA BA MAGBABAYAD? ILANG LINGGO NA KITANG BINIGYAN NG PALUGIT. BUKSAN MO ‘TONG PINTO!!” walang humpay ang pagkatok at pagtawag nito sa pangalan kong kasintunog ng kamatayan. Oo nga pala, nawalan din ako ng trabaho mahigit tatlong buwan na ang nakaraan. Wala akong naipon dahil puro resibo ng gamot ang laman ng aking pitaka. Binuksan ko ‘yong pinto ngunit nawala na ang umaalingawngaw sa labas. Napalitan ito ng ibang tunog. Nagmistulang aningal ang pagmulas ng mga salitang binitawan ng aking doktor ilang araw na ang nakalipas. “Mayroon ka na lang isang linggo. Paumanhin ngunit hindi ka na tatagal.” Hindi ko alam kung bakit nagpasya na lamang akong gumawa ng paraan upang mawakasan ang aking pagdurusa sa buhay. Napukaw ang aking atensiyon ng bote sa taas ng cabinet sa kusina. Kumuha ako ng lason at hinalo ito sa tubig. Habang nabubura ang distansiya ng baso at ng aking mga labi, biglang bumukas ang pinto at iniluwal ang mga ‘di kilalang lalaki na nakasuot ng itim na maskara at damit. Nakalimutan ko palang isara ulit ‘yong pinto kanina. Dumako ang aking paningin sa lalaking may hawak na patalim na papalapit saakin. Yung isa naman, iginapos ang aking kamay kaya’t hindi na ako makagalaw. Kasunod ng mga linyang iyon ang kirot sa aking sikmura. Nang hugutin ko ang matulis na pahabang bagay na nakatusok sa aking tiyan, binalot na ng mainit at malagkit na pulang likido ang aking suot na puting damit. Tinangay nila ang ibang gamit sa loob ng bahay at iniwan na lang akong nakahandusay sa sahig. SILYAK | 119


Dati rati, palagi kong sinasambit ang mga katagang, “Gusto ko nang mamatay.” Hindi man lang ako nangangambang bawian ng buhay. Ngunit, sa puntong ito, takot ako… Hindi sa kamatayan kundi sa kung paano ako mamamatay. Subalit, sa ‘di inaasahang pagkakataon, rinig kong may pumasok ulit sa loob. Hindi niya pa ako nakikita kaya’t bakas pa ang galak sa pamilyar na tono ng boses niya— wari’y may bitbit itong magandang balita. “Odette, mukhang sinuswerte ka ata ngayon ah. Nahanap na ang pumatay sa mga magulang mo. At ito pa, naalala mo nung nag-apply ka nung isang linggo? Hindi ba sa’yo tumawag? Natanggap ka sa kumpanyang ‘yon…” Nagkukwento siya habang nakaupo sa sofa. Nang marinig niyang wala akong imik, lumapit ito ng kaunti at nagsimulang magkwento ulit. “Hindi lang ‘yon ah, nanalo ka pa sa lotto!! Susunduin sana kita—” naputol ang kaniyang kwento sa pagtunog ng telepono. Dali dali niyang sinagot ang taong nasa kabilang linya. “Po? Mali ‘yong diagnosis? Ibig sabihin, walang taning ang buhay niya? Sige po, doc. Salamat.” “Tumawag yung dokto— ODETTE!!” at napansin na ng aking katrabaho ang duguan kong katawan sa sahig. Isang pilit na ngiti ang bumungad saakin. Sinong nagsabi na wala akong kaibigan? Pagkatapos ng ilang sandali, naaninag ko ang anyong kulay itim na untiunting lumalapit sa akin. Sa mga sandaling ito, napagtanto ko na mukhang ibang sundo yata ang sasamahan ko. “Gusto ko pang mabuhay.” Sambit ng nangangatal kong mga labi bago tuluyang nawalan ng malay habang lumalandas ang taksil na mga luha sa aking pisngi. Hindi ako makapaniwala na iyan ang bibigkasin ko sa mga sandaling naghihingalo na ang lupaypay kong katawan. Namayani na ang katahimikan sa paligid. Binabawi ko na ang aking sinabi… Ayaw ko pang mamatay.

120 | SILYAK


T[error]ista

Maikling Kwento ni Herminia Vasquez Dibuho ni Jerome Ibarreta

Ako si Kiko. Iskolar ng bayan. Magaling sa pagsusulat. Matatas sa pakikipagtalastasan. Aktibo sa mga organisasyon. Tagapagsulong ng adbokasiyang pangmasa. Pangarap: maging abogado. Makalipas ang anim na taon… “Kagalang-galang na Hukom, maliwanag po na ipinapakitang ang binatang iyon ay nanguna sa mga hakbangin laban sa pamahalaan. Siya’y kalaban ng gobyerno at nararapat lamang na mamatay.” Matapos ang ilang taong pagsusunog ng kilay, ako si Kiko, dating iskolar ng bayan, ngayo’y tinaguriang aktibista… terorista sa mainit na mata ng pasista. Kasalukuyang estado: malamig na bangkay. SILYAK | 121


A letter from me, to me Short Story Jamela Hazel Tranquilo Artwork by Renievhe Nagrampa

It was another day of slumber and insanity. I was at home, in my room, nothing mischievous was happening. I was staring at my window where the rain’s drip and drip and drop and dripping. What should I do to turn my normal day into something adventurous? A thought crossed my mind. Another wild imagination had overcome me.

122 | SILYAK


me.

The idea of writing a letter to my future self— 25 years from now, enticed

I was bothered, intrigued. I thought my future self would have a better life. What if I started writing letters, I would write every single thing that is on my mind at that very moment. Then, what if… my future self-wrote back? Just like those magical things that happen in movies, books. I would read it in disbelief. Perhaps, just like that, me and my future self could begin sending letters to each other. It’ll probably be funny because it might be unclear if it was really me from the future or completely different person making fun of me. But if it was true, it would be every day where I would wake up with a letter laying by my door. She would warn me about the things she did— things she doesn’t want to happen to me. However, there might be consequences. If I would avoid my future self ’s warnings all the time, she might write to me wondering why a different scenario is occurring. Because the path I am taking is different from my future self, I might be changing the fate that is supposed to befall me. And if that will carry on, I will not be her. I will not become the future self I am writing letters to. Would she be thinking the same way I am thinking now? Downright serious, a lot more questions linger in my mind. Should I accept the embarrassments or even injuries that are meant to happen? Should I avoid the warnings? What if there are things, terrible, TERRIBLE things that should happen to me and I must accept how it is going to take place? I’m aghast. If I could avoid them at that time, why not? Is there a possibility I could change the fate? Because as I’ve thought changing it means disregarding that particular future self I am talking to. It could mess up time and space, or there could be a law for time-travelling? “Ate!?” My little brother hollered amid my visions, standing outside my bedroom door. “There’s a letter for you.” I raised an eyebrow because of the unraveling thought. I asked, “From who?” “From—” Looking down at the letter which obviously he didn’t bother to read much, he started laughing. “You’re crazy.” He drops the letter at the foot of my door. I stood up from my bed and bent down to reach the letter. Damned was I. Gosh. It was a letter addressed to me from me.

SILYAK | 123


Pasasalamat Isang mapagpalang araw, malugod naming pagbati. Sa lahat ng mapapalad na mambabasa at pati na rin sa manunuri. Aklat-pampanitikan na ‘yong hawak, produkto ng dunong at pagpupursigi. Limitadong kopya nito, ay iyo nang pag-aari. Nawa’y ang mga akdang natunghayan, ay magsilbing inspirasyon. Maging gabay at aral sa kasalukuyan, pati sa susunod pang henerasyon. Bawat pahinang nakasiksik, laman ang boses ng nasyon. Kasama na rito ang mga pakiusap na dapat gawan ng aksiyon. Iba’t ibang tao, sari-saring emosyon. Mga hinaing at pagsusumamo na kailangan ng solusyon. Sa pagwawakas ng lathalaing nakita, Mga mahuhusay na manunulat, nais bigyan ng pagkilala. Pati na rin ang mga kahanga-hangang mga dibuhista at kartunista. Lalong-lalo na, sa mga talentadong litratista. At sa lahat ng nag-ambag, Kayo’y tunay na makata!


Taos-pusong pasasalamat, nais naming iparating. Sa walang sawang pagtangkilik dito sa aklat pampanitikan namin. Maging sa pagbabasa na rin ng mga newsletter at magasin. Mula sa patnugutan ng TheSPARK, at sa mga natatanging kasapi. Maraming salamat, hanggang sa muli.

Shiela Mae Parco

Tagapamahalang Patnugot, TheSPARK


TheSPARK

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Dalubhasaang Politeknik ng Camarines Sur

Lupong Patnugutan Michael William Ronco PUNONG PATNUGOT Christine Astibe Shiela Mae Parco TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

Felimon Gozun Jr. Herminia Vasquez KATUWANG NA PATNUGOT

Joseph Ryan Ibarreta PATNUGOT SA SINING

Charis Joy Luna PATNUGOT SA PAG-AANYO

MGA MANUNULAT Christelle Ong Karl Retuerma Anthony Jay Combate Mary Grace Ronco Hadjie Bazar Rose Ann Lagatic John Reynold Brioso Emmanuel Brisenio Alyssa Franz Uvero Kenyon Wayne Fortuno Cristal Marie Niosco John Robert Oñedo Earl Shaun Luares Jericho Dagami

MGA TAGA-ANYO Mary Ann Bermido Ken Horlador Aizer Joy Junio Alessandro Bernales

MGA DIBUHISTA Joanna Erika Puzon Jan Kloude Igana Jerome Ibarreta Rafael Angelo Morales Joven Ceguera Larry Andrie Pacardo

MGA LITRATISTA Jude Zymon Casyao Jamela Hazel Tranquilo Joshua Cedilla Luigi San Joaquin MGA NAG-AMBAG Karl Christian Reario Brien Aristotle Iraola Jeamalyn Gorgonia Justine Rheyvan Tataro Sherie Anne Delantar Renievhe Nagrampa Mildred Elpedes Angelica Ghea Juliano Coleen Angelique Montenegro Ma. Cecilia Teodoro Barbie Dal Arvin Jr. S. Ibarondo

Gigi Severo TAGAPAYONG TEKNIKAL



TheSPARK

TRUTH KNOWS NO LIMITS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.