





Si Police Corporal Andrew S. Alapad, isang pulis mula sa barangay Paloyon, Nabua, Camarines Sur, ay humakot ng apat na medalya sa itinanghal na World Police and Fire Games noong ika-22 hanggang ika-31 ng Hulyo sa Rotterdam, Netherlands.
Isang ginto sa Taekwondo Poomsae Team Men-18+ , isang pilak sa Taekwondo Kyorugi Men-30+ under 58 kg, isang tanso sa Taekwondo Poomsae Individual Men-30+, at isang tanso sa Taekwondo Poomsae Pair 18+ ang nahakot na mga medalya ni PCpl Alapad mula sa labimpitong (17) ginto, sampung (10) pilak, at siyam (9) na tansong medalya na nagsilbing palatandaan ng pagkapanalo ng Philippine National Police (PNP) Taekwondo team na kinabibilangan ng atletang pulis.
Ang kanilang pangkat ay pinamumunuan ni Police Major Ma. Carolina P. Abelarde bilang team manager. Kabilang din sa PNP Taekwondo team sina Eva Claire Santiago (nagkamit ng apat na ginto), Marife Baes (dalawang ginto), Jovelyn
Payos (dalawang ginto, dalawang pilak), Dauphin Punzalan (tag-iisang ginto, pilak, at tanso), Aaron Jayxen Banatao (isang ginto at tanso), Crecensio Opriasa, Jr. (isang gintong medalya), Merrie Fe Endorma (isang ginto, pilak, at tanso), Edward Barrera (isang ginto, dalawang pilak, at isang tanso), Katleen Joy Dilay (isang ginto at tatlong tanso), Zayra Acosta (isang ginto at alawang pilak), Hazel Magpantay (isang gold), at si Genesis M. Soliven (isang tansong medalya). Sila ay sinanay at binihasa ni Police Chief Master Sergeant Dauphin Punzalan.
“Para sa akin, yung pagtayo sa gitna at winawagayway yung bandila ng Pilipinas ang hindi ko makakalimutan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko talaga maiwasan ang mapaluha, kasi mahirap din yung pinagdaanan naming training,” saad niya nang kapanayamin.
Bukod sa naganap na patimpalak, si Police Corporal Alapad ay nag-uwi ng isang gintong medalya sa Taekwondo Poomsae Pair sa naganap na AFP PNP PCG Olympic noong taong 2019. Siya ay humakot rin ng isang pilak sa kategoryang
Taekwondo Poomsae Pair 18+ at isa pang pilak sa Taekwondo Poomsae Freestyle 18+ sa World Police and Fire Games noong 2019 na itinanghal sa Chengdu, China.
“Huwag matatakot magkamali. Kasi sa pagkakamali, matututo ka. ‘Pag natuto ka, makukuha mo kung ano yung tama,” mensahe ni PCpl Andrew Alapad para sa mga taong may ambisyon o nais marating sa buhay.
Siya ay kasalukuyang nakatalaga sa Human Resources and Development Section ng Cavite Police Provincial Office. Siya ay dating kasapi ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Taekwondo Team at miyembro na ng Philippine National Police Taekwondo Team mula pa noong taong 2016. Siya ay nagtapos sa Paloyon Elementary School taong 2003 at grumadweyt sa Nabua National High School (NNHS) taong 2007. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa Pamantasan ng ng Lungsod ng Muntinlupa sa kursong Bachelor of Science in Criminology taong 2011. Nagsimula siya sa kanyang serbisyo sa PNP noong taong 2012, pagkatapos niyang makapasa sa Licensure Examination for Criminologists noong 2011.
Suspendido na ang pagsasagawa ng eleksiyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) na nakatakda na sana sa ika- 5 ng Disyembre sa kasalukuyang taon, matapos aprubahan ng Komite sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang pagpapaliban nito.
Sa naganap na botohan, 264 na mga kongresista ang bilang ng mga sumang-ayon sa panukalang pagpapaliban ng halalan samantalang anim na mambabatas ang tumutol. Tatlo naman
ang hindi bumoto.
Kaugnay nito, inaprubahan na ng komite ang batas upang ilipat ang pagdaraos ng eleksyon sa unang lunes ng Disyembre 2023. Kasama rin sa ipinasa ay ang pagkakaroon ng tatlong taon na termino ang lahat na maihahalal na opisyales
Matapos malagdaan ng Philippine Collective Media Corporation (PCMC) at Polytechnic State University of Bicol (PSUB) ang Memorandum of Agreement noong Oktubre 2021, pormal nang inilunsad ng institusyon ang ipinagmamalaki nitong kauna-unahang Educational Digital Terrestrial Television Broadcast (DTTB) sa bansa noong Marso 22, 2022.
Sinaksihan ng mga mag-aaral, student officers, board passers, mga empleyado ng institusyon na nasa ilalim ng regular, job order, at contract of service status, at iba pang mga bisita ang opisyal na pagpapasinaya ng kauna-unahang pag-ere ng PSUB Broadcast Center sa pangunguna ni Dr. Charlito P. Cadag, SUC President III.
“PSUB Broadcast Center is the pride of this institution. Its mission is to transform lives to be free of poverty by creating a better future through world-class polytechnic education and technical innovation,” pagmamalaking
pahayag ni Prof. Hejie A. Dimabogte, Executive Operating Officer ng PSUB Broadcast Center at Direktor ng Student Affairs and Services, nang interbyuhin ng The Spark.
Bago ang pandemya, mayroon ng dating maliit na campus radio ang institusyon na mayroon lamang signal strength na 10 watts at ang range nito ay hindi kayang maabot ang buong Rinconada. Si Prof. Dimabogte ang itinalagang station manager nito noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Hiniling niya sa kasalukuyang pangulo ng institusyon na pagandahin at palawakin ang istasyon. Ang pangarap lamang ni Prof. Dimabogte ay itaas ang signal ng 87.5 FM radio ngunit hindi ito natupad kaya’t bumuo siya ng isang proposal para sa isang enhancement.
“Nabuo namin ang proposal na ito dahil sa pandemya na pinagkaitan ang mga mag-aaral na matuto at maabot ang mataas na kalidad ng edukasyon,” paliwanag ni Prof. Dimabogte.
“Itinaas ang tower hanggang 240 talampakan. Kung noon ay mayroon lamang tayong isang 87.5 campus FM radio, binagong pangalan na approved ng NTC. Ngayon ay nadagdagan ng isa pang FM radio na tinawag na 94.3 FMR –University FM na kayang masakop ang mga lugar mula Calauag, Quezon hanggang sa ibang parte ng Albay.
“I am very happy and proud to confirm that this broadcast center turned into the country’s first Educational Digital Terrestrial Television Broadcast Center,” dagdag pa niya.
Dahil sa pandemya, nagkaroon ng digital television ang PSUB na pangunahing ginagamit para sa kasalukuyang isinasagawang blended learning. Ang broadcast center ay mayroong dalawa (2) na kamera, isang sound-proof studio, at isang pangunahing studio. Ang mga studios na ito ay nakatalaga sa anim na colleges ng institusyon. Ito ay ang College of Engineering
and Architecture (CEA), College of Health Sciences (CHS), College of Computer Studies (CCS), College of Arts and Sciences (CAS), College of Technological and Developmental Education (CTDE), at College of Tourism, Hospitality, and Business Management (CTHBM). Ang Buhi Campus naman ay mayroon lamang iskedyul para gumamit ng alinmang studio.
Sa pagpo-proseso ng kakailanganing impormasyon, ang mga guro ay inisyal na magrerekord ng kani-kanilang aralin sa kanikanilang nakatalagang studio.
“We’ll never broadcast without editing because, especially, we are in the academe at para maayos na maintindihan ng mga magaaral. We’ll have a seminar for the teachers again on how to set the TV and other gadgets. Sa katunayan, during the making of the studios, they are already undergoing seminars,” saad pa ni Prof. Dimabogte.
Naga City- Sa paggunita ng Kapistahan ni Inang Peñafrancia at Divino Rostro ngayong taon, humakot ng iba’t ibang pangunahing parangal ang Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) sa ginanap na muling pagbabalik ng 12th Bicol Region Military Parade na isinagawa sa Plaza Quezon, Lungsod ng Naga noong ika-16, 2022.
Nasungkit ng CSPC ang unang gantimpala para sa mga kompetisyong Best Marching Band, Best Marching WATC Unit, at Majorette Exhibition Contest. Samantala, pumangalawa naman sila sa mga kategoryang Best Marching ROTC Unit at Band Exhibition Contest.
May iba’t ibang aktibidad ang idinaos, kabilang na rito ang pinaka-inaabangan ng lahat, ang 12th Bicol Region Military Parade na kung saan ang patimpalak na ito ay natigil ng dalawang taon dahil sa pandemya.
Sa kabila ng sakuna dulot ng pandemya, muling binuksan ang military parade sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon ng Bikol. Mahigpit na siniguro ng pamunuan ng kompetisyon na masunod ang protocols at seguridad para sa kaligtasan ng mga kalahok.
Ang 12th Bicol Region Military Parade ay idinaos noong Ika-16 ng Setyembre, 2022. Sinimulan ito ng alas syete ng umaga sa Panganiban Drive papuntang Naga City’s Plaza Quezon kung saan ang mga kalahok ay nagpakitang gilas at nagbigay-pugay sa mga respetadong hurado, opisyales ng lungsod, at mga imbetadong panauhin.
Ang nasabing aktibidad ay binuksan para sa mga panauhin at mga manonood sa mismong lugar ng pagtatanghal. At ito rin naman ay
ibinahagi via online sa Facebook at YouTube live streams para sa mga ibang mga tao na hindi nakadalo sa Plaza Quezon para harapang masubaybayan ito.
Halos pinaghandaan ng bawat kalahok ang pagbabalik ng Bicol Region Military Parade kung kaya’t ang lahat ay nagnanais na makatanggap ng tropeo para sa kanilang paaralan.
Ang mga kalahok ay nagpamalas ng angking galing sa larangan ng pag-martsa, drills at disiplina ng mga kadeta, kabilang na ang kanilang band at majorettes. Kabilang ang CSPC sa mga nagpamalas ng kanilang natatanging galing sa araw mismo ng aktibidad. Sa kabila ng pabagobagong klima sa araw na iyon, patuloy nilang nilaban at nirepresenta ang institusyon.
Muling makikita sa kanila ang katapangan at hindi pagsuko sa anumang bagay, umulan man o uminit, patuloy pa rin ang laban. Kung kaya’t sa ginanap na kompetisyon, ang institusyon ay nagkamit ng limang tropeo dahil sa kanilang ipinamalas sa araw na kompetisyon.
Sa kabila ng maraming katunggali, pinakita nila na kaya din nilang makipagsabayan para sa isang mithiin na magawaran ng isang tropheo para sa kanilang minamahal na paaralan.
Ang pagkapanalo ng CSPC sa ginanap na kompetisyon ay maituturing na isa sa pinakamakasaysayang kompetisyon na nag-iwan ng magandang alaala para sa kalahok. Tatak CSPC! Hindi uso ang sumuko pagkat titindig at magmaratsa ng may akibat na karangalan.
Sa pagpapatuloy ng pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kwalipikadong mag-aaral mula elementarya, sekondarya hanggang kolehiyo, dinagsa ng mga mag-aaral ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) ang institusyon upang pumila, asikasuhin, at kumpletuhin ang mga requirements ng nasabing cash assistance.
Ang programang Educational Assistance na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD na pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga mag-aaral ay isa sa mga priority projects ng nasabing ahensya. Ito ay naglalayong tulungan ang mga student-in-crisis o mga mag-aaral na nasa krisis o emergency situations. Ang asistensiyang ito ay maaari nilang magamit sa kanilang mga
pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang bayarin ayon sa DSWD.
Ayon sa anunsyo ng DSWD, mabibigyan ng ₱1,000 ang mga estudyante sa elementarya, ₱2,000 naman para sa mga junior high school, ₱3,000 sa mga senior high school, at ₱4,000 para sa mga college students o kumukuha ng vocational course. Mahigpit na ipinatupad na tatlong benepisyaryo lamang ang kukunin sa bawat pamilya, ayon pa sa DSWD.
Ang mga tulong-pinansyal ay makukuha ng mga benepisyaryo tuwing araw ng Sabado, mula Agosto hanggang Setyembre, 2022.
Matatandaang nagkaroon ng pagkalito sa paglakad ng mga kinakailangang dokumento dalawang linggo pa lamang mula nang ianunsiyo ito ng kalihim ng DSWD na si Sec. Erwin Tulfo. Kaya’t hindi magkamayaw ang mga mag-aaral ng CSPC upang mag-unahan sa pagpila sa pagbakasakaling
makatanggap ng tulong-pinansyal mula sa gobyerno. Agad namang ginawan ito ng paraan ng pamunuan ng institusyon upang maging maayos at mapamabilis ang daloy ng pila sa paglalakad ng requirements.
Base sa datos mula sa DSWD Field Office V, mula Agosto hanggang Setyembre 17, sila ay nakapamahagi ng Educational Assistance sa 31,794 na benepisyaryo na may kabuuang halaga na Php 92,445,000.00. Kung saan nasa 7,389 na estudyante ang nakatanggap ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng Php 21,635,000.00 noong ika-10 ng Setyembre habang 8,585 na magaaral naman ang nakatanggap ng ayuda na nagkakahalaga ng Php 23,208,000.00 noong ika17 ng Setyembre.
Ang set-up box na gagamitin para sa pageere at pagpapalaganap ng recorded videos ng mga aralin ng mga guro ay customized at inorder ng institusyon direkta sa China. Ang blackbox o set-up box na ito ay ibibigay at paparentahan sa mga estudyanteng less fortunate at nahihirapang makasabay sa mga lesson ng kanilang guro dahil sa online class. Ito ay nagkakahalaga ng humigitkumulang sa Php1,500.00. Maaari rin itong makuha ng installment payment kung walang kakayahan ang isang estudyante na bilhin ito ng cash. Sa kasalukyan, mayroon ang institusyon ng 3,000 stocks ng set-up box.
“Lahat ng mapapanood dito ay iiedit. Hindi ka rin makapapanood sa ibang TV channel except in our Digital TV Channel 50 because it was customized,” muling diin ni Prof. Dimabogte.
Ayon sa kanya, wala pang target date ng paglabas ng set-up box dahil ito ay nasa proseso pa ng pagsasagawa ng policy.
“We cannot fully function the set-up box without Service Level Agreement (SLA) at consultant in broadcasting. Hanggang hindi nakalalagda ang PSUB, at hindi approved ng Board of Trustees ang SLA, we cannot fully operate the digital television, though the radio stations are already on air,” paliwanag ni Prof. Dimabogte.
Ayon sa sinabi ni Prof. Dimabogte, ang PSUB Broadcast Center ay maaari ring pagkuhanan ng karagdagang kita ng institusyon mula sa iba’t - ibang programa mula sa mga pampubliko at pribadong organisasyon sa loob at labas ng institusyon. Sa katunayan, may mga programa na ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Coconut Authority(PCA), opisina ng Extension Services(ESO), at Mental Health ng Guidance Office.
Sa likod ng matagumpay na paglulunsad at pagbubukas ng PSUB Broadcast Center ay sina Dr. Charlito P. Cadag, SUC President III at Prof. Hejie Estipona Andalis-Dimabogte, Executive Operating Officer at Direktor ng Students Affairs and Services; Mr. Ferdinand B. Valencia at Ms. Nancy S. Penetrante, Vice - Presidents for Administration
and Finance; Dr. Amado A. Oliva Jr., Vice President for Academic Affairs; Ms. Shirley M. Illo, Budget Officer III at Direktor ng Financial Management Services; Engr. Eddie L. Cabaltera, Electrical Maintenance and Development Supervisor; Engr. Rizza T. Loquias and Engr. Harold Jan R. Terano, Professional Electronics Engineers; Dr. Luningning Q. Bregala, Director of General Administrative and Support Services; Engr. Henry P. Turalde and Engr. Martin D. Valeras Jr., Directors of Physical Plant and Facilities Management Services; Ms. Marites A. Bermal and Ms. K-An R. Sol, Procurement Officers; Atty. Maria Francia S. Abaca, Accountant III; at si Ms. Vivian E. Lastrollo, Board Secretary V. Hindi rin mailulunsad ang PSUB Broadcast Center kung hindi inaprubahan ng Board of Trustees sa pamamagitan ni Dr. Aldrin A. Darilag, ang CHED Commissioner at Chairperson ng PSUB Board of Regents.
Sa paglulunsad nito, umaasa ang institusyon na maabot ang bisyon nitong polytechnic education at its best for Bicolanos. Hinihiling din ng institusyon na sana’y mas lalong makapagbigay at matuto ang mga mag-aaral ng mas mataas na kalidad na edukasyon ngayong panahon ng pandemya.
Umabot sa 6.4 porsyento ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas nitong buwan ng Hulyo, bunsod ito ng mabilis na pagtaas ng halaga ng iba’t ibang pagkain at mga non-alcoholic beverages sa kasalukuyang taon.
Base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pag-akyat ng presyo ng mga pagkain maging ng mga nonalcoholic beverages ay nagkaroon ng 6.9 na porsyento ng implasyon habang umabot naman sa 6.4 porsyentong bahagi ang pangkalahatang pagtaas nito, kung saan makikita sa loob ng tatlong taon na ito na ang pinakamabilis na pagtaas ng mga produkto at serbisyo.
Ipinaliwanag naman ni Claire Dennis Mapa, PSA Chief ng National Statistician, ang tala tungkol sa pag-ariba ng implasyon sa 3 porsyento nitong buwan ng Hulyo kumpara sa pagtaas ng
mga bilihin noong Hunyo. Naitala raw na 6.9 porsyento ang implasyon ng bansa noong Oktubre taong 2018 at nasa 3.7 porsyento naman sa buwan ng Hulyo taong 2021.
Mula sa 6.7 porsyento, umangat umano sa 9.2 porsyento ang pagtaas ng presyo ng mga isda at seafoods noong Hunyo. Sumirit naman ang presyo ng mga karne na dating 8.1 porsyento lamang ay naging 9.9 porsyento na. Habang bumilis naman ang pagtaas ng presyo ng asukal maging ng mga panghimagas, ang dating 10.9 porsyento ay umabot na sa 17.6 na porsyento.
Kabilang pa sa nagpabilis nito ang pagtaas ng porsyento sa transportasyon na mayroong 18.1 na porsyento mula sa dating porsyento nitong 17.1. Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina na nagkaroon naman ng epekto hindi lang sa mga drayber kundi pati na rin sa mamamayan at maging sa mga mag-aaral.
Naitala naman na may pinakamataas na antas ng implasyon ang rehiyon ng Bicol, kung saan ito ay umabot sa 9 na porsyento. Kabilang rin dito
ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), at maging ang Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato City, Cotabato Province, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City).
Samantala, inaasahan ngayon maging sa susunod pang taon ang patuloy na pagtaas ng implasyon ngunit posible namang maging balanse na ito sa pagpasok ng taong 2024.
Bilang karagdagang impormasyon, sinigurado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paggawa ng nararapat na patakaran sa pananalapi nang sa gayon ay mapanatili naman ang presyo ng mga bilihin partikular na ang antas ng implasyon sa Pilipinas.
Kabilang rin sa mga solusyon bilang paglutas ng suliraning kinakaharap ng bansa, inilunsad ng gobyerno ang panukalang pagaangkat ng mga produkto gaya ng isda, bigas, asukal, at iba pang produkto nang sa ganon bumaba ang halaga nito sa pamilihan.
iba’t
-JHONEL M. LUHANng barangay at sangguniang kabataan. Sila ay magsisimulang umupo sa pwesto sa unang araw ng Enero 2024.
Hindi bababa sa tatlong panukalang batas sa Kongreso ang naglalayong kanselahin ang nasabing halalan sa Disyembre. Isa umano sa dahilan ng pagpapaliban nito ay upang magamit sa COVID-19 response ang mahigit 8 bilyon na pondong inilaan para sa halalan. Ngunit matatandaang sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na mas malaking pondo ang maaaring kailanganin kung patatagalin pa ang pagsuspinde nito.
Ayon sa pahayag ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez, posibleng
makatipid ang gobyerno ng mahigit sa 8 bilyong piso kung ipagpapaliban ang eleksyon. Naniniwala rin ang ilang kongresista na ang pondong matitipid dito ay pwedeng magamit sa iba pang pangangailangan ng bansa.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni COMELEC Commissioner Atty. George Erwin Garcia na wala namang masasayang na pondo ang pamahalaan kung hindi matutuloy ang eleksyon ngayong taon. Sapat na umano ang nakalaang 8 bilyon na pondo, ngunit maaaring mangailangan sila ng dagdag na 5 bilyong piso dahil sa dagdag na botante, presinto, at mga balota kung matatagalan pa ang pagkaantala ng halalan.
Kung isasagawa naman ito sa Mayo 2023, kakailanganin ng karagdagang 10 bilyon na pondo habang 18 bilyon na pondo naman ang kakailanganin kung itutuloy ito sa Disyembre 2023 sapagkat bubuksan nilang muli ang pagpaparehistro ng mga bagong botante at maaaring umabot ito sa 3 hanggang 5 milyon.
“Ibig sabihin madaragdagan pa ang kailangang poll workers, elections paraphernalias gaya ng mga ballot boxes, ballpen, indelible ink, mga balota, mga presinto, at iba pang kagamitan,” paliwanag ng commissioner.
Dagdag pa ni Garcia na mas mapapamahal raw ang gobyerno kung gagamit ng hybrid elections sa halip na ituloy na lamang ang automated elections. Kapag hybrid daw kasi, mano-mano ang magiging bilangan sa presinto kaya`t kailangang bayaran ang mahabang duty ng electoral board. Aabutin raw sa 43 bilyong piso kung magha-hybrid at 32 bilyon naman kapag fully computerized.
Kaya naman, ayon sa ilang kongresista, imbes umano na makatipid ang gobyerno ay posibleng mas makagastos pa ito.
Gayunpaman, matatandaan na noon pang taong 2018 nang huling isinagawa ang halalan ng barangay at sangguniang kabataan matapos na ito ay ipinagpaliban ng dalawang beses.
NATATANGING HULMA.
Tinalo ng Filipino-Indian na si Rheema Adakkoden (Gitna) ang 19 pang dilag para makoronahan bilang Miss Bicolandia 2022 noong Miyerkules, Setyembre 7 sa Jesse M. Robredo Coliseum sa Naga City, Camarines Sur.
-JAMELA HAZEL B. TRANQUILOMuling isinagawa ang makasaysayang Fluvial Procession ng imahe nina Ina at Divino Rostro sakay ng pagoda pabalik sa Peñafrancia Basilica Minore nito lamang Setyembre 18, 2022, Lungsod ng Naga.
M. LUHAN
Matagumpay na nagtapos ang mahigit isang linggong pagdiriwang ng Peñafrancia Festival, na ginanap noong Setyembre 9 hanggang 17, matapos mabimbin ng dalawang taong pagdaraos nito sa lansangan ng siyudad ng Naga dahil sa pandemya.
Ang pamahalaang lungsod ng Naga ay opisyal na naglabas sa kanilang Facebook page ng programa alinsunod sa pagdaraos ng kapistahan ni Nuestra Señora de Peñafrancia. Dahil dito, ang mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicolandia ay nakapagbigay ng tradisyonal na pagpupugay sa dakilang patroness. Sa muling pagkakataon, mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic mahigit dalawang taon na ang nakararaan, muling pinaigting at pinagtibay sa puso ng mga Bicolano ang pagmamahal at paniniwala kay Ina.
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing kaganapan: Noong Setyembre 7, ginanap ang Miss Bicolandia Beauty Pageant sa Jesse M. Robredo Coliseum, kung saan nasungkit ni Rheema Adakkoden, kandidata mula sa Naga City ang titulong Miss Bicolandia 2022, kasama ang iba pang mga nanalo na sina Mary Joy Darilay ng Naga City, 1st runner-up; Jeanette Reyes ng Pasacao Camarines Sur, 2nd runner-up; Iris Oresca ng Naga City, 3rd runner-up at ang kandidata
naman mula sa Tabaco City, Albay na si Margarette Briton ang tinanghal bilang 4th runner-up.
Sa kasunod na araw ay dinagsa ang Naga ng mahigit 700 000 deboto upang sumama sa prusisyon ng Peñafrancia Traslacion ayon sa Naga City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO). Ang mga deboto ay mula sa buong rehiyon ng Bicol na nakiisa sa tradisyonal na Peñafrancia Traslacion Procession noong Setyembre 9.
Halo-halong reaksiyon ang ibinigay ng mga dumalo, isa rito ay ang walong taon ng voyadores na si Gerard, 22, ayon sa kanya, “Excited po (...) Mahahawakan na ulit (si ina…) at aakyat din kami.” Sa tanong naman na kung anong naging epekto ng pandemya sa dalawang taong pagtigil ng selebrasyon sa lansangan sagot niya ay, “Nabibitin kami kasi di kami nakaka-sakat.”
Ayon naman sa isang criminology student mula sa Naga City College Foundation, sila ay naatasan ng PNP Naga NCPO upang bumuo ng human barricade para maiwasan ang pag siksikan ng maraming tao sa pagdaan ni Ina, sila ay nakatayo roon hanggang matapos ang prusisyon. Sa kabila nang pagiging hindi katoliko ayon sa kanya, “masaya kasi, makakatulong kami maka-prevent ng accidents (...) makaka-serve kahit intern pa lang po kami.”
Opisyal na nagsimula ang prusisyon sa pagbubukas ng
liturhiya na ginanap sa Plaza de Covarrubias ng Old Shrine and Parish of Our Lady of Peñafrancia kung saan isang Pontifical Mass ang ipinagdiwang ni Daet Bishop, Rex Andrew Alarcon, DD bago ilipat ang mga imahe nina Divino Rostro at Our Lady of Peñafrancia sa Naga Metropolitan Cathedral.
Noong Setyembre 14 naman, ginanap ang Regional Scouts Parade, Drum and Bugle Corps, Xylophone at Majorettes Corps Competition mula Panganiban Drive hanggang Plaza Quezon; Ang Civic Parade at Float Competition ay ginanap, Setyembre 15, na sinundan ng Bicol Regional Military Parade Band/Majorettes Exhibition noong Setyembre 16 kung saan lumahok ang Camarines Sur Polytechnic Colleges at umani ng mga parangal.
Umabot sa 430,000 deboto ayon sa Joint Operations Center ang lumahok sa fluvial procession para sa Pista ng Peñafrancia at El Divino Rostro sa Naga City.
Ang imahe ng Our Lady of Peñafrancia, ay ikakabit sa kanyang andas pagkalabas ng Naga Metropolitan Cathedral patungo sa Danlugan.
Sa kahabaan ng mga lansangan kung saan dumaan ang imahen ni Ina, libo-libong mga deboto mula sa lahat ng antas ang nagtungo sa Naga City at nakiisa sa paglalakbay nang mapaghimalang imahen, kasama ang mga volunteer ng Red Cross, mga sundalo at kapulisan na nagbabantay upang kontrolin ang
dumagsang mga deboto sa kanilang aksiyon tungo sa mapayapang selebrasyon.
Isang eukaristikong pagdiriwang sa ika-siyam na araw ng nobena bilang parangal sa Our Lady of Peñafrancia ang nagsimula sa Quadricentennial Arch ng Metropolitan Cathedral at Parish of St. John the Evangelist, Pilgrim City of Naga.
Pagkatapos ng Misa, mula Naga Cathedral papuntang Reina del Bicol Landing ay isinakay ang imahe nina Ina at Divino Rostro sa Pagoda, dito sinimulan ang fluvial procession sa ilog ng Naga.
Nagwagayway ng mga puting panyo at nagsindi ng mga kandila habang nagrorosaryo sa tabi ng pampang ng ilog ang mga deboto habang nagkakaisang isinisigaw ang “Viva la Virgin!” at “Viva El Divino Rostro!”
Ang Pontifical na misa ay ginanap pagkarating nina Ina at ni Divino Rostro sa Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Penafrancia, Pilgrim City of Naga, kung saan sina Archbishop Jose Cardinal Advincula, Jr., Manila Archbishop, kasama ang iba pang mga obispo ng Bicol at prelate ng Kidapawan na si Jose Colin Bagaforo, ang namuno sa pagbibigay ng liturhiya.
Ang Solemne ng Feast of Our Lady of Penafrancia ay ginanap noong, Setyembre 18.
Ang edukasyon sa Pilipinas ay nananatiling pribilehiyo pa rin sa iilan. Mula sa budget cuts na nararanasan ng karamihan sa pampublikong kolehiyo lalo na sa mga pamantasang agrikultural, iba’t-ibang diskriminasyon batay sa kasarian, hanggang sa zero-budget allocation para sa mga mag aaral na may kapansanan. Ang mga ganitong bagay ay maituturing na represyon sa malawak na hanay ng
sektor ng edukasyon. Ngunit kailanman ay hindi nagpatinag ang mga mag aaral upang makamtan ang kinabukasan na kanilang inaasam, mula sa pag martsa sa lansangan upang isigaw ang kanilang mga panawagan hanggang sa paghahanap ng trabaho habang sila ay nag aaral upang matugunan ang kanilang mga hinaing at pangangailangan. Isa sa mga patunay nito ay ang hindi pagtaas ng matrikula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nanatili sa Php 12.00 hanggang sa maging batas ang libreng edukasyon sa kolehiyo dahil sa kanilang kolektibong aksyon. Isa pang porma ng pagkakakitaan ng kanilang pagpupursige ay ang pagsasabay ng kanilang klase at trabahong makakatulong sa kanila sa pagkakaroon ng pantustos sa kanilang mga pangangailangan sa kolehiyo. May mga tumatahak sa landas ng pagiging ahente ng call center, sales lady, crew sa mga fast food chain, habang ang iba naman ay nanatili sa kanilang pamantasan para sa kanilang kaginhawaan. Habang ang karamihan ay nakakatamasa ng mataas na sahod, ang iba namang nananahan sa kanikanilang pamantasan ay nakakaranas ng mababang pasahod bilang studentassistants sa iba’t-ibang tanggapan sa loob ng kampus. Sa kabila ng pagtaas ng pamasahe, bilihin, renta at iba pang
pangunahing gastusin ng isang mag-aaral, nananatili pa rin sa mas mababa pa sa minimum na pasahod. Makakatulong pa kaya ito sa mga mag aaral o mas magiging pahirap sa kabila ng kanilang tungkulin sa trabaho, sa loob ng tahanan, at paaralan.
Isa sa mga serbisyong ibinibigay ng pamantasan ay ang pagkakaroon ng student aides na nakapaloob sa Student Affairs, Development And Welfare–kung saan nakapaloob rito ang Student Welfare Programs And Services alinsunod sa CHED Memo no. 21 s. 2006. Nakasaad lamang dito ang pagkakaroon ng ganitong programa para sa mga estudyanteng nagnanais na magserbisyo sa loob ng pamantasan. Sa mga nakaraang taon, madami dami na rin ang natulungan ng programang ito.
SAHOD ITAAS! PRESYO IBABA! Isa ito sa mga karaniwang panawagan na makikita natin sa lansangan pag mayroong malawakang pagkilos ang mga progresibong grupo, mula sa hanay ng mga tsuper, manininda, guro, magsasaka, at lahat ng manggagawa. Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) noong 2018, kailangan ng Php 42,000 kada isang buwan o Php 1,400 sa isang araw upang mabuhay ng komportable ang pamilya na may limang miyembro. Wala pa sa kalahati nito ang kasalukuyang Php 570 na minimum wage sa Metro Manila at mas maliit pa ang halaga nito sa ibang mga rehiyon gaya na lang ng Php 345 na minimum wage sa Bicol. Mas mahal ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan kumpara sa kinikita ng mga manggagawa. At dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga batayang pangangailangan at produkto, patuloy rin na nababawasan ang halaga ang sinasahod ng manggagawa. Sa pagdating ng sweldo, saktong sakto lang o di kaya madalas ay hindi pa sapat para pambayad sa mga bayarin kagaya ng sa pagkain, tubig, kuryente, tuition fee, at renta. Ang patong-patong na problemang pinansyal na dulot ng Covid -19 pandemic at korapsyon ng gobyerno, ay mas lalong nagpagutom at nagpahirap sa mga mamamayan. Malinaw na ang kakarampot na kasalukuyang minimum wage ay hindi makakasapat sa pang araw-araw na pangangailangan ng karamihan sa pamilyang Pilipino. Kaya mahalaga na maisabatas ang matagal ng ipinapanawagan na Php 750 na minimum wage upang makapamuhay ng
komportable ang manggagawang Pilipino sa gitna ng lumalalang sosyo-ekonomikong krisis. Binigyang diin ni Ginoong Toralballa ang noo’y pagtalakay ng NEDA sa budget na dapat mayroon ang isang pamilya upang mabuhay ng maayos.
Nitong Mayo 2022, nagkaroon ng malawakang pagtaas ng sahod sa lahat ng probinsya ng Pilipinas na nilabas ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo-National Wages and Productivity Commission. Dito sa rehiyon ng Bikol, nagkaroon ng higit sa sampung porsyento ng umento sa sahod ng mga manggagawa, mula sa noo’y Php 310.00 hanggang sa Php 345.00 mapaanumang sektor. Ito ay dahil sa implasyon na nararanasan ng bansa simula sa nakaraang administrasyon hanggang sa pagkapanalo ng kasalukuyang pangulo na si Marcos Jr. Nagkaroon man ng umento sa sahod, kung aanalisahin nang mabuti ang pagkakaroon pagtaas ng sahod. Mas Malaki pa rin ang pagtaas ng presyo ng langis na direktang nakakaapekto sa pagtaas ng mga bilihin. Kasabay ng ganitong mga mumunting pag-asa ng mga manggagawa sa labas ng pamantasan, nanatili pa rin sa Php25.00 kada oras ang pasahod sa mga student aide dito sa loob ng paaralan. Hindi maikakailang nailantad ng implasyon ang pagiging maliit ng pasahod sa mga student aide. Bilang tugon naman ng mga Makabayang kongresista, nagpasa sila ng isang Panukalang Batas bilang 4898 na mas kilala sa National Minimum Wage Bill, nilalaman nito ang pagtaas ng sahod sa buong bansa upang gawin itong Php 1,000.00 kada araw. Nakapaloob rin dito ang pag-abolish sa regional tripartite wages upang maisabansa ang pagtaas sahod. Malinaw na isa rin sa kanilang mithin ay ang pagbawas ng pagluwas ng mga manggagawa tungo sa kamaynilaan na nagiging dahilan ng pagkawalay nila sa kanilang pamilya at paunlarin ang bawat komunidad sa Pilipinas.
Isa si Glenn P. Ariola, walong taon nang nag aaral sa CSPC, sa mga masisipag na student aide ng ating pamantasan. Ngayon, siya ay nasa kanyang pang-apat na taon sa kursong BS Mathematics. Isa si Glenn sa mga estudyante na itinatawid ang kanilang pag-aaral kasabay ng kanilang paninilbihan sa pamantasan bilang student aide. Wika ni Glenn, mas madaling maging student aide dahil hawak mo ang iyong oras - kung saan ilalapat ang oras ng iyong trabaho - mas magaan ito kumpara sa trabaho sa labas ng kampus na kakailanganin mo pang maglaan ng 8 oras sa pagtatrabaho na hindi pa kasama ang byahe na gugugulin sa araw-araw. Mas madali ring mag-file ng leave of absence kapag may mga biglaang gawain o pagkakaroon ng sakit. Kasama na rin dito ang bawas stress dahil sa isang erya mo lamang guguguling ang pag aaral maging ang pagtatrabaho. Naging pamamaraan na rin ito upang malibang sa mga bakanteng oras ng pagklase na minsa’y inaabot ng 3-oras kada araw. Nakakabagot nga naman talaga kung mananatili ka lang sa loob ng mga bakanteng espasyo, silid-aklatan, at silid-aralan. Isa pa sa mga kagandahang sinabi ni Glenn ay ang dagdag eksperyensya at paglinang ng kanyang gawaing pang-administratibo. Hindi ka pa umaabot sa internship period mo, nagkaroon ka
na ng mga karanasang maari mong magamit sa iyong pagtatrabaho sa opisina. Dagdag pa niya nagkaroon ito ng direktang epekto sa kanyang pag ensayo ng work ethics dahil karamihan sa kanyang nakakatrabaho ay mga propesyonal na o kaya naman ay may malawak nang kasanayan sa larangan na kanilang tinatrabaho. Sa kabila ng mga kagaanang natatamasa ng daan-daang student aides ay ang pagkakaroon ng kakarampot na sinasahod. Para sa mga ibang student aides na rito umaasa ng kanilang allowance, ay malinaw na hindi ito sasapat lalo na kung nakatira ka sa malayo, kakaunti ang oras na kaya mong gugulin, o iba pang kadahilanan na direktang nakakaapekto o nakakabawas sa kabuuang sinasahod. Saad nga ni Glenn “…kung sahod [lamang] ang paguusapan, kulang na kulang pa ito, at sumabay pa ang pagtaas ng pamasahe at presyo ng bilihan. Dahil dito malinaw na hindi sumasapat ang pasahod mapaloob man o labas ng pamantasan.
lamang ang matitira sa estudyante. Yun ay kung apat na oras ang kanyang ginugol sa kada araw, kung bababa pa ito sa apat na oras, malinaw na hinding hindi na aabot ang kanilang sinasahod lalo na kung isa silang independent student. Ayon kay Bb. Tañamor, napag-usapan na ito ng kanilang tanggapan, at sa kasalukuyan, ginagawan na nila ito ng panukala upang maitaas na ang sasahurin ng bawat student aide, kung saan hindi lamang mabibigyan ng panggastos sa mismong araw, kundi magkakaroon din ng ipon. Napalapit narin si Bb. Tañamor sa mga mag-aaral ng pamantasan dahil karamihan ng mag-aaral ay nagkaroon ng internship program sa kanilang opisina, maging sa broadcast center na sila din ang tumatao. Isa itong malinaw na manipestasyon na nakikita nila ang kalagayan hindi lamang ng mga student aide, kundi maging ng mga normal na mag-aaral ng pamantasan.
‘‘
Wika ni Glenn, mas madaling maging student aide dahil hawak mo ang iyong oras - kung saan ilalapat ang oras ng iyong trabaho - mas magaan ito kumpara sa trabaho sa labas ng kampus na kakailanganin mo pang maglaan ng 8 oras sa pagtatrabaho na hindi pa kasama ang byahe na gugugulin sa araw-araw.
Sa mga ganitong pagkakataon ninanais nila na magkaroon ng umento na mararamdaman ng estudyante o manggagawa, upang sila ay magkaroon ng mas maayos na badyet na gagamitin sa araw araw.
Ang bawat pamantasan ay mayroong kanya kanyang Office of Students Affairs and Service kung saan malayang ipinapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang hinaing sa bawat isyung kanilang kinakasangkutan. Maging ang tanggapang ito ay nababahala rin sa pananatili ng pasahod sa student aide sa Php25.00 kada oras, sa gitna ng kahirapang nararanasan hindi lamang sa probinsya kundi sa buong bansa. Ayon kay Ma’am Bernadette Tañamor, Administrative Aide III sa Student Affairs and Services (SASO), kailangan na rin magkaroon ng umento ng pasahod sa mga student aide dahil hindi narin biro ang kanilang tinatrabaho, hindi narin nito maayos na matutugunan ang pangangailangan ng estudyante kung sa pamasahe palang ay ubos na ubos na ito. Marahil ay 15 pesos narin naman na ang pinakamababang pamasahe sa panahon ngayon, kung makakapagserbisyo ang isang student aide ng apat na oras kada araw, magkakaroon na sya ng 100 piso sa kabuuan, ngunit matatapyasan agad ito ng 30 pesos, pinakamababang posibleng pamasahe ng isang SA, matitira na lamang sa kanya ang 70 pesos, na maaari nyang gastusin para sa kanyang pananghalian, na hindi bababa sa 30 pesos. Sa ganitong halimbawa, 40 pesos na lamang ang natitira sa estudyante, maglalaan pa sya ng sampung piso para sa meryenda, sampung piso sa tubig. At sa pagkakataong ito, 20 pesos na
Sabi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo – the education is a social equalizer. Kung saan tinalakay niya ang buhay bilang isang estudyante ng siya ay nasa kolehiyo pa. Totoong ang edukasyon ay nakakapagpagaan nga naman talaga ng buhay ng bawat Pilipino, ngunit paano mapataas ang antas ng buhay kung maging ang edukasyon ay hindi pumapabor sa bawat kabataang nangangarap na makaahon sa kahirapan? Kagaya nga ng mga nagiging summa cum laude ng pinakasikat na pamantasan ng bansa, ang Unibersidad ng Pilipinas, tanging ang mga estudyante lamang na pribilehiyo ang nagkakaroon ng ganitong karangalan, maging ang simpleng pagsampa sa magagandang pamantasan ay nalilimita parin dahil sa kahirapan ng bawat pamilyang Pilipino. Ngunit kung ang mga programang gaya ng student aide program ay magkakaroon ng mataas na pasahod, hindi lamang ang mga kagaya ni Kuya Glenn ang magkaroon ng maayos na edukasyon na nagiging kanilang tanging pag-asa ng bawat batang nangangarap na magkaroon ng maginhawang buhay sa hinaharap. ***
Nananatili pa rin talaga sa kaisipan ng mamamayang Pilipino na ang edukasyon ang magtatawid sa kanila sa kahirapan, kaya patuloy ang kanilang pagsisikap, paggawa ng iba’tibang pamamaraan upang maitawid nila ang kanilang mga degree na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaroon ng mas mataas na sahod na magiging sagot upang magkaroon sila ng mas maayos na buhay. Gayunpaman, hindi dapat natin ilimita sa mga propesyon ang pagpapasahod ng mga manggagawa, dahil ang bawat gawain o trabahong kanilang ginagawa ay hindi lamang trabaho lang, kundi dugo at pawis na kanilang pinaglalaanan, at nagbibigay ng maayos na serbisyo na patuloy pa ring nagpapaunlad sa bawat pamilya, maging sa isang komunidad kagaya ng isang bansang ating ginagalawan. Magiging mas magaan rin ang pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino kung ang mga kinauukulan ay mayroong kongkretong plano sa pagsugpo ng korapsyon, dahil sa ngayon, hindi na ang kahirapan ang nagpapahirap sa sambayanan, kundi ang talamak na korapsyon kahit saang ahensya ng gobyerno. At nawa ay ating ipagpatuloy ang mga panawagan, SAHOD ITAAS! PRESYO IBABA! Hanggang sa tayo ay tuluyang magtagumpay.
Ang kamatayan para sa iilan ay siya raw din ang katapusan. Ngunit paano kung sa pamamagitan ng karahasan babawiin ang iyong buhay? Sa laro ng pagkakamit ng hustisya, ‘pag mayaman ka, abswelto ka. At kung mahirap ka, patay ka. Mabigat man kung iisipin ngunit ito ang katotohanan. Hindi pantay ang pagkamit ng hustisya.
Sa halos ilang dekada ng pakikipagbakbakan ng gobyerno laban sa droga, hindi maitatatwa na ang digmaang ito kontra droga ay humantong sa ibat ibang resulta—pagkakatimbog ng pinakamalaking ‘drug cartel’ sa bansa, mga pulitikong imbwelto at nagpoprotekta sa mga sindikato, hanggang sa mga ordinaryong lebel na mga Pilipino—iba’t iba ang naging mga paraan, hindi pantay na kinahantungan. Tama nga kaya ang sigaw ng kanta? Na ang hustisya ay para lang sa mayaman?
Mula kampanya hanggang noong maluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, naging tahasan siya sa kanyang panawagan, “I hate drugs”. Layunin niya na puksain at wakasan na and dekadekadang at hindi matapos tapos na suliranin kontra droga. Aniya, ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay siyang sumisira sa mga tahanan, buhay, at pangarap ng mga kabataan hanggang sa mga pamilyang Pilipino. Nais niya na magpatupad ng komprehensibong aksyon upang di umano ay matulungang makapagbago ang mga dati nang lulong, at takutin ang mga higanteng cartel na siya, di umano, ang nagpapalaganap ng pesteng adiksyon, pati mga krimen na maiuugnay sa droga. Ang solusyon, kamay na bakal. Seryoso ang dating pangulo sa kanyang binitawang mga salita. Ipinangako niya na sa loob ng unang 100 na araw niya sa panunungkulan, mapupuksa niya ang problema sa droga. Marami ang natakot, bumatikos, lalo na ang sektor ng human rights watch kung ano ang aksyon na binabalak ng administrasyon sa pangmadaliang ambisyon. Dahas nga kaya? Ngunit mas marami ang natuwa lalo na’t nagibibigay ito ng liwanag at pagasang marami ang magbabagong buhay, susuko, at bababa ang krimen sa mga drug-related crimes kung tawagin. Kung babalikan, at ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), kalahati sa halos lahat ng kaso ng krimen na kanilang naitatala ay maiuugnay sa mga taong nasa impluwensya ng droga. Kaya marami ang sumuporta rito sa pag-asang maging ligtas para sa lahat ang mga sulok ng kalye, mga kabataang maliligtas, pamilyang makaiwas sa mga pangaabuso, at mga sakit dulot ng ipinagbabawal na droga.
Kagaya ng isang ordinaryong kabataan, si Kian Delos Santos, 17 taong gulang, tagaCaloocan sa kalakhang Maynila ay may pangarap. Batid ng lahat ang pangarap ng batang ito, bukod sa bisikleta ay ang pangarap niyang maging pulis dahil huhulihin niya di umano ang mga adik sa lugar nila. Sa makikitid na daan at dikit-dikit na mga barong-barong ng Barangay 160, ginugol ni Kian ang kanyang kabataan. Mailalarawan siya bilang isang masayahin, palabiro, at palakaibigan sa kanila. Rito, namuhay ng payak, tahimik, at masaya ang batang si Kian. Pinangako ni Kian sa kanyang magulang na iaahon sila sa kahirapan. Maaaring sa isip nito ay magpapatayo siya ng isang malaking bahay, lilibutin ang mundo, bibilhin lahat ng gusto—para sa isang batang malaki ang pangarap, walang hindi kayang abutin. Ngunit putok lamang ng baril galing sa mga taong tinitingala niya sana ang makakatapos sa lahat ng pangarap at pangakong ito. Ang kapalit ay ang kanyang buhay. Pinatay si Kian Delos Santos, habang isinasagawa ang Oplan Galugad operation sa parehong mga kalye kung saan siya nangarap, gabi ng Agosto 16, 2017. Sa salaysay ng mga kapulisan na nanlaban umano ang bata kaya napilitan silang pumutok pabalik. Nasamsam ang isang kalibre kwarenta y singko na baril at dalawang pakete ng hinihinalang shabu. Dalawang araw ang makalipas, pagkatapos ng insidente, narekober ang kuha ng cctv footage ng paghuli kay Kian. Taliwas sa isinaad ng mga pulis na rumisponde, nahagip na dala-dala nilang nakaposas at hindi nanlaban at nagtangkang tumakas si Kian. Ayon sa isang testigo ng insidente, nakita nila na inaalalayan ng mga kapulisan si Kian na nagmamakaawa, pagkatapos nito ay ang pagbulusok ng tunog ng ilang putok ng baril. Nakakapanlumo na masaksihan ang ganitong pangyayari. Ang mga awtoridad na kanyang tinitingala, ang minsang pinangarap na maging, ay parehong mga tao rin na tatapos at kikitil ng kanyang pangarap sa isang iglap lamang.
Ang nangyari kay Kian ay tila ba gumising para sa nakararami kung ano nga ba ang sitwasyon na nangyayari laban sa droga. Tao ang pinapatay, hindi ang problema. Tanong ng marami, ilan pa ba ang hindi nakuhanan? Alin ba sa mga nanlaban ang mga inosente? Ilan pa ba ang magiging biktima?. Kaya ang sigaw nila, “Hustisya! Pagbayarin ang dapat pagbayarin.” Kaya’t kabi-kabila ang isinagawang
imbestigasyon upang mabigyang kasagutan ang nangyayaring karahasang ito. Mula sa mga korte, hanggang sa senado, mula sa ulat ng mga lokal na pahayagan at balita hanggang sa buong mundo, ang sigaw, “Panagutin ang gobyerno, ikulong ang mga mga responsable.” Naging gising ito sa lahat upang huwag manahimik. Habang ang mga mayayamang protektor ng droga at mga pulitikong gahaman at gumagamit ng droga—sila lang ang nakakuha ng tamang paglilitis o di kaya naman kung minsan, abswelto sa lahat ng kasalanan. Kung mahirap ka, kulong ka o ang mas masahol pa, patay ka. Ipatupad nang tama at walang dapat panigan ang batas. Sa paraang ito, maari pa nating makamit nang matagumpay ang pagpuksa sa problemang ito. Sa datos noong Hulyo 2021, sa natitirang taon ni Pangulong Duterte sa pwesto, pumalo na sa 6,165 ang bilang ng mga namatay sa operasyon kontra droga, at humigit kumulang 298,348 na suspects ang naaresto.
Naitala rin ang tumataginting na 50.94 bilyong piso ang nasamsam ng gobyerno simula nang umpisahan ang kampanya kontra droga ng administrasyon. Bagamat umaani ng mga papuri ang administrasyong Duterte sa matagumpay na kampanya kontra droga, naging sentro rin ng kabi-kabilang batikos ang pamamalakad nila dahil sa madugong pagpapatupad nito. Makikita sa mga pag-aaral na isinagawa ng iba’t ibang human rights protection group na ang tanging punterya lamang ng programang ito ay ang mga mahihirap, at ang pinapanigan ng batas ay ang mga higanteng kartel kaya hindi mapuksa ang mismong pinagmumulan ng problema.
Matatandaang nadawit pa nga ang mismong anak ng pangulo sa drug issue sa Davao, na di umano’y protector din ng mga malalaking drug pusher and supplier sa nasabing lugar.
Isa sa mga maituturing na matagumpay at maunlad na bansa ang Amsterdam. Dahil sa likas nitong ganda, maayos na pamamalakad, at matatag na ekonomiya kaya naeengganyo ang mga investors at turista upang mamuhunan dito. Kilala rin ang Amsterdam sa pagsasa-legal ng mga kinokonsiderang soft-drugs kagaya ng cannabis mula pa noong 1976. Dahil sa demand, iba’t ibang mga tindahan ang nagsulputan upang magbenta ng marijuana lalong lalo na sa kabisera ng kanilang bansa, ang Amsterdam.
Ayon sa Dutch Government,
kinokonsidera pa rin naman na bawal ang mga drogang ito lalo na kung pang-maramihan. Nililimita lamang nila ang pagbebenta sa publiko hanggang sa limang gramo sa mga edad 18 pataas. Kaya naman naging kilala ang bansang ito sa mababang bilang ng gumagamit ng droga. Kung kaya’t hindi maiwasang magingay ng iilan, na ang dahilan di umano ng mababang bilang ng mga gumagamit ng droga sa Amsterdam ay ang kadalian ng pagkuha nito. Kaya’t ang mismong mga mamamayan na ang tumatanggi rito. Posible nga kayang maipatupad rin ito sa Pilipinas? Kung iisipin, kung ipapatupad rin ito sa ating bansa, maaaring mabawasan rin ang mga gumagamit ng droga. Ang mas mabuting dulot nito ay ang lahat ng tao ay matututo kung paano ito gamitin sa paraang angkop lamang. Ngunit hindi ito ganun kadali. Binubusisi, pinag-aaralan, at matinding diyalogo ang kailangan upang maipatupad ito. Kakailanganin dito ang maayos na sistema. Dapat ay mayroon din tayo ng mga komprehensibo at maayos na batas upang maipatupad ito.
Paghilom
Maituturing na madilim na parte sa kasaysayan ng Pilipinas ang nangyaring karahasan, masugpo lamang ang droga. Marami ang namatay na walang maayos na paglilitis. Maraming inosente ang nasira at nawalan ng pangarap. Bangkay na natagpuan na lamang na nakasako, nakakahon sa mga damuhan, at may karatulang “Adik ako, huwag tularan.” Misteryoso kung maituturing, ngunit hindi dapat mabaon sa limot at maging kwento na lamang. Marami pa rin ang tumatangis at sumisigaw ng hustisya. Ano pa ba ang magagawa natin?
Kilalanin natin ang bayani ng makabagong panahon na si Fr. Flavie Villanueva. Isang pari na pinarangalan ng Dutch Prize for Human Rights dahil sa kanyang ambag sa lipunan, ang Paghilom Program. Ang layunin nito ay mabigyang suporta ang mga naulila at
‘‘
Ipatupad nang tama at walang dapat panigan ang batas. Sa paraang ito, maari pa nating makamit nang matagumpay ang pagpuksa sa problemang ito.
miyembro ng mga pamilyang naging biktima ng extrajudicial killing para maitayong muli at mabigyang-hustisya ang namatay dahil sa madugong laban kontra droga. Nakakamanghang balikan ang naging buhay ni Fr. Flavie Villanueva. Maituturing kasi ang kanyang buhay bilang isang matagumpay na indibidwal na nakipaglaban sa droga. Isang tao na dating lulong sa bisyo. Nabago ang buhay dahil sa pananampalataya at pagmamahal sa sarili. Sa panayam sa kanya ng Rappler News Agency noong Marso 2018, isinalaysay niya ang kanyang buhay. Nagsimula ang kanyang adiksyon sa droga mula pa lamang nang nagtatrabaho siya sa isang corporate sector. naging parte na di umano ng kanyang araw araw na gawain ang pagdodroga. Tinanong niya ang kanyang sarili kung ganun ba ang gusto niyang pamumuhay na ipagpatuloy? Tugon niya sa kanyang sarili “hindi”. Ang pananampalataya sa Maykapal at sa sarili ay ang kanyang naging instrumento upang magbago. Nabago niya ang kanyang dating masalimuot na buhay. Dagdag niya, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang maging pari. Ngunit sa tawag ng Maykapal at sa kanyang pananampalataya ay tuluyan niya nang tinalikuran ang droga. Mas lalo pa nitong papalalain ang dati mo ng problema. Mula noon, ginugol niya na ang kanyang bokasyon sa pagtulong sa mga mahihirap—sa pag-aangkin ng dignidad, at sa pagtindig sa kanilang mga karapatan. Noong 2015, sa tulong ng Society of Divine World ay itinatag ni Fr. Villanueva ang Kalinga Center. Layunin nitong magbigay ng “dignified care and service” para sa mga walang tahanan at mahihirap na indibidwal at pamilya. Nang magsimula ang kampanya ni Duterte laban sa droga, nakarating sa kanila mismong tanggapan na kasama sa listahan ng mga matotokhang ang lima sa kanilang beneficiaries.
Sa paglipas ng panahon, mula nang magsimula ang laban kontra droga, napatunayan
na hindi sagot at hindi solusyon ang mga pagpatay upang puksain ang droga. Marami na ang nawalan ng mahal sa buhay simula pa lamang noong unang 100 na araw ni Pangulong Duterte sa puwesto. Walang indikasyon na ang kamay na bakal ang magpapahinto ng mga adik na huwag gumamit ng droga. Masakit matunghayan na maraming oportunidad at tamang aksyon ang nasayang sa kabila ng mga buhay na nawala. Upang magtagumpay, dapat tumugon ang gobyerno sa pangkalusugan at isyung panlipunan na nagtutulak sa mga tao upang gumamit ng droga—hindi magpatupad ng pangmadaliang paraan. Bigyan dapat ng pagkilala ang dignidad ng bawat isa. Maraming mga bansa ang kinilala ang droga bilang isyung pangkalusugan kasya krimen. Dapat pang palawakin at paigtingin ng bawat isa ang rason sa likod ng mga isyu sa droga—kung bakit marami ang nahuhumaling, marami ang gumagamit, at pati ang dulot na naibibigay nito kaysa ang pagpapatupad ng isang mababaw at hindi tugmang pagtugon sa hustisya. Dapat na mabigyan ng maayos na rehabilitasyon at mga programa na tutulong sa bawat gumagamit upang mabigyan sila ng pag-asa tungo sa panibagong buhay.
‘Kakaibang wangis, kakat’wang mga hugis, Itim o puti, abo ng hinagpis, Gutay-gutay na pahina, binalot ng manipis, Mahalimuyak sa tiyang impis,
Ang huni ng kuliglig sa kalaliman ng gabi, Kasabay ng pagaspas ng patay na tutubi, Sinulid sa karayom hindi nag-atubili, Itim na paru-paro, sa labi’y dumampi, Hayop kang nagpapalit, Nakabihis ng perlas na marikit, Sa ngiti itinatago and lupit, Naghihintay na dilim ay sumapit,
Talambuhay sa nag-iisang pahina, Mabilis at mabagal na paghinga, Ang matayog na puno, tawag ay ina, Pataba sa isda, ibinenta,
Mga yapak na naubos, Alikabok ang yumapos. Silab sa nguso na paos, Misteryong nauupos. Sa kasalukuyan at para sa kinabukasan.
NI NOEMI VALENZUELA
‘Wag kang pakakampante, Kapag naglalakad ka sa gabi, Maaaring may nakaabang sa tabi,
Hindi mo sila makikita, Ngunit sila’y nagdudulot ng kaba, Mga naririnig na kakaiba, Dito ay totoo talaga.
Mayroon ditong mga kamay, Malalamig na tila sa patay, Naririnig na mga iyak, Pinagmumulan ay ‘dii tiyak, Narito’y mga halinghing, Hustisya ang hinihiling, Mga hating katawan, Mga ninakawan ng kinabukasan, Dito sa tabi ay matatagpuan, Mga nilalang na di ko inasahan, Nakamasid at nakaabang, Sa kasalukuyan at para sa kinabukasan.
NI SARAH JOY DOLON
Umaga na, Kailangan na niyang magpahinga. Nakakapagod ang buong gabi, Ngunit nasiyahan naman ang kaniyang mga labi. Masarap sa pakiramdam, Guminhawa ang natutulog na katawan. Mag-iipon ulit ng lakas, Hindi para bukas, Kun‘di, sa paglipad mamayang gabi. Upang makaraming muli, Mga tao’y naguguluhan, Siya’y iniiwasan.
Hinahanap ng kaniyang mga labi’y dugo, Nananakit hanggang ang biktima’y malumpo.
Natatakam sa sariwang laman, Kakaiba ang ninanais ng isipan. Ikaw ay mag-iingat tuwing gabi. Huwag hahayaang wala kang muwang, Ikaw ay umiwas sa halinghing–Ng mapanlinlang na aswang.
Katamaran ang tema, nitong si Juan Tamad, na sa biyaya’y umaasa, at ‘di mayakap ang reyalidad. Sa ilalim ng punong bayabas nakahimlay, Kinonsiderang tamad dahil hindi umuusad, Ngunit ‘di ba’y isa lamang itong pagpapalagay, isang hinuhang inilahad.
Kung isip ay papalawakin, siya ay isang paalala, na tayo’y magpahinga rin, sa puwersa’y huwag magpaalila.
Mag-ipon ng enerhiya at lakas, sandaling tumigil sa paglakad, sa mga basehan ng pagiging produktibo’y kumalas, dahil ikaw lang ang nakakaalam ng iyong paglago’t hangad. o ‘di kaya’y palayain ng buo sa isipan.
Tuwing ako’y naglalakad sa kalye, laging may nakasunod sa’king likod, o maski sa’king gilid o harapan, depende kung saan tumatama ang ilaw, minsan higante, minsa’y mas maliit pa sa maliit, minsan sila’y dalawa, tatlo o apat, walang ibang kulay kun’di itim.
Sa gapos ay pakawalan, Irog, ayoko ng magtago, Intindihin mo naman, mithiin ng aking puso, Ako muna’y hayaan, hayaang madapa’t matuto.
Araw kung ika’y aking ituring, ngunit mata ko’y iyong pinipiga, ‘di humanga sa’king rikit at ningning, Sisibol sa lupa bitbit ang pag-asa. siguro isa pa rin ako sa’yong hiling, baka sa susunod tayo nang tinadhanang tugma.
Iba’t ibang hugis at porma, ‘di naririnig ng iba ang kanilang panaghoy, Hindi ko sila iniintindi, dali-dali lang akong lumalakad, papunta sa’ming bahay. Nang ako’y umidlip na, nakita ko ang sarili ko sa ibang pananaw, ang aninong sumusunod sa’kin ay ang mga pangarap pala, na ninais ko noon, mga taong naiwan ko, mga taong iniwan ako, mga bagay na bigo kong makuha, mga pangarap kong ‘di natupad, mga lirikong akala ko’y nalimot ko na, mga pag-asang naglaho, mga labang aking sinukuan, at mga alaalang aking pilit na iniiwasan.
Ang mga aninong ‘yon, ay ang mga naudlot, ‘di naisakaturapan na mga adhikain, na bumabalik-balik, nang sila naman ang aking sugalan, o ‘di kaya’y palayain ng buo sa isipan.
Sabay-sabay na mamangha, mabigla, Matakot at maluha.
Narito na ang Ispay-Dala ang maiinit na balita, Balahibo mo’y papatayuin bigla, Mga ‘di nakikitang mataAy magsisimula nang magsalita.
Sa face to face classes ay maraming natuwa, Ngunit makalipas ang isang buwan, Bakit tila kayo’y naluluha? Masaya pa ba? Kaya pa ba? O lilisan na lang kaya?
Mga mapupulang mata-Tila ba’y mga bampira, Sa mga activity -Naluluha at namumula, Hindi tumutulong dugo, Subalit nauubos, Itong pasensiya nami’y, Malapit ng maupos.
Sa pagpasok sa klase’y may mga estudyante na maaga, Pero mga taga CTDE tila ba imposible nang mauna,
Bukod sa building na nasa dulo na, Mga silid-aralan ay nasa ikaapat na bahagdan pa, Lilipad na ata kami dahil sa masakit na paa, O baka iwan na lang itong kalahati para sa mas magaan at mabilis na pagpunta.
Karatig na departamento’y di rin nagpahuli, CCS na palaban, mga parangal ay inuwi. Sa larangan ng pagalingan lagi silang nagwawagi, Anong dasal ang sinasambit-upang katalinuhan at kagalingan ay sumapi?
Sa CAS naman tayo’y lilipad na, Sa face to face ay excited daw sila, Pero dahil dulo ang building -Dadating sa klase na puro pawis ang dala,
Pero kahit ganun spotted pa din na magaganda, Hindi papahuli sa porma at awra, Lagi silang ready sa pitik ni kuya, Subalit mga reklamo ‘di rin sa kanila nawala.
Aking natanaw mula sa malayomga nakasimangot nilang mukha, Binubulong sa bawat isa, kanya-kanya nilang mga puna, Aircon na display-paandarin sana sabi ng isa, Hindi din pinalampas, Itong Fb page na puro daw patalastas. Puro daw pagpupulong, Pero di nakikinig sa mga bulong, Tanong ng karamihan-Anong inyong nagawa’t naitulong?
Dakuan naman natin ang CHS, Nakakamangha ang inyong pagiging malinis, Magastos na kurso kung tutuusin, Pero para sa pangarap, Ang ibenta ang kidney ay kayang gawin.
Buti na lang mga instructor ay mababait, Buhay ng mga nurse at midwifery ay hindi nagiging mapait, Maliban na lang noong simulan,
Pagbili ng mga aklat ay ‘di raw pwedeng ipagpaliban, Mga gastusin din na walang katapusan, Gloves, mask, at kung ano pa man, Mga magulang ay nahihirapan, Tanging nasasabi’y ‘gagawan na lang namin ng paraan’,
Ok na sana ang mga gastusin, Kaya namang unti-untiin mga bayarin, Basta toxic na silid-aralan ay iwasan din, H’wag sanang mamili ng mga papansinin, At inggit ay ‘wag sanang itanim-Upang healthy competition ay manatili parin,
Isa ding payo para sa mga opisyal, Huwag sanang dungisan ang inyong dangal, Palaging isaisip na lamang ang magandang asal, At na kapakumbabaan ay katumbas ng parangal.
Sa kabilang ibayo naman tayo’y dumako, Kagimbal-gimbal na patutsada ang nasagap ng matang mapanibugho, Reklamo ay cafeteria na punong-puno.
Idamay mo na rin ang mga estudyante na akala mo kung sino umasta, Okey lang naman sana ang magbida-bida, Pero ilugar niyo bebe ang inyong asta. ‘Wag sanang magpalit anyo kapag wala nang maestro at maestra.
Hindi naman matatawaran, Sakripisyo ng mga empleyado at ang kaguruan, Handang ilaan oras na kinakailangan, Makuha lang ang turo na dapat matutunan.
Pati na serbisyo nitong mga empleyadong walang kapaguran, Para lang pangangailangan ay matugunan.
TOR, Certificate of Grades, at Authentication ay pinagtuunan.
DSWD requirements na magdamag niyong pinilahan. ‘Wag naman po sanang magalit kung medyo natatagalan, Sa pagpila ay huwag mag unahan, Tila ba hindi niyo na kilala ang orasan, Hating-gabi na’y mulat pa sa kadiliman, Handang kumapa para lang sa numero ay ‘di maunahan, Mga taga-Balatan, Laging nasasabihan, “balik na lang po kayo kinabukasan”.
Mga nasa opisina ay napapagod din naman. Kaya sana ay mag-unawaan, Mga pagkukulang ay pagpasensiyahan, Habaan ang pisi at kumain muna upang malinaw ang kaisipan.
Itong Student Council ay nag-effort din kamakailan, Sa pila’y may pa-free water at Rebisco’ng nalalaman, Tumulong sa pag-aayos nitong mga nagsisiksikan, Tagaktak na pawis para lang serbisyo’y ilaan, Isa lang ang namumutawi sa isipan, Salamat po sainyong serbisyong di matatawaran.
‘Di rin maikakaila na sila’y may mga pagkukulang, Nawa’y pang-unawa ay bigyang puwang, Huwag sanang ipagbili itong pusong laan, Sa poot ay wag sanang magpabihag ng tuluyan.
Ngayong tapos nang isiwalat Itong mga balita, puna, at pasasalamat, Nawa’y inyong mga mata’y namulat, Mga pahina ng katotohanan ay simulan nang mabuklat. Tandaan na katotohanan ay walang sukat, At kahit saang sulok mga mata’y nakakalat.
Kung balita’y may pakpak, Kami ang sa katotohanan ay titiyak, Sa patutsada ng Ispay ay wag sana kayong umiyak, Sa mga tagumpay at papuri ay handa naman kaming pumalakpak.
Malakas, matapang, marikit, puno ng pagmamahal, may puso sa pagtulong at pagligtas ng mga tao at kilala sa sikat na katagang “Ding, ang bato!” Hindi na mawawala sa Pinoy Pop Culture ang pinay superhero na si Darna. Ito ay nagsimula noong isinulat ni Mars Ravelo ang isang karakter ng superhero na pinangalanan niyang Varga noong taong 1947. Ito ay unang ipinakilala noong Hulyo 23, 1947 sa Bulaklak Magazine Tomo 4, Bilang 2. Sa katunayan, si Varga at si Darna ay iisa lamang. Ang Bulaklak Magazine ang nagmamay-ari sa karakter na si “Varga” sa panahong iyon, kaya nang nilisan ni Mars Ravelo ang Bulaklak Magazine, si Varga ay nanatili rito. Ngunit nang siya ay lumipat sa Pilipino Komiks, kanya nang isinama at binuo ang konseptong nais niya para sa karakter ni Darna. Nang dumating ang Mayo 13, 1950, muling inilunsad ni Mars Ravelo ang kanyang komiks patungkol kay Darna at siya’y iginuhit ng Filipino comics artist na si Nestor Redondo.
Kilala si Darna bilang isang babaeng mandirigma mula sa planetang Marte. Siya ay lumalabas sa katauhan ni Narda—isang babaeng mula sa daigdig ng mga tao. Kinakailangang lunukin ni Narda ang mahiwagang puting bato at isigaw ang “Darna” upang tuluyang mabago ang kanyang anyo at maging si Darna. Siya ay kilalang lumalaban para sa mga naaapi at ang kanilang tagapagtanggol laban sa mga kampon ng kasamaan. Si Valentina ay ang sikat na katunggali ni Darna at ang tinaguriang “diyosa ng mga ahas.” Siya ay isang babaeng ang ulo ay binubuo ng mga ahas. Sa kabilang banda, si Ding naman ay ang nakababatang lalaking kapatid ni Darna na siyang nagsisilbi bilang kanyang sidekick.
Sa mga nakaraang dekada ay marami ng bumuhay sa karakter ni Darna. Mula kay Rosa del Rosario na bumida sa unang pelikula nito noong 1951 at hanggang sa aktres na si Jane de Leon na bumibida sa teleseryeng Darna sa kasalukuyan. Sa tunay na buhay, hindi rin mawawalan ng mga kababaihan na maihahalintulad sa superhero na si Darna.
Tulad ng mga pangkaraniwang bata, lumaki si Dannilyn Espinola na mahilig maglaro at laki sa layaw ng kanyang mga magulang. Panganay at nag-iisang anak na babae sa tatlong magkakapatid si Dannilyn. Bagaman katamtaman lamang ang kanilang pamumuhay, pinalaki silang marunong makuntento at magpahalaga sa mga simpleng bagay. Nang tumuntong sa high school si Dannilyn, nagbago ang kanyang buhay. “Sabi nila high school life ang pinaka-memorable sa buhay natin. Dito ako nakahanap ng mga solid na kaibigan pero
‘ang iba ay bad influence para sa akin, lalo na noong nag-aaral ako sa Maynila. Doon ako napariwara at natutong mag-cutting class, uminom at magyosi.” Napabilang din siya sa samot-saring mga away. Sa edad na 16, ay nalaman ni Dannilyn na siya ay nagdadalang-tao sa kanyang apat na buwang anak. “Mahirap dahil sa hindi inaasahan na panahon at oras, naging ina kaagad ako. Hindi ko alam kung saan at paano ko sisimulan dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa. Masaya ako sa biyayang ibinigay sa akin ng Panginoon kahit alam kong mahihirapan ako dahil wala akong kaalam-alam kung paano magpalaki at mag-alaga ng isang sanggol.” Sa kabila ng pagiging isang ina at pagkakaroon ng isa sa pinakamalaking responsibilidad sa murang edad, kasiyahan at hangad ni Dannilyn na makitang nasa maayos na kalagayan at pangangatawan ang kanyang minamahal na anak.
Sa kasamaang palad, nagkaroon ng iba’t ibang komplikasyon ang kanyang anak, tulad ng myelomeningocele at hydrocephalus. “Sinubok ang aking pagiging ina; kung hanggang saan at kailan ko siya kayang alagaan at hindi iwan. Kung ano ‘yung sakit na mayroon ang aking anak ay parang doble ang sakit na aking nararamdaman, dahil nakikita ko siyang nahihirapan at kung pwede lang na kunin ko lahat ng sakit ng aking anak ay aakuin ko.”
Sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ni Dannilyn, naging kaagapay niya ang kanyang pamilya kahit na noon ay tinalikuran niya ito para sa isang lalaki na hindi naman kayang kaharapin ang responsibilidad nitong maging ama at karamay niya sa buhay.
“Hindi pa rin ako iniwan ng aking pamilya. Sila ang
naging sandalan ko sa mga oras na gusto ko nang sumuko sa laban na aking kinaharap.”
Matapos ang lahat ng pagsubok na kinaharap ni Dannilyn sa pagkakaroon ng karamdaman ng kanyang anak, dumating ang isang pangyayaring kailanma’y hindi nanaisin ng sinumang ina. Noong taong 2018 ay pumanaw ang kanyang anak dahil sa pneumonia. “Noong namatay ang aking anak, parang gusto ko na ring sumunod sa kanya. Dahil sa loob ng isang buwan, siya na ang aking naging mundo ngunit naisip ko matutuwa ba siya kapag ginawa ko ‘yon? Alam kong hindi at alam kong mas gusto niyang ipagpatuloy ko ang aking buhay dahil alam niya na marami pa ang nagmamahal sa akin. Siya at ang mga pagsubok na dumaan sa amin ang aking naging dahilan upang bumangon at nagsilbing pag-asa ko upang magpatuloy sa aking buhay.”
Ngayon ay nagpatuloy sa kanyang pag-aaral si Dannilyn at isa na siyang first year college sa kursong Bachelor of Science in Information System sa Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC). Bagaman ay wala na sa kanyang piling ang kanyang anak, alam at ramdam niya ang presensya at gabay nito sa kanyang buhay. Ang lahat ng pagsubok na kanyang kinaharap, ang kaniyang munting anghel, ang nagsisilbing inspirasyon, pag-asa, at lakas sa kanya upang magpatuloy sa buhay.
Lumaki sa kanyang lolo at lola si Marnellie Pamintuan. Matagumpay ang kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang high school kahit na wala sa tabi niya ang kanyang ina. Kinailangan nitong umalis at pumunta sa bansang Korea dahil sa dalawang kadahilanan. Una ay upang mapag-aral niya ang kanyang kapatid, at pangalawa ay pakasalan ang Koreanong kinakasama nito. Bagaman ay naghahanap-buhay ito sa ibang bansa, madalas ay hindi ito nakapagpapadala sa kanila. Dahil dito, kinailangang magtrabaho ni Marnellie bilang isang kasambahay habang siya ay nag-aaral. Matapos ang tatlong buwan ng paninilbihan niya bilang isang kasambahay, napagbintangan siya sa isang kasalanan na hindi niya naman ginawa. Kaya napilitan siyang umalis at natigil ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nalaman ng kanyang ina ang nangyari sa kanya at kinumbinsi siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral bilang 1st year college.
Matapos ang isang taon, pumanaw ang kanyang lolo dahil sa heart failure at kailangan namang mamalagi sa ospital ng kanyang lola. Walang ibang mag-aalaga rito kaya natigil muli siya sa pag-aaral at siya ang naging kasa-kasama nito sa loob ng isang buwan hanggang sa binawian na rin ito ng buhay dahil sa pneumonia.
Dahil tila laging may hadlang sa kanyang pag-aaral, napag-desisyunan ni Marnellie na tuluyang tumigil sa kolehiyo at magtrabaho na lamang bilang isang marketing assistant sa isang kompanya.
“Naging hadlang sa aking pag-aaral ang mga bagay na hindi inaasahan. Masama ang loob ko dahil wala akong natatapos, pero sabi ko baka hindi pa ngayon ang tamang oras para sa akin. I’ll let God plan my future.”
Sa edad na 24 ay biniyayaan si Marnellie ng isang supling na babae hanggang sa nasundan pa ito ng dalawa pang magaganda at masiyahing mga anak. “Nakakapagod pero at the same time masarap at masaya. Nakakapagod dahil kailangan kong dalhin ng siyam na buwan sa tiyan at pagkatapos ipanganak, kailangang magpuyat para maalagaan nang mabuti ang mga anak ko. Masarap naman dahil habang lumalaki sila mas nararamdaman ko
ang pagiging ina ko at masaya kasi nawawala ang mga problema ko lalo na kapag nagkukwentuhan, nagtatawanan, at naglalaro kami.”
Matapos ang 13 taon, sa edad na 34, siya ay nag-aral sa Alternative Learning System (ALS) sa kadahilanang hindi niya makuha ang honorable dismissal sa institusyon na pinasukan niya. Nakapasa siya sa exam at sa sipag at tiyaga, nakapagpatuloy sa pag-aaral hanggang senior high school.
“Ang unang nakapagbigay sa akin ng pag-asa ay ang mga anak ko. Pangarap kong makapagtapos din sila ng pag-aaral. Pangalawa ay ang katagang “Education has no age limit,” hanggang kaya mong tuparin ang mga pangarap mo, go lang!”
Sa edad na 39, si Marnellie ngayon ay 1st year college na sa CSPC sa kursong Bachelor of Public Administration. “Ang makatungtong muli sa kolehiyo ay isang napakalaking bagay para sa akin dahil sa wakas makapag-aaral ulit ako. Sabi ko baka ito na ‘yong time ko para makapagtapos dahil may inspiration na ako—ang mga anak ko. Bilang isang magulang na nag-aaral, hindi ito madali. Titimbangin ko ang oras para sa pananahi, pag-aaral at para sa pamilya ko. Minsan kailangang isantabi ko ang mga gawain ko sa school over sa mga kailangan ng mga anak ko. Kinakailangan kong igawa sila ng mga project at tulungan sa mga module.” Nagpapasalamat si Marnellie sa Diyos dahil biniyayaan siya ng isang ina at asawa na handang sumuporta at tumulong sa kanya. Saad pa niya, siya ang pinakamatanda sa lahat ng kaniyang mga kaklase ngunit hindi na ito malaking bagay para sa kaniya. Hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga diskriminasyon dahil para sa kanya, siya ay nag-aaral para sa kanyang pamilya at hindi para sa opinyon ng iba.
Sa bawat pagsubok na haharang sa pangarap mo, tanggapin mo lang dahil ito ang magiging pundasyon mo para lalo pang tumatag at lumakas ang kalooban mo na matupad ito. Sa bawat hirap na kakaharapin, may nakalaang sarap kung hindi man ngayon baka bukas. Ang mga pangarap ay nandyan lamang at hinihintay ka. Ang gusto lamang nito ay maging handa ka, dagdag pa ni Marnellie.
“To conquer other people, you need to conquer yourself first.” Ito ang paboritong kataga ng dalagang si Joanna Carla R. Elgar. Siya ay 18 na taong gulang at nag-aaral sa kursong Agham Pampulitika sa Pamantasan ng Bikol.
Siya ay isang lider na mag-aaral, boluntaryo, at tagapagtaguyod para sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kababaihan, kabataan, at mabuting pamamahala. Dating mahiyaing bata si Joanna, nananatili sa likod na hanay ng silid-aralan at bahagi lamang ng karamihan. Hindi nakikita at naririnig ng iba. Gayunpaman, siya’y
naniniwala na mayroong isang bagay sa kanyang sarili na natatangi sa iba. “In order to conquer other people, you need to conquer yourself first. Your goals might sound ambiguous and impossible to achieve for now, but the most important part of achieving them is to take the first step,” ani niya.
Nagsimula siyang maging lider noong elementarya. Dahil sa kanyang mga responsibilidad at tungkulin na laging magbigay ng tulong at kumatawan sa kanyang mga kasamahan, lumaki siyang isang responsable, epektibong pinuno, at isang boluntaryo na patuloy na natututo at nagpapaunlad sa kanyang sarili upang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga tao. Sumali si Joanna sa ilang organisasyon sa loob at labas ng kanyang paaralan upang maabot ang mas maraming pang komunidad. Ilan dito ang Girl Scouts of the Philippines–USANT Chapter bilang chairman, 2019-2020, Values Savers’ Club bilang pangulo, 2019-2020, at Society of Humanities and Social Sciences Students bilang pangulo, 2021-2022. Siya ay bahagi rin ng dalawang itinuturing na outstanding community organization—the Batoeño Youth Advocates at Youth G. Nagkamit din siya ng ilang mga parangal dahil sa kanyang pamumuno gaya ng Chief Girl Scout Medalist 2019, Most Outstanding HUMSS Student, at Outstanding Senior High School Student. Sa kasalukuyan, siya ay parte ng Bicol University UNESCO Club, Political Science Club at BU College of Social Sciences and Philosophy Student Council sa ilalim ng Public Relations Committee.
“As an advocate of Women Empowerment, my message to all the women is that, the cycle of patriarchy and inequality will never break if you don’t stand up and speak up against the oppressors. If you do it for yourself, unknowingly, you are owing it to all the women as well. I want you to realize your capabilities and power because that’s what makes you, you. Always remember that you own yourself and do not limit the things that you can achieve just because people can’t accept the fact that you can conquer everything else. Don’t be afraid to break the chain and don’t let social construct and standards stop you in achieving greater heights. You don’t have to follow all of those things to be respected. Own yourself, conquer yourself and take the lead,” dagdag pa ni Joanna.
Ang mga kababaihan ay hindi ‘babae lang.’ Tulad ni Darna, sila ay may mga natatanging lakas at kakayahan. Sila din ay may mahalagang papel sa lipunan tulad na lamang ng ating mga ina. Ang mga kababaihan ay may kakayahang mamuno, humarap sa anumang laban ng buhay, magbigay pag-asa sa iba at kadalasan nga’y hindi na nila iniisip ang kanilang mga sarili.
Sa kasalukuyang panahon, kung saan may mga pagkakataon na patuloy pa rin ang diskriminasyon at pagdepina sa mga kababaihan bilang mababa at mahina, ay kailangang bigyan sila ng kahalagahan at pansin, at tuluyan nang itigil ang sistemang nagsasantabi sa kanila sa ating lipunan.
“
Paano nga ba kung paggising mo sa umaga ay nagbago na ang mundo? Nagbago na ang komunidad na ginagalawan mo? At binabago pati na rin ang buhay mo? Ayon nga kay Heraclitus “Change is the only constant in life.”
Halos tatlong taon na rin ang lumipas simula nang sumulpot ang COVID-19. Lahat tayo’y nakaramdam ng takot, pag-aalala at pangamba. Sa biglaang pagdating ng virus sa bansa, gumawa ang gobyerno ng mga solusyon upang matigil ang pagkalat nito. Nagkaroon ng implementasyon ng social-distancing, pagsusuot ng facemask, pag-sanitize ng mga gamit at pagkakaroon ng lockdown o ang pansamantalang pagbabawal sa mga tao na lumabas ng bahay. Dahil sa biglaang pagbabago mula sa dating kinagawian natin, maaaring hanggang ngayon, marami pa ring buhay ang nakagapos sa pandemya. Hindi maikilos ang kamay at pang tuluyan nang nilugmok ng pandaigdigang problema. Hindi makausad pasulong, tila ba’y naging estatwa at palaisipan pa rin kung paano ulit sisimulan ang buhay na pinahinto ng coronavirus. Ngunit ang kuwento ng buhay ng binatang si John Jeff S. Camasis mula sa Buhi, Camarines Sur ay salungat rito. Hindi siya nagpakulong sa problema ng mundo. Nagkaroon siya ng kalayaang gawin ang kanyang gustong gawin at hindi ito naging hadlang, bagkus ay ito pa ang naging susi para mahasa ang talento niya sa pagpipinta.
Iba-iba ang estilo ng bawat isa pagdating sa sining. Sa ating bansa mayroong 81 na mga personalidad ang ginawaran ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Mula sa bilang na iyon 12 roon ay mga pintor. Isa sa pinakauna-unahang binigyan ng parangal na ito ay si Fernando Amorsolo, na siyang nagpinta ng “Planting Rice” at “ Dalagang Bukid”. Marami pa siyang mga likhang may kaugnayan sa iba’t-ibang mga pangyayari at panahon, na nagpapatunay na sa kahit ano pa mang sitwasyon, palaging makikita ang talento ng mga Pilipino. Kaya ganoon na lamang kasaya si Jeff ng sa kalagitnaan ng pandemya ay nagviral ang kanyang pininta sa social media.
“Masaya syempre kasi parang dumami nakapansin sa talent na meron ako.” Hindi niya lubos akalain na sa simpleng pagpost lang ng mga larawan ng kanyang gawa ay magkakaroon ng malaking epekto sa buhay niya. “Unexpected nga [kasi] pinag-post ko lang tapos kinaumagahan viral na.” Ang tinutukoy na kanyang viral post ay pinangalanan niyang “Leaves 1” na una niyang nagawa, ay sineryoso niya habang
kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19. “Actually, yung medyo sineryoso ko talaga na artwork is yung nag-viral, kasi hindi ko naman talaga laging sineseryoso ang pagpi-painting, gumagawa lang ako [at] nag[pe]painting sa project lang.” Marami ang namangha sa kanyang artwork dahil animo’y buhay at totoong litrato ito. Ang tawag sa kanyang estilong ginagamit ay hyperrealism. Walang nakukuha ng madalian. Walang sinumang ipinanganak na marunong nang maglakad o kaya’y magbasa. Kailangan munang magsimula sa umpisa bago ang katapusan. Ito’y sumasalamin sa karanasan ni Jeff, bago muna naging viral ang kanyang obra ay nagumpisa siya sa likod ng kanyang notebook. Sa katunayan, bata pa lamang siya ay hilig niya na ang pagdo-drawing kaya hindi niya alam kung anong edad siya nagsimula. “Walang eksakto [na edad] kasi elementary pa lang ako nagdodrawing na ko, more on mga cartoon character nga [ang] gawa ko sa likod ng notebook ko.” Noong ipinanukala ang lockdown dito sa bansa dahil sa pandemya, maraming tao ang nataranta. Naapektuhan kasi ang mga negosyo ng karamihan at naging rason para mawalan ng trabaho ang milyong-milyong Pilipino. Ngunit ang pandemyang kinatatakutan ng marami ay nagbigay ng magandang dulot sa buhay ni Jeff Camasis. Mismong kasagsagan ng pandemya noong siya ay nagsimulang magpinta. “Senior high school ako sinasama ako nila sir sa pinta-husay, then [sa] mga projects pero nung pandemic lang talaga ako gumawa ng maayos.”
Bilang isang pintor, natural lamang na makaramdam siya ng pagod dahil sa mabusisi at detalyadong pagpipinta. “Lagi [akong napapagod]. Lahat ng mga ginagawa ko ganun kasi hindi [naman] maiiwasan.” Kahit ganun ay natatapos naman niya ang kanyang mga obra. “Isipin mo halos isa hanggang buwan o lagpas pa nga na nakaupo. Basta natatapos naman binabalikan ko lang yung dahilan kung bakit ako gumagawa nito.” Mahirap man gawin ang pagpipinta ay patuloy niya pa rin itong ginagawa, gaano man ito katagal. “Medyo po [mahirap] kasi kailangan ng maraming pasensya, medyo matagal po kasi siyang gawin.” Sa isang artwork nga’y umaabot ng ilang linggo bago siya matapos, yun na ang pinakamabilis at umaabot naman ng buwan ang pinakamatagal. Ang iba sa kanyang pininta ay mayroong ibig sabihin o kaya’y may kalakip na mensahe ngunit ang pinakadahilan niya talaga kung bakit siya nagpipinta ay dahil masaya siya sa ginagawa niya. “Pero karamihan, gumagawa ako kasi masaya ako don,” sabi pa niya. Sa kabila ng kanyang nakamit na kasikatan, kalakip nito ay ang samu’t-saring masamang puna na pinupukol sa kanya. Kahit gaano pa man siya kahusay sa pagpinta, marami pa rin ang nagsasabi na ito’y peke, litrato lamang, o kaya nama’y gumagamit raw siya ng magandang resolusyon sa camera. Ngunit ano pa man ang sabihin ng iba ay isinisiwalang bahala niya ito. “Wala akong paki-alam sa
buong tapang niya pang sabi. “…Wag silang panghihinaan ng loob dahil lang sa sinasabi ng iba,” mensahe niya para sa kapwa kabataan din na mahilig sa sining, at pati na rin sa sarili niya. Gayunpaman, ang sining ay ang nagbigay ng kulay sa mundo ni Jeff. “Madaming benefits nito,” tukoy niya sa sining. Kung bibigyang kahulugan ang salitang sining, tiyak na batay ito sa personalidad ng isang tao. “Ito yung nagco-connect sa kaluluwa ng artist at manunuod,” saad ni Jeff. Itinuring niya na rin itong parte ng buhay niya at mahirap ng kumawala rito ayon sa kanya. Nakatulong rin ang sining pagdating sa aspetong pinansyal sapagkat, ipinagbibili niya kasi ang kanyang mga likha, maliban sa una niyang pinaghirapan na obra maestra, na kailan ma’y hindi niya kayang ibenta. Gumagawa na lang siya ulit kapag may gustong bumili sa gawa niya. Marami pang iba ang naitulong nito pero kung meron mang malaking naitulong ang sining sa kanya, ito ay naging daan para makawala sa depresyon. “Art saved me from depression.” Mas tahimik raw dati ang buhay niya kumpara nung makilala siya ng maraming tao at dagdagan pa ng maraming mata na nakatingin sa kanya ngayon. Sa kasalukuyan, si Jeff ay isa nang 3rd year student sa Polangui Community College (PCC). Gamit ang kanyang motorsiklo, ay bumabyahe siya mula sa kanilang tahanan sa Buhi, papuntang eskwelahan sa Polangui. Halos 30 minuto ang ginugugol niya bago siya makarating. Nag-aaral siya ng kursong Bachelor of Physical Education, kursong
kaya ng kanyang pamilya ang mga bayarin sa kursong may kaugnayan sa sining. Huli na rin nang may mag-alok sa kanya dahil hindi na siya pwede pang umalis sa kursong pinili niya. Malungkot man na sabihin pero iyon ang katotohanan sa buhay ni Jeff at ng ibang pang mga estudyante. Gayunpaman, hinahasa niya pa rin ang kanyang talento bilang miyembro ng kanilang publikasyon bilang isang layout artist. Patuloy na nagbabago ang mundo sapagkat hindi natin kayang hulaan ang susunod na mangyayari sa buhay natin. Isa si Jeff sa nakakaranas kung gaano kabilis magbago ang mundo sa bawat umagang sumisilay. Ang reyalidad ay hindi nakukuha ng madalian, kailangan na paghirapan, pagsikapan, lapatan ng determinasyon at pasensya. Pinatunayan niya sa atin na kayang masilayan ang talentong Pinoy sa anumang sitwasyon. Makaranas man ng diskriminasyon, hindi ito makakaapekto sa talento na ipinagkaloob sa atin. Wala tayong dapat patunayan sa iba, dahil iisa lang ang ating madla, kundi ang sarili.
Kaya ang mensahe ni Jeff sa kapwa niya may talento sa sining ay ipagpatuloy lang ang pagpipinta. Hindi totoo na walang perang makukuha dito at hindi mo rin kailangan ng maraming rason para gumawa, ang mahalaga ay masaya ka sa ginagawa mo. “Kung kaya nila, kaya ko rin,” linyang hilig sambitin ni Jeff bilang motibasyon na gusto niyang iparating sa atin. Wala tayo sa kahon. Hindi nakagapos ang ating mga kamay. May kalayaan tayong ipahayag ang ating sarili sa mundo gaano man kabilis ang pagbabago.
Creamline Cool Smashers, kinatawan ng Pilipinas, masaya at buong husay na ipinaglaban ang bansa kontra sa bagsik ng Taipei sa ginanap na Asian Volleyball Cup (AVC) for Women noong Agosto 29, 2022 sa Philsports Arena, Pasig City. Nabigo man, ngunit ang karangalang dala-dala para sa bansa ay hudyat ng kanilang pagpapagal.
Nagtapos ng ika-anim na pwesto ang Creamline Cool Smashers sa nangyaring Asian Women’s Volleyball Cup 2022 noong ika-29 ng Agosto 2022 sa harap ng libo-libong tagahanga sa Philippine Sports Arena, Pasig City.
Hindi nagtagumpay ang Pilipinas na maungusan ang Taipei King Whales matapos nitong makuha ang tatlong sets ng laro, 28-26, 25-21, at 25-21, na nagbunsod upang hindi makapasok ang koponan sa finals. Gayunpaman, naging makasaysayan ang pagkakataong ito para sa PIlipinas sa natamong ika-6 na pwesto na siyang pinakamataas na nakamit ng Pilipinas sa patimpalak. Matatandaang nagtapos ng ikasiyam ang Pilipinas noong 2018 na ginanap sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Agad na nagpaandar ang King Whales sa court matapos makakuha ng magkasunod na puntos (2-0). Nabawi naman ito ni Michelle Gumabao matapos ang isang malakas na banat. Magandang simula ang pinakita ng magkalaban, 2 hanggang 3 puntos ang lamang ng dayong bansa sa kada timeout.
Nagawang maitabla ni Gumabao ang unang set (26-26), ngunit agad naman itong nalamangan ng dalawang puntos mula sa tira nina Chen Li Jun at Khandsuren Gantogtokh ng Taipei.
Pinangunahan ni Chieh Chen na makamit ang unang punto sa ikalawang set ng laro.
Parehas ang naging takbo ng laban sa unang set. Nagkaroon ng kabilaang service error ang dalawang grupo, ngunit umangat pa din ang King Whales kontra Cool Smashers. Nakahabol naman sa iskor ang Pilipinas mula sa mga tira nina Rose Vargas, Kyla Atienza at Michelle Gumabao, ngunit nanatiling malakas ang Taiwan at natapos ang set sa daplis na tira ni Fille Cayetano.
Sa ikatlong set, hindi nailaban ng Cool Smashers ang kanilang tatlong (3) puntos na lamang bago mag time-out. Agad silang binawian ng mga malakas na palo ni Ko Hui Kan na bumali sa 8-8 na tabla. Nagpalitan ng malalakas na tira ang dalawang grupo hanggang sa maging 20-20 ang iskor ng bawat isa. Sa huling parte ng set, nahirapang makabawi ang Pilipinas dahil sa mga binabatong tira ng Team Captain ng Taipei na si Chang Li Wen.
Natapos ang laro na mayroong 12 puntos galing kay Celine Domingo, habang si Michelle Gumabao ay umiskor rin ng 9 na puntos sa kabuuan. Humataw naman ng tig-8 puntos ang middle blocker ng Creamline na si Jeanette Panaga at outside hitter ng koponan na si Jema Galanza.
Umani ng 18 puntos si Chang Li Wen habang mayroon naman ng 11 puntos si Chen Tzu Ya. Sina Lui at Huang Shin Yu ay nag-ambag rin ng tig-7 na iskor para sa koponan ng King Whales.
Samantala, bago magsimula ang AVC Cup
ay ipinahayag na ng Cool Smashers na hindi na makapaglalaro ang kanilang Team Captain na si Alyssa Valdez dahil sa dengue. Siya ay pansamantalang pinalitan ni Jia de Guzman Morado upang pamunuan ang grupo. Ilang araw matapos ang pagliban ni Valdez ay inanunsyo din ng grupo na hindi makikita ang kanilang middle blocker na si Risa Sato dahil sa problemang pangkalusugan.
“Aside from Alyssa Valdez, Risa Sato will also be sitting out for the AVC,” ayon kay Gumabao sa isang interview.
Nagkamit ng tatlong panalo ang bansa sa dalawang pool matches ngayong AVC 2022 edisyon. Natalo nila ang mga bansang Iran, South Korea, at Australia.
“Actually, the three wins are blessings… Three wins is history. We are very thankful for the players who sacrificed because the games are played everyday,” lahad ni Sherwin Menesis, coach ng Creamline Cool Smashers. “Team familiarity and chemistry is important in a tournament like this,” dagdag pa nito.
Ilang linggo matapos ang AVC Cup for Women 2022 ay tutungo naman ang Creamline Cool Smashers papuntang Thailand para sa ASEAN Grand Prix 2022. Inaasahan din na kanilang masusungkit ang kampeonato sa darating na October 8 para sa gaganaping Premier Volleyball League Reinforced Conference.
Nabigong masungkit ng Pilipinas ang gintong kampeonato sa 11th Asean Para Games men’s 3x3 wheelchair basketball finals noong Hulyo 31, 2022 sa Surakarta, Indonesia. Matapos pataubin ng bansang Thailand sa iskor na 22-12, umuwi ang bansa bitbit ang pilak na medalya na siyang kauna–unahang medalya ng bansa sa nasabing torneo.
Maagang uminit ang koponan ng Thailand matapos magpaulan ng mga nagbabagang 2-point shots ang manlalarong si Aekkasit Jumjarean na sinundan ni Kwanchai Pimkorn. Sa iskor na 6-0, pabor sa bansang Thailand, maagang nakita ang takbo ng laban.
“Thailand is really known for its outside shooting and although we prepared for it we did not expect them to be that hot early,” ani ni National Team Coach Vernon Perea.
Sa kabila ng pagkabigong makuha ang unang pwesto, ayon kay Coach Perea, masaya ang koponan na sila ang nakakuha ng unang medalya para sa bansa.
“We
Masaya rin ang pangulo ng Philippine Paralympic Committee na si Mike Barredo sa panalo ng grupo sa kabila na ito ang unang 3x3 wheelchair basketball team na binuo ng bansa.
Higashiyama High School Basketball Team sa Japan. Matapos ito, ang bansang Japan ay mas naging aktibo sa pag-iimport ng mga manlalarong Pilipino na maaaring maglaro para sa kanila. Ilan pa rito ay ang mga mula sa Volcanoes National Rugby Team na nagresulta upang ang ilan ay hindi makapaglaro para sa bayan. Maging ang mga bansang Thailand, Indonesia at Hong Kong ay kabilang sa mga bansang nag-aangkat ng mga manlalarong maaaring maglaro sa kanilang bayan. Nitong nakaraang taon, humigit na isang dosenang Pilipinong manlalaro ang dumayo sa ibang bansa.
bayan sapagkat walang wala ang magandang kinabukasan sa ibayong dagat kung ikukumpara sa bayang sinilangan. Maliban sa tiyak na napakalaking diperensya sa kabayarang naibibigay ng ibang bayan sa ating mga manlalaro, ang layo ng agwat ng mga pamamalakad ng isports at mga programa sa kanila ay tunay na malayo sa kung anong meron sa Pilipinas.
Napakaraming nurses dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira, nag-aabroad sila”. Ilang linya sa popular na awitin ni Gloc 9, isang tanyag na rapper dito sa bansa kung saan ang kanyang mga katha ay tila may mga suliraning panlipunan na nais maresolbahan. Mga linyang maihahambing sa pangingibang bayan ng mga atletang Pilipino. Sa patuloy na pag-angkat ng mga banyaga sa mga manlalaro ng bansa, may matitira pa bang ibong sisiyap at maglalaro para sa Pilipinas?
Noong 2006, matatandaang si Friday Camaclang ang kauna unahang Pilipinong manlalaro ng football ang pinakaunang hinango ng Brighton and Hove Women’s Football Club para sa FA Women’s National League sa Europa. Doon, namayagpag ang kanyang karera at tuluyang nilisan ang bansa nang makapagpundar at manirahan sa Estados Unidos. Nasundan ito ng 6’4 na manlalarong si Maui Villanueva matapos siyang kunin ng
Kabilang dito sina Dwight Ramos, ang magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena at Kobe Paras para sa basketball, at sina Jaja Santiago, Mylene Paat, Marck Espejo at Bryan Bagunas para sa volleyball. Ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) President Ramon “Tats” Suzara, positibo siyang kung mas maraming manlalaro ng bansa ang makapaglalaro sa ibang bayan, mas maganda para sa programa ng volleyball ng bansa.
Subalit kung susumahin, hindi na sana kinakailangan pang dumayo ng mga Pilipinong atleta kung may sapat at hustong suporta sa kanila ang pamahalaan. Kagaya ng isang ibong inakay, hindi ito aalis sa kanyang pugad kung naroroon ang kaniyang pangangailangan. Kung gayong may kasapatan ang pangangalaga ng bansa sa ating mga atleta, walang manlalaro ang tutulak ng ibang bansa para sa mas mataas na kumpensasyon, eksperyensya, at pagpapalawak ng karanasan. Maging ang pahayag ni PNVF President “Tats” Suzara ay naglalahad ng positibong pagsuporta sa mga atletang Pilipino sa kanilang pangingibang
Ayon pa nga sa tinaguriang “child prodigy” sa larangan ng chess na si Wesley So, maraming oportunidad ang nagbukas mula nang pinili niyang iwan ang bansa at mamalagi sa Estados Unidos. “You are not held back by your color, lack of connections or the amount of money you have,” ani niyang tila may malalim na pinapahulugan mula sa pagtrato sa kanya ng pamunuan nang inererepresenta pa niya ang bansa. Sa ngayon, patuloy na namamayagpag ang makulay na karera ni Wesley sa Amerika, tunay na hindi niya maaabot kung siya ay naririto sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa mga naggagandahang likas na yaman, mga tanawin at hitik na kultura. Punong puno rin tayo ng mga talentong siyang nakikilala sa buong mundo. Subalit sa katunayan, parami nang parami ang mga Pilipinong atleta ang nangingibang-bayan upang doon abutin ang rurok ng kanilang karera. Nakadidismaya subalit hindi na nakabibigla na walang mas maigting na plano ang pamahalaan para mas paghusayin at paigtingin ang mga programang para rito. Kung hindi ito magbabago, patuloy na lilipad at lilipad ang inakay patungo sa mga dakong nandoon ang sapat na pangangalaga at pangangailangan.
are very happy to win the first medal for the Philippines and thankful for the opportunity and hope that this will spark our drive for more medals,” dagdag pa niya.ASEAN Para Games sa Indonesia men’s 3x3 wheelchair basketball Ang koponan ay binubuo nina Alfie Cabañog, Rene Macabenguil, Kenneth Christopher Tapia, Cleford Trocino, at John Rey Escalante.
Ang isang atleta ay nagiging isang bituin sa pamamagitan ng karangalan na kanyang mga nagawa at nagiging isang idolo kapag ang impluwensiyang ito ay umaabot sa pamamagitan ng isports at iwinawagayway ang bandila sa mismong mga taong kinakatawan nila.
Sa isang tanawin ng palakasan ng Pilipinas, na ayon sa kaugalian ay pinangungunahan ng lalaki, ang pag-akyat ni Lydia de Vega sa rurok ay nagtulak sa mga kapwa niyang babaeng atleta sa pangunahing kamalayan ng usaping isports. Ang mahabang listahan ng mga naabot ni De Vega ay karamihan sa hindi magbabago kahit na malapit sa tatlong dekada mula nang tumakbo siya sa kanyang huling karera. Siya ay isang legasiya na di kailanman matitinag. Ang kanyang katanyagan ay hindi kumukupas sa mga talaan ng isports sa Pilipinas sa kabila ng paglipas ng panahon. Hindi nakuha ni De Vega ang katayuan ng pinakamabilis na babae ng Asya nang wala lang.
Sa Meycauayan, Bulacan, ipinanganak si Lydia de Vega noong Disyembre 12, 1964. Ang kanyang ama, ang yumaong si Francisco “Tatang” De Vega, ay isang pulis na nagbigay sa kanya ng mahigpit na pagsasanay kung kaya’t marami siyang nakamit at naging kilalang babae sa larangan ng track and field sa ating bansa. Una nang sinanay ni Lydia sa ilalim ng pagtuturo ng kanyang ama at coach na si Francisco “Tatang” De Vega. Dating isang pulis, si Tatang ay nagkamit ng isang reputasyon bilang isang mahigpit at mahusay na mentor - kung minsan kahit malupit - na nagdulot kay Lydia na sumailalim sa matinding pagsasanay, na kalaunan ay humuhubog sa kanya upang maging isang kampeon. Ipinanganak si Tatang kay Maria at may sampung mga anak. Dahil dito, natuklasan ni Lydia ang kanyang potensyal para sa pagtakbo sa edad na labingdalawa at nagpatuloy na magkaroon ng karera na tumagal ng 17 taon. Ang pangarap ng isang 14-taong-gulang na mag-aaral na nagsimulang makipag kompetensya sa track and field ay nakakuha ng 27.5 segundo para sa 200 m at umani ng pilak na medalya sa Philippines National Junior Championship at nagdagdag ng ika -apat na lugar sa 100 m sa mga tagumpay na kanyang nakamit. “He controlled my life. Gusto niya sundin ko lahat ng sinasabi niya. Wala siyang mali sa ginagawa niya sa akin. Syempre umiyak ako. There were times I felt I was dying. Each and every workout, I have to finish. Walang pahipahinga. Pag nagkamali, sasaktan, sasabihan ng masasama,” kalaunan na inilahad ni Lydia tungkol sa kanyang ama.
Sa buong karera niya, nagtala siya ng 15 ginto, 6 na pilak, at 3 tanso para sa isang kabuuang 24 na medalya sa mga internasyonal na kompetisyon, katulad na lamang sa Asian Athletics Championships, Asian Games, at Southeast Asian Games. Ang reyna sa pagtakbo na si Lydia de Vega ay sumusubaybay sa purong kaligayahan at malalim na kalungkutan na hindi kailanman mas matindi sa mga nakakasama habang sinusunod nila ang tagumpay sa 100 metro sa Asian Games sa Delhi. Samantala, habang siya’y 18-taonggulang na aktres na kabilang sa mga pelikula ng Pilipino, isang mag-aaral lamang ng Physical Education (PE), ngunit nagawa pa rin niyang manalo ng pangwakas sa oras na 11.76 segundo, subalit naging kapalit naman nito ang kanyang sarili matapos masira ang record. Hindi na niya nagawa pang makipag kompetensya sa 200 metro dahil sa isang komplikasyon. Kaya, nang ipinakita ni Lydia ang kanyang sariling kakayahan, kinilala
siya sa bansag na pinakamabilis na babae sa Asya, isang panaginip ang natupad, iyon ay apat na taon na ang nakalipas, noong 1978. Sumali si De Vega sa iba’t ibang mga kaganapan, kabilang ang 200m, 400m, at 4 × 400 na karera. Ngunit, sa 100m dash kung saan siya ay nagniningning at nanguna sa kaganapan sa 1982 at 1986 Asian Games sa 1983 at 1987 Asian Athletics Championships upang umani ng papuri bilang “Continental Sprint Queen”. Sa edad na 15, si Lydia de Vega ay nagrepresenta para sa kanyang bansa sa ikatlong Asian Track and Field Championship sa Tokyo makalipas lamang ang isang taon, noong 1979. Natapos niya ang ikapito sa mahabang pagtalon na may 5.47 metro at nakakuha ng isang tanso na medalya para sa pagtatapos ng pangatlo sa koponan ng 4x400m relay ng kababaihan kasama sina Lorena Morcilla, Carmen Torres, at Myrna Ayo. Sa Singapore sa ASEAN School Championship, inuwi ni Lydia ang tatlong gintong medalya.
Nanalo siya ng 100-metro at 400-metro na karera sa 12.5 at 58.0 segundo, at may isang haba ng talon na 5.27 metro sa long jump. Nang matapos ang kanyang 4x100m relay team sa Malaysia sa mga larong ito, umuwi din siya ng isang medalyang pilak. Samakatuwid, ang mga laro na dati nang naging maliwanag sa palad ni Lydia ay laging nasa panganib sapagkat sa labis na labis na responsibilidad sa iba’t- ibang patimpalak na kanyang sinasalihan. Bukod dito, si Lydia ay gumawa ng mga pamagat nang siya ay nanalo ng 200-metro at 400-metro sa mga kaganapan sa unang Asean Cup ng Jakarta sa 24.53 at 55.83 segundo. Bilang karagdagan, nakamit niya ang pinakamahusay at pinakamabilis na mga oras na kailanma’y natatangi para sa isang babaeng Asyano sa one-lap event sa taong iyon na may 12.0 segundo sa 100-meter dash, 24.53 segundo sa 200-meter dash (ika-apat na pinaka mabilis sa Asya), at 54.6 segundo sa 400-meter dash.
Si Lydia de Vega ay gumawa ng isang mahusay na simula sa panahon ng 1981, nakasungkit siya ng dalawang pilak at isang tanso na medalya sa ika-4 na Asian Track and Field Championship sa Tokyo. Natapos siya sa likuran ni Yunko Yoshida ng Japan sa 400 metro na may tiyempo na 55.39 segundo. Tinakbo niya ang 200 metro sa loob ng 24.54 segundo upang talunin ang mga katunggali na Hapon na sina Tomi Ohsaka at Emiko Konishi. Gayunpaman, nanalo siya ng pilak sa 4x100m relay, kung saan natapos ang koponan ng Pilipinas sa Malaysia matapos na mapawalang-bisa ang nanalong koponan ng Hapon dahil sa mga pagkakamali at bayolasyon.
Si De Vega na itinuturing na bituin sa pagtatapos ng 11th SEA Games sa Maynila noong 1981. Dahil dito, sinigurado niya ang mga gintong medalya sa 200m at 400m sa loob ng 23.54 segundo maikling distansya (na kung saan ay si Chi Cheng lang ang pinaka mabilis sa asya sa panahong iyon). Ang kanyang pag-asa ay nakumpleto sa pagkamit ng mga pilak na medalya sa parehong mga kompetisyon sa relay, subalit, naroon pa rin ang pagbibigay diin sa panganib na makakuha ng mababang puntos sa napakaraming karera nang sabay-sabay. Napabilang din si De Vega sa isang kapanapanabik na karera bilang isang artista sa pelikula pagkatapos makapagtapos mula sa high school at mag-enrol sa mga klase ng PE sa Far Eastern University sa Maynila. Ang kanyang unang pelikula ay naglalarawan ng unti-unting pagtaas at pag-abot ng isang atleta mula sa labis na mapagpakumbabang simula sa antas ng mga
patimpalak sa isports upang magtakda ng mga talaan at magkamit ng mga gintong medalya.
Nang tanungin si Francisco “Tatang” de Vega, ang kanyang ama, tungkol sa mga plano ni Lydia, binigyang-diin ng kanyang coach ang kanyang opinyon, na nagsasabing, “Pag-aaral muna, pangalawa sa sports, pangatlo sa pelikula.”, na nagpapakita na edukasyon pa rin ang tunay na nangingibabaw sa dapat na mga prayoridad ng kanyang anak kahit pa man na ito’y laman ng iba’t-ibang larangan.
Ang mga gintong medalya ay nasa itineraryo din ni Lydia noong 1982 bilang resulta. Nanalo siya ng isang triple crown sa 2nd Asean Cup sa Kuala Lumpur na may mga oras na 11.8 segundo para sa 100 metro, 24.2 segundo para sa 200 metro, at 55.0 segundo para sa 400 metro. Ngunit, dahil sa isang menor na pinsala na kanyang natamo niya sa loob ng 400 metro, hindi na niya nagawa pang makipag-kompetensya sa relay ng sprint pagkatapos na manalo ng kanyang koponan at makasungkit ng tanso sa 4x400m relay. Samakatuwid, ito ay tatlong linggo lamang bago ang 9th Asian Games sa New Delhi, ang kapital ng India. Si Lydia ay nagkamit muli ng panalo sa 100-meter sa oras na 11.77 segundo, na kung saan ay isang mehora ng 1/100 segundo kay P. T. Usha ng India at Mo Myung Hee ng Korea (11.99secs). Ang Philippine track queen ay hindi kailanman nakaranas ng panganib mula sa alinman sa kanyang mga karibal. Subalit, dahil sa mga bagong pinsala na sanhi ng nakaraan niyang pinsala, kinailangan ni Lydia na kanselahin ang kanyang pakikilahok sa 200m pagkatapos ng kanyang matagumpay na pagkapanalo sa 100 metro. Sa sumunod na taon, sa Asian Track and Field Championships sa Kuwait, nanalo si De Vega ng sprint double na may 11.82 at 24.07 at tanso na medalya sa 400m noong 55.66, na nakagambala sa kanyang karibal na Indian na si P.T. Usha sa 200m bago bumalik si Usha sa 400m. Sumali siya sa isang piling pangkat ng mga track ng Filipino at mga katunggali sa larangan at nanalo ng parehong mga Asian Games at mga titulo sa Asian Track and Field.
Ipinadala ng Pilipinas si Lydia de Vega sa World Championships sa Helsinki, Finland bilang pagkilala sa kanyang mga pagsisikap sa taong iyon. Siya ay dumating sa ikalima sa oras na 11.74 (+2.1) at nagtapos ng huli sa quarterfinal sa oras na 11.90. Sa kaganapang iyon ay nanalo si Marita Koch ng Alemanya, habang ang long-distance runner ng Jamaica na si Merlene Ottey ay nagtapos bilang pangalawa. Sa Olympic Games sa Los Angeles noong 1984, kinatawanan ni Lydia ang Pilipinas. Siya ay muling umabante sa quarterfinals sa isang pangunahing kompetisyon, na naglagay sa kanya sa ika-anim sa loob ng 11.97 segundo. Nawala ni De Vega ang tiyansang makuha ang tansong medalya sa Asian Track and Field Championships sa susunod na taon sa kanyang katunggali na si PT Usha. Ngunit sa sumunod na taon, ipinagtanggol niya ang kanyang korona sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia, habang siya ay lumaktaw sa Sea Games. Sa 200 metro, nanalo si Usha ng pilak na medalya na may pagtatapos na 23.44 hanggang 23.47.
“Opo nga, mabilis siya, but you know, I ran and I fast,” ayon kay Lydia De Vega matapos matalo si PT Usha ng India noong 1985 Asian Games.
Sa 100-metro na kaganapan sa Sea Games, nagtakda si De Vega ng isang tala sa Pilipinas na
may bisa pa rin ngayon (11.28), at matagumpay din niyang ipinagtanggol ang kanyang 200-meter crown (23.57). Tulad ng nabanggit, ang pagtatangka ni De Vega na masira ang talaang Asyano ni Chi Cheng ay nadiskaril ng isang maling simula. Sa 11.43 at isang pambansang talaan ng 23.38, nanalo rin siya ng dobleng 100/200 sa Asian Athletic Championships sa Singapore. Walang alinlangan na siya ang pinakamaliwanag na bituin na tinitingala ng mga atleta noong 1980s. Nakita rin ni De Vega ang pagkilos sa 1984 Los Angeles at 1988 Seoul Olympics. Nagpunta siya sa kanyang pangalawang laro sa Olympics sa Seoul, South Korea, noong 1988. Gayunpaman, ang kanyang 11.67 na oras ay hindi sapat upang isulong ang pagkapanalo sa oras na iyon. Ang mga sumunod na taon ay ginugol ni De Vega sa pagsisimula ng isang pamilya. Si Stephanie, ang kanyang unang anak, ay ipinanganak noong 1989 at ang isa naman ay nasawi sa isang aksidente sa dyip noong 2001. Kahit na siya ay pansamantalang tumigil mula 1989 hanggang 1991, si De Vega ay hindi nawalan ng isang hakbang upang angkinin ang dalawa pang mga ginto sa 100m at 200m na mga kaganapan sa 1993 Sea Games. Noong 1991, bumalik si De Vega at tumakbo ng 11.44 upang manalo ng 100-meter sa Sea Games muli. Matapos ang 1993 Sea Games sa Singapore, nagretiro si De Vega sa isang mataas na tala matapos na manalo ng 100-meter na karera na may 11.60 at sinira ang 200-meter na pambansang tala na may oras na 23.37.
Sa paglipas ng isang karera na tumagal ng labing-isa at kalahating taon, si De Vega ay umani ng higit sa 40 gintong medalya sa mga internasyonal na kompetisyon. Sa kanyang pagiging matatag sa 100, 200, at 400-meter, siya pa rin ang pinakamahusay na babaeng sprinter sa kasaysayan ng bansa. Ang kanyang yumaong ama na si Francisco “Tatang” de Vega, ay gumawa ng mga kontribusyon na nakatulong sa paghulma at pag-unlad sa kanyang kakayahan.
Ang mga Pilipino ay naantig sa kanyang mga nagawa at naabot sa track and field. Nang mamatay si Tatang noong 2010, inamin ni Lydia na may mga oras na tinanong niya kung bakit pinili niya ang track and field habang itinulak siya ng kanyang ama sa kanyang mga pisikal na limitasyon. Ngunit habang tinitingnan niya ang kanyang karera, na-kredito ni Lydia si Tatang para sa kanyang mga nagawa. “Kung wala si Tatang, wala ring Lydia de Vega,”. “Tatang is the best track and field coach this country has ever had,” ayon sa kanya. Dahil sa kanyang walang kapantay na tagumpay na nagdulot sa kanya upang matamo ang isang upuan sa Philippine Sports Hall of Fame, kung saan si De Vega ay isinama noong 2018. Sa taon ding iyon, siya ay nasuri na may kanser sa suso.
“Hindi madaling maging isang atleta, ‘di rin madaling manalo,” saad ni De Vega sa kanyang talumpati sa pagtanggap ng Hall of Fame. “Hindi madaling gawin ang lahat ng mga bagay na nagsilbi bilang dahilan para sa akin na maging isa sa mga kilalang atleta na binigyan ng karangalan na ito. Masaya akong naging bahagi ng Hall of Fame,” dagdag pa niya.
Natuwa si De Vega sa tagumpay sa labas ng buhay atleta habang siya ay sa media at politika. Noong 1982, ginampanan ni De Vega ang sarili sa Medalyang Ginto, isang pelikula tungkol sa kanyang buhay na kwento ng kanyang pagangat sa pagiging isang pang-internasyonal na kampeon. Noong unang bahagi ng 2000s, si De Vega ay naging co-host sa palabas sa telebisyon na Double Team, isang programa sa palakasan sa IBC 13. Naglingkod din siya bilang konsehal ng kanyang mga kababayan sa Meycauayan, Bulacan. Si De Vega ay hindi ganap na nag-retiro mula sa isport dahil sa huli ay hinabol niya ang isang karera sa
coaching sa Singapore. Ang kanyang huling labas sa publiko ay noong 2019 Sea Games, na kung saan, nagsilbi si De Vega bilang isa sa mga flag bearer ng Sea Games Federation sa pambungad na seremonya sa Philippine Arena. Doon, sumali siya sa kanyang mga kapwa Filipino alamat na sina Akiko Thomson, Eric Buhain, Alvin Patrimonio, Bong Coo, Efren “Bata” Reyes, Mansueto “Onyok” Velasco, at Rafael “Paeng” Nepomuceno. Habang dala ang maliwanag at nakakahawang ngiti, lingid sa kaalaman ng publiko, si De Vega ay nagdurusa na sa sakit niyang kanser.
Hulyo 2022 nang isiniwalat ng pamilyang De Vega ang kanyang kondisyon, at bago pa man matapos ang buwang iyon, binawian siya ng buhay sa loob ng Makati Medical Center. Ngunit kahit na namatay si De Vega, nag-iwan siya ng isang pangmatagalang pamana para sa mga henerasyon ng mga atleta ng Pilipino. Kabilang na lamang dito ang pole vaulter star na si Ej Obiena, na ang internasyonal na tagumpay ay inihambing kay De Vega. Dati-rati ay sinasabi ng reyna ng track and field ng asya na nagsilbing inspirasyon sa kanyang paghahanap ng kadakilaan sa isport. “I am here today because I am standing on the shoulders of giants, the legends of Philippine athletics who paved a way for me, who brought attention and success to athletics,” ayon kay Obiena.
Talaga namang sa rurok ng kanyang maalamat na mga nagawa sa larangan ng isports, kasunod ng kanyang namumukod-tanging internasyonal na mga tagumpay na palaging nakaukit sa Philippine sports lore, ang track and field queen na si Lydia de Vega ay nag-ambag sa paglalagay ng bansa sa mapa ng athletics. Inspirasyon si Lydia sa lahat ng mga pagsisikap upang matulungan at maiangat ang mga atletang dangal ng Pilipino. Napakalaking karangalan na ibinigay
niya sa lahat ng mga Pilipino. Sa kanyang mga tagumpay na ginugol kapalit ng dugo at pawis, sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap, disiplina, at pag-ibig sa bansa, si Lydia ay nararapat lamang na bigyang pag-alala. Malinaw na si Lydia ay naging mahal ng publiko, hindi lamang para sa lahat ng kanyang masigasig na nakamit bilang bayani sa palakasan, ngunit para sa kanyang pagmamahal na sinisimbolo, pagiging simple, hindi nagaalinlangan sa pagpapakumbaba, at isang simbolo ng iba pang mga kahusayan at katatagan na nagluklok sa kanya bilang bantayog ng isang pagiging tunay na Pilipino.
mapupunta sa tamang kalalagyan. Naging alipin tayo ng pera’t kahirapan ngunit hindi sa habang panahon ay magpapatalo na lamang tayo sa mga mananakop, kailangan nating tumayo’t lumaban. Maisasakatuparan nga ba ito kung ang pinakamalakas nating sandata ay nalilimitahan?
Mahigit dalawang taon na magmula nang sakupin ng makabagong reyna ang ating bansa. Maraming mga pagbabago ang isinagawa at isinakatuparan upang paunti-unting mapatalsik ito nang hindi naaapektuhan ng tuluyan ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Karapatang matamasa ng lahat; ‘yan ang dapat. Hindi maipagkakailang edukasyon ang isa sa mga pinakamahalagang karapatan na dapat maatim ng isang tao. Ito ang pundasyon na siyang magsisilbing gabay tungo sa tamang direksyon na kanilang tatahakin.
Siya nga’ng tunay na maraming nawalan ng hanap-buhay at pinagkakakitaan dahil sa naganap na pandaigdigang pandemya, na siyang naging sanhi upang magtipid ang bawat isa. Bawat perang nahahawakan ay sinisiguradong
FERNAN MATTHEW A. ENIMEDEZNitong nakaraang ika-18 ng Hulyo, naglabas ng pahayag ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, elementarya at sekondarya, ay may karapatang mamili kung magsusuot sila ng uniporme o hindi. Marami ang natuwa sapagkat bawas na sa kanilang iisipin kung saan kukuha ng perang ipanggagastos para sa mga kagamitan ng kanilang mga anak.
Ang tanong ngayon ay, “Dapat ba talagang magsuot ng uniporme sa mga paaralan?” Isa ito sa mga naging paksa na nagdulot ng kontrobersiya at usap-usapan. Iniisip ng iba na dapat magsuot ng uniporme samantalang tutol ang iba tungkol dito.
Ayon na rin mismo sa Kalihim ng Edukasyon at ngayo’y Bisepresidente Sara Duterte, ito ay para mapagaan ang bigat ng mga gastusin sa bawat pamilya ng mga mag-aaral. Subalit hindi lamang papuri ang natanggap ng usaping
ito. Hindi nito naiwasan ang mga negatibong komento. Maraming nagsasabing tila nawawalan ng saysay ang pagpasok sa paaralan. Para din sa kanila, ang pagsusuot ng uniporme ay nakatutulong sa pagbuo ng isang pakiramdam ng matibay na pagkakaisa sa loob ng paaralan. Tila nais nilang tunawin ang manipis na bakod na naghihiwalay sa bahay at paaralan at hindi na muling makakaramdam ng pagbubukod ang ibang magaaral sa iba. Makakaramdam ng pantay na trato ang bawat isa“sense of belongingness” ika nga.
Sa panahon ngayon, wala sa suot ang kapasidad ng mag-aaral. Isang halimbawa na rito ang iba’t ibang prestihiyosong unibersidad sa ating bansa. Halos lahat sila ay walang ginagamit na uniporme maliban na lamang kung ito ay para sa klaseng pampalakasan nila. Subalit kahit na ganoon ang kanilang kalakaran ay wala pa rin namang pagbabago sa pag-aaral ng mga estudyante, ang mga paaralang ito ay nagkakamit ng mga parangal sa pamamagitan ng kanilang mga mag-aaral.
Dalawang taon tayong nagaaral sa loob ng ating mga tahanan, ngunit wala namang masyadong pagbabago sa resulta. Nariyan pa rin ang mga mag-aaral na patuloy sa pakikipagtalastasan sa kanilang mga guro kahit na mayroong
ng pambansang hidwaan ang mga mamayan sapagkat iba’t iba ang pananaw nila sa mga tumatakbo’t maihalal na pipiliin ng nakararami at bibigyan ng responsilidad upang paangatin ang bansa kasama nito. Sa pagkakaroon ng samu’t saring opinyon, iba’t iba rin ang pipiling ipanalo ng mga botante. Hindi maiiwasan ang magkainitan lalo na sa social media kapag ikinokompara na ang mga lumalaban sa isang posisyon, lalo na sa pagkapangulo.
Iba’t ibang tao, iba’t ibang perspektibo. Ang pagkain tindi sa isang pangyayaring mayroong mga anggulo ay mahalaga, kaya’t bago magbigay ng saloobin, dapat ay tingnan muna ang mga ito nang mabuti. Ang opinyong karespe-respeto ay nakadepende sa sitwasyon. Magbabago ito kung ang magbibigay nito ay subheto o obheto.
teknolohiyang naghihiwalay sa kanila. Higit sa lahat, karamihan sa kanila ay hindi nagsusuot ng uniporme habang nasa bahay, nag-aaral at nakikinig sa kanilang mga guro mula sa kabilang linya. Nasa mag-aaral na nakasalalay ang kalalabasan ng kanilang pag-aaral.
Bago pa man ang pandemya, hindi naman na sapilitang ipinatutupad ang pagsusuot ng uniporme upang mabawasan ang gastusin ng bawat pamilya. Patunay rito ang DepEd Order No. 065, s. 2010. Ngayong nagsimula na ang muling pagbabalik ng nakagawiang moda ng pagtuturo at pag-aaral, isabay pa ang iba’t ibang benepisyong nag-aalok ng tulong sa mga mag-aaral ngayon, ikaw ay aming tatanungin, “mag-aaral ka pa ba?”
Ang pagpapahayag ng damdamin o saloobin ay karapatan ng bawat tao. Maaring ito’y pagtuligsa o pagsangayon sa isang idea o konsepto na maaaring sa’tin ay makakaapekto. Ito ay hindi maikakailang solusyon tungo sa pagkakaisa. Ngunit, ito rin ay nagiging sanhi ng pagkabuwag at hindi pagkakaintindihan. Kailan nga ba nagiging katanggap-tanggap ang isang opinyon?
Tuwing eleksyon, nagkakaroon
Ang mga opinyong bumabalikwas sa katotohanan ay nararapat na bigyang kritisismo nang sa gayon ay mabago sapagkat ito ay maaaring makaapekto sa iba. Dahil tayo’y may karapatang magbigay ng saloobin at pumili, mayroon ding responsibilidad upang pumili ng tama at isaalang-alang ang kabutihang panlahat. Kung sino man ang maupo sa pwesto ay siya ring maaaring magbagsak lalo o iahon ang bansa sa kasalukuyang kalagayan.
Sa pagpili ng paboritong bagay, napupusuang tao, pinakaayaw na pagkain, ang opinyon ng iba’y walang katuturuan sapagkat ito’y mga subhetong paksa. Kung ang pagkakaroon ng libertiya ng pagpili at ang pagpiling ito’y hindi pinupwersa sa iba, respeto’y kusang ibibigay. Maliban na lamang kung ang mga paniniwalang ito ay ipinipilit sa iba.
Ang mga kontrobersyal na paksa gaya ng aborsyon ay hindi maaaring gawan ng basta bastang saloobin.
“Kung tunay nga ang kagustuhan ng isang tao na matuto at kumalap ng kaalaman, hindi basehan ang kanilang kasuotan upang sila ay ating husgahan.
Hindi maituturing na obheto ang pagbibigay ng opinyong nakabase lamang sa pansariling pang-unawa kung ito’y nangangailangan ng malawak na pag-aaral.
Ang katotohanang naitatag na ay hindi lamang kailangang irespeto ngunit dapat ding tanggapin.
kalikasan. Sa paglipas ng panahon, unti-unting humihiwaga ang mga pangyayari sa paligid. Ang mga kaganapang tila imposible noon, ngayo’y nasisilayan na ng mga gulat na mata.
negosyo.
Hindi na bago sa pandinig ng sino man ang katagang “climate change”. Ang pagiging laganap ng balita ukol dito – sa telebisyon, diyaryo, magasin, at social media –ay sapat na mensahe na upang ating mapagtanto kung gaano kaseryoso ang suliraning ito.
Patuloy na nagbibigay babala ang mga siyentipiko ukol sa mabilis na pagkasira ng pisikal na mundo. Mahirap nang itanggi ang katotohanan sa kanilang mga salita, lalo pa’t harap-harapang nararanasan ng ordinaryong mamamayan ang hirap na dala ng pagbabago ng klima.
Dama sa araw-araw ang bilis ng pagbabago ng mundo. Habang gumiginhawa ang pamumuhay ng tao dahil sa husay ng teknolohiya, kabaliktaran ang dulot nito sa
MARK ANGELO A. PIACANaging viral kamakailan ang pagpoprotesta ng mahigit 1000 siyentipiko mula sa iba’t ibang bansa kaugnay ng problema sa climate change. Matatandaang inaresto ang ilan sa kanila dahil sa pagdidikit ng kanilang mga kamay sa dingding ng isang pasilidad gamit ang super glue na itinuring na civil disobedience ng mga awtoridad. Ang protestang ito ay naglalayong kalampagin ang mga abusadong kompanya at mga ekopasistang bansa na sumusuporta sa mga aktibidad ng kapitalismo na nagreresulta sa pagkasira ng kalikasan.
Ayon sa mga siyentipiko, kailangang paigtingin ang batas patungkol sa pangangalaga ng kapaligiran. Kinakailangan din ng mabilisang aksiyon upang mabawasan ang greenhouse gas emissions na siyang sanhi ng paginit ng planeta. Kabilang dito ang pagpapatigil sa mga kumpanyang nagsasagawa ng mga produksyong dumadagdag sa polusyon, o paguudyok sa mga ito na humanap ng alternatibo at mas eco-friendly na paraan upang isagawa ang kanilang
Subalit, bilang mga gobyernong mahilig magsawalang-bahala ng problema, lalo na kung ang ibig sabihin ng solusyon ay pagtiwalag mula sa nakasanayan at kabawasan ng kita, nakaugalian ng dedmahin ang mga bagay na kailangang tugunan.
Tulad ng madalas na gawain ng pamahalaan, kibit-balikat din ang karamihan ng mga mamamayan ukol sa climate change.
Tila nga’y hindi na nasusunod ang natural na siklo ng klima sa mundo. Ang mga lugar na dati’y mainit, walang humpay na inuulan at binabaha kasabay ng pagbagsak ng temperatura. Sa mga natural na malalamig na lugar naman, palaisipan ang biglaang pagtindi ng init at pagkakaroon ng tagtuyo.
Kasabay rin ng patuloy na paginit ng mundo ay ang pagkatunaw ng mga yelo. Ito ay nagreresulta sa pagtaas ng sea level na siya ring sanhi ng paglubog ng ilang isla.
Kalat ngayon sa iba’t ibang social media platforms ang mga indibidwalistikong solusyon upang matugunan ang problema sa pagbabago ng klima. Matutunghayan ang kapuri-puring pagkilos ng bawat indibidwal na nagnanais mag-ambag sa restorasyon ng kalikasan.
Sa kasalukuyang estado ng
“walang kapantay na pananaw” ng dating punong ehekutibo. Maraming sumalungat dahil sa nakaraan ng mga Marcos at nagpabatid na isa itong malaking kontrobersiya sa bansa. Tila ito ay salungat sa mga legal na aksyon na kumikilala na si Ferdinand Marcos Sr. ay naka-gawa ng ilang pang-aabuso sa ating mamamayang Pilipino.
Maliban sa iyong mga anak at magiging mga apo, ang pagiiwan ng matibay na legasiya ang pinakamalapit na bagay sa imortalidad.
Nitong nakaraang ika-27 ng Hulyo, inihain ni Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba ang House Bill No. 2407 na naglalayong palitan ang pangalan ng Mariano Marcos State University bilang Ferdinand E. Marcos State University bilang pagkilala sa
Ganunpaman, hindi maitatangging mayroon ding nagawang mabuti ang dating pangulo na siyang pinanghahawakan ng mga kaalyado nito kung kaya nais nilang maisulong ang inihaing house bill. Ayon sa presidente ng MMSU, nasa 114 unibersidad at kolehiyo ng estado na ang mayroon sa bansa ngunit ni isa sa kanila ay hindi nakapangalan sa nagtayo o nagpasimula para sa kanilang pagtatatag. Siya ngang tunay, marami na ang umuusbong na iba’t ibang unibersidad at kolehiyo subalit karamihan dito ay pawang hindi isinunod ang pangalan
sa nagtayo, hindi lamang ito nangyayari sa isang espisipikong lugar, ito ay nangyayari sa buong Pilipinas.
Isa sa nakapagtataka rito ay karamihan sa mga pangalan na nais gamitin o ipalit sa mga paaralang ito ay mula sa mga politiko o kilalang personalidad. Bakit hindi ang pangalan ng punong inhinyero o arkitekto ang gamitin? Kung hindi dahil sa kanilang maayos na plano at pagkakagawa ay hindi aabot ng ilang taon ang gusali ng paaralan. Maaari ring gamitin ang pangalan ng punong-guro. Siya ang isa sa mga gumagabay sa mga guro upang masigurong may natututunan ang mga mag-aaral. At maaari ring pangalan ng estudyante na nagkamit ng pinakamataas na karangalan para sa paaralan, isa rin siya sa mga rason kung bakit naging tanyag ang mga ito. Subalit, ni isa rito ay hindi man lang nagamit at napakinabangan.
Isa sa mga naging rason kung bakit ganito ang nangyayari ay ang
ating mundo, lampas na tayo sa punto ng paghikayat sa bawat mamamayan upang magtanim ng puno sa bakuran, magsegregate ng basura, magbura ng e-mails, magtipid ng kuryente, at umiwas sa pagsusunog. Sa bilis ng degredasyon ng pisikal na mundo, wala na sa kamay ng bawat indibidwal ang solusyon ngunit sa mga higanteng korporasyon na kumikita ng milyon kapalit ng pagkasira ng kalikasan.
“Walang sapat na positibong maidudulot ang napakahabang listahan ng indibidwalistikong solusyon sa climate change dahil hindi na maidadaan sa maliliit na hakbang ang pagresolba sa problema.
pagkamakaako. Ang pagkamakaako ay isang pagkakakilanlan ng sarili habang ang tao o persona ay parang nakawaksi sa maskara. Dahil sa takot sa kanilang sariling pagkamatay, ang isang nilalang ay naghahangad na mabigyang halaga ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga legasiya. Kung kaya’t kahit wala na sila, ang kanilang mga mahal sa buhay ay gumagawa ng iba’t ibang paraan upang may maiwang malaking alaala sa mundo ang yumao.
Subalit, ang pag-iwan ng legasiya ay nangangahulugang paggawa ng epekto na maaaring magtatagal pagkatapos ng pagkamatay. Maaari itong pinansyal, gamit ang isang bagay na nilikha, o sa pamamagitan ng mga taong nahawakan habang
Editor-in-Chief
ALYSSA FRANZ UVERO
JAMELA HAZEL TRANQUILO
Associate Editors
JHONEL LUHAN Managing Editor
NATHANIEL DE JESUS Circulation Manager
RAFAEL ANGELO MORALES Art Editor
JEROME IBARRETA Assistant Art Editor
JERICHO DAGAMI Copy Editor
KEN HORLADOR Layout Editor
MARK ANGELO PIACA
FERNAN MATTHEW ENIMEDEZ
KENYON WAYNE FORTUNO Editorial Writers
REGINE RICAFRENTE
GABRIELLE LOQUIAS
LOI VEE LEE AQUINO
MARK CYNRIC BERIÑA News Writers
JHEA NICOLE COMANDANTE Feature Writer
LOUIE JAY CORPORAL
MARY FRANCE ZATE
ZIRAH MAE GUADALUPE
NOEMI VALENZUELA
SARAH JOY DOLON Literary Writers
ROI JOSHUA BAETA DEVCOM Writer
RODELLE HUGO
DANICA REVILLA Sports Writers
JOHAN ALVIE ABINAL
MA. KATRINA OLIVEROS
RHOEJ CHRISTOPHER PARCO Copy Readers
JEANIE MAE ISAAC Editorial Cartoonist
JANICAH PAULA JANE
JENNY TALAMOR Graphic Designers
ARJAY VIBAR
Photojournalist
PAUL DAVID
Resilience ranking noong Setyembre ng nakaraang taon, pumahuli ang estado ng Pilipinas sa mga tuntunin ng COVID-19 response. Isinasaad nito na dahil sa mabagal na testing, hindi organisadong contact-tracing, at kakulangan sa mga isolation facilities kaya patuloy na kumakalat at marami ang nagkakasakit na mga Pilipino.
Matira ang matibay”. Ganyan kung ilarawan ang sistema at kalakaran ng kasalukuyang estado ng pangkalusugan sa Pilipinas. Kung iisipin, Pilipino nga raw kasi tayo. Hubog na hubog sa kahirapan kaya matitibay. Kaya namang tumayo sa sariling mga paa, basta nariyan ang espiritu ng pagbabayanihan. Tila kung iisipin nga ay mas tama pa sa perspektibo ng mga Pilipino ang mamatay ng nakangiti at positibo kaysa solusyunan at sumigaw upang humingi ang nararapat na serbisyo mula sa gobyerno.
Nasubok ito nang dumaan, hindi lamang ang bansa natin pati na rin ang buong mundo, sa isang digmaan na hindi nasasaksihan ng mga mata. Sa digmaang ito, gamot ang mahalaga kaysa sa bala. Tangke ng mga oxygen ang makikita imbes na pasabog. Mga doktor at iba’t ibang manggagawang pangkalusugan ang sumusuob sa larangan ng digmaan— hindi teritoryo o yaman kundi buhay ang ipinaglalaban—dalawang taon na ang nakalipas. Panawagan ng marami ng mga panahong iyon, “pansamantalang isara muna ang Pilipinas mula sa mga dayuhan”.
Walang handa sa nagbabadyang krisis hatid ng isang hindi nakikitang kalaban. Ayon sa mga eksperto sa pangkalusugan ng World Health Organization (WHO), kilala ang sakit na ito na mapanganib dahil sa dala nitong pinsala sa respiratory system ng mga matatamaan nito— mas higit na nakakahawa, higit na mapanganib sa mga mahihinang miyembro ng populasyon. Hindi handa upang hamunin tayo ng ganitong sitwasyon. Kulang ang pondo ng pamahalaan. Kakaunti ang mga doktor at manggagawa upang sumabak sa laban. Kulang ang mga kwarto, kagamitan, at higit sa lahat gamot at wala pang nadidiskubreng bakuna para panlaban sa sakit na ito. Ngunit para bang walang nakinig. Tila nagbibingi-bingihan.
Sa datos na inilabas ng business news giant na Bloomberg’s COVID-19
Dahil dito, naging tanong ng maraming kritiko at ng mga mamamayan kung bakit nga ba hindi mga dalubhasa at mga mas maraming karanasan sa medisina at infectious control ang italaga upang mamuno sa kagawaran. Sa pamamalakad ng nakaraang administrasyong Duterte, hindi maitatanggi na ang kawalan nila ng maayos na desisyon at paiba-ibang pahayag ay nagresulta sa tinatawag na domino effect. Pinalala nito ang dati nang malalang problema.
At ang higit na mas nakagagalit pa sa sitwasyong ito, nabubunton ang sisi at galit sa mga medical health workers natin. Anila, puro reklamo, brainwashing sa mga tao, at pagkainip lamang ang pinanggagalingan nila sa kanilang mga hinaing. Marami na ang naapektuhang manggagawa. Pinipili nilang isakripisyo ang personal nilang mga oras upang makapasok lamang sa trabaho at makapanggamot. Sila na ang nagkakasakit. Sila ang nalalagasan. Sila ang mga hindi nakatanggap ng maayos na benepisyo at mga antalang sweldo. Tama ba na sa kanila tayo magalit?
Naging punterya rin sa mga panahong ito ang mga manggagawa at miyembro ng transport sector. Sa mga napabalita, kadalasan, sila ay ang naging biktima ng mga bayolasyon sa health protocols. May mga kaso ng nakukulong, pinagmumulta, at ang malala pa rito ay may mga sinasaktan. Bakit kailangan may panigan ang batas? Bakit kailangan ang mga ordinaryo hanggang sa mahihirap na Pilipino and dumanas ng hindi pantay na trato? Kapag opisyales ka, pakikiramay at awa lang daw. Ngunit pag mahirap ka, kulong ka.
Ganyan kung maisasalaysay natin ang nangyaring tugon ng nakaraang liderato kung paano nila ginagawa ng maayos at walang bahid ng kamalian ang kanilang pamumuno. Wala pa ring maayos na benepisyo ang mga health workers. Kulang pa rin ang mga kagamitan at mga pasilidad pagamutan. Ang tanong ng marami, prayoridad pa nga ba ng pamahalaan ang kalusugan at ikakabuti ng mga Pilipino?
Ang nakapagtataka pa dito ay ang paulit ulit nilang pahayag
tungkol sa kakulangan ng pondo kaya limitado rin ang kanilang nagagawa pero mayroong isyu ng bilyon-bilyong nawawalang pera dahil sa korapsyon at hindi maayos at mahal na presyo ng mga Personal Protective Equipments (PPEs). Tunay nga na sa bulok at hindi maayos na pamamalakad, kung mahirap ka, maghihirap ka pa.
Sa panibagong liderato ng rehimeng Marcos ay kaakibat nitong pag-asa sa nakararami na masosolusyunan na nga ba ang suliranin at mga pahirap na daladala ng pandemya. Sa banta ng mga nagbabadya at nakakahawang sakit gaya ng monkeypox, dengue outbreak, ang nagbabalik na polio, kakulangan sa ospital, mababang bilang ng nagpapabakuna, at kung mapapagbayad pa ba ang mga tao sa likod ng bilyon-bilyong korapsyon sa PhilHealth, malinaw pa ba ang pagbabago na naipangako nila? Posible pa ba ang maayos at organisadong healthcare system ng bansa natin kung hanggang ngayon ay wala pa ring kalihim?
Ang banta ng nakakamatay na sakit ay hindi kailanman mawawala. Ang bagong administrasyong ito ay dapat na magtrabaho ng doble oras para sa mga nagbabadyang sakit. Sa nakalipas na buwan ng Agosto, naitala sa rehiyon ng Central Visayas ang 1,175 na porsyento ng dagdag sa mga kaso ng measles kung maikukumpara noong 2020. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng labis na panghihina ng immune system ng mga bata na maaaring mag-resulta sa mga mas malala pang sakit gaya ng pneumonia.
Hindi dapat tayo mailang na magsalita laban sa mga isyung ito. Ngayon tayo’y mas may karapatan na magalit. Ang pagtindig sa mga problemang ito ay maaari ring makapagsalba sa marami pang Pilipino na nagkakasakit. Sila ang dapat matakot at makinig.
LUNA JUSTIN JUDE AZUR Layout Artists KATHLEA JOY BATAN SARAH JANE ARAGDON MA. ARABHELA BARRAMEDA RISSA MAE BASAGRE SYBIL JEKY CORALDE ABEGAIL GARAIS KATHLEEN TOMENIO KRISTINE FAITH ORTEGA ApprenticesOo, masakit ang makitang nahihirapan dahil sa sakit ang mga taong mahal mo. Ngunit mas masakit matunghayan ang isang gobyernong walang pakialam sa kapakanan mo.
“
Mayroon nang mga batas na pumoprotekta sa mga nailimbag na katotohanan at mga haka-hakang malawakang ipinamamahagi sa iba’t ibang paraan gaya ng teksto, larawan, at maikling pelikula. Ito’y lumaganap sa mga social media
nabubuhay. Kadalasan, ang epektong ito ay positibo at makatao, ngunit tila salungat ang ideyang ito sa isinusulong ng ibang tao, halimbawa na ang mga Marcos. Hindi lingid sa
platform kahit na mayroon nang mga mahigpit na patakaran sa mga ito. Nagiging paraan ito upang manghamak o mangmaliit ng tao dahil nga ito’y “sariling opinyon” lamang.
Karamihan ay handang talikuran ang katotohanan dahil sa pansariling kagustuhan. Hindi lamang ito tumutuligsa sa tama, kundi pati na rin sa moralidad, sapagkat ang
ating kaalaman na mas marami ang mga negatibong epekto ng rehimeng Marcos sa ating bansa at sa mga mamamayan nito.
Ayon nga kay Stephanie Faris, isang tanyag na manunulat, habang tumatanda ka, maaaring lalong maging mahalaga ang pag-iiwan ng legasiya. Nakakaaliw malaman
dapat na nakabubuting kritisismo ay nagiging pang-aapi. Ang isang opinyong akalang makatutulong ay nagdulot ng mas malalang pinsala lalo na sa pinagsasabihan nito. Ang masaklap pa sa mga opinyong ito, ay nagmumula hindi man sa ibang tao, kundi sa ating mga kapamilya’t kaibigan.
Ang mga opinyong nakatutulong ay kailangang
na pagkatapos mong mawala, isang bahagi mo ang maiiwan at mananatili. Ngunit tulad nga ng mga naunang pahayag, bakit gumagana lamang ito sa mga politiko at tanyag na tao? Hindi ba kasing halaga ng kanilang tungkulin na ginagampanan ang mga nagawa ng mga taong ito?
naglalaman ng pagtatasa sa ibinigay na pahayag at mga salik para sa pagsulong ng ideya at pananaliksik. Ito ay mahinahon at hindi nanghahamon. Ito ay nagpapayo at hindi nanunumbat. Ito’y nangmumulat at hindi nangmamata. Ang opinyong katanggap-tanggap ay isang editorial.
Limitado lamang ang kayang gawin ng mga mamamayan para maibsan ang hagupit na dulot
ng climate change. Angkop na magsimula sa maliliit at simpleng solusyon, ngunit ang tanging paraan upang matamo ang malawakang tugon sa suliranin sa klima, kinakailangang mapukaw ang atensyon ng mga
kapitalistang lingkod-bayan na siyang nagsasanhi ng mataas na porsiyento ng polusyon sa mundo.
Nararapat lamang na singilin ang mga manunupil na korporasyon at kapitalistang bansa na nagpapairal ng mga
makasariling negosyo na mas pinapahalagahan ang mataas na kita at pagpapaunlad ng ekonomiya habang binabalewala ang negatibong epekto nito sa planeta.
Kung dati ay lubos kong inaasam na magkaroon na ng face-toface class, ngayon, hindi ko alam kung bakit parang pinagsisisihan ko na inasam ko ang bagay na ngayon ay dahilan sa aking lubos na pag-iisip. Kung kaya ko ba na mapunta sa sitwasyon na kinakailangan kong gumastos ng lubos para lang sa isang subject na kailangan kong madaluhan.
Kinakaya naman, pero ang tanong, hanggang kailan?
Ako’y kabilang sa mga estudyante na piniling mag-aral sa CSPC kahit na alam kong malayo. Dahil sa una, hindi ko inisip ang gastos, bagkus ang kalidad ng edukasyon na kayang ibigay ng institusyon. At ngayong nandito na ako, at nasa sitwasyon na rin na aking kinakatakutan, ‘di ko maiwasang isipin kung ano at saan ang kahahantungan ng lahat. Dapat ba akong lumipat ng paaralan o tumigil na lang muna?
Kung wala akong magagawa sa bagay na nakakabit sa gastos, sana lamang ay maparating ng sulat kong ito na mabago ang sistema. Sistemang papasok ako para lamang sa isang oras na aattendan na klase. Ika nga, sana naman naging “worth it” ang pamasahe para di mapasawalang-bahala ‘yong hirap ng pagbibiyahe. At kung malugod na mapagbibigyan, sana magkaroon ng marami pang dormitoryo sa paaralan na para sa mga malalayo ang tirahan. Gagastos man kami, ngunit hindi na namin kakailanganing aalalahanin pa ‘yong layo na aming uuwian.
Kakayanin at tiyak na maiirarasos din. Pero sana kami’y inyong dinggin.
Nagdulot ang pandemya nang mahigit na dalawang taong distance learning. Dito, pulos sa online lamang tayo nagkikita. Kung ito’y ikukumpara sa kasalukuyan, may mga kursong nangangailangan na ngayon ng pisikal na presensya sa eskwela. Kagaya ng inaasahan, anumang bago ay kailangan ng pag-aadjust, kung saan, tunay na hindi ito madali para sa nakararami. Naiintindihan namin ang iyong mga sentimyento ukol sa hirap sa pagbabalik sa eskwela dahil na rin sa kamahalan ng mga gastusin, lalong lalo na sa pamasahe.
Alam naming maraming tulad mo ang nakararanas nito dahil maging kami na kapwa mo mag-aaral ay dumadaing rin ukol rito. Idagdag mo pa kung hindi maayos ang sistema at iskedyul sa pagpasok sa klase. Maaaring may ibang estudyante na labis na nagagalak at nagpapasalamat sa muling pagbabalik eskwela subalit hindi ibig sabihin nito na walang lugar ang mga hinaing mo. Nais naming ipabatid saiyo na sineseryoso namin ang mga ganitong mungkahi.
Bilang boses at tagapamagitan ng mga estudyante, patuloy naming isinasabuhay ang pagpapahayag ng inyong tunay na saloobin. Sa pamamagitan nito, minimithi naming maipararating natin ito sa kinauukulan upang mabigyan ng maayos at angkop na solusyon. Nakalulungkot malaman na pinanghihinaan ka ng loob upang magpatuloy dahil na rin sa mga suliraning kinakaharap mo subalit nais ka namin na hikayating lumaban dahil naniniwala kami sa iyong kakayahan at pagpupursigeng makapagtapos. Hindi naman masamang magpahinga o tumigil pansamantala, kailangan rin iyon sa buhay subalit, nawa’y mas magkaroon ka pa ng inspirasyong magpatuloy. Kung kaya pang igapang, igapang natin. Lagi mong tandaan na kami ay kasama mo sa iyong pakikibaka.
Polytechnic education at its best for the Bicolanos
“CSPC: Pivoting towards Excellence & Transformation in Polytechnic education”Transforming lives to be free of poverty by creating a better future through world class polytechnic education and technological innovation.
Bawat tao ay may kanyakanyang tungkulin upang umusbong ang isang bagay, hindi maaaring isang tao lamang ang sasalo ng lahat ng papuri at benepisyo nito.
Sa patuloy na pagbaba ng karunungang bumasa ng mga Pilipino, isang malaking salik at solusyon ang pamimigay ng mga kagamitang hahasa sa pagbasa at pag-intindi ng iba’t ibang mga teksto. Ang mga aklat na kapupulutan ng aral at kaalaman sa masining na pamamaraan ay naaayon na ipamahagi sa mga mag-aaral. Subalit, kung kailan kailangan itong paunlarin at pagyamanin, ay siya ring pagbabawal nito.
Buwan ng Wikang Pambasa nang ipagbawal ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang paglilimbag at pamamahagi ng limang piling libro at limbagan. Isa sa mga librong ito ay ang “Tawid-diwa sa Pananagisag ni Bienvenido Lumbera: Ang Bayan, ang Manunulat, at ang Magasing Sagisag sa Imahinatibong Yugto ng Batas Militar 1975-1979” na produkto ng pananaliksik ni Dexter Cayanes patungkol kay Bienvenido Lumbera, isang pambansang artista na nakulong sa panahon ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ito ay ipinagbawal dahil sa pagsuway nito sa ika-9 na seksyon ng RA 11479 o Anti-Terrorism Law kung saan itinuring ang mga aklat na ito bilang produkto ng terorismo.
Bago pa man ito, tinukoy-pula ng NTF-Elcac (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) at NICA (National Intelligence Coordinating Agency) ang Adarna Publishing House
dahil sa nailimbag nitong aklat. Isa ang “Si Jhun-Jhun, Noong Idineklara ang Batas Militar,” na nailimbag ng United Nations Children Fund (UNICEF) Philippines, sa mga librong ipinagbawal sa kadahilanan na ito’y nagtatanim umano ng galit sa mga mambabasa sa pagkorpora ng batas military sa mga kwentong pambata. Ang limbagang korporasyon ay iniugnay rin sa CPP-NPANDF (Communist Party of the PhilippinesNew People’s Army-National Democratic Front) na mga kilalang komunistang grupo.
Dulot ng pagkatatag ng Anti-Terrorism Law, nagmistulang legal ang panunukoypula o red-tagging. Karamihan sa mga idinawit sa mga teroristang grupo ay ang mga nagsisiwalat ng katotohanan at tumutuligsa sa mga maling gawain ng mga pamunuan ng gobyerno. Dahil dito, nagkalat ang mga maling impormasyon patungkol sa kasaysayan at ng kasalukuyang panahon.
Hindi ito nakapagtataka sapagkat misimpormasyon at disimpormasyon ang isa sa mga salik sa pagkatalo at pagkapanalo ng mga kandidato sa nakaraang eleksyon. Ayon nga sa Tsek.ph, University of the Philippine Journalism Associate Professor Yvonne Chua, ang nahalal na pangulo ay isang benepisyaryo ng maling impormasyon na isa sa mga naging sanhi ng kanyang pagkapanalo. Ito’y nakumpirma nila sa pakikipagtulungan sa mga social media company kung saan napagalamang ang dating bise-presidente na si Atty. Leni Robredo, isa sa mga tumakbo sa pagka-presidente, ay biktima ng mga ito.
Habang mayroong krisis sa edukasyon ang Pilipinas, ang mga aklat na sana’y tutulong sa mga mag-aaral na pataasin ang kanilang kaalaman ay ipinagbawal. Pilit pinapalitan ang mukha ng nakaraan
sa pagtanggal ng mga librong sana’y magbubukas ng mga matang bulag sa katotohanan. Ang mandato ng KWF ay ang paunlarin at itaguyod ang panitikan ng wikang Filipino. Ngunit, sa pagbabawal ng mga tekstong ito, hindi nito maisasakatuparan ang kanilang misyon. Mas lalo lamang malulugmok sa kakulangan sa kaalaman ang mga mag-aaral.
Kritikal na pag-iisip ay itinuturo rin sa mga ipinagbawal na libro kung saan ang pagtuligsa ay isang karapatan ng mga mamamayan upang maipahayag ang kanilang saloobin. Sa halip na gamitin ito upang piliting ayusin ang sistema, tinuturing nila itong paraan upang pabagsakin ang gobyerno. Taliwas ito sa nais iparating ng mga aktibistang manunulat.
Ang pagpatay sa mga aklat na magtuturo ng kritikal na pag-iisip ay pagpatay sa henerasyong lalaban sa katiwalian, kasinungalingan, at karahasan. Kung ang mga librong ilang taon nang nailimbag ay naipagbawal, ano pa kaya ang mga bagong panitikan na tatalakay sa dilim ng nakaraan at anino ng kinabukasan.
“