1 minute read

Coda

Coda Ni Bjørn

Ang padiit ng aking mga paa ay mayroong lihim na itinatago. Kasabay ng mga hakbang na hindi mapalagay ay ang bumibilis na ritmo ng aking puso.

Advertisement

Sino bang hindi mahihibang sa mga mata mong nag-iilaw ng tila prisma, kung sa tuwing ang pangalan ko’y iyong binabanggit, ako ay bulaklak sa tagsibol?

Sumasagitsit—umiinit— sa tuwing nagkakalapitan ang mga kamay. Yumayanig sa mga patlang ng aking paghinga ‘pag ang mga mata nati’y nagsasalitan.

Nais kong ipabatid ang aking inggit sa mga linyang iyong kinabisa. Dahil ang kurba ng iyong ngiti— ang hindi mo pag-imik—ay kabisado rin.

Ah, kailan pa ba hihinto ang walang dulong mga utos? Marahil ay hindi mo matukoy ang aking paggiliw sa mundo kong pilit na pinalabo.

Pero sigurado—ang tanging malinaw sa mga linya ng ilaw ay ikaw. Kahit dumating ang dulo ng kwentong katha mo, magpapatuloy ang kumpas ng lihim ko.

21

This article is from: