Ang Meraki ay isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ang paggawa ng isang bagay nang buong puso o pagmamahal. Inilalarawan din nito ang pagbibigay ng parte ng sarili para sa isang gawain, maging ano pa man ito. Kaugnay nito, ang Meraki ay inihahandog ng The Squire Publication kasama ang mga estudyanteng manunulat at manlilikha ng Xavier University
Senior High School (XUSHS) upang mapakinggan at maipalabas ng mga mag-aaral ang kanilang mga hinaing at damdamin sa iba’t ibang mga bagay, ito man ay tungkol sa araw-araw ng pamumuhay, pag-aaral, pag-iisa, o pagmamahal. Dito mababasa at makikita ang mga orihinal na komposisyong naglalayong makapagbahagi ng mga emosyon at damdaming tagos sa puso.