4 minute read

Comics

Next Article
Sports

Sports

10 Comics

The Torch North Luzonian January 2020-July 2020

Advertisement

Sports11 Larong Pinagbigkis ng Lahi

by Leidi Julienne M. Pagulayan

Kasiyahan. Pagkakaisa.

Pagkakapantay-pantay. Ilan lamang ang mga ito sa mga salitang bumuhay at nagbigay kulay sa muling paglitaw ng Laro ng Lahi sa pag-alala sa Araw ng Pamantasan. Tradisyon kung ituring ang paghahanda ng mahahabang buho, itim na baldeng may nakasilid na palaka, palayok na puno ng kendi at maging ang puting sakong kasya ang sampung paa. Hindi alintana ang tirik na araw na sumasagasa sa pawisang noo ng mga magaaral maging ng mga propesor sa paglalaro. Ganito nila yakapin at tamasahin ang apat na oras na pagbababad sa araw at pagsilong sa himnasyo upang makilahok sa iba’t iba at hindi nalulumang Laro ng Lahi.

• Kasiyahan: Akademiko ay bitawan, aliw ay kampihan

Higit sa isang dosenang nakakaaliw at hindi matanggihang mga laro ang ihinanda sa Araw ng Pamantasan na pinamunuan ng Physical Education Major Subject (PEMS) Club. ‘Taympers’ muna sa akademikong gawain at tila sabay-sabay na isinigaw ng bawat isa sa komunidad ng PNU-NL ang mga katagang ‘game na!’ Ipinagpaliban ang gawain sa opisina, pansamantalang natuyo ang mga whiteboard at sabay-sabay na ipinahinga ang kanilang kamay mula sa pagpirma ng tumpok na dokumento at pagsusulat sa kuwaderno.

• Pagkakaisa: Pagtutulunga’y damhin, tungo sa iisang hangarin.

“1…2…3… talon!” wika ng isang nangingibabaw ang boses na magaaral sa kagustuhang makatalon ng sabay-sabay sa sack race. Kung palampa-lampa ka, buong grupo mo’y tumba. Pinaalab ng bawat miyembro ang pagkakaisa sa tunguhing manalo at higit sa lahat, ang mamayani ang pagkakaibigan. Maririnig din sa kabilang dulo ang masikhay na katauhan ng bawat miyembro sa obstacle race. ‘It’s now or never?’ ‘Yan ang bungad ng palakang agresibo sa pagtalon sa loob ng balde. Kung hindi mo susuungin, tiyak na ang grupo mo’y dadaigin! Sa huli, hindi mahihigitan ng sinuman ang bawat isa kung ang mga ito’y may pagkakaisa.

• Pagkakapantay-pantay: Ranggo ay iwanan, damhin ang mabuting samahan

Nangibabaw ang pag-alingawngaw ng mga dalisay na halakhak mula sa himnasyo. Hindi matutukoy ng sinuman ang nagmamay-ari sa mga iyon. Walang mataas, walang mababa. Iisang ritmo na nangangahulugan ng purong tuwa habang nilalaro ng bawat isa ang piniling laro. Magiliw na labanan ang nanaig sa pagitan ng pangkat ng propesor laban sa pangkat ng mag-aaral sa patintero. Habulan, tayaan, at matinding gwardyahan ngunit hindi nauuwi sa pikunan. Takbo rito, takbo roon. Talon dito, talon doon. Sigaw rito, sigaw roon. Walang humpay na tawanan ang nabuo sa pagitan ng mga ito. “Hindi mangangalawang ang bakal kung patuloy itong gagamitin.” Tulad din ng laro ng lahi, hindi kukupas ang tradisyong ito kung patuloy na bibigyang-pansin at bubuhayin. Taunang binubuhay ito sa Pamantasan at patuloy itong bubuhayin para sa susunod pang henerasyon na tatamasa ng walang kapantay na kasayahang hatid nito. #

Mamba out, NBA mourns National Basketball Association (NBA) staff, teams, family and fans shot clock violation to honor and pay tribute to Mamba. Also, Los Angeles declared January by Christian Joseph B. Bielza PEMS Club is now NYCregistered Hoops' tragedy: by Jimuel C. Sagario drowned into tears after the tragic 28, Wednesday as Kobe Bryant's day The Physical Education Major Students (PEMS) Club of PNU-NL email on 20th of November last year. With great honor, the PEMS Club was among the four organizations passing of the legend Kobe "Black Mamba" Bryant in an explosive Sikorsky S-76 helicopter crash at the to honor his excellent performance inside the hardcourt wherein he played his 2-decade career in LA. successfully registered in the Youth Organization Registration Program of National Youth Commission. One among the 118 Youth in the Province who effectively registered the said program. In addition to, the PEMS Club was acknowledged as the first and rugged hillside of Calabasas, west of Lost Angeles last Sunday, January 26, which triggered an outpouring of grief from fans around the world. Lakers' power forward LeBron James also expressed his grief and promise to Mamba in his twitter account uttering," I'll promise you Organizations and Youth-Serving only organization in the entire PNU Bryant's 13-year old daughter that I will continue your legacy, man." Organizations countrywide, the system to be included on NYC YORP. Gianna and seven other victims were On the other hand, the PEMS Club was now entitled to all “It’s beyond honor… PEMS is the also on board when their helicopter legend's death left his wife programs, rights and opportunities first [club] in the whole PNU [system] slammed and burst into fire at the hillside, Vanessa and their three other kids the NYC shall endow with. to be part of the NYC YORP”, PEMS leaving no survivors among them. longing for his love and presence. After all the essential requirements needed have been accomplished through the effort of the club officers aided by the Club Adviser Dr. Madonna C. Gonzales, the registration has been approved and accepted by way of Club President Romar B. Adelan said. By means of the Isabela Provincial Youth Development Council, the PEMS Club, represented by Mr. Adelan, was granted a certificate of registration by the NYC at Alibagu, City of Ilagan, Isabela last March 9.# Meanwhile, different NBA teams, celebrities, politicians and fellow sports stars expressed their sorrow and gave appreciation to the dead legend in their own ways. Most of the teams committed an 8-second or 24-second Despite his loss, the name Kobe Bryant will still be remembered in basketball world and for many generations of NBA as a fivetime NBA champion and 18-time NBA All-stars for 20 seasons.#

This article is from: