The Torch Publications Tomo 70 Blg. 5

Page 1

Miyembro: College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Progresibong Lupon ng mga Manunulat ng PNU (PLUMA-PNU)

Ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas

TAWAG NG PANGANGAILANGAN (page 2) TOMO 70 BLG. 5 MARSO - ABRIL

GEN ELEX CANDIDATES (page 3)

INK YOUR PEN SERVE THE PEOPLE


2 EDITORYAL

Tawag ng Pangangailangan

“S

a kasaysayan ng halalang pangmag-aaral, ang pagsasagawa ng Special General Election na pinag-isa ang eleksyon para sa Legislative Body at Executive Body ngayong taon ay bunga ng palpak na pamamahala ng Student Government. Lumipas na ang eleksyon, kinakitaan pa rin ng bahid ng kulay na nagmula sa pinagmulang partido na hindi propesyunal bilang mga liderestudyante. Sa panahon na ginigipit ang oras ng kalakhan ng mag-aaral sa ilalim ng Outcomes-Based Teacher Education Curriculum (OBTEC), mas bumaba ang turn out of votes tuwing eleksyon. Malaking salik ang kurikulum at pagbabago ng academic calendar na hindi nakaangkla sa panahon ng eleksyon. Dagdag pa rito, ang kabuuan ng Student Government ang siya aberyng nagpalala sa mga aberya sa taon na ito. Naging ganap ang destabilisasyon sa pagsisimula ng pamumuno ng sangay Ehekutibo sa indibidwal na paskil sa Facebook na naglalaman ng mga pasaring sa bawat miyembro ng opisyal. Dahil dito, naantala ang iskedyul sa pagtatalaga ng miyembro ng komite ng Commission on Elections (COMELEC). Naantala rin ang

017 6-2 201

eleksyon para sa Sangay ng Lehislatura, na mas pinalala pa ng pagdeklara COMELEC ng ‘failure of election’ sa kabila ng maling pamamahala sa mga kondukta sa eleksyon partikular sa pagbibigay ng pagsusulit. Inireklamo ng Student Alliance for National Democracy (STAND PNU) ang mga katanungan sa pagsusulit na pawang mga idinagdag, walang kinalaman sa serbisyo bilang lider estudyante at labag sa mga batayang pamamaraan ng ‘Assessment and Evaluation’. Manipestasyon ito ng kawalan ng kakayahan at matibay na integridad ang COMELEC bunsod marahil ng mabababang mga markang natanggap mula sa screening committee ng sangay ehekutibo. Bunsod ng mababaw na kaling sa mga magaaral na pinagsisilbihan nito, nagpanatili ang mga miyembro ng SG sa mga sarili nilang delusyon na umano'y sasalalay ang pagkaaayos ng sistema sa pagpapaunlad ng mismong sistema, gayong nalilimutan ng mga "lider estudyante" ang esensya ng kanilang pagkaluklok sa kani-kanilang mga posisyon. Hindi nakabatay sa papel ang responsibilidad ng mga nasa posisyon, bagkus ay mas malawak pa ang saklaw nito. Ang isang namumuno sa mga mag-aaral ay hindi

lamang kinatawan ng mga mag-aaral sa mga isyung panloob. Nananatiling makabuluhan ang integridad ng lider-estudyante kapag

Ang mamamayan ang siyang magpapasya ng kanyang pag-unlad, at kahit kailan hindi ito magagapi ng isang apatetikong sistema.

sa isang hangarin. . Ngunit sa panahon ng makaraang mga namuno, hindi maitatangging lumubog ang mga ito pababa sa kababawan ng mga programang ipinatutupad at nawalan ng pandamang sosyo-politikal. Kahit pa umabot sa puntong libreng patubig na ang maibigay sa bawat gusali ng pamantasan, hinding-hindi nito lubusang matutugunan ang mga hinaing ng mga mag-aaral pagdating sa mga problema sa bayarin, dami ng ginagawa sa akademya, kawalan ng karapatang magbigay ng opinyon at iba pa. Naging implikasyon ng isang mahinang SG ang kawalan ng tiwala ng karamihan sa mga mag-aaral, lalo pa at madalas na walang sasalubong na kinatawan sa opisina nito.

Sa panahon kung saan mahina ang pakikiisa ng mga magaaral sa sistema, mas hinihingi ng panahon na gamitin na ng publiko ang kapangyarihan sa pamamagitan ng eleksyon upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat magaaral dahil maaari itong lubusang makaapekto sa konteksto ng pamumuno sa kanila; halata naman sa panahon ngayon. Hindi natatapos ang laban ng mga mag-aaral sa mga isyung pangkampus dahil lamang sa mahinang pwersa ng mga namumuno. Ang mamamayan ang siyang magpapasya ng kanyang pag-unlad, at kahit kailan hindi ito magagapi ng isang apatetikong sistema.

naipapakita nito ang kasikhayan sa pagsuporta sa sektoral na mga kampanyang labas sa unibersidad, at nahihimok ang mga mag-aaral na makiisa sa mga gayong hangarin. Kahit pa ilang beses pabanguhin at gawing perpekto ang paggamit sa wika ng pinaglumaan nang konstitusyon, hindinghindi nito magagawang maiparamdam sa mga magaaral na magkakaroon ng pagbabago hanggat hindi nito napatutunayan ang lakas na mayroon ang pagkakaisa para

John Thimoty A. Romero, Editor-in-Chief; Kaye Ann Oteyza, Managing Editor; Joseph Victor D. Deseo, Assistant Managing Editor; Jimnoel C. Quijano, News Editor; Airalyn Gara, Features Editor; Cedric T. Bermiso, Literary Editor; Louriel M. Danseco, Research Editor; Jules Angelica E. Marcelo, Sports Editor; Vincent Anthony V. Abrenio, Juvilee Ann V. Ausa, Daniella, , Andrea Bustillo, Yhunice G. Carbajal, Lexter A. Castro, Pearl Diane C. Centeno, Ma. Lourdes Clarita B. Espiritu, John Carlos D. Evangelista, Sofia Loren C. Golloy, Ronalyn H. Gonzales, Angelica C. Latac, Marc Conrad I. Manaog, Jennifer Mendoza, Jerome Morales, Erving Sinaking, Janine P. Solitario, Staff; Allyza Abenoja, Jonelle Apolonio, Angelo Artista, Enrico Norman G. Balotabot, John Gabriel L. Cabi-an, Ma. Veronica Carabuena, Dhriege Castillanes, Jhantzhen Cornelio, Clark Cortez, Precious G. Daluz, Danielle Diamante, Crissalyn Joy A. Dionisio, Riza Anysius Fetalvero, Inah Marie I. Gacanal, Joanna Galano, Charmaine Josephine S. Garin, Christian Gregorio, Jessie Guevarra, Al Jireh Malazo, Kamila Beatrice Miranda, Veronica Nepomuceno, Cheryloize Ocido, Samantha Quinto, Mark Angelo Ramos, Marynell Sagum, Joanna Marie Yumang, Correspondent; Joshua T. Veluz, Arts and Media Team Head; Denielle M. Galo, Lyn D’ Amor M. Macabulit, Urek T. Pondare, Vienna Antoniette M. Tungal, Arts and Media Team; Sarah C. Butad, Photojournalist; Apple Marie Bueno, Lay-out Artist; Prof. Joel Malabanan, Language Critic in Filipino; Prof. Victor Rey Fumar, Language Critic in English and Technical Adviser


EXECUTIVE BODY GABAY NA TANONG

1. Sang-ayon ka ba sa malawakang Jeepney Phase-Out bilang tugon ng pamahalaan upang isaayos ang sistemang pangtransportasyon? Bakit?

2. Ano ang masasabi mo hinggil sa lugar na pagdarausan (PICC) ng Araw ng Pagtatapos ngayong akademikong taon?

3. kung ikaw ay isang Sang'gre, anong kapangyarihan ng brilyante (lupa, hangin, tubig, at apoy) ang nais mong mapasakamay? Bakit?

PRESIDENT Victor Dominic C. Calderon III-2 BEE (Independent)

Jemyr B. Garcia II-5 BFE (STAND-PNU)

1. Hindi ako sang-ayon dahil maraming drayber ang maapektuhan. Maraming drayber ang mawawalan ng hanapbuhay na siyang ipinangtutustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Kamalian na i-phase out ang mga jeepney at tanggalan sila ng hanapbuhay. Nararapat na maghanap ng mga alternatibong pamamaraan ang gobyerno ukol dito. 2. Inilipat ang lupag na pagdarausan ng graduation sa PICC sa kadahilanang gigibain ang ilang gusali sa PNU subalit ang naturang konstruksyon ay hindi natuloy. Sa aking palagay, nararapat na ibalik sa orihinal na pagdarausan ang Araw ng Pagtatapos dahil walang rason upang ito ay idaos sa PICC. 3. Tubig dahil simbolo (ito) ng daloy at kalinisan kagaya ng aking nais sa Student Government (SG) – maaayos, organisado, walang bahid na dumi – kalinisan. Naniniwala ako na ang uri ng kapangyarihan o, sa ating konteksto, paraan ng paglilingkod ng mga opisyal ang syang magtatakda ng direksyon o patutunguhan ng isang organisasyon.

1. Lubos na hindi sumasang ayon. Naniniwala tayo na ito ay marapat dumaan sa isang siyentipiko at komprehensibong pag-aaral kasabay ng mga konsultasyon sa mga tsuper. Ang pagpasok ng mga pribadong kompanya ay maaaring maging kapalit ng mataas na pamasahe.

2. Mahalagang sipatin ang praktikalidad kung saan idaraos ang araw ng pagtatapos. Marapat na isaalang alang ang preserbasyon ng kulturang nakasanayan sa pamantasan at dapat magmula ang kasagutan sa PNUans na pangunahing sangkot sa usapin. 3. Si Alena (hALENA at iboto ang STAND-PNU) Brilyante ng tubig. Mapayapa tulad ng dagat ng dapat subalit nagngangalit tulad ng alon kapag ito ay mapapahawak. Hihilingin sa brilyante na maging dalisay at mapagkalinga ng administrasyon ngunit may tapang kapag kinakailangang lumaban.

ANUNSYO


Jayson L. Lumagas (II -20 BSCIEBIO) Independent

Vice President for Internal Affairs

1. Hindi ako sang-ayon dahil maraming pamilya ang maapektuhan nito dahil maraming drayber ang mawawalan ng kabuhayan na ipinanggagastos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang pagkawala ng mga jeepney ay makadadagdag sa kawalan ng matinong trabaho ng mga Pilipinong drayber. Hindi rin kakayanin ng badyet ng ilang mga estudyante na magbayad sa fx o taxi. 2. Nauunawaan kong karamihan sa mga magtatapos ay may pagkadismaya o pagkalungkot ngunit may dahilan kung bakit nabago ang pagdarausan. Dahil sa gagawin na pagbabago at pagsasaayos sa loob ng pamantasan ay kinakailangan na mailipat. Gayunpaman, parte na ito ng pagbabago. Oras na upang sumubok tayo ng bago. Ang pagtatapos pa rin nila ang mahalaga. Maganda pa rin ang pagdarausan, mas komportable at ligtas. 3. Nais kong mapasakamay ang brilyante ng hangin upang malinis ang maduduming hanging dulot ng mga sasakyan, ng mga taong may sakit na maaaring makahawa at ng mga basura sa paligid. Isang malaking tulong sa ating kalusugan lalo na rito sa Maynila kung magkakaroon tayo ng sariwang hangin. Matitigil natin ang polusyon at mga sakit sa pamamagitan ng brilyante ng hangin.

Vice President for Internal Affairs

Christian M. Aguinaldo (III-3 BEE) STAND-PNU

1. Hindi ako sang ayon sapagkat ito’y direkta nitong matatamaan ang mahigit kumulang 650,000 na drivers na syang kabahagi ng batayang masa na may malaking pangangailangan upang maitawid ang buong araw ng kani-kanilang pamilya. Dagdag pa, makakaapekto rin ito sa opportunity cost ng bansa bunsod ng mga pag-antala ng mga gawain dulot ng hindi makamasang uri ng transportasyon. 2. Ikinalulungkot koi tong malaman dahil nabali nito ang tradisyon na noon pa man ay nagpapatunay na organisado ang pamantasan sa paglulunsad ng ganapan gaya ng “Araw ng Pagtatapos.” 3. Pipiliin ko ang brilyante ng lupa dahil isa sa katangian nito ay ang pagkakaroon ng kapangyarihang makapaghilom na siyang repleksyon ng aking pagkatao. Gaya rin ng STAND na walang pinipiling paglingkuran. Kahit gaano pa man ito durugin ng mga maling paratang, patuloy pa ring bumabangon at lumalaban para sa masa.

Lenard Jefferson E. Capiral (II – 5 BFE) STAND-PNU

Vice President for External Affairs

1. Hindi sapagkat higit na maaapektuhan ang masa partikular na ang mga tsuper. Ito ay sa paraang pribatisasyon ang nakikitang kasagutan para sa problemang ito. Pero para sa’kin, hindi ito maganda dahil tataas ang pasahe ng mga commuters at maaari pang hindi sumapat ang bilang ng yunit ng mga ire-reprodyus na pampublikong transportasyon. 2. Hindi ako sumasang ayon sa ideyang sa PICC gaganapin ang pinakamakabuluhang araw para sa isang PNUan. Mahalaga na maramdaman ng mga magsisipagtapos ang pakiramdam na nagmartsa sa lugar kung saan binuo ang mga ala-alangtiyak na nakapag-ambag sa pagiging isang guro ng bayan. 3. Si Amihan ang aking pipiliing Sang’gre kasama ang brilyante ng hangin sapagkat naniniwala ako na ang dalawang ito ay ang “perfect tandem” upang pagsilbihan hindi lamang ang mga Lirean kundi ang buong Encantadia. Maliban pa roon, ang brilyante ng hangin ang sumisimbolo sa pagiging mapagkalinga ng mga diwata at ganoon din ako kasama ang STAND-PNU sa kabuoan.

Secretary General

Joanne A. Cunanan (II-21 BSCIEBIO) STAND-PNU

1. Hindi. Ang isasagawang malawakang Jeepney Phase-Out ng pamahalaan ay taliwas sa aking pinaniniwalaang sagot sa umano’y pagsasaayos ng sistemang pangtransportasyon sa ating bansa sapagkat tinatanggalan ng karapatan an gating mga kababayan na makapaghanap buhaygamit ang sasakyang kanilang naipundar. 2. Sa aking palagay ay mas mabuting ganapin sa loob ng ating pamantasan ang Araw ng Pagtatapos. Napakagaan sa pakiramdam na magtatapos ka kung saan ka nagsimula at sa kung saan mo binuo ang bawat alaala at kung paano at saan ka nagsumikap upang marating ka sa iyong kinatatayuan. 3. Ang kapangyarihan ng brilyante na nais kong taglayin ay apoy sapagkat ako ay may pusong nag-aalab na pagsilbihan ang bawat PNUans sa abot ng aking makakaya. Apoy na magpapanatiling mainit sa kagustuhan ng mga PNUans na sila ay patuloy pang maging kaisa sa mga polisiyang ipatutupad upang mapataas pa ang student involvement sa loob ng ating pamantasan.

Lance Harvey Saavedra (II-21 BSCIECHEM) STAND-PNU

Finance and Logistics Officer

1. Mariin kong tinututulan ang malawakang Jeepney Phaseout na plano ng gobyerno na bahagi ng programa nilang modernisasyon. Ito na ang isa sa pinaka mataas na uri ng pagpapahirap ng gobyerno sa ating manggagawa. Sa planong pag-phaseout ng jeepney ay kakailanganing bumili ang mga operators ng minimum na 7 unit ng bagong jeepney na nagkakahalagang 1 milyon hanggang 1.5 milyon dahil dito ay mapipilitan silang humanap ng ibang trabaho at pagkamonopolyo ng ating public transport system. #NoToJeepneyPhaseout. 2. Hindi ako sumasangayon na sa PICC idadaos ang graduation ng Batch 2017 dahil unang una dagdag bayarin ito sa graduating batch at ang pagpapagiba ng Student Center Building ay hindi pa naman pala sisimulan kung kaya't bakit pa sa PICC idaraos ang graduation kung pwede namang ganapin ito sa ating pamantasan ngayong taon. Mawawala din ang taon taong tradition na pagmartsa sa ating makasaysayang pamantasan. 3. Kung ako ay isang sngre ang kapangyarihan ng brilyanteng aking nais taglayin ay ang apoy dahil kagaya ng apoy ay nagaalab at nagbabaga ang aking kagustuhang ipagpatuloy ang paglilingkod sa kapwa ko PNUANS. Kagaya ni Sangre Pirena na taglay ang brilyante ng apoy ang STAND PNU ay matapang na ipagtatanggol at ipaglalaban ang ating interes kapakanan at demokratikong karapatan.


Angelika Jane S. Briones (I-1) STAND-PNU

Chairperson

1. Ang pagsasagawa ng malawakang Jeepney Phase-Out ay hindi ko sinasang-ayunan. Maaaring makatulong nga ito sa pagsasaayos ng sistema ng trapiko ngunit higit pa dito dapat din nating isaalang-alang ang kapakanan ng mga drayber na matatamaan ng sinasabing phase-out. Malaki ang magiging epekto nito lalo na sa pamilya ng mga drayber dahil maaaring ang pagiging drayber lang ang pinapagkuhanan nila ng pantustos sa kanilang pangangailangan at magiging mahirap para sa kanila ang makahanap muli ng panibagong pagkakakitaan. 2. Ang gaganaping araw ng pagtatapos sa PICC ngayong akademikong taon para sa akin ay hindi patas para sa mga magaaral na magtatapos. Naging tradisyon na ang pamantasan ang pagsasagawa ng pagtatapos sa loob ng pamantasan. Apat na taon ang kanilang hinintay upang makapagtapos at sa tingin ko mas magiging makabuluhan ito kung sa loob ito ng Inang Pamantasan gaganapin. 3. Kung ako ang magiging isang sang’gre, ang kapangyarihan ng brilyante na nais kong mapasakamay ay ang kapangyarihan ng hangin. Sapagkat kasing-linis ng hanging walang polusyon ang aking intension na maglingkod at mapaglingkuran ang kapwa ko PNUans at ang masa.

John Mark Baylon (I–3) STAND-PNU

Chairperson

1. Hindi sapagkat higit na maaapektuhan ang masa partikular na ang mga tsuper. Ito ay sa paraang pribatisasyon ang nakikitang kasagutan para sa problemang ito. Pero para sa’kin, hindi ito maganda dahil tataas ang pasahe ng mga commuters at maaari pang hindi sumapat ang bilang ng yunit ng mga ire-reprodyus na pampublikong transportasyon. 2. Hindi ako sumasang ayon sa ideyang sa PICC gaganapin ang pinakamakabuluhang araw para sa isang PNUan. Mahalaga na maramdaman ng mga magsisipagtapos ang pakiramdam na nagmartsa sa lugar kung saan binuo ang mga ala-alangtiyak na nakapag-ambag sa pagiging isang guro ng bayan. 3. Si Amihan ang aking pipiliing Sang’gre kasama ang brilyante ng hangin sapagkat naniniwala ako na ang dalawang ito ay ang “perfect tandem” upang pagsilbihan hindi lamang ang mga Lirean kundi ang buong Encantadia. Maliban pa roon, ang brilyante ng hangin ang sumisimbolo sa pagiging mapagkalinga ng mga diwata at ganoon din ako kasama ang STAND-PNU sa kabuoan.

Chairperson

Arnel C. Hoyle (II-19BSCIEBIO) STAND-PNU

1. Hindi, sapagkat ang higit na mas maaapektuhan nito ay ang masa sa kabuuan kabilang na dito ang mga driver ng jeep na mawawalan ng hanapbuhay at ang mas mahirap na pasanin sa parte ng mga commuter dahil sa posibilidad na pagtaas ng pamasahe. 2. Nakakalungkot, dahil mawawala na ang isa sa mga tradisyon na isinasagawa ng pamantasan at ito’y nagpapakita na sa pagdaan ng panahon ay mawawala ang mga tradisyon na nagpapakilala sa kultura ng ating pamantasan. 3. Brilyante ng hangin, gaya ng hangin na nagbibigay hininga at buhay. Gagamitin ko ang brilyanteng ito na buhayin ang namamatay na student involvement sa ating pamantasan at bubuhayin ang pag-asa ng bawat PNUans sa pagkakaroon ng isang demokratiko, mapayapa, organisado at makabayang konseho.

Anthony B. Dela Cruz (III–21 BPHE) STAND-PNU

Chairperson

1. Hindi ako sang-ayon sa malawakang jeepney phase-out. Ang masa ang pangunahing maaapektuhan dito at isa pa ay ang di makataong solusyon na kung saan maraming drayber ang mawawalan ng hanapbuhay. 2. Mababali ang tradisyong kinasanayan ng lahat ang kultura na kung saan ang araw ng pagtatapos ay idinaraos sa loob ng ating pamantasan. Nakakalungkot man ngunit hayaan na rin natin ang PNUans ang humusga at mga hinaing nito ukol dito. 3. Brilyante ng lupa. Lupa na kung saan ito’y kinatatayuan ng sambayanan. Lupa na kung saan kayang tugunan ang pangangailangan. Kapangyarihan ng lupa na may sustansyang gagamot sa mga sakit sa lipunan, sakit na nagpapahirap sa bawat.

Chairperson

Maricel Limpios (I-2) STAND-PNU

1. Hindi ako sang-ayon, dahil naniniwala ako na malaking bahagdan ng sektor ng mga manggagawa kabilang na ang mga tsuper ng jeep ang maaapektuhan nito. At bilang isa sa mga pangunahing transportasyon na ginagamit ng mga Pilipino, magiging malaking pahirap din ito sa mga commuters na araw-araw sumasakay ng jeep. Sa kabilang dako, kung matuloy man ang nasabing phase-out may posibilidad na maging pribado ang mga bagong jeep na ilalabas. 2. Nakakalungkot, Dahil bilang isa ako sa mga sang-ayon sa preserbasyon ng kultura ng ating pamantasan ay may mawawala na namang tradisyon na taun-taong ginagawa ng ating pamantasan.3. Brilyante ng hangin, gaya ng hangin na nagbibigay hininga at buhay. Gagamitin ko ang brilyanteng ito na buhayin ang namamatay na student involvement sa ating pamantasan at bubuhayin ang pag-asa ng bawat PNUans sa pagkakaroon ng isang demokratiko, mapayapa, organisado at makabayang konseho. 3. Brilyante ng lupa, gaya ng lupa na matibay at nagiging sandigan. Magiging matibay ako sa lahat ng hamon na aking kahaharapin bilang isang lider-estudyante at magiging sandigan ako sa kapwa PNUans na nagnanais ng pagbabago para sa ating pamantasan.


LEGISLATIVE BODY GABAY NA TANONG

2. Ano ang magagawa mo hinggil sa bumababang antas ng partisipasyon ng mga PNUans sa mga isyu sa loob at labas ng pamantasan?

1. Sang-ayon ka ba sa Death Penalty?

Joy “Joey” Bañas (1 – 4) STAND-PNU

3. kung ikaw ay isang Sang'gre, anong kapangyarihan ng brilyante (lupa, hangin, tubig, at apoy) ang nais mong mapasakamay? Bakit?

2nd Year Representative

1.Kung walang kaayusan ang hustisya sa ating bansa, hindi ito nararapat ipatupad para na rin sa proteksyon at kapakanan ng mga mahihirap. 2. Bilang kasapi ng STAND-PNU, ang aking maitutulong para sa pag-angat ng partisipasyon ng mga mag-aaral ay makiisa sa mga organisasyon pinapatupad n gaming partido. 3. Oo, dahil ang pag-angat ng iba ay hindi napapakahulugan ng pagsuko sa halip ito ay dapat maging daan upang mas lalo pang maging produktong indibwal para sa lipunan.

Dave Lalong-isip (I-3) STAND-PNU

2nd Year Representative

1. Hindi ako sumasang-ayon sa death penalty dahil wala itong magandang idinudot. Ang pagpili ng estado sa pamamaraang ito ay sumasagka sa karapatan ng tao na mabuhay. Naniniwala ako na bawat tao ay may pagkakataon pa para magbago. 2. Upang mapataas ang partisipasyon ng mga mag aaral, isa sa mga magagawa ko bilang isang lider-estudyante ay ang tumulong sa information dissemination nang sa gayon ay bawat PNUans ay may alam sa mga kaganapan sa pamantasan at sa bansa. 3. Syempre. Kung ako man ay manalo sa posisyong aking tinatakbuhan ay patuloy kong paghuhusayan ang pagsisilbi sa PNUans. Kung hindi man ako ang manalo ay paghuhusayan ko pa rin dahil tapat ako sa tungkulin kong magsilbi sa PNUans.

Maria Theresa S. Ocampo (I-1) STAND-PNU

2nd Year Representative

1. Opo. Dahil laganap na ang krimenalidad sa bansa at tila wala nang takot ang mga mamayan na gumawa ng krimen. Kung may batas na mag-oppose sa pag-gawa ng krimen, matatakot ang mga mamamayan at maaring mabawasan ang krimenalidad. 2. Papalakasin at patuloy na pag-iigitingin ang mga aktibidad na may kinalaman sa “student involvement”at mag-paparticipate ako mismo upang mahikayat ko rin ang mga kapwa ko PNUANS. 3. Opo, hindi naman natatapos ang pagpapakita ko ng potensyal o sa madaling salita, ang pagpapakita ng aking galing sa konsepto ng “may nanalo” o “may napili” na. pana-panahon lang yan, marahil mapapansin din ang iyong galing sa mga susunod na panahon.

2nd Year Representative

Bernadette Ponferrada (I-3) STAND-PNU

1. Hindi ako sang-ayon sa Death Penalty sapagkat nakikita ko na hindi maayos ang sistema ng paghawak sa mga kaso dito sa ating bansa. Karamihan sa mga naaakusahan at nasisintesyahan ng pagkabilanggo ay mula sa mahihirap, marahil dahil sila nga ay ganoon. 2. Ang pagpapalaganap ng impormasyon o “information dissemination” ay maituturing nang “gasgado” para tumugon sa problemang ito. Ngunit sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos, maaring mas mapalakas ang student involvement. 3. Siyempre gagalingan pa rin! Dahil ang nanalo na iyon ay ako at ang ating partido. Kung may nanalo na at hindi ako iyon, gagalingan ko pa rin sa kahit ano pa mang aspeto sapagka’t manalo o matalo patuloy pa rin ang pagkatuto. At sa bawat pagkatutong nagagawa ng isang tao, higit pa iyon sa iniisip nating “panalo.”

Angelo Reyes (I-4) STAND-PNU

2nd Year Representative

1. Sa tingin ko hindi na kailangan ang Death Penalty dahil kaya pa namang solusyunan ang pinag-uugatan ng krimen. Babatay ito sa pagiging seryoso ng pangulo na magapi ito. 2. Sa tingin ko dapat magkaroon tayo ng komunikasyon sa bawat isa- simula 1st year hanggang 4th year. Dapat ang lahat ng mga PNUans ay magtulungan upang ang lahat ng mga mag-aaral ay magkakaroon ng oras upang lumahok sa mga ibat-ibang aktibidades ng ating Pamantasan. 3. Opo dapat mas lalo mo pang galingan para wala nang pagsisisi sa huli. Para imbes na panghihinayan ang madarama ay mapupuno ito ng kagalakan at alam mo na sa sarili mo na nagawa mo na ang best mo ngunit hindi ka pinalad.


Gabriel Alfonso A. Araneta (II-8 BSSE) STAND-PNU

3rd Year Representative

1. Isang malaking hindi. Naniniwala ang partido na maging kriminal man, ay bahagi ng lipunan. May malaking gampanin ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang itama ang pagkakamali ng mga kriminal, at hindi lamang pagpatay ang solusyon dito. Nakakabahala na sa administrasyong ito, pinapairal ang karahasan sa pagtama ng mga kasalanan. Maaaring ikatakot nga ng mga tao ang paggawa ng mali, ngunit maaaring magdulot ito ng pagiisip na ayos lamang ang manakit at pumatay. Hindi isa pang pagkakamali ang siyang tatama sa unang pagkakamali. 2. Sa isyung ito na matagal nang umiiral, marapat nating malaman kung ano nga ba ang dahilan. Sa pagkakataong ito punapasok ang pagsisiyasat. Dapat na magkaroon ng isang pag-aaral sa loob ng pamantasan na siyang maglalayong alamin ang mga sumusunod (a) dahilan kung bakit hindi nakadadalo (b) mga salik na makapaghihikayat upang dumalo (c) talaan ng oras at iba pa upang magkaroon tayo ng basehan sa ating mga programa at nang sa gayon ay malapatan natin ng karampatang aksyon ang mga problemang ito. Isa pang kailangang gawin ay ang masigasig na pagpapakalat ng impormasyon nang sa gayon ay hindi nahuhuli ang madlang PNUans sa mga kaganapan sa pamantasan. 3. Syempre. Kung ako man ay manalo sa posisyong aking tinatakbuhan ay patuloy kong paghuhusayan ang pagsisilbi sa PNUans. Kung hindi man ako ang manalo ay paghuhusayan ko pa rin dahil tapat ako sa tungkulin kong magsilbi sa PNUans.

Raymond Joseph L. Bersamin (II-24 BSCIEPHY) STAND-PNU

3rd Year Representative

1. Hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad ng Death Penalty. Dahil marami itong nilalabag. Unang halimbawa, nilalabag nito ang bioethics kung saan tinatanggalan ng karapatan ang isang tao para mabuhay. Hindi sapat na dahilan ang pag-gawa ng matinding krimen para tanggalan ng buhay. Marami pang ibang parusa na maaring ipataw bukod sa pagpatay. Isa pang halimbawa ay ang paglabag sa Bibliya. Wala dapat tayong karapatang kunin ang buhay ng isang tao, tanging Diyos lamang. 2. Lalo pa nating palalawakin ang student involvement para sa mga PNUANS. Hindi tulad ng nakaraang administrasyon, maglulunsad tayo ng iba’t ibang programa para sa PNUANS. At muli nating ipaparamdam na lahat tayo ay miyembro ng PNU-SG 3.

Syempre. Dapat sa lahat ng bagay ginagalingan. Kahit may nanalo na, kaya pa rin nating maging mas higit pa.

December-Anne Cabatlao (II-4 BFE) STAND-PNU

3rd Year Representative

1. Para sa akin ay hindi dahil naniniwala tayong sa STAND-PNU na ang bawat hustiya ay makakamit sa tamang proseso. Ang Death Penlaty ay hindi sagot sa kahingian ng lipunan. Maaring magbunsod na ito mas maigting pang mga suliranin tulad ng karahasan. 2. Lagi’t lagi makakamit natin ang mas mataas na bilang ng pakikilahok ng mga PNUANS. Kung tayo ay nasa organisadong proseso ng pagbibigay sa kanila ng impormasyon o kaalaman hinggil sa kung bakit sila dapat lumahok at siyempre upang sila ay mapapakilos. 3. Gagalinga pa! Hindi natatapos ang laban kung may nanalo na. kailangan pa rin ng pagsikhay sa bawat Gawain dahil ito ang magtatakda ng tunay na tagumpay. Maaring ito pa lamang ang simula upang patunayan mo ang iyong sarili nang di lumaon ay ito ang magiging lunsaran na iyong pagkapanalo.

Abigail V. Edroso (II – 26 BITED) STAND-PNU

3rd Year Representative

1. Hindi ako sang-ayon sa Death Penalty. Naniniwala ako na sa oras na maipatupad ito magkakaroon ng pag-aabuso sa kapangyarihan ang mga nasa posisyon dahil maari nila itong gamitin upang ipapatay ang mga mahihirap na laban sa kanila kahit ito’s inosente. 2. Ang magagawa ko hingil sa bumabang antas ng partisipasyon ng mga kapwa ko PNANS ay makiisa sa mga programa at hikayatin sila na maki-Sali. Gumawa rin nga mga programa na makakakuha sa kanilang mga interes para slia ay maki-bahagi. 3.

Oo! Dahil natatapos ang kagalingan ng sarili, may nanalo man o wala.

Ryan M. Vitalez (II – 24 BSCIEPHY) STAND-PNU

3rd Year Representative

1. Oo ngunit kailangang munang maging malinis at maayos ang justice system dito sa ating bansa. karagdagan pa ang ginawang pagbabawas ng mga kasong maaring mapatawan ng Death Penalty ay lubos kong tinutulan dahil ang mga kasong ito ang madalas na maikaso sa mga nasa posisyon. Sa madaling salita, mayroong politika sa pagpapatupad nito. 2.

Lalo pa nating patatagin ang pakikipag-ugnayan natin sa iba’t ibang sektor sa loob ng ating pamantasan.

3. Syempre naman dahil para naman ito sa PNUANS. At ako bilang isang estudyante dati na ring sinubukang tumakbo ngunit hindi pinalad, ngayo’y patuloy na rin ginagalingan dahil naniniwala tayong lahat n gang galing na ito ay paea sa PNUANS.


4th Year Representative

Jonathan Daved Dela Cruz (III-16 BSCIECHEM) STAND-PNU

1. Hindi po ako sang-ayon sa death penalty, kahit gaano pa man kabigat ang kasalanan ng isang tao, hindi ito sapat na dahilan upang bawian natin ang mga taong ito ng pagkakataon upang magbago. Marahil sapat na ang panghabang buhay na pagkakabilanggo. 2. Ang pakikilahok ko ay isang hakbang upang makahikayat ng mga PNUans para makisangkot sagawaing pampamantasan ang pambansa. Ngunit kailangan muna magkaroon ng mas matibay na sistema upang mapalakas ang mga programa para sa PNUans. 3. Lalaban pa ako, hindi dahil may nanalo na ay mananahimik at susuko na ako. Patuloy tayong lumaban dahil hindi lamang isa ang laban. Marahil talo tayo ngayon, dadating ang panahon na mananalo din tayo.

Jelo Matt Caromongan (III – 9 BSSE) STAND-PNU 1.

4th Year Representative

Hindi dahil, hanggat hindi maayos ang sistema ng hustisya sa asting bansa, ang mahihirap lamang ang mga biktima nito.

2. Palakasin ang pag-oorganisa at pag-papakilos sa kanila lalo na sa mga isyu. Sa pamamagitan ng mga forum at symposium hinggil rito. Ilubog ang proyekto ng SG sa masang PNUANS para “in” at maging kabahagi nito. 3. Oo! Dahil progresibo ang pagtingin o ang pagtingin na pagpapaunlad sa sarili kahit sa anumang bagay. Kaya kahit ilang bese pang may manalo, patuloy pa rin sa pagpapagaling sa ating sarili.

4th Year Representative

Mi Jerica Joyce T. Dalunag (III-2 BEE) STAND-PNU

1. Hindi ako sang-ayon sa Death Penalty sapagkat may mga tao, at karamihan ay mula sa mahihirap na sektor ng lipunan, na naakusahan ng krimen na hindi naman nila sala. Kung maisusulong ang Death Penalty, maaring masintesyahan ng hindi patas na kamatayan ang mga taong ito. 2. Hindi maitatangi na karamihan ng mga tao ay humaling sa mga social networking sites, kaya naman maaring sa pamamagitan ng pagpo-post at pagsi-share ng mga napapanahong usapin sa lipunan, maari silang marating. Maari rin na magpakalat ng mga infographics na kanyang lipunan. Maaring ang bumababang batas ng partisipasyon ay dapat hindi nila batid ang kanilang parte sa isang patuloy na nagbagong lipunan. 3. Aba syemre gagalingan ko pa rin! Baka mamaya e mala Steve Harvey sa Ms. Universe scene lang ang nangyari, kala ng lahat may nanalo nang iba, yun pala ako na. Pero kidding aside, marapat lang ang ikintal sa puso’t isip na hindi batayan ang pagkapanalo upang galingan pang lubos. Pakatandaan, hindi tayo dapat stagnant, patuloy lang ang paglinang para sa isang bayan na sumusulong at lumalaban.

Kiel M. De Guzman (III – 2 BEE) STAND-PNU

4th Year Representative

1. Hindi ako sang-ayon sa Death Penalty dahil hindi nito nilulutas ang mga suliraning tinatangkan basagin. Hindi nasosolusyunan ang polisiyang ito ang iba’t ibang kaso ng halimbawa, kriminalidad. Nararapat na ang ugat ng mga suliranin ang ating bakahin at hindi ang buhay ng mga biktima nito. 2. Makakatulong ako sa muling pagpapataas ng student participation sa pamamagitan ng pagmumulat sa PNUANS ukol sa isyung kinahaharap ng pamantasan at bayan. Sa tulong din ng Social Media, makikiisa ako sa pagbabahagi ng impormasyon at mga pangyayari. Sapagkat naniniwala kami sa STAND-PNU na ang hakbang tungo sa pagpapakilos ay pagmulat at pag-oorganisa. 3. Sino man ang manalo ay hindi makakaapekto sa aking mga ikikilos sa hinaharap. Nasa posisyon man o wala, mahalgaang pagsikhayan sa lahat ng mga Gawain. Hindi natin ginagalingan para manalo sa mga patimpalak o halalan kundi para magtagumpay sa paglilingkod sa PNUANS at sambayanan.

4th Year Representative

Rainier John T. Rovillos (III – 3 BEE SHS) STAND-PNU

1. I strongly condemn any form of capital punishment for guilty offenders. We must not be lured by the notion of a blind justice system that one must take life in order to defend it. Rain falls on the just and the unjust and by that analogy, let us uphold the truest and the most restorative justice on the basis of hope, peace and charity. Hate cannot resolve hate; only love can do that. we shall embrace and endeavor positive charge. 2. I will by whatever means immerse myself both in the plight and pleasure of my fellows PNUANS through our collective action. We will strive to investigate programs and project that will arouse, organize and mobilize the studentry for the greater good. We will keep an open and free communication to the communities and take necessary actions to protect and promote our interests, democratic necessary actions to protect and promote our interests, democratic rights and welfare. We shall be involved so that we are empowered. 3. Under all circumstances, we will still be inspired to always aim for the best. In my humble opinion, the only person we shall always outdo is none other than ourself. We shall aim to improve and absorb constructive criticisms to further inclusive growth. We will keep a focused mind and a steadfast heart that will help us bring about found judgement and strong relationships.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.