THE TORCH PUBLICATIONS TOMO LXXiV BLG. 3
2021 PNU-USC GENERAL ELECTIONS
Vote on June 17-19!
DIBUHO ● HUEYCENDEE REBOYA
THE TORCH PUBLICATIONS
ELECTION ISSUE
TOMO LXXIV BLG. 3 The Official Student Publication of Philippine Normal UniversityManila MEMBER: College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Progresibong Lupong ng mga Manunulat (PLUMA-PNU)
THE TORCH PUBLICATIONS TOMO LXXiV BLG. 3
EDITORYAL
Paninindigan sa linya Kapantay ng ibinabanderang mga plataporma, mahalagang gawing batayan ang talas ng paninindigan at linyang pinanghahawakan sa pagpili ng bagong iluluklok na kinatawan sa University Student Council – Central Student Council (USCCSC). Maingay at malikhain dulot ng iba’t ibang pakulo ang iginuguhit na mukha ng eleksyon sa Inang Pamantasan. Kabi-kabila ang paghahapag ng mga plataporma sa espasyo ng klasrum at social media na nilakipan ng kakaibang pamamaraan ng pangangampanya. Subalit ngayong taon, natatangi ang eleksyon sapagkat nag-iisang partido lamang ang nangahas na hingin ang pagkakataong mapagsilbihan ang PNUans sa gitna ng nagpapatuloy na krisis dulot ng pandemya. Malinaw na mabigat ang hamon na dapat sunguin ng susunod na mga lider-estudyante na uupo sa konseho kaya’t napakahalagang masigurado na sila ay may matatag na paninindigan sa kanilang tinatakbuhang posisyon at sa responsibilidad na kalakip nito. Matatandaang dalawa sa 10 konsehal ng kasalukuyang konseho ang nawala sa panahon ng kahingian partikular ang hindi pagsipot ng Committee on Appointments and Student Information (CASI) sa proseso ng pagtatalaga ng executive board ng Student Electoral Commission (SEC) at ang hindi na muling pagpapakita ng kanilang Finance Officer
(FO) sa konseho. Nakaapekto ito sa pagpoproseso ng mga dokumento at gawain ng iba’t ibang organisasyon na nakapailalim sa USC. Gayong hindi ipinagsasawalambahala ang personal na kalagayan at kadahilanan ng bawat naluluklok at umaalis sa katungkulan, hindi maitatanggi na malaki ang epekto nito sa kabuoang proseso at pagsulong ng konseho. Ngayong nasa kalagitnaan ang sektor ng edukasyon sa bagong moda ng pagkatuto at transaksyon, hindi biro ang pagbalanse sa buhay bilang mag-aaral at lider ng mga susunod na mauupo sa pwesto. Kasabay ng pagharap nila sa tungkulin sa liderato ang pagbaka nila sa hamong tangan bilang indibidwal sa labas ng pamumuno. Kaya naman, nararapat na magluklok ang PNUans ng lider na lampas sa mga dayalogo at dokumentong papel ang paninindigan dahil tumatawid ito sa aksyong nakabatay sa wastong ideolohiya na nakakiling sa paglilingkod sa masang magaaral at malawak na lipunan sa labas ng pamantasan. Dapat din na palakasin pa ng mga susunod na liderestudyante ang kritikal na pakikisangkot sa mga isyung panlipunan na direkta at ‘di direktang nakakaapekto sa bawat miyembro ng pamantasan. Kahingian na maging konseho ng mamamayan ang konseho ng mag-aaral. Mahalagang
Ngayong taon, natatangi ang eleksyon sapagkat nag-iisang partido lamang ang nangahas na hingin ang pagkakataong mapagsilbihan ang PNUans sa gitna ng nagpapatuloy na krisis dulot ng pandemya.
2
mayroong malinaw at matibay na tindig ang konseho sa mga isyung kinasasangkutan ng mamamayan at lipunan. Kabilang sa usaping ito ang distance learning, aksyongmedikal, mababang pasahod at paglabag sa karapatang pantao. Isang hamon sa mga susunod na lider-estudyante na hindi magpakulong bagkus ay bumalikwas sa mga kaisipang pumipigil sa makabuluhang pagbabago. Sa kabilang banda, malaki ang naabot ng kasalukuyang konseho sa pagpapanawagan sa kahingian ng bawat magaaral sa pamantasan. Kasama ang konseho sa pagtatambol at pagpapaabot sa mga hinaing at kahilingan ng mag-aaral tulad ng genuine academic ease, paglilimita sa synchronous at asynchronous class, pagbabalik ng faculty evaluation at pagpapahaba sa term break dulot ng iba’t ibang salik. Higit sa pagiging boses ang tungkulin ng konseho dahil kailangan ng masang mag-aaral ang liderestudyante na poprotekta at maggigiit sa kanilang mga interes at karapatan. Sa pagharap ng pamantasan sa iba’t ibang hamon bitbit ng pandemya, ang pagluluklok sa nagkakaisa at naninindigang hanay ng mga lider-estudyante ang pinakamahalagang dapat pagtagumpayan ng masang mag-aaral sa kasalukuyan. Matapos nito, mahalagang bantayan ang konseho sa pagtupad nito sa mga plataporma at masigurado ang lagi’t laging pagsalig nito sa interes ng nakararami para sa pangkalahatang ganansya. Hamon sa bawat isang magaaral na maging aktibong kalahok sa pagpili sa bagong kinatawan ng konseho sa darating na eleksyon. Nararapat lamang na pagbigkisin ang karapatan at responsibilidad upang maging lakas sa pagguhit ng kasaysayan ng pagkilos tungo sa higit na aktibo at progresibong konseho.
A.Y. 2020-2021 Kyril Jon Velasquez PUNONG PATNUGOT Jersey Cacalda Kawaksing Patnugot sa Filipino Dominic Kean Calavia Kawaksing Patnugot sa Ingles Ma. Nathalie Avendaño Patnugot sa Pamamahala Justine Patricio Patnugot sa BalitA Alizsa Joy Martinez Patnugot sa Lathalain Micarl Abrantes Patnugot sa PANITIKAN Shaine Christian Ocampo Patnugot sa Pananaliksik Jose Franco Castillo | Adrian Paul Cortez | Andrea Crisologo | Geline Despabiladeras | Erica Mae Gozo | Theodora Malvar | John Mark Mampusti | Faith Frances Miranda | Wayne Abcde Nasayao | Ariana Sofia Nedic | Joseph Eli Occeño | Nicole Lindsay Ramos | Tresia Traqueña | Dominick Silverio | Lois Laine Lua | Art John Arguelles | Abby Gail Tabernilla | Eric John Dimasakat | Sheena Mae Balonzo Istap
Joseph Robin Aguinaldo | Tracylyn Cadangin | Maria Angelika Castañeda | Monica De Vera | Jonalyn Domdom | Dwight LorenzFernandez | Kristine Rose Anne Garcia | Amiel Clark Laquindanum | Cereleane Jeune Leviste | Shereigne Leyson | Beatrice Namit | Nicole Navaritte | Everlinda Olid | Jenny Pabayos | Jhigo Pascual | Katherine Rabino | Kirk Cyril Ramos | Angelica Rago | Janina Rae Raymundo | Catrina Shaina Marie Sacares | Abbie Joy Salon | Mark Justin Santos | Dan Laurenz Sipalay | Mark Joseph Tan Korespondent
Elvia Nicole Aguacito Quenie Asilo Ezra Galauran Eric Dela Peña Jr. Hueycendee Reboya Rhegine Valconcha Bea Sophia Caratay Arts and Media Team Prop. Joel Costa Malabanan Kritiko sa Filipino at Tagapayong Teknikal ■ ■ ■
KASAPI College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Progresibong Lupon ng mga Manunulat (PLUMA-PNU) ■ ■ ■
OPISINA Rm. 304-4, Main Bldg., Philippine Normal University
ELECTION ISSUE ● JUNE 2021
THE TORCH PUBLICATIONS TOMO LXXiV BLG. 3
In 140 charactes, what is your advocacy? I divided my advocacies into 4 parts: Advocacy as an individual, student, student leader, and teacher. 1. Individual – Peace and Equality for Everyone, Active Community Engagement. 2. Student – #LigtasNaBalikEskwela and Quality Education for All 3. Leader – Inclusive, Transformative, and Pro-student Leadership 4. Teacher – Nationalist, Scientific, and Mass Oriented Education and Empowerment of Values Education.
Emmanuel
VECINO
Chairperson
Education is a right, yes, but are we getting the education we deserve? Listen to the teachers. Listen to the students. Listen when we say #QualityEducationForAll
Lea Marie
CASTRO
Vice Chairperson
I select these advocacies I mentioned because I believe that these are the anchors of my other advocacies. After all, it is important to have advocacies because it helps us determine our goals for ourselves, for others, and for our community.
COUNCILORS
DELOS SANTOS
EVANGELISTA
MANGARAN
MICO
NATIVIDAD /thetorchpnu
It revolves around the student engagement in PNU because the pandemic made it worse. In my platforms, we want to increase the students’ participation.
There is always a reason why we are here, accepting the challenges of being a studentleader in remote learning. My advocacy has been always for a transparent council for the students and speak for the people always.
I strongly believe that every PNUan has the right to know every single thing going on inside and outside our student council. Through establishing a digital bulletin board, the University Student Council would be able to disseminate and present all wellness resources into one easy-to-read access website. Furthermore, we promote active student engagement. Thus, all accredited school organization will help put up a website which includes the description of their organization, their goals, past achievements and other information that I believe, that can help each student learn more about different organizations in our school.
I am striving to champion a nationalist, scientific, and mass-oriented education for everyone. I am also fighting for a society free from discrimination and all forms of violence.
Madalas na ang mga suliranin ng kinabukasan ay mula sa mga isyung hindi napag-uusapan sa kasalukuyan. Naniniwala kami na kinakailangang paunlarin ang aspekto ng kalikasan sa mga usapin tungkol sa mga problema ng sambayanan. Sa platapormang “Kalikasan, Kalakasan” kikilalanin natin ang relasyon sa pagitan ng kahirapan ng Pilipino at ng kasiraan ng Pilipinas. Kaya bilang isang pamantasan ng mga guroestudyante, tungkulin nating hubugin ang kaisipan ng masang kabataan sa pagkilala ng mga katotohanang pangkapaligiran, tungo sa proteksyon ng ating karapatan at ng ating kalikasan.
OLAÑO
My three advocacies are, Cher-leader: extensive leadership workshops, science for the masses, and Organizations’ Coordination Support and Consultations.
OLOR
My advocacy ay mabigyan ang bawat atleta at artista ng suporta na kanilang kailangan upang mas mahasa pa sila at mapabuti ang kanilang sarili, sama-sama nating hahasain ang mga kagalingan at maipakita ang mga ito. Hindi lamang sa loob ng pamantasan kundi maging sa labas.
RODRIGUEZ
Ako si Dharenz Kelly Taborda, nakikiisa sa pagtataguyod ng ligtas, dekalidad,at makamasang edukasyon at karanasang pampagkatuto para sa lahat.
TABORDA Uphold academic freedom, inclusive education, and #LigtasNaBalikEskwela. We believe that through these advocacies, we are also calling for our right to education.
My advocacy has always been and will always be mental health for all; to envision living in a society where stigma will cease to exist.
URANING 3
THE TORCH PUBLICATIONS TOMO LXXiV BLG. 3
HOW TO VOTE? Important steps to guide you for the 2021 PNU-USC General Elections
1
Electorate will receive an email from the commission which contains the following information: 1. Manner of Voting 2. Prohibitions in Voting 3. Voting Period 4. Persons to Contact/ Help Desk 5. Voting Credentials: A. Google Form Link B. Registered Name C. Email D. Electorate Code
2
Access the Google Form link provided in the email.
3
Proceed to other sections/pages of the Google Form through clicking the Next button.
4
Insert the needed information in the following section/pages: Electorate Code - Section/Page 3 Name - Section/Page 4 Email Address - Section/ Page 5
*Note: The information that you will input must match your registered voting credentials provided in the email. Avoid putting a space after the information.*
5 6
Proceed to other sections/pages of the Google Form through clicking the Next button. Electorate can start voting in Ballot Section: Chairperson - Section/Page 8 *Note: You can vote at most 1 candidate* Vice Chairperson - Section/Page 9
*Note: You can vote at most 1 candidate*
Councilors - Section/Page 10
*Note: You can vote at most 10 candidates*
7
Electorate may recheck his/her ballot before casting their votes.
8
Cast your votes by clicking the submit button.
9
Read the confirmation message that your vote has been casted.
10
Read the receipt sent in your email which includes all the answers you submitted in the Google Form.
!!! IMPORTANT NOTICE !!! The following email may send your VOTER’S CREDENTIALS: 1. borlagdandavid@gmail.com 2. todorokufennikkusu@gmail.com 3. zabalakristian39@gmail.com
4
ELECTION ISSUE ● JUNE 2021
THE TORCH PUBLICATIONS TOMO LXXiV BLG. 3
Ink your Pen, Serve the People!