Ang Opisyal na naPahayagang Pahayagang Ang Opisyal Pangmag-aaral ng Pamantasang PamantasangNormal Normalng ngPilipinas Pilipinas Pangmag-aaral ng
People's SONA )Page 4) a
Miyembro: College Editors Guild ofofthe Miyembro: College Editors Guild thePhilippines Philippines(CEGP)d (CEGP) Progresibong Lupon Pambansang Luponngngmga mgaManunulat-PNU Manunulat-PNU(PLUMA_PNU)a (PLUMA-PNU)
The real enemy of peace )Page 3) a TOMO 70 BLG. 1 MAYO-HUNYO
Who's that Pokemon? )Page a 6) a
INK YOUR PEN SERVE THE PEOPLE
2 BALITA
Kampanya sa usaping kapayapaan, idinaos ng mga lider-estudyante Erving Sinaking
N
agkaisa ang Alliance of Concerned Teachers- Education Students (ACTES) PNU, Anakbayan PNU at Gabriela PNU upang suportahan ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas (GPH) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pamamagitan ng pagdaraos ng Dove Week, Hulyo 18-22. Ang pormal na usaping pangkapayapaan ay magsisimula sa buwan ng Agosto sa Oslo, Norway. Ang mga adyenda rito ay sasaklawin ang mga pagkilala sa mga nauna at napirmahang mga kasunduan; pabilisin ang mga mahahalagang adyenda sa usapan tulad ng muling pagbubuo ng listahan sa Join Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), amnestiya para
sa pagpapalaya ng lahat ng bilanggong political at tigil putukan sa pagitan ng puwersang military ng GPH at ng New People’s Army (NPA). Pinakatampok sa adyenda ang Comprehensive Agreement on Socio- Economic Reform (CASER). Dito nakapaloob ang pagkakaroon ng pagtaas ng sahod, libreng edukasyon at reporma sa lupa. “Bilang PNUan, mahalagang suportahan natin ang usapin ng kapayapaan sa pagitan ng (GPH) at NDFP dahil ito ang maaaring maging unang hakbang upang tayong mga pangkaraniwang mamamayan ay mabigyang pansin sa lipunan,” ayon kay John Vincent Gonzales, tagapangulo ng Student Alliance for the Advancement of the Democratic Rights in PNU (STAND-PNU). Pinangunahan ng ACT-ES PNU ang paglalagay ng mga freedom wall sa Luncheonette. Kasabay
nito ang paglunsad ng mga porum at diskusyon para sa mga estudyante higgil sa mga inaasahan sa mangyayaring usaping pangkapayapaan. Lumahok ang mga mag-aaral kasama ang sektor ng kalusugan, kabataan at kawani sa ‘Human Chain for Peace’ sa Padre Paura noong Hulyo 22 upang ipanawagan ang pagsuporta ng sambayanang Pilipino sa papalapit na pagsisimula ng usaping pangkapayapaan at pag-iimbita sa SONA ng Bayan sa Batasang Pambansa, Hulyo 25. “Ang pagsisimula ng kampanya para sa kapayapaan ay magmumulat sa mga kabataan upang makialam, makisangkot at makiisa sa usaping pangkapayapaan at pagpapalaya ng mga bilanggong political,” pahayag ni John Alvin Perdigon, Speaker of the House ng Sangay Lehislatura ng PNUSG Manila.
TRO laban sa CMO No. 20, s. 2013, panalo! – Tanggol Wika Anthony Abrenio Lourdes Espiritu
N
ailinaw sa ginanap na dayalogo, Hulyo 13 ang pagdedeklara ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, series of 2013 bilang tugon sa kalagayan ng mga guro sa pribadong paaralan na may Senior High School (SHS). Dumalo sa nasabing dayalogo ang kinatawan ng Tanggol Wika na si Prop.
David Michael San Juan, Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities of the Phillppines (COTESCUP), kinatawan ng ACT Teachers Party list na si Rep. Antonio Tinio at Dr. Patricia Licuanan, tagapangulo ng CHED kung saan iginiit ang pagbabalik sa anim hanggang siyam na yunit na mga asignatura sa Filipino ng General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo. “Ang layunin ng petisyon ay ipabasura ang CMO No. 20 at ipadeklara itong hindi
naaayon sa konstitusyon. Matagal man yung kaso, panalo na tayo rito dahil may Filipino pa rin sa Senior High School (SHS) at kolehiyo.” paliwanag ni San Juan. Isa rin sa mga napagusapan ang mga hinaing ng kaguruan katulad ng hindi makatarungang pagtatanggal sa mga guro sa serbisyo dahil sa K to 12, mababang pasahod, at mabagal na proseso ng mga benepisyo at tulong na kanilang dapat matanggap.
LOKAL Ano ang iyong saloobin sa nalalapit na paggiba sa Student Center Building? Bakit? Para sa akin, ako'y natutuwa para rito sapagkat magkakaroon ng pagbabago sa pamantasan at mas magiging kaaya-aya ang anyo nito, ngunit nalulungkot lamang ako sa isang dahilan na para bang sa tagal na nakatayo ito ay gigibain na lamang at para bang mawawala na rin ang tradisyunal na itsura ng pamantasan. ~ Dyosa, IV-A BECED Hindi ako sang-ayon sa paggiba nito dahil puso na o tahanan ng bawat organisasyon sa ilalim ng I.C.U.C.O.S ito. Saan ililipat? Gaano katagal? Anong kasiguraduhan? ~ Sassy Red, II-15 Excited dahil mapapalitan naman ito ng maganda at maayos na building para sa mga estudyante. Sana lamang ay mas lumaki ang espasyo para sa mga organisasyon ~ 4th year, BECED
NASYUNAL Sang-ayon ka ba na ilibing si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa libingan ng mga bayani? Bakit? HINDI (with conviction)! Para mo na ring inilibing ang alaala ng mga inosenteng buhay, mga tinorture, political prisoners, pati na rin yung external debts ng bansa na hanggang ngayon ay binabayaran ng mamamayang Pilipino. ~ Alunsina, II-6 BLE Oo dahil patay na nga siya, wag nang pag-initan pa. ~ Secret Bagamat may mga nagawang proyekto noong panahon ni Pangulong Marcos na napapakinabangan pa rin ngayon. Sa aking pananaw ay mas maigi na sa kanyang bayan na lamang siya ilagak. ~ Anonymous Neutral lang din po. Marami namang naitulong si former President Marcos para sa Pilipinas. ~ Nads, II-12
Oo Neutral Hindi
4.7%
“Hangga’t maaari, sana manatili ang Filipino, Panitikan, at Philippine Government and Constitution sa kolehiyo dahil mahalaga ang mga ito sa paghuhubog ng mamamayang makabayan na nagtuturo kung ano ang responsibilidad at karapatan ng bawat Pilipino,” diin ni San Juan. “Isa itong pagkakataon
47 % 48.3% para sa ating gobyerno na magkaroon ng kapangyarihan makapagpatupad ng mga alituntunin kaugnay sa mga ganitong usapin, lalo na sa mga pampribadong paaralan habang pinangangalagaan ang karapatan ng mga guro at empleyado gayundin ang pagpapanatili sa kalidad ng edukasyon.” dagdag ni Tinio.
EDITORYAL
3
The real enemy of peace “The supreme art of war is to subdue the enemy without fighting.” – Sun Tzu President Rodrigo Roa Duterte’s declaration of ‘war on drugs’ is nothing but a detrimental take against the people’s right to due process and security, and thus, creating a culture of injustice. Considering prevalence of drugs and criminality in the country, it is but an effect. Brought about by the continuous existence of a semi-feudal and semi-colonial society---poverty. With the first attempt at peace talks, the implementation of the Comprehensive Agreement on Respect to Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) was implemented providing the marginalized sector with equal rights and opportunities. The establishment of Lumad schools in Mindanao were made possible. Yet the number of extrajudicial killings and militarization have dramatically increased under the past Aquino regime. Putting into record 68 indigenous people (IP) killed where 53 of which were Lumad while increasing the Armed Forces of the Philippines (AFP) battalions’ deployment in the regions of Mindanao to over two thirds of their total number, resulting to the indigenous peoples’ (IPs) forced dispalcement from their ancestral domains. Among
017 6-2 1 0 2
the killings which concerned even the mainstream media was the Liangga Massacre, taking down three lives of tribe Lumad leaders. Among them is the life of the Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) executive director, Emerito Samarca, shot dead in school, in front of the students. This is, in so far as CARHRIHL is concerned, a total degradation of the IPs’ right to self-determination and education and a shame to what BS Aquino calls his regime, “daang matuwid”.
Ergo, the declaration of war must be aimed towards the dismantling of advantageous agreements hidden under the façade of decency. Even before the elections, the president has declared his agreement to the pursuance of national industrialization while, on
the other hand, blatantly agreed to the entry of foreign investments. Hitting two birds in one stone, this bigotry by the president is obviously problematic. The sole fact that foreign intervention has open access in the points of the country, as the president is open so, threats of competition against local businessmen will proportionally increase. Thus, risking the other goal of the president— to establish national industrialization. Relatively, through the resumption of peace talks, Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) are expected to happen. With CASER, the formation of industries, which will effect increase in wages, increase in the availability of jobs, and forth, bring an independent, self-sufficient economy of the country, is probable. Undoubtedly curing the severity of the Philippine economy and addressing the rampant scheme of contractualization in factories and working sites suffered by 15 per cent of the Filipino people instigated decades ago by the roster of puppet presidents the Philippines had. For the sake of just
and long-lasting peace, it is rightful that the people, along with the existing parties, governments, fronts and groups in the country, unite in support to its resumption. Rooting the causes of drug criminality, the economic issues tie them all up, leaving it only as a mere result. So long as peace is pursued and acquired, avenues for negotiating pro-people terms are opened, protecting, hence, the masses safe from the dangers of exploitation,
administrative atrocities and the hands of the imperialist powers. After all, the universal force that hinders the people from their socio-economic advances is poverty through exploitation. Ergo, the declaration of war must be aimed towards the dismantling of advantageous agreements hidden under the façade of decency.
John Thimoty A. Romero, Punong Patnugot; John Reinz R. Mariano, Kawaksing Patnugot sa Filipino; Maria Theresa N. Morta, Kawaksing Patnugot sa Ingles; Kaye Ann Oteyza, Patnugot sa Pamamahala; Andrea P. Dasoy, Kawaksing Patnugot sa Pamamahala; Jimnoel C. Quijano, Patnugot sa Balita; Airalyn Gara, Patnugot sa Lathalain; Cedric T. Bermiso, Patnugot sa Panitikan; Louriel M. Danseco, Patnugot sa Pananaliksik; Vincent Anthony V. Abrenio, Juvilee Ann V. Ausa, John Gabriel L. Cabi-an, Ma. Veronica Carabuena, Yhunice G. Carbajal, Pearl Diane C. Centeno, Joseph Victor D. Deseo, Ma. Lourdes Clarita B. Espiritu, John Carlos D. Evangelista, Inah Marie I. Gacanal, Sofia Loren S. Goloy, Ronalyn H. Gonzales, Marc Conrad I. Manaog, Jules Angelica E. Marcelo, Janine P. Solitario, Joanna Marie Yumang, Istap; Angelo Artista, Daniella Andrea Bustillo, Ella Grace L. Caliwan, Lexter A. Castro, Jhantzhen Cornelio, Riza Anysius Fetalvero, Charmaine Josephine S. Garin, Jessie Guevarra, Angelica C. Latac, Jennifer Mendoza, Mara Pola Gail R. Mijares, Kamila Beatrice Miranda, Veronica Nepomuceno, Mark Angelo Ramos, Karen DC. Raquinel, Kheiana Ardeen Denireish C. Rey, Romina Reyes, Marynell Sagum, Erving Sinaking, Korespondent; Enrico Norman G. Balotabot, Precious G. Daluz, Denielle M. Galo, Lyn D’ Amor M. Macabulit, Urek T. Pondare, Vienna Antoniette M. Tungal, Arts and Media Team; Sarah C. Butad, Retratista; Apple Marie M. Bueno, Tagaanyo; Joshua T. Veluz, Puno ng Arts and Media Team; Prof. Joel Malabanan, Kritiko sa Filipino; Prof. Victor Rey Fumar, Kritiko sa Ingles at Tagapayong Teknikal.
4 BALITA Health Workers
Sinuportahan ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at ng NDFP kasama ang panawagan sa libre, komprehensibo at progresibong serbisyong pangkalusugan sa ginanap na SONA ng Bayan sa Batasan Hills, Hulyo 25. Tinutulan ng HEAD ang pahayag ni Sec. Paulyn Jean Ubial, bagong kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, sa pagnanaisna ipagpatuloy ang korporatisasyon at pribatisasyon sa mga pampublikong ospital at ng mga nakaraang administrasyon na Universal Health Care at Philhealth na umano’y daluyan ng korapsyon. “Naudlot man ang Public Private Partnership-Built Operate Transfer na kontrata sa pagtatayo ng Philippine Orthopedic Center (POC), maaaring i-korporatisa rin ito tulad sa plano ng DOH sa Fabella Hospital. Tutungo pa rin ito sa pagkait ng serbisyo sa sambayanang Pilipino” opisyal nitong pahayag. Iginigiit din ng sektor na bigyang-pansin ang kakulangan ng manggagawa dulot ng mababang pasahod at kontraktwalisasyon at pagsulong sa pambansang minimum na sahod para sa mga manggagawa. “Pinakamahalaga ang kapasyahan upang magkaroon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at ng NDFP maging ang paglutas sa mga ugat ng armadong tunggalian sa bansa.”ayon sa sektor. “Kaya, higit na mahalaga sa ngayon ang pagsusuri sa kalagayan, masiglang kilusang masa at mga organisadong pagkilos ng mga mamamayan upang maitulak ang minimithing pagbabago,” pagtatapos nito.
Manggagawa
“Ang usaping pangkapayapaan ay magsisilbing lugar para sa mga panawagan sa regular na trabaho, disenteng sahod at respeto sa karapatan ng mga manggagawa,” ani Jerome Adonis, Secretary General ng Kilusang Mayo Uno (KMU) bilang pakikiisa sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP na itinampok sa SONA ng Bayan noong ika-25 ng Hulyo. Binigyang-diin ng KMU ang panawagang pagbabasura sa Department of Labor and Employment (DOLE) Order 18-A na nagsasaligal ng kontraktwalisasyon. “Napakababa (ng sahod). Kulang na kulang para sa isang pamilyadong manggagawa lalo’t tulad naming kontraktwal, walang benepisyong nakukuha,” pahayag ni Jonathan Matuceña, pangalawang pangulo ng Samahan ng Manggagawang Kontraktwal (SAMA-AKO), unyon ng mga manggagawang kontraktwal ng Wyeth Philippines na tinanggalan ng trabaho noong 2014 dahil sa paghapag nila ng petisyon para sa regularisasyon at sa pagiging kasapi ng SAMAAKO— isang union-busting. “Ang panawagan sa pambansang minimum na sahod (PhP 750 para sa mga kawani ng pribadong sektor at PhP 16,000 naman sa mga kawani ng gobyerno) ay nararapat lamang. Maiibsan nito ang kagutuman at kahirapan sa pamilya ng mga manggagawa. Marapat lamang na itaas ang sahod kapantay ng living wage,” pahayag ni Elmer “Ka Bong” Labog, Chairperson ng KMU. Ayon sa IBON Foundation, 29.4% lamang ang mga manggagawa na sumasahod ng mas mataas sa minimum wage, 24.6% ang mga sumasahod ng minimum wage at 46.1% naman ang mga sumasahod ng mababa
sa minimum wage. “Inaasahan naming na si Pangulong Duterte ay tutugon sa panawagan ng manggagawa na makabuluhang pagbabago, pagunlad at kapayapaan,” pahayag ni Labog.
Maralitang Tagalungsod
Prog orgs: Peace ta
Nagmartsa patungong Batasang Pambansa, Hulyo 25 ang i ng Bayan upang suportahan ang isinusulong na usaping pa at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) n solusyon sa mga suliraning iniwan ngayon) ay isulong yung kapayapaan, tulungan yung mga maralita, magkaroon ng trabaho, sapat na sahod at ibasura ang K-12,” pagtatapos ni Rubis.
Kabataan
Kababaihan
Nakiisa sa pagmartsa ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa ginanap na SONA ng Bayan upang suportahan ang mga usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP ng administrasyong Duterte bilang tugon sa mga suliranin ng sektor katulad ng demolisyon, kawalan ng tiyak na tirahan at disenteng trabaho at sahod. Ayon sa datos ng KADAMAY, nasa 1.4 milyong pamilyang Pilipino ang nanganganib sa banta ng demolisyon na dulot ng 14 na proyekto ng PublicPrivate Partnership (PPP) na inaprubahan ng dating administrasyong Aquino. “Nawawala sa amin, hindi lang yung tirahan, pati yung kabuhayang nilikha namin,” ani Normelito “Ka Pandong” Rubis, tagapagsalita ng organisasyong Pagkakaisa at Paglaban (PagPag) at lokal na lider ng Samahan ng Nagkakaisa sa Plastikan sa Payatas, Quezon City. Iginiit ni Rubis na kahit na sa paligid ng Payatas ang mga bantang panganib katulad ng leptospirosis at iba pang sakit, napipilitang manatili ang maralitang tagalungsod sa lugar dahil sa kahirapan ng buhay at kawalan ng trabaho buhat kawalang pansin ng nagdaang administrasyon. Binatikos din ng sektor ang suportang Conditional Cash Transfer sa anyo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) dahil sa mga isyung iregularidad. Ayon kay Carlito Badion, punong kalihim ng KADAMAY, hindi ito nakakaabot sa mga higit na nangangailangan, bagkus ay ginagamit ito upang pagtakpan ang tunay na kalagayan ng mga mahihirap sa tuwing may mga pandaigdigang pangyayari katulad ng nagdaang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit at sa pagbisita ng Santo Papa Francisco noong 2015. “Ang nais lamang naming sabihin kay Pangulong Duterte (kung nandito siya
Nagmartsa patungong Batasang Pambansa ang Gabriela – militanteng organisasyon ng kababaihan – upang ipanawagan ang kalagayan ng kababaihan, ang pagtigil sa kontraktwalisasyon at pagpapalaya sa mga bilanggong politikal. Bilang pakikiisa sa napapanahong usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP. Ipinanawagan ng sector ang pagsasabatas ng House Bill 1045 o ang Regular Employment Bill laban sa kontraktwalisasyon at isulong ang iba pang mga polisyang mangangalaga sa karapatan ng kababaihang Pilipino. “Ine-encourage nga natin si Pangulong Duterte na i-address yung issue ng violence against women and children, liban pa sa pag-aaddress sa problema ng droga, kriminalidad at yung malala ring karahasan sa kababaihan at mga bata.” ayon kay Joms Salvador pangkalahatang Kalihim ng Gabriela. Ayon sa tala ng KARAPATAN, isang alyansang nagsusulong ng pangkarapatang pantao sa Pilipinas,sa 304 na bilanggong politikal sa ilalim ng administrasyong Aquino, 50 dito ay kababaihan. “Marami sa kanila’y (bilanggong political) may mga sakit na, matatanda at deka-dekada na halos sa kulungan pero hindi umuusad ang kaso.”ayon kay Salvador. “Malaki yung inaasahan ng mga mamamayansa pangakong pagbabago ni Pangulong Duterte.Sa kanyang unang anim na buwan, kagyat sanang gumawa ng hakbang para lutasin yung mga problemang iniwan ng nakaraang administrasyon.” pagtatapos ni Salvador.
Ipinahayag ng Anakbayan ang kanilang suporta sa Usaping Pangkapayapaan particular ang mga kasunduan sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Rodrigo Duterte noong ika-25 ng Hulyo sa Batasang Pambansa, Quezon City. Nakapaloob sa CASER ang mga kasunduang pang-ekonomiya katulad ng pagpapataas ng sahod, pamamahagi ng lupang sakahan, libreng edukasyon sa lahat ng antas at pambansang industralisasyon. “Ito ang magsisilbing solusyon upang makamit ng mga kabataang empleyado, magsasaka at mangingisda ang tunay na kapayapaan na nakabatay sa katarungan at hustisya.” Pahayag ni Christian Lloyd Malsoy, Chairperson ng Anakbayan Metro Manila. Ayon sa tala ng Anakbayan, 400,00 na mga nakapagtapos ng Grade 10 ang hindi nakapag-enroll para sa Senior High School (SHS) ngayong taon. Dagdag pa ni Malsoy, nakadisenyo ang K to 12 upang magsilbi sa dayuhang negosyante at namumuhunan – patunay sa di-abot kayang edukasyon sa bansa. “Ngayon, kakaunti na lang ang mga kabataan na magkokolehiyo. Kaya patunay ito na hindi talaga priyoridad noong nakaraang administrasyon ang usapin ng edukasyon. Talagang nakadisensyo na ‘wag na kayong (mga kabataan) mag-aaral.” diin ni Malsoy. Kaugnay nito, 304 na pamantasan sa bansa ang nagtaas ng martrikula at iba pang bayarin ngayong taon. Hunyo 6 nang inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtaas ng matrikula na aabot sa PhP 43.9 kada yunit na ayon
Mga Kore
BALITA
alks, ipagpatuloy!a
iba’t ibang progresibong organisasyon sa ginanap na SONA angkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas (GPH) ng rehimeng Duterte kasabay ng panawagan sa kagyat na n ng nakaraang administrasyon.a kay Malsoy ay nagiging dahilan upang maging komersyalisado ang edukasyon. “Umaasa kami na sa anim na taon na panunungkulan ni Pang. Duterte ay maibabasura na ang K to 12, gawing libre ang edukasyon at ipaglaban ang edukasyong makabayan, siyentipino at makamasa.” Pagtatapos ni Malsoy.
Kaguruan
kagaya ng socio-economic reform… mapag-uusapan ang pinag-uugatan ng kahirapan, kontraktwalisasyon, trabaho, mga demolisyon, paglabag sa karapatang pantao at marami pang iba,” pagbubuod pa ni Valbuena. Nagpahayag si Valbuena na susuportahan ng mga guro ang lahat ng mga progresibong pagbabago ng administrasyong Duterte, gayon pa man nakabantay din sila hinggil sa mga isyung kinahaharap ng iba’t ibang sektor.
Magsasaka
Pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagsuporta sa pagpapanumbalik ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP na itinampok sa SONA ng Bayan noong ika-25 ng Hulyo sa Sandigan Bayan, Quezon City bilang tugon sa isyung kinakaharap ng mga guro katulad ng K to 12, maliit na badyet sa edukasyon, security of tenure, militarisasyon sa mga paaralan, mababang sahod at kawalan ng benepisyo. “Sa anim na taong panunungkulan ni dating Pang. BS Aquino, isinantabi’t binalewala ang kalagayan ng mga guro. Wala kaming napala kung hindi ang PhP 500 na pagtaas sa sahod kung kaya’t patuloy ang panawagan ng mga guro upang matugunan ang mga pangangailangan sa edukasyon,” saad ni Benjamin Valbuena, pambansang pangulo ng ACT. Inihalimbawa ni Valbuena ang National Capital Region (NCR) kung saan kailangang kumita ng mahigit kumulang PhP 30,000 sa isang buwan upang mabuhay nang disente at marangal. Subalit ang kasalukuyang buwanang sahod ng Teacher I na kawani ng gobyerno ay umaabot lamang sa PhP 19,143. Binigyang-diin niya na sa kabila ng mataas na cost of standard living sa bansa (PhP 1,088) hindi pa rin sapat ang natatanggap na benepisyo ng mga guro. “… dito (usaping pangkapayapaan) mapaguusapan ang lahat lahat
espondent
“Ang magsasaka at manggagawa ang mga pangunahing makikinabang ng pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan na siyang makakasagot sa mga ugat ng kahirapan at patuloy na digmaan,” ani Rep. Ariel Casilao, kinatawan ng Anakpawis bilang pagsuporta sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP. “Malaki ang maidudulot ng usaping pangkapayapaan lalo na sa kanayunan na patuloy ang militarisasyon at walang tigil na pagpapahirap lalo na sa mga magsasaka,” dagdag ni Bernard Villanueva, tagapagsalita ng Anakpawis. Binatikos naman ng Kilusang Magsasaka ng Pilipinas (KMP) ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Agrarian Reform (DAR) dahil sa kakulangan ng aksyon hinggil sa lumalalang kaso ng pang-aabuso at pagpatay sa mga magsasaka. Ayon sa tala ng Tanggol Magsasaka, may mahigit na 200 kaso ng pagpatay at 723 kaso ng ‘incarceration due to fabricated charges’ sa mga magsasaka noong 2015. “Habang ang pangulo ay naninindigan sa pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan, matapos ang kanyang panunumpa, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay pinagpapatuloy pa rin ang mga operasyon na pagpatay at
pagpapahirap sa mga magsasaka dahil sa Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino,” diin ni Casilao. “Naniniwala kami na ang bagong administrasyon na matutugunan nito ang mga pangangailangan ng magsasaka at maisakatuparan nito ang mga ipinangako niya noong siya ay nangangampanya pa lamang,” pagtatapos ni Casilao.
Indigenous People
Kasabay ng panawagang itigil na ang militarisasyon sa kanayunan, disarmahan ang mga paramilitary at ibalik ang mga lupang kinakamkam ng mga malalaking korporasyon sa Mindanao, ipinahayag ng Tinananon Kulamanon Lumadnong Panaghiusa (TIKULPA) at ng iba pang organisasyong pangkatutubsa ginanap na SONA ng Bayan, Hulyo 25 sa Batasang Pambansa ang suporta sa pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPF at NDFP. Binatikos ng sektor ang pangangamkam ng mga malalaking korporasyon sa lupain ng mga katutubo. “Gustong pasukin ng malalaking kompanya ng pagmimina ang aming lupain kaya itinataboy at tinatakot ang mga katutubo,” giit ni Marlinda Indao, miyembro ng TIKULPA. Dagdag pa, mahigit kumulang 18 tribo ng mga Lumad mula sa Mindanao ang apektado sa paglusob ng mga military na nag-aakusang sinusuportahan ng mga katutubo ang New People’s Army (NPA). “Dahil dito nagkaroon ng mga limitasyon sa’min gaya ng hanapbuhay, edukasyon at maging sa kalusugan,” pahayag ng isang katutubong Lumad. “Libo libong mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hindi pa kabilang dito ang mga paramilitary, ang nagsasagawa ng mga operasyong pangmilitar katulad ng Peace and Development Outreach Program (PDOP), isang mapanlinlang na taktikang tumatakip sa maraming kaso ng pagpatay,” ayon kay Jorge Madlos, tagapagsalita ng NDF Mindanao. “…sana yung inilatag niyang (Pang. Duterte) mga pagbabago ay maranasan naming lalo na sa kalagayan naming sa kanayunan,” pagtatapos ni Indao.
5
lamang ang kapayapaan kung bibigyang solusyon ang mga pangunahing dahilan kung bakit nag-aalsa ang sambayanang Pilipino,” pagtatapos ni Catuira.
Migrante
Drayber
Pambansang industriyalisasyon ang panawagan ng grupong Migrante bilang pakikiisa sa isinusulong na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH) at ng NDFP sa bagong rehimeng Duterte. “Positibo ang pagtingin naming sa usaping pangkapayaan kung talagang kikilalanin ng rehimeng Duterte ang mga lehitimong panawagan ng mamamayan sapagkat dito tatalakayin ang kalagayang pangekonomiya at politika ng bansa,” pahayag ni Mic Catuira, punong kalihim ng Migrante. Binatikos ng sektor ang kapabayaan ng administrasyong Aquino sa dami ng mga Pilipinong binitay sa kanyang panunungkulan. “Sa kasalukuyan, mayroon nang 15 bangkay na Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa iba’t ibang bansa at may walong bilanggo. Iba pa ang mga may sakit, hindi makauwi, naaksidente at naipit sa giyera,” ayon kay Catuira. Dagdag pa niya, ilang buwan nang hindi sumasahod, walang makain at hindi makapagdala sa kanilang mga pamilya ang ilang mga OFW dulot ng mga nagsasara o mga hindi rehistradong ahensya ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Inihalimbawa ni Catuira ang mga OFW sa Saudi Arabia na hindi makauwi dulot ng sinampang kao, kawalan ng residence permit at permit to work dahil sa giyera. “’Yung mga nakakabalik dito ay walang tiyak na hanapbuhay, walang naipon kaya hanggang ngayon yung benepisyo sa kanila (tulad ng) OWWA benefits na dapat sana nilang matanggap ay pilit pa ring (tinatanggi) ng gobyerno sa kanila,” dagdag ni Catuira. “Walang kapayapaan kung walang hustisya at walang kaunlaran kung walang kapayapaan. Matutuganan
Nakiisa ang mga drayber sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa SONA ng Bayan upang suportahan ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP bilang tugon sa mga isyung kinakaharap ng sektor. “Nariyan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa ilalim ng Oil Deregulation Law at PhP 12 Extended Value Added Tax (EVAT) sa langis na siyang nakapagpapalit sa kita ng mga drayber,” ayon kay Modesto Floranda, pangulo ng PISTON. Idinaing ng PISTON na kailangan nang maibasura ang Executive Order No. 1 series of 2014 na nagtatakda ng multang PhP 1,000- Php 5,000 sa mga kolorum o mga drayber na lalagpas sa kanilang ruta. “Ito ay dadagdag lamang sa batbat na pahirap na kinakaharap ng mga drayber ngayon,” giit ni Floranda. Kasama ring tinutulan ng organisasyon ang planong Jeepny Phase-out ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) o ang hindi pagpapahintulot sa pagpasada ng mga jeep na lampas 15 taon na ang itinagal. Ayon sa No to Phaseout Coalition (NTJPC), maaaring maapektuhan nito ang 600,000 drayber at 200,000 operator ng jeep. “…kailangang ibasura ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte (ang mga batas na ito) para maabot niya (Duterte) ‘yung sinasabi niyang usapin ng pag-unlad at usaping pangkapayapaan sa Pilipinas,” pagbubuod ni Floranda.
Sanggunian ng mga larawan: Kodao Productions
6 BALITA
The Torch owns 3-peat in Gawad ERJ Best Magazine Jimnoel C. Quijano
M
erited as Best Magazine, Ang Sulo Magazine ‘16 wins a 3-peat in the 17th Gawad Ernesto Rodriguez Jr. (ERJ) – Magazine Category in the 76th National Student Press Convention (NSPC) and 38th Biennial Student Press Congress (BSPC) held by College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at Western Visayas State University , Iloilo City, August 3-7.
Being the oldest tertiary journalism guild in Asia-Pacific and the only alliance of collegiate publications in the Philippines, CEGP celebrates in 85th year of pro-masses servitude. Also, CEGP awards the 17th Gawad ERJ on other major and minor categories, 12th Gawad Benjamine Hernandez for the publication with an exemplary program on human rights and 36th Gawad Marcelo H. Del Pilar, the highest citation
given by the Guild to its outstanding alumni. Sets of lectures, workshops and classroom discussions were conducted in the convention to hone the journalistic skills of the students and heighten their socio-political consciousness. Delegates were also directed to local communities to practice basic masses integration. Sanggunian ng larawan: College Editors Guild of the Philippines
Tunay na repormang agraryo sa HLI, prayoridad ni DAR Sec. Mariano
Lexter A. Castro
“
…walang magsasaka ang dapat mapaalis o mapatalsik sa kanyang lupang sinasaka,” pahayag ng bagong kalihim ng Kagawaran ng Repormang Agraryo (DAR) na si Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano sa mga amgsasaka ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) patungkol sa planong pagpapatupad sa pamamahagi ng lupain ng HLI sa mga ito. Ayon kay Mariano, ang pamamahagi ng lupa sa HLI ay batay sa Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ng dating administrasyong BS Aquino na inilabas sa Korte Suprema noong 2013, ngunit sa kabila nito, marami pa ring mga magsasaka na walang
lupang sakahan. “Isa lamang itong huwad na distribusyon ng lupa,” giit ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Kuisita (AMBALA) sa isang opisyal na pahayag. Patuloy na inhustisya sa agraryo “Ang tunay na pamamahagi ng lupa sa mga amgsasaka ay napakatagal gayun na rin ang pagkilala sa pagmamay-ari ng mga magsasaka sa mga lupain nito,” pahayag ni Mariano sa isang panayam sa Bulatlat. Ipinamahagi sa mga magsasaka noong 2009 ang ilang mga lupain ng HLI sa pamamagitan ng sistemang tambiolo o bunutan. Subalit, iginiit ng mga magsasaka na
naging pabigat lamang ito dulot ng layo ng mga lupang sakahan mula sa kanilang tahanan. “Php 300 yung pamasahe kapag balikan. May kikitain pa ba kami?” ani Flor Sibayan, isang magsasaka ng Hacienda Luisita. Nananatiling Php 9.50 ang kita ng mga magsasaka ng HLI— malayo sa itinakdang cost of living allowance (COLA) na Php 1,088. Ayon sa mga residente, baon ang karamihan sa utang at hirap pag-aralin ang kanilang mga anak sa paaralan dahil sa mababang pasahod. Patuloy ring nararanasan ng mga magsasaka ng HLI ang panggigipit umano ng pamunuan sa pamamaraang
pagpapadaan ng bulldozer sa mga pananim at pagsunog sa mga bahay ng mga magsasaka dahil sa hindi pagsunod sa utos ng awtoridad. Ayon sa pahayag ni Dina, isang residente, kung hindi tututukan ng baril ang mga magsasaka ay pasasabugan naman ang lupang taniman ng nakalalasong kemikal na maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga pananim. Pagtindig sa tunay na repormang agraryo Sa naganap na kumperensya ng mga magsasaka ng HLI, inilahad ni Mariano ang kanyang mga tunguhin sa panunungkulan. Kabilang dito ang planong
pagsasaayos sa kaso ng mga magsasaka ng HLI sa loob lamang ng 30 araw. Ayon kay Mariano, sinisikap ng DAR na pagaralan ang 1996 Land Use Conversion Order kung saan may 500 ektaryang lupa sa Hacienda Luisita na hindi ipinamamahagi sa mga magsasaka. “Ginamit lamang ang bahaging ito bilang alokasyon sa mga proyekto ng Public-Private Partnership (PPP) na inaprobahan ni BS Aquino,” buwelta ng AMBALA. Pag-uukulang pansin din ng administrasyong Duterte ang muling pagbuo ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) na magsusulong ng mga batas ukol sa reporma sa lupa.
TTP THE torch publications @thetorchpnu pnuthetorchpub@gmail.com
L Sinusundan ako ng ligaw na bala. Riza Anysius Fetalvero
PANITIKAN
7
“Nakapatong si Papa sa akin, Ma.” Jules Angelica Marcelo
“Pusher ka ‘no?” “Hind—“ Biglang kalabit. Marc Conrad Manaog
“Syet, Chief! Nasa listahan si Mayor!”
Pearl Diane C. Centeno
DU30 to Marcos: Forgiven and Forgotten Lyn D’ Amor M. Macabulit
Sikmura na ang kinakalawit ng karit. Janine P. Solitario
Dugo ng pusher, tumalsik sa chapa. Cedric Bermiso
Y
6 KULTURA
WHO''S THAT POKEMON?
H
#PNUEdition
Airalyn Gara
indi lang sa Pokémon Go makahahagilap ng Pokémon nariyan lang sila sa paligid. Hindi na madudulas dahil sa katatakbo at hindi na makababangga ng tao para makahanap nito, dahil lahat ng PNUan ay maaaring maging isa sa kanila. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at alamin kung ano-anong Pokémon nga ba ang nasa pamantasan.
**Pagkatapossagutanaybilanginangmgasagotayonsaletra.
KungangpinakamaramimongsagotayletrangA,ikawsiMeowth.Gisingna gisingkasagabigawangpagfe-facebookatpagti-twitterkayainaantokkalagisaklase. Kunghindinamanaymagpa-partykakasamangTeamRocketfriendsmo,kasa-kasama salahatngmgatripdahilsakanilakalangkomportablengmagpakatotooatilabasang matatalasmongkukosatuwingikawaymapipikon.Mahiligkanggumalalalokunggabi. Parahindikamakatulog,dadaldalinmoangiyongkatabi.Pagkataposngklaseaydiretso kakaagadsaverandaparahumanapngmakakausapodikayaaypasimplengmagchacharge para makapaglaro ng Clash of Clans (COC) o Pokémon Go. KungletrangBnamanangmaypinakamaramimongsagot,ikawsiSnorlax. Wala kang ibang ginawa kundi ang matulog at kumain. Daig mo pa ang may sawa sa tiyan at nakalaklak ng sleeping pills. Palagi kang gutom kahit na kain ka na ng kain atantoknaantokkakahittulognamannangtulog.Maramikangkaibiganatanghilig niyonglahataykumain.Madalaskayongnasagrasslandia,nakauposafoilnapansapin atmaramingpagkainsagitnaniyo.Perokahitnanaglalakihannaangmgabilbilmosa tiyanatnagigingmalakingtaokana,proudkaparindahiliyonanggustong-gustosa‘yo ng mga tao. Kung letrang C ang pinakamarami mong sagot, ikaw si Alakazam. Ikaw ay napakatalinong tao at masyadong grade conscious. Kung ang iba ay pagkain ang pinoproblema,ikawnamanayangpagigingdean’slister.Ikawangpinaka-aktibosamga recitationatkayamongmemoryahinlahatngbagaysalooblangngmaiklingpanahon. Anglahatngpinag-aaralanniyoayhindimomadalingnalilimutanatnapaka-competitive mosalahatngbagay.Malibansapagpapaka-GC,isakaringpsychicdahilmadalikang makabasangtao.Hindimadalingmakapagsinungalingsa‘yoomakapagtagongkahit ano dahil magaling kang magpaamin (siya ba mapapaamin mo? Ikaw ba ay aamin?)
K
ung may magkaparehong dami ng sagot (halimbawa ay A at B), ibig sabihin ay mayroon kang dalawang katauhan na lumalabas depende sa sitwasyon mo. Iilan pa lang ang mga Pokémon na iyan sa maga- ‘gottacatch’em all’ mo sa loob ng pamantasan. Hindi sila nariyan para makisunod lamang sa uso kundi para ipakita na maraming PNUans pa ang dapat mag-evolve para maging mahusay na guro ng bayan. Kahit magkakaiba sila ng katangian, may iisa naman silang misyon ang pataasin ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng paghubog ng mga kabataang babago sa kasalukuyang sistema ng lipunan.