
9 minute read
CULTURE
Hile-hilerang mga kainan, samu’t saring mga “rides”, naglalakasang mga tugtuging bitbit ang mga makamasang panawagan at mga nakakasilaw na ilaw ng mga tindahan at pasyalan na animo’y nang-aakit sa mga mapaparayo roon, ilan lang iyan sa mga eksenang kinapapanabikan tuwing sasapit ang tanyag na “February Fair” o mas kilala sa tawag na FebFair na ipinagdiriwang sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños.
Unti-unting tinangkilik at kalauna’y naging tradisyon at kultura na para sa nakararami ang pagpunta sa UPLB. Hindi lang limitado sa layunin bilang pasyalan at pinaggigimikan pero hitik na hitik pa sa natatago nitong halaga at pinagmulan.
Advertisement
Sa katunayan, isa sa mga dinarayo rito ay ang sandamakmak na atraksyong tiyak na bubusog sa kiliti ng lahat. Nariyan ang kabi-kabilang “booths”, tiangge at perya na regalo ng iba’t ibang organisasyong pinangungunahan ng mga mag-aaral sa UPLB at iba pa tulad ng Beerpong, Vikings, Horror Booth, Binggo, Mountain Climbing, Brgy. Putho Tuntungin Handicrafts Booth at mga kainan.
Kung ang hanap mo naman ay ang mga tugtugan, hindi rin mawawala rito ang mga “performances” ng mga lokal na banda ng Laguna at iba pang kilalang banda tulad ng ‘Orange and Lemons’ at ‘Moonstar 88’. Nagkakaroon din dito ng “Battle of the bands” na nilalahukan ng mga estudyante at iba pa. Ilan lamang ito sa mga samu’t saring pakulong tiyak na makapagbibigay ng ngiti sa lahat.
Kaugnay pa nito, ang sayang natatamo ay hindi lang para sa pansariling kasiyahan sapagkat ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang eksklusibo para sa mga mag-aaral ng UPLB bagkus ito ay bukas para sa lahat nang naghahanap ng pupuntahan tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit tanyag ang pagdiriwang na ito sa buong lalawigan ng Laguna. Ang makapagbigay saya kasabay ng pagmamahal sa kapwa ang karagdagang saysay ng simpleng pagdiriwang hindi naman sinasadyang mabuo para sa kasiyahan.
Perya laban sa mapang-aping sistema
Samantala, mahaba at makabuluhan ang kasaysayan ng pagdiriwang na ito tuwing Pebrero sapagkat ibang-iba ang pinag-ugatan ng konsepto nito. Sa katunayan, ang UPLB FebFair ay isa talagang “protest fair” na isinagawa noong kasagsagan ng Martial Law noong dekada ‘70.
Ito ay orihinal na ginawa sa buwan ng Setyembre at hindi sa Pebrero upang maging daan para ilabas ang hinaing ng mga estudyante sa pagpapatupad ng Batas Militar at ipaglaban ang kanilang karapatan lalo na’t unti-unting nagiging bangungot ang lagay ng bansa noon dahil sa talamak na paglabag ng estado sa karapatang-pantao, extra-judicial killings, at inhustisya na naganap noon diktadurang Marcos. Ito ay nagsisilbing daan para mas palakasin ang mga panawagan ng masang-api mula sa hanay ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, at manggagawa. Kaakibat ng mga himig ay ang bitbit na boses mula at para sa mga pilit na pinatatahimik ng ating mapagsamantalang pamahalaan.
Ang tunay na adhikain noon ng mga magaaral ng UPLB ay patuloy pa ring ibinabandera hanggang ngayon sa pamamagitan ng paglulunsad ng taunang FebFair. Pinangungunahan ito ng University Student Council, kasama ang iba’t ibang mga organisasyon sa pamantasan na naglulunsad at nag-oorganisa ng kabuuang pagdiriwang. Tanyag dito ang mga paganap na isinasagawa ng mga pambansa-demokratikong pangmasang organisasyon ng mga kabataan at mga tagapagsalita sa pagitan ng pagtanghal ng mga banda mula sa iba’t ibang sektor ng Timog
Higit pa sa ilaw at musika
Patok na patok ang selebrasyong ito dahil sa mga atraksyon at pasyalang tiyak na sinusugod ng mga Lagunense tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Ngunit hindi ito ang pinaka-esensya ng taunang pagdiriwang. Ni Vince Villanueva

Hindi lamang napupuno ng musika at galak ang taunang Feb Fair, kundi naitatampok rin ang iba’t ibang mga panawagan ng mga sektor sa lipunan.
[P] FILE PHOTOS BY KRISTINE PAULA BAUTISTA
Katagalugan. Gayundin, nagkakaroon din sila ng iba’t ibang makukulay na welga at mobilisasyon bilang panawagan at pagkalampag sa mapanupil na sistema ng rehimen. Nagkakaroon din ng kabuuang tema o sentro ng pakikibaka ang pagdiriwang ng FebFair na kanilang ibinabandera at kanilang ipinapawagan sa masa.
Perya ng pagkakaisa
Dumaan na ang mga taon ay sinisimbolo pa rin ng selebrasyon ang kolektibo at nagkakaisang komunidad ng pamantasan kasama ang masa. Mga hangarin at adhikaing pagbabago ang nagbubuklod sa lahat ng mga Iskolar ng Bayan at sa masa. Simula’t sapul, ang layuning magkaisa sa iisang panawagan at kalampagin ang estado sa mga lumiliko nilang aksyon ang masasabi nating matagumpay na naisakatuparan ng lahat at patuloy pang pag-iibayuhin para sa hinaharap at para sa sambayanan. Sa katunayan, ang pakikiisa sa mga “rally” ang pangunahing dinadaluhan ng mga mag-aaral sa UPLB.
Sa kabuuan, mainam pa rin na maipaalala palagi sa lahat ang ugat ng FebFair upang higit na mailagay sa kamalayan ng nakararami ang kasalukuyang pampulitikang sitwasyon ng bansa. Kasunod na rin kasi ng selebrasyong ito ang patuloy pa ring laban natin sa inhustisya at panunupil kaya kinakailangang paigtingin ang ating pagiging mulat, organisa, at edukado.
Ngayong nagkaroon ng pandemya, hindi natatapos ang ating pagtindig at pagkilos sapagka’t buhay pa rin ang diwa ng FebFair, nadadaan man iyan sa “online” ED, o pakikiisa sa mga protesta sapagkat higit pa sa mga halakhakan, pailaw at tugtugan ang tunay na saysay ng Feb Fair.
Maikukumpara ito sa katatawanang inabot ni Dr. Farrah Bunch nang punahin ni Dr. Adam Smith, isang Austrelyanong doktor na itinatama ang mga maling impormasyon ukol sa mga health practices, ang pahayag nito na nakagagaling ng pamamaga sa katawan ang isang cabbage compress. Pinagpiyestahan ito sa social media at kumalat kaagad ang mga repolyo memes kaugnay nito.
Dahil dito kaya naungkat muli ang ipinasara ng Food and Drug Administration (FDA) na parmasya at klinika ni Dr. Farrah sa Tarlac noong 2018. Ang pagpapasarang ito ay dahil sa mga hindi rehistradong gamot na ibinebenta roon. Nagsilabasan din ang testimonya ng mga kamag-anak ng mga pasyenteng dumaan at kalauna’y binawian ng buhay dahil sa paraan ng “panggagamot” ng naturang doktor, isama pa ang mga nireresetang gamot na presyong-ginto mula sa parmasya nito.
Isang salita para rito: scam. Ngunit hindi rin naman nalalayo rito ang kasalukuyan at umiiral na istrukturang pangkalusugan.
Karapatang tinatapyas

Maraming kakulangan sa mga medikal na suplay, pasilidad, at doktor na nagpapakitang walang kakayahan ang bansa na makasunod sa mga rekomendasyong bilang ng World Health Organization (WHO). Hindi rin pantay-pantay ang distribusyon sa mga serbisyong pangkalusugan. Nakatuon lamang kadalasan ang mga malalaking bahagi nito sa Metro Manila at mga kalapit na lugar kung kaya’t hindi rin nito naaabot ang maraming mga Pilipino mula sa kanayunan at sa mga malalayong lalawigan.
Dito makikitang pira-piraso at bulok ang uri ng sistemang pangkalusugan sa bansa. Ang pampubliko nitong sektor na nakasalalay ang panustos sa buwis ng mga tao ay hindi man lang kayang tugunan ang primaryang serbisyong medikal.
Ang pribadong sektor naman nito ay utak-merkado, at hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang magbayad para rito. Kaya kahit isang karapatang pantao na ginagarantiya ng konstitusyon ang kalusugan, hindi naman ito maayos at patas na nakakamtan ng lahat.

Kakarampot
Ekonomiya nga raw muna bago pangangalaga. Sapagkat kahit paubos na ang mga manggagawang pangkalusugan sa serbisyo publiko ay parang kalakal na ipinapadala sa ibang bansa ang mga ito. Ayon sa datos ng Philippines Overseas Employment Administration (POEA), taong 2016 pa lang ay 19,551 nang mga nars ang nangibang-bansa.
Ngunit ang mga migrasyong ito sa sektor ng kalusugan ay naglalantad ng katotohanan ng mababang pasahod at kawalang benepisyo sa mga manggagawa rito sa bansa. Ang mga nars ay kumikita lamang ng average na P13,500 kada buwan sa pampublikong sektor pangkalusugan habang P10,000 naman sa pangpribado, ayon sa istatistika ng Department of Labor and Employment (DOLE). Nagkaroon lamang ng taas-pasweldo sa mga ito, pati na sa ibang mga healthcare workers, dahil sa banta ng pandemya. At bagama’t may hazard pay na ibinibigay sa kanila ngayon, hindi naman lahat sa kanila ay nakatatanggap nito.
Para ngang nabudol-budol ang mga taong kung tawagin natin ngayo’y frontliners dahil sa pitong buwan na pagkakakasa ng deployment ban noong nakaraang taon para sa layuning mapunan ang kakulangan sa mga medikal na manggagawa sa bansa. Ngunit hindi sila kailanman inintindi ng administrasyon na nag-alok lamang noon ng P500 para sa kanilang bolunterismo habang nag-iikot sa bansa ang pandemya. Sa madaling-sabi, isang sapilitang pagtatrabaho kahit walang maayos na pasweldo.
Corruption-ground
Sa aspeto ng pinansyal na seguridad para sa mga Pilipino at pagtataguyod ng Universal Health Care (UHC), ang pagtatatag ng health insurance na PhilHealth ay bigo na proteksyunan ang lahat sa mga pangkalusugang gastusin. Limitado lang ang sakop nito na nagreresulta sa malaking porsyento ng out-of-pocket (OOP) o iyong mga gastusing hindi saklaw ng health insurance. At habang nagkakaproblema ang mga OFWs noong nakaraang taon dahil sa paglaganap ng pandemya ay tinaasan pa ng PhilHealth ang kanilang mandatoryo at buwanang kontribusyon mula 2.75% noong 2019 na naging 3% ng Abril 2020. Panibagong kargo na naman ito para sa mga OFWs na noo’y may alalahanin na mapabalik sa Pilipinas kagaya ng iba na mga naunang pinauwi. Insensitibo at takaw-salapi ang tinaguriang social health insurance ng bansa. Kaya nang simulang kwestyunin ang kahina-hinalang P8,150 na presyo ng kanilang RT-PCR test, na nauwi sa imbestigasyong naglantad sa mga pekeng kaso ng COVID-19 na pinaglaan ng reimbursements, alokasyon ng ilang daang libong piso para sana sa mga pasyente ng COVID-19 pero ibinigay sa mga dialysis centers, overpriced na IT system, at sa sinasabing ninakaw na P15-bilyon (na maaaring mas malaki pa) ay agad na lumutang ang isyu ng korapsyon na bumasag sa imahe nito bilang isang tagapagtaguyod ng pinansyal na seguridad sa konteksto ng kalusugan. Kitang-kita na patuloy sa panggagantso ang mga kumokontrol sa pangkalusugang istruktura. Hindi nabibigyan ng primaryang medikal na pagtugon ang karamihan, kahit pa ngayong may pandemya; sa halip ay mas nag-
Samu’t popokus pa ang administrasyon sa pagtatayo ng imprastruktura at sa kontra-insurhensya na kumikitil sa buhay ng mga mamamayang Pilipino. Para sa isang batayang karapatang pantao, natural na maging asado. Pero mala-joke time lang pala simula’t sapul kagaya ng repolyo compress ni Dr. Farrah. Pati nararapat na bayad at benepisyo sa mga medikal na manggagawa, nagkukuripot pa. Basta yata may ka-ching na makuha mula sa paghihirap ng mga ito ay wala na itong pakialam pa sa iba. Tuloy lang ang money-grubbing habang saring sakit ng sistema balat-kayong nakikisimpatya sa mga Pilipino. Kasinungalingan ang inihahain tulad ng huwad na pag-asa na isinasaboy ni Dr. Farrah para magatasan ng pera ang mga nagtitiwala sa mga gamot niya. Kaya nga dapat nang lunasan ang panggagantsong umiikot sa pangkalusugang sektor. Oras na para tapusin ang mala-COVID-19 na Habang patuloy na pinapangunahan ng pagbabanta nito sa bulsa at buhay ng mga mga manggagawang pangkalusugan ang pagharap Pilipino. Alisin ang mga nagdadala ng impeksyon; palitan ng bago ang kabulukan nito. sa COVID-19 sa kabila ng banta nito sa kanilang Ang reseta ay tunay na reporma. Itaguyod ang mga buhay at kalusugan naman ng bawat Pilipino, ang kinabibilangan nilang institusyon ay may libre, komprehensibo, at progresibong serbisyong medikal para sa lahat. Dapat nang lunukin ng medikal na sektor ang gamot na bahagi rin sa pagbabantang ito. ito upang ang sakit nitong pang-i-scam ay Ni Reignne Francisco matapos na. [P] GRAPHICS NI JERMAINE VALERIO