UPLB Perspective Vol. 47, Issue 4 (February 26, 2021)

Page 16

16

C U LT U R E

H

ile-hilerang mga kainan, samu’t saring mga “rides”, naglalakasang mga tugtuging bitbit ang mga makamasang panawagan at mga nakakasilaw na ilaw ng mga tindahan at pasyalan na animo’y nang-aakit sa mga mapaparayo roon, ilan lang iyan sa mga eksenang kinapapanabikan tuwing sasapit ang tanyag na “February Fair” o mas kilala sa tawag na FebFair na ipinagdiriwang sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños. Unti-unting tinangkilik at kalauna’y naging tradisyon at kultura na para sa nakararami ang pagpunta sa UPLB. Hindi lang limitado sa layunin bilang pasyalan at pinaggigimikan pero hitik na hitik pa sa natatago nitong halaga at pinagmulan. Sa katunayan, isa sa mga dinarayo rito ay ang sandamakmak na atraksyong tiyak na bubusog sa kiliti ng lahat. Nariyan ang kabi-kabilang “booths”, tiangge at perya na regalo ng iba’t ibang organisasyong pinangungunahan ng mga mag-aaral sa UPLB at iba pa tulad ng Beerpong, Vikings, Horror Booth, Binggo, Mountain Climbing, Brgy. Putho Tuntungin Handicrafts Booth at mga kainan. Kung ang hanap mo naman ay ang mga tugtugan, hindi rin mawawala rito ang mga “performances” ng mga lokal na banda ng Laguna at iba pang kilalang banda tulad ng ‘Orange and Lemons’ at ‘Moonstar 88’. Nagkakaroon din dito ng “Battle of the bands” na nilalahukan ng mga estudyante at iba pa. Ilan lamang ito sa mga samu’t saring pakulong tiyak na makapagbibigay ng ngiti sa lahat. Kaugnay pa nito, ang sayang natatamo ay hindi lang para sa pansariling kasiyahan sapagkat ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang eksklusibo para sa mga mag-aaral ng UPLB bagkus ito ay bukas para sa lahat nang naghahanap ng pupuntahan tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit tanyag ang pagdiriwang na ito sa buong lalawigan ng Laguna. Ang makapagbigay saya kasabay ng pagmamahal sa kapwa ang karagdagang saysay ng simpleng pagdiriwang hindi naman sinasadyang mabuo para sa kasiyahan.

Perya laban sa mapang-aping sistema Samantala, mahaba at makabuluhan ang kasaysayan ng pagdiriwang na ito tuwing Pebrero sapagkat ibang-iba ang pinag-ugatan ng konsepto nito. Sa katunayan, ang UPLB FebFair ay isa talagang “protest fair” na isinagawa noong kasagsagan ng Martial Law noong dekada ‘70. Ito ay orihinal na ginawa sa buwan ng Setyembre at hindi sa Pebrero upang maging daan para ilabas ang hinaing ng mga estudyante sa pagpapatupad ng Batas Militar at ipaglaban ang kanilang karapatan lalo na’t unti-unting nagiging bangungot ang lagay ng bansa noon dahil sa talamak na paglabag ng estado sa karapatang-pantao, extra-judicial killings, at inhustisya na naganap noon diktadurang Marcos. Ito ay nagsisilbing daan para mas palakasin ang mga panawagan ng masang-api mula sa hanay ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, at manggagawa. Kaakibat ng mga himig ay ang bitbit na boses mula at para sa mga pilit na pinatatahimik ng ating mapagsamantalang pamahalaan. Ang tunay na adhikain noon ng mga magaaral ng UPLB ay patuloy pa ring ibinabandera hanggang ngayon sa pamamagitan ng paglulunsad ng taunang FebFair. Pinangungunahan ito ng University Student Council, kasama ang iba’t ibang mga organisasyon sa pamantasan na naglulunsad at nag-oorganisa ng kabuuang pagdiriwang. Tanyag dito ang mga paganap na isinasagawa ng mga pambansa-demokratikong pangmasang organisasyon ng mga kabataan at mga tagapagsalita sa pagitan ng pagtanghal ng mga banda mula sa iba’t ibang sektor ng Timog

F E B R UA RY 2 6 , 2 02 1 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G

Higit pa sa ilaw at musika Patok na patok ang selebrasyong ito dahil sa mga atraksyon at pasyalang tiyak na sinusugod ng mga Lagunense tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Ngunit hindi ito ang pinaka-esensya ng taunang pagdiriwang. Ni Vince Villanueva

Hindi lamang napupuno ng musika at galak ang taunang Feb Fair, kundi naitatampok rin ang iba’t ibang mga panawagan ng mga sektor sa lipunan. [P] FILE PHOTOS BY KRISTINE PAULA BAUTISTA

Katagalugan. Gayundin, nagkakaroon din sila ng iba’t ibang makukulay na welga at mobilisasyon bilang panawagan at pagkalampag sa mapanupil na sistema ng rehimen. Nagkakaroon din ng kabuuang tema o sentro ng pakikibaka ang pagdiriwang ng FebFair na kanilang ibinabandera at kanilang ipinapawagan sa masa.

Perya ng pagkakaisa Dumaan na ang mga taon ay sinisimbolo pa rin ng selebrasyon ang kolektibo at nagkakaisang komunidad ng pamantasan kasama ang masa. Mga hangarin at adhikaing pagbabago ang nagbubuklod sa lahat ng mga Iskolar ng Bayan at sa masa. Simula’t sapul, ang layuning magkaisa sa iisang panawagan at kalampagin ang estado sa mga lumiliko nilang aksyon ang masasabi nating matagumpay na naisakatuparan ng lahat at patuloy pang pag-iibayuhin para sa hinaharap at para sa sambayanan. Sa katunayan, ang pakikiisa sa mga “rally” ang pangunahing dinadaluhan ng mga mag-aaral sa UPLB. Sa kabuuan, mainam pa rin na maipaalala palagi sa lahat ang ugat ng FebFair upang higit na mailagay sa kamalayan ng nakararami ang kasalukuyang pampulitikang sitwasyon ng bansa. Kasunod na rin kasi ng selebrasyong ito ang patuloy pa ring laban natin sa inhustisya at panunupil kaya kinakailangang paigtingin ang ating pagiging mulat, organisa, at edukado. Ngayong nagkaroon ng pandemya, hindi natatapos ang ating pagtindig at pagkilos sapagka’t buhay pa rin ang diwa ng FebFair, nadadaan man iyan sa “online” ED, o pakikiisa sa mga protesta sapagkat higit pa sa mga halakhakan, pailaw at tugtugan ang tunay na saysay ng Feb Fair.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.