M AY-J U N E 202 2
UPLB PERSPECTIVE
M A G S U L AT. M A G L I N G KO D . M A G PA L AYA .
◆ TA O N 4 8 , B LG . 4
UPLB PERSPECTIVE.ORG
Double issue 24 PAGES
NEWS | 2-9 PROTESTA LABAN SA MAANOMALYANG ELEKSYON F E AT U R E S | 1 0 - 1 3 PASAKIT NG OIL PRICE HIKE SA MGA TSUPER AT MASA C U LT U R E | 1 4 - 1 7 HIP-HOP IN THE COUNTRY’S POLITICAL LANDSCAPE
O P I N I O N | 1 8 -21 PULA ANG UNANG KULAY NG BAHAGHARI
E D I T O R YA L | 2 4
ANG MGA SENYAS NG GUMUGUHONG DEMOKRASYA
2
N E WS
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Mga progresibo sa Timog Katagalugan, nagprotesta laban sa maanomalyang eleksyon Samantala, binigyang-linaw naman ng fact-checking teams ang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at malawakang pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. NI EJ LASANAS STAFF WRITER
sa isang pahayag.
Makinarya ng disimpormasyon
N
aglunsad ng “Black Friday protest” ang iba’t-ibang sektor sa harapan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) noong ika-13 ng Mayo upang kondenahin ang mga anomalya sa nakaraang halalan. Nagsimula ang mga mobilisasyon noong gabi ng ika-9 ng Mayo, araw ng botohan. Nagpatuloy ito kinabukasan sa Commission on Elections (COMELEC) office sa Intramuros, Maynila, kung saan nanawagan ang mga nagprotesta para panagutin ang COMELEC sa maanomalyang eleksyon. Tinuligsa rin ng mga nagprotesta ang pagbabalik ng Marcos-Duterte tandem sa Malacañang. Ang mga ama nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Pangalawang-Pangulong Sara Duterte ay kilala sa mga paglabag sa karapatang pantao sa kani-kanilang administrasyon. Ang Batas Militar ni Marcos Sr. ay nagbunsod sa libo-libong kaso ng arbitrary arrests at detentions, tortyur, desaparecidos, at pagpatay. Samantala, ang Drug War naman ni Rodrigo Duterte ay nagbunsod sa pagkakapatay ng humigit-kumulang 30,000 indibidwal, ayon sa Center for International Law (Centerlaw). Noong ika-17 ng Mayo, natanggap ng Korte Suprema ang isang petisyong naglalayong kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Marcos Jr. Ang nasabing petisyon ay nauna nang inihain noong Nobyembre ng isang grupo ng civic leaders, na inungkat ang tax conviction ni Marcos Jr. Noong 1995, nahatulang guilty si Marcos Jr. para sa hindi niya pagbabayad ng buwis at sa hindi niya pagsasaayos ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985. Kinumpirma rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Presidential Commission on Good Government (PCGG) na sinubukan nilang kolektahin ang estate taxes ng mga tagapagmana ni Marcos Sr. – sina Imelda Marcos at Marcos Jr – na hindi pa rin nababayaran. Sa tantiya ng mga abugado, pumalo na sa mahigit P200-bilyon ang utang ng mga Marcos. Samantala, maliban sa pagkondena sa pagbabalik ng Marcos-Duterte, ipinagsigawan din ng mga nagprotesta ang “COMELEC palpak!” noong araw ng mobilisasyon. Libo-libong mga anomalya sa buong bansa ang naiulat noong mismong araw ng botohan.
Laksa-laksang anomalya Iniulat ng election watchdog na Kontra Daya Southern Tagalog (ST) sa isang Facebook post noong ika-9 ng Mayo ang 272 na anomalya sa buong Timog Katagalugan kaugnay ng eleksyon. 100 vote-counting machine (VCM) errors ang naiulat sa rehiyon habang halos 2000 makina naman ang nag-malfunction sa buong bansa. Dagdag pa rito, may mga kaso ng invalid ballots at paper jams ang naitala. Naiulat ding kaso ang mga hindi binasang boto ng mga VCM, lalo na sa mga pangalan ng ilang mga kandidato sa pagka-senador.
DATOS MULA SA KONTRADAYA ST | PAGLALAPAT NI ANGELYN CASTILLO
Bunsod ng mga anomalya, ilang botante ang hinimok na iwan na lang ang kanilang mga balota. Idiniin naman ng Kontra Daya na nararapat lang na bigyan ng karapatan ang mga botante na sila mismo ang magpadaan ng kanilang mga balota sa makina at makatanggap ng resibo. Ito ay matapos sabihin ni COMELEC Commissioner George Garcia na wala umanong “choice” ang mga botante kundi iwan ang mga balota sa Board of Election Inspectors (BEIs) dahil sa bawat anomalya ng mga VCM. Bagaman maaaring pahintulutan ng mga botante ang pagpapadaan ng kanilang balota sa mga BEI sa pamamagitan ng paglagda sa isang waiver, inirekomenda ng election watchdog na pinakamainam pa ring hintaying magawa o mapalitan ang mga VCM upang sila mismo ang maglagay ng kanilang balota sa mga makina. “We cannot blame voters for refusing to leave their ballots to the BEI because of the general distrust with the automated polls,” ani ng Kontra Daya sa isang Facebook post. [“Hindi natin masisisi ang mga botante sa kanilang hindi pagpayag na iwan ang kanilang balota sa BEI, dulot ng kawalan ng tiwala sa automated polls.”]
Mga paglabag at kaso ng karahasan 46 na paglabag sa proseso ng botohan ang naiulat sa buong Timog Katagalugan. Sa ilang mga probinsya, ipinamahagi ang campaign flyers sa mismong araw ng botohan. Naiulat din ang illegal campaigning, sapagkat may sample ballots at campaign materials pa ring ipinamahagi sa mismong araw ng halalan. Sa Cavite, may ipinamahaging salaping nakasobre. Sa Laguna naman, bigas at pera ang ipinamahagi kasama ng campaign materials. Sa Quezon, ilang botante ang sinabihang magtungo sa barangay outpost, kung saan sila maaari umanong pumirma upang makatanggap ng salapi. Samantala, may naiulat na 42 kaso ng karahasan sa Timog Katagalugan na may
kaugnayan sa halalan. May mga pulis at militar sa ilang presinto. Naiulat din na ang ilang mga pulis ay kumukuha umano ng litrato ng mga balota. Sa Rizal naman, naiulat ang presensya ng mga armadong pulis. Ayon sa Kontra Daya Southern Tagalog, mahigpit na ipinagbabawal ang mga pulis sa loob ng voting at poll-watching site. Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10728, sa araw ng halalan, walang sinuman ang pinapayagang magbitbit ng armas. Maliban dito ang mga regular na miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ibang law enforcement agencies na inatasan sa kanilang trabaho sa mismong araw ng halalan. Idinagdag ng resolusyon na dapat na unipormado ang pulisya, at ang kanilang pagganap ay sang-ayon sa pagtatalaga ng COMELEC. Samantala, may naitala ring insidente ng red-tagging sa Timog Katagalugan. Kabilang na rito ang mga tarpaulin na ni-red-tag ang mga progresibong party-list mula sa Makabayan Bloc. Kaugnay pa nito, isang araw bago ang halalan, nagpatawag ng emergency press conference ang Makabayan Bloc upang kondenahin ang pagkalat ng isang pekeng COMELEC resolution na nagpapahayag ng pagka-diskwalipika umano ng party-lists ng Makabayan Bloc, at ni senatorial candidate Neri Colmenares. Sinabi ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na tiyak silang ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nasa likod nito, bilang talamak ang panre-red-tag ng nasabing task force sa mga progresibong grupo at indibidwal. “Apila namin sa COMELEC na sunsunin ito at kasuhan ang mga nagpakana dahil malala nitong ginamit ang logo at letterhead ng komisyon sa mga pekeng dokumento at umasta talagang mula sa kanila. Misyon talaga nitong linlangin ang mga botante, at isabotahe ang kandidatura ng mga progresibong party-list at ni Neri Colmenares,” dagdag pa ni Anakpawis National President Ariel Casilao
Samantala, binigyang-linaw naman ng fact-checking teams ang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at malawakang pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ni Marcos Jr. Ayon sa ulat ng Rappler, mas pinalakas ang disimpormasyon at historical distortion sa social media, at karamihan dito ay may kaugnayan sa mga Marcos at Batas Militar. “Sinalaula na ng kampanyang Marcos-Duterte ang eleksyong 2022 maraming taon bago pa ito nagsimula. Nagpapakalat sila ng baha ng palsong balita, baluktot na kasaysayan, at walang basehang paninira’t red-tagging,” pahayag ng Akademya at Bayan Laban sa Disimpormasyon at Dayaan (ABKD). Ang mga pahayag ay sumusubok na baguhin ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga maling impormasyong pinapalabas nila bilang “katotohanan”, at siyang itinatago umano sa publiko ng mga historyador. Ginawa ito upang linisin ang imahe ng mga Marcos, at lubha itong nakatulong sa kanilang pagbabalik sa Palasyo. Kabilang pa sa mga propaganda ang pagtanggi sa mga kaso ng pagnanakaw at paglabag sa karapatang-pantao noong panahon ng Batas Militar. Nagkalat din ang mga impormasyon tungkol sa mga pekeng parangal ni Marcos Sr. Kaugnay nito, sa fact-checking naman ng Tsek.Ph, iniulat nila ang maraming pagtatangka sa social media ng pagbura sa “discreditable record” ni Marcos Sr. “The martial law fact checks indicated how disinformation was used to rehabilitate Marcos who held power from 1965 to 1986 when he was ousted by the people-led uprising. The Marcos dictatorship was responsible for human rights violations, extrajudicial killings, press censorship and plunder. It also plunged the country into an economic crisis,” pahayag ng Tsek.Ph. [“Ang fact-checks kaugnay ng Batas Militar ay nagpakita kung paano ginamit ang disimpormasyon upang pabanguhin ang imahe ni Marcos. Ang diktadurya ni Marcos ay nagbunsod sa maraming paglabag sa karapatang pantao, extrajudicial killings, pagpapatahimik sa midya, at mga kaso ng pandarambong. Ang Batas Militar din ang nagdulot ng krisis pang-ekonomiya sa bansa.”] Ang mahabang kasaysayan ng makinarya ng disimpormasyon ni Marcos Jr. ay kanyang napakinabangan para sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa. “Nagbuhos sila ng milyon-milyon sa makina ng disimpormasyon hanggang halos hindi na makaagapay ang mga nagtataguyod ng katotohanan at mga mananalaysay ng mga tunay na kwento ng bayan,” pahayag ng ABKD sa kanilang Facebook page. “Ang mga bihasa sa pagnanakaw ay nakakagawa ng bagong mga paraan para magnakaw ng eleksyon,” dagdag pa ng ABKD. A K A D E M I YA AT B AYA N K O N T R A D I S I M P O R M A S Y O N AT D AYA A N ( A B K D ) PAHAYAG
NEWS
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
3
Protesta de Mayo sa UPLB, ikinasa upang tutulan ang pagbabalik nina Marcos-Duterte sa ehekutibong posisyon NI HOPE SAGAYA STAFF WRITER
N
agsimula noong ika-25 ng Mayo ang Protesta de Mayo na inilunsad sa Carabao Park, UPLB bilang pagtutol sa pagbabalik ng Marcos-Duterte sa
Palasyo. Ito ay inilunsad ng Youth Defy Marcos and Duterte Southern Tagalog (ST), isang malawakang alyansa ng mga kabataan na binubuo ng iba’t-ibang mga organisasyon, institusyon, at indibidwal na ang layunin ay tutulan at labanan ang alyansang Marcos-Duterte. Nagpatuloy ang programa hanggang ika-27 ng Mayo, at nagtampok ng mga tagapagsalita, artista, at mga pelikulang nagpapakita ng realidad sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Sr. at ang paghihirap na dulot nito sa sambayanang Pilipino. “Nakakatuwang aktibong lumalaban ang kabataan para biguin ang Marcos-Duterte. Sa kasaysayan ng UPLB, dito nabuo ang unang USC [University Student Council] sa ilalim ng Martial Law,” saad ng 1983-1984 UPLB USC Chair na si Bani Cambronero sa kanyang pambungad na pananalita. Binigyang-diin din niya kung paanong hindi totoong “golden age” ang Batas Militar. Aniya, nilusaw nito ang mga samahan at ipinagbawal ang mga pagtitipon. Sa ilalim ng Batas Militar, libo-libo ang inaresto at ikinulong nang walang matibay na batayan. Libo-libo rin ang mga desaparecidos, at kaso ng mga tinortyur at pinatay. “Napakalupit ng Batas Militar. Pero kung ang namumuno ay katulad ni Marcos, wala tayong national development. Hindi tayo aasa sa Marcos-Duterte,” dagdag pa ni Cambronero. Samantala, binalikan naman ni Defend Southern Tagalog Spokesperson Charm Maranan kung paano naging saksi ang UPLB at Southern Tagalog sa bagsik at lagim ng Batas Militar at ng administrasyong Duterte. Ayon sa kanya, walang ginawa ang dalawang rehimen
PHOTO CREDIT: POLO QUINTANA
kundi pahirapan ang mga mamamayang Pilipino. “Hindi natatapos sa eleksyon ang ating laban. The more we mobilize, organize people, the greater our chances against a MAD tyranny,” dagdag pa niya. [“Kung tayo’y magmomobilisa, mag-oorganisa, mas malakas ang ating tsansa laban sa tiraniyang MAD.”] Dumalo rin sa protesta ang Kabataan Partylist (KPL) ST. Pinuri ng party-list ang pagdalo ng mga kabataan sa protesta, at sila’y nagpasalamat para sa 500,000 na botong natanggap ng KPL noong eleksyon. “Gayunpaman, kaliwa’t kanan ang pag-redtag sa KPL at sa kabataan. Hindi ito malayo sa karanasan noong rehimen ni Marcos Sr. Kung kaya tumindig ng kabataan noong First Quarter Storm, kaya rin natin ngayon ipaglaban ang ating demokrasya!” dagdag pa ni Jainno Bongon ng KPL ST. Sa gitna ng protesta, nagkaroon ng maikling educational discussion ang Youth Defy ST tungkol sa disqualification case ni Marcos Jr. Samantala, kinanta naman ang
“Awit ng Kabataan” para igiit ang pagtutol ng nasabing sektor laban kina Marcos at Duterte. Napuno ang buong gabi ng makabuluhang pagtatanghal ng iba’t ibang mga artista ng bayan, kabilang sina Ka Armand na dating estudyanteng aktibista at manggagawa ng Los Baños, at ang bagong tatag na grupo ng artistang Artist Resist Marcos at Duterte (ARMADA). Ang bawat pagtatanghal ay nagsasaad ng mga kwento noong Batas Militar at kung paano tumindig ang mga mamamayang Pilipino laban sa malagim na pamumuno ng dalawang rehimen. Opisyal namang tinapos ni noo’y UPLB USC Chairperson-elect Gean Celestial ang programa sa unang gabi. “Lahat ng pumunta dito, iisa ang mithiin natin. Hindi matatapos ngayon ang laban natin, patuloy ang ating pagtindig,” aniya.
Ang pagtutol ng kabataan Hinihikayat ng Youth Defy Marcos and Duterte ST ang mga kabataan na tutulan ang pag-upo nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa dalawang pinakamataas na
posisyon ng bansa. Layunin din ng grupo na pigilan ang malawakang disimpormasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pag-aaral, porum, at iba pang pagtitipon upang ipaalala sa mga mamamayan ang mga naging kasalanan ng rehimeng Marcos at Duterte sa Pilipinas. “Sa pag-upo ng Marcos-Duterte sa dalawang pinakamataas na posisyon sa ating bansa, titindig ang mga kabataan upang hindi sila hayaang makabalik sa Malacañang at maghasik na naman ng napakaraming pang-aabuso sa karapatang pantao,” ani ng alyansa. Binigyan-diin din ng Youth Defy Marcos and Duterte kung paano nakaupo sa kapangyarihan sina Marcos Jr. at Duterte, at kung paanong ang kanilang pagkapanalo ay resulta ng samu’t-saring dahilan ng bulok na pampulitikang sistema na nag-ugat sa kanilang mga ama, at kung paano ring ang malawakang disimpormasyon ay binaon ang kanilang mga kasalanan sa sambayanang Pilipino. Maliban pa rito, binigyang-linaw rin ng fact-checking initiatives ang malawakang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ni Marcos Jr. Ang mga maling impormasyong nagpapabango sa imahe ng mga Marcos ay naging mas laganap na dahil sa social media. Ayon sa Youth Defy Marcos and Duterte, nagbabadya ang malalang kalagayan ng bansa kapag naupo sa pwesto ang alyansang Marcos-Duterte. Nagbabadya rin ang banta ng malawakang pagbabago ng kasaysayan, na tila naging mas malinaw pa nang inanunsyo ni Marcos Jr. na ang magiging sekretarya ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanyang administrasyon ay si Duterte. Matatandaang may plano rin si Duterte na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa bansa, na nagbabanta ng malawakang militarisasyon sa loob ng mga eskwela.
Mga konseho, organisasyon sa UPLB, naglunsad ng online protest matapos ang halalan NI CALEB LUKE BUENALUZ STAFF WRITER
I
sang araw matapos ang halalan, nagsagawa ng online na protesta ang UPLB USC, kasama ang College Student Councils (CSC), mga organisasyon, fraternity, at sorority ng unibersidad upang ilabas ang kanilang mga hinaing at panawagan, matapos makapagtala ng laksa-laksang mga anomalya ang nakaraang halalan. “Tila pikit-bulag ang COMELEC [Commission on Elections] sa mga nangyaring isyu ng pandaraya kapalit ang kinabukasan nating mga kabataan. Kaya ngayon, panahon na para tumindig at lumaban sa harapang pambabastos sa demokrasyang ito ng ating bansa,” ani ng isang tagapagsalita mula sa UP Communication Arts Society. Mariin ding kinondena ng mga mag-aaral
ang pagbabalik ng Marcos-Duterte. Binigyang-diin nilang hindi dapat kalimutan ang mga kalupitan sa ilalim ng rehimen ni Marcos Sr. “Hindi dapat malimutan ang lahat ng biktima ng diktaduryang Marcos noon, lahat ng pinatay, dinakip, tinortyur at pinatahimik. Dahil alay natin sa kanila, at sa taumbayan, ang pagtindig laban sa panganib ng isa na namang Marcos na mauupo sa pagkapangulo,” ani ng tagapagsalita ng College of Arts and Sciences Student Council (CAS SC). Kinilala rin ng mga mag-aaral ang naging paghihirap ng sambayanang Pilipino noong diktadurya ni Marcos Sr., at ang maaaring implikasyon nito ngayong ang anak naman niya ang mamumuno bilang pangulo. Binalikan ng UP Agricultural Society ang karanasan ng mga magsasaka sa ilalim ng diktadurya, na naging sentro ng malalang militarisasyon at liberalisasyon. “Hindi natin masasabing bunga ng
demokrasya ang naganap na eleksyon [...] Dahil sa mga isyu ng agrikultura, kritikal ang eleksyon na ito, kritikal dahil hindi na kaya ng ating mga magsasaka ang anim pang taon ng militarisasyon at liberalisasyon,” ani ng UP Agricultural Society. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, malinaw pa rin ang malalang militarisasyong ito sa kabukiran, lalo na sa probinsya ng Quezon. Noong 2021, pinatay ang mga magniniyog na sina Jorge Coronacion at Arnold Buri, na pinagbintangang mga kasapi ng New People’s Army (NPA). Sa kaparehong taon, 485 na magniniyog naman ang sapilitang pinasuko at inakusahan bilang mga kaalyado ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Samantala, nagpahayag ng pangamba ang College of Development Communication (CDC) SC tungkol sa pagbabalik ng Marcos-Duterte, dahil sa pag-atake ng dalawang pamilyang ito sa mga mamamahayag. Patunay
pa ang mga pag-aaral na nagpapatotoo sa pagkalat ng disimpormasyon at mga pekeng balita, na umaatake sa katotohanan. Sa kabila nito, nanindigan ang konseho na patuloy nilang ipaglalaban ang malayang pamamahayag. “Mariin naming isusulong ang tunay na malayang pamamahayag lalo na sa mga journalist dahil sa kasalukuyang panahon, mas kinakailangan ng taumbayan ang katotohanan upang malaman ang tunay na estado ng ating bansa,” pahayag ng konseho. Ang programa ay tinapos ng UPLB USC, na nanawagan sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral upang tutulan ang Marcos-Duterte tandem. “Hinding-hindi natin sasayangin ang mahabang kasaysayan ng paglaban at pagbuwis buhay ng kapwa mag-aaral. Patuloy tayong lalaban para sa kanila, sa atin, at sa mga susunod pang henerasyon. Tuloy ang laban, iskolar at mamamayan ng bayan,” ani ng konseho.
4
N E WS
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Mga prominenteng dinastiya sa CALABARZON, nanguna sa Halalan 2022 Tagumpay na nadepensahan ng mga prominenteng dinastiya sa CALABARZON ang kani-kanilang mga base-politikal matapos ang nagdaang halalan. NINA ALEX DELIS AT SHELOW MONARES STAFF WRITERS Binigyang pokus sa artikulong ito ang dalawang pinakamataas na posisyon sa mga pamahalaang panlalawigan, partikular ang mga gobernador at bise-gobernador ng CALABARZON. Bagaman may pagbanggit sa ibang mga posisyon, hindi saklaw ng artikulo ang kabuuan ng dinastiyang politikal sa ibang mga lokal na puwesto sa rehiyon. Tagumpay na nadepensahan ng mga prominenteng dinastiya sa CALABARZON ang kani-kanilang mga base-politikal matapos ang nagdaang halalan. Reelected ang mga gobernador sa Cavite, Laguna, at Batangas, na ang mga pamilya’y may nabuo nang dinastiyang politikal sa kani-kanilang mga lalawigan. Sa Rizal, anak naman ng nakalipas na gobernador ang umuupo bilang bagong pinuno ng probinsya. Samantala, sa Quezon, tuluyan nang nagapi ang dinastiyang Suarez matapos makuha ng mambabatas at doktor na si Helen Tan ang posisyon sa pagka-gobernador. Bakas din ang mga dinastiyang politikal sa naging resulta ng pambansang eleksyon. Maliban sa pagiging anak ng mga dating pangulo, sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangalawang-Pangulo Sara Duterte-Carpio ay may kani-kanila ring kapamilyang kasalukuyang nakaupo bilang mga politiko. Kasalukuyang senador ang kapatid ni Marcos Jr. na si Imee Marcos, samantalang nasa Kongreso naman ang anak niyang si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos bilang kongresista ng unang distrito sa Ilocos Norte. Muli ring nangibabaw ang dinastiyang Marcos sa nasabing lalawigan matapos magapi ang dinastiyang Fariñas. Ito ay bunga ng pagkawagi sa pagka-gobernador ni Matthew Marcos Manotoc, anak ni Imee Marcos. Si Cecilia Araneta Marcos, na asawa ng yumaong pinsan nina Marcos Jr, ang kasalukuyang bise-gobernador sa probinsya. Nasungkit din ni Michael Marcos Keon ang pagiging alkalde sa lungsod ng Laoag. Sa kabila nito, hindi sinuportahan ng angkan ng mga Marcos ang pagtakbo ni Marcos Keon matapos ang umano’y hindi pagkakaunawaan. Malaki ang gampanin ng social media sa pamamayagpag ng mga Marcos sa parehong lokal at pambansang halalan ngayong taon. Patunay rito ang pag-usbong ng sandamakmak na propaganda at disinformation sa Facebook pages at groups, YouTube channels, at iba’t ibang websites tungkol sa mga nangyari noong Batas Militar at rehimeng Marcos. Ayon pa sa inilabas na datos ng fact-checking initiative na Tsek.ph, pabor sa tambalang Marcos-Duterte ang mga lumalabas na fake news sa iba’t-ibang plataporma ng social media noong kasagsagan ng halalan. Isa sa mga pangunahing disimpormasyong makikita sa social media ang umano’y katahimikan at kaayusan ng
PAGLALAPAT NI JOHANNE SEBASTIAN GONZALES
bansa noong ipinatupad ang Batas Militar. Ito ay sa kabila ng kaliwa’t-kanang human rights violations na nauwi sa pagkawala at pagkamatay ng maraming Pilipino. Pumalo sa mahigit 11,000 ang mga kaso ng human rights violations mula 1972 hanggang 1986. Kabilang dito ang mga kaso ng tortyur, pagpatay, enforced disappearance, rape, detention, at involuntary exile, ayon sa tala ng Human Rights Victims’ Claims Board. Gayundin, sa ilalim ng administrasyong Duterte ay tinatayang nasa 30,000 na indibidwal ang pinatay sa ilalim naman ng Drug War, ayon sa human rights group na Center for International Law (Centerlaw). Kaliwa’t-kanan din ang pag-atake sa mga progresibong grupo at indibidwal. Patunay rito ang Bloody Sunday massacre sa Timog Katagalugan, kung saan siyam na progresibo ang pinatay noong ika-7 ng Marso, 2021. Samantala, maliban sa pananatili sa ehekutibong posisyon ng mga Duterte, hawak pa rin ng naturang angkan ang lalawigan ng Davao. Ito ay matapos magwagi ang parehong anak ni Rodrigo Duterte na sina Paolo Duterte bilang 1st District Representative ng Davao City at Sebastian “Baste” Duterte bilang alkalde ng parehong siyudad. Sa Senado, anim sa 24 na senador ang kabilang sa tatlong political families. Ito ay buhat ng pagkapanalo nina Allan Peter Cayetano na kapatid ng kasalukuyang senador na si Pia Cayetano; Mark Villar na anak ng kasalukuyang senador na si Cynthia Villar; at magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada.
Dinastiya sa Cavite
Kasabay ng pagbabalik ni Jonvic Remulla bilang gobernador sa pangalawang pagkakataon, nagwagi rin ang kanyang kapatid
na si Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang kongresista ng ika-pitong distrito ng Cavite. Nito lang ika-23 ng Mayo, pinili ni Pangulong Marcos Jr. si Boying Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ). Ito ay sa kabila ng pag-red-tag ni Remulla sa mga progresibong indibidwal, at maging sa mga tagasuporta ni Leni Robredo noong nakaraang kampanya. Kasabay ng pagpili sa kanya bilang kalihim ng DOJ, sinabi ni Boying Remulla na maghihirang na lang umano siya ng “caretaker” sa kanyang pwesto bilang kongresista, o kaya ay magtatakda ng “special elections”. Walang appointment ban para sa mga nanalong kandidato. Kilala rin si Boying Remulla sa pagharang nito sa ikatlo at ikahuling reading sa Kongreso ng University of the Philippines - Department of National Defense (UP-DND) Accord, na naglalayong bigyan ng proteksyon ang kaestudyantehan ng UP system sa anumang presensya ng militar o kapulisan nang walang abiso ng administrasyon ng unibersidad. Samantala, nanalo rin ang anak ni Boying Remulla na si Ping Remulla bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng ikapitong Provincial District. Nag-ugat ang dinastiya ng mga Remulla kay Juanito “Johnny” Remulla Sr., ama ng magkakapatid na Remulla, na pinakamatagal na naglingkod bilang gobernador ng lalawigan mula 1979 hanggang 1986 at mula 1988 hanggang 1995. Samantala, magpapatuloy pa rin ang dinastiya ng mga Tolentino sa Cavite matapos ang landslide na pagkapanalo ng running-mate ni Jonvic Remulla na si Athena Tolentino. Si Athena Tolentino ay anak ng nagbabalik na alkalde ng Tagaytay City na si
Abraham “Bambol” Tolentino. Kasama niyang mamumuno bilang bise-alkalde ang asawang si Agnes Tolentino. Samantala, papalit naman sa pwesto ni Abraham sa pagiging kongresista ng ikawalong distrito ang isa pa nitong anak na si Aniela Tolentino. Si Abraham Tolentino ay kapatid ng senador na si Francis Tolentino, na humawak din sa posisyon ng pagka-alkalde bago mahalal bilang senador noong 2019. Samantala, ang mga Revilla ang pinakamalaking angkang naghahari sa Cavite, ngayong anim na miyembro ng kanilang pamilya ang nahalal sa mga lokal na posisyon.
Dinastiya sa Laguna
Sa ikatlong pagkakataon, muling pamumunuan ni Ramil Hernandez ang lalawigan ng Laguna matapos itong magwagi sa pagka-gobernador. Nagwagi rin ang asawa ni Ramil Hernandez na si Ruth Mariano-Hernandez sa kanyang ikalawang termino bilang kongresista ng ikalawang Legislative District ng Laguna. Kasama ni Ramil Hernandez na manunungkulan ang kanyang katambal na si Karen Agapay para sa pagkabise-gobernador. Si Agapay ay anak ng dating board member ng Ikatlong Distrito ng Laguna na si Nelson Agapay at ng dating auditor ng Commission on Audit (COA) na si Vicenta Cartabio. Bago pa man magsimulang manungkulan bilang gobernador noong 2016, matatandaang tumayo na si Hernandez bilang gobernador noong 2013 upang humalili sa pwesto ni ER Ejercito, na nasibak dahil umano sa labis nitong paggamit ng pondo sa kanyang kampanya. Samantala, tumakbo naman bilang alkalde ng Calamba, Laguna si Ejercito
NEWS
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
nitong nakaraang halalan, ngunit nabigo siyang makuha ang pwesto matapos manalo bilang alkalde si Ross Rizal. Binasag ni Rizal ang dinastiya ng mga Chipeco sa Calamba na nagsimulang maghari sa pagka-alkalde mula 2004 hanggang 2022. Parehong plataporma at programa pa rin ang inihandog ni Hernandez sa kanyang panibagong termino. Nakapaloob sa kanyang programa ang 8-Point Serbisyong Tama. Kabilang dito ang planong magsagawa ng libreng livelihood trainings para sa mga mamamayan ng Laguna, para matulungan ang paghahanapbuhay ng mga mamamayan. Gayunpaman, matatandaang sunod-sunod ang panghaharas ng mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), maging ang pwersa ng kapulisan at militar, sa mga unyonistang manggagawa sa Laguna na nagresulta sa takot at posibleng kawalan ng trabaho ng mga ito. Kabilang dito ang mga manggagawa ng Wyeth Philippines Inc. at Nexperia Philippines, Inc. Samantala, pormal na inendorso ni Hernandez noong kasagsagan ng kampanya si Sara Duterte para sa pagka-bise presidente sa pamamagitan ng pagdeklara sa kanya bilang “adopted daughter” ng Laguna. Sinuportahan din nito ang kandidatura ni Marcos Jr. para sa pagkapangulo. Matapos ang naganap na halalan, nanguna sina Marcos Jr. at Duterte sa karera ng pagka-presidente at bise-presidente sa Laguna.
Dinastiya sa Batangas
Tambalang Mandanas-Leviste ang muling mamumuno sa Batangas matapos magwagi sina Dodo Mandanas at katambal nitong si Mark Leviste sa pagka-gobernador at bise-gobernador. Ito ang ikatlong termino ni Mandanas at ikalawa naman ni Leviste. Hindi na bago ang apelyidong Mandanas sa politika sapagkat dati ring kongresista ng Marinduque at second nominee ng Anakalusugan Party-list ang asawa ni Dodo Mandanas na si Regina Reyes-Mandanas, bago ito pumanaw noong ika-5 ng Mayo. Samantala, ang angkan naman ng mga Leviste ay itinuturing na prominenteng politikal na pamilya sa Batangas. Nanungkulan bilang gobernador nang 24 taon ang patriyarkang si Feliciano “Sanoy” Leviste sa Batangas. Nanungkulan din bilang gobernador ang tiyuhin ni Mark Leviste na si Antonio Leviste, mula 1972 hanggang 1980. Si Antonio Leviste ay dating asawa ni Senador Loren Legarda bago ang naganap na annulment noong 2008. Nahatulang guilty si Antonio Leviste sa pagpatay sa kanyang aide noong 2007. Taong 2013 nang siya ay makalaya. Binigyan ng parole si Antonio Leviste sa kabila ng paglabas-pasok niya sa New Bilibid Prison (NBP) nang hindi awtorisado ng kapulisan. Samantala, sumabak na rin sa polit i ka a n g a n a k n i M a r k L ev i s t e n a si Ronin Leviste bilang kasalukuyang bise-alkalde ng Lian, Batangas. Dati namang Board of Investments Governor ang ama ni Mark Leviste na si Conrad Leviste, samantalang dating konsehal ng Lipa ang kanyang inang si Patsie Leviste. Matatandaang nakitaan ng 84 kilo ng shabu na nagkakahalagang P420 milyon ang poultry farm na pagmamay-ari ni Conrad Leviste, na kakambal ni Antonio Leviste. Agad pinabulaanan nina Mark at Conrad Leviste ang paratang na mayroon silang kinalaman sa nasabing illegal drug trade sa kanilang pagmamay-aring poultry farm. Kabilang din sa mga miyembro ng angkan ng mga Leviste na dating nasa larangan ng politika ay sina dating Senior Provincial
Board Member Sany Leviste, dating kongresistang si Expedito Leviste, at mga dating Constitutional Convention (Con-Con) Delegates na sina Joey at Oscar Leviste. Samantala, sa kanyang bagong termino, patuloy na isinusulong ni Mandanas ang programang HELP Batangas na naglalayong bigyang-importansya ang mga sektor ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at pagpapaunlad ng Batangas. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panggigipit sa ilang mga Batangueño. Nariyan ang malalang banta ng red-tagging at sapilitang pagpapalayas sa mga mamamayan na dulot ng pangkaunlarang agresyon.
Dinastiya sa Rizal
Nasungkit ni Nina Ynares ng National People’s Coalition (NPC) ang posisyon ng pagka-gobernador ng Rizal. Si Nina Ynares ay pumalit sa posisyon ng kanyang inang si Rebecca “Nini” Ynares. Patuloy na haharapin ni Nina Ynares ang mga banta sa kalikasan sa Rizal. Matatandaang sunod-sunod ang pag-atake sa rangers ng Masungi Georeserve, habang patuloy pa rin ang banta ng quarrying sa probinsya. Noong 2020, nag-isyu si Nini Ynares ng order na magbabawal sa pagmimina at quarrying sa Rizal. Noon namang nakaraang Hunyo, tatlong alkalde ng National Capital Region (NCR) ang naglabas ng pahayag na nag-uudyok na kanselahin ng lokal na pamahalaan ng Rizal ang quarrying agreements sa Masungi Geopark. Samantala, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng political clan ng mga Ynares matapos walang mabigo sa kani-kanilang tinakbuhang posisyon sa halalan. Ang nakababatang kapatid ni Nina Ynares na si Casimero “Jun” Ynares III ay papalit sa kanyang asawang si Andrea Ynares bilang alkalde ng Antipolo, Rizal. Si Andrea Ynares ay kapatid ni Bong Revilla na bahagi ng pinakamalaking naghaharing angkan sa Cavite. Ang ama nina Jun at Nina Ynares na si Casimero Ynares Jr. ay nanungkulan din bilang dating gobernador ng lalawigan. Matatandaang dating sinampahan ng apat na bilang ng graft si Casimero Ynares Jr. noong 2017 dahil sa umano’y overpricing ng mga fertilizer na binili ng Rizal Provincial Government noong 2004 hanggang 2005, na sakop ng kanyang panunungkulan bilang gobernador mula 2004 hanggang 2007. Samantala, wagi rin ang tambalan nina Engr. Cesar Ynares at Boyet Ynares, mga kapatid ni Casimero Ynares Jr., bilang alkalde at bise-alkalde naman ng Binangonan. Wagi naman sa pagka-bise gobernador si Junrey San Juan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). Isang San Juan din ang manunungkulan bilang alkalde ng Cardona, Rizal na si Jun San Juan ng NPC. Kamakailan lang ay itinalaga rin ang dating bise-alkalde ng Rizal na si Engr. Frisco “Popoy” San Juan, Jr. bilang bagong general manager naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). M a a a l a l a n g m u l a 1 9 8 8 h a n gga n g 1992, bago mabuo ang dinastiya ng mga Ynares sa pagka-gobernador, nanungkulan bilang pinuno ng Rizal ang isa pang San Juan na si Reynaldo San Juan.
Dinastiya sa Quezon
Pagtupad sa “Serbisyong Tunay at Natural” ang inaasahan ng mga mamamayan ng Quezon matapos mahalal bilang bagong gobernador ng probinsya ang dating kinatawan ng ikaapat na distrito at doktora na si Helen Tan. Saklaw ng plataporma ni Tan ang
pagpapatuloy ng mga programa para sa Health, Education, Livelihood, Infrastructure, Nature and Environment, and Good Governance (HEALING) na kanyang sinimulan sa kanyang paninilbihan bilang kongresista. Papalit naman sa posisyon ni Helen Tan sa pagiging kinatawan ng ikaapat na distrito ang kanyang anak na si Mike Tan. Dating naharap sa mga reklamong administratibo at kriminal ang asawa ni Helen Tan na si Ronnel Tan, direktor ng Region 1 Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ay matapos umanong maghagis si Ronnel Tan ng perang nagkakahalagang P2-3 milyon upang pag-agawan ng mga bisita sa isang pagtitipon. Ayon sa nagsampa ng reklamo, nilabag ni Ronnel Tan ang Republic Act No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, na nagsasaad na “public officials and their families must live modest lives”. Pinabulaanan ito ni Helen Tan at dumepensang ang reklamo ay panghaharas lang sa kanila mula sa mga kalaban sa pulitika. Samantala, sa pagkapanalo bilang bagong gobernador ng lalawigan, binigo ni Tan ang re-election bid ni Danilo Suarez. Hindi rin pinalad na manalo bilang kongresista sa ikatlong distrito ang asawa ni Suarez na si Aleta Suarez, ngunit muling nanguna sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ang anak nilang si David Suarez. Tinalo ni David Suarez ang dating kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Proceso Alcala. Pinalitan naman ni David Suarez ang isa pang miyembro ng pamilyang Alcala na si Vicente “Kulit” Alcala. Samantala, mauupo naman bilang bise-gobernador ng Quezon si Anacleto “Third” Alcala III ng NPC. Sa dako ng dinastiya ng mga Alcala, tambalang anak at ama ang namayagpag sa Lucena City matapos ideklarang alkalde si Mark Alcala, samantalang bise alkalde naman ang pinsan ni Third Alcala na si Roderick Alcala. Wagi rin sa ikalawang Provincial District si Vinette Alcala, na anak naman ni Vicente Alcala.
Delubyong dala ng dinastiyang politikal
Sa isinagawang pag-aaral ng Ateneo School of Government noong 2016, napatunayang mayroong tuwirang relasyon sa pagitan ng mga mahihirap na lalawigan at mga lalawigang mayroong prominenteng dinastiya.
5
noong naturang rehimen ay ang pag-usbong naman ng mga dinastiyang politikal. “If you add [a] monopoly of political power and the discretion to distribute power minus accountability, the result is a lot of corruption,” dagdag pa niya. [“Kapag nagdagdag ka ng monopolyo ng politikal na kapangyarihan at ang pagpapasiyang ipamahagi ang kapangyarihan nang walang pananagutan, sangkatutak na korapsyon ang magiging resulta.”]
Bagaman nakasaad sa Artikulo II Seksyon 26 ng 1987 na Konstitusyon ang pagbabawal sa political dynasties, wala pa ring naipapasang batas na tuluyang magbabawal sa ganitong sistema sa politika. Marami nang naihaing bills sa Kongreso at Senado ukol sa pagbabawal ng dinastiya, ngunit nabigong maipasa ang lahat ng ito bilang batas. “The Constitution entrusted to Congress the duty to end political dynasties. Unfortunately, we have failed in our duty and, hence, political dynasty still persists and so does poverty,” pahayag ni dating Senate Minority Leader Franklin Drilon. [“Ipinagkatiwala ng Konstitusyon sa Kongreso ang tungkuling wakasan ang mga dinastiyang politikal. Sa kasamaang palad, nabigo tayo sa ating tungkulin kaya patuloy ang paglaganap ng mga dinastiyang politikal at kahirapan.”] Ito ay matapos ang kanyang muling paghain ng Senate Bill No. 11 sa 18th Congress noong 2019, na magbabawal sa mga dinastiyang nasa second degree of consanguinity. Sa kasalukuyan, ang nasabing bill ay pending pa rin sa Senado.
MGA LARAWAN MULA SA:
Ibig sabihin nito, karamihan sa political dynasties ay matatagpuan sa mga pinakamahihirap na probinsya ng bansa. Sa inilabas na datos ng Inquirer para sa mga taong 2007 hanggang 2016, kapansin-pansing mayroong malaking porsiyento ng mga politikong kabilang sa dinastiya at mga malalaking angkan ang namumuno sa mga pinakamahihirap na probinsya sa Pilipinas. Idiniin ng ekspertong si Ronald Mendoza, dean ng Ateneo School of Government taong 2016 hanggang 2022, ang pag-usbong ng “fat dynasties” noong rehimen ni Marcos Sr. Ayon kay Mendoza, kasabay ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas
CAVITE PROVINCIAL GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE GILBERT REMULLA / FACEBOOK PING REMULLA / FACEBOOK JONVIC REMULLA / FACEBOOK GOV. RAMIL L. HERNANDEZ / FACEBOOK TAGAYTAY CITY GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE MICHAEL “MICKO” TOLENTINO / FACEBOOK FRANCIS TOLENTINO / FACEBOOK ABRAHAM “BAMBOL” TOLENTINO / FACEBOOK ATHENA TOLENTINO / FACEBOOK ANIELA TOLENTINO / FACEBOOK RUTH MARIANO HERNANDEZ / FACEBOOK ATTY KAREN AGAPAY / FACEBOOK BATANGAS PROVINCIAL GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE GOVERNOR DODO MANDANAS / FACEBOOK LOREN LEGARDA / FACEBOOK MARK LEVISTE / FACEBOOK RIZAL PROVINCIAL GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE LPP OFFICIAL WEBSITE NINA YNARES / FACEBOOK RAMON BONG REVILLA, JR. / FACEBOOK DPWH OFFICIAL WEBSITE DOKTORA HELEN TAN WEBSITE ATORNI MIKE / FACEBOOK VICENTE J. ALCALA / FACEBOOK THIRD ALCALA / FACEBOOK CITY GOVERNMENT OF LUCENA OFFICIAL WEBSITE VINNETTE ALCALA / FACEBOOK MARK ALCALA / FACEBOOK JUN-ANDENG YNARES / FACEBOOK
6
N E WS
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Ika-124 na taon ng “huwad na kalayaan”, sinalubong ng kilosprotesta ng mga progresibo mula sa Timog Katagalugan Iginiit ng delegasyon na ang nakalipas na 124 na taon ay pekeng kalayaan dahil sa imperyalismo at sa pagbabalik sa kapangyarihan ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte. NI YANI REDOBLADO ASSOCIATE NEWS EDITOR
N
agtungo sa lansangan ang mga progresibong grupo mula sa Timog Katagalugan upang markahan ng kilos-protesta ang ika-124 na taon ng Araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo. Paalala nila: “Bawat paggunita sa Araw ng Huwad na Kalayaan ay nagpapaalala sa atin sa mga tanikalang iginagapos tayo sa kahirapan.” Kasama ang mga aktibista at progresibo, dinaluhan ng mga magsasaka, manggagawa, estudyante, at urban poor ang protesta sa Binakayan Market, Kawit, Cavite upang ipakita ang tunay na katayuan ng mga Pilipino at ipanawagan ang katapusan ng pasismo, pyudalismo, at imperyalismo sa Pilipinas. Iba’t-ibang representante mula sa youth groups na Anakbayan Southern Tagalog, Gabriela Southern Tagalog, Kabataan Partylist Cavite, at Youth Advocates for Peace with Justice (YAPJUST) Southern Tagalog ang nanawagan sa mga kabataan na tumindig at isulong ang tunay na reporma sa lupa, pagpapataas ng sahod, at paggalang sa karapatang tao. “Hindi tunay ang kalayaang tinatamasa ng ating bansa dahil mismong sa mga karapatan natin, makikita na patuloy ang mga atake hindi lamang ng mga imperyalista kundi ng mismong nasa kapangyarihan sa ating gobyerno,” ayon sa tagapagsalita ng YAPJUST ST. Idinaing din ng mga grupong Samahang Magsasaka ng Tartaria (SAMATA) at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang inhustisya at patuloy na kawalan ng paggalang sa karapatan ng mga magsasaka. Binigyang-diin din nila ang mga problema ng mga manggagawa sa presyo ng langis at bilihin, maliit na sahod, problema sa tubig at kabuhayan, at mahal na pamasahe. Kinondena rin ng mga grupo ang pamamasista ng rehimeng Duterte sa masa at pagsupil sa karapatan ng mga progresibong grupo, indibidwal, at mga organisasyon. Nagtanghal naman ang Southern Tagalog Cultural Alliance ukol sa inhustisya sa mga inosenteng taong pinaslang sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ang Panday Sining Cavite ay nagbigay-pugay sa mga patuloy na nakikibaka upang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng Pilipinas. Sa Laguna, iba’t ibang sektor at grupo ang nagkasa rin ng mobilisasyon sa Los Baños at Cabuyao upang gunitain ang Araw ng Kalayaan. “Sa isang bansang malaya, ang mga mamamayan ay hindi na kailangan pang magmakaawa para sa mga batayang serbisyong panlipunan. Ngunit dito sa Pilipinas, ang edukasyon [at] ang healthcare system ay ginagawang negosyo ng mga dambuhalang korporasyon,” pahayag ng isang kinatawan ng Lakapati Laguna. “Kung tayo ay tunay na malaya, walang dugo na dadanak sa pagdepensa sa ating
MGA LARAWAN MULA KAY CLAIRE DENISE SIBUCAO | PAGLALAPAT NI RON JERIC BABARAN
soberanya, walang mamamayan na nagdurusa dahil sa labis na kahirapan at pananamantala na dulot ng panghihimasok ng mga dayuhang mananakop,” dagdag nila.
Bakas ng imperyalismo “Napakaraming beses na pinatunayan na ang mamamayan ay may kadena pa rin sa kanilang mga leeg. 124 taon nang nakakalipas mula noon hanggang ngayon, walang pagbabago. Ang mahihirap ay kulong pa rin sa kahirapan buhat ng pananamantala ng imperyalistang Kano,” ani ng tagapagsalita ng Solidarity of Cavite Workers na si Marcus Confesor. Dagdag pa ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Cavite Provincial Coordinator Jerry Caristia, mananatiling huwad ang kalayaang ipinagdiriwang nang higit sa isang siglo dahil sa impluwensya ng imperyalistang Estados Unidos sa pamahalaan. Giit ng BAYAN Cavite sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook page, hindi makakamtan ng Pilipinas ang tunay na kalayaan habang hindi naitatakwil ang malalim na imperyalismo sa bansa, lalo na’t ngayon ay nagbabadya ang bagong administrasyong pamumunuan ng tambalan ng mga anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at dating pangulong si Rodrigo Duterte. Pahayag ng Panday Sining Cavite: “At tulad ng kanilang ama, ang tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte ay handang humalik sa paa ng mga dayuhan. Kamakailan lamang nang maganap ang eleksyon, tanaw pa lang ng US ang pagkaangat ng bilang ng boto kay Ferdinand Marcos Jr. bilang presidente ay agad na itong nagpakita ng suporta. Hindi ba’t hindi naman maaaring makatapak si Marcos Jr. sa Estados Unidos? Hindi malayong mangyari ang sabwatan sa pagitan nila!” Noong Hunyo 9, sinabi ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman na maaaring gamitin ni Marcos Jr. ang kanyang diplomatic immunity upang maisagawa ang kanyang mga opisyal na tungkulin sa Estados Unidos
nang walang pangambang harapin ang mga kaso laban sa kanya. Hindi pa nakahaharap si Marcos Jr. sa contempt judgment na inisyu ng korte sa Estados Unidos kaugnay ng human rights class suit laban sa ama niyang diktador. Ang halaga ng salapi kaugnay ng nasabing contempt judgment ay aabot na sa $353 milyon, o katumbas ng mahigit P18 bilyon. Samantala, giit pa ng Panday Sining Cavite, mas lalong paiigtingin ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte ang walang pakundangang pang-aalipusta sa bansa ng mga tuta ng dayuhan.
Patuloy na panggigipit sa kalayaan
Sa mobilisasyon sa Los Baños, tinuligsa ng College Editors Guild of the Philippines Southern Tagalog (CEGP-ST) ang pag-atake sa mga organisasyong pang-midya sa ilalim ng rehimeng Duterte. “Walang respeto ang alyansang Marcos-Duterte sa pamamahayag kung kaya pinuno nila ang iba’t-ibang espasyo ng disimpormasyon at pinaiingay at pinapalabnaw ang mga importanteng diskusyon gamit ang mga bayarang personalidad at mga vloggers,” pahayag ng alyansa. Ibinahagi rin ng University of the Philippines Los Baños University Student Council (UPLB USC) ang estado ng mga mag-aaral noong Batas Militar kung saan ipinagbawal ang pag-oorganisa at mga institusyon sa unibersidad na pinangungunahan ng mga lider-estudyante. Samantala, isang kinatawan mula sa Kabataan Partylist Cavite ang nagsalita sa kilos-protesta upang tutulan ang pagtatalaga kay Sara Duterte bilang susunod na kalihim na Kagawaran ng Edukasyon. “Hanggang ngayon, patuloy pa rin tayong nagdurusa sa remote learning. Pinatunayan ng rehimeng Duterte ang pagkabulok ng sistema ng edukasyon kaya’t lalong tutulan ang pag-upo ni Sara Duterte sa Kagawaran ng Edukasyon,” aniya. Dagdag ni Caristia sa post ng BAYAN Cavite: “Bongbong Marcos and Sara Duterte’s succession will pose a deadlier and more alarming
human rights situation in the country. What happened in Tinang, Tarlac and alarming police brutality in Manila and other parts of the country is already a hint of what we should expect under the administration of Ferdinand Marcos Jr.” [“Ang pamumuno nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ay magdadala lamang ng mas nakamamatay na human rights situation sa ating bansa. Ang nangyari sa Tinang, Tarlac at ang panghaharas ng mga pulis sa Maynila at iba pang lugar sa Pilipinas ay ilan sa mga pahiwatig ng kung ano ang maaaring asahan sa administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr.”] Tatlong araw bago ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan, mahigit 80 magsasaka at food security advocates mula sa Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac ang iligal na inaresto matapos magsagawa ng bungkalan – isang paraan ng protesta kung saan iginigiit ng mga pesante ang kanilang pagmamay-ari sa lupain. Itinuturing ito ngayon bilang “single biggest mass arrest” sa ilalim ng administrasyong Duterte. Noong Hunyo 12, tagumpay na napalaya mula sa pagkakulong ang 83 na indibidwal matapos ang pag-isyu ng release order ng Municipal Trial Court, na noong una ay hinarang pa ni Philippine National Police (PNP) Concepcion acting police chief Reynold Macabitas. Noong Hunyo 11 naman ay marahas na dinampot at inaresto ang environmental defender na si Daisy Macapanpan sa Pakil, Laguna, na itinuring ng YAPJUST UPLB bilang pagpapakita ng takot nina Duterte at Marcos sa mga tagapagtanggol ng kalikasan at karapatang pantao. Bago ang panghaharas at pag-aresto ay nagsalita si Macapanpan sa isang pagtitipon hinggil sa pagpapatayo ng Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project. Ang proyekto ay pinangangambahang magiging sanhi ng pagbaha sa mga karatig-bayan ng Sierra Madre dahil sa pagpuputol ng puno at pagkasira ng kalikasan. Kasama si Daisy sa mga nagpepetisyong Pakileño sa pagtigil ng pagpapatayo ng nasabing Hydropower Project. Samantala, matatandaang noong ika-25 ng Mayo ay ilang riot police naman ang gumamit ng water canons upang harangin ang mga indibidwal at grupong nagprotesta sa Commission on Human Rights (CHR) laban sa mga anomalya kaugnay ng nakaraang eleksyon. “Hindi pa man nakauupo ang tambalang Marcos-Duterte, talamak na paglabag sa karapatang pantao ang isinasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa bilang paghahanda sa kanilang paghalili kay Rodrigo Duterte. Tiyak, walang ibang aasahan ang mamamayang Pilipino mula sa susunod na administrasyon kundi higit na pagkalugmok ng mga batayang sektor sa pagpapatuloy ng kanilang pagpapakatuta sa US-China,” pahayag ng Anakbayan Cavite. Giit din nila na sa sunod-sunod na paglabag sa karapatang pantao ay walang ibang aasahan sa sambayanang Pilipino kundi ang mas mahigpit na pagtangan sa nagkakaisang layunin na pagkamit sa tunay na pambansang demokrasya. [P] ONLINE
uplbperspective.org Read the full story and additional context on our website uplbperspective.org
NEWS
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
7
Taunang ST Pride, inilunsad upang isulong ang karapatan ng LGBTQ+ community, tutulan ang tambalang Marcos-Duterte Layunin ng Pride Month na lumaban para sa tunay na paglaya ng LGBTQ+ community, at maging ang paglaya ng bansa mula sa patriyarkal na lipunan. NI RAINIE EDZ DAMPITAN STAFF WRITER
N
agtipon noong ika-28 ng Hunyo ang iba’t ibang progresibong grupo at indibidwal sa Carabao Park, UPLB upang ipagdiwang ang taunang Southern Tagalog Pride March na may temang “LGBT of Southern Tagalog, Speak Now! RAMPA PARA SA KINABUKASAN, KALAYAAN, AT KATOTOHANAN!”. Layunin ng Pride Month na lumaban para sa tunay na paglaya ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ+) community, at maging ang paglaya ng bansa mula sa patriyarkal na lipunan at talamak na pekeng balita at disimpormasyon sa ilalim ng bagong administrasyon na pangungunahan ng tambalan ng mga anak ng pasistang Marcos-Duterte. Kabilang sa mga layunin ng Pride March ay ang pakikiisa sa laban para maipatupad ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill, na naglalayong bigyan ng ligal ng proteksyon mula sa anumang diskriminasyon ang isang indibidwal batay sa kanilang SOGIE. 12 beses na itong inihain sa Kongreso sa loob ng dalawang dekada ngunit hindi pa rin naipapasa. Ayon sa tagapagsalita ng UPLB Babaylan, nararapat na patuloy ang panawagan laban sa kahit anong porma ng diskriminasyon, at ang paglaban para maipasa ang SOGIE Bill at mga transgender and non-conforming policies sa UPLB. Matatandaang ipinasa sa ika-52 na General Assembly of Student Councils (GASC) noong
LARAWAN MULA KAY CLAIRE DENISE SIBUCAO
nakaraang Pebrero ang Resolution 2022-005 o “A Resolution to Amplify Campaigns for Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and Sexual Characteristics (SOGIESC) and the Institutionalization of UP KASARIAN as a Gender Alliance.” Samantala, nagkaroon din ng Pride Fair sa Los Baños noong ika-24 hanggang ika-25 ng Hunyo, na may iba’t ibang aktibidad gaya ng human immunodeficiency virus (HIV) screening at pagbebenta ng mga produktong lokal. Ang ST Pride ay nagsimula noong 2011, kung saan nagmartsa ang mga progresibong
organisasyon ng Timog Katagalugan, sa pangunguna ng UPLB Babaylan, upang magprotesta para sa pantay-pantay na karapatan ng mga Pilipino, anuman ang kanilang kasarian. Sa pamamagitan din nito, naitatag ang ST Pride Alliance na binubuo ng LGBTQ+ organizations at mga institusyong nananawagan para sa pagkakapantay-pantay ng karapatan at pagwawakas ng gender-based violences. Noon pa man ay walang habas na ang paglapastangan sa mga miyembro ng LGBTQ+ community, kagaya na lang ng pagpaslang sa
transwoman na si Jennifer Laude. Binigyan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon si Joseph Pemberton, na pumatay kay Laude. Nariyan din ang pagkitil sa mga buhay ng mga lider-estudyante at miyembro ng LGBTQ+ community na sina Ian “Ka Danoy” Maderazo at Kevin “Ka Facio” Castro. Dagdag din ng Gabriela Youth Laguna sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook, marapat na paigtingin ang kampanya laban sa rehimeng Marcos-Duterte at labanan ang iba’t-ibang anyo ng karahasan laban sa LGBTQ+. Ani naman ng Lakapati Laguna, “Sinasabi ng pamahalaan na ang bakla raw ang umaagaw ng lakas, pero kung titignan natin, ang pamahalaan, ang umiiral sa sistema sa lipunan – sila ang umaagaw ng lakas ng mga magsasaka, ng mga manggagawa, mga kababaihan, at mga mag-aaral sa buong bansa.” Isang kinatawan naman mula sa sektor ng mga manggagawa ang nagsalita tungkol sa araw-araw na pagdurusa ng mga mamamayan sa pagpila sa mga terminal, sa gastos sa konsumo at pamasahe. Ipinanawagan nila ang pagsuspinde sa EVAT at excise tax sa langis, pati ang pagbasura sa oil deregulation laws na nagpapahirap sa mga mamamayan. Samantala, binigyang-diin naman ng Kabataan Partylist ST na ang Pride ay isang deklarasyon ng laban para sa kalayaan. “Sa pagmamartsa ng mga Pilipinong LGBT ngayong buwan at maging sa mga susunod pa, nagsisilbing deklarasyon ang Pride na hindi kailanman mapipigilan ang pagnanais ng sangkabaklaan at ng mga mamamayan na makamit ang mga karapatan at kalayaang nais matamasa,” ani ng grupo. [P]
Flores de Endo, idinaos ng grupo ng mga manggagawa upang ipanawagan ang pagtaas ng sahod, pagwakas sa kontraktwalisasyon NI ARON JAN MITCHELL SIERVA NEWS EDITOR Sa pangunguna ng Alyansa ng Manggagawa sa Probinsya ng Laguna (ALMAPILA), inilunsad ng mga manggagawa ang Flores de Endo sa Department of Labor and Employment (DOLE) Laguna Provincial Office noong ika31 ng Mayo. Ang protesta ay ikinasa upang patuloy na ipanawagan ang pagtaas ng sahod, pagbaba ng presyo, at pagwakas sa kontraktwalisasyon. Binigyang-diin ng isang tagapagsalita na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panggigipit sa mga manggagawang Pilipino. “Dito sa ating rehiyon, nananatiling mababa ang pasahod sa mga manggagawa. Naglalaro po sa P300 hanggang P400 ang sinasahod ng mga manggagawa, na kung tutuusin ay hindi sasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya,” dagdag pa niya. Sa katunayan, ayon sa think tank na IBON
Foundation, nasa sa P1065 ang family living wage, o ang halaga ng salaping kinakailangan ng bawat pamilya upang magkaroon ng disenteng pamumuhay araw-araw. Ang kakulangan ng sahod ay lubha pang pinalala ng pandemya. Binigyang-diin naman ng tagapagsalita ng Liga ng mga Manggagawa para sa Hanapbuhay na hindi maipagkakaila ang malaking ambag ng mga manggagawa para sa ekonomiya ng bansa. “Mga kasama, lagi nating tandaan na ang mga manggagawa ay isa sa nagpapaunlad ng ating bansa, sa pamamagitan ng kinakaltas na buwis para sa ating gobyerno [...] Maninindigan tayo sa ating mga batayang karapatan para sa regular na hanapbuhay,” aniya. Samantala, binigyang-linaw naman ng Nexperia ang kontraktwalisasyong patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa. Panawagan nilang maparasuhan ang mga kapitalistang hindi sumusunod sa mga batas. “Ipatupad na ang regularisasyon na dapat ay matagal nang nakamtan ng mga
manggagawa sa ating probinsya,” panawagan ng tagapagsalita ng ALMAPILA.
Kaliwa’t kanang pag-atake
Patuloy rin ang pagdanas ng pang-aabuso ng mga manggagawa. Noong Marso 2021, pinaslang ang mga lider-manggagawang sina Manny Asuncion at Dandy Miguel. Patuloy rin ang panghaharas at umano’y pagbisita ng kapulisan sa bahay ng mga lider-manggagawa, katulad halimbawa ni Anakpawis Partylist Laguna Coordinator Red Clado. Inakusahan siya bilang high-ranking official umano ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Samantala, ikinuwento naman ng tagapagsalita mula sa NutriAsia kung paano sila nakaranas ng panghaharas mula sa hanay ng kapulisan, matapos silang magkasa ng kilos-protesta noong ika-6 ng Hulyo, 2019. Anila, binuwag ng kapulisan ang hanay ng mga nagmobilisa, habang binugbog pa ang ilan sa kanila.
Ayon sa Facebook post ng Anakbayan Southern Tagalog noong 2019, noong panahong ikinasa ng mga manggagawa ang kilos-protesta, nasa 1000 manggagawa ang kontraktwal. Hindi rin umano tama ang pagbabayad sa overtime at nagkakaroon pa ng mga iligal na deduction para sa uniporme at annual physical examination. “Nandito kami upang itambol at isigaw na kami ay ibalik na sa pagawaan bilang mga regular na manggagawa!” dagdag pa niya. Binigyang-diin ng mga manggagawa na hindi ipinagbabawal ang pagbuo ng mga unyon, subalit sa kabila nito, patuloy pa rin ang insidente ng mga red-tagging, iligal na pag-aresto, at pagpatay sa hanay ng mga lider-manggagawa. “Isang malaki at importanteng pahayag na kahit anong gawing paniniil, pananakot, paninira, at pag-atake, sama-sama pa rin pong titindig ang manggagawang Pilipino kasama ang iba’t-ibang sektor sa ating bansa upang ipaglaban ang sahod, trabaho, at karapatan.” [P]
8
N E WS
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Mga progresibong grupo, patuloy na nananawagan sa paglaya ng inarestong environmental defender Pilit idinadawit ng awtoridad si Vertudez “Daisy” Macapanpan sa isang 2008 rebellion case na nakapangalan sa isang “Tian/Tiyang/ Tyang/Tsen”, ngunit mariin niya itong pinabulaanan. NI ALEX DELIS STAFF WRITER
N
oong ika-12 ng Hunyo, nagsagawa ng press conference ang Defend Southern Tagalog, kasama ang mga progresibo at makakalikasang grupo, upang ipanawagan ang agarang paglaya ng environmental defender na si Vertudez “Daisy” Macapanpan mula sa kamay ng pulisya.
Kung itinuturing nilang krimen ang pagtatanggol sa kalikasan at interes ng mga katutubo, ito po ay naglalahad kung anong klaseng gobyerno ang mayroon tayo para sa mga nagtatanggol ng mas matiwasay at [mas] masaganang bukas para sa ating lahat,” giit ni Victoria Lavado, representante ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), sa naganap na press conference. Ito ay matapos iligal at marahas na inaresto ang biktima noong ika-11 ng Hunyo sa kanyang bahay sa Pakil, Laguna ng humigit-kumulang 24 na elemento ng Philippine National Police-Special Action Force (PNPSAF) nang walang anumang ipinakitang arrest warrant. Kinilala ang biktima na dating propesor ng humanidades sa UP Baguio at tagapayo ng Outcrop, na opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng nasabing unibersidad, noong Dekada ‘80. Si Daisy ay isa ring tagapagtanggol ng kalikasan at masugid na kritiko ng Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project o Ahunan Hydropower Plant na itatayo sa bahagi ng Sierra Madre, partikular sa ibabaw ng bayan ng Pakil. Mariin ang pagtutol ng environmental advocates at mga mamamayan sa nasabing planta dahil sa magiging epekto nito sa kalikasan.
Mga iregularidad sa pag-aresto
Sa nasabing press conference, isinalaysay ng pamangkin ng biktima na si Ryan Macapanpan ang serye ng mga pangyayari noong araw ng pag-aresto kay Daisy. Nagkaroon umano ng pagtitipon sa Pakil Church ang mga residente kasama si Daisy,
umaga ng Hunyo 11. Ito ay isang people’s consultation na pinangunahan ng biktima upang talakayin ang kanilang pagtutol sa pagpapatayo ang nasabing planta. Noong hapon matapos ang konsultasyon, dumating ang hindi bababa sa 24 na PNP-SAF bitbit ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril at sapilitang inaresto si Daisy. Wala rin umanong ipinakitang arrest warrant ang kapulisan at hindi rin binasahan ng karapatan ang biktima. Mariing kinondena ng mga progresibo at makakalikasang grupo ang naturang pag-aresto. Ayon sa kanila, ito ay isang malinaw na pag-atake sa mga tagapagtanggol ng kalikasan. Pahayag ng Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE), “overkill” ang pagpapadala ng mahigit 20 PNP-SAF upang arestuhin ang isang 68-anyos na babae. Dagdag pa nila, puno ng mga iregularidad ang naganap na pag-aresto. Sa panayam ng paralegal team ng Karapatan Southern Tagalog (ST), kinumpirma ng alkalde ng Pakil na si Vincent Soriano, maging ang chairman at konsehal ng Brgy. Burgos, na hindi umano ipinabatid ng PNP-SAF sa local government units (LGU) ang pag-aresto sa biktima. Mariing kinondena ng naturang organisasyon ang anila’y kawalan ng koordinasyon ng kapulisan sa LGU hinggil sa naganap na pagdakip. Ayon sa kanila, ito ay isang “breach in protocol”. Inilabas din ng Karapatan ST sa kanilang Facebook post ang bahagi ng liham galing kay Daisy, kung saan isinalaysay niya ang kanyang naging karanasan sa kamay ng pulisya sa General Nakar. Ayon sa biktima, pilit na idinidikit sa kanya ang alyas na “Tian/Tiyang/Tyang/Tsen” na dawit umano sa 2008 rebellion case, na mariin naman niyang pinabulaanan. Isinalaysay rin ni Daisy ang intimidasyon na ginawa ng mga pulis sa kanya at sa kanyang abogado, sa kabila ng kawalan ng matibay na ebidensya na ipinaparatang sa kanya. Hinarang umano ng hepe ng General Nakar police station na si P/Lt. Jo T. Alvarez ang mga pangangailangang medikal at paralegal ng biktima. Iniipit din umano ni Alvarez ang pagkuha ng abogado ni Daisy ng mga dokumento tungkol sa nangyaring pagdakip. Ilang beses din daw pinagpabalik-balik ng hepe ang letter of request na isinumite ng abogado at inakusahan pang paso ang lisensya nito. Hindi rin pinayagan ng istasyon na makipag-usap si Daisy sa Commission on Human Rights (CHR). Hinarang din ang pagdalaw ng mga kaanak ng biktima. Samantala, iginiit ni Daisy sa kanyang liham na ang nangyaring iligal na pag-aresto ay dahil sa kanyang pagtindig laban sa itatayong Ahunan Hydropower Plant sa kanilang bayan. “Tulungan niyo po akong kagyat na makalabas ng kulungan dahil wala po akong kasalanan… Tulungan niyo po akong makalaya para patuloy [na] makalahok sa pagsisikap na mapigilan ang pagtatayo ng malaking dam sa Sierra Madre, sa Pakil, Laguna, at iba pang lugar,” panawagan ng biktima sa kanyang liham.
Dambuhalang panganib
Ang Ahunan Hydropower Plant ay may kabuuang lawak na 299.4 ektarya at pinaplanong itayo sa munisipalidad ng Pakil, Laguna. Sakop ng proyekto ang apat na barangay sa Pakil kabilang ang Baño, Burgos, Rizal, at Taft. Layunin nitong maging isa sa mga pangunahing suplay ng kuryente sa Luzon, partikular sa pangangailangan ng mga kumpanyang pinaaandar ng kuryente. Nagkakahalagang $1.1 bilyon ang nasabing proyekto na popondohan ng JBD Water Power Inc. at Prime Metro Power Holdings. Nakatakdang simulan ang naturang proyekto sa first quarter ng 2023 at inaasahang matatapos sa 2027. Ayon sa pahayag ng Ahunan Power, mahalaga umano ang makukuha nitong hydropower energy upang masolusyonan ang mga suliranin sa climate change at akses sa enerhiya. Subalit giit ng mga progresibong grupo, ang pagpapatayo ng naturang planta ay magkakait ng libreng akses sa tubig ng mga residente at magdudulot ng pagkatuyo ng mga anyong tubig sa lugar. Ayon pa sa praymer na inihanda ng Protect Sierra Madre for the People (PSM) noong Pebrero 2022, ang pagpapatayo ng dam o hydropower plant ay magdudulot ng pagputol sa mga puno at pagyanig ng paligid dahil sa konstruksyon. Magdudulot din ang nasabing proyekto ng pagkasira ng tirahan ng mga halaman at hayop sa kabundukan. Matapos maipatayo ang dam, magdudulot din ito umano ng pagbaha dahil sa paglihis ng agos sa loob at ilalim ng kabundukan. Posible ring magkaroon ng landslides at flashfloods sa lugar. Paliwanag ng PSM, malaki umano ang posibilidad na bumaha sa mga mabababang lugar na nakapaligid sa Lawa ng Laguna sa oras na maipatayo ang Ahunan Hydropower Plant. Ito ay dahil mayroon na ring dalawang dam sa lugar na nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa lawa – Kaliraya Dam at Botocan Dam. Kabilang din ang Pakil sa mga lugar na mayroong moderate to high seismicity dahil sa presensya ng active faults at subduction zones sa 150-km radius ng lugar. Ibig sabihin nito, maaaring makaranas ng lindol sa lugar na pagtatayuan ng planta na magiging delikado sa mga residente roon. Bukod sa mga nakaambang peligro sa kalikasan, isa rin sa mga ipinaglalaban ng mga Pakileño ay ang pagiging sagrado ng lugar kung saan itatayo ang dam. Sagrado kung ituring ng mga katutubo at residente ng lugar ang bundok ng Ping-as sa ibabaw ng Pakil, kung saan idinadaos ang “Ahunan sa Pingas” tuwing huling Sabado ng Mayo, na isang pagpupuri sa kabanalan ng lugar. Dahil dito, patuloy ang pangangalampag ng mga residente ng Pakil na pigilan ang nasabing proyekto. Nagkaroon ng samu’t-saring petisyon para sa pagtutol dito. Kabilang ang alkalde ng Pakil na si Soriano sa mga patuloy na itinutulak ang proyekto sa kabila ng mga hinaing ng kanyang mga nasasakupan. Matatandaang naglabas ng pahayag ang
LARAWAN MULA SA KARAPATAN TK / FACEBOOK
nasabing alkalde noong Araw ng Kalayaan hinggil sa warrantless arrest kay Daisy na hindi umano dumaan sa due process. Isang araw matapos ang kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Soriano na nakatanggap umano siya ng mensahe mula sa “kababayan na aktibo pa sa serbisyo” na nagsasabing ang pagkakaaresto kay Daisy ay dahil umano sa pagiging top-ranking communist nito, at walang kinalaman sa pagiging environmental defender niya. Taliwas ito sa sinasabi ng mga kaanak ng biktima at mga progresibong grupo. Idiniin nilang ang naturang pagdakip ay parte ng matinding crackdown laban sa environmental defenders at mga katutubo. “Sana po ang hustisya ay bumalik sa matahimik at napakagandang bayan ng Pakil… Sinira po ito ng katakawan sa salapi ng kung sinumang pulitikong ganid. Gusto nilang sirain ang aming bundok na minana pa namin sa aming mga ninuno,” saad ng pamangkin ni Daisy. Ilang dekada nang nakikipaglaban ang mga katutubo at residenteng naninirahan sa kahabaan ng Sierra Madre bunsod ng mga industriyalisadong proyektong itatayo sa bulubundukin. Sa kasalukuyan, niraratsada na ng pamahalaan ang pagpapatayo sa Kaliwa Dam, sa kabila ng banta nito sa Sierra Madre at sa kabuhayan ng mga katutubong Dumagat. ONLINE
uplbperspective.org Read the full story and additional context on our website uplbperspective.org
NEWS
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
9
UPLB student leaders recount student militancy leading to victory of #OccupySU campaign Former USC Chairpersons Bongon and Severino revisit the history of how students asserted their rights amid narrowing democratic spaces.
occupying the student center with or without the administration’s approval. “Hindi nagpapatinag ‘yung mga estudyante, kasi gabing-gabi na tapos papaalisin sila. Saan nila tatapusin ‘yung mga acads, activities nila e mas hindi safe sa labas,” Severino said.
BY YANI REDOBLADO ASSOCIATE NEWS EDITOR
Solidarity amid narrowing democratic spaces
W
ith the gradual return to limited face-to-face activities, UPLB students sustained the tradition of the #OccupySU campaign after students stayed in the Student Union (SU) Building from June 6 to June 17. This was after the Learning Resource Center (LRC) approved the request of the University Student Council (USC) to open the learning hub at the SU Building 24 hours a day during the finals week of the second semester of A.Y. 2021-2022, marking the end of the second fully-online academic year in UPLB. The SU Building, which was built as a student center in the 1960s, has always been recognized as a place for student activities. With this, the #OccupySU campaign aims to unite the students in the call for a genuine student center and continue to fight for their democratic rights. Specifically, the campaign calls for a student center that can cater to and prioritize the needs of the students who need Internet access and study areas. The pandemic worsened the already existing challenges of learning, resulting in students who resort to going out of their homes just to find a suitable study area. Such challenges include Internet connectivity issues, unfavorability of the learning environment at home, and limited financial capability for utility bills, among others. In an interview with the Perspective, BS Agriculture student Mj Flores said that the opening of the learning hub is helpful for students residing near the campus who are trying to reduce their electric consumption, or may not find their apartments conducive for learning and are then forced to go to cafés. Former USC Chairperson Siegfred Severino added that being forced to go outside puts the students at risk: “Given na dis-oras na rin ng gabi, medyo threatening sa safety ng students kasi, halimbawa ‘yung mga GEs [General Education courses] at ‘yung mga practice ng mga performances, sa halip na secured sila [students] sa loob ng SU, napipilitan silang [students] lumabas sa campus.” Both former USC Chairpersons Severino and Jainno Bongon stated that the administration under former Chancellor Fernando Sanchez Jr. was strict in implementing the 10 PM curfew. This led to numerous attacks against the campaign with closing of lights and countless dialogues with university police over curfew.
Struggle for a genuine student center
The #OccupySU campaign started in 2014, only that it was different from how the campaign is being conducted at present. Bongon said that it was a time when the student institutions, USC and the Perspective, faced removal of their offices from the Student Union Building. “The issue at that time was pinapaalis ‘yung
PHOTOS BY CLAIRE DENISE SIBUCAO
offices ng student instis [institutions]. So, ang ginawa ng USC ay nag-stay tayo sa SU kasi kailangan i-defend na ‘yung mga opisina ng mga estudyante ay manatili sa Student Union Building, because ang proposal ng [UPLB] admin at that time ay i-move ‘yung student offices to a more remote location,” he recalled. Back then, students successfully asserted that the institutions remain at the SU Building. Two years later in 2016, the campaign was relaunched with Rise for Education Alliance UPLB (R4E UPLB) spearheading #OccupySU, giving students a venue to hold academic and extracurricular activities. On May 19 and September 7, 2017, a guard on duty at the SU Building turned the lights off and pressured students to leave as soon as possible despite assertions of the UPLB USC, while another guard unplugged the extension cords of students from its socket located near the entrance of the building. R4E UPLB reported that after being confronted, the guard said that a certain “Orly’’ from the Business Administrations Office (BAO), now Business Affairs Office, ordered the unplugging. The said extension cords were used by students who were at the SU for charging laptops while working on academic requirements. In 2018, the UPLB administration filed Student Disciplinary Tribunal (SDT) cases against members of the USC at that time for trumpedup charges of harassment, disrespect, and even “unauthorized use” of the Student Union Building during the #OccupySU campaign. Political organization Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) wrote in
a Facebook post that in several dialogues, the former UPLB administration maintained its position that curfew hours need to be observed, citing the safety and security of students. On November 15, 2019, the University Police Force (UPF) turned the lights off despite the presence of students doing their academics, organization works, and practice at the building. Severino also said in the interview that there were instances where students are asked to turn in their IDs. “Sobrang lala ng anti-student policies during the #OccupySU campaign [in 2019] [...] Minsan hinaharas pa sila [students] na kinukuha ‘yung IDs nila, kinukuha ‘yung names, tapos ire-report sa OSA [Office of Student Affairs],” Severino added. SAKBAYAN added that the former UPLB administration ”pit its constituents against each other”, as guards were reprimanded for being unable to keep students out of the SU, while “stern warnings were given to student leaders who militantly assert for the students’ center”. Bongon said that although dialogues were held between students and Chancellor Sanchez, the chancellor had no definitive disagreement towards the campaign. However, the UPLB administration’s contentions manifested in the attempts to keep students out of the building: “Makikita mo talaga ‘yung contention ng administration sa kampanyang ‘yon [dahil] pinapatayan kami ng ilaw, tinatanggalan ng kuryente ‘yung buong SU.” As a response, the students persisted in
During the #OccupySU campaign, UPLB is no stranger to food pantries and communal initiatives. Despite the attacks, Severino said that students feel a sense of community. “Nakikita ‘yung community ng UPLB, na ‘yung Acad Union natin [at] mga orgs, nagbibigay sila ng food [for students], as in may pantry talaga,” Severino said. For the duration of the campaign from June 6 to June 17, various student and faculty organizations, individual faculty members and administrative staff, and unions donated food, money, and supplies among others to sustain the days and nights when students stayed at the SU Building. The incumbent and former USC chairpersons and R4E UPLB acknowledged that the recent campaign victories and developments were due to years of student militancy and assertion, as well as close coordination with the UPLB administration under Chancellor Jose Camacho Jr. “It goes hand in hand: ‘yung nabuo nating alliance with the new [UPLB] administration and also ‘yung history ng militancy na pinakita ng mga student leaders para i-assert na 24/7 student center dapat ang Student Union Building,” Severino said. Bongon also asserted: “Commendable na ‘yung administration ngayon ay pinapayagan ‘yung pag-stay lagpas ng curfew sa SU, pero lagi nating ibalik na ang tagumpay na iyon ay sa mga estudyante na mula pa noon ay ipinaglalaban na magkaroon ng student spaces.” R4E UPLB also recognizes institutions like the Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) who “remain steadfast in genuinely representing the students, and the Academic Union of UPLB who continuously fight for our democratic rights”. Moreover, Severino also said that the recent “genuine opening” of the Student Union Building during the finals week of the second semester of A.Y. 2021-2022 is a testament to the possibility of a wider access to the building in the future. “Malaki pa ‘yung pwede natin i-improve para magawa talaga natin na 24/7, hindi lang kapag hell week, pwedeng mag-stay ‘yung students sa SU,” he said. Bongon stressed the need for the SU Building to remain open for students to convene and mobilize as the Marcos-Duterte tandem seeks to narrow democratic spaces. “We’re expecting [that] under a Marcos-Duterte administration, mas paghihigpitan pa ‘yung mga estudyante. We’ve seen recent red-tagging spree ng both camps against students and faculty of the university. Kailangan mapangatawanan ng Student Union Building ‘yung purpose kung bakit siya andiyan: maging tahanan ng mga inaapi. Especially na may history siya, diyan nag-convene ang mga former student leaders para pangunahan ‘yung kampanya kontra Ferdinand Marcos Sr,” Bongon said. [P]
10
FEATURES
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Katulad ng tumatagaktak na pawis ng mga tsuper ng dyip dala ng mainit at nakakapagod na biyahe, tila patak-patak na rin lamang ang natitira nilang kita sa maghapon bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Hindi maikakaila ang bigat ng krisis na ito sa kanila, lalo na’t sa suliraning ito, sila ang talo.
“Lagi na kaming talo – kaming mga tsuper.” Dama ang bigat sa mga salitang binitawan ni Mang Mario, isang tsuper at taga-pangulo ng pila ng pampasaherong dyip sa rutang Tanauan City-Calamba. Sa edad na 51 taong gulang, sampung taon nang namamasada ng pampasaherong dyip si Mang Mario. Isa siya sa mga biktima ng krisis sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na lubhang naapektuhan ang pamamasada ng mga pampublikong transportasyon gaya ng dyip. Binansagan ang mga pampasaherong dyip bilang “hari ng kalsada”, ngunit dahil sa kasalukuyang krisis, ang mga tsuper ng dyip ang tila nakayukod.
Taas presyo, dagdag parusa Mula nang sumapit ang taong 2022, labingwalong beses na nagkaroon ng oil price hike sa bansa. Ang nangyaring taas-presyo sa petrolyo sa unang sampung linggo ng 2022 ay higit pa sa taas-presyo noong buong taon ng 2021. Sa kasalukuyang tala, epektibo mula Hunyo 7 ang muling pagtaas ng presyo ng mga domestic oil products. Umakyat sa halagang 2.70 na piso kada litro ng gasolina at 6.55 na piso kada litro ng diesel; samantala, 5.45 na piso kada litro naman ang kerosene. Dagdag pa rito, inaasahan ding umakyat ng humigit-kumulang P1 kada litro ng diesel at gasolina at 0.50 sentimos kada litro ng kerosene bago matapos ang buwan ng Hunyo. “Nagdadaingan ang aking mga miyembro, wala halos kinikita dahil mababa ang pamasahe tapos ang taas ng diesel. Sa diesel lang napupunta lahat.”, ani Mang Mario. Batid sa mga wika ni Mang Mario ang kanilang pag-inda sa taas ng presyo ng diesel para sa kanilang mga pampasaherong dyip. Matatandaan nitong ika-15 ng Marso, ipinatupad ang pinakamalaking pagtaas ng presyo ng petrolyo kung saan umabot sa 13.15 pesos kada litro ang diesel, 7.10 pesos kada litro ng gasolina, at 10.50 pesos kada litro ng kerosene. Umani ito ng mariing pagtutol mula sa mga tsuper at mga progresibong samahan na nagdulot ng mobilisasyon at protesta sa iba’t ibang mga lugar. (Basahin: “Wakasan na!”: Laguna youth, student sector demands response to remote learning problems, oil price hike for 2nd lockdown anniversary) Isang napakalaking dagok sa mga tsuper at motorista ang paglobo ng presyo ng produktong petrolyo ngayong taon. Kung ikukumpara sa presyo noong nakaraang taon, higit na 31 pesos ang nadagdag sa kada litro ng diesel, 20 pesos sa kada litro ng gasolina, at 25 pesos sa kada litro ng kerosene. Sa nakalipas na pitong taon, ngayon lamang umakyat ng $100 ang isang barrel ng Brent crude oil; habang ang Dubai crude oil naman ay pumalo na rin sa higit $100. Ang biglaan at malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay dulot ng iba’t ibang mga kaganapan sa pandaigdigang merkado. Ayon sa Department of Energy o DOE, ang Russia-Ukraine War ang isa sa mga pangunahing dahilan ng taas-presyo ng mga produktong petrolyo. Hinadlangan ng European
Union (EU) ang pag-angkat ng petrolyo mula sa Russia na pinagkukunan ng 40 porsyento ng gasolina sa mga bansang kabilang sa EU. Ang bansang Russia ay pumapangatlo sa mga bansang may pinakamalaking produksyon ng petrolyo at pumapangalawa sa mga malalaking eksporter ng petrolyo sa buong mundo. Kaugnay nito, ang Pilipinas ay kumukuha ng suplay ng produktong petrolyo sa mga bansang China (31%), Singapore (18%), South Korea (15%), at Malaysia (9%) na direktang kumukuha ng suplay mula sa Russia. Ayon kay Rino Abad, bureau director ng DOE-Oil Industry Management, ang Pilipinas ay nagdurusa sa “indirect hit” dulot ng nasabing alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Dagdag pa rito, itinuturong dahilan ni Abad ang easing of lockdown sa Beijing at Shanghai, China sa pagkabawas ng suplay ng produktong petrolyo na siyang rason umano ng kasalukuyang oil price hike. Isa ring salik na itinuturo sa taas-presyo ng petrolyo ang napipintong pagsasabatas ng NOPEC (No Oil Producing and Exporting Cartels) Bill sa Estados Unidos. Naglalayon ang batas na ito na tanggalin ang state immunity shield at sampahan ng antitrust lawsuit ang mga bansa sa ilalim ng OPEC dahil umano sa kanilang ginagawang market manipulation. Aakyat ng mula 200 porsyento hanggang 300 porsyento ang presyo ng mga langis sakaling ito ay mapatupad. Ang napipintong pagsasabatas ng NOPEC Bill ay diumano nakaaapekto na ngayon pa lang sa presyo ng mga produktong petrolyo. Samantala, pinabulaanan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) transport group ang mga dahilang itinuturo ng mga oil companies sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Ayon sa pahayag ng PISTON na ibinahagi ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa kaniyang personal Twitter account, hindi ang pisikal na suplay o ang ilang mga sigalot sa aktwal na bentahan ng langis ang dapat iturong dahilan sa taas-presyo ng langis. Ani PISTON, “Ang supply at demand at ang pagtatakda ng presyo batay dito ay pinagdedesisyunan lang ng mga monopolyo[ng] kapitalista, kartel at mga lokal na komprador. Layunin nilang kumamal ng malalaking tubo sa pinakamabilis na paraan.”
Deregulation at tax: Ang dalawang salarin Matunog ang Oil Deregulation Law kasabay ng oil price hike sa buong bansa. Ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 (RA 8479) o mas kilala sa tawag na Oil Deregulation Law ay isinabatas noong administrasyong Ramos upang tanggalan ng kontrol ang gobyerno sa presyo, eksportasyon, at importasyon ng mga produktong petrolyo. Dahil dito, tanging ang pandaigdigang merkado lamang ang nagdidikta sa presyo ng petrolyo na iaayon depende sa oil price movements sa buong mundo. Samakatuwid, hindi pinahihintulutan ang kahit anong interbensyon ng gobyerno sa kabila ng walang tigil na paglobo ng presyo ng langis sa bansa. Alinsunod nito, iminungkahi ng Department of Energy sa Kongreso na amyendahan ang Oil Deregulation Law sa pamamagitan ng paglikha ng framework na pahihintulutan ang interbensyon ng gobyerno sa kasalukuyang
“TAYO AN
Pasakit ng Oil Price Hike
NINA SAM DELIS AT ALI STAFF W
isyu. Samantala, naglatag naman ng mga proposal si Albay Rep. Jose Salceda kabilang ang paglikha ng strategic petroleum reserve, pag-unbundle ng retail price ng gasolina, at pagpapaigting ng price transparency. Dagdag naman ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza, dapat ding magkaroon ng amyenda ukol sa pagsuspinde ng excise tax sa produktong petrolyo sakaling umabot na sa $80 ang presyo ng kada barrel sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan. Bukod sa Oil Deregulation Law, isang malaking dagok din sa mga motorista at tsuper ang excise tax. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ipinatupad ang TRAIN Law (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) kung saan nagpataw ng labindalawang porsyento ng value added tax o VAT (12% VAT) sa mga produkto kabilang na ang petrolyo. Patuloy ang pagkalampag ng mga tsuper at iba’t ibang samahan pang-transportasyon upang suspindehin ang 12% VAT at iba pang mga higher excise tax na isang mabigat na pasanin sa mga tsuper at motorista. Agad namang kinontra ng Department of Finance ang panawagang ito sapagka’t mawawalan diumano ng 141.7 bilyong piso ang gobyerno kung isususpinde ang sinasabing excise tax. Dagdag pa rito, kontrolado ng mga malalaking negosyante ang pinagkukunan ng langis sa ating bansa. Kilala ang Malampaya gas field bilang pinakamalaki at tanging pinagkukunan ng komersyal na produktong petrolyo sa bansa. Sampung porsyento lamang ang bahagi ng Philippine National Oil Company, na kontrolado ng gobyerno, sa langis na galing sa Malampaya. Samantala, ang 90 porsyento ay hawak ng mga negosyante – 45% sa Shell Philippines Exploration B.V. at 45% sa Udenna Corporation. Matatandaang nitong 2019, binili ni Dennis Uy, isang bilyonaro mula sa Davao at kilalang taga-suporta ni Pangulong Duterte, ang 45% ng Malampaya gas field
mula sa Chevron Philippines. Samakatuwid, tanging sampung porsyento lamang ng Malampaya gas field ang hawak ng gobyerno; samantala, 90 porsyento nito ay kontrolado ng mga bilyonaryong negosyante at korporasyon. Monopolyado rin ng kartel ang merkado ng produktong petrolyo sa bansa kung kaya’t nagagawa nilang itaas nang biglaan ang presyo ng langis. Mula sa infographics ng League of the Filipino Students - Cagayan Valley, makikitang 24.88% ng merkado ng langis ay hawak ng Petron. Samantala, 18.25% ang bahagi ng Shell, 6.7% sa Phoenix, 6.48% sa UniOil, at 6.13% sa Caltex. Dahil sa dalawang salarin na Oil Deregulation Law at excise tax dulot ng TRAIN Law, mananatiling dehado pa rin ang masa, partikular na ang mga tsuper. Hangga’t monopolisado at hawak ng mga malalaking negosyante at korporasyon ang langis sa bansa, magpapatuloy pa rin ang kawalan ng kontrol sa paglobo ng presyo nito.
MaGAStos Gaano nga ba kapait ang naging sitwasyon ng mga tsuper dahil sa oil price hike? Wika ni Mang Mario: “Ang problema talo kami. Sa buong maghapon, bibiyahe ka, let’s say kukuha ka ng apat na biyahe. Ang katawan mo bumabagsak, para lang makaabot ka sa kita, aabot ka ng gabi. Ito reyalidad lang talaga ha. Hapon na, magkano lang ang hawak mo? Iba-boundary mo pa. Hahabol ka pa sa gabi, latang lata na ang katawan mo.” Isang mabigat na kalbaryo para sa mga tsuper ang pagkayod ng mahigit labindalawang oras para lamang kumita ng napakaliit na halaga. Pagod na katawan para lamang sa katiting na kita – tanging mga walang puso lamang ang hindi mahahabag sa binitawang mga salita ni Mang Mario. Sa katunayan, marami sa mga tsuper ang
FEATURES
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
NG TALO”:
e sa mga Tsuper at Masa
IAH ANNE ZYRELLE PIN WRITERS MGA LARAWAN MULA SA PISTON | PAGLALAPAT NI ANGELYN CASTILLO
nagbabalak na ibenta na lamang ang kanilang mga pampasaherong dyip; anila, mas sigurado pa ang kikitain sa pagbebenta ng kanilang dyip kaysa sa pagpapasada. Dagdag pa rito, ang epekto ng pandemya sa mga tsuper ay dama pa rin hanggang ngayon. Ayon sa datos, 98 porsyento ng mga pampasaherong dyip ang tigil-operasyon noong mga unang buwan ng pandemya sa Metro Manila pa lamang. Nang dahil sa oil price hike ngayong taong 2022, bahagya nang nakabangon ang mga tsuper sa sunod-sunod na suliraning kinakaharap nila.
Kaakibat na kalbaryo ng pandemya Lagpas dalawang taon nang nananatiling pasakit ang pandemya na nagdulot ng pagpapahinto ng mga gawaing pang-akademiko sa ilang unibersidad. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang dating puno ng mga estudyante at kaguruan na unibersidad, ngayon ay bihira na lamang ang makikitang kumpol ng mga tao. Kung kaya’t ang dating ruta ng ilang mga tsuper – pa-kaliwa, pa-kanan, o pataas man – sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños (UPLB) ay hindi na muli nila sinusubukang suungin. Isang patunay sa daan-daang kuwento ng kalbaryong dulot ng pandemya ang karanasan ni Mang Ben, isang tsuper mula sa Batong Malake, Los Baños. Ayon sa artikulo ng LB Times, napipilitan pa rin siyang hindi iabandona ang trabahong bumubuhay sa kaniyang pamilya mula pa man dekada setenta, kahit pa man hindi lamang pisikal na pagod ang dulot nito kundi maging emosyonal na pahirap bukod pa ang kakarampot na kinikita. Noon ay sadyang hindi maikakailang malaking kita ang naibibigay ng maingay at ang kalsadang puno ng maraming tao sa loob at labas ng unibersidad. Magmula nang sumapit ang krisis ng pandemya, ang dating inaabot ng dalawang libong kita o higit pa ay naglalaro na lamang
sa P300 hanggang P500 bawat araw. Ito ay kailanman hindi sasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan, kung kaya’t ang solusyon na nakita ni Mang Ben ay ang pagsasabay ng iba pang maaaring trabahuhin nang sa gayon ay mapanatiling buhay at may panglaman-tiyan ang kaniyang pamilya. Kaugnay nito ay ang kaakibat din na panibagong hamon mula sa napipinding malawakang jeepney modernization program ng UPLB kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Los Baños at ang Samahan ng Nagkakaisang Drivers at Operators ng Los Baños (SNODLOB) sa pagpapalaganap ng “eLBeep” o electric jeepneys. Maganda ang hangarin ng nasabing inisyatibo, ngunit tila limitado pa rin ang kakayahan at kapasidad nito. Dagdag pa rito, hindi lahat ng mga tsuper sa Los Baños ay may kakayahang bumili ng nasabing e-jeepney, lalo na’t limitado lamang ang bilang ng unit ng mga ito. Sa kasalukuyang oil price hike, ang kanilang lubog na hanapbuhay dulot ng pandemya ay mas lalo pang inilubog ngayon. Nang dahil sa epekto ng TRAIN Law ng administrasyong Duterte, doble ang parusa nito sa mga tsuper dahil sa pinagsamang deregulation at oil taxes. Mula 1996 hanggang 2018, lumobo ng 131 porsyento ang pagtaas ng presyo ng diesel sa Metro Manila. Samantala, 27 porsyento lamang ang itinaas ng minimum wage sa parehong time period. Ayon sa IBON Foundation, ang TRAIN Law ay mas lalo lamang nagpayaman sa mayayaman at nagpahirap sa mahihirap. Sa ganitong sitwasyon, dehado palagi ang masa at mga nasa laylayan.
Sigaw ng mga patuloy na lumalaban Kaugnay ng matinding kalbaryo ng mga tsuper ay ang hindi patas na pag-uuri ng batas at ang tila pikit-matang pagtingin ng mga nasa itaas ng tatsulok. Hindi lamang ang pakikibaka sa lansangan ang kanilang kalaban,
kundi pati na rin ang mga matang sila ang puntirya upang makapamulsa. Matagal ng hinaing ng mga iba’t ibang grupo ng tsuper ang dagdag sa minimum na pamasahe. Matatandaang nanawagan noong Pebrero ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines (FEJODAP) na magdagdag ng 1.50 pesos kada kilometro sa tuwing lalampas ng apat na kilometro ang biyahe. Nito lamang unang linggo ng Hunyo, nanawagan muli ang FEJODAP na tulungan ng gobyerno ang mga small operators sa pagbili ng e-jeepneys upang makatipid sa pagtaas-presyo ng langis. Dagdag pa rito, nagbanta ang PISTON transport group ng tigil-operasyon ng kanilang mga miyembro sakaling tumaas na naman ang presyo ng diesel at gasolina. Ani PISTON, wala na halos kinikita ang mga tsuper dahil sa parusa ng oil price hike. Patuloy din ang sigaw ng mga local transport groups kagaya ng 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK), Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), at ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) mula sa Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON sa petisyong itaas hanggang 14-15 pesos ang minimum fare sa dyip. “Kitang kita naman nila na tumataas ang krudo at mas mataas pa sa gasolina. Kung pupwede lang ay gumawa sila ng tamang tuos. Bigyan nila kami ng taripa, mas mainam. Para lahat mababalanse. Pero dapat at least 12 pesos ang aming minimum. Gawin nila ng taripa ‘yung susunod na per kilometer. Pero sa totoo lang talaga, bagsak talaga [ang kita namin]... E wala e, napaka-unfair,” saad ni Mang Mario. Kaugnay nito, isinusulong din kaakibat ng mga petisyong nasabi ang temporaryong dagdag na piso sa siyam na pisong minimum o ang tinatawag na ‘provisional P1 fare hike’. Matatandaan na nito lamang ika-walo ng Hunyo, inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasabing petisyon. Itinaas na sa sampung piso ang minimum fare ng mga PUJ sa NCR, Rehiyon III (Gitnang Luzon), at Rehiyon IV-A (CALABARZON). “It is the mandate and duty of the LTFRB to judiciously balance the economic viability of the industry versus the welfare of the riding public.”, ani LTFRB. [Ito ay mandato at tungkulin ng LTFRB na ibalanse ang sigla ng ekonomiya sa industriya at ang kapakanan ng mga gumagamit ng pampublikong transportasyon.] Ayon kay Mang Mario, mayroon pang pagkakabalanse noon sa parehong kinalalagyan ng mga drayber at pasahero. Ngunit ang problema ngayon, aniya’y sila ang mas malaki ang kawalan. Sa bawat napipinding kaso at nababasurang petisyon, dito nakasalalay ang pag-asa ng mga tsuper na patuloy nilalaan ang kanilang mga pawis para sa isang serbisyong patuloy na naisasantabi at hindi napahahalagahan.
Mga aberya’t pagsuspide ng nakatataas Ang ganitong mga uri ng petisyon ay direktang naka-address sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), isang ahensya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na may mandatong isaayos ang mga land-based public transportation at panatilihin ang kaligtasan ng mga commuters at pampublikong mga sasakyan kaugnay sa pagsunod nito sa mga batas pantrapiko at mga regulasyon ukol sa fare adjustments.
11
Kaakibat ng labingwalong beses na oil price hike ngayong taon ay ang malakihang pagtaas din ng mga bilihin. Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ang anumang petisyon ukol sa pagdaragdag ng bayad sa mga publikong transportasyon ay may direktang tama sa mga basic commodities at services na siya namang palaging kailangang isaalang-alang sa gitna ng krisis na ito. Kaugnay nito, mapapansing sa tuwing may isyu at petisyong ipinaglalaban ang minorya, tatapatan ito palagi ng mga pinansyal na ayuda sa halip na bigyan ng isang pangmatagalang solusyon. Ang parating aksyon ng gobyerno: isang pansamantalang “solusyon” para sa isang pangmatagalang krisis. Iniutos kamakailan ni Pangulong Duterte sa Department of Finance (DOF) ang dagdag na ayuda para sa mga mahihirap na pamilya na mula sa 200 pesos monthly subsidy na proposed budget ng DOF ay gawin itong 500 pesos. Inilunsad ang programang ito bilang pampalubag-loob diumano sa hindi pagsuspinde ng gobyerno sa excise tax sa gitna ng oil price hike. Masasabing ang hakbang na ito ay isang sampal sa mga mahihirap dahil sa gawa-gawa lamang na kompyutasyon nito. Sa kasalukuyang isyu tungkol sa daily minimum wage rate ng mga taga-NCR, kung tutuusin ay dapat mas pagtuunan ng pansin ang mga panawagan sa kabila ng pag-apruba ng dagdag 33 pesos na sweldo na epektibo mula Hunyo 4 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon sa IBON Foundation, ang pagdagdag sa minimum wage sa NCR ay hindi pa rin umabot sa kalahating porsyento (52.4%) ng P1,087 living wage na kinakailangan upang makapamuhay nang disente ang isang ordinaryong pamilyang Pilipino na may limang miyembro. Dagdag pa rito ay ang hindi maayos na sistema ng fuel subsidy program ng gobyerno na pinamamadaling aksyunan noon ni dating senador Kiko Pangilinan. Subalit hanggang ngayon, ito ay puno pa rin ng mga aberya. Samantala, ayon naman sa kaka-proklama lamang at re-elected Senator Risa Hontiveros, ang fuel subsidy na ito na siyang ipamamahagi sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ay hindi magiging sapat dahil sa patuloy na pagtaas ng langis. Dahil dito, kinakailangan na ng gobyerno na baguhin ang kanilang aksyon sa isyung ito upang mas matulungan ang mga transport group at commuters sa mahabang panahon. “Lahat naman ay tumaas e, pati bilihin tumaas. Dapat naman ay matugunan ang problemang ito. Dahil hindi lang kaming mga drayber apektado, pati mga mamamayan.”, pahayag ni Mang Mario. Ika nga, ang oil price hike ay simula pa lamang ng kalbaryo. Sa patuloy na paglobo ng presyo ng produktong petrolyo, apektado rin ang presyo ng mga bilihin. Lahat ng mga produkto at pagkain ay nangangailangan ng transportasyon, kung kaya’t lahat ng presyo ng bilihin ay patuloy ring tataas. Ang domino effect na ito ay hindi lamang pahirap sa mga tsuper, kundi pati na rin sa lahat ng mamamayan ng bansa. Hindi lamang ang kuwento ni Mang Mario, maging ang daang libong mga paghikbi at paghihirap ng mga nasa laylayan ay dapat ding mapakinggan. Kung ang susunod na administrasyon ay wala pa ring maayos na mga plataporma at tulong sa masa, ano na nga ba ang kinabukasang naghihintay sa ating lahat? O kung may bukas pa nga ba tayong hinihihintay? Dahil sa huli, kung walang pagbabago, tayo pa rin ang mananatiling talo.
12
FEATURES
Sir, open-pit mining will really disadvantage the Filipino, our farmers and fishermen, forever, for life. Only in a flashback can we hear former Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary Gina Lopez appeal for the enforcement of the open-pit mining ban to President Rodrigo Roa Duterte. Gina Lopez had written an open letter to the Mining Industry Coordinating Council (MICC) which listed the reasons for the ban: 1. The open pits are going to be there forever. 2. The existence of toxic open pits kills the economic potential of the area. 3. The existence of the open pits violates the constitutional rights of our people to a clean and healthy environment. 4. All open pits invariably hit a water table. 5. There will be a severe water shortage by 2030. 6. The Philippines is a geohazard zone and we are one of the most vulnerable countries in the planet to climate change. Although she might have been successful in 2017, times have changed along with the DENR secretary, and thus the 9-year moratorium on granting new mining permits was lifted in April 2021 and the 4-year-old ban on open-pit metal mining was reversed last December 23, 2021. The ban was meant to protect the Philippines’ rich biodiversity and prevent past major mine tailings spills that contaminated waterways in the provinces of Marinduque (1996) and Benguet (2012). Despite these cases, the DENR argued that open-pit mining’s negative impacts can be avoided or managed through new technologies. From the government’s point of view, this is a move to revitalize the industry. It is expected that stalled and new mining projects will attract investments which will help the recovery of the pandemic-hit economy with an annual export revenue increase by up to $2 billion over the next five to six years. According to the Chamber of Mines of the Philippines (COMP), through group vice president for communications Rocky Dimaculangan, the ban lift will make way for investment promotion, job creation and poverty alleviation. In December 2017, COMP adopted the Towards Sustainable Mining (TSM) program in response to President Duterte’s pronouncement shortly after he assumed office that he supports mining so long as it follows Canadian and Australian standards. COMP completed the Filipinization process for TSM in 2020 to “ensure that the program is responsive to Philippine conditions.” TSM is a program designed to promote sustainable mining and developed by the Mining Association of Canada (MAC) in 2004, is mandatory for COMP member-companies. This positive outlook is not a surprise since the mines bureau reported that more than a third of the Philippines’ total land area has been identified to hold high mineral deposits.
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Digging Graves:
Reopening PH’s Open-Pit Mining Industry BY RAINIELLE KYLE GUISON, STAFF WRITER [P] GRAPHICS BY ILOIZA VITUG
Only less than 5% of the 9 million hectares has been exploited so far. Additionally, Mongabay reports that the country is estimated to hold mineral deposits worth at least $1 trillion, including copper, gold, nickel, aluminum and chromite. Unfortunately, the country’s large copper and gold deposits could only be extracted through open-pit mining. Because of its economic potential, the Department of Finance (DOF) has expressed its support behind the ban lift. According to the DOF, data shows that there are at least 11 pending open-pit mining projects that, if pursued, could infuse about P11 billion worth of revenues to state resources, increase annual exports by around P36 billion, and create 22,880 jobs for local mining communities. On the other hand, in an interview of BusinessWorld with political scientist Ruth R. Lusterio-Rico, associate dean of UP Diliman’s College of Social Sciences and Philosophy who studies environmental politics, she said that there have been several studies made on the consequences of mining on people’s lives as well as on the environment. “There are communities that have been divided because of the issue of mining, primarily because there are people who gain and there are those who lose,” she added. “In other words, even if the mining company can be a potential provider of employment, not everyone in the community can be hired by the mining company. There are also heavy consequences on communities, such as loss of
livelihood, poor health conditions, etc. when accidents happen in mining areas.” Due to the ban lift, projects of mining industry giants such as Sagittarius Mines Inc.’s $5.9-billion Tampakan copper project in South Cotabato, and St. Augustine Gold and Copper Ltd.’s $2-billion King-king copper-gold project in Compostela Valley may continue to operate again. The Tampakan copper project is touted as the largest undeveloped copper-gold site in Southeast Asia and among the largest in the world. Advancement of this mining project will displace at least 4,000 indigenous Bla’an tribespeople and clear around 3,935 hectares of natural-growth, high-biodiverse forests and arable lands. It would also pose serious risks to the water provisioning & agriculture in central-south Mindanao since the mine is located in a critical watershed area. According to the International Union for Conservation of Nature, dozens of environmental and land defenders have been killed in the struggle against the mine over the past 20 years. R e cently in February, through a public consultation on t h e p ro posal to lift the ban, an informal online survey by the Office of the Vice Governor showed that there is strong resistance towards the lifting of the measure where 12,137 voted for the ban to remain, while only 499 wanted it removed. Additionally, nearly 100,000 signatures were also gathered by the local Catholic Church urging the provincial board to retain the ban on open-pit mining.
Misplaced priority Although the government sees this as a progressive step, environmental activists are dismayed with the policy reversal. Alyansa Tigil Mina (ATM) called it as “a cruel Christmas gift and a truly ironic act of cowardice and betrayal from Cimatu and Duterte.” The group released a statement on December 28, shortly after the passing of the order: “At this time when climate change brings devastating typhoons such as Odette, lifting the ban on open-pit mining is a shortsighted and misplaced development priority of the government. Once again, the Duterte regime puts more premium on its flawed economic agenda categorizing destructive mining as an ‘essential industry’ as part of the pandemic recovery.” Despite the criticisms, DENR ensures that there will be enhanced parameters and criteria for the types of surface mining methods under the Declaration of Mining Project Feasibility. The criteria include safety of the public and environmental health, “proven and acceptable” techniques of chemical containment, comprehensive stakeholders’ involvement process, and proper assessment of mining processes. ATM remained to continue its opposition to government efforts “to plunder our remaining forests and natural resources.” They also hoped that environmentalists would be more proactive in engaging in the 2022 elections.
What’s next? A week after the national elections, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. takes the lead in the partial unofficial results. In a one-on-one interview with Boy Abunda in January 2022, presidential candidates were asked about their stance regarding the lift of the moratorium on granting new mining permits and the reversal of the open-pit mining ban. Lacson, Marcos Jr., Moreno, Pacquiao, and Robredo all believe in responsible and sustainable mining but have their own propositions when elected. As per Marcos Jr., he believes that the country should take advantage of the natural resources since it is a “very valuable source of revenue for the government.” He recognizes that mining has caused disasters before but mentioned that these can be avoided through sufficient regulations and monitoring. “We have the laws pero we are not able to implement them and fully enforce them sometimes. If we can do that, we can take care of making sure that the environmental impact is in accordance with the law then we can carefully exploit the natural resources to help the recovery of our economy,” the presumptive president said in the interview. On the other hand, he says that he is wary of open-pit mining because the pollution and chemical leaks are difficult to control and are bad for the health of the people. He proposes conducting studies on new technology to ensure safe and sustainable open-pit mining. With the current climate situation, openpit mining would not be the best way to go about boosting the economy, and thus, the ban would be better reimposed. While DENR claims that surface mining methods will be safer, there are still no assurances that mining giants will adhere to the parameters completely especially with the bureaucrat capitalism in the country. This issue is not a plain win or lose, as lives are at stake if the mining methods are unsafe; one error in the process and the elite’s goldmine could suddenly be the poor’s graveyard.
FEATURES
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
Sa usaping kilometro at antas ng trabaho
Nito lamang ika-13 ng Mayo, inisyu ang Wage Order No. NCR-23 na nagmandatong itaas ng 33 pesos ang minimum wage sa kalakhang Maynila. Buhat nito, umakyat sa 570 pesos ang pinakamababang sahod para sa mga nasa sektor ng non-agriculture. Samantala, nakatakda naman sa 533 pesos ang minimum wage para sa iba pang mga sektor na nasa NCR. Ang 33-peso increase ng minimum wage sa NCR ay bunga ng mga kilos-protesta at panawagan ng iba’t ibang mga labor groups, labor organizations, at iba pang mga sektor. Makalipas naman ang halos isang buwan, nagtakda ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng dagdag-sahod sa labing-tatlo pang mga rehiyon sa bansa. Tinawag ang wage board na ito na tripartite dahil kinakatawan ito ng tatlong sektor: ang gobyerno, mga manggagawa, at mga kapitalista. Ang bawat RTWPB ng kada rehiyon ay binubuo ng: (1) mga pang-rehiyon na direktor ng Department of Labor and Employment (DOLE), National Economic and Development Authority (NEDA), at Department of Trade and Industry (DTI) na kumakatawan sa sektor ng gobyerno; (2) dalawang kinatawan ng mga manggagawa, at; (3) dalawang kinatawan ng mga employer sector. Ipinatupad ito taong 1989 sa ilalim pa rin ng R.A. 6726 o Wage Rationalization Act. Sa kasalukuyang ipinatupad ng RTWPB na minimum wage hike sa mga rehiyon sa labas ng NCR, ang CALABARZON ang may pinakamalaking halaga. Sa itinakda ng RTWPB na Wage Order No. IVA-19, nahahati sa dalawang tranche ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa Rehiyon IV-A (CALABARZON). Sa unang tranche, makakatanggap ng 3-49 pesos na dagdag-sahod kada araw ang mga manggagawa; samantala, sa pangalawang tranche (anim na buwan pagkalipas ng unang tranche) naman ay makakatanggap ng 48 pesos na dagdag sahod kada araw. Sumatotal, 470 pesos ang bagong minimum wage para sa mga extended metropolitan areas
Dagdag-sahod, sapat ba para mabayaran ang pagod? NI SAM DELIS, STAFF WRITER 570
500
MINIMUM WAGE (NASA PHP)
Ang tanging markang maiiwan ng rehimeng Duterte sa mga manggagawang Pilipino ay ang pinakamababa at pinakakaunting beses na wage hike makalipas ang 36 na taon matapos ang rehimeng Marcos. Tanging 9.4% lamang ang itinaas ng minimum wage sa bansa sa buong anim na taong administrasyong Duterte, at dalawang beses lamang nagkaroon ng nasabing hike. Malayo pa rin ito kumpara sa sumunod na pinakamababa, ang administrasyong Estrada, na may 26.3% na dagdag lamang. “Filipino workers [and] Filipino people deserve better from this administration.” Ito ang mga salitang binitawan ni Rochelle Porras, executive director ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), ukol sa kasalukuyang mandato ng dagdag sa minimum wage sa lahat ng rehiyon sa bansa. Ang EILER isang labor non-governmental organization na ilang dekada nang nakikibaka para isulong ang labor standards at genuine trade unionism sa bansa. Sa anim na taon ni Duterte, noong 2018 pa ang huling pagtaas ng minimum wage sa bansa. Isa itong malaking sampal sa mga manggagawang ilang dekada nang nakikibaka para sa isang patas na pasahod. Sa pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang dagok ay pasan ng mga minimum wage earners sa bansa. Hanggang saan nga ba ang mararating ng kakarampot na dagdag sa minimum wage?
13
85.78 484.22 470
460 420
400
400
450
98.24
365
361.76
102.28
366.61
87.06
97.75 368
344.08
103.18
84.04
306.75
405
355
350.26
318.69
300
68.39
105.92
101.31
93.25
443
435
119.74
400
345.25
79.34
350
73.90
317.94
297.72
288.66 270.96
276.10
261.82
200
100
NCR
CAR
I
II
III
IV-A
IV-B
V
VI
VII
X
XI
XII
XIII
MGA REHIYON SA PILIPINAS ** Walang wage hike na naganap sa mga rehiyong VIII, IX, at ARMM Datos mula sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) at PSA-Consumer Price Index
Real minimum wage value
Minimum wage
Difference
ANG MINIMUM WAGE AT ANG REAL MINIMUM WAGE SA BAWAT REHIYON NG PILIPINAS M GA L A RA WA N M U L A SA K I LU SA N G M A YO U N O - FA C E B O O K | PA G L A L A PA T N I K Y L E H E N D R I C K S I GA YA
sa Timog Katagalugan kagaya ng Bacoor, Dasmariñas, Biñan, Taytay, at Antipolo. Samantala, 429 pesos naman ang itinakda para sa component cities at first-class municipalities. Mas maliit pa rito ang natatanggap ng mga nasa agrikultural na sektor at lower-class municipalities. Kung mapapansin, ang 470 pesos na bagong minimum wage para lamang sa mga extended non-agricultural metropolitan areas ng CALABARZON ay may isang daang pisong pagitan sa parehong sektor na nasa Metro Manila. Kung susumahin ang average, wala pang isang daang kilometro ang pagitan ng NCR sa mga lalawigan ng CALABARZON; ngunit pagdating sa sahod, isang daang piso ang pagitan. Kung distansya mula sa kalakhang Maynila lang din ang basehan, hindi maipagkakaila na mas dehado ang iba pang mga rehiyon. Isa itong mapait na patunay na ang sistema ng pagpapasahod ay monopolisado at nakadepende pa rin sa antas o sektor na kinabibilangan sa lipunan.
Gaano ka-bare minimum ang minimum wage sa bansa?
Ayon sa independent research think-tank na IBON Foundation, pumapalo na sa 1,093 pesos ang family living wage ng isang pangkaraniwang pamilyang Pilipino. Ito ay bunsod ng walang-tigil na pagtaas-presyo ng mga bilihin. Samakatuwid, hindi magiging sapat ang dagdag sa minimum wage na hindi pa umabot sa limampung piso.
Dagdag pa ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) at Kilusang Mayo Uno (KMU), “mumo” lamang ang wage increase na ito sapagka’t hindi pa rin ito sapat upang makarekober ang mga manggagawa sa nagdaang krisis. “At papasok tayo ngayon sa real value ng [minimum] wages ay hindi na mataas dahil sa increasing prices ng basic goods and commodities. (...) In short, kulang, hindi ito sasapat (...) The wage increase, hindi pa siya ‘yung significant amount that we need to cope up man lang dun sa krisis that we’re experiencing right now.” Dama ang bigat ng mga salita ni Porras sa pag-giit na hindi pa rin sapat ang nangyaring wage increase kung ikukumpara sa gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Tinatawag na real minimum wage (RMW) ang “tunay na halaga” ng sahod na natatanggap ng isang manggagawa sapagka’t kaakibat na nito ang iba’t ibang salik kagaya ng inflation rate. Sa madaling salita, ang RMW ang dapat suriin dahil ito ang “tunay” na natatanggap na halaga ng isang manggagawa. Ayon sa ulat ng Phlippine Statistics Authority, pumalo na sa 5.4% ang inflation rate nitong Mayo 2022 mula sa 4.1% noong parehong buwan ng nakaraang taon. Ito ay triple ng inflation rate noong Enero 2022 – isang manipestasyon na hindi na sasapat ang minimum wage na natatanggap sa kabila ng pagdagdag dito. Hindi matutugunan ng dagdag sa minimum wage ang pang-araw-araw na gastusin ng isang pamilyang Pilipino, sapagka’t bumagsak na rin ang presyo ng
real minimum wage bunsod ng inflation rate. Makikita sa datos ng NWPC na humigit-kumulang P100 ang pagitan ng minimum wage at real minimum wage sa kada rehiyon. Samakatuwid, ang “halaga” ng minimum wage ay hindi na talaga sapat. Hindi lang ito angkop sa Timog Katagalugan, kundi maging sa lahat ng rehiyon sa bansa. Ang isang standardized na minimum wage ay parte ng karapatan ng manggagawa, kung tutuusin, kakarampot na kahilingan lamang ito kumpara sa dapat na sinasahod ng isang manggagawang Pilipino. Bukod sa hindi makatwirang halaga ng minimum na pasahod sa bansa, ang diskriminasyon na umiiral ay isa ring usapin na dapat mabigyang-pansin. Simula nang ipatupad ang R.A. 6727 (Wage Rationalization Act), nakabase sa ilang mga salik ang natatanggap na sahod ng isang manggagawang Pilipino. Sa paglobo ng inflation rate sa bansa, ang real minimum wage ay patuloy na bumabagsak. Hindi kung hanggang saan ang mararating ng minimum wage hike ang dapat na itanong. Dahil sa rumaragasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng patuloy na pagbagsak ng ekonomiya, ang nararapat na itanong: May mararating pa nga ba ang kakarampot na dagdag sa minimum wage? [P] ONLINE
uplbperspective.org Basahin ang buong istorya at mga karagdagang kontektso sa https://uplbperspective.org
14
C U LT U R E
BY POLO QUINTANA STAFF WRITER
H
ip-hop, despite its brash flaunting of wealth and pseudo-masculinity, has never shied away from speaking against abusive state forces, corrupt government officials, and the unfair system Americans are up against. With roots in militant spoken-word groups like The Last Poets and The Watts Prophets who used their art to champion black nationalism in the 60s, it’s not hard to see why the culture’s rhythm and rhymes are being used today to speak out against injustices no matter the skin color. From the concrete jungle streets of New York to the sun-smooched boulevards of Los Angeles, rappers have injected their lyrics with as much animosity against America’s imperialist system as they can, even dubbed by Public Enemy’s Chuck D as “black America’s CNN.” Eventually, when the subculture arrived in the Philippines during the early 90s, Filipinos quickly embraced this piece of America. Prominent figures of early Filipino hip-hop are the controversial Dongalo Wreckords founder Andrew E. and the late rap legend Francis Magalona. The early 1990s soon experienced a hip-hop revolution as the genre attained mainstream status caused by its popularity among the youth of Manila.
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Rhythm, Rhymes, and Revolution: Hip-hop in the country’s political landscape
In the political landscape
Where does the Philippine hip-hop scene belong in the political climate of the country? It belongs to the masses, from its humble beginnings in America to the industry giant it is now.
Hip-hop is a widelyaccessible and unfiltered instrument to circulate revolutionary and progressive ideas. It is an art form, a culture, and a political movement.
Progressive hip-hop in the Philippines
After getting a tiny taste of the American rap game, I wanted to check out the Philippine scene because, as overly-saturated-alpha-male-grind set, local streetwear business owners would say, “support local.” It wasn’t until 2019 that I saw how big of an impact hip-hop could have in the politics of the country. In 2019, a 12-track album “KOLATERAL” was dropped by Sandata headed by Calix and BLKD, two known local rap artists. KOLATERAL takes a deep dive into Duterte’s failed drug war. Local rap group Kartell’em and BLKD turn into young impoverished boys killed by policemen to finish the ‘quota’ for the day in the track Boy. Tao gives voice to a young couple whose lives are both taken from them by cops in Hawak. In the album’s 12th song, Sandata, various artists use their voices to express the rage they feel against Duterte using colorful words that could get anyone kicked out from Catholic schools. In KOLATERAL, hip-hop doesn’t just take the form of another album.
Hip-hop becomes a memorial to remind its listeners that the victims of the Duterte regime are not mere numbers but real people with real lives unjustly taken from them and a form of hope that the condition of the country doesn’t call for another album like it. From this album, more artists came under my radar. Pasya highlights the decriminalization of abortion in the legal system with
candidate一no different from the sorties before it, and the sorties that will come after.” Aside from being a socially relevant song, Gloc performing Upuan during the rally was a chance for him to finally use his influence against oppressors and legitimize Upuan’s meaning. He said it himself before performing, “mayroon akong isang awitin, ang dami-dami kong atraso sa awitin na ‘to pero ngayong araw babawi ako sa kanya,” – poetic justice. All that’s left is for him to junk his NutriAsia endorsement (baby steps). Gloc-9, with all his influence from the rap scene, widens the possibility for local and mainstream Filipino emcees to reconnect with the progressive roots of hip-hop.
[P] GRAPHICS BY FIONA MACAPAGAL
music geared towards empowering women. It is a reclamation of the body’s ownership back to its owner. Periodt by Muro Ami and Tao explores safe and unsafe sex plus the toll of unwanted pregnancies. Regla by Muro Ami, SHNTI, and Tao highlights the societal and cultural pressures and barriers that women experience with regards to their bodily autonomy and reproductive health. Naga city emcee Sgimi criticizes political figures with their unfair treatment and killing of the country’s farmers and indigenous people in Rehas ng Silanganan. San Roque 21 explores the failure of Duterte’s pandemic response. Sgimi underlines the cruel arresting of 21 protesters from Sitio San Roque who were
asking the government for food and assistance during the first wave of lockdowns. Another example of a local rapper using their art politically is Gloc-9’s reclamation of his political anthem Upuan during the Baguio Leni-Kiko people’s rally. The track implores politicians to put themselves in the shoes of the masses, the same people they abuse and take from. For the longest time, followers have been pointing out the contradictions between his socially relevant music and political endorsements. During the 2016 elections, he was seen performing sortie gigs for then Makati mayoral candidate Abby Binay and other local trapos. In a 2016 Inquirer article, Gloc’s camp says “It was just a regular sortie gig for a local
Aside from providing outlets for underrepresented groups and shining a spotlight to the fight for national democracy, hip-hop is also potent in stoking the fires inside people from dissatisfaction and anger against the system. An example of this is when Calix recently performed with his LIAB studios labelmates for activists who camped in Liwasang Bonifacio right after the protests against the deception and lies of the COMELEC. With this, they hyped up protesters, and stressed that another Marcos and Duterte not be put into power. Calix’s assertive and in-your-face music directly correlates to the message he shares: people should rage against the government’s atrocities and the perpetrators that get away. The genre has expanded beyond the borders of black America, it’s grown to become the voice of a variety of communities and people. Although the commercialization of hiphop created a flood of music that is devoid of social meaning, there will always be artists who see hip-hop as an art form that brings about social change. I’ve highlighted only a fraction of artists and activists fighting for a better Philippines through lyrics and sick beats but there are hundreds— even thousands out there. All we need to do is open our ears and, eventually, our eyes. To end my long love letter to the Philippine hip-hop scene, I’d like to quote BLKD from his track Gatilyo: “pagmulat ay pagkasa, tayo ang gatilyo.”
SPOTIFY Listen to Polo’s curated playlist here: https://open.spotify.com/playlist/1O3zf9YmItT4t156291sVk?si= ff352cd87d1e47ae
C U LT U R E
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
The media have all the power to signify events in a particular way. HALL (1982)
In this century where media’s reliability is being questioned, widespread disinformation and misinformation are at the center in tarnishing the reputation of mass media. According to a report released by the researchers at Oxford University, the Philippines is part of taking and having social media manipulation, troll farms, and disinformation, specifically aided by its politicians and political parties alike. Recently, the country has just elected a new president through the help of rampant disinformation. Marcos Jr.’s upcoming presidency will therefore be a battle between disinformation and truth. While most of the masses still recognize mainstream media as a reliable source of news, social media also remains to be one but is often the source of misinformation and disinformation. Classes D and E are the most affected and often the victims of such because they can only do so much with limited free data. Fact-checking is not included in this. It is now evident why all aspects and forms of media - television, radio, internet, etc. are the politicians’ and political parties’ primary targets. The media has the platform to disseminate both information and ideologies to the public. It does not only assist in creating ideas but also promotes them. Therefore, media greatly influences people’s ideology, especially their political views. As another Marcos comes back to the seat of power, what would be the greatest threats that the media would experience under his administration? If the administration of Duterte successfully shut down the ABS-CBN Network, how will the next administration control and silence the media?
Media and Political Ideology
Media has the widest scope of lenses; it is the most successful carrier of ideologies because it reaches varying numbers of audiences. It extremely affects people’s ideology and sometimes political attitude. It is the site of ideology dissemination where most ideas are powerfully circulated and contested. Some Philippine media are state-owned. The government has jurisdiction over three television stations and one radio network in the country, namely, PTV 4, RPN 9, IBC 13, and Radyo ng Bayan. RPN 9 broadcasts the CNN Philippines channel, which tops in Pahayag 2022 First Quarter Survey as the most trusted news outlet, along with GMA7. Radyo Pilipinas, also government-owned under the Presidential Communications Operations Office, ranks among the most trusted stations. The fact that these state-owned media outlets have a high trust rating is concerning. We cannot ignore the fact that these government media outlets can be biased toward the administration in their releases. Radio Philippines Network (RPN 9) and Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13), for instance, had a history of censorship and was owned by Marcos’ eldest daughter after the end of her father’s regime. Meanwhile, ABS-CBN and Rappler continue to hit their lower trust ratings in the past years; coincidentally, both media brands are the most attacked by the Duterte
MEDIA: A BATTLEFIELD OF
IDEOLOGIES, CLASSES, AND POLITICS BY HOPE SAGAYA, STAFF WRITER PHOTOS FROM UNSPLASH | LAYOUT BY ARIANNE PAAS
administration. ABS-CBN, the Philippines’ largest media network, was shut down in May 2020, resulting in almost 11,000 employees losing their jobs. In July 2020, the House Committee rejected ABS-CBN’s franchise application. President Rodrigo Duterte accused the network of tax evasion and for allegedly not airing his political ads in 2016. Former House Speaker Allan Cayetano also accused the network’s coverage, saying they favored other candidates during the past elections (Cayetano was Duterte’s running mate in the 2016 election polls). ABS-CBN was then branded with the ideology of being “leftist” and “biased” against the government. The last time ABS-CBN was shut down by the government was in 1972. It was the year when the two-decade Martial Law dictatorship started under the late dictator Ferdinand Marcos who had also manipulated and controlled the media. On the other hand, SMNI, owned by Apollo Quiboloy, an FBI-wanted person for his alleged participation in unlawful activities and who publicly expressed his support to President Bongbong Marcos and Vice President Sara Duterte, doubled its trust rating from 16% last year to 32% in April 2022. People who support Bongbong Marcos and Sara Duterte labeled the network as unbiased and called the mainstream media, especially ABS-CBN and Rappler, as biased and left-leaning. The proposition that ABS-CBN and Rappler are
biased to the left is forcibly established as a fact through the power of hearsay and disinformation. The “right-wing” tries to prove its claim by showing how these networks feature news that only show the negative side of its candidate while saying that these same news outlets favor the left. However, legitimate news media is, in fact, the bearer of truth - the selection of issues and stories that will be broadcasted is nothing but a reportage of reality. What differentiates ABS-CBN and Rappler to SMNI then is that, while the latter favors certain political figures, the former only favors the truth. And if this is what it means to be biased, then ABS-CBN and Rappler are biased towards the truth. But the state seems to hate how the media only reports the reality. Under the Duterte administration, Rappler CEO Maria Ressa became the subject of attacks, with Duterte himself pronouncing and undermining the credibility of Rappler. The attacks started when Rappler uncovered the propaganda network of the Duterte administration. And soon after, Rappler faced a number of state-led lawsuits.
Class Does Matter
While it reports the truth, there are instances wherein the media does not reflect the real world. What the lenses show differs from what the reality is. Media, in this way, is considered a form of communication
15
that gives privilege to certain sets of ideas while downplaying the reality of others. For example, in the class system of society, capitalists have always been exploiting the workers by capitalizing on their labor. And in the defense of the private corporations, they might say that they are “the economy that works for everyone.” But accepting this idea requires having a capitalist ideology, which people may come to reject due to their social reality. And such rejections often result in onground mobilizations. At this event, the media will get to present “both” sides: the laborers or the union and the employers or the capitalists. For the union, this is worrisome as the strike is more likely to be misinterpreted by the public depending on how the media will report it. We can only understand the grievances and progressiveness of the union when we look much deeper. But the capitalists are given such a privileged platform to talk in news media under the assumption of having the authority and credibility to speak. And sad to say, these voices are assumed to matter the most. From this, it is easily shown how the media has an obvious “class element” on it. Marxism’s view on ideology reflects this. It sees ideology as a powerful mechanism of social control that is used by the ruling class to forward their own interests. In other words, the ruling class extremely influences the people, from what people should be thinking and what ideas are favorable to a capitalist society, through an ideology that masks their own interests as the general interests of everyone. They successfully spread such ideology because they have the ‘means of mental production,’ from entertainment and culture to news and media industries. This Marxist view also mirrors the presidency of another Marcos. To control the ‘means of mental production,’ the threat of silencing the media continues to exist. During the Martial Law regime of Ferdinand Marcos Sr., numerous journalists were killed. The Marcos regime censored and manipulated the information. Their wealth and money, in addition to his political power, hid the truth about the Philippine situation for two decades. All information about the Marcoses during that time were kept secret, if they are not “the true, the good, the beautiful.” On the other hand, during Marcos Jr.’s presidential campaign, reporters had difficulty reaching him for an interview. Widespread misinformation and disinformation had also been laid out to the public; and historical revisionism and distortion became Marcos Jr.’s greatest allies. Despite the fact that the “legitimate” media holds greater credibility, it is now being accused of appealing to sensationalism, misinformation, and disinformation ever since Marcos Jr.’s public appearances during the campaign period. Indeed, media being the lens of ideology might concentrate on some particular ideological perspectives where the ruling class often takes charge of controlling the steering wheel. Media is not a mere carrier of the dominant ideology, but media itself is a battleground of both class conflicts and multifaceted politics. This is clear by how Bongbong Marcos Jr. won the presidential race with the help of disinformation and manipulation of the media, particularly social media. With such, this became a threat to mass media’s credibility, cementing the extension of the ability to manipulate information from the dictator father to the son. With the media being shut down in the past and another Marcos coming back to the seat of power, the threat of history being repeated is already there. But let’s hold our ground and firmly resist it. Let’s defend our press freedom.
16
C U LT U R E
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Nasaan ang mga bakla sa panahon ni Marcos? Nasa pakikibaka. ni Edie Palo
H
indi na bago ang mga kaso ng diskriminasyon at rebisyunismo para sa mga Pilipinong LGBTQIA+ sa loob at labas ng bansa. Dekada sitenta noong umupo si Ferdinand Marcos, Sr. bilang pangulo at ipinatupad ang Martial Law. Sa ilalim ng kanyang diktadurya, 70,000 na Pilipino ang kinulong kung saan karamihan ay hindi dumaan sa tamang proseso, 34,000 ang nakaranas ng labis na pagpapahirap sa ilalim ng kapulisan at militar, habang 3,240 naman ang mga pinaslang, bukod pa sa mga taong bigla na lang nawala at hindi na muli pang nakita. Kabilang sa mga numerong ito ang mga bakla na pilit rin tinanggalan ng boses ng administrasyon. Ang panahon ng mga Marcos ay panahon ng patriyarkal, machopyudal, at pasistang lipunan. Panahon ito ng pagtatanggi ng estado sa espasyo at karapatan ng mga baklang Pilipino. Noon pa man, layunin na ng mga Marcos na “ituwid” ang bansa ayon sa interes ng sariling pamilya at ng Imperyalistang US. Ang sinumang hindi sumang-ayon dito ay agad na itinuturing na kaaway ng estado. Kaya hindi rin nakakapagtaka na noon pa man, sa kabila ng takot at pangamba, madami nang bakla ang piniling makiisa sa pakikibaka laban sa mga Marcos, lalo sa uri ng kultura at pulitika na isinusulong ng kanyang diktadurya.
Ang bakla sa pakikibaka Isa sa mga unang grupo na nagsulong ng mga hinaing ng LGBTQIA+ community ay mga lesbian na kadikit ng kilusan ng mga
MGA LARAWAN MULA KINA POLA RUBIO AT DY SANCHEZ | PAGLALAPAT NI JONAS ATIENZA
kababaihan noong 1980s. Pero dahil sapilitang pinatahimik at kinitil ni Marcos ang anumang progresibong kilusan noon, maraming bakla ang napilitang umalis sa bansa patungong US kung saan naumpisahan na ang kilusan ng mga LGBTQIA+. Doon, sumali sila sa mga progresibong grupo at, nang matapos ang rehimeng Marcos, bumalik sila sa bansa para ipakilala ang konsepto ng “gay” at “lesbian” na ngayon ay ganap nang niyakap ng mga bakla bilang uri ng sexual orientation. Panahon rin ng mga Marcos noong inilimbag ang lokal na edisyon ng “Tears in the Morning” (1979) ni Eddie Karnes—isang anti-LGBTQIA+ na libro—sa utos mismo ni Imelda Marcos. Laman ng libro ang maduming propaganda laban sa LGBTQIA+ community sa mga kalunsuran ng Amerika. Pilit nitong inilalarawan ang kanilang mga espasyo bilang “madudumi” at “hindi kaaya-ayang” bahagi ng lipunan dahil sa kanilang pamumuhay sa loob ng mga ito. Bilang pangontra, gumamit rin ng sining at akda ang mga manunulat-artista noong Martial Law. Isa ang “Manila by Night” (1980) ni Ishmael Bernal sa mga unang pelikulang Pilipinong nagtampok ng mga LGBTQIA+ na karakter bilang bida. Ipinapakita ng mga ganitong akda kung paano tinanggihan ng mga bakla ang pagtatangka ng estadong alisin ang kanilang mga espasyo upang gawing “malinis” at “kaaya-aya” ang lipunan sa mata ng mga dayuhang nananamantala. Naging paraan rin ang mga pelikula gaya ng “Manila by Night,” kasama ang iba pang mga LGBTQIA+ akda at sining na sumibol noong
panahon na ito sa kabila ng maigting na media censorship, upang abutin ang mga bakla hanggang sa pinakasuluk-sulukan ng bansa. Malikhain rin ang mga bakla pagdating sa pakikibaka kahit noon. Panahon ng Martial Law nang umusbong ang swardspeak o gay lingo sa mga maliliit na grupo ng mga bakla na napilitang maghanap ng pamilya labas sa kanilang mga tahanan o komyunidad dahil sa labis na diskriminasyon. Naging paraan ang swardspeak para malayang makapag-usap ang mga bakla kahit sa mga espasyong hindi sila tanggap at para muling angkinin ang sarili sa mga wika—Ingles, Espanyol, Hapon, at kahit Tagalog—na gamit-gamit ng mga tao para saktan sila.
Ang bakla, patuloy nakikibaka Sa muling pag-upo ng isang Marcos bilang pangulo bago matapos ang taunang pagdiriwang at pagsulong ng sangkabaklaan tuwing Pride Month, buwan ng Hunyo, ‘di maiwasang takot at pangamba ang muling nararamdaman ng bawat Pilipino, bakla man o hindi. Higit pa ngayong katambal ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagpapatuloy ng pasistang rehimen ni Rodrigo Duterte sa ngalan rin ng kanyang anak. Salik ang panunungkulan ng parehong pamilya sa mga danas at kahirapan—mula sa tipo ng kultura at pulitika ng kanilang mga ama hanggang sa mga libo-libong paglabag ng karapatang pantao sa labas ng batas—na patuloy pa rin na binabaka ng mga bakla hanggang ngayon. Nitong 2020 lang, biglaang pinalaya mismo ni Duterte ang US militar na pumatay sa
transwoman na si Jennifer Laude, habang diniinan naman ng anak niyang si Sara Duterte ang baluktot na pagtanaw sa trans community pagdating sa usapin ng pampublikong banyo. Sa kabilang banda, matatandaan na “thumbs down” ang same-sex marriage para kay Marcos, Jr. nitong nagdaang kampanya para sa eleksyon, bagay na sinang-ayunan rin ng kanyang kapatid na si Imee noong kasagsagan ng paglilitis ng senado sa Anti-Discrimination Bill na matagal na ring mithi ng LGBTQIA+ community. Hamon para sa ating mga bakla ang patuloy na manindigan laban sa rehimeng Marcos-Duterte. Dapat lang nating yakapin ang lugar natin sa pakikibaka — lugar na puno ng pagmamahal at pagtanggap sa ating mga sarili. Tandaan na ang pagiging bakla ay isang porma na agad ng pakikibaka. Ang pagiging bakla ay tugon mismo sa patriyarkal, machopyudal, at pasistang lipunan na sinusubukang buuin ng mga Marcos, noon at ngayon. Kaya sa kabila ng nagbabantang pagpapahirap at pananamantala, ang mga bakla ay dapat manatiling matapang at malikhain sa pakikibaka. Ang mga bakla ay dapat manatiling bakla. ONLINE
uplbperspective.org Read the full story and additional context on our website uplbperspective.org
C U LT U R E
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
Karaniwang tagpo kapag malapit na ang Araw ng Kalayaan ay ang pagpapaguhit sa mga mag-aaral ng watawat ng Pilipinas upang maisabit sa bawat bintana ng silid-aralan. Sumasabay sa indayog ng hangin ang mga nakahilerang maliliit na bandilang papel na siyang simbolo ng paggunita sa ika-12 ng Hunyo. Ito ang araw na napagwagian ang rebolusyon at napalaya ang bayan mula sa tatlong daang taong pananakop ng Espanya. Para sa isang bata at mag-aaral, nakakatuwang malaman ang mga yugtong ito sa ating kasaysayan. Ngunit, lingid sa kanyang musmos na pag-iisip, ang araw na ito ang siyang nagpapaalala sa atin ng mga nakaugat pa rin na sakit ng bayan. Sa pagbabago ng Pilipinas sa modernong mundo, patuloy pa ngang nabago ang pananaw ng karamihan sa atin patungkol sa kasaysayan. Marami na ang nalilito sa pag-usbong ng iba’t ibang bersyon at naratibo nito lalo na sa social media, kahit iisa lang naman talaga ang katotohanan. Sa muling pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, sariwain natin ang kahalagahan ng mga pambansang araw katulad nito—sa pagbabalik-tanaw ng ating kasaysayan at sa patuloy na pagharap sa kasalukuyang estado ng lipunan.
Nasaan ang napagwagiang kasarinlan BY FEDERICK BIENDIMA, STAFF WRITER
Kalayaan at Kasarinlan
Tuwing Araw ng Kalayaan, malimit marinig ang mga salitang “kalayaan” at “kasarinlan.” Sa unang tingin ay tila ba magkasingkahulugan lang ang dalawa, ngunit kung susuriin, higit itong mas komplikado. Ayon sa pagtalakay ng historyador na si Xiao Chua, mas karaniwan nating ginagamit ang salitang kalayaan bilang malapit ito sa alam nating konsepto ng laya o freedom. Ang kasarinlan naman ay mas malalim ang ugnayan sa salitang sovereignty o ang lubos na pagsasarili ng isang grupo o bansa mula sa impluwensiya ng iba. Sa kabila ng magkalapit na kahulugan, malinaw ang pagkakaiba ng dalawang konseptong ito. Malaya tayo sa ating pananaw dahil napaalis natin ang mga makapangyarihang dayuhang nanakop sa ating lupa, subalit nariyan pa rin ang malawakang bakas ng kolonyalismo at imperyalismo sa ating lipunan na pumipigil sa atin na maabot ang tunay na kasarinlan. Kaya patuloy pa rin ang pagtatanong natin sa ating sarili kung lubusang lumaya nga ba talaga ang ating bayan. Hindi nga ba matapos maideklara ni dating Pangulong Aguinaldo ang paglaya ng Pilipinas sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 ay isinuko niya rin ang bansa noong 1901 sa Estados Unidos makalipas ang halos tatlong taong pag-aklas ng bayan sa mga Amerikano. Nagmarka ito ng pagbabalik ng bansa sa halos limang dekadang kolonyalismo sa ilalim naman ng Amerika. Sa ilalim ng kolonyang ito, muli tayong inalisan ng karapatang iwagayway ang sarili nating bandila. Ito ay matapos iproklama ang Flag Law of 1907 na nagbawal sa mga Pilipino na gamitin ang ating sariling watawat sa kahit saang lugar, maging sa kani-kaniyang tahanan. Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop tayo ng Imperyong Hapon. Idineklara nila na may kalayaan ang bansa sa ilalim ng isang puppet government na kanilang itinalaga noong 1943. Sa pagbagsak ng mga Hapon sa digmaan, muli lamang tayong isinuko sa Amerika noong 1945. Halos isang taon pa ang hinintay bago ganap na naabot ng Pilipinas ang soberanya noong Hulyo 4, 1946, kung saan ito ay sadyang itinapat ng Estados Unidos sa mismong araw ng kanilang kalayaan. Sa kabila ng proklamasyong ito, mas higit pa nga tayong umasa sa Amerika sa mga sumunod na taon dala
MGA LARAWAN MULA SA [P] FILES | PAGLALAPAT NI JOHANNE SEBASTIAN GONZALES
ng matinding pagkasira ng bansa mula sa kamay ng mga Hapon. Ibinalik lamang ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Hunyo 12 ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan matapos hindi tuparin ng Kongreso ng Amerika ang pagbibigay nito ng $73 milyon na suporta sa danyos ng mga nagdaang digmaan. Kaalinsabay nito ay ang pagsisimula ng cold war sa pagitan ng Amerika at Soviet Union. Muling ginamit ng Estados Unidos ang impluwensiya sa Pilipinas upang isulong nito ang anti-communist agenda. Kaya naman ganap ang suporta ng Amerika sa diktaduryang Marcos, dahil para sa kanila, siya ang susi sa pagsugpo ng anumang uri ng gawain o ideolohiyang ugat sa komunismo rito sa bansa. Sa kasalukuyan, muling pinalalakas ng Amerika ang presensiya nito sa Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya upang labanan naman ang umiigting na impluwensiya at militarisasyon ng Tsina sa rehiyon. Sa mabilis na pagbabalik-tanaw natin sa mga tagpong ito, higit na napapalitaw na napakaraming pagkakataon na nakamit na sana ng bansa ang kalayaan. Ngunit, nagpatuloy lang ang impluwensya at puwersa ng mga imperyalistang bansa sa polisiya at takbo ng Pilipinas. Kung ganoon, nasaan ang ating ganap na kasarinlan?
Sa Pagbabago ng Kasaysayan
Isang Marcos na naman ang nagbalik sa Malacañang at umupo sa pinakamataas na posisyon sa kapuluan. Bunga ito ng dekadang pagsisikap ng pamilyang Marcos sa “pagre-rebrand” ng kanilang pangalan sa harap ng publiko. Nakakabit dito ang isyu ng historical revisionism lalo na noong nagdaang eleksyon kung saan ginamit ng kanilang kampo ang mga baluktot na naratibo upang patatagin ang kampanya ng anak ng dating diktador. Sabi nga ni Sen. Imee Marcos, “What’s most important to us is of course, our name, the family name that has become so controversial— the legacy of my father is what
we hope will be clarified at last.” Sa pagkaproklama kay Bongbong Marcos bilang bagong halal na pangulo, marami ang nagtanong sa akademya, midya, at iba’t ibang sektor kung ano ang magiging implikasyon nito sa kasalukuyang estado ng kasaysayan. Maraming limbag na aklat, academic journal, at mga archives na naglalaman ng mga tala ng pang-aabuso ng rehimeng Marcos noon ang pinangangambahan ng ilan na tuluyang ipatatanggal ang access sa publiko. Kasama na rito ang maaaring pag-aalis ng ilan sa mga pangunahing pambansang pista opisyal na gumugunita sa batas militar. Isa sa mga ito ay ang maaaring pagtanggal sa Setyembre 21 bilang Pambansang Araw ng Protesta. Ang petsa ang siya ring komemorasiyon ng deklarasyon ng batas militar sa ilalim ng diktaduryang Marcos. Idineklara ito ni Pangulong Duterte noong 2017 kung saan inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na pahintulutan ang lahat ng uri ng mobilisasyon. Ang araw ng protesta ay pagkilala sa iniwang bakas na takot at pang-aabuso sa karapatang pantao noong batas militar at ng iba pang pagkakamali at pagkukulang ng pamahalaan. Simbolo ito ng patuloy na pakikibaka at pakikipaglaban ng masa para sa kanilang karapatan. Ito rin ang pinangangambahan na sasapitin ng Agosto 21, ang Araw ng Pagpatay kay Ninoy Aquino. Bagama’t hindi direktang napatunayan na sangkot ang mga Marcos sa pagpatay sa pangunahin nilang oposisyon, ang araw na ito ay nagsisilbing simbolo sa marami bilang manipestasyon ng lubhang pang-aabuso sa kapangyarihan ng diktadurya. Hindi rin maikakaila na ito ang higit na pumukaw sa maraming Pilipino na tumindig upang patalsikin na ang diktador. Kaya nga atin namang ginugunita tuwing Pebrero 25 ang EDSA People Power na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos. Kung isang Marcos na naman ang nakaupo at handang baguhin ang kasaysayan sa ngalan ng
17
kanilang pangalan, mahirap na hindi isiping kasama ang pagdiriwang ng people power sa mga babaguhin ng susunod na administrasyon. Sa tulong ng liderato ng bise presidente, Sara Duterte, sa Kagawaran ng Edukasyon, hindi malayong gagamitin nila ang edukasyon at kultura para bigyang-katwiran ang mga nilalaman ng kasaysayan na kaso ng brutalidad na nakakabit sa kanilang mga pangalan. Totoong nakakabahala na ang mga posibleng pagbabagong ito ang siya ring magdudulot ng malawakang pag-iiba ng pananaw ng kasalukuyang henerasyon patungkol sa kasaysayan. Pinangangambahan din ang magiging relasyon ng bagong administrasyon at ng sektor ng midya. Tahasang pag-iwas sa mga panayam at debate ang naging taktika ng tambalang Marcos-Duterte noong nakaraang eleksyon, kaya marami ang nagsasabi na maaaring pag-iwas din ang gawin nila sa midya. Sa ilalim ng rehimeng Duterte, naging mapanganib din ang sitwasyon ng midya dahil sa patuloy na red-tagging at panggigipit ng pangulo sa mga kritiko ng gobyerno. Hindi rin ito malayong mangyari sa ilalim ng bagong administrasyon dahil paninira sa kredibilidad ng mga mamamahayag ang siyang naging gawi nila noong kampanya. Kaalinsabay nito, hinamon pa ang sektor ng malawakang pagpapakalat ng maling impormasyon. Isa na nga sa manipestasyon nito ay ang isyu na itinatapat ang mga vlogger sa mga mamamahayag. Ipinapalitaw lang nito na patuloy ang pagdami ng mga nawawalan ng tiwala sa midya at paglakas naman ng mga personalidad na nagpapakilalang bagong mukha ng balita at katotohanan. Higit sa mga usaping ito, pinangangambahan din ng marami kung ano ang magiging papel ng susunod na administrasyon sa nananatiling impluwensya ng mga imperyalistang bansa sa Pilipinas. Magiging handa nga ba sila sa pagsulong sa tunay na reporma sa bayan, o mga polisiyang ang dinastiyang pamilya nila at mga kasamang oligarkiya lang ang makikinabang?
Nakagapos pa rin ang Bayan
Marami na ang nagtatangkang baguhin ang ating mga pananaw at paniniwala sa lahat ng mga ito. Hindi natin maikakaila na ang mga pambansang araw at ang kanilang mga simbolo ay maaaring mabago bilang daan sa patuloy na propaganda ng mga nasa posisyon. Ginamit nila ang kultura ng kasinungalingan para linlangin tayo. Lumaya tayo sa pwersa ng dayuhan pero huwad pa rin ang ating kalayaan dahil marami sa atin ay alipin pa rin ng mga naghahari-harian sa bayan. Hangga’t nananatili ang pagbabaluktot ng katotohanan, panggigipit sa kalayaan ng pamamahayag, pamamayani ng bulok na sistema ng dinastiyang pulitika, at kawalan ng reporma sa nananatiling tatsulok na istruktura ng lipunan, walang tunay na kasarinlan. Higit sa pagiging petsa, ang mga araw na ito ang nagpakita sa atin ng pinaka- madidilim na tagpo ng ating kasaysayan. Mula sa ating paggunita ng Araw ng Kalayaan, mas lalo tayong dapat manindigan sa katotohanan sa pagharap sa ating kasalukuyang sitwasyon. Huwag nating hayaang mabaon sa limot ang mga ito, na sa loob ng ilang dekada ay nagpapaalala sa bawat Pilipino na huwag matakot balikan at sariwain ang kasaysayan. Higit sa lahat ng panahon, ngayon natin sikapin na tumindig at mag-aklas laban sa patuloy na lantarang pagrerebisa ng kasaysayan.
18
OPINION
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Pula ang unang kulay ng bahaghari N O F U RY SO LO U D NI LJ VERASTIGUE STAFF WRITER Bilang isang lesbiyana, personal kong naranasan ang kaliwa’t kanang diskriminasyon sa ating lipunan. Taliwas sa itinalagang “normal” ang paraan ko ng pagpapakita ng aking sarili. Isa akong babaeng hindi mayumi at walang hinhin, tulad ng ating nakasanayang hulma ng pagiging babae. Hindi man direktang sabihin ay ramdam ko ang bigat sa bawat tingin ng aking makakasalubong sa daan dahil lamang sa aking paraan ng pagkilos at pananamit. Madalas pa ay hindi maikakaila sa kanilang mga titig ang pandidiri sa mga katulad kong hindi sumusunod sa itinalagang pagkakakilanlan ng lipunan. Maraming iginagapos na karapatan ang mga mapanghusgang mga tingin, kagaya na lamang ng kasalukuyang ipinapasang SOGIE bill na hanggang ngayo’y pagulong-gulong lamang sa parehong Kamara at Senado. Ang pagsasantabi sa isang batas na naglalayong protektahan ang
mga kababaihan at LGBTQIA+ community sa gitna ng tumitinding pang-aabuso ay isang dagok sa reyalidad na walang pakialam ang estado sa mga nasasakupan nito. Ang mga mapanghusgang tingin ay naisasalin din sa karahasan. Sa mga nagdaang taon, sandamakmak at patuloy pa rin ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa bansa, lalo na sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kabilang dito ang walang awang pagpaslang sa transgender woman na si Jennifer Laude. Walang habas na kinitil ang kanyang buhay ng isang dayuhang sundalo na si Joseph Scott Pemberton, ngunit kalaunan ay pinatawan ng absolute pardon ni Duterte. Patunay lamang ito na lantad ang kabulukan ng umiiral na sistemang panlipunan sa ating bansa dahil sa pagiging sunod-sunuran ng papet na administrasyon sa mga imperyalistang bansa tulad ng US. Dagdag pa rito ang kaso ni Heart De Chavez na biktima ng extrajudicial killings ng administrasyong Duterte. Walang awa siyang binaril dahil siya umano’y kabilang sa drug watch list ng kanilang barangay. Si Chad Booc, isang kilalang guro ng mga kabataang Lumad, ay pinatay ng mga elemento
ng militar sa Davao De Oro. Kasabay ng kanyang paglilingkod ang araw-araw na banta sa kanyang buhay dahil sa matinding militarisasyon kasapakat ng mga dambuhalang korporasyon na nais kamkamin ang lupang ninuno ng mga katutubo. Ilan lamang ang mga ito sa marami pang kaso ng inhustisya at kapabayaan ng rehimeng Duterte sa mga kapwa Pilipinong LGBTQIA+. Miski sa itinuturing na “pag-ibig” ng mga LGBTQIA+ ay may kaakibat ding panganib. Si Barbie Ann Riley, dating beauty queen sa mga transgender pageants sa bansa, ay pinatay ng dating nobyong si Tsai Che Yu o alyas Jayson Santos. Natagpuan ang kanyang bangkay na nakasilid sa suitcase sa isang Expressway sa Cavite ika-3 ng Hunyo 2016. Patunay ito na ang mga pang-aabuso ay nangyayari mismo sa loob ng mga tahanan, paaralan, pagawaan, at komunidad sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Ang mga karanasan nina Laude, Chavez, Booc at Riley ay manipestasyon na hindi lamang ito usapin ng kasarian bagkus ay usapin kung sino ang naghaharing kapangyarihan sa lipunan. Ang mga haring kumakampi sa dayuhan, pinupuntirya ang mahihirap, at kinikitil ang mga progresibong mamamayan. Makikita
na hindi lamang ito laban sa usapin ng kasarian bagkus ay napapaloob ito sa mas malaki pang laban ng kahirapan at kagutuman sa ating lipunan. Ang sistemang nagpapahirap sa mga LGBTQIA+ ay kaparehas ng sistemang lumulumpo sa mga nasa laylayan ng lipunan. Ang pang-aaping nararanasan ng LGBTQIA+ ay nakaugat sa paghihirap ng masang-api. May baklang humuhubog ng kabataan sa loob ng silid-aralan. May lesbyanang nag-aararo ng lupa sa mga bukirin sa kanayunan. May bisekswal na kumakayod para sa pang-araw-araw na pangangailangan. May sangkabaklaang tumatangan ng mga panawagan ng bayan. Pula ang unang kulay ng bahaghari dahil ito ang kulay ng pakikibaka; ng pagbuwag sa isang nabubulok at pahirap na sistema. Ako, kasama ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng LGBTQIA+ community ang buhay na patunay na nakaukit na sa kasaysayan ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang labanan ang karahasan, pang-aapi at pananamantala. Tiyak na sa gitna ng kadiliman ay marami pa ang bahaghari na sisibol upang tuldukan ang makauri at pangkasariang tunggalian sa ating lipunan.
On reading Karl Marx MUMBLINGS BY GLEN CHRISTIAN TACASA OPINION EDITOR I started reading about Karl Marx, and the ideas of Marxism as early as I was in Senior High School. I bought my copy of the Communist Manifesto when I was in Grade 12. I remember how I tucked it under my mattress so that my parents could not find out what I was reading. By that time, I had not grasped the ideas that the readings wanted to infer. I had yet to understand when Marx & Engels said “the first step in the revolution by the working class, is to raise the proletariat to the position of ruling class, to win the battle of democracy”. It was also around the same year that I started to join the expanding picket line of the masses. My first mass mobilization was an indignation rally against the state burial of dictator Ferdinand Marcos. On that day, I collected pamphlets, leaflets, and other reading materials, and like the Manifesto they were also tucked under my mattress. As I joined several mobs, I learned so much from educational discussions, our discourses with different sectors, and from different pamphlets. The next thing I knew there was a library under my mattress–a revolution hidden away under something comfortable. I never actually have a safe space to read it in the open. Oftentimes I read it at night, when everyone is already asleep. Fast forward to the present day, I still get those uneasy feelings on my stomach whenever I pull out any Marxist reading materials. On any occasion that someone asks me why am I reading Marx, my excuse would always be “ay readings ko po iyan sa school”, which is masked with half truth. As a Sociology student, we have tons of readings on sociological theories, which
often includes Marx’s theory on conflict, class struggle, and political economy among others. Perhaps, my uneasiness–or fear to say the least, was aggravated when the current administration emboldened the armed forces and police to continue their communist witch hunt in the name of “counterinsurgency”. Anyone, who is brave enough to take a stand and be critical of the administration is accused of being a communist or worse, accused of being an armed combatant. The dangers of redtagging lies when someone may be subjected to surveillance, trumped-up charges, and redtagging can be life-threatening. I already cannot count how many times I think twice, revise a draft, or completely delete what I was writing at the moment because of the fear of being tagged as subversive, or “NPA”. I cannot remember how many times I held back to cite Karl Marx, or Amado Guerrero in several critical essays or discussions due to our sociology classes, especially when the topic seeks to criticize and challenge the status quo. It also does not help the fact that most of the challenged provisions from Anti-Terror Law, that might be used to curtail our civil liberties, was upheld by the Supreme Court. In today’s era, what was loosely tagged as ‘seditious’ and ‘subversive’ before, now has a new rhetoric– progressives are unjustly tagged as ‘terrorist’. In October of last year, the government barred our right to critical thinking and academic freedom, libraries from different State Universities and Colleges pulled out progressive and critical literatures deemed by CHED and NTF-Elcac as materials to terrorism. This attack on academic freedom and critical thinking continues, some independent bookshops that sell progressive titles were vandalized and redtagged. To set things straight, reading Karl Marx, or any Marxist and neo-Marxist literatures is not
PHOTOS BY GLEN CHRISTIAN TACASA AND POLA RUBIO | LAYOUT BY MICHAEL IAN BARTIDO
terrorism. Spaces for critical thinking, critical literature, and critical pedagogy and andragogy must be protected and asserted. Our rotting concrete living conditions are a pretext to necessitate Marxist critical analysis–needless to say, we need to be critical. One may be discouraged because reading such materials entail so many risks under our current political climate. However, it should be the opposite, the current political climate demands us to read, analyze, and dissect our society critically. First and foremost, Marxist readings are relevant now more than ever. It helps us to raise awareness of our social realities, and it helps us to be critical of the status quo. Our concrete living conditions today, atop of the systematic exploitation and oppression of the masses, urges us to uphold Marxist traditions. It is true
that “the real fruit of their battles lies not in the immediate result, but in the ever-expanding union of the workers”, that is why we need to organize, unionize, to collectively assert the people’s agenda, and mobilize our collective action against state oppression, feudalism, imperialism, and the bureaucratic capitalist system–until we triumph. After all, we have a world to win. I mentioned earlier that as a Sociology student, we read a lot about Karl Marx, but such rationale on reading Marx only unmasks half of the truth. Besides my degree program, reading Karl Marx is deeply rooted in my political beliefs, my decision to join the mass struggle, and foremost, to equip my practice with theories vis-a-vis. As Marx himself said “practice without theory is blind, and theory without practice is sterile”.
OPINION
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
19
Two steps forward, ten steps back POINT OF VIEW BY GLEN CHRISTIAN TACASA OPINION EDITOR Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Glen Christian Tacasa kay Prof. Veronica Alporha ng UPLB Department of Social Sciences. Magiging mahirap para sa mga historyador, at mga nag-aaral ng ating kasaysayan na kilatisin ang kasaysayan ng Pilipinas habang patuloy itong binabaluktot ng mga Marcos. Ang pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang ay isang napakabigat na manipestasyon ng kanilang tahasang pagsisinungaling at pagbabago sa naratibo ng kasaysayan. Mula sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan, ano na nga ba ang saysay ng kasaysayan ng Batas Militar na binaka at ipinaglaban ng hene-henerasyong pilipino? Bilang historyador, ano ang inyong inisyal na reaksyon noong nakita n’yong nangunguna na sa bilangan si Bongbong Marcos sa pagkapangulo? Bilang isang historian, it felt like, ano ‘yung ginawa namin for the past years. Ako, relatively, bilang mas batang historyador, nandun din ‘yung panghihinyang [at] ‘yung feeling that we could really have done more. I mean maraming
mga material conditions ‘yung nag-determine nung resulta ng eleksyon, pero mahalaga talaga ‘yung factor nung tagumpay ng mga Marcos when it comes to reconstructing their image. And, consequently, when it comes to distorting history, marami naman nang pag-aaral at artikulo na lumabas tungkol d’yan, tungkol sa proyekto nila. I think ‘yung devastating victory ng anak ng diktador talagang sinementuhan ‘yung tagumpay ng maraming mga taong efforts ng mga Marcos at kanilang mga friends, kanilang mga kaalyado, dun sa pagbabalik nila sa kapangyarihan at pagbabaluktot nila ng kasaysayan. Anu-ano ang implikasyon sa kasaysayan ng pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan? Ako nakita ko talaga ito bilang isang; parang ano tayo e ‘two steps forward, ten steps back’. So I think that when it comes to the history of the nation, as a whole, this Marcosian victory really set us back for, I don’t know, we can say for at least fifty years. I think, what really devastated me, you know, the knowledge that, una wala akong kahit kaunting benefit of the doubt na kayang ibigay dito sa papapasok na administrasyong Marcos. Pangalawa, nakakalungkot isipin na akala natin uunlad ‘yung Pilipinas, at least in terms of governance, [or] in terms of our chances for a more progressive country, economically speaking [and] socially speaking, parang mukhang hindi mangyayari sa lifetime natin.
Ano ang implikasyon ng Marcos restoration para sa mga historyador? It definitely made our job harder, kasi ‘di ba, imagine mo paano mo ituturo ‘yung EDSA [People Power]? Paano mo ituturo ‘yung 1986? Paano mo ituturo ‘yung First Quarter Storm? Paano mo ituturo ‘yung Diliman Commune? Paano mo ituturo ‘yun sa mga tao na mayroon isang buong henerasyon ang nagsakripisyo ng kanilang buhay, ng kanilang husay, [at] ng kanilang kagalingan para laban ‘yung diktador at para manumbalik ‘yung demokrasya noong 1986. And then, 36 years later, ito na naman tayo. Sobrang hirap ipaliwanag n’on ngayon. For a lot of us historians, personal ‘yung struggle. Hindi na magiging ganun kadali ‘yung pagsusulat tungkol sa kasaysayan ng Batas Militar, [at] ng struggle. Ako personally, ang [research] interest ko din ay nandun rin sa period na ‘yun: the contemporary history of Martial Law, [and] of the mass movements that fought it for many decades. Totoo, na med’yo nakakatakot. The academe or the university really cannot cushion you forever, there will always be some threats to it. And speaking truth to power should not be hard, but with the current context, it will definitely be [hard]. Mula sa mga nangyari, bilang historyador, ano ang kahulugan at bigat ng panawagang ‘Never Again, Never Forget’? It’s not only about forgetting, it is also about giving them something to remember. What are the things that we should remember from
our Marcosian past, I think kailangan nating maalala ‘yun inspirasyon at idealismo ng mga nakaraang henerasyon na lumaban din sa diktadurya. We should not only clamor against forgetting, we should also clamor for the things that are worth remembering. How spectacular it was in 1986, when the people ousted a dictator after 25 years in power. Siguro ngayon ang hirap i-imagine na matatalo natin ‘yung pinagsanib na pwersang Marcos at Duterte, pero noong 1970s at 1980s, mahirap rin i-imagine na matalo ang mga Marcoses. If there’s one thing that history tells us or history allows us to do–it actually reminds us of the things we are capable of, as a people. In 1986, we have proven that we are capable of ousting a dictator, despite everything on his side [such as] the military [and] the economic elite. I believe we can do it again. Kaakibat ng panawagang ‘Never Again, Never Forget’ ang responsibilidad sa bayan, at hamon sa atin ng panahon. Sa mga susunod na buwan at taon, magiging mahirap ang ating laban. Kaakibat rin nito ang pagpapaalaala sa atin na mayroong buong henerasyon noong panahon ng diktadura na silang nagtibay ng kampanya kontra Batas Militar at kontra sa mga Marcos. Si Prof. Veronica Alporha ay isang assistant professor mula sa UPLB Department of Social Sciences, na nagtuturo ng HIST 1 - Philippine History at KAS 4 - Ang Kababaihan sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Ang hamon ng panahon sa sektor ng kaguruan POINT OF VIEW NI AIRA ANGELA DOMINGO ASSOCIATE OPINION EDITOR Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ng UPLB Perspective kay Prof. Karlo Mikhail Mongaya Ano pong reaksyon niyo sa pagtatalaga kay Sara Duterte as DepEd secretary? ‘Yung teacher sector are watching Sara, we are vigilant. We challenge kung anuman ang gagawin niya given na ito nga yung track record ng kanyang father. If babalikan natin, si Sara Duterte herself, nagkaroon din siya ng girian sa local chapter ng ACT in Davao. Instead of resolving ‘yung mga hinaing ng mga guro doon, ang ginawa niya [ay] ni-redtag pa niya ‘yung mga guro dahil ‘yung mga ACT daw ay rebelde etc etc. ‘Yan ‘yung stand namin kay Sara Duterte, given this kind of track record, we are watching Sara Duterte. Vigilant kami kung anuman ang mga nais niyang gawin. So problematic ‘yun para samin [kung saan] nandito tayo sa ngayon sa Pilipinas, may krisis sa edukasyon. Mas mataas yung sahod ng mga pulis at sundalo kaysa sa mga guro, bulok ang ating facilities, hindi pa nakakabalik [sa faceto-face classes]. You have the incoming DepEd secretary prioritizing ‘yung kanyang concept of national security, peace and order, discipline which is nothing more than sa balak nila na kitilin o paghigpitan ‘yung mga malayang mga
tinig, kritikal na tinig sa loob ng akademya. We have to be vigilant in protecting academic institutions as safe spaces for critical thinking. Anu-ano po ang mga posibleng epekto at implikasyon sa pagtatalaga kay Sara Duterte bilang DepEd secretary sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas? Recently, under the Duterte admin, itinalaga yung executive order no. 70 o yung whole of nation approach ng counterinsurgency. Lahat ng government agencies ay kinulumpon sa ilalim ng National Task Force to End the Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC). Bahagi ng kanilang “drive against terrorism and communism”, ‘yung pag-target sa mga dissenters and critical thinking academia. Tinangka nilang i-confiscate ‘yung mga books in public libraries, universities in the north, in Panay island. Lately din, ‘yung redtagging sa mga bookstores. Ganito ‘yung sinabi ni Sara na priority niya, then we would see siguro na ‘yan ‘yung continuation of these kinds of assaults and human rights. Secondly, if yun yung priority niya, hindi mareresolba yung matagal nang kinakaharap na krisis ng sektor ng edukasyon. If we continue to focus ang sa counterinsurgency sa paghihigpit at pagbabantay sa mga kritiko ng gobyerno, isa ‘yang problema. If hindi mahusay yung education system mo, then hindi ka magiging competitive, even sa point of view ng globalization. Hindi nagtutugma ‘yung mga pino-produce mo sa mga estudyante at sa global markets. If magpapatuloy yung ganito, hindi lang ito krisis ng edukasyon kundi krisis panlipunan. We would
have upcoming generations na walang kakayahang maiahon ‘yung krisis na kinakaharap ng lipunan natin. Usapin na ito kung paano ka makakaunawa sa katotohanan at sa kasinungalingan. Paano ka masanay na makatugon sa pangangailangan ng isang bayan. At ‘yun yung di matutugunan kung ang education system mo ay problematic. Sa tingin niyo po bakit itinutuloy pa rin nila Duterte ang militaristang edukasyon? From a limited amount of time, mapagpapatuloy mo ang paghahari mo. You have this Marcos-Duterte na click yung ruling faction, sa pag way nila kung paano i-govern ang ating lipunan. Nag far out way ‘yung self-interest for the perpetuation ng kanilang power over the needs of a nation-building. Kung kaya karugtong rin niyan, isa rin sa mga nakikita naming dapat harapin, itong spector of historical distortion. Dahil nga Bongbong Marcos and Sara Duterte ran on a platform in continuing the tyrannical platform of their dads, papabanguhin nila yon. Nabanggit niyo po ‘yung different struggles gaya ng historical distortion at pangre-redtag ng estado sa mga guro at sangkaestudyantehan, sa tingin niyo po ano ang mga posibleng paghahanda na maaring gawin ng mga nasa sektor ng edukasyon gaya ng mga guro at sangkaestudyantehan? Una, kailangan mag-organisa yung mga guro at estudyante. Hindi pwedeng watak-watak tayo hindi pwedeng paisa-isa. Iisa-isahin ka ring tatargetin ng mga nasa kapangyarihan.
Kailangan na nagkakaisa [at] organized. Kailangan din na vigilant mag-ingay, at mag-assert sa mga pang araw-araw na mga usapin at mga isyu na kinakaharap ng ating sektor and inuugnay ito sa pangkabuuang kalagayan ng ating bayan. Kaya bukod sa pago-organize within the academia, being vocal in our education issues, we have to link up din yung mga hinaing ng ibang mga sektor ng lipunan. Sa mga manggagawa, mga magsasaka. Kagaya ng nabanggit ni Prof. Karlo, ang edukasyon ay hindi nakakulong lang sa akademya. Lumalabas at tumutugon ito sa pangangailangan ng mga manggagawa, magsasaka at ng iba’t iba pang sektor ng lipunan. Subalit, imposible ang epektibong edukasyon kung nagkukulang ang benepisyo ng mga guro, kung hindi pa rin nakakabalik sa pisikal na paaralan ang mga estudyante at kung sinusupil ang mga kritikal na tinig ng ating bayan. Nakalugar ang tindig ng mga guro at estudyante sa makatotohanan at makatarungang kinabukasan. Dati nang nagsimula ang paglikha ng mga lugar para sa paninindigan. Ngunit, hindi na tayo dapat magtira ng espasyo para sa mas pahirap na estado. Higit kailanman, ang lugar ng ating tindig ay mas lalong dapat tibayan ngayon kasama ang mulat na masa. Si Karlo Mikhail Mongaya ay isang assistant professor sa University of the Philippines Diliman at secretary general ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND).
20
OPINION
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Nagkakaisang daing sa lumalalang sitwasyon ng online learning KO N T E K S T O NINA CHARLES JR CHANG, MARKUS FABREAG, AT RAINIE EDZ DAMPITAN STAFF WRITERS Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam nina Pierre Hubo, Shelow Monares, at Aira Domingo kina Gean Celestial at Mj Flores. Hindi inaprubahan ni UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr. ang panawagan ng UPLB University Student Council (USC) na i-extend ang deadline ng course requirements hanggang ika-17 ng Hunyo. Ito ay upang ganap na mamarkahan ang lahat ng course requirements kabilang na ang final examinations, nang higit na makapaghanda ang mga guro sa pagsumite ng mga marka sa darating na ika-23 ng Hunyo. Matatandaang nagpadala ng panawagan ang USC sa Office of the Chancellor noong ika-5 at ika-6 ng Hunyo dahil sa pagdulog sa kanila ng mga estudyante na humingi ng isang linggong palugit upang matapos ang final requirements. Ang hirap na dinaranas ng mga estudyante sa gitna ng online learning ay sinabayan pa ng pagputok ng Mt. Bulusan noong ika-5 ng Hunyo. Ayon kay UPLB USC Chairperson Gean Celestial, nasa 56 na mag-aaral ang malapit o nasa mismong lugar na apektado ng pagputok ng bulkan. Kaugnay ng mga isyung ito, kinapanayam ng UPLB Perspective si Celestial upang mapalalim ang karanasan at panawagan ng mga magaaral sa kasalukuyang semestre, at sa kalakhan ng online learning. Ano ang kadalasang complaints ng mga estudyante kaugnay ng academic workload? Nag-resort tayo sa pagpapa-extend na lang ng deadlines until June 17 kasi yun din naman yung pinaka-feasible na mangyari given na ‘yung pasahan ng grades ng faculty ay June 23. ‘Yung mga na-raise na concerns kung bakit yun ‘yung nangyari sa mga estudyante natin: Una, ‘di naman maiiwasan na parang may mga areas na wala talagang connection. Nawawalan ng connection from time to time so mahirap makapag-comply. Nandiyan din yung nare-raise na reasons ng mga estudyante natin ‘yung [election] campaign. Naging busy kasi sila sa pag-volunteer sa campaign. Dapat na bang maging University Policy ang konsiderasyon sa sitwasyon ng estudyante at kaguruan, pati na rin ang flexibility sa schedule, deadlines, at academic calendar? Yes. Matagal na natin kino-call na for as long as nasa pandemic, dapat na may ease na nararanasan. Although ang academic ease, mas naka-focus tayo sa online setup. Need natin ma-consider na same din ba ang demands para sa paparating na semester na magiging wider ang reopening. Dahil sa bigat ng mga problema at hirap na dinaranas ng mga estudyante ay mas lalong pinaigting ang mga panawagan para sa face-toface learning setup. 81 na mga estudyante ng UPLB ang naunang sumabak sa limited faceto-face setup nitong ikalawang semestre ng taong akademiko 2021-2022 (BASAHIN: 81 UPLB students approved for limited face-toface activities). Ayon kay Dr. Analyn Codilan, Ad Hoc
Committee Chair for the Gradual Reopening and Conduct of Limited F2F Class Activities, limited face-to-face activities pa rin ang ibibigay para sa 3rd year hanggang 4th year students para sa darating na midyear classes. Samantala, sa balitang inilabas ng UPLB Perspective noong Pebrero ng kasalukuyang taon, idinaing ng mga mag-aaral ang mabagal na Internet connection at madalas na pagkawala ng kuryente lalo na sa mga rural na lugar. Sa gitna ng mabibigat na course requirements, dagdag na pasakit pa sa kanila ang pandemya at mga nakalipas na sakuna. (KAUGNAY NA BALITA: UPLB students, faculty confront persisting challenges 2 years into remote learning) Upang makapagbigay ng Internet access at mga kakailanganing gadget para sa mga estudyante, binuksan nang 24 oras ang UPLB Learning Resource Center (LRC) mula noong ika-6 ng Hunyo at nagpatuloy hanggang ika17 ng Hunyo. Kaugnay ng mga isyung ito, nakapanayam ng UPLB Perspective si MJ Flores, BS Agriculture student, mula sa College of Agriculture and Food Science, upang mapalalim ang karanasan at panawagan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang semestre, at bigyang konteksto ang naganap na Occupy SU. Paano nakatulong ‘yung pagbubukas ng LRC 24/7 para sa mga estudyante na may pangangailangan ng learning space? Sobrang helpful ng LRC, kasi kumbaga may nagtatao nang students sa LB. And kahit naman may apartment eh minsan ay napipilitan ka pa ring magcafe o pumunta [sa campus] kasi hindi rin naman conducive sa loob ng apartments. [Sa LRC], ayon may food nga and may mga gadgets sila tapos 24/7 siya, ‘yung atmosphere din [nakakatulong kasi] nag-aaral ‘yung mga tao, so nakaka-help na mag-aral ka rin. Feel ko ‘yung mga students na kailangan ng Internet o saksakan o nagtitipid sa kuryente sa mga apartment, helpful siya for them para matapos ‘yung sem. Gaano kahalaga para sa’yo ang panawagang Occupy SU at pagkakaroon ng espasyo para sa mga estudyante? Ang ginawa ng students ay pinaglaban nila ‘yung spaces, so importante talaga na hanggang ngayon, kung saan nasa ilalim pa rin tayo ng remote learning, na ganoon pa rin ma-uphold ‘yung diwa na mag-assert sa space natin. Ngayon nga na nakikita natin na onti-onti nang bumabalik ang mga estudyante sa paaralan, onti-onti nang binubuksan ang campus. Kita naman natin ang mga tao sa Freedom Park ang dami, mga naglalakad sa campus ang dami, pero hindi pa rin tayo fully na nakakabalik o parang wala pa ring space ang students. So isa sigurong pagpapatibay ng panawagan para sa Ligtas na Balik Eskwela at saka sa pag-assert ng rights nating students at ng espasyo natin sa university [ang Occupy SU]. Kaya lagi akong nandito kasi pinaglaban siya at kailangan nating i-assert ‘yung right for LNBE [Ligtas na Balik Eskwela]. Ano ang general assessment mo sa kondukta ng kasalukuyang 2nd semester? Last semester nilaban talaga natin ‘yung i-postpone muna ‘yung school year kasi kita naman natin ‘yung kabi-kabilang [COVID-19 cases] surge at nakita natin na parang wala pang
LARAWAN MULA KAY CLAIRE SIBUCAO | PAGLALAPAT NI MICH MONTERON
concrete plan ang UP [System] o UPLB for LNBE, t’saka hindi pa resolved ‘yung students sa pagod mula sa nakaraang semester. Humingi rin tayo ng accountability sa CHED [Commission on Higher Education], DepEd [Department of Education] at kay [Pangulong] Duterte given that the set-up ay nagpahirap [sa students at faculty]. Ngayon naman, nag-request tayo ng acad extension pero hindi pinakinggan. Ang request kasi ngayon ay multi-sectoral, from students to professors, kasi nga kita naman natin ‘yung hirap. Kaya ngayong sem, dahil hindi napakinggan [ang mga panawagan] kahit na may “No Fail Policy” and such at malaking tulong sila, hindi niya pa rin maaaksyunan ‘yung ugat ng paghihirap, which is online learning and ‘yung pagkakaroon ng space sa campus. Hindi niya na-take into account [ang ibang panawagan] at parang band-aid solution lang siya sa need ng students at sa paghihirap ng students. Sapat ba ang panahon na nakalaan para sa 2nd semester? Kumbaga ay may divide sa pag-extend o pagpapaigting ng semester, personally feel ko kulang siya kasi minsan ‘yung implementation ng policies, like for example, ‘yung sa deadlines or leniency [ay] hindi nai-implement [ng maayos]. Although hindi ko naman masisisi ang faculty kasi sila ang maaapektuhan, pero hindi talaga nagkaroon ng maayos na implementation based din sa experiences ng mga kaibigan ko. Hindi rin siya sapat kasi hanggang ngayon ay ang dami pa ring naghahabol, pati ang faculty ay naghahabol, so obvious na ‘yon na kulang talaga ‘yung binigay na time for the semester. Ano ang panawagan mo sa UP Admin patungkol sa kondukta ng semester? Kailangan pang i-intensify ang panawagan natin for the extension of deadlines at Ligtas na Balik Eskwela. Hindi lang naman ang students ang nagpapatawag kundi ang faculty na rin kasi maghahabol din sila ng grades. Kailangan [ang ligtas na balik eskwela] kasi ang online learning ay nagpalala pa sa pagiging anti-student ng edukasyon, kumbaga sinong mas privileged [lang sa online learning]. Pagod na rin tayo after two years. Compromised din ‘yung learning kasi nagpapasa na lang tayo ng requirements, so kailangan
talaga we really achieve it. Tapos nand’yan pa rin ang mga problema sa education, for example ‘yung unwanted fees and neoliberalism. Kaya sana ay mapakinggan ‘yung panawagan for academic extension and Ligtas na Balik Eskwela for students and faculty. Makikita sa panayam na ito na lalong lumalala ang kalagayan ng lahat habang tumatagal tayo sa ilalim ng online learning. Ang kawalan ng stable internet connection, at kaaya-aya at akmang espasyo para makapag-aral, kasabay ng lumalalang mental health conditions, at napakaraming requirements na kailangang ipasa ng mga estudyante. Sa dalawang taon ng online learning ngayong pandemya, tuwing katapusanan na lamang ng semestre ay umiigting ang panawagan para sa academic ease at leniency. Tuwing katapusan na lamang ng semestre ay pasan-pasan ng kaguruan at mga estudyante ang kondukta ng buong semestre, lalo na’t mas napaikli pa ang academic calendar ngayong pandemya. Kaakibat nito ang iba’t ibang hamon na kinakaharap, hindi lang sa mga estudyante, kundi maging sa kaguruan. Gahol na gahol na ang mga estudyante at kaguruan sa mas pinaikling semestre. Hindi pa ba napapansin ng UP admin ang hirap na dinadanas ng mga estudyante at faculty sa ilalim ng online learning? Dapat nang maging pangkalahatang polisiya ng pamantasan ang leniency at flexibility sa academic calendar at deadlines. Hindi sapat ang kakarampot na panahong inilalaan sa kada semestre. Ang nagagawa lamang nito ay pilitin ang mga estudyante na magpasa ng requirements bago ang nakapataw na deadline kahit na hindi siya nasisiyahan sa kanyang output, at wala nang tunay na pagkatuto mula sa mga kurso. Taon-taon na lamang din naman nagmamakaawa ang mga estudyante at guro para sa tunay na academic ease, kaya oras na para pakinggan ng admin ang mga hinaing at ipatupad ang mga panawagan. [P] ONLINE
uplbperspective.org Read the full story and additional context on our website uplbperspective.org
OPINION
U P L B P E R S P EC T I V E .O R G | M A Y-J U N E 2 02 2
21
Tungo sa multisektoral na pagtingin sa isyung remote learning Nakapanayam ng Perspective si Prof. Laurence Marvin Castillo, Vice President for Faculty ng All UP Academic Employees Union - UPLB upang pag-usapan ang mga dinanas ng kaguruan sa pagtatapos ng semestre at ikalawang sunod na taon ng remote learning. KO N T E K S T O NINA SAM DELIS AT EJ LASANAS STAFF WRITERS Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Sam Delis kay Prof. Laurence Marvin Castillo ng All UP Academic Employees Union - Los Baños Upang makapagsumite ng mga grado ang mga guro sa itinakdang deadline nito noong ika-23 ng Hunyo, hindi inaprubahan ni UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr. ang panawagan ng UPLB University Student Council (USC) na i-extend ang deadline ng course requirements ng mga mag-aaral hanggang ika-17 ng Hunyo. Upang mas bigyang-linaw pa ang karanasan ng mga guro sa kasalukuyang semestre at sa kalakhan ng online learning, nakapanayam ng Perspective si Prof. Laurence Marvin Castillo, vice-president for faculty ng All UP Academic Employees Union - UPLB. Kumusta po ang inyong kalagayan bilang isang faculty member sa katatapos lamang na semestre? We have encountered a lot of political upheaval. Of course, we are familiar with what happened with the campaign, and many students participated in the campaigns. May mga faculty members din s’yempre na very invested from a distance kasi we understand we cannot really engage in campaigning (…) And then after the elections, s’yempre, bahagi din niyan yung demoralization na naranasan ng mga estudyante, and we are very familiar with this feeling. And we, of course, are not alien to that kind of feeling.
Nakikiisa din ang unyon sa ganitong klase ng solidarity na magkaroon ng parang pagre-relax ng requirements ‘yung panawagan ng Office of Student Regent na itigil ‘yung mga gawain after the elections. Sa ngayon ay gipit syempre [ang mga faculty members] dahil sa ganitong klase ng mga
kalagayan. Usually naman kasi sa pagtuturo, laging nararanasan ng mga guro ‘yung pinakahuling bahagi ng semester in terms of the torment, the toil, ‘yung work that comes with the checking, ‘yung mga last-minute na paghahabol ng mga estudyante sa kanilang academic standing – ito ‘yung kasalukuyang nararanasan namin. Nasa Check Republic kami ngayon, and of course we are expected to turn in our grades by June 23. Dito sa Department of Humanities, makikita mo talagang busy ang mga tao sa paghahabol ng mga checkables at syempre kaakibat niyan ‘yung pagpapakita ng standing sa mga estudyante. So it’s really practically a very difficult time for faculty members at this point. Ano po ang inyong general assessment sa conduct ng 2nd semester? Napakaraming mga pinagdaanan ng semester na ito, and the foremost concern about that ay ‘yung mga disasters na naranasan ng mga estudyante, kagaya ng Typhoon Odette at the beginning of the semester, at ngayon ‘yung sa Sorsogon din, may isyu din ng volcanic eruption, tapos ‘yung elections pa. So it was really, very difficult for us in terms of how we [will] assess the semester. Tingin ko, ito ‘yung karanasan ng maraming guro ngayon e, hindi lang guro s’yempre lahat ng sektor–how we would navigate ‘yung tension sa pagitan ng existing schedule at pagiging humane ng university. I would say that hindi talaga completely masa-satisfy lahat ng mga nangyari kasi ‘yung isyu ng grades deadline ay isang multisectoral na isyu. I don’t think that faculty members are lacking sympathy sa mga nangyayari kasi, individually, ang mga faculty members ay nagbibigay ng mga considerations [at] naga-adjust ng kani-kanilang mga kalendaryo, although we understand that we are all constrained by all of these events na external sa university operations. It’s really a very difficult balancing act for all the sectors involved and it’s more crucial at the same time dahil mayroon tayong malakihang elections. I think ito talaga ‘yung nagpapaiba ng semester na ito kumpara sa mga nakaraang semesters. May isa kasing malaking political upheaval, and that makes this semester distinct from the previous ones. Sa konteksto po ng mga gawain ng faculty ngayon, kailangan niyo rin po ba ng extension for the submission of grades? In all fairness kasi, may coordination naman talaga ang USC [University Student Council] at AUPAEU [All UP Academic Employees Union], and I think ito dapat ‘yung panatilihin ano – ‘yung multisectoral conversation [at] ‘yung multisectoral coordination – in terms of issues related on how to handle the semester kasi it’s an issue that affects students and faculty members. Noong nag-broach ng idea na magre-request ng extension [for requirements deadline] ang USC, naipaalam naman ito sa AUPAEU. And of course, understandably, maraming kasapi ng unyon ang medyo careful sa ganitong klase ng call. Kami naman, open kami for the possibility na i-extend [ang deadline of
requirements] pero dapat ay may kalakip na extension din for grades [submission]. We are very careful in terms of responding to the call [for extending the deadline of requirements]. Sa end namin, meron din kaming panawagan kaugnay ng pagpapagaan ng aming mga workload. Ano po ang masasabi niyo sa hindi pag-apruba ni Chancellor Camacho sa request ng USC? In the absence of the move to adjust the deadline, it’s very sensible actually, kasi parang we also have to devote an ample amount of time [for us]. Pero may clause naman si Chancellor Camacho [sa memo], ‘di ba, na para dun sa mga affected sa volcanic eruption sa Sorsogon – we also have to make specific adjustments for those students. It’s also something na we encourage sa members ng mga union, [na] while hindi nagkaroon ng adjustment [sa memo], tayo [faculty members] mismo individually ay mag-provide ng necessary consideration. Kasi kahit ‘di naman na-approve ni Chancellor Camacho [ang request], may recognition ang ating mga kaguruan sa pangangailangan na mas maging considerate sa mga estudyante in the face of the various issues. While the administration understands the need to be more cautious about addressing these concerns, we also have to take into consideration na ‘yung ganitong klaseng administrative concerns ay hindi dapat magsara ng posibilidad sa tuloy-tuloy na koordinasyon sa hanay ng mga guro at estudyante. Kaya nga importante talaga yung komunikasyon para masiguro na may dayalogo for learning and survival. Kasi we’re still in survival mode, [thus] it is necessary to maintain coordination. Ano po sa tingin ninyo ang dapat na ipanawagan sa admin para matugunan ang sentiments ng mga guro at mga mag-aaral? Well, s’yempre sa mga guro, nararamdaman natin ang kanilang mga sentimyento at mga pagtatanong na nilinawin ‘yung plano hinggil sa pagbubukas ng unibersidad. Until now, nag-aantabay pa rin tayo ng mga updates kung ano ang magiging footing natin for the next few semesters. I think ‘yun ang panawagan talaga, ang Ligtas na Balik Eskwela. Pero s’yempre kaakibat niyan ‘yung paglilinaw ng mga kondisyon na kinakailangang ilapag ng administrasyon upang tiyakin na ‘yung pagbabalik-eskwela ay magiging ligtas. Sa hanay ng mga staff at kaguruan ay ‘yung tuloy-tuloy na suporta sa usaping teknikal na aspeto gaya ng pag-secure ng safety sa paggamit ng mga opisina at pagtitiyak ng maayos na internet connection para rin maging efficient ang paggampan sa ating mga tungkulin. I think isa itong issue na hindi nakakulong sa university – ‘yung pagtitiyak na mayroong maayos na healthcare situation para sa ating mga kawani. Alam nating napakabigat na implikasyon ng pagbabayad ng premium ng PhilHealth na nadagdagan ‘no, pero s’yempre, nandiyan ‘yung matinding demand na nakikita o nararamdaman natin sa kinakaltas sa ating sahod. Ang isang comprehensive na healthcare system ay isa sa mga pangangailangan ng ating mga kawani – mga guro, administrative staff,
at REPS. Tingin niyo po ba ay dapat nang maging isang University Policy ang consideration sa sitwasyon ng estudyante at kaguruan, pati na rin ang flexibility sa schedule, deadlines, at academic calendar? I think maganda siyang pag-usapan. Naniniwala akong kailangang mas maging makatao ng university sa lahat ng mga sektor na kabahagi nito. I think yung pagtatalaga ng malinaw na mga patakaran sa academic ease ay isang pangangailangan. It’s the COVID situation that compelled us to really consider all of these policy changes. Of course, doon pa rin ako magba-bank sa pangangailangan na ‘yung drafting sa ganitong klaseng patakaran ng academic ease, bilang isang university-wide na move, ay it should be a multisectoral effort para ma-ensure na nobody gets left behind.
I think that’s the very important principle dito, na walang iwanan. “Dapat All”, ika nga ng aming unyon. It’s a very welcome proposal and possibility but we must ensure that all the voices of stakeholders and UP constituents should be heard. Dapat bigyan ng venue at espasyo sa pagfo-formulate ng academic ease bilang isang policy.
Si Prof. Laurence Marvin Castillo ay isang assistant professor sa UPLB, at Vice President for Faculty ng All UP Academic Employees Union - UPLB.
ONLINE
uplbperspective.org Read the full story and additional context on our website uplbperspective.org
24
EDITORYAL
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
ANG MGA SENYAS NG GUMUGUHONG DEMOKRASYA DIBUHO NI LEOJAVE ANTHONY INCON
Hunyo ika-30 ipronoklama si Bongbong Marcos bilang pangulo at ito ang pinakamatibay na manipestasyon sa bulok ang makinarya ng demokrasya. Wala nang natitirang integridad ang eleksyon sa bansa. Sa dapat, ang eleksyon ay isang plataporma ng mga mamamayan upang mapakinggan ang kanilang hinaing sa susunod na administrasyon; ngunit kinitil nina Marcos at Duterte ang karapatan natin sa malinis na eleksyon. Sa pamamagitan ng disinformation at sistematikong manipulasyon, nagwagi ang Marcos-Duterte tandem sa pagkapanalo ng eleksyon. Ang paglilinis ng kanilang imahe at pag-atake sa mga katotohanan ng Batas Militar ay nasa ibabaw lamang ng dekadang pagmamanipula sa taumbayan. Hinihigpitan nila ang kanilang hawak sa Kataastaasang Hukuman, habang kaalyado na nila karamihan ng nakaupo sa Kagawarang Tagapagbatas. Dala nito ang bantang mawasak ang pundasyon ng ating batayang karapatan. Sa darating na mga araw, linggo at buwan, asahan natin na ang sunud-sunod na panunupil sa ika-apat na pundasyon ng demokrasya. Mananatili ang fake news, censorship, at pag-discredit sa lehitimong medya at mamamahayag. Unang araw pa lamang bilang president-elect at pinigilan na sa pag-akses ng press conference ang tatlong tagapagbalita. Patuloy pa rin pagpapahirap sa media at tumindi lang ang pag-atake sa mga mamamahayag. Walang nag-iba sa kanilang layunin na patahimikin ang mga kritiko. Habang Marcos at Duterte ang nakaupo sa Malacañang mananatiling nasa panganib pa rin ang malayang pamamahayag. Ilang araw bago umupo sa pwesto si Marcos, inutusan ng National Security Council ang National Telecommunications
S I N C E 1 9 7 3 • TA O N 4 8, B I L A N G 4
Ang opisyal na pahayagan ng mga magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños Silid 11, 2nd Floor Student Union Building, Mariano M. Mondonedo Avenue, UPLB 4031 perspective.uplb@up.edu.ph O P I N I O N opinion.uplbperspective@gmail.com O R GWA TC H orgwatch.uplbperspective@gmail.com E D I TO R I A L
Miyembro, UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (UP Solidaridad) at ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP)
SONYA MARIELLA CASTILLO Punong Patnugot
GLEN CHRISTIAN TACASA Patnugot ng Opinyon
KRYSTELLE LOUISE LACHICA Patnugot sa Online
CLAIRE DENISE SIBUCAO Kapatnugot
KYLE HENDRICK SIGAYA Patnugot ng Produksyon
JUAN SEBASTIAN EVANGELISTA GIANCARLO KHALIL MORRONDOZ
BEYONCÉ ANNE MARIE NAVA Tagapamahala ng Sirkulasyon
Mga Tagapamahalang Patnugot
ARIANNE MER PAAS Patnugot ng Produksyon, OIC Kapatnugot sa Paglalapat
MARK ERNEST FAMATIGAN Tagapamahala ng Pinansya
JONAS ATIENZA Kapatnugot sa Paglalapat, OIC
ROBERT ROY GALLARDO Recruitment and Training Officer
JASE MICHAEL MANATAD Kapatnugot sa Grapiks
ARON JAN MITCHELL SIERVA Patnugot ng Balita GABRIEL JOV DOLOT Patnugot ng Lathalain KYLE RAMIEL DALANGIN Patnugot ng Kultura
LEOJAVE ANTHONY INCON Kapatnugot sa Grapiks, OIC JONEL REI MENDOZA Kapatnugot sa Litrato
Commission na harangan ang pag-akses sa website ng mga progresibong grupo kagaya ng Pamalakaya, Save Our Schools Network, AMIHAN, at ang mga alternatibong pahayagan na Bulatlat at Pinoy Weekly; sa ganitong paraan, lantarang sinusupil ang karapatan nating magsalita, magsulat nang malaya. Ilan din sa mga hinarangan ay mga alternative media outlet, na nagpapalabas ng balita at artikulong nagpapakita ng malalim na suliranin ng lipunan dulot ng mapang-abusong sistema. Ang atakeng ito ay atake sa batayang karapatan natin para sa kritikal na impormasyon. Ang pagpatumba sa malayang pamamahayag ay nagsimula pa sa unang taon ng pandemya, sa pagtanggal ni Duterte ng lisensya ng ABS-CBN. Tumatatag na sila ng isang ‘Firewall’ para itago sa mamamayang Pilipino ang totoong kalagayan ng bansa. Ang pilit na pagpapatahimik sa Bulatlat at Pinoy Weekly ay simula ng malawakang censorship ng mga iba pang medya outlets na hindi sumusunod sa utos ng gobyerno. Kokontrolin ni Marcos ang media, bilang isa rin ito sa mga ginawa ng kanyang tatay upang sirain ang demokrasya na pinaglaban ng ating mga ninuno. Naitatag ang UPLB Perspective sa panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos Sr., nanguna ang publikasyon upang makibaka para sa karapatan sa malayang pananalita at malayang pamamahayag sa ilalim ng Batas Militar. Ngayong may panibagong Marcos ang iniluklok, Patuloy na kinokondena ng UPLB Perspective ang pagsupil sa mga alternatibong midya at mga progressibong mamahayag, disimpormasyon sa sistematikong manipulasyon at pang-abuso ng tambalang Marcos-Duterte. [P]
JOSIAH BUMAHIT Dibuho ng Pabalat
MGA KAWANI Johanne Gonzalez, Shane Agarao, Edan Aguillon, Michael Bartido, Mikko Bartolome, Axcel Beltran, Federick Biendima, Caleb Buenaluz, Josiah Bumahit, Allaisa Calserada, Ralph Caneos, Angelyn Castillo, Charleston Jr. Chang, Princess Curioso, Kyle Dalangin, Daniel Del Mundo, Toni Dimaano, Vince Dizon, Aira Domingo, Emerson Espejo, Mark Fabreag, EJ Lasanas, Justine Fuentes, Aynrand Galicia, Laeh Garcia, Pierre Hubo, Kyla Jimenez, Kyela Jose, Jemielyn Lacap, Taj Lagulao, Philip Li, Reuben Martinez, Franklin Masangkay, James Masangya, Zahir Meditar, Frances Mendoza, Reignne Francisco, Michael Monteron, Ethan Pahm, Edie Palo, Lindsay Peñaranda, Bianca Rabe, Vianne Redoblado, Jean Reyes, Reysielle Reyes, Dana Sandoval, Rosemarie Sollorano, Fiona Uyyangco, Dean Valmeo, Mac Arboleda, James Bajar, Paula Bautista, Paul Carson, Cyril Chan, Jandelle Cruz, Gerardo Jr. Laydia, Dayniele Loren, Kennlee Orola, Isabel Pangilinan, Aesha Sarrol, Jermaine Valerio, Shane Del Rosario, Marl Ollave, Leda Samin, Joaquin Gonzalez IV, Honey Dela Paz, Khayil Sorima, Ron Babaran, Aliah Pine, Abel Genovaña, Rainie Dampitan, Reinne Espinosa, Josh Atayde, Kyla Adornado, Ma. Iana Balobalo, Shelow Monares, Michael Christopher Rebullida, Loren Joy Verastigue, Roanna Iloiza Vitug, Katrina Gonzales, Norland Cruz, Paulo Quintana Therese Ann Hope Sagaya, Alexandra Delis, Samantha Delis, Moesha Estillero, John Famorcan, Rainielle Guison, Fiona Macapagal, Danielle Malantic, Jonathan Merez